Chapter 36: Blood, Sweat & Tears
Yuri's point of view
Nagagalak ako sa mangyayari. Pero natatakot din ako. Paano na lang kung huli na kami? Paano na lang kung namatay na ang mga kaibigan namin? Paano na lang kung nagtagumpay na talaga ang Presidente? My god, hindi ko alam ang dapat gawin.
Nakakatuwang isipin na pumayag si Tey na iturok sa katawan niya ang WINGS. Oo, alam na niya ang tungkol sa kabayaran nito pero hindi siya tumanggi rito. Kahit alam na niyang magiging mahirap ang pagpasok ng WINGS sa katawan niya ay gumora pa rin siya.
Nakakabilib si Tey. Kaya siguro ganu'n na lang ang naging damdamin ni Kelly kay Tey, dahil napabilib siya nito.
"Kuys Tey, sigurado ka bang ayos lang sa 'yo? Sigurado ka ba rito?" kinakabahang tanong ni Juko kay Tey.
"Oo naman, Juko. Paano kapag hindi ako pumayag dito? Edi magtatagumpay ang Presidente? Gusto mo bang mamatay tayong lahat dito?"
"Syempre ayoko! Eh kasi naman... nag-aalala lang naman ako sa 'yo, Kuys Tey, eh." nakangusong sabi ni Juko. Ngumiti sa kanya si Tey at ginulo nito ang buhok ni Juko.
"Alam mo, Tey. Sira-ulo ka nga talaga. Inisip mo talaga ang iba kaysa sa magiging kalagayan ng sarili mo. Saludo talaga ako sa 'yo, brader." nakangiting sabi ni Jin habang nakaakbay kay Tey.
Napangiti ako habang tinatanaw silang tatlo. Ganyan ang tunay na kaibigan, o 'di kaya ay pamilya. Nakakabilib ang samahan nilang magkakaibigan, talagang walang takasan.
Napayuko ako at kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.
Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ko nagawang takasan ang lahat nang hindi sila hinihintay? Paano ko nasisigawan ng traydor si Kelly kung naging ganu'n din naman ako?
Oo, tumakas ako at hindi ko sila inintindi nang mabuksan ang pader. Inisip ko lang ang magiging kaligtasan ng sarili ko. Ano namang mali ro'n? Wala namang mali siguro sa pag-intindi ng sarili, 'di ba? Pero may mali sa hindi pag-intindi sa mga kaibigan mo. Talagang nagsisisi ako nu'ng iniwan ko sila, nu'ng tinakbuhan ko, nu'ng tinakasan ko sila para lang mailigtas ko ang sarili ko. Napakamakasarili ko!
Napatakip ako sa aking mukha nang maiyak ako nang tuluyan. Gusto ko lang namang mailigtas ang sarili ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa halip na lumigaya dahil nakaligtas ako, naging miserable pa yata ang puso ko.
Ano kaya ang inisip nila sa akin? Minura ba nila ako? Sinumpa o ano? Kaya kong tanggapin ang pag-iisip nila ng ganu'n sa akin dahil simula't sapul, ako ang may problema. Ako ang nagmakasarili.
Napaangat ako ng tingin nang biglang may umakbay sa akin.
"Iyakin ka rin pala." nakangising sabi ni Jin kaya naman irita kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin.
"'Wag mo nga akong kausapin." sabay irap ko sa kanya. Pinunasan ko ang basa kong mukha at sinamaan ng tingin si Jin na nakangisi pa rin sa akin.
"Oh? Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"
"Wala. Ang cute mo kasi kapag umiiyak. Para kang si Rudolf dahil sa pula ng ilong."
Napangiti ako sa sinabi niya pero mabilis kong tinanggal iyon dahil ayokong mamali ang pagkaka-intindi niya ro'n.
"So, sinasabi mong mukha akong deer?"
Napahawak siya sa kanyang baba, tumingin pa siya sa itaas. Umaarte na nag-iisip.
"Hmm. Parang ganu'n na nga."
Nanlaki ang mata ko at hinampas ko siya sa kanyang braso.
"Ako, mukhang deer? 'Yung mukhang 'to? Deer?" tinuru-turo ko pa ang mukha ko at siya naman ay tawa nang tawa na ikinangingiti ko naman sa loob-looban ko.
"Oo nga, ang kulit! Pero 'wag kang mag-alala. Magandang deer ka naman." nakangiti niyang sabi kaya napahinto ako.
Jin, salamat, pinagaan mo ang loob ko. Pinangiti mo ang kaloob-looban ko. Salamat.
"Halika na. Panoorin na natin ang pagkakahero ni Tey." Ginulo niya ang buhok ko at kinindatan pa ako.
Hindi ako makapagsalita kaya hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at hinila na ako. Napatingin ako sa kamay naming dalawa at napangiti ako.
Ano ba 'yan, Yuri! Landi-landi naman, eh!
Pumunta na kami sa isang silid kung saan gaganapin ang paglalagay ng WINGS sa katawan ni Tey. Kinakabahan ako para sa kanya. Paano kung hindi makaya ng katawan niya ang WINGS? My God! Pakiramdam ko ay sasabog ako rito dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano!
Humigpit ang hawak ni Jin sa kamay ko at nanlalamig ito. Kinakabahan din siya. Tumingin sa akin si Jin at kinumbinsi ko siya.
"Kaya ni Tey 'yan," nakangiti kong sambit sa kanya.
My God, Yuri! Saan mo napulot 'yan, eh mismo ikaw ay kinakabahan? Sana naman ay makumbinsi rin ako sa sarili kong salita.
"Sana," maikli niyang sagot at binigyan ako nang matipid na ngiti.
Mula rito sa itaas ay kita namin ang mga teknolohiya na magagamit mamaya. May person sized na container sa gitna ng mga teknolohiya na ito.
Napatingin ako sa mga kasama namin. Hinawakan ko ang kamay ni Juko at nginitian ko ito. Si Shanie naman ay magkadikit ang kanyang dalawang palad, nagdadasal yata. At si Airo naman ay seryoso lang ang tingin sa ibaba.
Lahat kami rito ay kinakabahan sa magiging resulta. Naiihi na nga ako sa kaba, eh. Baka kasi mamaya ay hindi makayanan ng katawan ni Tey ang WINGS.
Kinakabahan talaga ako.
Bumuga ako ng hangin at napaayos ako ng tayo nang papasukin na si Tey sa loob ng container.
Mababaliw na yata ako sa kakaisip ng mga ''paano kung"! Akala ko sa pag-ibig lang may ganyan, pero pati rin pala sa ganito ay maraming "paano kung"!
Binitawan ko ang mga kamay na hawak ko dahil namamawis ang kamay ko dahil sa kaba. Napatingin sa akin si Jin at nginitian ko lang ito. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa ibaba at pakiramdam ko ay makakapagrosaryo ako upang makahiling lang na sana ay maging tagumpay ang resulta.
Sana ay magtagumpay ito. Sana... Sana!
Walang saplot sa pang-itaas si Tey at nakaboxer lang ito sa pang-ibaba. Kumalat ang usok sa loob ng container at ang mga tao na kokontrol sa teknolohiya ay mukhang mga handa na.
"Magsimula na tayo," sabi ng isang lalaki na mas lalong ikinatalbog ng puso ko dahil sa kaba.
Heto na! Walang urungan, Tey!
"May trenta segundo ka, Tey, upang maghanda. At kapag nag-uno na ang oras ay matuturok na kaagad sa katawan mo ang mga tubo kaya maghanda ka na," paliwanag ng lalaking may malalim na boses.
Kung kinakabahan kami rito, paano pa kaya si Tey, 'di ba? Saka parang ako pa yata ang mas kinakabahan kaysa kay Tey. Grabe.
Nagsimula na ang count down. At nang umabot na ito sa limang segundo na lamang ay halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Parang gusto kong sumigaw ng isang malutong na 'tigil'.
"5."
"4."
"3."
Tila nabibingi ang tainga ko sa count down na naririnig ko. Kung gaano kabagal ang bilang ay ganuon naman kabilis ang tibok ng puso ko dahil sa nerbyos.
"2... 1."
Pagkasabi ng one ay ang pagsabay din ng mga tube na mabilis tumurok sa katawan ni Tey. Napatingin ako sa mga WINGS at unti-unting nababawasan ang mga ito dahil napupunta na ito sa katawan ni Tey.
Napasigaw si Tey nang malakas kaya mas lalo kaming kinabahan. Ang arrow na nakikita ko mula sa ibaba ay nawala na sa dilaw, unti-unti itong pumupunta sa pula.
Napasigaw muli si Tey nang may tumurok na naman sa katawan niya na tube. Nasundan ito nang nasundan kaya halos mawasak ang aming mga tainga dahil sa lakas ng sigaw ni Tey.
"Bilisan n'yo pa!" Sigaw ng isang lalaki kaya pinihit ng isang lalaki ang pulang naiikot na button at mas pumunta ang arrow sa pula.
Halos hindi na namin makita ang katawan ni Tey sa loob ng container dahil punong-puno ito ng usok. Gumagalaw ang container dahil sa paglikot ng katawan ni Tey. Umugong nang mabilis ang makina at mas lalong nayanig ang container kaya nataranta si Juko.
"Tigil na! Tigil na! Hindi kakayanin ng katawan ni Kuys Tey! Shanie, itigil n'yo na!" Natatarantang sigaw ni Juko. Nilapitan niya si Shanie at yinugyog niya ito.
"Ma'am Shanie, pakiusap, tumigil na kayo! Baka mamatay si Kuys Tey!" Naiiyak na pagmamakaawa ni Juko habang hawak-hawak ang binti ni Shanie.
Nilapitan namin ni Jin si Juko at tinayo namin ito.
"Kuys Jin... Ate Yuri... si Kuys Tey, baka hindi niya kayanin," umiiyak niyang sambit. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay at pinunasan ko ang mga luha niya.
"Kakayanin 'yan ng Kuys Tey mo. Siya pa? Wala ka bang tiwala sa Kuys Tey mo, Juko?" Pangungumbinsi ko rito.
Pero mas lalo lang nagtaranta si Juko nang sumigaw ng huling beses si Tey ng sobrang lakas at pumutok ang mga wires ng container at biglang nawala ang mga ilaw kaya dumilim sa loob.
"Kuys Tey!!!" Sigaw ni Juko at lumapit siya sa salamin at tinignan niya sa ibaba ang container.
"Walang matataranta! Walang matatarnta!" Paulit-ulit na sabi ni Airo sa isang mic at sinasabi niya iyon sa mga tao sa ibaba.
Muling sumindi ang mga ilaw kaya mas lalo naming nakita ang ibaba. Kumikislap ang mga wires. Nagkalat ang usok dahil sa pagputok na naganap. Nasira pa ang mga teknolohiyang ginamit.
Bumukas ang container at ang usok na nanggaling sa loob non ay lumabas. Kasabay ng usok ay ang mga black feathers na tila nagkalagas-lagas sa isang pakpak. Nagliliparan ito paikot sa container. Unti-unting nawala ang mga usok, ang mga black feathers ay dahan-dahang nalaglag sa sahig, hanggang sa nakita na namin nang tuluyan si Tey.
Oh, my god. Dugo't pawis, siya ay nagtagumpay. Buong paghihirap niya, sa wakas siya ay lumabas ng buhay.
Umapak ang paa ni Tey sa labas ng container at dahan-dahan siyang lumabas doon. Nalaglag ang panga ko dahil sa itsura niya. Ang tiyan niyang walang abs... paanong nagkaroon? 'Yung mga muscles, well-made. Mas lalong nalaglag ang panga ko nang tuluyan siyang makaalis sa container at unti-unting bumuka sa pagkakatupi ang... oh, my god... Pakpak ba 'yon?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top