Chapter 2: Lishé City
Tey Rivera's Point of view
Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nag gym ako magdamag kaya ganito kasakit 'yung katawan ko. Baka lumalaki na ang mga muscles ko kaya sumasakit 'to. Ibig ba nitong sabihin ay malalakihan ko na ang biceps ni Juko at malalamangan ko na 'yung abs ni Jim?
Napangiti ako nang malapad at tila lumundag ang puso ko sa naisip. Pero mabilis akong napatayo at mabilis ang aking paghinga nang may maalala ako. Napatingin ako sa paligid at para akong nasa city. Ang pagkakatanda ko ay nasa school ako at syempre ay nag-aaral. May pumasok na mga White Man. Tapos may inilapag sa lamesa kong pulang gamot. Nilunok ko iyon at sumigaw akong darna. Tapos parang limang minuto akong nawala sa sarili at mabilis din naman akong bumalik sa sarili kong diwa. Tapos nilagyan nila ako ng pantakip sa mata at may naramdaman akong tumusok sa braso ko at unti-unti akong nawalan ng malay.
Tapos narinig ko pang bumulong 'yung lalaking nakahawak sa akin. Sabi niya ang gwapo ko raw, baka naman pwede raw pa-touch. Hays, buhay gwapo nga naman, oh.
Sandaliㅡnawalan ako ng malay! Napatingin ako sa sarili ko at mabuti naman ay may damit pa ako. Akala ko ay hinalay na ako ng mga armadong lalaki. Ganda pa naman ng katawan ko.
Nagulat naman ako at napatingin sa gilid ko nang may umungol.
"Hmm..."
Nanlaki ang mata ko dahil nakita kong si Juko iyon. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang balikat.
"Juko! Buhay ka!" Masaya kong sabi, galak na galak.
"Kuys Tey, oo buhay pa ako at may nararamdaman akong masakit sa 'kin..." nakapikit niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ano ang ginawa nila kay Juko? Bakit may masakit sa kanya? Binugbog ba nila si Juko? Aba't malilintikan sila sa akin!
"Anong masakit sa 'yo? Anong masakit sa 'yo? Sabihin mo!" Natataranta kong tanong. Hindi ko na alam ang magagawa ko sa kanila kapag nalaman kong sinaktan nila ang Juko namin.
"Ku-Kuys Tey, 'yung paa ko... ang sakit... natatapakan mo..."
Napatingin ako sa sahig at nakita kong natatapakan ko nga ang paa niya. Mabilis kong tinanggal 'yung pagkakaapak ko sa paa niya at umupo ako sa kanyang tabi. Napakamot ako sa aking ulo. Ano bang malay ko na natatapakan ko na pala siya?
Sa tingin ko, nandito kami ngayon sa parke dahil may mga slide, swing, atbp. Naka-upo pala ako kanina sa bench na inuupuan lang din ni Juko. Nakakapagtaka lang. Sina Nam, Jin, Hook, Jim, at Yong 'yung kasama ko nang nasa school pa ako pero si Juko itong katabi't kasama ko ngayon.
"Pasensya, Juko," pagpapaumanhin ko.
Nakasandal siya sa sandalan ng bench at inalalayan ko siyang umupo nang maayos. Napatingin siya sa paligid at halata sa kanyang mata ang pagtataka.
"Kuys Tey, nasaan tayo? Nasaan sina Kuys Nam?"
Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito kaya hindi ko masasagot ang kanyang tanong. At mas lalong hindi ko masasagot kung nasaan sina Nam. Nasaan nga ba kami?
Tumingin ako sa kanya at umiling ako. Napabuntong-hininga siya at nalungkot ang mga mata.
Bago pa siya tuluyang malungkot ay may biglang yumakap na sa kanya na ikinagulat naming dalawa.
"Hoy, sino ka!ㅡJim? Jim, ikaw nga!" Sigaw ko nang makilala ang lalaking yumakap kay Juko.
"Kuys Jim!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Juko nang makilala ang yumakap sa kanya.
"Juko, okay ka lang ba? May ginawa ba sila sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Jim kay Juko. Humawak-hawak pa si Jim sa ibang bahagi ng katawan ni Juko na parang may sinusuri.
Siya ay alalang-alala kay Juko, sa akin hindi? Nakakapagtampo naman!
Napatingala ako nang may magsalita sa tabi ko at nagulat ako nang makitang si Hook ito.
"Tey, ikaw, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Hook. Mabuti pa si Hook ay nag-aalala sa akin.
Napatingin ako sa likod ni Hook at nakita ko roon sina Nam, Jin, at Yong. Mabilis akong yumakap sa kanilang apat dahil natatakot ako. Sa wakas ay kumpleto na kami!
"Waaah! Anong ginawa nila sa atin!" Sigaw ko nang magkahiwalay na ulit kami sa pagkakayakap.
"Tey, wala silang ginawa sa atin. Ang sabihin mo, saan nila tayo dinala at ano bang lugar ito?" Singit ni Yong. Tinignan ko siya at inirapan. Ang epal nito.
Natapos na sa pagyayakapan si Jim at Juko kaya napayakap din sila sa amin. Nagyakapan kaming pito, binalewala namin ang tingin ng iba. Mga tingin na kakaiba.
Nang kumalas na sila sa yakap ay may inabot sa amin si Nam. Napakinang ang mata ko nang maamoy ang mabangong pagkain.
"Nang nagising ako ay wala akong kasama kahit isa. Hindi pa tayo nagtatanghalian kaya panigurado akong gutom kayo. Nang kapain ko ang aking bulsa ay nakapa ko roon ang wallet ko, at hindi roon nawala ang pera ko. Pero ang mga credit cards at iba pang mahahalaga ay nawala. Tanging pera lang ang natira. Kaya ayan, nakabili ako. Hindi ko naman akalaing ganito rin pala ang pera rito." Mahabang pagpapaliwanag ni Nam.
"Ninakawan tayo," bigla kong sabi sa kanila.
Nam Aberin's Point of view
Nakaupo kami at sila'y kumakain sa bench dito sa park ng lungsod na 'to.
Napagtanto kong wala kami sa lugar na dati naming tinitirhan. Nandito kami ngayon sa lungsod na matagal ko ng nakita sa google.
Lishé City.
Ito ang city na nakita ko noon sa google. Mahilig akong magsearch noon at aksidente kong nakita ang tungkol sa Lishé City. Nabasa ko roon na isang normal na city lang daw ito kung saan pili ang nakakapasok. Hindi raw basta-basta nakakapasok dito. Pangmayaman lang daw. At may test daw bago ka makapasok. Nakakapagtaka lang, kami ay gumising lang at nandito na kami sa city'ng ito. Ang test kaya na tinutukoy nila ay ang test na ibinigay sa amin nu'ng nasa school pa kami? Posible kayang iyon?
"Wala ang mga gadgets natin. Walang damit, ang suot lang natin ang mayroon tayo. Tanging pera lang din ang meron tayo. Mismong bag din natin ay wala," sabi ni Jin.
Tama siya, kung ano ang suot at nasa wallet namin ay iyon lang ang meron kami. Sa ngayon, walang-wala kami.
Kita sa mga mukha ng mga kasama ko ang lungkot at takot.
"Ano naman ang kailangan nila sa atin? Tinawag nila tayong Bulletproof at hindi naman natin alam ang meaning no'n!" Reklamo ni Hook.
Bulletproof. Noong limang minuto lang kaming tinablan ng pulang kapsula ay tinawag nila kaming Bulletproof. Takang-taka kaming anim kung bakit kami lang ang gising ang diwa.
Ano naman ang ibig sabihin ng Bulletproof? Paano ko ito mase-search kung wala kaming gamit na gadget kahit isa? Ano ang kailangan nila sa amin?
"Ginoong Bang," bulong ko na ikinatigil nila. "Siya ang pasimuno rito. Siya ang tinukoy ni Gng. Principal na magbibigay ng pagsusulit sa atin. Dahil sa pagsusulit niya kaya tayo napunta rito," dagdag ko pa.
"Oo nga," pagsang-ayon ni Yong.
"Ano, pahanap na natin? Gerahin natin?" Si Tey.
"Papaano natin mapapahanap 'yun, eh mukhang nakakulong tayo sa lungsod na ito," sabi naman ni Jin habang nililibot ng tingin ang buong paligid.
Tama siya. Itong lungsod na ito'y parang kulungan. Kakaiba ang pakiramdam ko sa lungsod na ito. Masama ang pakiramdam ko rito. Sa tingin pa lang sa amin ng mga tao rito ay kakaiba na.
Kanina ay nagtanong-tanong kami sa mga nagdadaang tao pero iisang sagot lang ang naririnig namin mula sa kanila.
"Hindi na kayo makakalabas dito." Iyan ang nagpapatigil sa amin tuwing naririnig namin ito.
"Anong lugar ba talaga ito?" Halata ang takot sa boses ni Jim.
"Hindi natin alam. Paano kaya kung hanapin natin si Ginoong Bang?" Suhestyon ko.
Pagkatapos kong magsalita ay may biglang sumulpot na babae. Kulay tsokolate ang kanyang buhok na umaabot hanggang dibdib niya. At ito'y may katangkaran din. Kung itatabi kay Yong at Jim ay mas matangkad siya roon nang kaunti.
"Hmm... Baguhan." Nakahawak siya sa kanyang baba habang tinitignan kami mula ulo hanggang paa. Tila sinusuri niya ang aming pagkatao.
"Hi!" Maligayang bati ng magandang babae sa amin.
"'Uy, chix," bulong ni Jim. Siniko siya ni Yong dahil ang landing tao ni Jim.
"Chikababes." Ngayon ay ako naman ang sumiko kay Tey.
Napalapit kaming pito sa isa't-isa nang humakbang ng isang hakbang sa amin 'yung babae.
"Whoa, whoa! Huwag kayong matakot sa akin, mga baguhan," nakangiti nitong sabi. Maganda siya, sa totoo lang.
Pero paano niya kami natawag na mga baguhan? Paano niya nalamang baguhan pa lamang kami rito?
"Ako nga pala si Kelly Ladignon. Mapagkakatiwalaan ninyo ako. Sumama kayo sa akin at malalaman n'yo ang gusto ninyong malaman. Pero dapat ay kaya ninyong limitahan ang inyong mga sarili," nakangiti pa rin nitong sabi.
Nagkatinginan kaming pito at hindi namin alam kung tunay na mapagkakatiwalaan nga ba ang babaeng 'to.
Oo, alam naman naming mukha siyang anghel, lalo na kapag ngumingiti siya, pero hindi lahat ng mukhang anghel ay tunay na anghel, maraming mapagpanggap sa mundo, 'no.
Tila nabasa niya ang aming isipan kaya napatawa siya nang marahan bago muling magsalita.
"Halika na kayo. Mag gagabi na at baguhan pa naman kayo rito kaya wala kayong matutuluyan. May bahay akong tinitirhan dito at may isa pang kwarto roon sa bahay ko. Pagkasyahin n'yo na lang ang sarili ninyo."
Walang nagsalita sa mga kasama ko kaya naglakas loob akong magsalita.
"Pasensya na pero hindi kami interesado," sabi ko at tumalikod na. Sinenyasan ko ang anim na sumunod sa akin. Ginawa nila ang utos ko at napatigil lang kami nang magsalita ulit 'yung Kelly.
"Tanggapin ninyo. Bahala kayo, nakakatakot pa naman dito. Katulad nga ng napapanood ko na mga horror movies ay may pumapatay rin dito. Alam n'yo bang dito nakatira si Jayson ng Friday the thirteenth? At si Freddy ng Nightmare?" Pananakot niya.
Napakapit sa akin si Jin at naramdaman kong nanginginig ang mga kasama ko. Mga duwag talaga.
Malapit pa naman nang lumubog ang araw at nakakatakot matulog sa labas kung hindi mo naman kabisado ang lugar na ito. At dahil sa sinabi ni Kelly ay mukhang mapapasama ang mga kasama ko sa kanya, pero hindi namin siya dapat pagkatiwalaan dahil hindi pa namin siya lubos na kakilala!
Lumapit lalo sa akin si Jin at bumulong, "Nam, tanggapin na kaya natin 'yung alok niya? Natatakot ako, eh."
"Oo nga, Nam. Sayang 'to kapag tinanggihan pa natin," bulong din ni Hook.
"Inalukan na nga tayo, tatanggihan pa natin? Masamang tumanggi sa grasya, Nam!" Singit naman ni Tey.
"Pero hindi pa naman natin siya lubos na kilala. Bakit tayo magtitiwala agad?"
"Nam, hindi naman natin siya pagkakatiwalaan agad. Tutuloy lang tayo sa bahay niya para may matuluyan. Saka isa lang 'yan, pito tayo," bulong ni Yong sa akin.
Narinig naming tumawa si Kelly. Nagtaka agad ako roon dahil mahina naman ang bulungan namin kaya bakit siya matatawa?
"Napanood ko na 'yung dalawang movie na binanggit niya. At may napanood din ako na naglalaban 'yung dalawang 'yun! Baka madamay tayo!" Takot na bulong naman ni Juko.
Tumingin ako sa kanilang anim at mukhang ako lang ang may ayaw. May magagawa pa ba ako kung lahat sila ay gustong tanggapin ang alok ni Kelly? Bakit ba kasi tinakot pa kami ni Kelly?
Dahan-dahan akong tumango at nagsigawan sila dahil sa tuwa.
"Ayos!" Bulong sa akin ni Yong. Palibhasa gusto niyang matulog sa magandang kama.
Nakangiti sa amin nang malaki si Kelly at nagsimula na itong maglakad. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at sumenyas na sundan namin siya na amin namang ginawa.
"Ligtas na kayo sa pagpapatayan nina Jayson at Freddy!" Sigaw niya sa amin habang siya'y nakatalikod.
Habang naglalakad, kami ay pinagtitinginan. Una nilang tinitignan ay ang aming suot at sunod naman ang aming mukha. Ano naman ang tinitingin-tingin nila?
Huminto kami sa hindi kalakihang bahay pero mukhang magkakasya naman kami.
Pumasok doon si Kelly at amin siyang sinundan. Nang huminto si Kelly sa tapat ng pinto ay huminto rin kaming pito.
"Nandito na tayo," nakangiting sabi ni Kelly.
Binuksan niya ang pinto at pumasok siya roon kaya pumasok na rin kami. Bumungad sa amin ang sala. May dalawang sofa na magkaharap, at sa pagitan ng dalawang sofa ay ang lamesang babasagin. Ang kusina naman ay nasa likuran.
Sa kaliwang bahagi ng bahay, may dalawang magkaharap na pinto at sa pagitan ng pinto ay may isa pang pinto, mukhang banyo iyon.
Umupo si Kelly sa isang sofa at kami naman ay umupo sa isa pang sofa. Hindi kami nagkasya roon kaya lumipat sina Tey, Juko, at Jim sa sofang inuupuan ni Kelly.
"Maligayang pagdating sa aking bahay!" Masayang bati ni Kelly.
"Ganda, ah! Kasing ganda ng nakatira," pambobola ni Jim kay Kelly. Landi talaga ng Jim na 'to.
Natawa naman si Kelly sa pambobola ni Jim.
"Nga pala, pinatuloy ko kayo sa bahay ko pero hindi ko naman alam ang mga pangalan ninyo. Maaari ba kayong magpakilala?"
Natawa kami dahil tama si Kelly. Paano na lang pala kung may gawin kaming masama sa kanya? Tapos kung isusumbong niya kami sa pulis ay wala siyang masasabi na pangalan, tanging itsura lang.
"Ang pangalan ko ay Jim Reyes. Ang anim na pandesal ng buhay mo."
"Juko Paras. Ang pinakabata sa lahat."
"Tey Rivera. Ang pinakabaliw sa lahat. Lalo na pagdating sa 'yo, Kelly."
Natawa kami dahil ang korni ni Tey. At mabuti naman ay inamin niyang baliw siya.
"Tey! Don't agaw her to me!" Sigaw ni Jim kay Tey.
"Yuck, conyo! No swag!"
"No swag mo mukha mo!" Sigaw rin ni Jim kay Yong. Hindi naman na pinansin ni Yong si Jim.
"Yong Serrano."
"At siya ang may pinakamakintab na gilagid. Pakita mo nga, Yong!" Natatawang sabi ni Jim.
Biglang ngumiti si Yong at nasilaw kami sa kanyang napakakinang na gilagid.
"Whoa! Nakakasilaw nga!" Natatawang tugon ni Kelly.
"Sabi sa'yo, eh!"
"Manahimik ka nga liit! Tusukin kita ng baba ko, eh!" Pagbabawal sa kanya ni Hook. Napa-usog ako palayo kay Hook dahil baka madamay ako sa mahiwagang armas niya.
"Kahit maliit, may abs naman!" Itinaas niya ang kanyang polo at t-shirt sa loob at lumitaw roon ang kanyang anim na pandesal kaya napahiyaw si Kelly.
"Pwede ko bang hawakan?" Mahinhin na tanong ni Kelly. Tumango si Jim at masayang hinawakan 'yon ni Kelly.
"Heh! Pagdating ng panahon ay magkakaroon din ako niyan! Sampu pa!" Mahanging sigaw naman ni Tey.
"Yabang! Hmp! Nga pala, ako naman si Hook Dela Merced. Kaya kong tusukin ang puso mong nagmamahal para sa 'kin."
"Ilalagay mo lang sa peligro si Kelly, Kuys Hook, eh!" Panunukso naman ni Juko kay Hook.
Napanguso si Hook at krinus niya ang kanyang braso. "Hindi ko gagawin 'yun sa kanya, 'no!"
"Ang lalandi ninyo. Kelly, ako nga pala si Jin Acosta. Ang pinakagwapo, lalo na kapag si Hook ang katabi ko," mahanging sabi ng katabi kong si Jin at kumindat pa kaya napahagikhik si Kelly.
"Ako na naman ang nakita mo, Jin!" Nakangusong sigaw ni Hook.
Nagtawanan kami nang mas lalo niyang pinahaba ang kanyang baba. May taning na talaga ang buhay ni Hook!
"Nakakatuwa naman kayo!" Halakhak ni Kelly.
Nang ako na lang ang hindi nagpapakilala ay tumikhim muna ako at nagsalita. "Ako naman si Nam Aberin. Ang pinakamatino sa lahat."
Mabilis namang pumalag ang anim sa huli kong sinabi. Totoo namang ako ang pinakamatino.
"Pinakamatino? Eh kaya mo ngang sirain ang lungsod na 'to!" Sabi ni Jin.
"Hindi ako halimaw para gawin 'yon!"
"Pero halimaw ka kung umakto!" Sigaw ni Tey. Kung ako ay halimaw, siya naman ay alien, gano'n?
"Swaeg!" singit ni Yong. Binakal siya ni Hook ng unan sa mukha kaya napakunot ang noo ni Yong.
"Wala ka ng alam sabihin kung hindi swaeg!" Sigaw ni Hook kay Yong.
Nakakahilo nga ang swaeg ni Yong, eh.
"Nagagalak akong makilala kayong lahat. Mukhang mapapaganda na ang pamumuhay ko sa Lishé City..." nakapangalumbaba namang sabi ni Kelly habang pinapanood niya kami.
Napatingin kaming pito sa kanya habang nakakunot ang noo. Mapapaganda na ang pamumuhay niya sa Lishé City?
"Noong wala pa kayo rito sa Lishé City ay walang kwenta ang buhay ko rito. Wala akong kaibigan dahil dito sa Lishé City ay pare-pareho lang tayong Bulletproof, basta hindi ka tinablan ng red capsule na unang pinainom sa 'yo. Pili nga lang ang mapagkakatiwalaang tao rito. Baka kasi mamaya ay ka-deal pala nila ang gobyerno rito at na-ikwento mo sa kanya o kanila kung gaano ka na kalakas o kung gaano ka na kagaling at kung mangyari iyon ay lagot ka, dahil sasabihin nila iyon sa ka-deal nila at kukunin ka ng gobyerno rito at 'yung kaibigan mong naglaglag sa 'yo ay makakalabas na sa lungsod na ito." Mahabang paliwanag ni Kelly. Nanatili kaming tahimik kaya nagpatuloy siya.
"Pero bago nila paalisin dito sa lugar na ito 'yung trumaydor sa 'yo ay itetest muna nila iyon. Baka kasi mamaya ay iyon na rin pala ang hinahanap nila."
Nakuryuso ako sa pinaliwanag ni Kelly kaya minabuti kong magtanong. Nandito rin naman kami sa bahay niya para malaman 'yung mga gusto naming malaman.
"Ano bang ibig sabihin ng Bulletproof?" Tanong ko. Napatingin sa akin ang anim at tila iyon din ang gusto nilang itanong.
Tumingin sa akin si Kelly at nagsalita, "Ang Bulletproof ay 'yung klase ng tao na kailangan nila para sa kanilang eksperemento. Kailangan nila ng taong 100% Bulletproof dahil mas mataas ang potensyal nila na makontrol ang mundo kung malakas ang taong gagamitin nila."
Nakakunot noo akong nagtanong ulit. "100% Bulletproof? Pagkontrol sa mundo?"
"Lahat ng tao rito sa Lishé City ay Bulletproof. Tindera ka man o mangangalakal, basta pinasok ka rito sa Lishé City ay ibig sabihin lang no'n, Bulletproof ka. Hindi nga lang kasali do'n ang gobyerno, scientists, at mga guards."
"At oo, gusto nilang makontrol ang mundo kaya nila ito ginagawa. Iniingatan nila ang imahe ng Lishé City sa labas kaya ang akala ng iba ay normal na city lang ito sa Pilipinas, akala ng iba kaya pili ang nakakapasok dito ay para sa sobrang yaman lang. Guys, pinag-eexperimentuhan nila ang mga tao rito sa Lishé City! Kung 5% Bulletproof ka ay gagawa sila ng red capsule na paniguradong sapat ang dosage sa 'yo para makontrol ka. Kahit anong pursyento pa ang dugong Bulletproof mo ay gagawa't gagawa sila ng paraan para makagawa ng red capsule na may sapat na dosage na makakakontrol sa 'yo."
"Pero bakit kailangan pa nila ng katulad natin para makontrol nila ang mundo?" Tanong ni Jin.
"Dahil mas malakas tayo kaysa sa normal na tao. Mas magaling tayo kaysa sa normal na tao. At dahil kakaiba tayo kaysa sa normal na tao, pero depende sa percentage mo bilang Bulletproof ang kalakasan mo. Kahit one percent Bulletproof ka lang ay kailangan ka pa rin nila dahil kaya nilang iboost ang percentage niyan. Tayo ang kailangan nila dahil kayang-kaya natin talunin ang mga normal lang na tao." Paliwanag ni Kelly.
"May tanong ako," singit ni Tey.
"Siguraduhin mo lang, Tey, na hindi tungkol sa kalokohan 'yang itatanong mo, ha," aniko.
"Sige lang," pagpayag naman ni Kelly.
"Paano mo nalaman na baguhan kami? Bakit gano'n 'yung mga tingin ng mga taong nadadaanan natin kanina?" Yanong ni Tey.
Gusto ko rin 'yom malaman kanina pa dahil nakakalitong isipin kung bakit ganu'n 'yung mga tingin ng taong nadadaanan namin kanina. Parang alam na alam nilang baguhan kami.
"Simple lang... Dahil iba ang uniporme ninyo sa uniporme rito," nakangiting sagot ni Kelly.
Napatingin ako sa uniporme namin. Nakaputing polo kami na may logo ng school namin sa kaliwang dibdib at itim na pantalon.
"Ano ba ang uniporme rito?"
"Makikita ninyo bukas," nakangiti niya pa ring sagot.
Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at ngumiti sa amin. "Iyan muna sa ngayon. Hindi ko muna lalahatin sa inyo. Nga pala, 'yung kwarto ninyo 'yung nasa kaliwang pinto."
"Goodnight, sweetheart." Sabay kindat ni Jim kay Kelly.
"Goodnight, Honey. Sweetdreams. Pakiusap, ako ang mapanaginipan mo," sabi naman ni Tey kay Kelly.
Napahalakhak na lang si Kelly sa dalawa at binigyan ito ng flying kiss kaya dinaig pa nila 'yung bulate na binudburan ng asin kung kiligin.
"Hindi magiging matamis ang panaginip ni Ate Kelly kung si Kuys Tey ang mapapanaginipan niya," bulong ni Juko.
Si Tey, Jin, at Yong ang matutulog sa higaan sa kwarto. Si Hook at Juko naman ang magkatabi sa lapag. Ako at si Jim ang sa sala, sa tig-isang sofa sa sala.
Unang araw pa lang namin sa Lishé City ay may nakilala na kami. Ang kaso... dapat ba namin siyang pagkatiwalaan? Siya na rin mismo ang nagsabi na hindi lahat ay mapagkakatiwalaan. Siya ba ay dapat?
Unang araw pa lang din ay marami na rin kaming nalaman tungkol sa Lishè City. Ang selfish ng gobyerno rito. Pinaglalaruan nila ang katawan namin. Kung gusto nilang kontrolin ang mundo ay dapat hindi na sila gumamit ng mga inosenteng tao!
Kaming pito ba ay 100% Bulletproof? Paano kung oo? Anong gagawin nila sa amin? Kung may mangyari man ay hindi ko hahayaang sila ang humawak sa buhay naming pito dahil amin 'to, kaya kami ang bahala at gagalaw para sa sarili namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top