Chapter 38: Para sa 'yo

Tey's point of view

Sunud-sunod ang pagsabog na naganap. Hindi ko alam kung sa amin ba 'yun galing o sa kalaban. Wala akong pakialam kung maraming putukan o sabugan ang nangyayari. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong dalhin si Kelly sa Blood Tree para mabigyan ng panghilom ng sugat.

Nang una ko siyang makita kanina ay tila gumuho ang mundo ko. Nakakaawa na ang itsura niya. Magang-maga ang mukha at naliligo na ito sa sarili niyang dugo. Kaya naman nang makita kong sasaktan na naman siya ng Presidente ay mabilis na akong umaksyon. Kahit wala pang go-signal ay sumugod na ako. Maghihintay pa ba ako ng go-signal kung mamamatay na ang Honey ko?

Lahat sinagupa ko at ang pesteng Presidente ay nakatakas kaya si Sijah ang pinagdiskitahan ko. Kahit clone lang siya at ginawa lang para sumunod sa Presidente ay walang awa-awa ko itong pinatay. Hinigpitan ko ang sakal ko sa kanya at pinasabog ko ang ulo niya kakahampas sa pader.

Oo, alam na naming clone lang ito. Nakakagulat pero nakakagago. Akalain mo 'yun? Akala namin pachill-chill lang ang gobyerno tapos 'yun pala ay gumagawa na sila ng mga clone? Sarap talaga nilang patikimin ng impyerno!

Medyo malayo pa ang liliparin ko papunta sa Blood Tree. Tumingin ako sa ibaba at napakagat ako sa ibabang labi ko. Napakasakit sa matang makitang nakikipagpatayan ang lahat para lang sa ikabubuhay nila. Bakit ba kasi nabuhay pa ang taong katulad ni Ariel Fajardo? Bakit nabuo pa ang katulad niyang tao. Sa sobrang kadesperaduhan niya ay pati sarili niyang kapatid ay tinapos niya. Wala talagang puso ang demonyo.

Napatingin ako kay Kelly at nakatingin ito sa akin at namumugto ang kanyang mata kakaiyak. Kahit hindi niya sabihin sa 'kin, alam ko ang dinadamdam niya. Damang-dama ko ang kalungkutan niya sa pagkamatay ng kanyang tatay na si Mr. Bang pala. Patay na nga ang kanyang Kuya at Mama, namatay pa ang kanyang Papa. Hindi ko alam kung makakabangon pa ba siya sa sobrang lungkot pero sana, oo. Gagawin ko naman lahat para maibsan 'yun ,eh. Dahil lagi akong nandito para sa kanya.

Kahit maghubad pa ako sa harapan niya para lang makatawa siya ay gagawin ko. Lahat ay gagawin ko para lang lumigaya ulit siya. Oo, mahirap tanggalin agad ang kalungkutan pero uunti-untiin ko naman ang pagtanggal dito dahil alam ko na mahihirapan siyang kalimutan agad ito, lalo na't pamilya pa niya 'yun.

Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil alam ko ang pakiramdam ng mamatayan ng mga taong mahal mo.

Napaiwas ako ng tingin at kinain ng mga kaibigan ko ang utak ko. Nang malaman at mabalitaan naming pinatay na sila, hindi ko kinaya. Ang dami nilang pinatay. Pati ang mga kaibigan ni Kelly na sina Wendy, Joy, at Shulgi ay pinatay rin. Talagang naramdaman ko ang biglang pagbiyak ng puso ko nang malaman namin iyon.

Ilang taon kaming magkakaibigan tapos mamamatay lang sila ng ganu'n-ganu'n? Wala akong ibang naramdaman kundi galit. Galit na galit ako. Gustung-gusto kong magwala nang magwala.

Hindi ko namalayan na napahawak pala ako nang mahigpit kay Kelly kaya nasaktan ko ito. Mabilis akong humingi ng tawad sa kanya na tinanguan lang niya.

Tumitig ako sa itim niyang mata at pinagapang ko ang Dark Shadow sa utak niya. Nadagdagan ang kakayahan ng Dark Shadow ko nang mapasok ng WINGS ang katawan ko. Hindi lang ako nagkapakpak pero nagkaroon din ako ng kakayahang mabasa ang nangyari sa isang tao sa pamamagitan ng pagsakop ng ability ko sa utak niya, pero ang makikita ko lang ay ang nangyari ng 24 hours lang.

Mabilis kong nilihis ang mata ko sa ibang gawi dahil hindi ko kinaya ang nakita ko sa utak niya. Hindi ko kinaya ang nakikita kong pagpapahirap sa kanya. Binibiyak ang puso ko habang nakikita iyon kaya naman tila gusto ko na agad hanapin ang Presidente at patayin agad ito.

Pinahirapan niya ang Honey ko.

Yinakap ako ni Kelly at mas binilisan ko ang paglipad, pero nagulat na lang ako nang biglang may nagpaulan ng bala sa aming dalawa. Napatingin ako sa ibaba at ang daming White Guards ang nakatingala habang pinapaulanan kami ng bala.

Napadaing ako nang madaplisam ang binti ko at nasundan ito nang nasundan. Mas binilisan ko ang paglipad at iniiwasan ko ang lahat ng bala. Oo nga pala. Kaya kong paggalingin kaagad ang mga sugat ko. Kaya kong hilumin agad ito at isa iyon sa mga nadagdag sa kakayahan ko.

Mabilis akong lumiko pabalik at pinuntahan ko ang mga guards na ito. Pinababa ko ang lipad ko at pinagapang ko ang mga Dark Shadow ko. Sinakop ko ang mga katawan nito at galit na sinipsip ang buhay.

Huminto ako sa harapan ng mga ito na wala ng malay at nginisian ko ang mga ito at lumipad na muli pabalik sa Blood Tree. Nag-ingat na ako sa paglipad ko dahil baka may makakita na naman sa amin at paulanan na naman kami ng bala.

Nang matanaw ko na ang Blood Tree ay nakahinga ako nang maluwag at tinungo ko na ang butas nito. Nakarating kami sa ibaba at hinanap ko kaagad si Airo at Shanie.

"Airo! Shanie! Nasaan kayo!" Sigaw ko habang tumatakbo at bitbit-bitbit si Kelly na nanghihina na. Putlang-putla na ang kanyang labi kaya mas lalo akong nataranta.

"Nandito kami sa infirmary!" Dinig kong sigaw ni Airo kaya dali-dali kong tinahak ang infirmary.

Pagkarating ko roon ay nilapag ko agad si Kelly sa higaan at kinaladkad ko si Fila na isang healer at dinala ko siya kay Kelly.

"Pakiusap, pakigamot siya," wika ko na tinanguan naman niya.

Si Fila ay isang babae na ang ability ay ang panggagamot. Tinututok niya lang ang kanyang dalawang palad sa katawan ng tao at mababalutan ang tao na 'to ng dilaw na parang usok at doon na napoproseso ang paggamot dito. Unti-unti nang mahihilom ang lahat ng sakit at kirot ng katawan mo.

Nilapitan ako ni Airo at Shanie at tinanong nila ako kung ano ang nangyari at kinwento ko sa kanila ang lahat ng nakita at nasaksihan ko.

"Tey, kailangan mo ng umalis. Kailangan ka nila at kami na ang bahala kay Kelly dito," sabi sa akin ni Airo na inilingan ko naman.

Si Airo ay isang simpleng tao lang dito. Hindi siya Bulletproof kagaya namin. Isa siyang guard lang na dinukot sa outside at dinala rito sa city. Ginawa siyang White Guard dito at nakilala niya ang dalawang White Guard na katulong ni Kelly at dinala siya nila dito sa Blood Tree para matulungan.

"Hindi. Hindi ako aalis hangga't walang malay ang Honey ko," mariin kong sabi at humalukipkip ako.

Napasapo ng mukha si Shanie at iiling-iling na tinignan ako.

"Sabi na nga ba't mali na ikaw ang pinili namin na lagyan ng WINGS, eh," sabi ni Shanie at nilayasan ako nito at tumulong siya sa paggamot din ng ibang tao na sugatan.

Natatawang tumalikod din sa akin si Airo na nilayasan na rin ako nito. At kagaya ni Shanie ay tumulong din siya sa paggamot sa iba.

Tinignan ko si Kelly na mahimbing na ang pagpapahinga, umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya. Tapos na ang pagheal sa katawan niya kaya naman sa ibang tao naman pumunta si Fila para manggamot din.

Hinimas ko ang pisngi ni Kelly at hindi ko talaga kinakaya ang tingin sa nakaraan niya nitong 24 hours. May mga benda na ring nakapalibot sa bawat sugat na natamo niya. Pero alam kong walang bendang makakabalot sa puso niyang sugatan at warak na warak dahil sa pagkamatay ng kanyang Papa.

Ilang minuto na akong nakatitig sa kanya at nang namulat ang mata niya ay mabilis naman akong sumaya.

"K-Kelly? Ano, ayos ka na ba?" Nag-aalala kong tanong. Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo niya.

"Bakit ka nandito?"

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya. Ba't ako nandito? Baka trip ko lang, hano? Malamang inaalagaan siya! Hina naman ng utak ng Honey ko pero hayaan niya na, mahal ko naman siya.

"Inaalagaan ka." Gumuhit ulit ang ngiti ko pero mabilis itong napawi nang hampasin ako ni Kelly sa braso.

"Anong inaalagaan 'yang pinagsasabi mo? Dapat wala ka rito at nasa labas ka dahil ikaw ang makakapagligtas sa lahat! Dapat nasa labas ka at nakikipaglaban dahil ikaw ang may WINGS sa katawan!" Sigaw niya sa akin at bumangon siya at pinagsasapak na naman ako.

Mabilis naman na sumingit si Shanie. "Kelly, sira-ulo yata 'yang jowa mo, eh. Siya na nga ang may WINGS sa katawan, nagawa pang magsayang ng oras kahihintay sa paggising mo." Umiling-iling pa ito.

"M-Ma'am Shanie? Pero s-sandali! Ma'am, para sa kaalaman mo, hindi ko jowa si Tey. Okay?"

Napataas ang kilay ni Shanie at napakibit na lang ng balikat. At ako naman ay napangiti dahil napagkamalan kaming magjowa.

"Honey, mukha siguro tayong magjowa pero alam mo, mas mukha tayong mag-asawa," nakangiti kong sabi rito at mas nilawakan ko pa ang pagngiti ko.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at hinampas na naman niya ako pero napatigil siya dahil biglang kumirot siguro ang mga sugat niya. Napahawak siya sa ulo niya at napapikit siya nang madiin.

"Ayan kasi. Hampas pa sige," panunukso ko rito at sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Alam mo, Teyㅡ"

"Hindi ko pa alam," putol ko sa sasabihin niya na ikinasapo naman niya ng noo.

"Alien talaga," mahina niyang sabi at muli na naman siyang nagtaas ng tingin sa akin.

"Tey, seryosong usapan tayo," seryoso niyang ani kaya sumeryoso na rin ako.

"Tey, ikaw na lang ang ilaw ng lahat. Ikaw na lang ang makakapagligtas sa lahat, kaya bakit ka nandito at inuubos ang oras mo kakahintay sa paggising ko?"

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. "Kelly, tandaan mo. Hindi pagsasayang ng oras ang tawag sa paghihintay sa'yo."

"Ayoko lang kasi na umalis dito na hindi pa panatag ang loob ko. Mamaya niyan lumalaban ako at puno naman ng bagabag ang utak ko. Honey, ang makita kang maayos lang ay ang lakas ko. Makakalaban ako nang maayos kapag panatag ang loob ko." Dagdag ko.

"Tey, ayos lang ako," maikli niyang sabi at inalis niya ang kamay sa pagkakahawak ko.

"Ayos lang ako kaya bumalik ka na roon. Iligtas mo ang libu-libong buhay. Para sa akin, iligas mo sila.

Para sa akin, parusahan mo si Ariel para sa hustisya ng lahat.

Para sa akin, siguraduhin mong wala nang mamamatay. Pwera na lang sa mga demonyong gobyerno. At para sa akin... pakiusap, mag-ingat ka at maging ligtas."

Seryoso niyang saad sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Kaya ko ba ang lahat ng hiling niya? Kaya ko bang makaligtas?

"Oo kaya mo," Dugtong pa niya na ikinataka ko.

"Kaya kong magbasa ng isip," sabi pa niya ulit na ikinabigla ko naman.

Naramdaman kong namula ang mukha ko. Nababasa niya ang lahat ng iniisip ko?

Tumango siya at napatakip ako ng mukha. Nakakahiya! Kung anu-ano iniisip ko katulad ng pagkain, kabaliwan, siya, porn...

Naputol ang pag-iisip ko nang sampalin niya ako. Napahawak ako sa pisngi ko at gulat siyang tinignan.

"P-Porn?!" Gulat niyang tanong sa akin na mas lalong ikinamula ng mukha ko.

"H-Hindi! Ibig kong sabihin, oo, porn pero 'yung mga haporn na magaganda! 'Yung mga tagajapan! Hindi 'yung porn na malalaswa. Hindi ako ganu'n 'no!" Depensa ko na ikina-iling niya.

"Naku, Kelly, ha. Ikaw kung ano-ano 'yang pinag-iisip mo. Hindi maganda 'yung mga ganyan. Okay?"

Nanliit ang mga mata niya sa sinabi ko tungkol sa haporn at tila hindi ito naniniwala sa sinabi ko.

"Hey! Honesto 'to 'no." Sabay taas ko pa ng kanan kong kamay.

"Tey, gusto kong itumba si Ariel, kasama ka pero kita mo naman ang sitwasyon ko ngayon." Napatigil ako nang magsalita na naman siya nang seryoso.

Napabuntong hininga ako at tumango ako sa kanya na kinangiti niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya gamit ang mga kamay ko at tinitigan siya.

"Para sa 'yo, ililigtas ko ang libu-libong buhay. Para sa 'yo, paparusahan ko si Ariel para sa hustisya ng lahat. Para sa 'yo, sisiguraduhin kong wala ng mamamatay. At para sa 'yo... sisiguraduhin kong makakaligtas ako."

"Para sa babaeng mahal ko. Lahat 'yan gagawin ko," nakangiti kong sabi sa kanya.

Yumuko ako at humalik sa kanyang labi.

"Kaya kong gawin lahat 'yan dahil, Honey, mahal kita," bulong ko at muli siyang hinalikan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top