Chapter 23: Intramurals

Jin's point of view

Pagkagising ko ay masakit ang aking katawan. Paano ba naman kasi ay nakadagan silang lahat sa akin! Grabe, ipagsiksikan daw ba naman ang sarili sa iisang kama lang? Ang lalaki pa nilang tao 'no! Akala ko talaga ay mapipitpit na ako.

Kanina. Nakakapagtaka. Bakit kaya maga ang mga mata ni Kelly? Para siyang umiyak buong gabi!

"Aish! Nagdrama nga lang ako kagabi! Ang kukulit naman, eh!" bulyaw niya sa amin dahil kinukulit namin siya kung bakit maga ang kanyang mata.

Nagdrama? Para naman siyang tanga. Nagdadrama mag-isa? Minsan talaga, malakas tama ng babaeng 'to, 'no?

Nandito kami sa unibersidad ngayon. Nakakagulat nga at ngayon lang namin nalaman na November 28 na pala at Intrams na.

Napatalon pa ako dahil sa tuwa. Excited na akong maglaro ng basketball. Syempre, magpapakitang gilas ako sa lahat, 'no!

Lahat ng estudyante ay nakasuot ng kani-kanilang jersey. May mga nakapang cheerdance, pang basketball, volleyball, swim suit, etc.

Nagbell na at hudyat na iyon na magsisimula na ang seremonya. Excited kaming pumila sa pila ng aming section.

"Gusto kong manood mamaya ng swimming competition!" manyak na sabi ni Jim at parang kinikiliti pa dahil sa kilig.

Napatingin ako kay Kelly nang hindi ito nagsasalita. Kanina pa siya ganyan, eh. Parang may hinihintay. Ipinagkibit balikat ko na lang ito at tumingin na ako sa entablado.

"Magandang umaga, Bulletproofs!" masayang bati ng tagapagsalita at nagtilian naman ang lahat.

"Tanungin ko lang kayo. Ngayon ay...?" pambibitin ng tagapagsalita.

"Ngayon ay November 28. Tsk." walang ganang sabi ni Yong at mukhang antok na antok pa. Natawa na lang kami dahil sa kanya.

"Intramurals!" sigaw ng mga estudyante. Nagwala ulit sila at tila mga nasa club kung makapagwala.

"Tama! Ngayon ay Intramurals. Handa na ba kayo?" masaya namang tumugon ang lahat.

Normal kaya ang Intramurals dito?

"Pero ipapaalam ko lang sa inyong lahat ang Intrams ngayong taon. Gusto ni Mr. President ng Bloody Intrams. Amazing, right?"

Ang kaninang masaya at magiliw na mga estudyante ay tila nanlumo sa kanilang narinig.

"Nakakaputang ina kayo!!" sigaw ng isang estudyante na ikinagulat ng lahat.

Nagkatinginan kaming walo. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi normal ang mangyayaring Intrams ngayon. Baka kung ano ang mangyari sa amin!

"May angal ba kayo?" nakangising tanong ng tagapagsalita at nakarinig kami ng mga kasa ng baril kaya nagsitahimikan ang mga estudyante. Miski ang sumigaw kanina ay bigla tumiklop.

"Gusto ng Presidente na maging kakaiba ang ating Intramurals ngayon. Gusto niya ng memorable Intrams. Kaya ginawa itong Bloody Intramurals."

"Ang mga sports naman ay mangyayari pa rin pero kakaiba pa rin. May halong labanan ang bawat sports na inyong sinalihan. Kaya naman gusto lang namin sabihin sa inyo na... good luck, Bulletproofs! Sana ay maging masaya kayo sa ating Bloody Intramurals!" nakangiting sabi ng tagapagsalita.

Napatingin kami sa dulo ng open court nang makarinig kami ng sumisigaw na lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking nakatali sa magkakrus na kahoy. Wala itong damit pang-itaas kaya busog ang mata ng mga kababaihan. Lalo na at may naghihimutok pang bukol sa tiyan.

Ang buong paligid ay tahimik. Walang nagbabalak na magsalita. Lahat kami ay nakatuon lang ang atensyon sa lalaking inilagay sa entablado.

Ano namang pakulo 'yan?

May lumabas na hologram sa tabi ng lalaking nakatali at paniguradong si Mr. President ito. Hindi man kita ang mukha pero sigurado ako.

Nakangisi ito at kita mo roon ang pagkademonyo.

Napatingin ulit kami sa lalaki nang buhusan ito ng tubig. O... gasolina? Ano namang gagawin nila?

May biglang tumakbo na lalaki habang nakataas ang kanyang kanang kamay at hawak niya ang torch.

Hindi kaya...?

Pinasa niya iyon sa isang lalaki at itinakbo ulit ito. Pinasa ulit ito sa isa pang lalaki. Tumakbo ang panghuling lalaki at nanginig ang katawan ko at namawis dahil sa kabang nararamdaman.

Nakalapit na ang panghuling lalaki sa lalaking nakatali. Halos mapamura ako nang malakas nang itapat nito ang torch sa lalaki at bigla na lang nagliyab ang lalaking nakatali.

"Argh!!" napapikit ako sa matinding pagsigaw nito.

Nakarinig ako ng mga mura sa buong paligid at may mga natakot. Umpisa pa lang. Umaga pa lang pero may namatay na kaagad.

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinaya ang itsura ng lalaking nasusunog. Hindi ko talaga masikmura ang ugali ng Presidente!

Sa halip na nasa palayok ang pagliyabin nila ay ginawa nila itong katawan ng tao. Mga demonyo talaga.

"At ang ating Bloody Intramurals ay talagang nagsimula na! Hahahaha! Good luck, Bulletproofs." nakangising sabi ni Mr. President at bigla na lang nawala ang hologram.

Sa halip na magpalakpakan dahil nagsimula na ang intrams ay tahimik lang ang lahat. Takot.

"At dahil Bloody ang ating Intrams ngayon. Kapag nakapatay kayo, madadagdagan ang inyong scores sa ranking. Oh, 'di ba, may purpose rin ang ating Bloody Intramurals?" huling salita ng tagapagsalita bago kami dalhin sa respective court. Depende sa aming sports.

Bago kami maghiwa-hiwalay dahil magkakaiba kami ng sports ay tinipon muna kami ni Kelly.

"Manatili sanang ligtas ang lahat." sabi niya sa amin at tuluyan na kaming naghiwalay.

Ang kasama ko sa basketball ay sina Yong, Tey, Juko. Si Nam ay sa board games. Si Hook at Jim ay sa dance competition nakasali. At si Kelly ay sa volleyball nakasali.

Kinakabahan ako sa laro namin. Hindi ko alam ang mangyayari. Kailangan naming mag-ingat, lalo na't magkakahiwalay pa kami.

Nasa 4th quarter na ng game nang magkaroon ng tensyon ang aming team at ang team na aming kalaban.

Nagkakabwisit kasi. Ang dumi nilang maglaro. Pero sabagay, Bloody Intramurals nga pala ang ganap ngayon. Pero syempre, kung gusto nila ng bugbugan ay sabihin lang nila! Hindi iyong inuunti-unti pa nila.

Malakas kong hinagis 'yung bola sa nagbabantay sa akin dahil sobra na akong nabwisit nang sikuhin niya ako nang malakas.

Nakng. Kapag ako nagkapasa sisiguraduhin kong magiging violet ang buo niyang katawan! Ang ayoko sa lahat ay 'yung pumapangit ako, eh. Miski balat ko man 'yan o ano.

"Ano ba? Bloody ang meron ngayon kaya 'wag mo akong punuin at mapupugutan kita ng ulo!" sigaw ko sa kanya at dinuro siya.

Hinawakan naman ako nina Juko. At 'yung iba ko pang kasama ay dinuro na rin ang kabila.

"Akala mo kung sino malalakas, eh! Angas, eh, 'no!" duro ng isa kong kasamahan sa umapak sa kanya kanina sa paa.

"Aba! 'Yabang n'yo, ah!" tugon ng kabilang team.

"Pupugutin mo 'yung ulo ko? Ano, kaya mo ba?" maangas niyang tanong sa akin.

Napakuyom ang kamao ko at sinapak ko siya nang malakas.

"Oo, kaya ko!" sigaw ko rito at sinapak ko ulit siya pero mabilis siyang nakailag.

Nagsugudan na rin ang iba. Napatingin ako sa mga tao sa paligid at pati sila ay nagsasapakan na rin.

'Yung naniko sa akin kanina na ang number sa likod ay 14 ay biglang naging invinsible sa aking harapan. Nagulat ako roon.

"Hala," bulong ko dahil mukhang madadali ako.

Paano ko siya makikita kung invinsible siya? Hala talaga!

"Gulat ka, 'no?" napalingon ako sa aking kanan nang may bumulong dito.

Siya 'yon!

Napalingon naman ako sa kaliwa nang kalabitin niya ang kaliwa kong tenga.

"Tae. Lumabas ka diyan! Magpakita ka, duwag!" sigaw ko sa kanya at inihanda ko ang sarili ko sa kanyang pag-atake.

"Ako, duwag?" natatawa niyang tanong at nagulat ako nang biglang bumaba ang jersey short ko na mabilis ko namang itinaas.

Nakita ang pink kong boxer!

"Bakla!" sigaw ko sa kanya at sumuntok ako sa hangin pero wala akong natamaan.

Lilingon sana ako sa aking likod nang makatanggap ako ng suntok. Napangiwi ako at napahawak ako sa aking labi. May dugo.

Nagtagis ang aking bagang at bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

"Sinugatan mo ang gwapo kong mukha." mariin kong wika habang nakatingin sa hinlalaki kong may bahid ng dugo.

Ang ayoko sa lahat ay 'yung dinudumihan o sinusugatan ang mukha ko, eh. Buong buhay kong iningatan ang mukha ko, tapos susugatan lang niya?

Napakuyom ang kamao ko na may bahid ng dugo at matalim akong luminga sa paligid. Kitang-kita ko ang mga tao sa paligid na nagpapatayan. May riot na nagaganap.

Pinalaki ko ang butas ng aking ilong. Hindi ko man siya makita, kaya ko namang amuyin ang putok niya.

"Sinaktan mo ako." mariin ko ulit na saad at tumagilid ako pakanan at sumuntok ako nang buong lakas.

Naramdaman kong natamaan ko siya. Biglang lumitaw ang kanyang katawan at natamaan ko nga siya sa kanyang mukha. Inis siyang tumingin sa akin at naglaho ulit siya.

Sige, magtago ka. Aamuyin naman kita.

Umamoy ulit ako at nang makaamoy ako ng amoy niya na papalapit ay tinagilid ko ang aking ulo at binigyan ko siya ng isang matinding upper cut.

Boom sapul!

Tuluyan na siyang lumitaw at mukhang hilo siya dahil sa upper cut na pinatikim ko sa kanya.

"Hindi dapat ako sinusubukan, Mr. 14." nakangisi kong sabi sa kanya at malakas kong sinipa ang kanyang mukha.

Sinugatan niya ang mukha ko. Pwes babangasan ko nang matindi ang mukha niya.

Inupuan ko ang tiyan niya at pinaulanan ko siya ng mga malalakas na sapak sa mukha. Hindi ko talaga siya tinigilan.

Hindi siguro ako matitigil sa pambubugbog sa kanya kung hindi ako inilayo nina Juko sa kanya. Pasalamat siya at nabuhay pa siya.

Kelly's point of view

Natapos ang unang araw ng Bloody Intrams na puro bugbugan ang nangyari. Kung sino ang matirang matibay sa bugbugan ay siya ang panalo. Sina Jin ay nanalo sa basketball dahil halos ubos ang kanilang kalaban nu'n.

Sa pangalawang araw naman ng Bloody Intrams ay ang Ms. and Mr. Intramurals. Ako ang muse sa amin nu'n at ang kapartner ko ay si Jim.

Ang hot ni Jim! Ang kanyang anim na lumalaginting na abs ay lumitaw sa buong madla! Grabe, tilian ang buong tao sa gym dahil sa kanya. May mga babae pa na may dalang kanin habang nakatitig kay Jim. At ito namang si Jim ay enjoy na enjoy. Sumayaw pa ng sexy dance.

Syempre ako naman ay sexy. Nagkaroon pa nga ako ng dakilang photographer, eh. 'Yung photographer na umaakyat pa sa stage tapos kukuhanan ako ng anggulo. Wala siyang pakialam kung nasa stage na ba siya o wala.

At ang dakila kong photographer ay si Tey! Kahit nakatalikod ako ay abot siya ng kuha. Pinap-pose niya pa ako ng mga kung anu-ano. May sakit ulo pose. Sakit tiyan pose. Walling pose.

Mayroon pa ngang pagkakataon na pinaalis niya si Jim sa stage eh, para raw makuhanan niya ako nang maayos at walang paepal. Nagtagal nga ang pageant ng dahil sa kanya, eh. Kulang na lang ay siya ang gumanap bilang escort ko. Kaloka si Tey.

Kaya nagkacamera si Tey panlitrato sa akin ay hiniram niya ang DSLR ko, dati na kasi akong mayroong DSLR. Hiniling ko ito dati kay Mr. President.

Nanalo ako bilang Ms. Intrams. Hanep, kapag ako ang hindi nanalo ay gegerahin ko silang lahat! Nagsuot ako ng two piece sa harap ng maraming tao, rumampa pa ako ng nakafive inches na heels tapos hindi nila ako ipapanalo? Aba naman! Baka gusto nilang malibing nang buhay.

At ngayong araw naman ay ginaganap ang pangatlong araw ng Bloody Intramurals. May isang labanan na magaganap bago ang awarding. Kinakabahan ako sa underground fight. Ngayon lang ito pinatupad. Talagang maraming sinekreto sa akin ang Presidente, huh?

Nakaupo kaming lahat sa monoblock at nakaharap kami sa ring na may naglalaban sa loob. Ang ring ay nababalutan ng harang kaya walang kawala ang gustong tumakas.

Napapikit ako nang mapugot ang ulo ng isa sa naglalaban.

Pero mas lalo akong napapikit nang kalabitin ako ni Tey. Ayan na naman siya! Kukulitin na naman niya ako.

"Honey. 'Uy." pangungulit niya at nang mapuno na ako ay sinapak ko siya pero nakangisi pa rin siya sa akin.

"'Wag mo nga akong mahoney-honey!" inis kong sabi sa kanya at humalukipkip ako at tumingin na ulit ako sa ring na nililinisan na.

"Honey. Honey. Honey!" pangungulit niya pa ulit sa akin. Umiling na lang ako sa kakulitan ng katabi ko.

"Honey, alam mo, ang lambut-lambot ng labi mo. Parang... parang gusto kong halikan muli." sa sobrang pagkagulat ko ay napalingon ako sa kanya at nagulat ako nang sobrang lapit ng mukha naming dalawa.

Hindi ako nakakilos dahil sa gulat. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko! Nginisian niya ako at tumingin siya sa labi ko at naglip bite pa ang gago!

"Bakit ang hot mo, honey?" bulong ko rito. Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang lumabas sa bibig ko.

Tang... sinabi ko ba talaga 'yon?

Napangisi siya lalo dahil sa sinabi ko at tila natutunaw ako dahil doon. Tey naman, eh!

"Ano ulit 'yon, honey?" at nilagyan pa niya talaga ng diin sa honey.

Oh, Tey!

"W-Wala!" sigaw ko sa kanya at inirapan siya pero hinanap niya ang mata kong tinataguan siya.

Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya napaatras ang ulo ko.

"Tey," Banta ko.

Ano ba naman kasi 'yan, Tey! Kelandi-landi!

"Bakit, honey?" malambing niyang sagot.

Napairap ako dahil napaka trying hard niya.

"Gusto mong mabalian ng buto?" madiin kong tanong at tinaasan ko siya ng kilay.

Napahinto siya at ngumuso bago bumalik sa tamang pagkakaupo.

"Hmp." nagtatampo niyang sabi at parang bata kung makanguso.

Napatawa ako nang marahan dahil doon. Ang cute, my honey Tey! Dahil sa sobra kong pangigigil ay nakurot ko ang kanyang pisngi at tumayo na ako.

Napatingin sila sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at taas noo akong naglakad papunta sa ring.

"Ang sunod na laban ay Vanessa Lim VS Kelly Ladignon." anunsyo ng tagapagsakita nang makalapit na ako sa ring.

Nakita kong nagulat ang mga kaibigan ko roon. Mukhang hindi nila inaasahan na ako na pala ang susunod na lalaban.

Hinubad ko na ang suot kong balabal at lumitaw na sa lahat ang suot kong hapit na sando at boxer na may design na alien. Hindi lang ako ang mayroon nito. Kaming dalawa ni Tey ang mayroon nito. Napagkatuwaan kasi namin nang makita namin 'to sa mall. Ang cute nga eh, kamukha ni Tey.

Nagulat at natawa ang iba sa suot kong alien boxer. Tinignan ko si Tey at gulat na gulat siya nang makitang suot ko ito. Kinindatan ko siya at pumasok na ako sa loob ng ring.

Tinignan ako ni Vanessa mula boxer hanggang ulo at tinawanan niya ako. Tinaasan ko naman ng kilay ang kanyang suot.

Pakitaan ng dyoga? Anong akala niya, palakihan at palabasan ito ng dyoga?

Hinawi ko ang nakapusod kong buhok at nang ibaling ko ang tingin ko sa aking kalaban ay nginisian ko ito nang nakakaloko.

Nang tumunog ang bell ay mabilis na sumugod sa akin si Vanessa. Naramdaman ko ang ability niya. Tornado.

Habang tumatakbo siya ay unti-unting nagkakaroon ng ipu-ipo na pumapalibot sa kanya.

Sumigaw siya at sumugod sa akin. Nakaramdam ako sa aking kaliwa na may paparating na ipu-ipo. Umikot ako pakanan at nailagan ko ito.

Tumunog nang malakas ang bakal na nakapalibot sa ring.

Nagulat naman ako nang biglang humapdi ang kaliwa kong pisngi.

Nadaplisan ako. Ang kanyang ipu-ipo ay may mga kasamang maninipis na karayom. Kapag natamaan ka nu'n ay malamang ay masusugatan ka.

Napahawak ako sa kaliwa kong pisngi at nakita ko roon ang dugo. Napapikit ako. Hindi ko man makita ang mga karayom na ito, kaya ko naman itong maramdaman.

May tiwala ako sa mga senses ko. Inaral ko itong mabuti.

Sumugod ulit siya sa akin at ako ay puro ilag lamang.

"Laban, Kelly!" sigaw niya sa akin at nagpakawala siya ng mga ipu-ipo at pinasugod niya ito sa akin.

Tumakbo ako at tumungtong ako sa bakal at mataas akong tumalon para maiwasan ang mga ito. Paglagapak ko sa sahig ay ang saktong pagpasok ko sa butas ng ipu-ipo na kinalalagyan ni Vanessa.

Nagulat siya nang makita ako at kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para tapusin ang laban na 'to.

Sa isang pikit mata lamang ay nakapunta na agad ako sa kanyang likod. Bumulong ako sa kanya bago ko siya tapusin.

"Hey, dyoga girl." nakangisi kong bulong at pagkaharap niya sa akin ay binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa mukha at sinundan ko pa iyun ng sipa ulit pero sa kanyang dibdib naman.

Tumilapon siya at nawala ang ipu-ipong umaaligid sa kanya. Tinakbo ko ang distansya namin at sinuntok ko siya nang malakas sa mukha.

Umikot ako at sinipa ko ulit siya sa kanyang mukha. Nang dahil sa aking pagsipa at pagsuntok sa kanyang mukha ay tila nanghina siya roon.

Hinawakan ko siya sa kanyang batok at tinuhod ko ang kanyang mukha. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang ulo at tumalikod ako, bale hawak ko pa rin ang ulo niya pero nakatalikod ako roon.

Mas hinigpitan ko ang kapit sa ulo niya at malakas ko itong ibinalibag sa sahig.

Tumayo ako nang maayos at pinulot ko ang mga karayom na nasa sahig.

Pagdampot ko rito ay nanghina ang kaliwa kong binti kaya napaluhod ako.

"Fuck," mura kong bulong at napatukod ako sa sahig.

Bwisit. May lason 'yung karayom. May pampahina itong kasama. Hindi ko alam na matatamaan niya rin pala ako sa binti. Akala ko ay bobo ito para hindi makalaban sa 'kin.

Tumayo ako gamit ang isang paa lamang. Inangat ko ang kaliwa kong paa at umikot ulit ako at buong lakas kong hinagis ang mga karayom kong napulot papunta kay Vanessa.

Umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang marahas na sigaw.

Binuksan na ang pintuan ng ring at pinalabas na ako roon. At dahil hindi ko naman napatay ang aking kalaban ay ang mismong tagabantay na mismo ang bumaril doon para patayin.

Oo. Kailangan mong mapatay ang iyong kalaban. Kung inisip kong mukha iyon ni Sijah at Ariel ay baka nga napatay ko na ang babaeng iyon.

Tumulo sa mukha ko ang pawis kong natamo dahil sa laban. Napakagat ako sa labi ko nang bumigay ang katawan ko pero may umalalay sa akin at si Tey 'yon.

"Ang galing naman ng honey ko. Oh, ito tubig." sabay abot niya sa akin ng tubig.

Kinuha ko ito at ininom. Siya naman ay pinunasan niya ang aking mukhang pawisan.

Nabasa ko sa kanyang isip ang pagpapantasya niya sa katawan ko at ang tuwa niya dahil sa pagsuot ko ng couple boxer na nabili namin sa mall. Napatawa ako dahil do'n.

Inalalayan niya akong makaupo pero nakahawak pa rin ako sa kanyang braso. Kinuha niya ang boteng ininuman ko at saka doon din siya uminom na ikinagulat ko.

"Holy crap."

"Hehe. Na-uhaw lang." nahihiya niyang sambit. Nginiwian ko siya at inirapan.

Bibitawan ko na sana ang braso niya nang magulat ako dahil sa inanunsyo ng tagapagsalita.

"Ang huling laban ay Tey Rivera VS Lester Catacutan."

Napahigpit ang hawak ko sa kanyang braso at nanlalaki ko siyang tinignan sa mata.

Sa pagkakaalam ko ay hindi siya ang representative ng section namin dito sa underground fight sa panglalaki.

Sasabat at tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

"Kaya ko ito, Kelly." seryoso niyang sambit at nginitian ako.

"Tey, anong kaya? Ni hindi pa nga natin napapractice 'yang ability mo, eh!" galit kong sabi sa kanya at mas lalo ko pang hinigpitan ang kapit ko sa braso niya.

Kinakabahan ako! Hindi niya pa gamay ang ability niya! Sino ba naman kasi ang may pakana nito?

Napasinghap kaming lahat nang tawagin si Tey dahil ang kanyang kalaban ay nasa ring na.

Ang mga kaibigan naman naming lalaki ay nag-aalala rin para kay Tey. Alam naming lahat na hindi pa kontrolado ni Tey ang kanyang ability. Baka kung ano ang mangyari!

Napatingin ulit ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin. Tinanggal niya ang pagkakakapit ko sa kanyang braso at pinantayan ako. Yumuko siya at hinalikan ako sa aking noo. Oh, god.

"Honey, ayos lang ako. Sisiw lang 'to, 'no." mayabang niyang sabi kaya napairap ako.

Utot niya.

"Galingan mo." napipilitan kong sabi. Kahit labag sa aking loob ay kailangan ko siyang payagan lumaban dahil baka paputukan kami ng mga Guards dito.

Tumayo na siya at inilagay niya sa aking harapan ang balabal kong hinubad kanina.

"Ayusin mo nga 'yang suot mo. Ayokong may nakakakitang iba diyan. Sa 'kin lang 'yan." seryoso niyang sabi. At nanlaki ang mata ko dahil doon.

Seryoso ba siya?!

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at hinigit ko ang kwelyo ng suot niyang balabal palapit sa akin. Hinalikan ko ang kanyang pisngi saka siya nginitian.

"Lumpuhin mo, ha," nakangiti kong bulong sa kanya.

Napangising aso siya at parang bata na naglakad patungo sa ring.

Napailing-iling na lang ako nang tuksuhin naman ako nina Nam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top