Epilogue

A/N: Ako'y lubos na nagpapasalamat sa mga mambabasang umabot hanggang dito sa Epilogue. Ito na ang pinakahuling kabanata ng istoryang ito. Muli, maraming salamat sa inyo. :)

Spring Day

Kelly's point of view

Ilang taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang kinatatakutan ng lahat. Ilang taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat. Lahat na hindi inaasahan. Lahat ng pinakamasakit. Lahat ng masaklap. Lahat ng pait. Lahat ng pagkawasak. At lahat ng tagumpay.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na heto ako ngayon at buhay pa. Buhay na buhay pa habang katabi ang taong akala ko noon ay hindi ko alam kung totoo ba ang nararamdaman para sa 'kin. Katabi ko ngayon ang taong akala ko ay hindi para sa 'kin. Ang taong akala ko ay lokohan lang ang lahat. Ang lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaking nagligtas sa buhay ng lahat. Ang lalaking baliw ng buhay ko.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nagmamaneho. Bakit ba ang gwapo mo, Honey?

Tinaas niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko na ikinangiti ko. Paulit-ulit niyang hinalikan ito kaya nakarinig kami ng 'ayiee' sa likod na ikinatawa naming dalawa. Lumapit ako kay Tey at hinalikan ko ito sa kanyang pisngi at bumulong.

"Mahal kita, Honey."

"'Wag ngayon, Honey, baka hindi ako makapagpigil. Bahala ka." natatawa niyang sabi na ikinatawa ko rin.

Umayos na ako ng upo at pinagmasdan ko ang labas. Spring Day ngayon dito sa Bangtan City. Nakakatuwang pagmasdan ang lungsod ngayon. Ang gaganda ng mga dahong naglalaglagan. Ang ganda ng paligid dahil hindi ito puno ng bangkay o dugo. Puno ito ng mga dahong naggagandahan. Ang sarap sa mata.

Ang sarap sa pakiramdam dahil sa wakas ay maayos na ang lungsod. Wala ng ranking na nagaganap pero ang curfew ay patuloy pa rin. Kaso iba na ang takbo ng curfew ngayon. Kapag naabutan ka sa itinakdang oras, hindi ka naman agad papatayin, bibigyan ka lang ng parusa dahil sa paglabag na ginawa mo. Wala ng patayan ang magaganap sa lungsod na ito.

Ang mga clone na nagawa ay hindi na namin inayos pa ang lagay nito. Napagdesisyunan namin na gawing taga-bantay ang mga ito o taga-linis ng buong lungsod. Nakakatawa nga lang dahil kamukha lahat ng mga kaibigan namin ang mga ito.

Huminto na ang sasakyan at namuo nang kusa ang luha sa mata ko nang matanaw ko ang puntod ng Papa at Kuya ko, pati na rin ang puntod ng mga kaibigan ko.

Miss ko na sila.

Bumaba kami ng kotse at ang mga bata ay nagtakbuhan sa mga puntod at sinalubong ang mga ito.

"Lolo! Tito!" sabay na bati nila roon at hinalikan ang lapida nito.

"Hello po, mga ninong at ninang! Nandito po ulit kami!" masaya ulit nilang bati.

Napatingin kami sa gilid nang may pumarada ring tatlong kotse at lumabas sa isang kotse ang makulit ding batang babae. Sinalubong namin ni Tey si Jin at si Yuri'ng malaki na ang tiyan.

Nagbatian kami at nagbesohan. Lumabas naman sa isang kotse si Juko at ang karelasyon niyang si Arabela. Wala pa siyang anak dahil masyado pa siyang bata at mukhang hindi pa marunong dumiskarte. Pero engaged naman na ang dalawa.

At sa pinakahuling kotse ay lumabas doon si Airo, Kylie, at ang batang babaeng inampon nila na si Sheryl. Nakakatandang kapatid ni Hook si Kyle. Nagulat kami nang malaman namin iyon. At ang mas nakakagulat ay namatay ang anak ni Airo at Kylie dahil sa delubyong naganap. At si Sheryl naman na iniligtas noon ni Airo ay inampon nila.

Naikwento rin sa amin ni Jin na si Sheryl daw 'yung bata na naka-usap niya noon sa Blood Tree. Si Sheryl daw 'yung binigyan niya ng lollipop noon.

Kaya inampon ni Airo at Kylie si Sheryl ay dahil na rin sa kawalan ng magulang nito. Airo, Kylie, at Sheryl ay normal na mga tao. Hindi sila katulad namin na Bulletproof. Si Kylie at Hook ay half brother and sister. Magkapatid sila sa ina at ang tatay ni Hook ay ang Bulletproof at 'yung tatay naman ni Kylie ay hindi.

Nagkangitian kaming lahat at sabay-sabay kaming pumunta sa puntod. Binaba ni Tey ang mga pagkaing dala at ganu'n din ang ginawa ng iba. Kaming mga babae ay naglatag at inayos namin ang mga pagkain.

Ngayong araw ay ang Death Anniversary nila. Masakit mang isipin na wala na sila pero iyon ang katotohanan na kailangan naming tanggapin.

Pumunta ako sa puntod ng Papa at Kuya ko at inilagay ko ang bulaklak kong dala para sa kanila. Umupo ako sa harapan nila at hindi ko mapigilang maiyak.

Papa, Kuya, kung naririnig niyo man ang mga iniisip ko. Gusto ko lang sabihin na miss ko na kauo. Miss na kita, Papa. Miss na kita, Kuya. Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na hindi ako umiyak dahil sa pagkawala ninyo. At walang araw na hindi kayo natanggal sa puso ko. 'Pa, mahal na mahal kita. Kayong lahat, mahal ko. Oo, malungkot ako dahil iniwan n'yo ako rito pero masaya rin ako dahil alam kong masaya ka diyan kasama sina Mama at Kuya. Alam kong masaya ka diyan kaya sinusubukan ko ring maging masaya rito.

Masaya naman ako dahil kasama ko ang pamilya ko. Si Tey, Teki, Key, at ang mga kaibigang naiwan ay masaya naman akong kasama sila. Pero hindi ko lang talaga maiwasang malungkot sa tuwing naaalala ko kayo, Papa, Kuya.

Biglang humangin kaya napapikit ako at dinamdam ito. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong may yumakap sa 'kin. Lalo akong naiyak kaya tinakpan ko ang mukha ko.

"Papa, miss na miss ko na talaga kayo..." humihikbi kong saad.

Pinahupa ko muna ang pag-iyak ko bago ako dumapo sa puntod ng mga kaibigan ko. Kagaya ng ginawa ko kay Papa at Kuya ay nilagyan ko rin sila ng bulaklak at naiyak din ako sa kakaisip ng aming mga alaala.

"Happy 4th Death Anniversary, Guys. Mahal na mahal namin kayo." sabay-sabay naming banggit.

Kung ako ay madrama sa harap ng tatay ko. Si Kylie naman ay madrama sa harap ng kanyang nakababatang kapatid.

"Hook, miss na kita..." umiiyak na sambit ni Kylie. Si Airo naman ay abot ang hagod sa likod niya.

"Argh! Ang drama na naman natin! Tuwing death anniversary nila, walang oras na hindi tayo umiiyak." natatawang sabi ni Yuri habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Hayaan mo na, Babe. Maganda ka pa rin naman kahit umiiyak." paglalambing ni Jin dito. Natawa naman kami nang sikuhin siya ni Yuri.

"Oo nga, eh. Lagi tuloy akong nao-op kapag umiiyak kayo." nakangusong sambit ni Arabela na inakbayan naman ni Juko.

"Umiyak ka na lang din kasi, Mahal." nakangising bulong ni Juko rito na ikinamula ni Arabela.

Natawa ako at napatingin naman ako kay Tey na nakatayo pa rin habang nakatanaw sa puntod ng aming mga kaibigan. Tumayo ako at nilapitan siya. Yinakap ko siya sa kanyang tagiliran at tinanaw ko ang gwapo niyang mukha.

"'Wag mong sabibin na maglulumpasay ka na naman kakaiyak?" pagbibiro ko na ikinanguso niya.

Inakbayan niya ako at tinitigan sa mata. Hanggang ngayon ay damang-dama ko ang panlalambot ng tuhod ko sa tuwing tinititigan niya ako. Nahulog na talaga ako nang sobra sa lalaking 'to!

Akala ko noon ay crush ko lang siya o ano. Iyon pala ay mahal ko na siya. Akala ko noon ay puro biro lang ang lahat pero nagkamali pala ako. Ang hirap kasing alamin kung ano ang biro at ang seryoso.

"Miss ko na sila. Miss ko na ang mga kaibigan ko." malungkot niyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

Nginitian ko siya at hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"H'wag kang mag-alala, miss na rin nila tayo kaya kwits lang."

Hahalikan niya na sana ako nang biglang may yumakap sa binti ko at ngumangawa pa ito. Inis na napanguso si Tey na ikinatawa ko.

"Uwaaah! Mommy, si Key, oh!" pagsusumbong ng anak naming lalaki. Namana ng anak naming lalaki ang mata ko, balat ko at namana naman niya kay Tey ay ang ilong at labi nito. Pati rin ang ugali nitong kauratan ay namana rin.

Binuhat ko siya at pinunasan ko ang luha niya.

Ayokong nakikitang umiiyak ang mga anak ko dahil naaalala ang mga alaala ko noon.

"Mommy, hindi ako 'yun 'no! Si Yujin kaya 'yun." pagtuturo naman ni Key kay Yujin na tumatawa.

Si Key ay kamukhang-kamukha ng kanyang sira-ulong tatay. Tanging kutis at mata ko lang ang namana niya.

"Hahahaha! Ang pangit mong umiyak, Teki!" panunukso ni Yujin na mas lalong ikinaiyak ng anak kong lalaki.

"Ang bad mo talaga, Yujin!" sigaw ni Sheryl kay Yujin. Si Sheryl ang kanilang taga-bawal minsan dahil siya ang mas nakatatanda.

Sinuway naman ng mag-asawang si Jin at Yuri ang anak nila. Si Tey naman ay parang timang na tinukso ang dalawang batang si Yujin at Teki.

"Ikaw, Yujin, ah. Siguro crush mo ang anak ko kaya sinusura mo siya. Crush mo anak ko, 'no? Crush mo?" pangungulit ni Tey kay Yujin na namumula habang tumakbo papunta sa mommy at daddy niya.

"H-Hindi ko po siya c-crush!"

"Naku! Kung hindi, edi mahal mo, gano'n?" pangungulit pa lalo ni Tey. Napailing ako at sinipa ko siya sa binti na ikinagulat niya.

"Tey, bata pa 'yang mga 'yan!" pagsuway ko sa kanya pero dinilaan niya lang ako.

"Grabe, ang sira-ulo talaga ni Tey. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging magkaibigan kayo ni Hook." umiiling-iling na sabi ni Kylie.

Lumapit sa akin si Key at sinabing nagugutom na raw siya. Tinawag ko si Tey na parang bata para pakainin si Key.

Pinunasan ko ang mukhang basa ni Teki na pahikbi-hikbi na lang ngayon.

"Teki, kalalaki mong tao ang iyakin mo. Mana ka talaga sa tatay mong baliw. Anak, ang mga lalaki ay hindi dapat umiiyak. Tandaan mo 'yan. Okay?" parangal ko rito.

Napanguso siya at tumango. Si Tey naman kasi eh, kung anu-anong kabaklaan 'yung tinuturo sa anak naming lalaki. Kaya ang sarap ibaon ni Tey sa lupa, eh.

Umihip muli ang hangin na nagpakalma sa damdamin ko. Pumikit ako at dinamdam ito. Naramdaman kong hinaplos ni Teki ang mukha ko at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

"Mommy, ang ganda mo po talaga," bulong niya sa akin at yinakap niya ako.

Si Teki ay mommy's boy at si Key ay daddy's girl. Kambal silang dalawa, boy at girl. Tatlong taong gulang pa lang sila. Nakakalungkot lang na wala silang makilalang Lolo at Lola na buhay sa side ko. Mabuti na lang at may Lola sila sa side ni Tey. Para kahit papaano ay may lola silang humihinga pa.

Dinilat ko unti-unti ang mata ko at bumungad sa akin ang magandang tanawin ng lungsod. Nasa tuktok ng burol ang puntod nila. Bumungad sa akin ang paghangin muli at ang magandang paglipad ng mga dahong naggagandahan. Bumungad din sa aking paningin ang nagsasayahang mga tao. Hindi lang Bulletproof kundi pati na rin mismo ang mga normal na tao. Ang sarap sa mata na magkasundo na rin sa wakas ang normal na tao sa katulad naming mga Bulletproof.

Ang pagiging Bulletproof ay hindi kailan magiging madali.

Walang madali sa buhay at lahat ay pinaghihirapan. Pero kapag nakamit mo naman ito ay masarap sa pakiramdam dahil nakamit mo ito dahil sa paghihirap mo. Nakamit mo ito kasama ang iyong blood, sweat, tears. Nakamit mo ito dahil sa bigay todo mo.

Naramdaman kong may yumakap sa aking malaking braso at maliit na braso na ikinatibok ng puso ko. Ang pamilya ko.

Kaya nakamit mo itong lahat ay dahil mahal mo ito. Lahat ay nagawa mo dahil sa suporta at pagmamahal na nararamdaman mo galing sa kanila. Lahat talaga ay makakaya mo basta may mga brasong tutulong para sa pagbangon mo.

Lahat ay makakaya mo dahil buong pagmamahal ang binigay mo.

Ngayon, lahat ng mga napagdaanan namin sa aming buhay. Lahat ng aming naranasang kakaiba. Lahat ng aming nasaksihan at naramdaman. Ngayon ay wala ng makakapanakit pa. Lahat ng sakit ay hindi na mararamdaman pa. Lahat ng hapdi ay hindi na tatagos pa. Lahat ng takot ay malalampasan na dahil kami ay isang Bulletproof.

Mas matindi, walang kinatatakutan, kami ay Bulletproof.

bul·let·proof
ˈbo͝olətˌpro͞of/

adjective - made to resist the penetration of pains.

"a bulletproof heart"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top