Chapter 40: Tapusin na natin ito

Tey's point of view

Habang nasa ere pa ako ay napatingin ako sa araw na malapit ng lumitaw. Ang sikat nito na yayakap na sa buong paligid, sa aming mga balat. Ang sikat na muli naming mamamataan. Akala ko ay hindi na sisikatan ng araw ang katawan ko na buhay pa, eh. Pero mabuti na lang ay mas gwapo't matalino ako kaysa sa Presidente.

Napatingin ako sa ibaba at pinagkakaguluhan ng mga tao ang walang buhay na katawan nito. Bumaba na ako sa sahig at naglakad ako palapit dito. Habang naglalakad ako ay napapatingin sila sa akin at lumilihis sa dadaanan ko.

Hindi ako halimaw, guys. Gwapo lang ako.

Nang marating ko na ang pwesto ng Presidente ay namataan ko naman sa gilid nito sina Yuri, Jin, at Juko. Tumingin sa akin si Juko at yinakap niya ako nang mahigpit.

"Kuys Tey!" banggit niya sa gwapo kong pangalan na ikinatawa ko.

Hinagod ko ang kanyang likod. Humiwalay siya sa yakap at ngumiti siya sa akin. Ang kanyang mata na may nangingilid na luha ay kumikinang sa aking paningin. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ang daming natuwa dahil sa ginawa mo. Ang sarap sa pakiramdam dahil ang dami kong natulungang tao. Ang daming lumigaya at tila nakawala na sa hawla.

Napangiti ako at si Jin naman ang yumakap sa 'kin.

"Strong tayo, eh," bulong ni Jin habang nakayakap pa rin.

Humiwalay ako ng yakap at tinaas ko ang kanan kong braso at pinakita ang muscle ko.

"Strong," sabi ko at napangisi si Jin.

Napatingin naman ako kay Yuri na hinagod lang ang likod ko at binigyan ako ng ngiti. Alam kong kahit nakangiti siya ngayon, may lungkot pa rin doon. Lungkot dahil sa pagkawala rin ng kanyang mga kaibigan.

Bigla kaming naging alerto nang biglang may lumitaw na mga White Guards.

"Huminahon kayo! Hindi sila kalaban," biglang sulpot ni Airo na ikinakalma ko naman.

May buhat-buhat siyang bata at may katabi siyang babae na kagandahan.

"Sila ay kakampi rin natin. Kung hindi n'yo napansin pero tinulungan nila tayo sa pagsagupa sa ibang masasamang tao. Tinulungan nila tayo. Sila ang supplier ng mga armas na nagamit natin," bigkas muli ni Airo. Tumingin siya sa babaeng katabi niya pero inirapan lang siya nito, maga ang mata nito at namumula pa. Tapos para siyang galit na galit kay Airo.

Magsasalita pa sana si Airo nang makarinig kami ng magkakasabay na mga yapak. Nanglaki ang mata naming lahat nang makakita kami ng magkakamukhang tao at may something na gadget ang nakakabit sa mata nila. Parang goggles pero hindi transparent. Kulay itim ito at may kulay pula na ilaw sa gilid ng goggles na 'to.

Kinasa ng mga gwardiya ang kanilang mga baril at itinutok doon. Ang iba ay naghanda at ako naman ay lumipad papunta sa harapan ng lahat at sa harapan ng magkakamukhang tao na 'to. Dala-dala ko ang katawan ng Presidente upang ipamukha sa mga ito na patay na ang kanilang pinuno kaya sumuko na lang sila.

Paglapag ko ay hinagis ko sa harapan ng mga clone ang katawan ng Presidente. Medyo naiilang akong tignan ang mga clone dahil sa mga itsura nila.

"Oh, ayan na ang pinuno ninyo. Patay na, 'di ba? Kaya wala na kayong rason upang ipagpatuloy o gawin pa ang inutos niya sa inyo. Wala na kayong rason upang gumawa ng kasamaan sa mundo. Wala na kayong rason para sakupin pa ito. Wala na ang pinuno kaya mamuhay na tayo nang mapayapa rito. Wala na ang masama kaya magpakasaya na tayo."

"Lahat tayo'y ginawa ng Diyos at kaya tayo ginawa ay para ikalat sa mundo ang kabutihang taglay nito. Lahat tayo'y may buhay, lahat tayo ay binigyan nito. At lahat tayo ay kakaunti lang ang oras sa mundo, kaya bakit pa kayo gagawa ng masama? You only live once kaya sulitin n'yo na. 'Wag ng magsunud-sunuran dahil hindi kayo aso para gawin 'yon. Let's end this, guys. Punitin na natin ang kasamaan at idikit ang lahat ng kabutihan." mahaba kong wika na ikinalaglag ng panga ng iba. Lalung-lalo na sina Juko.

Minsan lang ako magsalita ng ganito kaya sulitin na nila.

Walang sinabi ang mga clone na pinagsabihan ko kaya nainis ako. Sila na nga ang binibigyan ng pangalawang pagkakataon, tutunganga pa sila diyan? Aba naman pala.

Sasabog na sana ako sa inis nang makarinig kami ng pagtawa. Ang mga clone ay naghati sa dalawa at sa gitna nitong bahagi ay may dumaang dalawang babae na ikinalaglag ng aming panga.

"Mababagal na palakpak para sa 'yo, Mr. Tey Rivera," nakangiting sabi ni Shanie at ginawaran ako ng palakpak na mabagal.

Nakanga-nga akong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi lang ako dahil halos kaming lahat dito pwera lang kay Airo na nakangisi habang umiiling-iling pa.

"Damang-dama namin ang mga sinabi mo, Mr. Rivera," dagdag pa ni Shanie.

'Wag niyang sabihin na iinisin niya ako? Aba'y 'wag sa harapan ng Honey ko.

"Una, gusto ko kayong batiing lahat. Sa lahat ng nakaligtas, masaya ako para sa inyo. Sa lahat ng lumaban, saludo ako sa inyo. At sa lahat ng matapang ay hanga ako sa lakas ng loob ninyo."

"Pangalawa, mas gusto kong i-congratulate ang lahat dahil sa wakas ay wala ng demonyo na namumuhay sa lungsod na 'to. Sa wakas ay patay na ang Presidente. Well, thank you, Mr. Rivera, dahil ikaw ang dahilan kung bakit siya nawala. Salamat."

"Maraming salamat, Mr. Tey Rivera, sa pagligtas sa aming lahat," sabay-sabay na bigkas ng mga clone.

Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sabay-sabay talaga silang lahat. Walang nahuli at walang nauna. Nakakapangilabot pakinggan!

Napangiti si Shanie at pinagpatuloy niya ang kanyang sasabihin.

"Pangatlo at pang-huli, gusto naming sabihin na ang lahat na clone na inyong nakikita ay hindi pa tuluyang gawang-gawa. Ang nakikita n'yong parang goggles na nakasuot sa kanila ay ito ang gabay pa sa kanila para sa mga impormasyon. Ito ang nakakakontrol sa mga goggles gadget na 'yan." sabay pakita niya ng controller nito.

"Habang nilalabanan kanina ni Tey ang Presidente ay umaksyon na kami ni Kelly. Kanyang ideya iyon. Pinuntahan namin ang White Laboratory at nilabanan namin ang mga scientists doon at pasalamat naman dahil nanalo kami. At pagpasok namin sa isang malaking silid ay halos lumabas ang mata namin dahil sa aming nakita. Sila ay 200 clones. At may nakuha kaming pitong katawang wala ng buhay sa mga container."

Bigla akong nagalak sa sinabi ni Shanie. May nakuha silang pitong katawan at malakas ang hinala kong iyon ang katawan ng mga kaibigan ko. Malakas ang hinala ko na ang apat kong kaibigan ay nandoon.

May mga White Guards na sumulpot at tig-iisa sila ng karga ng tao. Napatakbo ako sa mga ito at napatakip ako sa aking bibig nang makita na sa pitong ito ay ang apat nga naming kaibigan ay kasali rito. Nagsilapitan din sina Juko, Jin, at Yuri at kagaya ko ay naluha rin sila sa nakita.

Yinakap ko ang mga katawan nilna Hook, Jim, Nam, at Yong at umiiyak ako rito. Ang sakit makitang wala ng buhay ang katawan ng mga kaibigan mo. Ang sakit sa puso. Nakakawalang buhay. Nakakapanghina. Nakakagago.

Kung maaga sana kaming nakaaksyon ay baka nailigtas ko pa sila. Kung maaga sana ako nagpaturok ng WINGS ay baka buhay pa sila ngayon at makakatawanan namin hanggang ngayon. Pero hindi, eh. Para kaming pulis sa isang teleserye o palabas, laging huli dumating. Laging kung kailan tapos na saka pa lang dadating at aaksyon.

Habang nakaluhod ay napasabunot ako sa aking buhok. Ang sakit-sakit sa dibdib! Damang-dama ko ang pagkawasak nito sa pagsulyap lang sa mga kaibigan ko.

Paano na 'yan? Paano ko na makikita at masasaksihan ang kakulitan nila? Paano ko na lang ulit maririnig ang walang humpay na tawanan at asaran nila? Paano ko na lang ulit maririnig ang utot nila? Paano ko na lang ulit...

Naramdam kong may yumakap sa likod ko. Bumulong ito na mas lalo kong ikinaiyak.

"Shhh. Tey, h'wag mong sisihin ang iyong sarili. Hindi mo 'to kasalanan. Okay?" bulong sa akin ni Kelly habang nakayakap sa likod ko.

Humarap ako sa kanya at ginantihan ko siya nang mahigpit na yakap. Napadaing siya sa ginawa ko dahil may mga sugat siyang sariwa pa pero hindi niya ako tinulak palayo, sa halip ay ginantihan pa niya ako nang mahigpit ding yakap.

"Kalalaki mong tao, ang iyakin mo. Nakakabakla 'yan, h'wag mong gawin 'yan. Ayoko sa mga lalaking iyakin, kaya paano mo ako matuturn-on niyan kung una pa lang ay laglag ka na dahil sa pagiging iyakin mo?" dama ko ang panunuya niya rito kaya napangiti ako kahit papaano.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Paano 'yan kapag na-iyak ako dahil sa panganganak mo, edi aayawan mo na agad ako?"

Mabilis akong nakatanggap ng batok galing sa kanya kaya napangiti lalo ako.

"Anak ka diyan. Hindi ka pa nga nanliligaw, nasa panganganak na kaagad 'yang isip mo?" natatawa niyang sabi.

Humiwalay siya sa yakap kaya napanguso ako.

Hinwakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha rito. Tinitigan niya ako sa mata kaya halos malusaw ako.

"A-Ano ba, K-Kelly. Anong t-titig ba naman 'yan," nauutal kong sabi. Naramdaman ko rin ang pag-init ng mukha ko.

Natawa siya dahil sa reaksyon ko.

"Anong kabaklaan 'yan, Tey? Pero bakit, ayaw mo ba?" nakataas kilay niyang tanong.

Mabilis akong um-oo na ikinakunot ng noo niya.

"Oo dahil ito ang gusto ko." pagkatapos kong magsalita ay sinunggaban ko na siya ng halik.

Naramdaman ko ang pagngiti niya at sinuklian niya ako ng halik na lubos ko namang ikinatuwa.

Ang Honey ko, may gusto na sa akin! Hinalikan ako ng Honey ko!

Pero sabi niya sa pampang noong umamin ako sa kanya ay wala siyang gusto sa akin? Nireject pa nga niya ako, eh! Ang gulo talaga ng Honey ko.

Napatigil kaming pareho nang may umubo ng peke sa paligid. Nataranta si Kelly nang mapansin niyang nasa public place pala kami at halos lahat ay nakatingin sa amin. Natawa ako at tumayo. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap niya naman iyon kaya itinayo ko na siya.

"Akala ko'y makakapanood ako ng porn, eh." mapanuksong sabi ni Yuri.

"Manahimik ka, Yuri," sabi ni Kelly pero inirapan lang siya ni Yuri.

Nilibot ko ang mata ko sa mga taong nakaligtas. Ang saya ko dahil natulungan ko sila. Ang saya ko dahil sa simpleng pagtusok sa dibdib ng punyal ay libu-libong buhay ang nasagip ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga clone na kamukhang-kamukha ng mga kaibigan ko.

Hindi ko alam kung paano agad lumaki ang mga clone na ito. Maraming taon pa ang aabutin para mabuo nang tuluyan ang clone kaya nakakapagtaka kung bakit nagawa agad nila ang clone na ito.

Napangiti ako nang may marinig akong tilaok ng manok. Humigpit ang kapit ni Kelly sa kamay ko kaya hinigpitan ko rin ito. Lahat kami ay nakatingin sa araw na papasilay na talaga. Ang sikat na araw na tuluyan ng kakalat sa buong lungsod. Ang pagsikat ng araw na magsisimbolong bagong buhay o pagsisimula sa pag-aayos ng mga nasirang samahan o sa mga nasirang katauhan.

Maraming naligaw. Maraming nabaliw. Maraming nagdusa. Maraming umiyak. Maraming namatay. Pero marami ring nabuhay. Lahat ng mga masasamang alaala ay unti-unti ring mabubura sa bawat pagsikat ng araw, sa bawat pagsibol ng panibagong kabanata ng aming mga buhay.

Tinignan ko ang bangkay ng mga kaibigan ko, hindi lang bangkay ng mga kaibigan ko kundi lahat ng bangkay na namatay, pati na rin ang bangkay ng Presidenge na maganda na ang higa sa sahig.

Kapag tuluyan ng sumikat ang araw. Kapag tuluyan na kaming nasilaw ng araw ay ito na ang magsisimbolo sa pagbabagong buhay. Ito na ang magsisimbolo sa dapat gawin ng lahat. Ito na ang magsisimbolo sa kabuhayan ng lahat.

Binuka ko ang pakpak ko at lumipad ako pataas habang yakap-yakap si Kelly na mukhang nabigla sa ginawa ko. Tinignan ko siya at nginitian.

"Hindi ka ba magsisisi?" tanong niya at inilingan ko ito.

Hindi ako magsisisi sa pagpayag na maiturok ang WINGS sa katawan ko. Kahit habang buhay na akong magkakapakpak ay wala akong pakialam. Kahit habang buhay na ang lakas ko at kahit habang buhay na akong hindi tatanda ay wala akong pakialam. Kahit masabihan ako ng demonyo dahil sa hindi pagtanda at dahil sa may pakpak akong itim ay wala akong pakialam. Basta kasama ko ang babaeng mahal ko at ang mga magiging anak ko ay babaliwalain ko lahat ng iyon dahil masaya ako. Dahil hangga't masaya ang gwapong ito ay patuloy pa rin ang takbo ng istorya ko.

"Mahal na mahal kita, Honey," bulong ko sa kanya at napangiti siya.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan niya ako sa aking labi. Nabigla ako sa ginawa niya dahil hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin talaga o ano pero kagaya nga ng inisip ko kanina, wala akong pakialam. Basta masaya ako, wala akong pakialam.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at muli ko siyang hinalikan. Mariing halik na parang wala ng kinabukasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top