Chapter 9: Ranking

Third person's point of view

Tahimik at maganda ang gising ng mga tao sa loob ng Bangtan City. Masaya silang nagkakainan at nagke-kwentuhan.

Ang walo sa bahay ng nagngangalang Kelly ay masayang nag-aasaran habang kumakain sa hapag para makapasok na sa kanilang eskwelahan.

Ang lahat ay nagulat, nagtaka, at mayroon pang naudlot sa pagligo dahil sa biglaang pagtunog sa hindi malamang dahilan. Ang tunog na ito'y parang naghihikayat na magtago ka na sa isang lugar dahil kaya ka nitong hanapin at patayin. Nakakatakot at nakakakilabot ang tunog. At mahabang tunog ang bumalot sa loob ng Bangtan City na ikinataka ng lahat.

Si Kelly ay may suspetsiya na kung ano at para saan ang tunog. Samantalang ang kanyang pito na kasama ay nangingilabot na dahil sa tunog.

Lumabas ang lahat ng tao sa kani-kanilang bahay o dorm para hanapin at hagilapin kung saan nanggagaling ang tunog.

"Jusko. Kelly, ganyan ba talaga minsan ang alarm ng lungsod na 'to?" nanginginig na tanong ni Hook sa dalaga.

Lumilinga-linga si Kelly sa paligid at parang may hinahanap sa kung saan.

Biglang nagulat ang lahat nang biglang may tumunog ulit na masakit sa tainga at sadyang nakakangilo kaya napatakip sila sa kanilang tainga.

"Anong tunog iyon?!" inis na sigaw ni Yong habang nakatakip sa kanyang tainga.

Halos magpasalamat ang lahat nang biglang tumigil ang tunog pero may bigla namang lumitaw na malaking hologram sa tapat ng kanilang bahay. Halos lahat ng bahay, tindahan, paaralan, mall, dorm o kahit ano pa man 'yan ay may makikita kang hologram.

Nagtaka ang pito sa nakita, pero si Kelly ay hindi na. Alam na niya kung ano ito at para saan.

Ang bawat paligid sa Bangtan City ay may hologram technology kung saan doon lumalabas ang pinanggagalingan ng hologram. Iyang hologram technology na 'yan ay gawa ng mga scientist dito sa Bangtan City. Ginagamit nila ang hologram na iyan para roon ipakita o ipaalam kapag may i-aanunsyo sa lahat.

Mangha ang nakaguhit sa mukha ng pitong baguhan. Nilusot pa nila ang kanilang kamay sa hologram at tumagos lamang iyon. Napaayos ang lahat ng tao nang biglang may lumitaw sa hologram na bibig at hanggang dibdib lamang ang kita. Ang buong mukha nito'y hindi kita kaya nagtaka ang iba. Isang lalaking nakangisi at mukhang may masamang binabalak sa lahat.

Napakunot ang noo ng pitong kasama ni Kelly sa nakita.

"Sino 'yan?" tanong ni Jim habang nakatingin sa hologram.

Sumagot naman si Kelly pero nakaharap din ito sa hologram. "Siya ang demonyo nating pinuno. 'Wag na kayong magtanong kung bakit hindi kita ang buo niyang mukha. Dahil kapag nakita mo ang mukha niyan, kamatayan mo na. Dahil makikita mo ang demonyo sa pinakademonyo sa lahat."

"Labi pa nga lang nakakademonyo na, buong mukha pa kaya." dugtong pa ni Kelly. Ramdam na ramdam mo talaga ang galit sa bawat pagbanggit ng dalaga sa Presidente.

"Magandang umaga, Bulletproofs! Ang aking pangalan ay Ariel Fajardo, ang nag-iisang Presidente sa lungsod na ito!" masayang pakilala ng lalaking nakahologram sa lahat ng nanonood.

"Siya ang punot-dulot sa kademonyohan sa lugar na 'to?!" galit na singhal ni Nam habang masama ang tingin sa lalaking nasa hologram lamang.

Kahit natatakot ay nilalabanan pa rin. Dahil hindi sa lahat ng oras ay takot ka't magtatago o tatakbo. Dahil ang iyong kinatatakutan ang maaaring makamatay sa 'yo.

Nanginginig at kumukulo na ang bawat dugo ng lahat sa lalaking nasa hologram. Masama ang loob dahil sa galit. At may iilan ring natatakot dahil alam nila ang kayang gawin ng Presidente sa kanila.

Gusto nilang magtago, ngunit patuloy silang hinahanap ng demonyo.

"Gusto ko lang ipaalam sa inyo ang bagong patakaran ng lungsod na ito. Gusto niyo na bang marinig iyon?" nakangising sambit ng pinuno.

Napakunot ang noo ng lahat dahil sa sinabi ng Presidente. Bagong patakaran?

"Malamang gusto niyo nang malaman ang bagong patakaran, hindi ba?" tila baliw na kung makatawa ang pinuno at lalo pang nangilabot ang lahat dahil sa nakakatakot nitong tawa. Ang tawa ng demonyo.

"Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Bulletproofs, ang bagong patakaran sa lungsod na ito ay... ang ranking na ginawa lamang namin kanina!" sabay halakhak pa nito. Sa bawat tawa ng Presidente ay siyang pagtayo naman ng mga balahibo ng mga nanonood at nakikinig.

"Ranking? Ano bang pinagsasabi mo!" galit na wika ni Jin sa kanyang narinig.

Halos lahat ay natatakot sa panibagong patakarang narinig. Masama ang kanilang kutob sa binanggit ng Presidente at alam nilang kamatayan ang kanilang makakalaban kung sila'y tututol sa kagustuhan ng Presidente.

"Nakakabilib ba? Sa lumipas na ilang taon, sa wakas ay magkakaroon na naman tayo ng ranking! Kung hindi lang kasi nakisawsaw noon ang magaling kong kapatid, edi sana simula noon hanggang ngayon ay may ranking na nangyayari!" ramdam ng lahat ang galit sa boses ng Presidente kaya nanatiling tikom ang kanilang mga bibig.

Noon pa lamang, habang buhay pa ang kanyang kapatid ay matagal na niyang pinaplano ang ranking para sa kanyang pansariling interes lamang. Pinatupad niya iyon, bilang bise ng lungsod ay napatupad niya iyon dahil nabilog niya ang kanyang kapatid na Presidente. Akala ni Artemio ay magiging maganda ang dulot ng ranking na pinatupad ni Ariel, kaso nagkamali siya dahil isang madugong ranking ang nangyari.

Maraming namatay. Maraming namatay sa pinatupad ng kanyang kapatid! Mabilis at galit niyang ipinatigil ang ranking dahil ayaw niya ng patayan! Kaya niya ginawa ang lungsod na ito ay para sa bagong buhay at masayang pamumuhay ng mga Bulletproof, hindi para magpatayan!

At dahil sa pagiging sagabal ni Artemio sa plano ni Ariel ay nagplano naman si Ariel kung papaano mawawala ang kanyang kapatid na si Artemio. At ang tanging naisip niya lang na plano ay ang patayin ito. Nahihibang at nababaliw na siya dahil sa kanyang pansariling interes. Noon pa lang ay gusto na ni Ariel ang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Gusto niyang siya lang ang nasusunod. Gusto niyang kontrolado niya ang lahat ng bagay.

Kaya naman inalam lahat ni Ariel ang tungkol sa mga Bulletproof. At doon nagsimula ang kanyang plano. Doon nagsimula ang lahat ng kanyang kagustuhan. At doon nagsimula ang pagsasakop niya sa mundo.

Namamamis noo ang lahat dahil sa kaba. Daan-daang kabog ng dibdib ang bumibingi sa sariling tainga. At pangangatog ng tuhod ang bumubuo sa bawat tuhod ng lahat nang tumawa ulit nang nakakatakot ang Presidente.

"Ang lahat ng tataas sa ranking o mananatiling pasok sa ranking ay ang siyang ligtas. At ang bababa sa ranking o matatanggal sa ranking ay ang tatargetin ng mga tauhan ng gobyerno. Kung ika'y mawawala sa ranking, magdasal ka na at magpa-alam dahil katapusan mo na! Pero tandaan niyo ito, hindi kami pumapatay ng mahihina dahil naniniwala kaming hindi sila nag-eexist!"

"Kung ayaw mong malasahan ang sariling mong dugo, baka panahon na para palakasin mo ang sarili mo para manatiling ligtas at pasok sa ranking. Kung ayaw mo mamatay, pwes ikaw ang pumatay!" mahabang wika ng Presidente bago mawala ang hologram.

Nanginginig sa takot ang lahat at hindi makahinga sa kaba. May mga umiiyak na dahil sa takot na mamatay. May mga nakaluhod na dahil hindi na kaya. At may mga galit na dahil sa demonyong pamamahala.

Nakakapit na si Juko sa braso ni Jim, at ganu'n din si Jim kay Juko. Napatakip ng kamay sa bibig si Jin dahil pinipigilan nito ang paghikbi. Nakatulala naman si Hook sa pinanggalingan ng hologram, hanggang ngayon ay hindi makapaniwala. Si Tey naman ay masayang naglalaro sa gilid, hindi pinansin ang sinabi ng Presidente.

Napasinghap si Nam nang makita niyang nanggigigil na si Kelly at halos magdugo ang palad nito dahil sa matinding pagkuyom ng kamay.

Mabilis niyang pinuntahan si Kelly para pakalmahin pero napaatras siya nang makita ang talim at nakakakilabot na mata ni Kelly. Hindi niya alam kung lalapitan pa ba niya si Kelly dahil mismo siya'y natatakot sa reaksyon nito. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paglapit kay Kelly. Papakalmahin niya ito bilang isang kaibigan.

Humarap si Nam kay Kelly at hinawakan niya ang nanginginig na braso nito. Hinimas niya ito para mapakalma at bumaba ang kamay niya sa kamao ni Kelly na mahigpit ang pagkakuyom pa rin. Kahit natatakot si Nam sa matalim na tingin ni Kelly ay tumingin pa rin siya sa mga mata nito.

Ngumiti siya sa dalaga. "Kelly, kalma," mahinahong wika ni Nam.

Unti-unti namang kumakalma si Kelly at nawala na ang pagkuyom ng kanyang palad. Pero ang galit? Nanatili pa rin sa dumadaloy niyang dugo.

"Hala, si Nam naniyansing kay Kelly!" sigaw ni Jin sa gilid.

Mabilis na napalingon si Tey at Jim kay Nam na nakahawak pa rin sa kamay ni Kelly.

"Nam, anong ibig sabihin niyan, huh!" galit na tanong ni Jim.

"Hala! Traydor! Traydor ka, Nam! Hinayupak. Hampaslupa! Walang pinag-aralan! Walang pinaggalingan, serbisyong totoo lamang! Ito ang, 24 oras!" at binatu-bato pa ni Tey ang kahit na anong madampot niya kay Nam.

Mabilis namang inilagan ni Nam ang bawat bagay na hinahagis ni Tey. At mabilis na napatuwid ng tayo ang pito sa biglaang pagsigaw ni Kelly.

"Manahimik nga kayo! Wala ng lugar ang pagbibiruan ngayon dahil nasa peligro na ang buhay niyo!" halos magtago ang pito sa loob ng bahay dahil sa nakakatakot na awra ni Kelly.

Napalunok ang pito at isa-isang humingi ng tawad. Natatakot rin naman sila sa mangyayari, eh. Pero hindi ba pwedeng magbiruan kahit sa huling pagkakataon? Dahil baka mamaya o bukas ay mamatay na sila? Para naman kahit sa huling sandali nila ay makatawa sila kahit na may masamang mangyayari.

"Pinapagaan lang naman 'yung atmosphere eh, masyado ka kasing seryosoㅡ" mabilis na naputol ang sasabihin ni Tey nang sumigaw ulit si Kelly.

"Oo, seryoso ako dahil seryoso rin ang sitwasyon dito!" napapikit ang dalaga dahil ayaw na niyang sumigaw pa. Ang iniisip lang naman niya ay 'yung kaligtasan ng pito. Ano ba ang sitwasyon ng pito ngayon, joke para sa kanila at larong kailangan ipanalo ng pito para kay Kelly?

At bakit laging sinasabi ni Kelly na 'inyo', 'niyo' lang ang sitwasyon? Hindi ba siya kasali rito o sadyang confident lang siya na mapapabilang siya sa ranking?

Napabuntong hininga ang dalaga nang mabasa niya ang isip ng pito. Natatakot ito sa kanya at hindi malaman kung bakit ganito ang kinikilos niya.

"Pasensya na, nadala lang ako. Papasok muna ako, magpapahinga lang." at mabilis na naglakad ang dalaga para pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan na tulala ang pito at doon lang sila nakahinga nang maluwag nang mawala si Kelly sa tabi nila.

"Ayoko na siyang makita ulit nang ganiyan. Nakakatakot pala siya kapag nadadala." bulong ni Yong habang nakatingin sa pintong pinasukan ni Kelly.

"She's... hot. Hehe." mabilis naman na nakatanggap ng batok si Tey dahil sa sinabi nito.

"Ang baliw mo kasi, eh! Ayan tuloy nadadamay kami!" inis na sabi ni Jim at saka naglayas doon.

Inakbayan naman ni Hook si Tey. "Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa 'tin. Pero may pakiramdam ako na confident si Kelly na magiging mataas ang rank niya sa ranking, at siya'y lalaban para sa 'tin. Asa na lang tayo kay Kelly."

Nabatukan naman ni Nam si Hook dahil sa sinabi nito.

"Hindi pwedeng aasa na lang tayo kay Kelly. Oo mas na ensayo siya kaysa sa atin pero lalake tayo at kailangan nating lumaban para sa ating sarili, para na rin kay Kelly. Babae siya at kahit papaano'y may kahinaan rin kaya naman ipaparamdam natin sa kanya na nandito tayo, handang lumaban kasama siya." at naki-akbay na rin siya kina Hook.

Napatango ang lima sa sinabi ni Nam at naki-akbay na rin sila.

Sa isip-isip nila ay lalaban sila para sa kaligtasan. Lalaban sila para mabuhay. At lalaban sila para sa ranking. Pero paano kung hanggang ngayon ay hindi pa nila alam kung ano ang abilidad nila?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top