Chapter 5: Pagsusulit
Jim Reyes' Point of view
Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang magising na nasa kakaibang lungsod na kami. Ilang linggo na rin nang makilala ko ang nagpatibok ng puso ko. At ilang linggo na rin kaming nag-aaral sa paaralang kakaiba rin.
At sa paglipas ng bawat araw ay unti-unti na rin namin natatanggap ang pamumuhay rito. Salamat na lang kay Kelly dahil sinasanay niya kami.
Sa ilang linggo na pamumuhay namin dito sa Bangtan City ay marami-rami na rin kaming nalaman at dahil iyon sa tulong ni Kelly babes.
Marami na rin kaming natutunan dito sa aming paaralan. In-enhance nila ang aming katalinuhan at may pagsusulit para sa palakasan. At ngayong araw ay magaganap ang Utak-Lakas Pagsusulit na laging ginaganap tuwing friday.
Iyon ay ginaganap para malaman nila kung anong pursyento na ang pagiging Bulletproof namin. Sa una ay hindi namin alam kung paano nila 'yun nalalaman, pero ipinaliwanag ito sa amin ni Kelly.
Una, sasa-ilalim kami sa Zener Card. Pumasok na ako sa isang silid kung saan gaganapin ang pagsusulit para sa mind viewing.
Sa loob ng silid ay may limang lamesa ang nakahilera pero bawat lamesa ay may harang na kurtina, para hindi maistorbo ng isa ang isa't-isa.
Pumunta ako sa gitnang lamesa dahil iyon ang bakante. Umupo ako sa tapat ng lamesa at humarap ako sa lalaking nakasalamin at may katabi siyang babae na mukhang chicks.
"Magandang umaga, Mr. Reyes." pagbati ng lalaking kaharap ko. Nginitian ko lamang siya.
Sinimulan na namin ang mind session. Nagrelax muna ako. Pinokus ko ang pag-iisip ko.
Kumuha ng isang card si Prof. John Garcia. Nakita ko ang buo niyang pangalan dahil may nakalagay na name tag sa kaliwang dibdib niya.
Tinignan ni Prof. John ang zener card na nakuha niya. Huminga ako nang malalim at mas nagpokus pa.
Binasa ko ang isip niya at sumagot, "Circle."
"Wrong." pagkasabi nu'n ni Prof. John ay nanlaki ang mata ko. Paano naging mali 'yun!
"'Uy, ang daya! Tama 'yun. Naman eh!" pagmamaktol ko.
Tumingin naman sa akin 'yung chikababes kaya nginitian ko siya at kinindatan. Tumikhim si Prof. John at sinabihan akong manahimik na lang tuwing ako'y mamamali. Napanguso ako at tumango na lang.
Binasa ko ulit ang isip niya nang kumuha ulit siya ng card. "Wave."
"1 out of 25," salita ng babaeng katabi niya at may tinype ito sa tablet na parang hologram na hawak niya. Sa pagkaka-alam ko ay nandoon ang aking mga impormasyon.
Napangiti ako nang tumama ang pagbasa ko sa utak ni Prof. John at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
At nagsimula na nga ang zener card session ko. Kapag naka-abot ako ng 10 out of 25 ay mapapatunayan na fair psychic ability ako. At ibig sabihin lang din no'n ay nadadagdagan ang kakayahan ko sa pagmind reading/viewing. Pero kapag less than 10 out of 25 naman ang nakuha ko ay failed psychic ability ako. Ibig sabihin lang nu'n ay kailangan ko pang tutukan ang mga mind reading/viewing lessons na tinuturo sa klase.
"Ang iyong nakuha ay 11 out of 25. Fair psychic ability." nakangiting sabi ng babaeng nakatayo sa gilid ni Prof. John.
Ngiting tagumpay ang nakaguhit sa labi ko nang lumabas ako sa silid.
Fair psychic ability ako! Nitong mga nakaraang b'yernes kasi ay puro failed psychic ability ang kinalalabasan ng test ko. Pero ngayon ay nagtagumpay ako!
Kumendeng-kendeng ako habang nakatayo sa labas ng silid. Tinataas-taas ko pa ang mga kamay ko.
"Yeah! Tagumpay ang resulta. Tagumpay ang resulta. Whoo!" at tumalon ako habang nakataas ang mga binti ko.
Paglapag ko sa sahig ay nakarinig ako ng mga bulungan.
"Grabe. Ang taas niyang tumalon."
"Mukhang baliw pero gwapo!"
Napangiti ako sa mga narinig ko.
Naks naman. Naaamoy ko na ang mga chicks na lalapit sa akin, ah. Kahit wala akong special sense ability ay nararamdaman ko pa rin na may lalapit sa akin na babae. At hindi nga ako nagkamali roon!
"Jim, para kang timang diyan, ah!" paglingon ko ay si Jin pala ang lumapit sa akin.
Akala ko naman chicks! 'Yun pala feeling chicks itong lumapit sa akin.
Hindi ko na lang inalintana 'yung sinabi niya at pinagmayabang ko 'yung nakuha kong resulta.
"11 out of 25, Jin! 11 out of 25!"
"Tss. 'Yabang ne'to, eh naka 12 out of 25 nga ako, eh. Ano sino mas mataas sa 'tin? Huh?" nakataas kilay niyang sabi.
Ngumuso ako at nagsalita, "Hmp! Isang puntos lang naman ang pagitan, ang yabang mo na!"
Nanlaki 'yung mata niya sa sinabi ko at inirapan niya ako. Kabading talaga ni Jin.
"Nagsalita ang hindi mayabang!" sarkastiko niyang sabi.
"Okay na 'yung mayabang at least gwapo!" taas noo kong sigaw sa kanya.
Hindi namin pinapansin ang tingin ng mga taong nagdadaan kaya nagbangayan pa kami sa pasilyo.
"Gwapo rin ako 'no!" sigaw naman niya sa'kin.
"Oo! Sa sobrang gwapo mo ay nagmumukha ka ng babae! Bading! Hahaha. Ah bading!" pang-aasar ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at nakangusong tumingin sa akin. Asar na 'to panigurado.
"Oh! Bago pa kayo magpatayan diyan ay sumama na kayo sa aming bumaba! Walang gwapo sa inyo, 'uy!"
Napatingin kami ni Jin sa sumigaw at nakita namin doon si Kelly at ang iba pa naming kasama. Inaya nila kaming bumaba dahil gaganapin na ang Lakas Pagsusulit namin.
At iyon ang pangalawang pagsusulit na haharapin namin ngayong araw.
Binaba namin ang pangatlong palapag ng building gamit lang ang hagdan. Kahit limang palapag ang building ng paaralan namin ay wala pa rin ditong elevator.
Nakarating kami sa pinaka-ibabang palapag ng building. Habang kami'y naglalakad patungong field kung saan gaganapin ang suntok kamao ay pinagtitinginan ng mga dumadaan si Kelly. Oo, maganda si Kelly kaya huwag niyong lusawin dahil aanakan ko pa 'yan!
"Hindi ka ba naiilang?" dinig kong tanong ni Tey kay Kelly.
Mukhang dumamoves si Tey kay Kelly, ah! Nak naman ng, uunahan pa ako!
"Oo nga naman, Kelly, hindi ka ba naiilang?" singit ko sa kanilang dalawa.
Napatingin sa akin si Tey nang masama. Huh, akala mo maaagawan mo 'ko?
"Ha? Saan naman at bakit?" tanong ni Kelly.
"Sa tingin sa 'yo ng mga tao," sabi ko at nginuso ko ang mga taong nakatingin kay Kelly.
"Sa malakas na pagtibok ng puso ko para sa 'yo," sabi naman ni Tey at hinarap niya si Kelly sa kanya at kinuha niya rin ang dalawang kamay ni Kelly at nilagay niya 'yun sa dibdib niya.
"Oh, 'di ba, ang lakas ng tibok. Sa 'yo lang 'yan ganyan, Honey." nakangiti niyang sabi at kinindatan pa si Kelly.
Nakadamoves ang loko!
Napatigil ako at narinig kong napa-whoa ang mga kasama namin sa likod kaya napa-irap na lang ako.
"Ang korni. Tsk." inis kong sambit at kina Juko na lang ako nakisabay sa paglalakad.
Ang lecheng Kelly naman ay kinilig sa banat ng kumag na si Tey. Edi magsama sila! Magdamag pa kung gusto nila!
"Kuys Jim, natalo ka ni Kuys Tey!" halakhak ni Juko.
Sinamaan ko ng tingin si Juko at krinus ko ang braso sa harap ng dibdib ko.
"Juko, naman eh!" nakanguso kong sabi.
Pinagtripan nila ako dahil sa isang banat lang daw ni Tey ay natalo na ako. Asan daw 'yung malanding Jim na nakilala nila at tila naging duwag na Jim na ang kaharap nila. Hindi naman ako duwag kaya hindi ako bumanat din eh, nagpaplano kasi ako kung paano naman ako makakabanat kay Tey. 'Yung tipong lalamugin ko siya at ihahagis papuntang Jupiter para masolo ko na si Kelly.
Pambihira! Bakit ba kasi ayaw sunduin ng mga alien si Tey rito?
Nam's point of view
Nakarating na kami sa field at nadatnan namin doon ang dalawang babae at tatlong lalake. Ang isang babae ay may hawak na tablet na parang hologram at ang isa naman ay may hawak na timer. Ang tatlong lalake naman ay nakakalat sa field. 'Yung isa nasa kanan ng field, 'yung isa naman ay nasa kaliwa. At 'yung isa naman ay nasa pinakadulong unahan ng field. Sila kasi ang taga-pulot ng mga susuntukin naming kahoy. Malalapad na kahoy. Kung saan mapunta ng direksyon ang kahoy ay siya ang pupulot nito at itatabi kapag narecord na iyon ng isang babae.
Hindi naman mapupuruhan ang buto namin sa pagsuntok dahil may suot kaming gloves. Kapag napaaway kami ay mas matigas pa nga yata ang bungo ng tao kaysa sa kahoy na susuntukin namin, eh.
Si Kelly ang unang sasabak dahil ladies first ang basehan naming magkakaibigan. Mga gentleman kasi kaming mga lalake.
Pumwesto si Kelly sa harap ng malapad na kahoy na nakalutang at sinimulan na niyang mag-inat-inat ng mga braso.
"Go, Kelly Honey!" cheer ni Tey.
Siniku-siko ni Juko si Jim at tinutukso niya ito. Napa-iling na lang ako sa sitwasyon ni Tey at Jim. Nagmahal sila sa iisang babae. Pero nagmahal nga ba sila o trip lang talagang lumandi ng isa?
Sino ang nagmahal at sino ang malandi sa kanilang dalawa?
Sinimulan na ni Kelly ang kanyang pagsusulit at talagang nakakamangha nga siya. Kahit babae ay malakas naman ang pulso niya. Muntikan na ngang sumagi sa isip ko na si Hulk itong kasama namin. Lakas ng kamao, eh.
"5th line."
"6.7 seconds."
Ang bawat layo ng guhit sa field ay isang metro lamang.
Pumalakpak kami nang dumating na sa pwesto namin si Kelly. Hindi niya talaga kami binigong pamanghain. Kahit babae ay nakaya niya ang ganu'ng kalayo at bilis.
Nang ako na ang susubok ay pagsuntok ko pa lang sa kahoy ay nasira na agad ito. Hindi ko alam kung bakit.
Tinawanan ako ng mga kasama ko nang masira ko ang malapad na kahoy. Kahit ang mga tauhan na nasa field ay natawa. Napakamot na lang ako sa ulo ko nang naglagay ulit sila ng kahoy.
"Iba ka talaga, Nam!"
"Halimaw!"
"Halimaw sa dilim!"
"Badjao, eh!"
Inirapan ko ang panunukso nila at nagpokus na lang sa gagawin ko.
"4th line."
"7.1 seconds."
Napanguso ako sa resulta ng pagsusulit ko. Lagi na lang malapit ang kinalalagyan ng kahoy na sinusuntok ko. Ang lakas naman ng impact kaya hindi ko alam kung bakit ang lapit lang.
"Sa sobrang lakas ay nasira mo ang kahoy. Syempre dahil sa maliit na bahagi na lang ang natira at iyon ang tumumpit ay mabagal ang pagtravel nito. Maliit lang kasi kaya nakakaya ng hangin at napipigil ang paglipad nito. Pasalubong pa naman 'yung hangin. Okay lang 'yan. God of destruction ka kasi talaga." salubong sa akin ni Kelly. Iyan lagi ang sinasabi niya tuwing nakikita niya o nababasa niya sa mukha ko ang pagka-inis kung bakit ganu'n lagi 'yung resulta.
Hindi ko nga alam kung bakit parang nababasa niya ang utak ko at utak namin, eh. Pero muntik ko ng makalimutan, wala nga palang utak 'tong mga kumag na 'to.
Binigyan ko siya ng ngiti dahil naaappreciate ko 'yung mga sinasabi niya.
"Salamat," sabi ko sa kanya.
Tinakbo ako ng anim na lalaki at inakbayan ako ni Jin at ni Hook.
"Hina mo talaga, pare," sabi sa akin ni Yong na nasa tabi ni Hook sa kanan.
"Manahimik ka, gilagid." at umirap ako sa kanya.
Inasar naman ako ng dalawang naka-akbay sa akin. Halimaw raw talaga ako, kaya raw hindi umaabot ng malayo ang kahoy ay dahil sa sinisira ko raw ito. Sa halip daw na palayuin ko ay winawasak ko lang ito. Wala naman akong magagawa kung marupok 'yung mga kahoy na pinapagamit nila sa amin.
Marami pang pagsusulit na nangyari na nakatutok lang naman sa lakas ng braso at kamao. Takang-taka nga kami lagi kung bakit doon lang nakatutok 'yung mga pagsusulit. Bakit walang hagisan ng mga kutsilyo o iba pa?
Naglakas loob akong itanong ito kay Kelly at ang sabi niya ay may isang malaking dahilan ang gobyerno kung bakit. Sabi niya ay dahil daw natatakot ang gobyerno na malakasan sila kapag ineensayo kami at baka malabanan namin sila, baka raw hindi pa nila matuloy ang plano nilang pagsakop sa mundo. Napakaselfish talaga nila.
Sa mind reading naman daw, kaya raw may ganoong test ay para malaman din daw ng gobyerno kung nakakabasa na ba kami ng isip. Kung namamaster na raw ba namin ang mind reading. Para raw sa ganoon ay ma-alerto sila at iwasan ang pag-iisip tungkol sa balak nilang gawin sa amin. Baka raw kasi malaman namin ito. Pero alam na alam naman na namin ang balak nila.
Umuwi kami nang pagod na pagod. Pagod na katawan, pagod na pag-iisip, at pagod na damdamin.
Sumalampak sa sahig at sofa ang iba at ako naman ay dumeretso sa CR na may bitbit na tuwalya para sana maligo nang bigla akong pigilan ni Jin.
"Hops! Anong gagawin mo? Maliligo? Hindi pwede! Kagagaling lang natin sa pagod at pawis kaya magpahinga ka muna. Baka mamaya pagkatapos mong maligo at matulog ay hindi ka na magising. Huwag ka munang maligo, magpahinga ka muna. Bawal maligo kapag kagagaling mo lang sa pagod at pawis. Baka mamaya pasma rin ang abutin mo riyan." mahaba niyang wika kaya napatango na lang ako na may ngiti sa labi.
"Naks! Concern talaga si Jin kay Nam, oh! Ayiee!" panunukso ni Hook kay Jin.
"Bromance, amputek!" sigaw pa ni Tey.
Napatingin ako kay Jin at nakita ko siyang namula. Mabilis siyang tumalikod para pumuntang kusina nang pigilan ko siya.
"Jin, alam mo, nakakabwisit ka, eh!" napahinto siya sa sinabi ko at nakakunot ang noo niya. Napa-whoa naman ang iba sa sala.
"Ba-Bakit naman ako nakakabwisit, aber?!"
Ngumiti ako sa kanya nang matamis. "Kasi dumaan ka lang sa isip ko pero nahulog ka rito sa puso ko." at kinindatan ko pa siya.
"Boom panot!"
Nanlalaki ang mga mata ni Jin at mabilis niyang dinampot ang tsinelas na suot niya at mabilis niya itong hinagis sa akin. Mabilis ko itong inilagan at dinampot ko ang tsinelas niyang hinagis.
"Wow. Pink." at nginitian ko siya.
"Ang landi rin ni Nam, eh! Whoo!" sigaw ni Jim.
"Mabuhay ang NamJin!" sigaw naman ni Juko.
"Mabuhay!"
Asar nilang lahat sa aming dalawa ni Jin. Hindi ko alam kung bakit ang dami pa rin nilang enerhiya sa pang-aasar. Epekto na yata 'to ng pagiging baliw ng gobyerno rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top