Chapter 3: Chew Medicine

Hook Dela Merced's Point of view

Maaga akong nagising dahil ang sakit ng katawan ko. Ginawa ba naman kasi akong kama ni Juko! Nakadapa tuloy akong natulog at siya naman ay nakahiga sa likod ko. Kinakawawa ako ni Juko!

Hindi raw kasi siya sanay na matulog sa lapag, matigas daw at masakit iyon sa likod, eh sino ba naman kasi ang sanay? Parehas lang naman kaming nasanay sa malambot na kama, 'no.

"Juko, maawa ka na sa Kuys Hook mo, oh. Hindi na ako makahinga rito, eh." pagmamaka-awa ko kay Juko na natutulog pa rin sa likod ko.

Narinig ko lang siyang umungol kaya napapikit ako at binigay ko na ulit ang katawan ko sa sahig. Hindi naman ako pwedeng bumangon na lang bigla dahil masasaktan si Juko kapag nailaglag ko siya, malalagot ako kay Jin kapag nasaktan si Juko. Binibaby pa naman niya si Juko.

Napatingin ako sa pinto nang biglang may kumatok doon.

"Limang kumag, gumising na kayo! Papasok daw tayo sa bago nating eskwelahan sabi ni Kelly!" sigaw ni Nam sa labas.

Nakarinig ako ng kaluskos sa kama at nakita ko roon si Jin na ginigising sina Tey at Yong.

"Tey, Yong, gising na kayo."

Unti-unting bumangon si Tey pero si Yong ay nanatili na nakahiga pa rin. Ano pang aasahan mo kay Yong? Nap monster kaya 'yan!

"Yong, naman eh! Gising na!" sigaw ni Jin kay Yong na nakadapa pa rin sa kama.

"Jin, huwag muna 'yan ang gisingin mo. Itong si Juko muna. Ngawit na ako, eh." pagmamaka-awa ko.

Natawa si Tey nang makita ang pwesto ko at ni Juko. Akala ko pa nga ay tutulungan niya ako eh, 'yun pala ay tinawag pa niya sina Nam para ipakita ang pwesto ko at para mapagtawanan. Grabe, ang bait talaga nila.

"Hahaha! Wala kasi tayong gadget para picture-an, eh!" tumatawang sambit ni Jim.

"Sayang!" sambit naman ni Tey.

Sinamaan ko sila ng tingin pero tinawanan lang nila ako. Nang dahil sa tawanan nila ay nagising si Juko. Salamat naman!

"Mga Kuys naman, eh! Ang ingay ninyo, natutulog 'yung tao, eh!" inis na sabi ni Juko at nagtalukbong ng kumot. Kumilos pa siya kaya lalo akong nahirapan sa paghinga. Baka nakalilimutan ni Juko na ang laki niyang nilalang.

"Juko, maawa ka sa sarili mo. Baka kapag nabwisit 'yang si Hook ay masipa ka pa niyan palabas sa city'ng ito!" tumatawang sabi ni Jin.

"Aba, edi makisabay na tayo!" sambit ni Tey na naka-upo sa kama.

"Oo nga!"

At talagang ako pa ang gagawin nilang armas para makalabas sa lungsod na 'to, ah.

"Eh, paano naman ako?" medyo malungkot kong tanong.

Nagkatinginan sila at sabay-sabay na nagkibit ng balikat.

"Edi maiiwan ka rito." biglaang sabi ni Yong. Gising na pala ang kumag.

"Ay, grabe naman!" nakanguso kong sigaw.

Pagkatapos nila akong gamitin para makalabas sa lungsod na ito ay iiwan lang nila ako rito? Hindi ba nila ako mahal?

"Yes nemen! Naglokohan pa sila, eh malapit na tayong lahat malate." napatingin kami sa pinto at nakita namin doon si Kelly na nakakrus ang mga braso.

"Kelly, oh!" sumbong ko.

Lumapit sa pwesto ko si Kelly, umupo ito at tinawanan ako kaya napatawa rin ang iba. Akala ko pa naman ay tutulungan niya ako, pero pare-parehas lang sila! Hindi nila ako mahal!

"Juko, gising na. Ngawit na 'yung kabayo mong kama." natatawang sabi ni Kelly habang inaalug-alog si Juko.

Umungol pa nu'ng una si Juko pero makalaunan ay bumangod din ito. Inupuan pa nga ang likod ko kaya lalo akong hindi nakahinga. Nagulat pa siya nang makita na ang inuupuan niya ay ako.

Nang makapag-ayos na kami ng sarili para pumasok ay lumabas na kami ng bahay niya. Ang astig nga ng uniporme namin, eh. Magkaduktong 'yung pang-itaas sa pang-ibaba at purong asul pa.

Nang makalabas kami sa bahay ni Kelly ay akala namin maglalakad lang kami. Pero laking gulat namin nang makakita kami ng walong bisikleta sa labas.

"Whoa! Mountain bike!" mangha kong sabi habang iniikutan ang walong bisikleta.

"Sino naman ang nagmamay-ari niyan at iniwan dito? Saktong walo pa para sa atin!" ani Jim at hinimas-himas niya ang mga bisikleta.

Nakihimas na rin ang iba pa pwera lang kay Kelly'ng nakangiti.

"Iyang mga bisikleta ay para sa ating walo talaga." nakangiti nitong sabi.

Nagkatinginan kaming pito na nanlalaki ang mata. At sino naman ang sponsor namin? Kanina uniprome ang ibinigay sa 'min at sapatos, ngayon naman ay bisikleta? May secret admirer na ba kami agad dito? Ang bilis naman! Iba talaga ang nagagawa ng gwapo.

"'Wag ninyong itanong kung sino nagpabigay. Basta sa atin na 'yan, walang baiwan!" pumunta si Kelly sa isang bisikleta at sinakyan niya ito.

Mukhang nabasa niya kanina ang pagtataka namin kaya agad niya 'yong sinagot. Pumidal si Kelly sa bisikleta at napahinto lang siya nang mapansing hindi pa rin kami kumikilos.

"Tara na, mahuhuli na tayo sa klase!" sigaw niya sa aming pito.

Tila nag-aalinlangan pa kami kung amin na nga ba talaga 'to o hindi. Ang imposible naman kasi, 'di ba? Biglang may magbibigay tapos hindi niya sasabihin kung sino? Paano namin siya mapapasalamatan nang personal kung hindi namin kilala ang nagbigay?

Nang mapansin ni Kelly na magtatanong si Nam ay agad niya itong pinutol.

"Walang tanungan!" at muli na siyang pumidal.

Sumakay na rin ako sa isang bisikleta at nagkibit-balikat sa kanila.

"Kung may nagbigay, edi tanggapin. Kung ayaw magpakilala, edi huwag kilalanin." sambit ko at pumidal na rin at sinundan si Kelly'ng lumalayo na.

"Hook, hindi mo naman na 'yan kailangan, eh! Kayang-kaya mong takbuhin 'yung paaralan dito!" hirit ni Tey at pumidal na rin siya sa napiling bisikleta.

"Manahimik ka, gunggong!"

"Hindi bumili pero nagkaroon ng bisikleta. Swaeg!" manghang sigaw ni Mr. Swaeg a.k.a Yong.

"Ang gwapo ko kasi kaya may nagbigay. Naks!" mahangin namang sabi ni Jim. Sa aming lahat, si Jim ang mahanging malandi.

"Kuys! Hintayin ninyo ako!" sigaw ni Juko. Mukhang bigat na bigat sa kanyang ilong kaya hindi makapidal. Malaki ho kasi ang ilong ng baby Juko namin. Kaya kaya niya kaming singhutin kung kailan niya gusto.

"Eh pagkain? Walang magbibigay?" nakangusong tanong ni Jin. Sa aming lahat ay si Jin ang mahilig magluto. Iyan ang dakilang taga-luto namin. Pink lover pa. At sa sobrang gwapo (sabi niya) nagmumukha na siyang bakla. Hindi ako gayahin, sa sobrang gwapo napakagwapo pa rin.

Si Kelly ang nangunguna sa aming lahat. Kaming pito nama'y naggigitgitan. Muntikan pa nga akong mahulog eh, mabuti na lang ay naitungkod ko agad 'yung paa ko.

"Jeng! Jeng, jeng, jeng!" tila batang naglalaro si Juko habang pumipidal at nangunguna ang kanyang dibdib. Sa aming lahat ay siya ang pinakabata kaya ganyan siya mag-isip, saan mo man ilagay ay isip bata pa rin.

Napansin naming lahat ng tao rito sa Bangtan City ay bisikleta ang gamit. Sabi ni Kelly ang mga taga-gobyerno lang daw ang may karapatang gumamit ng kotse, truck, bulldozer, motor, atbp. Kasi iyon daw ang utos ng kataas-taasan. At napag-alaman din namin na hindi naman pala si Mr. Bang ang kataas-taasan dito. Poser!

Huminto si Kelly sa tapat ng isang purong puti na mukhang paaralan. Mukhang ito na ang papasukan namin. Malaki ang paaralang ito at talagang nakakamangha. Pero may isang malaking paaralan din sa katapat nito at ito ay purong berde.

"Dito sa Mint Green University ay ang mga high-percentage na Bulletproof. Kumbaga mga 75% pataas na ang kanilang pursyento sa pagiging Bulletproof. At dito naman sa White University ay ang mga baguhan or 75% pababa ang nag-aaral dito. Nakahiwalay ang mga malalakas sa mahihina pa lang." paliwanag ni Kelly habang tinuturo niya 'yung dalawang paaralan na magkatapat.

At ang mga nag-aaral sa Mint Green University ay kulay berde ang uniporme nilang sinusuot.

"Soon, diyan na tayo," sabi ni Nam habang nakatingin sa paaralan na para sa malalakas.

Ngumiti sa amin si Kelly at itinabi niya ang kanya bisikleta sa mga katabi rin nitong mga bisikleta. Ginaya namin ang ginawa niya.

Inaya na kami ni Kelly'ng pumasok sa White University. Sumunod kami sa kanya at habang naglalakad ay walang pumapansin sa amin. Lahat may sari-sariling mundo. Bilang ang makikita mong magkakasama. Siguro gaya nga ng sinabi ni Kelly ay mahirap magtiwala sa tao. Kaya nga hindi ako nagtitiwala sa pitong kasama ko, eh. Mga abnormal kasi.

"Daming chicks! Ayos din!" ganadong bulong ni Jim habang tumitingin sa mga babaeng nakakasalubong namin.

Siniko siya ni Yong na seryosung-seryoso.

"Jim, baka nakakalimutan mong wala tayo sa normal na lungsod." paalalang sabi ni Yong.

Pero tama rin naman siya. Wala kami sa normal city para lumandi o gumawa ng kabalastugan. Baka mamaya ay may lahing ninja pala ang makasangga namin.

"Okay lang lumandi, guys. Ituring ninyo itong normal na city na rin. Kasi kahit anong gawin ninyo, hindi na kayo makakabalik sa totoong normal city. Wala ng daan. Kaya sanayin ninyo ang sarili ninyo rito." pahayag ni Kelly habang nakangiti.

Pansin ko lang, lagi siyang nakangiti. Hindi ba siya nalulungkot na nandito siya sa klaseng lungsod? Nakakatakot din kaya, kasi hindi mo alam kung kailan ka sasalakayin ng gobyerno.

"Wala ng daan? Paano mo naman nasabi? Matagal ka na ba rito?" takang tanong ni Jin.

"Noong pitong taong gulang pa lang ako." maikling tugon ni Kelly habang patuloy pa rin sa paglalakad. Likod lang niya ang aming nakikita kaya hindi namin makita ang kanyang reaksyon.

Nagulat kaming lahat nang malaman namin ang kanyang historya. Kinuwento niya ang kanyang nakaraan habang kami'y naglalakad patungo sa aming silid-aralan. Ang laki kasi ng White University.

Ang bata niya pa pala noong nakulong na siya rito. May Kuya pala siyang Bulletproof at nakulong din dito. Ang masaklap ay harap-harapan daw niyang nasaksihan ang pagsisip sa dugo at pagkuha ng cell sa Kuya niya gamit ang isang makina. Isan' daang pursyentong Bulletproof pala ang Kuya niya.

Napayuko ako nang masaktan ako sa bawat kwento ni Kelly sa kanyang nakaraan.

"Hindi! Meron pang daan! Imposibleng wala. Paano nila tayo nailagay rito kung walang daan. Sige nga?" positibong sabi ni Nam. Kahit ako'y nagtataka kung paano nila kami rito nailagay kung wala namang daan. Ano sila, magician?

"Oo nga naman," singit ko.

"Private jet. O'sya, pumasok na tayo sa loob." sabi ni Kelly bago pumasok sa hinintuan naming pinto. Mukhang ito na nga ang aming silid-aralan.

"Private jet? Tsk. Edi sila na ang mayaman para magkaroon no'n." dinig kong bulong ni Juko.

"Gobyerno nga kasi." mukhang narinig din ni Jin ang ibinulong ni Juko kaya siya sumagot doon.

Basta gobyerno, bilyonaryo.
Basta gwapo, Hook Dela Merced.

Pumasok kami sa classroom at laking gulat namin nang lahat ng gamit sa silid-aralan ay puti. Kahit ang aming lamesa ay puti. Pader man o kisame. Ang laki pa ng loob! At mas lalo kaming nagulat nang makitang may dalawang armadong lalaki ang nasa loob. Ang isa'y nasa dulo sa kaliwa, ang isa naman ay nasa dulo sa kanan.

"Hindi halatang mahilig ang kataas-taasan sa puti." bulong ni Yong habang nakatingin sa buong silid.

Hindi inalintana ng gurong nasa harapan ang aming pagkahuli sa klase. Mukhang walang pakialamanan kung huli ka ba o hindi. Aba ayos pala rito.

Tumuloy si Kelly sa pinakalikod at sumunod kami roon.

Wala kaming iniiwang bakas na ingay dahil nakakahiya namang lumikha ng ingay dahil ang tahimik nilang lahat. Lahat sila ay nakatungo lang sa glass na mukhang iyon ang magsisilbing board na nasa harapan.

Para pa silang mga robot.

Binulong ni Kelly na umupo kami kaya ginawa namin ito. Lahat kaming walo'y naka-upo sa pinakalikod. Ayos na rin ito't walang makakakita kung mangongopya man kami kay Kelly.

Bigla kaming pito na napa-ayos sa upo nang lapitan kami ng dalawang armadong tao.

Natawa si Kelly sa reaksyon namin. "Huminahon lang kayo. Nguyain lang ninyo ang ibibigay nila."
hindi ko nakuha ang sinabi ni Kelly. At mas lalong gumulo ang isip ko nang maglapag ang isang armadong lalaki ng candy'ng di-nguya.

Nagtataka akong tumingin sa armadong lalaki at kinunutan ko ito ng noo.

"Brader, ano 'to, candy? Share tayo, gusto mo?" nakatanggap ako ng sipa sa paa kay Nam dahil sa sinabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at tinignan ko lang siya nang nagtataka. Wala naman akong ginawang masama, ah? Parang kinausap lang si brader white, eh.

Agad namang umalis si brader white sa pwesto namin at bumalik na ito sa dati niyang pwesto.

"Chew Medicine. Nguyain ninyo lang 'yan at doon na eepekto ang silbi niyan." wika ni Kelly.

Nakita kong hindi makapaniwala si Yong sa Chew Medicine na nasa harap niya. Parang walang balak nguyain ito. Baka nga ang gawin niya lang ay matulog maghapon.

"Saka palang eepekto ang silbi?" nagtatakang tanong ni Tey.

Kinuha rin ng mga kasama ko ang Chew Medicine at tinitigan itong maiigi. May asukal na nakapaligid dito. Parang cube vitamins lang. Kasing laki nito ang kuko ko sa hinlalaki sa kamay.

"Uh-huh. Makikita rin ninyo ang silbi niyan pagkatapos ninyo itong nguyain. Ano, isubo na natin!" at mabilis na sinubo ni Kelly ang kanya at nginuya ito.

Makalipas ang ilang minuto ay walang nagbago sa kanya. Hindi siya naging halimaw o diwata. Hindi siya hinimatay o nangisay man lang. So, ligtas ang Chew Medicine na 'to?

"Come on, guys. Hindi ba ninyo nakikitang kayo na lang ang hinihintay?" sabay turo ni Kelly sa mga kaklase naming nakatingin sa amin.

Nakaramdam ako ng hiya at sa palagay ko ay sila rin nakaramdam no'n.

Lumunok muna ako bago ito isubo't nguyain. Lumipas ang ilang minuto'y wala akong naramdaman. Napatingin ako sa mga kasama ko at nagtataka rin sila kung bakit mukhang walang epekto ito.

"Pinagloloko yata tayo ni Kelly. Wala namang epekto." bulong ni Jin.

"Bulok ang hayek."

"Huwag ninyong maliitin ang gawa ng mga scientist dito." nakakalokong ngiti ang nakaguhit sa labi ni Kelly. Nagkibit-balikat na lang kami at tumingin na sa harapan. May isunusulat na roon ang guro. At ang malas, math pala ang subject ngayon.

Pulang tinta ang gamit ng aming guro ngayon. Ang ipinagtataka ko ay kung nagsusulat siya, dapat ba namin itong isulat din? Pero wala naman kaming sulatan at panulat.

"Muntanga, nagsusulat pero wala namang nagte-take down notes." mahinang halakhak ni Jin.

Napatawa rin kami pero si Kelly ay nakangiti lang. Ngiti nang ngiti si Kelly, kaya nagkakagusto sa kanya si Tey at Jim, eh.

"Titigan ninyo ang isinusulat ng guro at isa-ulo ninyo 'yon. Pagkatapos no'n ay ibaling ninyo naman ang titig ninyo sa lamesa ninyo at 'yung sina-ulo ninyong nasa glass board ay unti-unting masusulat diyan." paliwanag ni Kelly.

Kahit naguguluhan ay ginawa ko pa rin ang sinabi niya. At ang nakakamangha, tama ang sinabi niya! Sumulat din sa lamesa ko ang sina-ulo kong mga kataga! At nakapulang tinta rin ito. Ang galing, ah!

"Iyan ang epekto ng Chew Medicine."

"Whoa! Ang galing, ah!" biglang sigaw ni Tey kaya naagaw nito ang atensyon ng lahat.

Nagtawanan kami nang mahina dahil nakakahiya ang ginawa ni Tey. Nakatingin kasi ngayon sa kanya ang lahat, kahit 'yung guro ay napatingin sa kaingayan ni Tey.

"Ingay mo kasi," bulong ni Juko kay Tey.

Nahihiyang napakamot si Tey sa kanyang batok. Nang tumingin ang guro kay Tey ay wala itong sinabi pero biglang napatayo si Tey na ikinagulat namin.

Third person's point of view

"May problema ba, Mr. Rivera?" tanong sa isip ng guro habang nakatingin kay Tey na biglang napatayo dahil mukhang nagulat ito nang maka-usap siya ng guro nang hindi nagsasalita.

"Pa-Paanong...?" mahinang bulong ni Tey habang nanlalaki ang mata dahil sa gulat.

Ang kanilang mga kaklase ay ipinagpatuloy na ang kaninang ginagawa. Samantalang ang anim na kasamang lalaki ni Tey ay nagtataka dahil sa reaksyon nito. Si Kelly naman ay ngumiti nang proud at nagsalita.

"Telepathy," sabi ni Kelly kay Tey.

Tumingin si Tey sa nakangiting si Kelly. Samantalang ang anim na lalaki ay nagtataka pa rin.

"Ano 'yon?" tanong ni Tey.

Kahit ang anim na baguhan pa lang din sa Bangtan City ay nagtataka sa sinabi ni Kelly.

"Kaya ka niyang kausapin gamit ang kakayahan niyang Telepathy. Lahat ng guro rito ay may kakayahang ganyan. Inaaral muna nila iyon bago sila makapagturo rito." taas noong paliwanag ni Kelly. Tila proud na proud siya na sabihin sa lahat na sa ditong klasing lungsod na siya lumaki.

"Swaeg."

"Kakaiba talaga ang city na 'to."

Halos lahat sila'y nagulat sa kanilang nalaman. Isang araw at kalahati pa lang nila sa Bangtan City ay ang dami na nilang nalalaman tungkol dito. Pero mabuti na rin ito, para hindi sila mahirapang mag-adjust sa bagong lungsod na kinabubuhayan. Hanggang ngayon pa rin kasi ay hindi pa rin sila makapaniwala na nasa ganitong lungsod sila kung saan sila'y kakaiba.

Natapos lang ang walo sa pag-uusap nang biglang umupo si Tey at nakangiting tumingin sa guro. Nag-uusap siguro si Tey at guro sa kanilang isipan.

Sa tanan ng buhay ng pitong magbabarkada ay ngayon lang nila naranasan ang ganitong buhay. Ang magsuot ng uniporme na kakaiba. Ang pumasok sa paaralan na ang sakay ay bisikleta. Ang ngumuya ng Chew Medicine. Ang hindi pagsulat pero ang mata ang ginagamit sa paghahayag ng mga letra. At ang mag-aral ng isang subject sa isang linggo.

Dito sa White University ay kakaiba. Bawat linggo ang pagpapalit ng subject na inaaral. Isang linggo, isang subject. At ang oras lang nila sa paaralan ay limang oras at pagkatapos ng limang oras ay pwede na silang umuwi. At tuwing tanghali pa ang kanilang uwian.

"Grabe talaga rito. Isang linggo, isang subject. Tapos math ang subject natin ngayon. Isang linggo tayong mag-aaral ng math at limang oras pa 'yon! Sa dati nga lang nating paaralan ay isang oras lang pero hindi ko na kinakaya, dito pa kaya na limang oras!"

"Torture!"

"No swag!"

Pagrereklamo ng pitong baguhan.

Sila'y naglalakad ngayon patungo sa kanilang bisikletang iniwan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang magiging buhay sa loob ng paaralan.

"Masanay na kayo. Ganyan din ako rati. Habang buhay na kayo rito kaya tanggapin na ninyo kasi ang pamumuhay ninyo rito." singit ni Kelly.

Si Kelly ang kanilang nagsisilbing gabay ngayon sa kanila lalo na't baguhan pa lang sila. Pero lagi pa rin silang nagtataka kung bakit kinukumbinsi sila ni Kelly na huwag ng gumawa ng paraan para makaalis dito. Talaga nga bang walang daan palabas sa lungsod na ito?

"May daan palabas dito at sinisigurado ko 'yan sa'yo." matapang na sabi ni Nam habang nakapamulsa pa.

"Kahit anong mangyari ay hahanapin namin ang daan palabas dito." sambit ni Hook.

"Sama-sama kaming makakalabas dahil sama-sama kaming nalagay rito." madiing sabi naman ni Yong.

Napakibit balikat na lang si Kelly at lumingon siya sa pito. "Edi, Good luck!"

Hindi alam ng pito kung maiinis ba sila kay Kelly o hindi. Bakit ba kasi ang negatibo masyado ni Kelly? Bakit siya ganoon magsalita? Siguro dahil hinanap na rin ni Kelly ang daan palabas pero sa huli'y nagkamali lang din siya? Marami silang katanungan pero hindi nila maitanong dahil hindi nila talaga alam kung dapat ba nilang pagkatiwalaan si Kelly.

Nang makarating sila sa pinaradahan nila ng bisikleta ay sumakay na sila rito. Ngunit bago pa sila makaalis ay bigla silang nakarinig ng putok nang baril na ikinagulat nila.

"Putok ng baril 'yon, ah!" gulat na sigaw ni Jim.

"Hindi ba obvious?" sabi ni Yong at umirap pa. Kahit kailan talaga ang sarkastikong tao.

"Eh!"

"Kahit abnormal ang city'ng ito ay itinuring na nang lahat na normal ito. Kaya kung may nakawan o holdapan man sa outside ay mayroon din dito." paliwanag ni Kelly at pumidal na ito papunta sa pinanggalingan ng tunog.

Nakuha naman iyon ng pito at sumunod sila kay Kelly.

Marami ng nakulong sa lungsod na 'to. Marami na ring nakasalamuha si Kelly at binalaan niyang huwag ng humanap ng daan dahil wala naman ang kanilang hinahanap. At marami na ring tumanggap sa isang katotohanan na rito na rin sila huling makakahinga.

Huminto sila sa tabi ng mga nagkukumpulang tao. May mga armadong lalaki na rin dito. Ang iba'y nakikitsismis ang iba naman ay nagtataka kung ano ang nangyayari.

Sumingit ang walo sa maraming tao. Lahat ng madaanan ni Kelly ay kanyang hinahawi. Nagugulat pa nga sina Nam sa ginagawa ni Kelly pero sa huli ay ganoon na rin ang kanilang ginagawa.

Nang makarating na sila sa pinakadulo ay agad lumakad si Kelly patungo sa nakasaradong bangko. Bangko ito ayon sa pangalan na naka-ukit sa itaas.

"Kelly, saan ka pupunta?" sigaw ni Jim kay Kelly'ng nakalalayo na.

Hindi naman sila makasunod kay Kelly dahil hinaharangan sila ng mga armadong lalaki. Bakit si Kelly ay hindi hinarang pero sila ay hinaharang?

"Kelly, Honey!" tawag ni Tey kay Kelly.

Napatingin si Jim kay Tey dahil sa itinawag nito.

"Akin si Kelly, Tey!"

"Mangarap ka, Jim!"

Napailing na lang ang kanilang kasama dahil nagtalo ang dalawa kung kanino ba talaga si Kelly. Haba naman ng hair.

Sa loob ng bangko ay nakapasok na roon si Kelly na walang kakaba-kaba. Pumasok siya roon na walang armas kahit isa. Nadatnan niya sa loob ng bangko ang isang lalaking may hawak ng baril at bag na puno ng pera.

"Hey, boy." pagkasalita ni Kelly ay mabilis na itinutok ng magnanakaw ang baril kay Kelly. Gulat na gulat ang magnanakaw dahil hindi niya namalayang nakapasok pala roon sa loob si Kelly.

"Whoa, whoa! Chill, boy. Nandito ako para tulungan ka." nakangiting sabi ni Kelly.

Napatingin si Kelly sa mga taong nasa loob ng bangko. Nakakita siya ng isang guard na duguan ang braso. Mukhang ito ang pinaputukan ng magnanakaw kanina.

Nakakunot noong nagsalita ang magnanakaw. "Tulungan? Sige! Tulungan mo akong makalabas dito sa lungsod na 'to! Ano, kaya mo ba? Hindi, 'di ba? Kasi isang hamak na babae ka lang na walang ginawa kundi umiyak nang ipasok sa hayop na lungsod na 'to!" kitang-kita mo sa mukha ng magnanakaw ang galit at poot. Tila hindi niya talaga ginustong mapunta rito. At sino nga ba naman ang may gusto?

"Iyan ba ang problema mo? Ang hindi makalabas sa lungsod na 'to?"

"Oo, at iyan ang problema ng lahat dito!" nanggagalaiting sigaw ng lalaki.

Ramdam na ramdam ang takot ng mga tao sa loob ng bangko nang ikasa ng magnanakaw ang baril. Napataas ang dalawang kamay si Kelly nang marinig ito.

"Kaya kitang tulungan sa gusto mo. Kaya kitang kausapin sa pamamagitan ng telepathy, kaya pakiusap huwag kang magsalita para hindi ako mabuking." salita ni Kelly sa kanyang isipan habang nakatingin sa magnanakaw.

Napakunot ang noo ng magnanakaw at napatagilid ang ulo nito. Takang-taka ang kanyang itsura sa narinig sa utak.

"L-Legit?" ani naman ng magnanakaw.

Ngumiti nang inis si Kelly bago ito sagutin. "Oo nga. Nakausap na nga kita, hindi ka pa naniniwala?"

"Mapagkakatiwalaan ka ba?" tanong ng lalaki.

Sa isip-isip ni Kelly ay natutuwa siya sa mabilisang pagtugon ng lalaki. Ang bilis naman nitong magtiwala. Nagtiwala kasi agad ang lalaking magnanakaw at nalaman iyon ni Kelly nang mabasa niya ang isip ng magnanakaw.

"Oo naman. Ako kaya si Kelly Ladignon, ang tagapagligtas ng buhay ninyo." at kinindatan ni Kelly ang magnanakaw.

Ibinaba ng magnanakaw ang kanyang baril na ikinataka ng mga tao sa loob. Biglang may pumasok na dalawang armadong lalaki sa loob ng bangko kaya naging alerto ulit ang magnanakaw.

"Ibaba mo 'yan! Kasamahan ko sila. Sila ang pinagkakatiwalaan ko sa White Guards. May telepathy rin sila at ako ang nagturo no'n!" proud na sabi ni Kelly.

Ngumiti ang dalawang guard sa magnanakaw at tumango.

"Paano mo ako matutulungang ilabas dito? Ha?" tanong ng magnanakaw.

Tumingin si Kelly sa isang guard at ang guard ang sumagot dito.

"May hawak si Miss na lagusan dito sa Bangtan City na walang nakakaalam kung hindi kaming tatlo at ang mga natulungan niya lang."

"La-Lagusan?"

"Oo. At makikita mo 'yon kapag sumama ka. Huwag kang mag-alala, hindi ito scam." singit ni Kelly.

Ang mga tao sa loob ay takang-taka na kung bakit ganoon ang eksena. Bakit walang labanan? Bakit walang putukan? Bakit walang patayan? Simple lang, dahil matalino si Kelly kaya inaral niya ang telepathy at iyon ang ginawang daan para makahanap ng kasamahan.

Nag-alinlangan pang sumama ang magnanakaw pero sa huli'y binigay niya rin ang dalawa niyang kamay kay Kelly.

Nakangiti itong tinanggap ni Kelly. Laking gulat ng mga tao sa loob nang masaksihan ang eksena. Ang matahimik na eksena.

"Good boy."

Bago sila tuluyang makalabas ay may bulong na naka-agaw ng pansin ni Kelly.

"Napasuko nila 'yung magnanakaw gamit ang titigan lang? Sino ba ang babaeng 'yan?"

Nakangiting humarap si Kelly sa mga babaeng nagbubulungan.

"Hi, ako nga pala si Kelly Ladignon. Ang tagapagligtas ng buhay ninyo." at sinamahan niya pa ito ng kindat.

Lumabas na sila sa bangko. Hawak-hawak naman ni Kelly ang braso ng magnanakaw. Nang makita ng pito si Kelly na hawak-hawak ang magnanakaw ay mangha at pagtataka agad ang makikita mo.

"Kami na ang bahala sa taong 'to. Kayang-kaya na namin 'to. Back to normal, guys. Wala ng palabas!" sigaw ni Kelly sa lahat.

Kinuha ng dalawang White Guards ang magnanakaw at ipinasok ito sa loob ng kanilang patrol car.

Nakangiting humarap si Kelly sa pito at kumindat.

"Sakyan na natin ang bisikleta natin dahil may pupuntahan pa tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top