Chapter 6: Garden of Danger
Nam Aberin's Point of view
"Hey, guys! Gising at may pupuntahan tayo!" sabay-sabay kaming naalimpungatan nang biglang sumigaw si Kelly.
Tulog pa ang diwa ko pero nararamdaman kong may yumuyugyog sa 'kin.
Nakakapuyat naman kasi si Kelly kagabi. Nagkwento siya kagabi at bawal pang matulog hangga't hindi pa raw natatapos 'yung kwento niya. Inabot kami ng alas dos sa kakakwento niya! Mukhang ni hindi man lang napuyat si Kelly sa ginawa niya kagabi. Iba talaga ang babaeng 'to!
"Kelly, naman eh. Gusto nga kita pero patulugin mo muna ulit ako!" antok pa na sigaw ni Jim.
Umupo na ako sa sofa dahil nagising na ang diwa ko nang sipain ako kanina ni Kelly. Grabe talaga 'to, napakabrutal.
"Kung ayaw mo, edi huwag mo! Hmp. Bahala ka nga diyan!" at naglakad na si Kelly palayo kay Jim na nakadapa sa sofa. Pumunta si Kelly sa kwarto nina Jin at doon naman siya nambulabog.
Habang si Jim ay nakadapa pa rin, lumabas naman na ng pinto 'yung anim. Halatang mga puyat pa sila pwera lang kay Kelly. Habang naglalakad ang limang lalaki ay mga nakapikit ito at gulu-gulo pa ang mga buhok.
"Kelly... saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ni Hook at inunat pa niya ang dalawa niyang braso pataas.
"Garden of Danger," maikling tugon ni Kelly. Napatigil naman kami sa sinabi niya.
"Garden of Danger? Ano 'yon?" tanong ni Jin.
Mayroon bang ganu'n dito? Saka danger daw, baka mamaya ay puro peligro ang nandoon.
"Iyon ang pinakasikat na lugar na pinupuntahan ng mga mababang uri ng Bulletproof. Pero syempre, bago ka makapasok doon ay ipapakita mo sa entrance ang mga numero mo." paliwanag ni Kelly habang nakatayo sa harapan namin.
Napakunot ang noo ko.
"Mga numero namin?"
Tumango siya at tinaas niya ang damit ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa nakita ko.
Sa kanang bahagi ng t'yan ko ay may maliliit na mga numero. Ang aking mga numero ay 19040.
Tinignan din nina Juko ang kanilang mga numero.
Sa tinagal namin dito ng ilang linggo, ngayon lang namin nalaman na may ganito pala sa aming katawan.
Umupo na sina Jin, Hook, at Yong sa tabi ko, sina Juko, at Tey naman ay inupuan si Jim na nakadapa pa rin sa sofa.
"Parang interesado ako," sabi ni Yong sa tabi ko. Tinignan ko ang mga kasama ko at ganoon din sila. Mga mukhang interesado.
Nakaka-interesado nga rin naman, pangalan pa lang. Bakit naman 'yon tinawag na Garden of Danger, 'di ba?
"Dahil doon ang lugar ng mga matataas na Bulletproof. Doon kayo makakakita kung ano ba talaga ang kaya ng Bulletproof." paliwanag ni Kelly habang siya'y nakatingin sa akin. Sandali, nabasa ba niya ang isip ko?
"Hindi. Halata lang kasi sa itsura mo." nakangiting sabi ni Kelly.
Nagulat ako nang parang nababasa niya talaga ang isip ko. O ganoon na talaga ako kadaling basahin?
"Osya, mag-ayos na tayo para makarating na tayo sa Garden of Danger. Promise, hindi kayo magsisisi sa pagpunta niyo ro'n." at tumalikod na sa amin si Kelly at tumuloy siya sa kanyang kwarto.
Nagkatinginan kaming pito. Parang bigla akong ginanahan. Parang ngayon pa lang gusto ko ng pumunta roon kahit nakapanjama pa ako. Parang lahat kami'y excited sa pupuntahan namin.
Kung sikat ang lugar na pupuntahan namin ay baka maraming sexy'ng babae ro'n! Nakaka-excite nga naman talaga, oh!
Natapos na kaming maligo't mag-ayos. Hindi kami rito sa bahay kakain dahil sabi ni Kelly ay sa Garden of Danger daw kami kakain. Masasarap daw ang mga pagkain doon dahil high-end ang lugar na 'yon. Parang 'yung buong city naman ay high-end. Ang gaganda ng mga buildings dito. Ang ganda basta ng bawat pasikut-sikot dito! Kaso ang laki lang talaga ng pader na nagsisilbing harang para sa outside world at dito sa Bangtan City. Puti ang pader na nakapaikot sa buong city at makakapal pa ito.
Hindi kami gagamit ng bisikleta para makarating doon. Ang sabi kasi ni Kelly ay bawal magdala ng sasakyan doon. Pero ang mga taga-roon mismo sa Garden of Danger ay pwede.
Ngayon ay sa tren kami sasakay.
Habang nakasakay kami sa tren ay hindi namin maiwasang mapangiti dahil sa excitement. Ano kaya ang itsura ng lugar na 'yun? Puro puti rin kaya 'yon? At puro halaman kaya?
"Makikita mo rin," bulong sa akin ni Kelly. Bigla naman akong nanlamig dahil mukhang nabasa na naman niya ang isip ko. Wala naman akong sinasabi pero nasasagot niya ang tanong sa isip ko. Hindi kaya... may kaya rin siyang magbasa ng isip katulad ng mga guro namin sa unibersidad?
"Secret, no clue." bulong ulit sa akin ni Kelly. Napa-upo ako nang matuwid at iniwasan ko ng mag-isip ng kung anu-ano dahil baka may kaya rin siya nu'n. Pero paano?
Nakarating na kami sa aming istasyon. Naglakad si Kelly kaya sinundan namin siya. Habang naglalakad ay namamangha kami sa paligid. Ang gaganda kasi. Paano pa kaya sa loob ng Garden of Danger, 'di ba?
Huminto si Kelly sa isang malaking bungad. Nagulat kami nang makita ang nasa harapan namin. May harang na tubig sa parang entrance. Nakakamangha, grabe!
"Bibig niyo, isara niyo." natatawang sabi ni Kelly.
Mabilis kong tinikom ang bibig ko at lumapit ako sa tubig na nakaharang sa entrance. Ganu'n din ang ginawa ng iba.
"Astig, hano?" tanong ni Kelly at tumabi siya sa amin. Ilang dangkal na lang ang layo namin sa tubig.
Itinaas ko ang kanan kong kamay at hahawakan ko na sana 'yung tubig kaso ibinaba ko rin agad ang kamay ko. Baka kasi bawal hawakan pero gustung-gusto kong hawakan dahil ang astig.
"Sige lang, hawakan niyo." nakatingin sa amin si Kelly at tumango habang nakangiti.
Napangiti kami nang malapad at nagkatinginan. Excited na kami itong hawakan pero napansin namin ang mga taong dumadaan sa tubig.
"Whoa!" mangha naming sigaw.
Hinawakan namin 'yung tubig at tumagos doon ang kamay namin.
"Hihihi!" napatingim kami kay Tey at nakita naming pinasok niya ang kalahati niyang katawan at ang isa pang kalahati ay nakalabas. Pinaglaruan ba naman!
"Tey, para kang bata!" sigaw ko sa kanya.
Nagtawanan kami dahil hinila ni Tey si Juko papasok sa tubig. Para kasing natatakot si Juko.
"Waaah! Kuys Tey!" natatakot na sigaw ni Juko. Pinagtitinginan na siya ng mga taong dumadaan dahil kalalake niyang tao ay natatakot siya.
"Pasok na tayo! Heto na!" sabay hila sa amin ni Kelly papasok sa tubig.
Pinigil ko ang hininga ko dahil baka malunod ako. Tubig pa rin naman 'to, at hindi nakakahinga sa tubig ang normal na tao!
"Hindi ka lang basta normal."
Nagulat ako nang may nagsalita sa isip ko. Napatingin ako kay Kelly dahil kaboses niya ito. Pero hindi siya sa akin nakatingin at nanatili lang ang tingin niya sa harapan. Pero kasi kaboses niya, eh. Oh, baka naman guni-guni ko lang?
Natapos na ang paglalakad namin sa loob ng tubig at paglabas namin doon ay napamangha na namin kami sa nakita namin.
Ang ganda! Hindi na ito all white na buildings, store o mga gamit na puti. Iba-iba na ang kulay at parang nasa magandang lugar ka. May malaking fountain ang sasalubong sa 'yo. At may dalawang building na mahaba ang nasa kanan at kaliwa. May mga lobong nakalutang sa itaas. Sabi ni Kelly ay hologram lang daw 'yon. Hanep, parang totoo, eh. At ang dami pang tao. Sikat nga talaga 'to. Ang hirap talaga i-explain ng lugar na 'to. Kasi ang ganda! Mas maganda pa kay Kelly.
Nakatanggap ako bigla ng sapok kay Kelly na ikinagulat ko.
"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?!" bulyaw ko sa kanya.
"Ang sakit kasi ng sinabi mo," sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Wala naman akong sinasabi, ah! Nabasa niya kaya 'yung sinabi ko sa isip?
"Yehey! Nakadaan na tayo sa Garden of Entrance!" maligayang sigaw ni Kelly.
Napakunot ang noo ko sa pangalan ng entrance. "Garden of Entrance?"
"Oo. Tignan mo, oh." sabay turo ni Kelly sa pinasukan namin at hindi na tubig ang nakaharang doon ngayon. Mga ugat na ng puno at may halaman pa. May mga sanga rin ng puno roon. At may bulaklak pang mga nakasabit.
Ang gandang tignan! At dahil sa mga nakaawang na ibang ugat ay makikita mo ang labasan sa Garden of Entrance. Nakakita pa kami ng ibang tao na malungkot at parang nagsisisi dahil hindi nila binilisan para makapasok agad dito.
"Bakit hindi na tubig? At bakit parang biyernes santo ang mukha ng ibang tao sa labas?" tanong ni Jim.
"Kapag puno na ang populasyon ng Garden of Danger ay mag-iiba na ang nakaharang diyan. May limitasyon ang taong pwede makapunta rito. Kapag kasi masyadong maraming tao rito ay baka magmukha itong palengke at masisira ng madaming tao ang view ng Garden of Danger." paliwanag ni Kelly.
Napatangu-tango kami. Buti na lang at naka-abot kami agad dito.
"Ano naman ang meron ngayon?" tanong ni Yong habang nakatingin sa kung saan. Sinundan namin ito ng tingin at napa-awang ang bibig ko dahil sa nabasa ko.
"Just One Day," bulong ko. Alam ko na ang tungkol sa 'Just One Day' dahil narinig ko 'yun sa usapan ng mga kaklase ko nitong nakaraang araw.
Ito raw ang araw na pasikatan ng mga malalakas na Bulletproof. Sa maikling salita, parang piyesta rito pero mas maganda kaysa sa normal na piyesta.
"Hindi ko alam na ngayon pala 'yun!" sabi ko habang nakatingin pa rin sa tarpaulin.
Napalingon sila sa akin at nakakunot ang noo nila pwera lang kay Kelly na nakangiti sa akin. Crush yata ako nito.
"Alam mo ang tungkol do'n, Nam?" tanong sa akin ni Hook.
Tumango ako at pinaliwanag ko sa kanila ang tungkol sa Just One Day. Napasigaw pa sila sa pagka-excite at excited na raw silang pumunta sa venue.
"First time kong makakakita ng tunay na Bulletproof kung sakali!" nakangiting sabi ni Juko.
Nandito kami ngayon sa isang coffee & restaurant sa loob ng Garden of Danger dahil hindi pa kami nag-aalmusal.
"Mamaya pa ang simula ng Just One Day kaya may oras pa tayo para maglibut-libot dito." at humigop si Kelly sa kanyang kape.
Napagalamanan naming kaya pala 'Just One Day' ang tawag sa gaganapin ay dahil isang beses lang itong gaganapin sa dalawang taon na paglipas. Dalawang taon bago ito ganapin dahil daw ito na ang nakasanayan. At kaya pala parang biyernes santo ang mga mukha ng mga hindi nakapasok sa Garden of Danger dahil gusto nilang manood ng palakasan ngayon. Kasi nga matagal pa ang lilipas bago ito ganapin muli.
"Ako rin ay excited ng manood dahil sa paglipas lagi ng dalawang taon ay maraming nag-iimprove na mga Bulletproof." sabi ni Kelly habang nakatingin sa kanyang kape.
"Ikaw, hindi ka ba nasali roon?" tanong ko.
"Sabing 'wag kayong magtanong tungkol sa akin, eh!" natatawa niyang sabi.
Napanguso ako. Simpleng tanong lang naman iyon pero bakit parang hirap na hirap siyang sagutin 'yon?
"Aish!" inis kong ani.
Natapos na kami at nagsimula na kaming maglibut-libot sa Garden of Danger.
Kaya pala Garden of Danger ang pangalan ng lugar na 'to ay dahil delikado rito kapag gumawa ka ng masama. Malalakas kasi ang mga tao rito sa loob kaya mag-ingat-ingat daw kami ng babanggain. At dito kasi nakatira ang mga high-percentage na Bulletproof.
Napatakbo kami sa isang cake shop dahil biglang tumakbo roon si Jin. Bigla raw kasi siyang naka-amoy ng mabango at masarap na cake kaya siya napapunta roon agad. Ang ipinagtataka namin ay paano niya naamoy 'yun kung isang kilometro ang layo namin doon? Kami nga ang naaamoy lang namin ay 'yung pabango ng mga tao pero siya ang layo pa pero naamoy na niya agad ang amoy ng cake. Basta talaga pagdating sa pagkain ang astig ng sense of smelling niya!
Huminto kami sa Cake shop na hinihingal. Ang hirap din kasing makipagsiksikan sa mga tao. Si Jin kasi, eh!
"Kuys... Jin!" hinihingal na sabi ni Juko nang makita niya si Jin sa loob na nasa isang lamesa at maraming klaseng slice ng cake ang nasa kanyang mesa. Ang dami nu'n, ah!
"Jin, nagsayang ka lang ng pera. Ang dami mong binili!" bulyaw ni Kelly sa kanya.
"Hindi pagsasayang ng pera ang pagbili sa pagkain, Kelly. Saka ang hirap kasing pumili ng cake kanina kaya pinili ko na lang silang lahat!" paliwanag ni Jin habang nakatingin sa lamesa niyang puno ng slice ng cake. Kulang na lang ay kuminang 'yung mga mata niya.
"Aish!" inis na sabi ni Kelly at umupo siya sa isang upuan.
"Ako nabusog sa coffee & restaurant kanina, pero ikaw mukhang nakulangan pa!" sigaw ni Tey sa kanya.
Umupo na lang kami sa upuan at sinamahan siya. Siya kumakain at kami ay pinapanood lang siya. Ang takaw niya talaga.
"Hmm..." ungol ni Jin pagkatapos niyang isubo ang kinuhanang cake.
Kung kumain siya ngayon ay parang batang takam na takam sa matatamis.
"Peaches & cream," banggit ni Jin at sinubo niya ang isa pang cake.
"Sweeter than sweet?" tanong ko dahil nakita ko sa mukha niya ang lubos na saya.
"Oo! Mas matamis!" masaya niyang tugon kaya tumango na lang ako.
"Chocolate cheeks," banggit niya ulit at sinubo ulit ang isa pang klase ng cake.
"And... chocolate wings!" masaya niyang banggit bago isubo ang pinakahuling cake.
Natapos na siya sa pagkain ng mga cakes kaya umalis na kami sa cake shop. Saka dumadami na rin kasi ang tao sa loob.
Lumibot kami nang lumibot at talaga nga namang nakaka-engganyo rito. Kahit ibang klaseng city pa rin pala ito'y may mga ganito pa rin dito. Pakiramdam ko tuloy ay nasa normal na city lang kami. Except na lang sa mga hologram dito dahil sa normal na city ay walang gano'n.
Kahit saan ka lumingon ay marami talagang tao rito. At talagang usap-usapan 'yung Just One Day. Nakaka-excite tuloy makita 'yung mangyayari mamaya. Pakiramdam ko, paglipas ng araw ay magiging ganu'n din ako basta pagbubutihin ko lang.
Lumipas na ang oras at ngayon na ang oras para sa event na gaganapin. Ang Just One Day na hinihintay ng lahat.
Pumasok kami sa loob ng arena. Sabi ni Kelly rito raw lagi ginaganap 'yung Just One Day. At 'yung bubong naman ng arena ay butas kaya ramdam na ramdam namin ang lamig ng gabi. Pumwesto kami sa bandang harapan dahil gusto naming makita ng buo ang mangyayari.
Paikot ang mga upuan sa arena at may stage sa gitna. May kalakihan ang stage at doon gaganapin ang palakasan.
"Hindi na ako makapaghintay!" excited na sabi ni Hook nang maka-upo na kami.
Inikot ko ang mata ko sa loob ng arena at talagang pinaghandaan nga ito ng mga tao. Ang laki rin ng arena. Sa tingin ko ay aabot ng tatlong libo ang kakasya sa arena.
Sa pinakaground floor sa arena ay may mga pinto sa bawat gilid kung saan daw papasok ang mga magpapakitang gilas at lalaban. At bawat pinto ay may kulay. Dipende raw ang kulay sa grupo ng Bulletproof. May groupings din pala rito.
Ang itim daw ay ang grupong Affair.
Ang kulay pula ay grupong Fire.
Ang puti ay grupong Dream.
Ang Brown ay grupong Danger.
Ang asul ay grupong Boy.
At ang huli, ang kulay grey ay ang grupong Dope.
At ang abilidad ng bawat isa sa grupo ay elemental and environmental powers.
Anim na grupo ng mga Bulletproof ang mga maglalaban at magpapakitang gilas. Sabi ni Kelly ay hindi raw niya alam kung sino ang pinakamalakas dahil bawat dalawang taon daw ay nag-iiba ang ibang miyembro ng bawat grupo. Kaya raw nag-iiba ay dahil kinukuha ng gobyerno 'yung mga miyembrong malalakas. At pinag-eexperimentuhan nila ang mga katawan nito. Grabe talaga ang gobyerno rito. Hindi makaya ng sikmura ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top