Chapter 4: Blood Tree

Yong Serrano's Point of view

Habang pumipidal ay hindi namin alam kung saan ang punta namin. Basta sinusundan lang namin si Kelly at ang patrol car na pinaglagyan ng magnanakaw.

Ayoko na nga sanang sumama dahil gusto ko pang matulog. Putol ang tulog ko, eh!

"Saan ba talaga tayo pupunta? Ang layo na nito, ah." tanong ni Hook habang lumilinga-linga sa paligid.

Mapuno na itong dinadaanan namin. Nakakailang minuto na rin kaming pumipidal pero mukhang wala pa kami sa aming destinasyon.

"Hintay lang," tugon ni Kelly.

Kelly Ladignon. Napansin ko lang, bakit kaya hinahayaan niya kaming pagtanungan siya at malaman ang gusto naming malaman? Bakit masyado siyang mabait? Pero hindi ko naman napapansin na may kinakausap siyang ibang tao. Sa amin lang ba siya mabait at sa iba'y hindi?

Ilang minuto pa ang lumipas nang huminto ang patrol car at si Kelly kaya prumeno na rin kami para makahinto.

Nagdrift pa si Nam sa kanyang bisikleta na pinuri ni Jin.

"Wow!" Nakatakip pa sa bibig na sabi ni Jin.

Pinakitaan siya ni Nam ng pamatay na ngiti at lumitaw doon ang mala balon niyang dimple.

"Nandito na tayo~" masayang sabi ni Kelly. Masaya siyang bumaba sa kanyang bisikleta at hinarap niya kami.

"Maligayang pagdating sa Blood Tree!" at tinuro niya 'yung nasa pinakadulong puno na may pulang mga dahon.

"Blood Tree?" taka naming tanong.

Ngumiti ito at naglakad na siya papunta sa dalawang White Guards na hawak-hawak ang magnanakaw.

"Dito ko dinadala ang mga makasalanang tao at ang mga desperado," sabi niya habang siya'y nakatalikod sa amin.

Inistand namin ang aming bisikleta at sumunod kay Kelly. Habang kami'y naglalakad ay nakatingin kami sa pulang puno na tinawag ni Kelly'ng 'Blood Tree'.

"Ang astig ng puno, kulay pula," manghang sabi ni Tey.

"Bakit blood tree ang tawag diyan?" taka namang tanong ni Jim.

"Kasi pula?" hindi siguradong hula ni Jin.

"Nagkakamali kayo. Kaya Blood Tree, ay diyan koㅡnaming tatlo pinaparusahan ang mga makasalanang tao. Diyan inuubos ang dugo ng isang tao." paliwanag ni Kelly.

Humarap 'yung magnanakaw kay Kelly at tinanggal ni Kelly 'yung posas sa magnanakaw na ikinabigla namin.

"Bakit mo pakakawalan!" bulyaw ni Nam.

"Huwag kayong mag-alala, wala kayong masasaksihang kababalaghan," nakangising tugon ni Kelly.

Hindi nag-uusap ang magnanakaw at si Kelly pero mukhang nagkaka-intindihan silang dalawa. Pati ang dalawang White Guards ay mukhang naiintindihan ang usapan ng dalawa. Iyon naman ang ikinatataka naming pito.

"Ano, titigan na lang, gano'n?" bulong ko.

Inalalayan ng dalawang White Guards 'yung magnanakaw patungong Blood Tree kung tawagin ni Kelly.

"Halikayo," pag-aaya sa amin ni Kelly.

Hindi kami nag-alinlangang sumunod dito dahil gusto rin naman naming malaman ang tungkol sa Blood Tree'ng ito.

"Ang tahimik niyo masyado. Alam ko ang mga iniisip ninyo, pwede naman kayong magtanong." nakahalukipkip ang mga braso ni Kelly sa kanyang dibdib habang siya'y nagsasalita.

Gaya nang sabi ni Kelly ay agad na nagtanong si Nam.

"Anong gagawin niyo sa magnanakaw na 'yan dito sa Blood Tree?"

Humarap sa kanya si Kelly at ngumiti. "Ihuhulog sa butas." at itinuro niya ang butas na natago dahil sa laki ng mga ugat ng puno.

Hindi halata na may butas doon dahil sa kalakihang ugat ng puno.

"Anong mayroon sa loob niyan?" taka kong tanong.

"Kamatayan."

Humarap na muli si Kelly sa magnanakaw. Nagulat at napatayo kami nang matuwid sa sinabi ni Kelly.

Kamatayan? Bakit mukhang hindi man lang kinabahan 'yung magnanakaw sa nalaman niya? Hindi man lang siya pinagpawisan sa noo nang marinig niya kung ano ang meron sa paghuhulugan niya.

Tila kami pa talaga ang kinabahan para sa kanya.

Bago ihulog ng mga White Guards ang magnanakaw sa butas ay humarap muna ito kay Kelly at nagsalita.

"Pinagkatiwalaan kita at napabilib mo 'ko," nakangiting sambit ng magnanakaw bago siya ihulog sa butas.

"Easy to get, eh?" bulong ni Kelly. Napatingin ako sa kanya dahil narinig ko 'yung binulong niya.

Nakakatakot 'yung pagkakasabi niya no'n. Siguro kung matatakutin akong tao, baka inatake na ako.

Napalingon ako sa ibang gawi nang marinig ang sigaw ng magnanakaw. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at ramdam kong iyon din ang nararamdaman ng mga kasama ko.

Nakakatakot gumawa ng kasalanan dahil baka ihulog din kami roon. Pero 'yung mga gobyerno rito bakit hindi ihulog do'n, eh ang sasama nila?

"Oha! Ganu'n lang kadali pumatay si Kamatayan sa ibaba!" masayang sabi ni Kelly. May namatay na nga sa butas, masaya pa siya?

Hindi ko alam kung matatakot ba ako kay Kelly o ano. Ang astig niya kasi pero nakakatakot din.

"Bakit may karapatan kang magpatapon ng tao sa Blood Tree?" tanong ni Tey kay Kelly.

"Oo nga. Sino ka ba talaga?"

Huminga nang malalim si Kelly bago magsalita. "Wala 'yon. 'Wag niyo nang itanong." at umiwas na siya ng tingin sa amin.

Inaya niya na kaming umuwi. Hindi namin alam kung sasama pa ba kami sa kanya dahil ang misteryoso niya. Kapag nagtatanong kami sa kanya tungkol sa Bangtan City, sinasagot niya. Pero kapag tungkol na sa kanya 'yung tinatanong ay mabilis niyang nililiko ang usapan.

Bago kami makaalis sa lugar na 'yon ay napatitig na lang ako bigla sa mga tuyong dahon at may naramdaman akong bigla na init sa buong katawan ko papunta sa aking mata. Bigla na lang nagliyab ang mga tuyong dahon kaya nataranta sila dahil malapit lang iyon sa aming pwesto.

Mabilis na pinatay ng dalawang White Guards ang apoy. Napansin kong nakatingin sa akin si Kelly na may ngiti sa labi kaya napa-iwas ako ng tingin.

Paanong nangyari 'yun?

Naramdaman ko kanina bigla ang init mula paa hanggang sa dumapo ito sa aking mata at ramdam kong nagliyab ang mga mata ko, at mas lalo kong ikinagulat ang pagliyab din ng tuyong dahon na tinitignan ko. Nakakapagtaka.

O baka kaya lang 'yun nagliyab ay dahil sa init ng panahon?

"Mali."

Napatayo ako nang diretso nang makarinig ako ng boses sa utak ko. Damn it. Nababaliw na yata ako!

Nakarating na kami sa bahay ni Kelly at pumasok na roon.

"Sa tingin niyo, sino ba talaga 'yang si Kelly?" Bulong sa amin ni Hook.

"Tao?" sagot ni Tey.

"Nabuhay siya nang may maraming swag!" sagot ko naman.

Humarap sa amin si Kelly na may ngiti sa labi.

"Guys, huwag niyo na lang alalahanin 'yung sa kanina. May misyon pa akong dapat protektahan kaya huwag na muna kayo magtanong tungkol sa Blood Tree."

"Malalaman niyo rin naman ang tungkol doon, kaso sa takdang panahon pa." dugtong ni Kelly bago ito tumalikod at pumuntang kusina.

"Hanep, kahit ang gulu-gulo ni Kelly ay hindi ko pa rin mapigilan 'yung sarili ko na gustuhin siya." bulong ni Jim habang nakatingin kay Kelly.

"Ang gulo na nga ng isip ko, pati ba naman ang puso ko'y ginugulo niya? Alabet!" sabi naman ni Tey na parang kinikilig pa. Tila humigop siya ng sabaw na pagkaasim-asim kung kiligin.

"Hindi gusto ni Kelly ang mga korning katulad mo!" sigaw ni Jim kay Tey.

"Hindi rin gusto ni Kelly ang malanding katulad mo!" sigaw rin ni Tey kay Jim.

Napasapo na lang kami sa noo dahil nagtatalo na naman silang dalawa tungkol kung sino ba ang nababagay kay Kelly.

Kung kami ay naguguluhan sa sinabi ni Kelly, sila nama'y nagbababag. Nagbabakalan pa sila ng madadampot nilang bagay. Nu'ng isang araw nga ay nagbangayan sila at binakal ni Tey 'yung flower vase kay Jim. Hanep, akala namin ay katapusan na naming lahat nang mabasag 'yung vase dahil nasabi sa amin ni Kelly na huwag na huwag daw kaming babasag ng gamit dito sa bahay. Nakakatakot pa 'yung itsura ni Kelly nang tignan niya ang vase! Nakakapangilabot 'yung titig niya! Buti na lang at si Tey at Jim lang ang pinarusahan niya.

Bumilad lang naman sa araw ang dalawa habang sila'y nakaluhod sa monggo habang may tig dalawang libro sila sa parehas na kamay. Nakakangawit kaya 'yun! Ang dami talagang swag ni Kelly.

"Hindi gusto ni Kelly ang mga walang swag! Swaeg!" singit ko sa kanilang dalawa. Tumingin silang dalawa sa 'kin nang may masamang tingin at binato nila ako ng unan na nakuha nila sa sofa.

"Itikom mo 'yang bibig mo!"
"Manahimik ka nga gilagid!"

Sigaw nilang dalawa sa akin. Umirap ako sa kanila at ipinatong ko ang aking ulo sa balikat ni Jin.

"Huwag mong sabihin na matutulog ka na naman?" sabi ni Jin.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya na blanko ang ekspresyon. "Oh, eh ano naman?"

Jin's point of view

Gustung-gusto kong tumulong sa pagluluto kaso kainis 'tong si Yong! Natutulog sa tabi ko habang nakapatong ang ulo sa balikat ko. Ayoko naman siyang gisingin at palipatin sa kwarto dahil baka paulanan ako nito ng mura.

"Juko, halika rito." tawag ko kay Juko na busy sa pagdrawing.

"Kuys Jin, naman eh. Nagda-drawing ako ng Blood Tree, eh." inis niyang sabi pero sumunod naman sa sinabi ko.

"Ano po ba 'yon?" magalang niyang tanong.

"Ayaw mong magalit si Yong, 'di ba?"

Tumango naman siya sa sinabi ko. "Sino naman ang may gustong magalit 'yang si Kuys Yong?"

"Halika rito. Ikaw ang magsilbing sandalan ni Yong. Sabi niya sa akin kanina na ikaw raw ang gusto niyang sandalan, eh." pagsisinungaling ko sa kanya.

"Kuys Jin, naman eh. Parang wala naman akong narinig na sinabi ni Kuys Yong 'yon."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Gagawin mo o gagawin mo?"

Napaawang ang bibig niya at tila hindi makapaniwala. "Waaah! Ang hirap naman maging masunuring bata!" at padabog siyang pumalit sa pwesto ko.

Nginisian ko ang nakabusangot niyang mukha. Mabilis akong pumunta sa kusina at naabutan ko roon si Kelly na nagluluto. Lumapit ako sa kanya.

"Ako na, Kelly."

Napatingin siya sa akin nang may kunot sa noo.

"Magluluto ka? Eh, lalake ka, ah?"

Napanguso ako sa tugon niya. Hindi na ba pwedeng magluto ang mga lalake?

"Hindi naman yata pwedeng babae lang ang pwedeng magluto, 'di ba?"

Narinig naming dalawa ni Kelly na may tumawa sa aming likuran at nakita namin doon si Jim at Tey. Siguro ay pinapanood na nila kanina pa si Kelly sa pagluluto. Hays, napagnasaan na si Kelly ng dalawang kumag.

"Kelly Honey, kung alam mo lang kung gaano karunong magluto 'yang si Jin." proud na sabi ni Tey.

"Pwede na ngang mag-asawa 'yan, eh!" sabi naman ni Jim.

Napataas ang kilay ni Kelly sa sinabi ng dalawa. Mukhang hindi makapaniwala. Pwes, patutunayan ko 'yon sa kanya.

Kinuha ko ang kutsilyo, sangkalan at mga ingredients at sinimulan ko ng maghiwa para sa iluluto ko. May sabaw ang iluluto ko dahil gusto ko ng may mahihigop na mainit pwera sa kape dahil medyo malamig ngayong gabi rito sa Bangtan City.

Mangha naman ang nakaguhit sa mukha ni Kelly nang makita niya kung paano ako gumalaw sa pagluluto't paghihiwa.

"Whoa! Ideal man ko 'yan!" masaya niyang sabi habang nakatingin sa ginagawa ko.

Umangal naman agad 'yung dalawa sa sinabi ni Kelly.

"Ho-Hoy! Jin, huwag ka nang makikisawsaw ha!" sigaw sa akin ni Jim.

"Kelly, ako matututo akong magluto! 'Di ba, Jin, tuturuan mo ako?" ani Tey.

"Kelly, ako marunong bumuo ng pandesal!" mayabang na sigaw ni Jim habang nakahawak pa sa kanyang tiyan.

Napa-iling na lang ako sa dalawa, samantalang si Kelly ay natatawa.

"Sige! Ang pinakamagaling ay mananalo!" natatawang sigaw ni Kelly. Mabilis namang pumayag ang dalawang loku-loko sa sinabi ni Kelly.

Mga utu-uto talaga.

"Nakakatuwa talaga silang dalawa!" halakhak ni Kelly sa tabi ko.

Natapos na akong magluto at tapos na rin kaming kumain. Puro papuri pa ang inabot ko nang matikman ni Kelly ang luto ko. Lagi namang sumisingit 'yung dalawang kumag, kayang-kaya raw nila akong lagpasan sa pagluluto. At simula nang malaman nilang ideal man pala ni Kelly 'yung marunong magluto'y lagi na nila akong nilalapitan para humingi ng tips at magpaturo sa pagluluto. At syempre pumapayag ako dahil nagpapakitang gilas ako kay Nam. Si Nam na baliktad ang paghawak sa kutsilyo. 'Yung tulis na nakakahiwa ng pagkain 'yung nasa itaas, at 'yung hindi naman nakakahiwa'y nasa ibaba. Masyado kasi siyang takot sa kutsilyo!

Sa mga sumunod na araw ay tamad kaming bumangon para pumasok.

"Nakakawalang ganang araw na naman." iyan lagi ang aming sambit tuwing kami'y papasok.

"Guys! Ilang beses ko bang sinabi sa inyo na kakaibang paaralan ang mayroon tayo kaya ganahan kayo!" bulyaw sa amin ni Kelly habang kinakalampag ang sandok sa kaserola.

Wala naman na kaming nagagawa tuwing nagigising niya kami. Hindi namin alam kung papaano niya kami napapasunod sa mga salita niya. Ginayuma yata kami.

"Alam niyo. Halatang wala kayong gana araw-araw." wika ni Kelly habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada.

Inaya niya kaming maglakad-lakad, para raw maging pamilyar naman kami rito sa Bangtan City. Lahat naman kami'y sumang-ayon sa gusto niya.

"Hindi lang siguro sanay." sagot ko.

"Hays, sino naman kaya ang masasanay kung math subject ang pinag-aaralan." bulong ni Juko.

"Ganito lang talaga kami!"

"Grabe, Tey! Nandito lang kami sa tabi mo, kung makasigaw ka parang nasa malayo kami!" natatawang sabi ni Hook habang nakahawak siya sa kanyang tainga.

"Hehe. Shori po!" baliw na sabi ni Tey at ginawa niya ang ginawa ni Kathryn Bernardo sa Got to believe in magic.

"Lakas maka-Kathryn Bernardo, ah!" tukso sa kanya ni Kelly na ikinakilig naman ni Tey. 'Lande!

"Ayiee, si Honey Kelly nilalandi ako!" kinikilig na sambit ni Tey at tumabi pa siya kay Kelly kaya naman nagwala si Jim.

"Kapag ba tinukso, nilalandi na agad? Hindi ba pwedeng pinagtitripan lang?" nakapameywang na sabi ni Kelly kay Tey na tinutusok-tusok siya sa tagiliran.

"Hahaha! Ayan, buti nga! Assumero!" tukso naman ni Jim kay Tey.

"Ehh!" nakangusong sabi ni Tey. Kunwari tampo raw siya.

Napailing na lang kami sa dalawang magkaribal sa pag-ibig. Huminto kami sa isang kainan at doon namin napagbalakang kumain.

Pinagsama namin 'yung tatlong lamesa na pang-apatan para magkatabi-tabi kaming walo. Si Kelly ang namili sa pagkain namin dahil siya ang mas nakakaalam sa mga pagkain dito.

"White Palace." napalingon kami kay Kelly nang magsalita ito. Nakatingin siya sa malayo at nang aming sundan ang kanyang tingin ay nakatingin siya sa malaking palasyo na kita mula rito sa aming pwesto.

"Ano naman 'yun?" tanong ni Yong.

"Iyon ang kinalalagyan ng mga gobyerno, scientists, at iba pa. Sa maikling salita, doon ang kanilang kuta." paliwanag niya.

Tinignan ko ang White Palace. Malaki ito at kitang-kita mula rito, pero ang sabi ni Kelly ay malayo ito lalo na kung lalakarin mo.

"Nakarating ka na ba riyan?" tanong ko kay Kelly.

"Sikretong malupet," tugon niya at sakto namang dumating ang aming pagkain.

"'Wag sabi kayong magtanong tungkol sa akin. Magtanong kayo tungkol sa Bangtan City." sabi ni Kelly bago tikman ang pagkain.

Tumikim din ako sa aking pagkain at mas magaling pa akong magluto kaysa sa chef dito. Ano ba naman 'yan! Patanggal na kaya nila 'yung chef nila at ako ang ipalit? Kailangan ko rin naman ng pera.

"Bakit ayaw mo?" tanong sa kanya ni Juko.

"Kasi wala kayong mapapala. By the way, sa White Palace na 'yan ay wala pang nakakatungtong kahit isa sa mga taong katulad natin. Pwera na lang kung ipatawag ka nila kasi itetest na nila ang katawan mo." paliwanag ni Kelly at sumulyap muna siya sa palasyo bago ulit sumubo.

"Ibig ba niyang sabihin ay hindi ka pa rin doon nakapupunta?" tanong sa kanya ni Tey.

Tumingin siya kay Tey at ipinatong niya ang kanyang mga braso sa lamesa. "Nakapunta na, sa labas nga lang." at kumain na siya ulit.

"Sa labas pa lang ng palasyo ay may test ka ng makakaharap."

"Gaya ng?" tanong ni Nam.

"Kapag dumaan ka sa dalawang poste sa palasyo ay makukuha nito ang identity mo at malalaman nila ang pursyento ng pagiging Bulletproof mo. Kung sakaling mahina ka pa ay itataboy ka nila paalis ng palasyo, pero kung ika'y malakas, asahan mo ng dadamputin ka ng mga White Guards at dadalhin ka na nila sa White Laboratory kung saan isinasagawa ang experimento."

Napatangu-tango naman kami sa paliwanag niya.

"Posible bang patayin ka nila kahit malakas ka?" tanong ni Hook.

"Posible. Hindi rin naman kasi nila kailangan iyang katawan mo, eh. Kailangan lang nila ay 'yang cell mo. Pero mas maganda pa rin 'yung mismong katawan ng isan' daang pursyentong Bulletproof ang gagamitin, dahil mas hasa 'yun kaysa sa gagawin nilang bagong katawan. And yeah, kayang-kaya nilang gayahin ang katawan mo." at nakataas pa ang kutsara ni Kelly pagkatapos nitong magsalita.

"Experto masyado ang mga scientist dito kaya kaya nilang gawin iyon. At kaya rin nilang gumawa ng ibang katawan para ipadala sa labas ng palasyo."

Napakunot naman ang noo ko. "Para saan naman 'yung ginawa nilang ibang katawan?"

"Para obserbahan ka," nakangiti nitong tugon.

Napa-upo ako nang matuwid dahil sa sinabi niya.

"P-Para obserbahan ako?" utal kong tanong.

"Ang ibig kong sabihin ay para obserbahan ang bawat tao rito. At para rin paamuhin ka para mapapayag kang ibigay ang katawan mo sa kanila. Kaawa-awa 'no? Kinaylangan pa nilang gumamit ng iba para makuha ang katawan mo. Hindi sila marunong lumaban ng mata sa mata, ngipin sa ngipin!" singhal ni Kelly habang nakatingin nang matulis sa palasyo.

Pakiramdam ko'y kayang maramdaman iyon ng mga tao sa loob ng palasyo dahil sa sobrang tulis talaga ng mga tingin ni Kelly. Kung ako ang titignan niya nang ganu'n ay baka napa-ihi na ako sa kaba't takot.

"By the way, kumain muna tayo bago ulit magkwentuhan tungkol sa mga demonyo rito."

Pakiramdam ko'y ang hirap huminga tuwing kasama namin si Kelly. Dahil para sa 'kin ay napakamisteryoso niya. Minsan nalilito rin ako sa kanya. Ayaw niyang malaman namin ang tungkol sa kanya (pero nakwento naman niya ang pagpasok niya rito at sa Kuya niyang pinatay ng gobyerno) pero ayos na ayos naman sa kanyang magkwento tungkol sa Bangtan City.

Nasaan nga ba talaga kami? At sino ba talaga siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top