Chapter 31: Rain
Tey's point of view
Inayos ko ang aking sarili, pinunasan ko ang aking mga luha at pinuntahan ko sa isang puno si Jin na mayroon ng malay.
"A-Anong nangyari?" taka niyang tanong at sumilip siya sa aking likod upang makita si Juko na hinang-hinang naglalakad.
Malungkot ko siyang tinignan at tumingala ako upang hindi matuloy ang luhang nagbabadya.
"Nasaan si Nam? Ang iba ay nasaan din?" tanong niya ulit habang maiging nakatingin sa akin.
Hinarap ko siya pero wala akong lakas upang makapagsalita at masabi sa kanya ang nangyari.
"Tey, tinatanong kita! Nasaan sina Nam at 'yung iba?" napataas na ang kanyang boses kaya mas lalo akong nalungkot.
Hindi ko man masabi sa kanya, alam ko namang kaya niya itong maramdaman.
Napatingin ako kay Juko na tumabi sa akin. Bakas na bakas talaga sa mata nito ang pag-iyak dahil sa pamamaga ng kanyang mata.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mangilid ang luha sa mata ni Jin.
"Sagutin mo 'ko, Tey!" sigaw niya at tuluyan na nga siyang naiyak.
Napaupo siya, sapu-sapo niya ang kanyang ulo at dinig na dinig namin ni Juko ang pag-iyak nito.
Napamaywang ako at tumingala. Pagod na ako kakaiyak. Pagod na ako kakaisip. Ang sikip-sikip na ng dibdib ko. Unti-unti itong winawasak dahil sa nangyari ngayon.
Ngayon, Kelly, gusto kong malaman kung paano kayo ngayon diyan makakalabas kung muli 'yang natakpan. Sinabi mong susunod kayo. Sinabi mong makakaligtas kayo!
Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking mga daliri.
"Tey, Juko, bumalik tayo sa loob! Nasa loob pa sila at dapat ay nandoon din tayo dahil magkakaibigan tayo. Sabay-sabay tayong nalagay rito kaya dapat, sabay-sabay rin tayong makakaalis dito!" sambit ni Jin at tumayo siya.
Nadurog na naman ang aking puso nang makita ko ang sobrang pag-iyak niya.
Napalunok ako nang tumalim ang titig niya sa akin. Anong iniisip niya?
"Babalik tayo, Tey!" galit niyang sigaw na ikinagulat naming dalawa ni Juko.
Nakakagulat na makita siyang sumisigaw dahil sa galit.
"J-Jin, kalma lang..." aniko.
Lalapitan ko sana siya kaso napahinto ako dahil sa talim ng titig niya.
"Tey! Walang silbi ang salitang kalma sa ganitong sitwasyon! Babalikan natin sila Nam! Babalikan natin!"
Huminga ako nang malalim, "Jin, hindi pwedeㅡ" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang kwelyuhan niya kaagad ako.
"Anong hindi pwede?! Tey, kahit anong mangyari, babalikan natin sila! Babalikan natin sila!!" at mas lalong humigpit ang kapit niya sa kwelyo ng damit ko.
"Kuys Jin..." dinig kong bulong ni Juko.
Pumikit ako nang mariin, "Jin, hindiㅡ" hindi ko pa ulit natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya na akong sapakin.
"Kuys Jin!" gulat na sigaw ni Juko at naramdaman ko ang kamay niyang umalalay sa likod ko.
Gulat akong napatingin kay Jin na nanggigigil.
"Babalik tayo! Babalik tayo!" galit na galit niyang sigaw at sinugod ako sabay sapak ulit.
Hindi ako nakalaban dahil sa gulat. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinasapak ngayon. Anong kasalanan ko?
Kinuha niya ulit ang kwelyo ko. "Kung ikaw ay kayang-kaya mo silang tiisin na naiwan doon, pwes ibahin mo 'ko. Mahal ko ang mga kaibigan ko kaya babalikan ko sila. Hindi mo ako katulad na walang pakialam sa kanila." mariin niyang sabi.
Tinignan ko siya nang seryoso. Hinawakan ko 'yung kamay niya na nasa kwelyo at mariin ko itong hinawakan. Unti-unti ko itong tinatanggal sa kwelyo ko. Huminga ako nang malalim.
"Jin, anong akala mo sa 'kin, walang pakialam sa kanila? Ganiyan ba ang tingin mo sa akin, huh!" napataas na ang boses ko na ikinagulat niya pero hindi niya iyon masyadong pinahalata.
"Akala mo ba ay hindi masakit sa akin na naiwan sila roon? Akala mo ba ay madali lang sa akin ito, huh?!" muli kong sigaw.
"Jin, akala mo lang 'yan dahil miski ako, nadudurog ang puso sa tuwing naiisip na naiwan sila! Jin, hindi lang ikaw ang nasasaktan dito! Hindi lang ikaw ang nadudurog dito! Jin, hindi lang ikaw!" hinabol ko ang aking hininga dahil sa bilis nang aking pagsasalita.
Naramdaman ko ang kamay ni Juko na humawak sa balikat ko. Huminga ako nang malalim at binitawan ko naman ang kamay ni Jin.
Nakita ko sa mukha ni Jin ang pagsisisi. Siguro ay napagtanto niya 'yung mga sinabi ko. Sana lang ay napagtanto nga niya. Hindi lang naman kasi siya ang nasasaktan, eh. Ang sakit din kaya!
"Mga Kuys, 'wag na kayong mag-away. Gustuhin ko mang bumalik ay ayoko naman din. Ayokong bumalik..." sabay kaming napalingon ni Jin kay Juko na nakayuko.
"Hindi!! Ang ibig kong sabihin... natatakot ako." Pagpapatuloy ni Juko.
"Ayoko nang bumalik dahil natatakot ako, Kuys." dugtong niya at napaiyak na naman ito kaya hinigit ko ang kanyang braso at yinakap ito.
"Shhh. Nandito lang si Kuys para sa 'yo," bulong ko sa kanya habang yakap-yakap siya.
Mas lalo siyang naiyak at yinakap niya rin ako.
"Kuys, 'wag na rin kayong mag-away..." paulit-ulit niyang bulong kaya abot ang hagod ko sa kanyang likod.
"Oo, hindi na kami mag-aaway ni Jin, 'di ba, Jin?" tumingin ako kay Jin at tumango naman ito sabay buntong hininga.
Tumingin naman si Jin kay Juko. Sana maintindihan niya si Juko. Napatingin ulit sa akin si Jin at bumuntong hininga siya.
"Intindihin mo siya," sabi ko. Tumango siya at umiwas na ng tingin.
Humiwalay na sa pagkakayakap si Juko kaya hinarap ko ito.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo kapag tumakas na tayo rito. Huwag mong iisipin na kaya tayo tumakas ay dahil sa 'yo. Okay?" wika ko rito at yinakap ko siyang muli.
Sinulyapan ko si Jin at mukhang pagod na siya. Lumapit ako sa kanya. Hinagod ko ang kanyang balikat. Kahit sinuntok niya ako nang ilang beses kanina, hindi ako galit sa kanya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya. Saka mukhang no hard feelings naman.
"Nga pala, siya nga pala 'yung nagligtas sa 'yo," bulong ko kay Jin.
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at napaiwas na naman siya ng tingin. Pinuntahan na namin si Juko na nanghihina na dahil sa tama ng bala at dahil sa nabugbog niyang katawan. Inalalayan namin siya ni Jin at nagsimula na kaming maglakad.
Nakakailang hakbang pa lamang kaming tatlo ay napatingin agad si Juko sa aming likod kung saan aming makikita ang pader na kanina lang ay may butas at ngayon ay wala na. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jin at sabay kaming dalawa na napatingin din sa pader na ito.
Huwag kang mag-alala, Kelly, gagawa ako ng paraan. Mailalabas din namin kayo diyan. Magkakasama rin tayo. Makakapagdate rin tayo ng normal at magiging masaya rin tayo.
Lahat tayo ay magiging masaya ang pamumuhay sa susunod na kabanata ng ating mga istorya. Basta hintayin n'yo lang ang aming pagbabalik upang mailabas namin kayo sa napakalaking kulungan na 'yan.
Naglabas ako ng hangin sa aking bibig at ibinaling ko na ang aking tingin sa aming harapan. Nagsimula na kaming maglakad palayo sa lungsod kung saan sinubukan ang aming kakayahan at katibayan. Bawat hakbang na aking ginagawa ay ang siyang unti-unti ring pagdurog ng aking puso.
Nakakainis! Sama-sama naming plinano ang pagtakas pero kaming tatlo lang yata ang totoong nakatakas.
Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking pisngi gamit ang libre kong kamay. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napatigil kaming tatlo. Napatingala ako at napapikit.
Inalala ko ang mga mukha ng mga kaibigang naiwan namin sa loob. Lalung-lalo na ang mukha ni Kelly. Ganitong pagkakataon ang gusto naming dalawa eh, ang maligo at magsaya sa ulan na bumubuhos galing sa kaulapan. Ganitong pagkakataon ang gusto namin dahil mukhang masaya ang maligo sa ilalim ng ulan habang kasama siya, habang kasama namin ang isa't-isa. Tumulo na naman ang aking luha pero hindi ko na ito pinahid dahil hindi naman na ito halata dahil sa aking basang mukha.
Ang pinakapangarap ko na maligo sa ulan kasama silang lahat ay tila tinangay na ng malakas na bagyo at lumayo na ito nang lumayo sa akin. Tila rin itong isang bula na sundutin lang ng iba ay mabilis nang nawala agad.
Nadilat ko na ang aking mata at nakita kong nakatingin sa akin ang dalawa kaya mabilis akong lumihis ng tingin sa kanila. Nagkasundo kaming tatlo na bilisan ang takbo upang marating na namin ang labasan at tuluyan ng makawala.
Kasalukuyan kaming tumatakbo nang mapatigil kami dahil nakarinig kami ng mga mabibilis din na yapak na tila tumatakbo rin katulad naming tatlo. Nagkatinginan kaming tatlo habang dilat na dilat ang mata dahil sa kaba. Paano kung... sinusundan na nila kami?
Oh, shit.
Mabilis kaming nagtago sa isang puno at hinintay namin ang pagdating ng yapak na ito. Narinig namin ang pagbagal ng yapak kaya sumilip kami sa gilid ng puno at laking gulat namin nang makita namin na si Yuri pala ito. Gulat kaming lumabas sa pagkakatago at pinuntahan namin si Yuri.
Basang-basa rin siya ng ulan at hingal na hingal, tila tumakbo ng buong araw. Napatingin siya sa amin at nagulat din siya nang makita kami.
"A-Anong ginagawa n'yo rito?" gulat niyang tanong sa amin.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay naiwan kayo sa loob?" pabalik kong tanong sa kanya.
Napaiwas siya ng tingin sa amin at hindi na nagsalita muli. Pero kahit hindi niya sagutin ang tanong ko, tatanungin ko pa rin siya para malaman ko ang katanungang mayroon sa utak ko.
"Akala ko ba'y nakipaglaban kayo?" tanong ko ulit pero hindi niya ulit ito sinagot.
Magtatanong sana ulit ako kaso mabilis niya kaming hinila upang makatakbo ulit.
"Pakiusap, 'wag mo na akong tanungin ulit. Masakit kasi, sobra." pumiyok ang kanyang boses kaya napatikom ako ng bibig.
Ano bang sinasabi niya? Hinayaan ba nila siyang makatakas? O tumakas siya para sa kanyang kaligtasan?
"Kailangan na nating tumakbo nang mabilis. Hinahanap na tayo ng mga White Guards. Pinadala sila rito para damputin muli tayo." dugtong pa niya.
Gaya ng sinabi niya, tumakbo na kaagad kami nang mabilis.
Habang bitbit si Juko ay bigla akong nadapa. Napatingin si Yuri sa akin at impit na napamura nang matingin siya sa aming likod. Nakarinig ako ng mga mabibilis na yapak papunta sa aming pwesto kaya mabilis na gumapang sa aking dibdib ang kaba.
"Tang ina, nandito na sila. Tumayo na kayo, Tey at Juko!" sigaw niya sa amin at umirap.
"Baka gusto mong tulungan kami?" sarkastikong sabi ni Juko kaya napangiti ako nang bahagya. Alam na niyang sumagot ng ganoon, ah.
Umirap si Yuri at tinulungan niya akong tumayo at si Jin naman ang tumulong kay Juko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Kahit nanlalamig na kami dahil sa ulan at kahit nanghihina na ang aming katawan ay aming ginagawa pa rin ang lahat upang makatakas at makawala na sa lupang ito.
Nagkatinginan kaming apat nang makita namin ang kalsada at gumuhit sa aming mga labi ang isang matagumpay na ngiti. Sa wakas ay makakalabas na kami. Sa wakas ay makakatakas na kami!
Nakangiti naming tinahak ang kalsada at aking pinunasan ang mukha kong basa. Para akong maiiyak sa sobrang tuwa. Luminga kami sa kalsada at nakakita kami ng kotse na papalapit kaya sinalubong na agad namin ito upang makahingi ng tulong. Bago namin tuluyang matalikuran ang mataas na pader ay lumingon si Yuri roon at nanlaki ang aking mata nang bigla niyang itaas ang kanyang dalawang kamay at nakatayo ang kanyang gitnang daliri.
"Putang ina n'yong lahat!!" magiliw niyang sigaw at nakangiting humarap sa amin. Napailing ako at hinarap ko na ang kotse.
Sabay-sabay naming pinasok ang kotse pagkahinto nito kahit wala pang pahintulot.
"Manong, pakiusap, tulungan n'yo kami. Kailangan namin ang iyong tulong. Dalhin mo kami sa pinakamalapit na bayan dito dahil nasa panganib ang aming mga buhay." agarang sabi ni Yuri sa drayber pagka-upo niya sa katabing upuan ng drayber.
Napahawak ako sa aking sentido nang bigla itong kumirot.
"Kung iyan ang iyong kagustuhan, Ms. Bacay." biglang tumalbog ang aking dibdib dahil sa kaba. Tinignan ko ang drayber pero hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa panlalabo ng aking mata.
Sinubukan kong idilat nang mabuti ang aking mata para maaninag ang kanyang mukha pero nabigo ako at unti-unti nang nahihilo ang ulo ko. Umiikot ang aking paligid at napahiga ang aking katawan dahil sa pagkawalan nito ng malay.
Narinig ko ang malakas na halakhak ng drayber at naramdaman ko rin ang pag-andar ng kotse.
Bakit niya kilala si Yuri? Bakit parang pamilyar sa akin ang tawa na 'to? Bakit kinakabahan ako sa drayber na 'to? Bakit lahat kami ay walang malay? Sino ba talaga ang drayber na 'to?
~*~
A/N: Sino sa tingin niyo ang creepy driver na 'yon? Lols.
THANK YOUUU! 💕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top