Chapter 33: Ang pagkagising

Tey's point of view

Bumukas ang pinto ng puting truck container at pinasok ng dalawang White Guard si Juko na walang malay. Nanlaki ang mata ko at inalalayan ko si Juko. Lumapit sa amin si Jin at tinulungan niya akong alalayan si Juko.

Napabuntong hininga kami ni Jin at nakangiting tagumpay kaming dalawa.

"Hay. Mabuti na lang naipasa niya ang test." nakangiti kong wika habang nakatingin kay Juko na nakahiga sa harapan naming dalawa.

"Tila hihimatayin ako sa kaba kanina, eh," wika naman ni Jin at hinawi niya ang buhok ni Juko.

Akala talaga namin ay hindi makakaligtas si Juko. Pero mabuti na lang hindi niya ginalaw 'yung susi.

Nakikita kasi namin sa hologram ang nangyayari kay Juko. Kaming dalawa ni Jin ay nalagpasan namin agad ang test, samantalang ang test na ibinigay kay Juko ay 2 day Test kaya medyo natagalan. Awang-awa ako habang pinapanood si Juko na hinang-hina dahil walang makain at mainom.

Maayos na ang itsura ni Juko ngayon. Hindi na katulad nu'ng nasa test pa siya na tuyung-tuyo ang labi. Mukhang inayusan muna siya bago dalhin dito.

Nilibot ko ang tingin ko sa truck container na 'to. Hindi ko alam kung bakit dito nila kami dinala. Ano namang gagawin dito? Nakapasa kami sa test at dapat ay makakaligtas na kami ngayon, kaya bakit nakakulong pa kami rito?

Si Yuri kaya ay kumusta na? Hiniwalay kasi siya sa amin dahil nalagpasan na niya ang test na ito rati. Ano kaya ang pinagawa sa kanya ngayon?

Napatingin ako kay Juko nang umungol ito at unti-unting dumilat ang kanyang mata. Nabaling ang tingin niya sa akin kaya nanlaki ang mata niya at mabilis niya akong sinalubong ng yakap.

"Kuys Tey!" banggit niya sa pangalan ko at hinigpitan pa niya lalo ang yakap sa akin. Napatawa ako at hinagod ko ang kanyang likod.

"Shhh. Tahan na, Juko. Sabi ko naman sax'yo ay nandito lang kami para sa 'yo. Nandito lang ang gwapo mong Kuys." pagbibiro ko at natawa naman siya dahil doon.

Humiwalay na siya sa akin ng yakap at pinunasan niya ang kanyang luha.

"Kuys Jin, Kuys Tey, paano ako nakaligtas? Eh, 'di ba, hindi ko naman nasagutan 'yung tanong?" taka niyang tanong sa amin.

Nagkatinginan kami ni Jin at tinanguan ko siya.

"Kaya ka nakaligtas dahil tama ang naging sagot mo," sagot ni Jim. Napakunot ang noo ni Juko kaya nagpatuloy si Jin. "'Di ba ang sabi roon, piliin mo kung alam ko at huwag kung hindi mo matanto? Ang ginawa mo kasi ay hindi ka talaga pumili kasi hindi mo alam ang sagot kaya ayun, nakaligtas ka. Kung iintindihin mo rin ay dalawang araw na pagsusulit iyon at sinabi rin doon na hintayin mo lang daw na matapos ang oras at ika'y makakalabas."

Humugot muna ng hangin si Jin bago ipagpatuloy ang pagpapaliwanag. "Huwag ka ng magtaka kung talagang nakaligtas ka dahil kahit saang anggulo mo pang tignan, totoong nakaligtas ka. Mahirap paniwalaan pero kapag inintindi mo talagang mabuti ay malalaman mo rin naman. Ang sinabi lang kasi roon na kapag mali ang nasagot mo, mamamatay ka, pero hindi naman kasi sinabi roon na kapag natapos na ang 2 day test mo at hindi ka pa nakakasagot ay mamamatay ka."

"At ang sabi roon ay 'wag kang pipili kung hindi mo naman alam ang sagot, at iyon ang clue. Nasa papel na mismo ang clue. Hindi ka pumili ng susi at iyon ang sagot, ang hindi pagpili sa susi ang tamang sagot kasi hindi mo naman alam ang sagot." dagdag pa ni Jin.

Napatangu-tango si Juko at tila nabunutan siya ng tinik dahil sa kanyang narinig. Napaangat siya ng tingin sa amin at nginitian ko naman siya. Mayamaya nanlaki ang mata ko nang mangilid ang kanyang luha at tuluyan na nga siyang ngumawa.

"Oh, anong problema, Juko? May masakit ba sax'yo?" natataranta ko sa kanyang tanong.

Umiling nang umiling si Juko at pinilit niyang makapagsalita sa gitna ng kanyang pag-iyak.

"K-Kuys... napagtanto kong kasalanan ko kung bakit t-tayo napunta rito. Napagtanto ko rin na hindi ko dapat pinigilan ang plano ni Kuys Jin na bumalik tayo sa loob nang dahil lang sa kaduwagan ko." umiiyak niyang saad kaya napangiti ako.

Sa wakas ay nalaman niya rin ang dapat niyang gawin sa panahong ganito.

"Pasensya na, Kuys! Pangako, nagsisisi na ako dahil sa pagiging maduwagin ko! Pangako ko po sa inyo na lalabanan ko na ang mga kinatatakutan ko! Lahat 'yon ay malalampasan ko!" tinaas pa niya ang kanyang kanang kamao at tinaas ito, kasing taas ng kanyang mukha.

Napatawa kami ni Jin at sabay naming yinakap si Juko. Nakakatuwang malaman na handa na siyang sagupain ang kanyang kinatatakutan.

Lahat ng tao ay hindi matapang. May mga duwag at takot pero walang tao na hindi kaya labanan o lagpasan ang kanyang kinatatakutan.

"Nasaan nga pala si Ate Yuri?" tanong ni Juko.

Tinignan ko siya't nagkibit-balikat. "Hindi namin alam."

Ilang minuto na kaming nakatunganga rito sa container. Walang nagbubukas ng pinto ng container upang palayain kami. Totoo kaya ang sinabi nila na makakalaya kami kapag nakapasa kami? Eh, tapos naman na ang test namin, ah? Oh, 'wag nilang sabihin na mayroon pang test?

Napatingin kami sa isang side ng container nang biglang may lumitaw na hologram dito. Nanlaki ang aking mata nang isang test na naman ito.

Hindi pa talaga tapos ang Epilogue, eh?

"Hulaan ang imahe, hanapin sa puzzle at hulaan ang sikretong mensahe." basa ko sa nakasulat dito.

May lumitaw na mga litrato sa hologram at bilang lang ang pagtingin dito.

"Hala! Isang minuto lang?" inis na sambit ni Jin.

Tinitigan ko isa-isa ang imaheng nakalitaw at hinulaan ko ito.

"Mas magandang hulaan kaysa magreklamo, Kuys." natatawang sabi ni Juko kay Jin at napairap lang si Jin.

Nakakita ako ng dugo.

Blood.

Nakita ko rin ang lugar ni Satanas.

Hell.

May nakalagay na 3,5,7,...

Odd.

Ang pang-apat na imahe ay kamatayan.

Death.

Tapos ang isa ay all yellow color.

Yellow.

Nakakita rin ako ng screw driver. Ang hula ko rito ay tool.

Tapos pulang kulay rin kaya red ang hula ko. Tapos sa isang imahe na pinagsama-sama at litrato naming magkakaibigan at nakahilera kaming lahat. Pinakamalaki ang nasa dulo. Binilang ko kung ilan kaming lahat at pito kami. At ang nasa pinakaduli ay ang pangpitong miyembro.
Seventh.

Biglang nawala ang imahe, sakto dahil tapos na rin akong manghula.

"Hala! Hindi ko pa nahuhulaan tapos nawala na agad?" iritang reklamo ni Jin at hinampas niya ang hologram pero tumagos lang ang kamay niya roon.

"H'wag kayong mag-alala dahil nahulaan ko lahat." nakangisi kong sambit kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Totoo ba?" tanong ni Juko.

Ngumiti ako. "Totoong-totoo."

"Ang unang imahe ay Blood. Ang pangalawa ay Hell. Pangatlo ay Odd. Pang-apat ay Death. Panglima ay Yellow. Pang-anim ay Tool. Pangpito'y Red. At ang pinakahuli ay Seventh." nakangiti kong sabi sa kanila at nagulat ako nang bigla nila akong yakapin.

"Astig ka talaga, Tey!" natutuwang sigaw ni Jin habang nakayakap sa akin.

"Gwapo kasi ako!" mayabang kong tugon at nakatanggap naman ako agad ng 'di pagsang-ayon sa kanila.

"Aish. Ang hangin talaga." sarkastiko namang sabi ni Juko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Paepal. Gwapo naman talaga ako, eh.

Nakanguso kong tinignan 'yung hologram at nakakita na ako roon ng puzzle.

T B H L E D D
Y E L L O W E
D E R O A O A
H R K E O R T
O N E O D D H
S E V E N T H

ANO ANG TAMANG KAPSULA?

Biglang may bumukas sa magkabilang gilid ng container at may naglabasan doon na maraming kapsula. Napakadaming kapsula na iba-iba ang kulay.

"Hala. Alin diyan 'yun?" tanong ni Jin.

"Kailangan nating masagutan ang puzzle para makuha ang sikretong mensahe." sabi ni Juko at tinitigan niya ang puzzle.

"Parang hanap salita lang na nabibili sa palengke na tig-sasampu ang presyo." dagdag ni Juko at sinimulan na niyang hulaan ang puzzle.

Tumulong kami ni Jin sa paghahanap ng mga salita na nahulaan namin sa imahe kanina. Ilang minuto namin itong hinanap at ito ang kinalabasan,

T B H L E D D
Y E L L O W E
D E R O A O A
H R K E O R T
O N E O D D H
S E V E N T H

Ngayong tapos na naming mahulaan lahat ng salita ay hindi na namin alam ang gagawin namin. Tapos ay may time limit pa. Napatingin ako sa hologram, nakalagay roon kung ilang segundo na lang ang mayroon kami.

42 seconds.

"Kailangan na nating bilisan!" natataranta kong sabi. Hinawakan naman ni Juko ang balikat ko at sinabi niya sa aking kalma lang.

Huminga ako nang malalim at pinakalma ko ang sarili ko. Tinitigan ko ang puzzle at piniga ko ang utak ko.

Hulaan ang sikretong mensahe. Hulaan. Ang. Sikretong. Mensahe.

Biglang nanlaki ang mata ko nang may dumaang ideya sa utak ko.

"Alam ko na!" bigla kong sabi kaya nagulat ang dalawa kong katabi.

"Ano? Ano dali!" nagagalak na tanong ni Jin.

"Ang sikretong mensahe ay... The Darker One." nakangiti kong sagot sa kanila.

"Paano mo naman nalaman, Kuys?"

"Kung iisipin mong mabuti. Nasagutan natin nang tama ang nasa puzzle, 'di ba? Tapos may mga natirang ibang letra, 'di ba? Pagsamahin mo ang naiwang mga letra at boom!"

Hindi ko alam kung paano pero bigla na lang kasi iyon pumasok sa utak ko.

(Lahat po ng naka-italy, pagsama-samahin n'yo.)

T B H L E D D
Y E L L O W E
D E R O A O A
H R K E O R T
O N E O D D H
S E V E N T H

"Wow! Parang one seat apart lang ang peg!" manghang sabi ni Jin.

Dinampot naman ni Juko ang pinakadark na kapsula.

"Mr. President! Ang sagot namin ay 'The Darker One'! Ang kapsulang ito ang aming sagot!" nakangiting sabi ni Juko habang hawak-hawak ang dark na kapsula.

Nawala ang hologram pero hindi bumukas ang container kaya takang-taka kaming tatlo.

"H'wag mong sabihing niloloko mo na naman kami, Mr. President?" galit kong wika.

Sa butas na pinaglabasan kanina ng mga kapsula ay may lumabas doon na usok. Nataranta kaming tatlo at kinalampag namin ang pinto ng container.

"Palabasin n'yo kami rito! Sinagot namin ito nang tama! Palabasin n'yo kami rito!" paulit-ulit kong sigaw hanggang sa mapahiga ako dahil sa panghihina na dulot ng usok.

Bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko ang container na tumaas.

Third person's point of view

Gamit ang naglalakihang truck ay bitbit-bitbit nito ang truck container kung saan nandoon ang tatlong magkakaibigan na mga walang malay. Wala silang kaalam-alam na dadalhin na pala ulit sila sa loob ng Bangtan City.

Ang bagong itsura ng lungsod ay kanilang makikita na.

Simula nang umalis ang tatlo sa lungsod, simula nang may makatakas sa lungsod ay nagsimula na rin ang kinatatakutan ng lahat. Nagsimula na ang pinakamadilim na bangungot para sa lahat.

Unti-unting binaba ng malaking truck ang truck container sa sentro ng lungsod.

Kung saan makikita mo talaga sa buong paligid ang kademonyohang naganap.

Naramdaman ng tatlong lalaki sa loob ang pagbaba nito at tuluyan na nga silang nagising.

"S-Sa tingin ninyo, nasaan tayo?" tanong ni Tey. Nagkibit-balikat lamang sina Juko at Jin.

"Kailangan nating maghanda kung nasaan man tayo ngayon. Puno ng supresa ang Presidente, tandaan n'yo 'yan." paalala ni Jin at pinakiramdaman niya ang paligid.

Wala silang marinig galing sa labas. Sobrang tahimik ng buong paligid na lubos nilang ikinataka.

At kailan pa naging tahimik nang ganito ang lungsod?

Napalingon sila sa pinto ng container nang unti-unti itong bumukas. Hindi pa tuluyang nakakabukas ang pinto ay agad na itong tinulak ng tatlo at mabilis na lumabas.

Inaasahan na nila ang makita muli ang lungsod na puro kasamaan ang nanaig pero hindi nila inaakala na sobrang kasamaan pala ang nangyari.

Tila naging tuod sila sa kanilang kinatatayuan dahil sa kanilang nakita. Nanghina ang kanilang katawan dahil sa bagong lungsod na kanilang nakita. Ibang-iba na ito kung ikukumpara mo sa dating Bangtan City.

Napaluhod si Juko dahil sa kanyang nakita. Halos hindi sila makapaniwala sa lungsod na puno ng patay ang paligid, puno ng dugo ang buong paligid, yumayakap sa kanilang pang-amoy ang masangsang na amoy dahil sa mga dugo. Ang mga usok ay yinayakap ang kanilang katawan. Puno ng usok ang paligid at kahit saang sulok ka man tumingin, may patay at may patay kang makikita.

Natutop ni Jin ang kanyang bibig at umagos sa kanyang mata ang sunud-sunod na luha.

Bakit? Bakit umabot pa sa ganito ang pangyayari? Bakit umabot sa punto na kalahati ng tao ay makikita mo sa paligid na wala ng malay? Bakit umabot pa sa ganitong patayan!!

Hindi alam ng tatlo ang gagawin. Kung isa lamang itong bangungot ay baka kanina pa nila sinubukang gumising.

Paanong nangyari 'to? 'Yan ang paulit-ulit na tanong ng tatlo sa kanilang isipan.

Napasigaw si Tey dahil sa kanyang galit at sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagkalat ang mga shadow sa buong paligid, ito ay nanggaling sa ability ni Tey.

Galit na galit. 'Yan ang nararamdaman ng tatlo ngayon. Lalung-lalo na si Tey. Kahit halos mabingi na sila dahil sa lakas at bilis ng tibok ng kanilang puso ay wala sila ritong pakialam. Kahit kailan ay hindi nila lubusang naisip na ganito ang mangyayari sa mga tao rito. Hindi nila naisip na mamamatay agad ang mga ito.

Napatayo si Juko. Mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamay at lumapit siya sa dalawang bangkay na kanyang namukhaan. Nang makalapit siya rito at nang makita niya nang lubusan ang mukha ng mga ito ay mas lalo lang na kumalat ang galit sa buong sistema niya.

"J-JC... Jessa..." banggit niya sa pangalan ng dalawang bata na nakilala nila sa park noon.

Napalapit din si Tey at Jin dito at mas lalong naiyak si Jin dahil sa kanyang nakita. Si Tey ay mas lalong nagalit dahil nakita niya ang kalapit niyang kambal na patay at wala ng malay sa mismong kanyang harapan.

Lalong umigting ang panga ni Tey. Sa sobrang higpit ng kanyang pagkakuyom ay halos magdugo na ang kanyang palad. Labas lahat ng kanyang ugat sa braso. Galit na galit ang mga ugat na ito. At sa sobrang talim ng kanyang tingin ay hindi mo gugustuhing titigan ito. Mabigat din ang kanyang paghinga at nararamdaman na ni Tey ang pagdilim ng kanyang paningin.

Nagdidilim ang kanyang paningin. Kasama ng pagdilim ng kanyang paningin ay ang pagdilim din ng buong paligid. Ang mga ulap na mapuputi ay nabalutan ng kaitiman. Ang nakakasilaw na liwanag ng araw ay natalo ng nakakamatay na kadiliman.

Ang demonyo sa katawan ay muling bumangon. Ang masamang dugo ay muling nagkalat. Ang kanyang ability na walang kasing astig ay handa ng maghasik. Sa panahon ngayon... hindi na siya ang tao na katulad ng iba na nag-aalinlangan pang pumatay. Dahil sa kanyang nakita at naramdaman ngayon... nag-iba na ang kanyang ugali, siya ay handa ng pumatay. Tila sabik na sabik na itong pumatay upang maipagtanggol ang mga taong namatay nang ganu'n-ganu'n lang. Sabik na siyang pumatay para sa mga taong inosente na namatay dahil sa kademonyohan.

Nagliliyab na mga dugo. Mas bumilis, mas nakamamatay, siya si Tey Rivera. Ang demonyo ay nagising na.

Gugustuhin mo pa rin bang titigan ang kanyang matatalim na mata?

Gusto mo pa rin bang makapiling ang demonyong ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top