Chapter 25: Not Today
Nam's point of view
Nanginginig na ang aking kamao dahil sa galit. Ang sarap bugbugin ng pagmumukha ng demonyo na ito. Akala niya siguro'y hindi pa namin siya kilala. Pasensya na siya dahil matalino kami.
Hindi namin ipinaalam kay Kelly na inalam namin ang pagkatao ng Presidente. Sa aming pagtatanung-tanong ay aming napagsama-sama ang lahat ng tungkol sa Presidente. At boom! Nakilala namin siya.
Hindi namin inaasahan na ganito pala ang kanyang itsura. Puno ng peklat.
Napalunok ako dahil sa galit ng Presidente. Hindi lang pala kami ang galit, pati rin siya pero wala siyang karapatang magalit dahil buhay namin ang pinaglalaruan niya!
"Ang ayoko sa lahat ay 'yung pilit pa ring tumatakas kahit nakatali naman na." Sumibol ang ngisi sa labi ng Presidente. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa ngising iyon.
Sabay-sabay kaming tumingin sa pintuan nang may pumasok doon na mga White Guards at nakatutok sa amin ang kanilang baril.
Parang may mangyayaring hindi maganda.
"Bakit pa kayo magtatago kung mamamatay na lang din naman kayo ngayon?" Nakangising wika ng Presidente.
Matalim ko siyang tinignan. "Hindi pa kami mamamatay," mariin kong sagot.
"Hindi pa kayo mamamatay? Tignan lang natin. Hindi ako 'yung tao na nagpaparaya dahil ako 'yung tao na pumapatay para lang makuha ang kagustuhan ko. Hindi ako marunong tumanggap ng pagkatalo." Dahan-dahan siyang lumapit sa amin at nang makalapit siya nang tuluyan ay ngumiti siya.
"Boom!" Sigaw niya sabay tawa na ikinatayo ng aming mga balahibo. Demonyo talaga.
Lumayo na siya sa amin at lalabas na sana siya ng bahay pero tumigil siya at kumanta.
"I love you. You hate me. Let's go out and find your friends. When the syringe inject in their skin. Patay na sila at ako ang nagwagi!" Nakatalikod na kanta ng Presidente. Napakunot ang aming mga noo dahil sa pagkanta ng Presidente sa Barney song pero iba ang lyrics.
Biglang nagpanic si Kelly sa kanta ng Presidente at ang Presidente naman ay malaki ang ngisi at lumabas siya sa bahay.
Ang mga White Guards ay nagpaputok kaya nagtakbuhan kami upang magtago. Tumakbo ako papuntang kusina at malakas kong binuwal ang lamesa upang gawing harang sa mga bala. Naibuwal ko ito at doon ako nagtago. Nagpuntahan ang iba sa tabi ko at tinakpan din nila ang kanilang tainga at nagtalukbong.
Malutong akong napamura nang maramdaman ko ang hapdi sa aking kaliwang braso.
May tama ako.
Tinignan ko si Juko at halos manlambot ako nang makita ko siyang gulat na gulat.
"Juko, ayos ka lang?" Bulong ko rito.
Dahan-dahan niyang dinapo ang tingin sa akin. Awang pa rin ang kanyang bibig at iyon ay nanginginig pa.
"Tumigil na kayo!" Dinig kong sigaw ni Kelly sa kung saan.
Napapikit ako. Nang makita ko ang pagkataranta ni Juko dahil sa sunud-sunod na putukan ay malakas kong nahampas ang lamesa kaya nabutas ito. Gulat na napatingin sa akin si Juko at Yong.
Tumayo ako at dinampot ko ang mga kutsilyo na naglaglagan sa sahig. Naglakad ako papuntang sala.
"Nam, kumalma ka!" Sigaw ni Yong habang nagtatago pa rin sa lamesa dahil patuloy pa rin ang pagputok ng mga baril.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mariin kong hinawakan ang mga kutsilyo sa magkabilang kamay ko. Nang makita ko ang mga Gwardiya ay malakas kong hinagis ang mga kutsilyo na nasa kanan kong kamay.
Nang may matira na Gwardiya sa loob ng bahay ay umikot ako at inilagan ko ang kanilang mga baril na pumuputok. Kasabay ng pag-ikot ko ay ang paghagis ko rin ng mga kutsilyo.
"Sinabi ko nang hindi pa kami mamamatay!" Sigaw ko at hinagis ko ang isang kutsilyo sa isang Gwardiya at tumama iyon sa kanyang noo.
Dumampot ako ng isang baril at lumabas ako ng bahay. Laking gulat ko nang nagsidamputan din ang mga kasama ko ng baril at nakangisi silang lumabas din ng bahay.
"Lalaban tayo," mariing sabi ni Hook.
Nang makalabas kami ng bahay ay naabutan namin ang mga Gwardiya na palapit sa aming bahay. Tinaas ko ang baril ko at pinaputukan sila. Tumakbo ako nang makita ko ang isang itim na kotse na papalayo. Hinabol ko ito at tumalon ako nang malakas at napasampa ako sa bubong nito.
Binalanse ko ang sarili ko at ngumisi.
"Ngayon, hindi pa kami mamamatay. Hindi pa ngayon dahil masyado pang maaga para maglaho sa lungsod na 'to," nakangisi kong wika at pinaulanan ko ng bala ang kotse. Nakarinig ako ng mga daing sa loob nito kaya mas lalo akong nagpaulan ng bala rito.
Bumaba na ako sa bubong ng kotse at tinalikuran ko ito at nakarinig ako ng pagsabog.
"'Yan ang nababagay sa mga taong katulad ninyo." Inihagis ko na ang baril sa isang tabi dahil wala na itong bala.
Tumakbo ako pabalik sa aming bahay at tumulong ako sa pagsugpo sa ilang mga kawal na natira.
Inipon ko ang buong lakas ko sa aking kanang kamao at isinuntok ko iyon sa mukha ng gwardiyang kalaban ko.
Umikot ako at sinipa ko siya sa kanyang tagiliran. Napaluhod siya at kinuha ko ang kanyang baril at tinaas ko ito at galit kong hinampas sa kanyang ulo.
"Hindi na ako takot pumatay. Ang sarap pala kasi sa pakiramdam," nakangisi kong sabi nang makita ko ang pag-agos ng dugo galing sa ulong nabiyak ng gwardiyang nasa harapan ko.
Hindi pa tuluyang nakakabagsak ang gwardiya kaya sinipa ko na ang mukha niya para makahiga na siya.
Nakaramdam ako ng bala na palapit sa akin kaya mabilis akong bumaluktot. Tumama ang bala na dapat sa akin sa isang gwardiyang nasa harapan ko na sumugod din.
Hawak ko pa ang baril na pinanghampas ko kanina kaya nang makalapit sa likod ko ang gwardiya ay humarap ako at isinampal ko ng buong lakas sa mukha niya ang baril.
Napangiwi ako sa laway na tumalsik.
Kinasa ko ang hawak kong baril at itinutok ko ito sa gwardiya. Ngumisi ako bago siya paulanan ng bala. Pinaulanan ko siya ng bala at talagang hindi ko siya tinigilan.
Tinapon ko na ang baril nang magsawa ako sa pagpatay rito. Luminga ako sa paligid at kitang-kita ko ang mga kasama ko na hingal na hingal. Mukhang napatumba namin ang mga gwardiya. Mahihina naman pala sila.
May mga nakita rin akong mga kapit bahay na mga nagsilabasan dahil sa kanilang mga narinig siguro na putukan. Gulat silang nakatingin sa mga bangkay ng gwardiya at sa amin.
Lumapit ako kay Hook at hinawakan ko siya sa kanyang balikat. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Halata mo sa mukha niya ang lubos na pagkapagod.
Pinunasan ko ang pawis na dumaloy sa aking leeg at pinunas ko rin ang aking kamay sa aking damit dahil may dugo ito.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko pero napakunot ang aking noo nang makitang kulang sila.
"Teka. Nasaan sina Juko at Jim?" Taka kong tanong sa kanila.
Napakunot ang kanilang noo at luminga sa paligid upang hanapin ang dalawa naming kaibigan na mukhang nawawala.
"Tang ina," malutong na mura ni Kelly at napasabunot siya sa kanyang buhok.
Bakit? Bakit ganyan ang reaksyon niya? Bakit siya ganyan?
Ginawa ko ang lahat upang isa-isahin ang kanilang mukha upang hanapin sina Juko at Jim, pero hindi ako nagtagumpay. Ni isang parte ng kanilang katawan, wala akong makita. Ni boses ay hindi ko marinig!
Ilang minuto ang lumipas bago ako may napagtanto. Ilang minuto ang lumipas nang may posibilidad na dumapo sa isip ko.
Maaari kayang... nakuha silang dalawa?
Ayoko mang aminin, pero paano kung nakuha nga sila? Paano kung habang kami'y nakikipagbakbakan, sila naman ay palihim na dinadampot?
Nanlaki ang mata ko sa aking naisip at tumakbo ako para hanapin ang dalawa upang mapatunayang mali ang aking naisip.
"Juko? Jim?" Sigaw ko at hinanap sila sa loob ng bahay pero wala akong nakita kahit anino nila.
Lumabas ako ng bahay, tinignan ko isa-isa ang mga patay. Baka kasi nadamay lang sila pero wala, hindi ko sila nakita. Tumakbo ako sa kalsada pero wala pa rin akong nakita na Juko at Jim.
Napamaywang ako dahil sa pagod. Nanlamig ang buo kong katawan dahil hindi ko sila makita sa paligid.
Nasaan ba sila? Kinakabahan na ako!
Tatakbo sana ulit ako nang may yumakap sa akin at naramdaman ko ang panginginig nito.
"Tumigil ka na, Nam," pigil ni Jin sa nanginginig na boses.
Napaawang ang bibig ko at napaupo ako sa gitna ng kalsada. Tumulo sa ulo ko ang sunud-sunod na luha ni Jin. Napahawak ako sa aking buhok at marahas ko itong ginulo.
Sumigaw ako at naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Akala ko... Akala ko ay magiging maayos ang lahat pagkatpos nito. Pero...
Napasapo ako sa aking mukha nang maalala ko ang kinanta ng Presidente kanina.
"I love you. You hate me. Let's go out and find your friends. When the syringe inject in their skin. Patay na sila at ako ang nagwagi."
Let's go out and find your friends.
When the syringe inject in their skin.
Patay na sila at ako ang nagwagi.
"Tang ina nila," nanghihina kong bulong at napasabunot ako sa aking buhok. Tumingala ako at mariing pumikit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top