Chapter 7: Legends
Juko Paras' Point of view
Masaya at mangha akong nanonood habang nagsisimula ang palakasan. Hindi ko mai-alis 'yung mga mata ko sa stage kung saan naglalaban ngayon ang grupong Fire at Danger. At talagang nakakamangha sila!
Ang bibilis ng mga galaw nila at ang astig ng kakayahan ng bawat miyembro nila.
Ang grupong Fire ay may kakayahang Fire and Heat manipulation. Iyon ang paliwanag sa amin ni Ate Kelly. Sabi niya ang bawat grupo raw ay may kakaibang abilities. Mapapabilang ka lang sa miyembro ng kanilang grupo kung katulad ng ability mo ang abilities nila. Ang astig talaga maging Bulletproof!
Pero ano kaya ang ability ko?
Ang grupong Danger naman ay may kakayahang Earth and Stone manipulation.
Ang astig nga ng labanan dahil apoy at init laban sa lupa at bato. Paano kaya magkakatalunan ang mga ito? At sino ang mananalo?
Hindi naman kayang sunugin ng apoy 'yung lupa at bato. At wala namang magagawa ang lupa at bato para talunin ang apoy at init. So saan tutungo ang labanan na 'to?
Napahiyaw ang lahat nang manghina ang lahat ng miyembro ng Danger.
"Hala! Anong nangyari?" taka kong tanong dahil parang may bumabalot na init sa stage at para namang nawawalan ng hininga ang grupong Danger.
"Sa sobrang init na ginamit ng grupong Fire ay nagtila disyerto sa stage at tuyung-tuyo 'yung lupa't batong ginawa ng grupong Danger. Dahil konektado ang Danger sa earth and stone ay pati mismo sila'y naaapektuhan doon. At mukhang kilala na ang panalo. Grabe, nakakapigil hininga ang laban!" paliwanag ni Ate Kelly habang nakatingin siya sa stage.
Nakita ko na lang na nakahandusay na ang Danger sa lapag at isa-isa na silang dinadampot ng mga White Men.
"Whoa! Ang galing nila!" hiyaw ni Kuys Hook.
"Iyon pala talaga ang kakayahan ng mga Bulletproof! Ang astig ng lahi natin!" hiyaw rin ni Kuys Tey.
Napangiti ako at inisip ko kung anong ability rin kaya ang mayroon kami? Si Ate Kelly, ano kaya ang ability niya?
Ang sumunod na naglaban naman ay ang Dope at Affair. Nanalo roon ang Affair dahil nasunog at napatay nila ang mga halamang sumugod sa kanila. Sumunod naman ay Dream at Boy. Nanalo naman doon ang Boy.
Halos hindi ako makahinga habang nanonood ako ng laban ng bawat grupo. Ang bibilis nilang kumilos. Halos hindi masundan ng mga mata ko ang kilos nila! At ang lalakas pa nila! Ito pala talaga ang kakayahan ng lahi namin.
Ano kaya kasi talaga 'yung kakayahan ko? Gusto ko ng malaman!
Sariwa pa sa utak namin ang palakasang naganap at ang nanalo sa lahat-lahat ay ang grupong Affair. Halos lahat ng miyembro sa kanila'y gumagalaw at lumalaban. Ang aastig nila. Deserve na deserve talaga nila ang manalo! Sa katunayan nga niyan ay sila ang gusto ko talagang manalo.
"Akala ko'y mawawasak ang buong arena!" natatawang sigaw ni Kuys Jin.
Naglalakad na kami ngayon patungo sa bahay ni Ate Kelly dahil pagod na pagod na kami sa nangyari sa araw na 'to.
"Sila'y Legends!" masayang hiyaw ni Kuys Yong.
Sumang-ayon kaming lahat sa kanya at masaya kaming naglakad. Madilim na sa paligid at hindi ko maiwasang matakot. Buti na lang at katabi ko si Kuys Nam kaya may nakakapitan ako tuwing may naririnig akong kakaiba at nakakatakot.
Grabe, lalake ba talaga ako?
Bigla namang namatay 'yung ilaw sa posteng dadaanan namin kaya napatili kaming lahat. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko, eh!
"Pundi lang siguro 'yan!" matapang na sabi ni Ate Kelly at naglakad na ulit siya.
Pero kaming pito ay nanatili pa rin sa aming kinatatayuan.
"K-Kelly! Wait lang n-naman!" utal na sigaw ni Kuys Tey.
"K-Kelly, 'di ba sinabi mo noong unang kita mo sa 'min ay nandito sina Jayson at Freddy?" nanginginig na tanong ni Kuys Jin. Nanlaki ang mata ko dahil naalala ko rin 'yung tungkol doon.
Napatigil si Ate Kelly sa paglalakad at dahan-dahan siyang humarap sa amin. Nang makaharap siya ay parang takot na takot ang kanyang itsura kaya mas nangilabot kaming pito sa kinatatayuan namin.
Biglang nanlaki ang mata ni Ate Kelly at bigla siyang tumuro sa likod namin at sumigaw, "Ayan na sila!!"
Napatingin kami sa aming likod at nakakita kami ng dalawang tao na tumatakbo kaya napatakbo rin kami habang tumitili.
"Takbo!! Waaah!" halos mangiyak-ngiyak ako sa takot at hinihila ko pa sa damit si Kuys Nam dahil naiiwan ako sa pagtakbo.
"Sparta!!" hiyaw ni Kuys Tey habang tumatakbo rin nang mabilis.
Halos magkandapa-rapa kami dahil sa mabilis na pagtakbo nang marinig namin ang malakas na tawa ni Ate Kelly.
"Hahaha! Mga duwag!" halakhak niya at humahawak pa siya sa kanyang tiyan.
Napahinto kami sa pagtakbo at nagkatinginan. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya kaya yumuko ako.
"Du-Duwag? S-Sino, kami? Tsk! Practice lang 'yun 'no!" mayabang na sabi ni Kuys Jim.
Krinus nila ang kanilang mga braso at tumangu-tango pa habang nakanguso. Ako naman ay nanonood lang sa mayabang na eksena nila.
"Practice lang?" nakangising tanong ni Ate Kelly at bigla siyang nawala sa pwesto niya at pagtingin ko kina Kuys Nam ay nandoon na siya at bigla niyang ginulat ang mga ito.
"Boo!" pagkasigaw niya ay nagsisigaw rin sina Kuys Tey at mabilis na tumakbo.
"Putakte, multo!!"
"Puta, hintayin niyo 'ko!"
"'Oy, walang iwanan!"
Napatawa ako sa pwesto ko dahil nakakatawa ang mga itsura nila. Bigla namang lumapit sa akin si Ate Kelly at inaya na niya akong umalis doon dahil baka raw maabutan kami nina Jayson.
Kahit madilim ay napansin kong may dugong nakadungaw sa ilong ni Ate Kelly kaya tinuro ko 'yun sa kanya.
"Ate Kelly, dumudugo 'yung ilong mo." sabay turo ko sa ilong niya.
Napahawak siya roon at bigla siyang nagpanic. Huwag mong sabihin na dinugo ang ilong niya sa kaduwagan ng mga Kuys ko?
"W-Wala 'to! Pero paano mo 'yun nakita? Ang dilim kaya!" at kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at pinunas 'yun sa ilong niya.
"Hindi ko rin alam, Ate Kelly. Basta bigla ko na lang nakita kahit madilim." sabi ko at inakbayan ko siya. "Ano, okay ka lang ba talaga, Ate Kelly?"
Tumango siya sa akin at ngumiti. "Oo naman. Okay lang ako."
Bago pa kami makapasok sa bahay niya ay may narinig akong binulong siya.
"Sabi na nga ba, eh."
Hook's point of view
Nagmadali kaming mag-ayos para sa pagpasok. Tinanghali na naman kasi kami ng gising. Si Kelly naman kasi pinuyat na naman kami! Ang hirap naman niyang takasan dahil kapag nakita niyang papikit na 'yung mata mo ay hahampasin ka niya ng walis tambo. Si Yong nga kitang-kita na ang ilang pasa dahil siya lagi ang nahahampas ni Kelly. Antukin kasi!
"Aish! Bakit ba kasi tinatanghali kayo lagi ng gising?" at sumakay na si Kelly sa kanyang bisikleta at mabilis niya itong pinaharurot.
"Eh kung 'wag mo kaya kaming puyatin para maaga tayo lagi sa unibersidad!" pabalang na sigaw ko kay Kelly.
Napatingin siya sa akin at matalim niya akong tinignan. Napalunok ako at ngumiti sa kanya nang pilit.
"Hehehe. Ikaw naman, joke lang!" sabay kamot ko sa aking batok.
Pinagtawanan naman ako ng mga kasama ko. Grabe, taob talaga kaming pito kapag si Kelly ang usapan. Hindi ko nga alam kung anong ginawa niya sa amin at nagkaganito kami, eh.
Noong nasa outside world pa kami, chicks magnet na kami, pero rito sa lungsod na 'to ay kakaunti na lang ang nababaling ulo kapag dumadaan kami. Miss ko na ang dating buhay ko, pero mas gusto ko na rito dahil gaya nga ng laging sinasabi ni Yong ay SWAEG!
Pakiramdam naming pito ay rito talaga kami nabibilang dahil gaya nga ng sabi nila ay Bulletproof kami at may kakaibang kakayahan. Dito sa Bangtan City namumuhay ang mga katulad namin, kaya aasahan na lang namin na rito na lang talaga kami. Ang sabi kasi ni Kelly, kapag nagsama o nakihalubilo ang mga katulad namin sa normal na tao lang ay hindi maganda. Kasi hindi raw magkakaparehas ang takbo ng utak namin. Pero lahat naman ng tao ay hindi magkakapareho ang takbo ng utak.
Lagi raw kami mapapa-away sa normal na tao lang dahil ayon daw sa history ay noon pa hindi magkasundo ang mga Bulletproof sa mga normal na tao. Nagulat nga kami nang nalaman naming may history rin pala ang mga Bulletproof.
Sabi ni Kelly pinagkakamalan daw ng mga normal na tao ang mga kagaya namin na halimaw raw kami dahil sa kakayahan namin. Na hindi raw kami normal dahil sa may ganitoㅡganyang kakayahan kami. Wala na rin naman kaming magagawa kung ganuon ang isipin nila dahil mismo ako matatakot kapag nakakita ako ng lumulutang na tao.
Pero hindi ba nila naisip na kaya nilang gamitin ang mga kagaya namin sa mga hindi nila kayang labanang terorista? Kaya naming protektahan ang pilipinas kung sakali! Sayang lang rin ang mga kagaya namin kung gagamitin lang kami sa masama.
Nakwento rin sa amin ni Kelly na hindi naman pala ganuon kasama ang dating gobyerno rito. Noon daw nu'ng bata siya kinwento ng Kuya niya na kaya ginawa ang lungsod na 'to ay dahil nagmamalasakit ang isang gobyernoㅡang pangalan ay Artemio Fajardo. Ginawa raw ito para rito mamuhay ng normal ang mga Bulletproof, para hindi na guluhin ng mga normal na tao ang mga kagaya namin. Pero dumating daw 'yung araw na bigla na lang nawala si Mr. Artemio sa lungsod na 'to. Walang nakakaalam kung nasaan na siya at kung ano na ang nangyari sa kanya. Hanggang sa nalaman na lang daw nila na may pumalit sa pwesto ni Mr. Artemio. At doon na nagsimula ang mala-demonyong pamamahala. Wala naman daw nagawa ang dating kasamahan ni Mr. Artemio kundi ang sumunod sa demonyong pinuno ngayon. Wala silang magawa dahil mataas ang puwesto nito.
Napakaselfish ng pumalit na 'yun. Hindi siya karapat-dapat na maging pinuno.
Nakarating kami sa unibersidad at ang subject namin ngayong linggo ay science.
Nakita ko ang dalawang babae sa pinakaharapan na parang gumagamit ng kakayahan nila kaya naalala ko agad 'yung nangyari sa Just One Day. Grabe, ang gagaling talaga nila! Mabuti't may nanalo sa kanila. Akala ko kasi lahat sila'y mamamatay dahil sa tindi ng galos na natamo sa labanan.
Ang hindi ko namam makalimutan ay 'yung tumilapon 'yung isang miyembro at napasigaw si Juko ng, "May buhangin, ilag!" Nagtaka kami nu'n dahil wala naman kaming nakitang buhangin kaya hindi kami umilag at tanging siya lang ang gumawa nu'n. At mas lalo naming ikinagulat ay 'yung may tumamang buhangin sa mukha namin. Takang-taka kami nu'ng oras na 'yung kung papaano nakita ni Juko 'yung buhangin sa ganu'ng kadilim na lugar.
"Aish! Sakit talaga sa ilong 'yung science!" padabog na sabi ni Juko nang makaalis na kami sa unibersidad. Pupunta na ulit kami sa bahay ni Kelly para kumain ng tanghalian. Hindi naman kasi kami pwedeng kumain lang lagi sa labasan at baka maubusan kami ng pera.
"Pansin ko nga, lalong lumalaki ilong mo, eh!" panloloko ni Jim. Humarap sa kanya si Juko at tinignan siya nito nang masama.
"Grabe ka, Jim!" at ginitgit niya si Jim ng bisikleta.
"Bakit Jim lang at walang Kuys?" tanong ni Nam kay Juko.
Tumingin nang masama si Jim kay Juko at dinuro-duro niya pa ito. "Walang galang!"
Umirap si Juko sa kanya at pumidal pa nang mas mabilis. "Walang height!"
Napatawa kami dahil sa sinabi ni Juko. Alam ko na kung bakit walang Kuys sa tinawag ni Juko kay Jim. Hindi naman sa walang galang, pero nababataan kasi si Juko sa tangkad ni Jim. Loko talaga 'tong si Juko.
Habang nagbibisikleta papuntang bahay ni Kelly ay patuloy ang aming asaran.
Nang makarating naman kami ay mabilis na pumunta si Kelly at Jin sa kusina para magluto. Kami naman ay nanatili sa sala at nagdedaydream ng mga masasarap na pagkain dahil kanina pa kami gutom.
Pupunta na sana ako sa CR para umihi dahil kanina pa ako naiihi nang biglang may dumaang ipis sa harap ko.
"Hala, si Antonio!!" sigaw ko at tumalon ako sa isang upuan at dinuro-duro ko kung saan lumagay 'yung ipis.
"Ipis! Hala! Ipis!" hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko kaya muntik na akong mahulog. Napasigaw pa muli ako dahil doon.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang lahat sila'y masama ang tingin sa akin habang nakatakip sa tainga.
"B-Bakit? Anyare sa inyo?" nag-aalala kong tanong sa kanila. Kahit sina Kelly at Jin sa kusina'y ganoon din ang pwesto. Mga nakatakip sa tainga.
"Grabe, Hook! Napakalakas ng boses mo! Pakiramdam ko ay nawala ang kaluluwa ko at tinangay 'yon ng malakas mong sigaw!" galit na sigaw sa akin ni Nam.
"Nalasing ako du'n, ah!" at gumewang-gewang pa si Tey.
"Nalasing? Baka nabingaw! Nababaliw ka na naman!" giit naman ni Kelly kay Tey.
"Oo, nababaliw na naman ako sa 'yo. Honey, bakit mo ito ginagawa sa akin!" tumakbo si Tey papunta kay Kelly habang nakataas ang dalawang braso.
Napaharap naman ako sa apat na nasa sala.
"Lumabas yata lahat ng tutuli ko. Silipin mo nga, Yong." at kinalikot pa ni Jim 'yung tainga niya. Binatukan tuloy siya ni Yong.
"Hook! Ginising mo ang diwa ko!" galit na sabi ni Yong sa akin.
Puno naman ng pagtataka ang nasa mukha ko. Nabingi sila sa simpleng pagsigaw ko?
"Haluh? Normal na sigaw lang naman ang ginawa ko, ah!" inosente kong dipensa. Totoo naman, eh!
"Wow! Normal pa pala 'yung halos mawasak ang eardrums namin dahil sa sigaw mo. Yes, normal pa nga. Ha-ha." sarkastiko namang sabi ni Nam.
Bumaba ako sa upuan at takang tumingin kay Kelly dahil nadatnan ko siyang nakangiti sa akin. Anong ngiti 'yun?
"Malakas ba?" tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at napanguso na lang ako.
Bwisit kasi 'yung ipis, eh! Ginulat ba naman ako! Kung hindi niya ako ginulat, edi sana hindi nabingaw 'tong mga kasama ko.
Pero... paano sila nabingaw sa sigaw ko nang ganu'n-gano'n lang?
Kinagabihan ay nagising ako dahil sa masamang panaginip. Dinalaw ako ng ipis hanggang sa panaginip! Grabeng ipis 'yan, ah.
Pawis na pawis ako, mabilis ang bawat hininga at pakiramdam ko ay tuyung-tuyo ang laway ko kaya lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig.
Bago ako tuluyang makalabas ng kwarto ay may narinig na akong pagsara ng pinto sa sala. Mabilis akong tumakbo sa pinto at nang buksan ko 'yun ay nakita ko si Kelly'ng sumakay sa puting kotse.
Nakakunot ang noo ko nang tanawin ko ang kotseng lumalayo na.
Lagi na lang. Lagi ko na lang napapansin na tuwing gabi ay umaalis si Kelly at sumasakay sa puting kotse. Nakakapagtaka na kung bakit siya umaalis at bakit tuwing gabi pa. At ano naman ang ginagawa niya sa kalagitnaan ng gabi? Saka 'di ba wala naman siyang kotse at bawal sa amin ang gumamit ng kotse? At sa pagkakatanda ko ay gobyerno at ang mga nakakataas lang ang pwedeng gumamit ng mga sasakyan?
Gusto ko sanang sundan 'yung kotse para malaman kung may tinatago ba sa amin si Kelly, kaso naalala ko, tuyo nga pala ang lalamunan ko. Baka naman kapag sinundan ko sila ay madehydrate ako sa kalagitnaan ng biyahe.
Sa halip na masundan ko siya ay mahimatay pa ako sa gitna ng kalsada.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top