Chapter 19: Confused
Tey's point of view
Napahigpit ang yakap ko sa katabi ko. Napakasaya ko at napakasarap ng tulog ko dahil isang Kelly Ladignon ba naman ang katabi ko sa pagtulog. Mabuti na lang at dito natulog ang limang bisita dahil inabutan sila ng curfew. At hindi alam ni Kelly na ako ang katabi niya sa pagtulog. Syempre'y dahan-dahan akong tumabi sa kanya, 'no.
Napa-ungol siya sa ginawa ko at sinuksok ko ang mukha ko sa kanyang leeg. Ano ba naman 'yan, Kelly! Ang bango mo pa rin! Hindi katulad ng iba na kapag umaga ay amoy panis na laway.
Nilanghap ko pa ulit ang amoy ni Kelly at pakiramdam ko ay naaadik ako rito. Tila isang droga na kapag tinigilan ko ay ikababaliw ko.
Ngumiti ako at hahalikan ko na sana ang leeg niya nang bigla ako nitong hampasin sa ulo.
"Aray!" reklamo ko habang hawak ang ulo kong hinampas niya. Pero nanatili pa rin akong nakatabi na nakahiga sa kanya.
Masama niya akong tinignan at sinipa pa niya ang binti ko. Hindi pa siya roon nakuntento at pinaghahampas pa niya ako.
"Manyakis! Manyakis!" sigaw niya habang hinahampas ako.
Nakangiti ko namang sinasangga ang mga hampas niya. Pakiramdam ko ay mag-asawang LQ kaming dalawa.
"Hoy, Kelly, hindi kita minanyak, 'no! Eh, kung gusto mo namang manyakin kita ay sabihin mo lang at handa akong gawinㅡaray naman!"
"Argh! Nakakabwisit! At sino naman ang may gustong magpamanyak sa katulad mo, aber!" sigaw niya ulit sa akin. Tumayo siya at hinampas naman niya ako ng unan sa mukha.
Nang tumayo siya sa kama, ako naman ay umupo sa pagkakahiga.
"Ikaw?" hindi ko siguradong sagot at hinampas na naman niya ako ng unan sa mukha at dahil sa lakas ng impact ay napahiga ako sa kama.
"Anong ako? Pakshet ka talaga, Tey! Ang sarap mong balatan!" sigaw niya ulit at sinakyan niya ako sa tiyan ko at pinaghahampas na naman niya ako sa mukha.
Bakit ba siya sigaw nang sigaw? Mahiya nakalunok pa naman siya ng megaphone sa lakas ng boses niya.
"Uhm... kailan mo ako babalatan? Pwede bang ngayon na, huh, honey?" nakangisi ko sa kanyang tanong at sinampal na naman niya ako ng unan sa mukha.
"Argh! Manyak ka talaga. Saka pwede ba, 'wag mo ako tawaging honey. Hindi ako bubuyog, lintek ka!" sigaw niya habang naka-upo pa rin sa tiyan ko. Napasuklay siya sa kanyang buhok at matalim akong tinignan.
Ano bang problema sa honey? Ang tagal ko na kayang tinatawag sa kanya 'yung honey. Saka ang cute nga, eh. Honey, tapos itatawag niya sa akin ay Bee. Parang short for Baby na By.
"Tey, sa susunod na mahuli kitang katabi kitang matulog ay mas mahigit pa diyan ang gagawin ko. Talagang babalatan kita namg buhay!" pagbabanta niya sa akin at nginisian ko lang siya.
"Natatakot ako, honey. Saka mukhang napasarap ang pag-upo mo sa tiyan ko, ah? Mas masarap talagang upuan ang bilbil kaysa sa bato, 'no?" panunuya ko sa kanya.
Nabigla siya sa sinabi ko at napatingin siya sa kinauupuan niya. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto niyang nakaupo nga siya sa tiyan ko.
"Alam ko namang gusto mo kaya okay lang na manatili ka diyan. Enjoy ko rin naman." nakangisi ko ulit na sabi sa kanya at bigla na naman niya akong hinampas ng unan sa mukha at mabilis siyang umalis sa tiyan ko.
Namumula na siya sa hiya at pinagtawanan ko siya dahil doon.
"Nahiya ka pa. Sabi ko naman sa 'yo, ayos lang sa 'kin!"
"A-Ano bang pinagsasabi mo? Tsk! M-Mas masarap maupo sa bato kaysa sa taba, 'no. Duh!" sabi niya at inirapan pa niya ako. Pero bago siya makaalis sa kwarto ay hinagis pa muna niya sa akin ang unan na hawak niya.
Napangisi ako sa magandang pangyayari ngayong araw. Umaga pa lang pero buo na agad ang araw ko.
Tumayo ako at ambang aalis na sana nang mahagip ng mata ko ang isang litrato na nasa lapag. Mukhang nahulog.
Pinulot ko ito at tumambad sa akin ang mukha ng isang batang babae, batang lalaki at matandang lalaki. 'Yung batang lalaki ay parang mas matanda lang sa batang babae ng apat na taon. Napakunot pa ang noo ko dahil pamilyar sa akin 'yung matandang lalaki. Sino kaya ito? Napakibit balikat na lang ako dahil baka pamilya ito ni Kelly na magiging pamilya ko na rin.
Napangiti ako sa naisip ko. Nilapag ko ang litrato sa higaan ni Kelly, baka kasi importante ito sa kanya. Mukha pa naman silang masaya sa litratong iyon.
Tapos na kaming lahat na mag-ayos para sa klase mamaya. Sina Shulgi, Wendy, Joy, Yuri, at Simon pala ay sa Mint Green University nag-aaral. Ibig sabihin lang no'n ay high-percentage Bulletproof sila.
"Kaiinggit naman sila, mga high-percentage na. Gamay na gamay na siguro nila ang ability nila." nakanguso kong saad dahil naalala ko na naman ang ability ko.
May delubyo ng nagaganap pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ability ko. Nakakalito. Nakakalito kung may ability ba talaga ako o wala.
Ilang minuto bago matapos ang discussion namin sa subject ni Ma'am Shanie ay hinarap niya muna kaming walo at tinignan ang folder niya at binalik niya ulit ang mata sa amin.
"Naguguluhan ako. Ang gaganda ng mga record ni Kelly pero bakit hanggang ngayon ay rito siya nag-aaral sa White University? Ayon sa records mo ay ang tataas ng mga test mo. Kung tutuusin nga niyan ay pang Section A ka na sa kabilang unibersidad." takang sabi ni Ms. Alarilla habang nakatitig kay Kelly. Si Kelly naman ay matalim ang titig sa aming guro.
Pansin ko lang ha, simula nang makuryuso sa akin si Ms. Alarilla ay parang may galit na si Kelly kay Ms. Alarilla? Hindi kaya ay nagseselos siya? Eh, siya lang naman ang laman ng puso ko 'no. Kahit natamaan ako sa sinabi nila Juko nu'n, tinanggap ko 'yon dahil totoo iyon. Pero wala naman siyang dapat ipangamba dahil hindi naman ako titingin sa iba.
"Wala ka ng pakialam doon, Ms. Alarilla." mariing wika ni Kelly habang matamang nakatitig kay Ms. Alarilla. Napatikom ang aming bibig nang magseryoso rin ang guro.
"Naguguluhan lang naman ako, Ms. Ladignon. At ako'y iyong guro kaya nag-aalala lang din ako. Bakit hindi ka kaya lumipat na sa kabila? Mas mahahasa ang galing mo roon." mariin ding sabi ni Ms. Alarilla.
Mukhang mag-aaway ang dalawang 'to, ah. Ako kaya ang pinagaawayan nila?
"Oo, guro kita, hindi nanay para utusan mo ako. Pero salamat sa pag-aalala, nakakataba ng puso." seryosong sabi ni Kelly at inaya na niya kaming umalis sa silid.
Sumunod kami roon dahil dama rin namin ang tensyong nabuo sa kanilang dalawa. Ang mga kaklase rin naman namin ay nadama iyon kaya nang tumunog ang bell ay nagkaripasan sila ng takbo.
Medyo mabilis ang lakad ni Kelly kaya kinakailangan pa naming tumakbo para tuluyan na siyang mahabol.
Hindi rin naman kami makapagsalita dahil mukhang inis ang prinsesa ko. Pero nagtaka rin ako sa nasabi ni Ms. Alarilla. Tama siya. Ang tataas ng mga resulta ni Kelly sa test kaya nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay nasa White University pa rin siya? Saka matagal na siya rito sa Bangtan City kaya mas lalong nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siya sa Mint Green University.
"H'wag n'yo ng intindihin 'yon. Inggit lang 'yon." napangiti ako sa sinabi ni Kelly.
O'nga naman. Siguro'y inggit lang si Ms. Alarilla kay Kelly kaya niya 'yon nasabi. Mas maganda at mas bata kasi si Kelly kaysa sa kanya kaya siya ganoon. Palibhasa'y may guhit-guhit na siya sa noo.
"Hayaan mo, Kelly. Sa susunod ay kami naman ang magtatanggol sa 'yo roon kay Ma'am." matapang na sabi ni Jim na sinang-ayunan namin.
"At hindi lang namin ikaw kay Ma'am ipagtatanggol, pati na rin sa mga taong nakapalibot dito." taas noong wika ni Hook. At napahimas pa siya sa kanyang baba.
"Tama ka diyan, Tulsbaba!" pagsang-ayon ko kay Hook at inakbayan ko pa ito.
Napakunot naman ang kanyang noo sa nickname na binigay ko sa kanya.
"Tulsbaba?"
Inalis ko ang pagkaka-akbay ko sa kanya at binigyan ko siya nang isang malawak na ngiti.
"Tulis plus baba, equals Tulsbaba!" nakangiti ko sa kanyang sambit. Aambaan na niya sana ako ng suntok nang pigilan ko siya kaagad.
"Hops! Anong mas gusto mo? Petskabays o Tulsbaba?" ngisi kong tanong sa kanya.
Petskabays para sa Petrang kabayo at Tulsbaba para sa Tulis baba.
"W-Wala!" galit na sigaw sa akin ni Hook at hinampas niya ako sa likod ko kaya napaliyad ako sa sakit.
"Ikaw, anong mas gusto mo? Away o gulo?" matapang niyang hamon sa akin na pinatulan ko naman.
"Rambol ang gusto ko!" panunuya ko at binelatan ko pa siya na lalo niyang ikinamula.
Tinawanan ko siya habang naghahabulan kaming dalawa patungo sa pinagparadahan namin ng bisikleta.
Naghabulan kami ni Hook ng bisikleta kaya ang resulta ay nahiwalay kami kina Kelly na hindi namin alam kung saan ba pumunta. Napapreno kaming dalawa ni Hook nang mapunta kami sa training place namin at nakakarinig kami ng mga boses. Parang mga nagt-training. Nagkatinginan kaming dalawa ni Hook at tinungo namin ang sentro ng aming training place para malaman kung sino ang mga nag-eensayo.
Bumungad sa amin sina Shulgi, Wendy, Yuri, at Joy na naglalaban-laban. Na-estatwa pa kami ni Hook dahil sa nasasaksihan naming labanan. Ang bibilis nilang kumilos! Hindi masundan ng mata ko ang bawat kilos nila. Anbelibabol!
"Yaaah!" sigaw ni Joy at mabilis niyang sinipa sa mukha si Shulgi pero nailagan ito ni Shulgi.
Sumugod naman si Yuri kay Wendy. Nasa likod ni Yuri ang mga ibong sumusugod din papunta kay Wendy. Si Wendy naman ay biglang dumami. Nasa sampu ang bilang ni Wendy na nakikita namin ni Hook.
Nagsimula na silang maglabanan at nakakapigil hininga ang kanilang bakbakan! Napahawak ako sa kamay ni Hook nang biglang humangin nang malakas dahil sa malakas nilang paglapag sa sahig. Napapikit pa ako ng mata dahil may mga alikabok din itong dala.
Nang mawala na ang mga alikabok sa paligid ay minulat ko nang maigi ang mata ko at nakita ko ang apat na hingal na hingal habang nakahawak sa kanilang mga tuhod.
"A-Ang galing!" biglang sabi ni Hook at naagaw naman iyon ng atensyon ng apat.
"Oh... kanina pa... kayo?" hinihingal na tanong ni Wendy. Tumango kami ni Hook bilang sagot.
Pumunta kami ni Hook sa malaking puno at tinabi namin doon ang aming bisikleta. Dali-dali namin pinuntahan ang apat at mangha namin silang kinausap.
"Ang galing n'yo! Nakakabilib!" manghang-mangha kong sabi sa kanila at napanguso ako nang maalala ko na naman ang bakbakan kanina.
"Gumanto pa kayo, oh. Boom! Baaak! Boom!" at ginaya pa ni Hook ang pagsusuntok at pagsisipa na ginawa kanina ng apat na may sound effect pa.
Sumang-ayon ako roon at ginaya ko rin ang nakita ko kanina.
"Beng! Boogsh! Boogsh! Paaak!" at sumuntok ako nang malakas sa hangin.
Napatawa ang apat sa ginagawa namin ni Hook. Sabay-sabay naman na umikot ang ulo namin sa aming narinig na mga kaluskos sa talahiban. Iniluwa naman ng talahib sina Kelly at ang iba pa na kasama si Simon.
"Hook! Tey! Alam n'yo bang hinanap pa namin kayo, huh?" galit na bulyaw sa amin ni Nam at mabilis niya kaming tinungo at nakatanggap kami ni Hook ng sipa galing sa kanya.
"Aray! Eh, kayo nga diyan ang bigla na lang nawala, eh!" sumbat ko naman sa kanila.
"Aish!" inis na sabi ni Nam at inirapan kami ni Hook.
Nagsilapit naman sina Kelly kina Shulgi na nasa puno. Nagpapahinga na sina Shulgi dahil napagod yata sila sa bakbakang kanilang ginawa.
Masaya naman naming kinuwento kina Jim ang nasaksihan naming bakbakan. Inggit na inggit sila dahil hindi raw nila 'yon nakita. Hindi pa kasi kami nakakita ng mga babae na nakikipaglaban. Nakakamangha pala ang mga babaeng nakikipagbakbakan.
Napatigil lang kami sa kuwentuhan nang tawagin kami ni Kelly at pinapapunta niya kami sa sentro.
"Mag-eensayo tayo ngayon ng inyong abilidad. Wala na tayong oras kaya kailangan na nating mag-ensayo dahil kahapon pa lang ay nagsimula na ang delubyo." seryosong sabi ni Kelly habang tinitignan kaming mga nakapalibot sa kanya.
Ito na naman. It-train na naman ang ability namin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang ability ko.
Nagsimula na sila sa pagt-train. Tumulong ang apat na babae sa pag-eensayo sa amin. Kay Shulgi, ang pagtetrain niya ay ang labanan ang ability niya. Papahinain niya ang ability mo at kailangan mong labanan iyon. Kay Wendy naman ay opensa ang tinetrain niya. Kay Joy ay kakanselahin niya ang ability mo at lalabanan mo siya ng pisikal lang. Kay Yuri naman ay sasagupain mo ang mga hayop na ipapasugod niya. Si Simon naman ay kasama rin naming mag-ensayo.
Ang lahat ay nag-eensayo pero ako ay nakatayo lang at pinapanood sila dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Napanguso ako at napayuko, tinignan ko ang paa kong naglalaro sa sahig.
Napabuntong hininga ako at pagtaas ko ng ulo ay bumulaga sa akin si Kelly. Nasa harapan ko siya at seryoso akong tinitignan.
"Gusto mo bang malaman ang kakayahan mo?" seryoso niyang tanong.
Napatawa ako nang mapakla. Sino ba naman ang may ayaw?
"Oo naman, syempre."
"Edi halikan mo ako."
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Tinanong niya ako kung gusto ko bang malaman ang ability ko tapos inutusan niya akong halikan siya? Paano ko naman malalaman ang ability ko ru'n? Pinagnanasaan talaga ako ng babaeng 'to. Ayaw na lang sabihin agad na gusto niya ng halik at handa naman akong ibigay 'yun sa kanya.
"Sinabi ng halikan mo ako, eh!" malakas niyang utos kaya naagaw namin ang mga kasamahan naming nag-eensayo rin.
"Hala, Kelly, papahalik ka kay Tey?" gulat na tanong ni Simon kay Kelly pero hindi siya nilingon nito.
Nasa akin lang ang buong atensyon niya.
Napangisi ako at tinugunan si Kelly, "Gusto mo lang yatang halikan kita, eh!"
"'Wag nang dumaldal! Hlikan mo ako, Tey! Ano ba ang hindi mo ru'n maintindihan, ha? Oh, huwag mong sabihin na hindi ka marunong humalik kaya hindi mo magawa-gawa?" sabi niya at namaywang pa siya sa harapan ko.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napatingala.
Ano ba kasing gustong palabasin ni Kelly at inuutusan niya akong halikan siya? Oo, alam kong ayaw niya sa 'kin pero ba't ngayon ay gusto niyang halikan ko siya? Ang gulo niya, ah! Ang hirap talagang intindihin ng mga babae, eh.
Napabaling lang ulit ako kay Kelly nang magsalita ulit ito.
"Ano? Tama ang hinala ko, 'no? Na hindi ka marunong humalik kaya hindi mo magawa ang gusto ko? Jusko, Tey! Kalalaki mong tao, hindi ka marunong? Akala ko ba ay gusto mo ako? Edi gawin mo ang gusto ko! Ang gusto ko sa mga lalaki ay 'yung ginagawa ang mga gusto ko!" sigaw niya sa akin.
"Kelly, mukhang ayaw niya. Pwede bang ako na lang ang gumawa?" singit ni Jim at bigla naman siyang siniko ni Wendy.
Napatingin ako sa mga kasama ko at lahat sila'y pinapanood kaming dalawa ni Kelly. Napapikit ako nang mariin nang makita ko silang natatawa dahil sa mga sinasabi sa akin ni Kelly.
Ayoko siyang halikan dahil alam kong wala siyang nararamdaman para sa akin, kaya bakit ngayon ay inuutusan niya ako? Parang dati lang ay tinutulak-tulak niya ako kapag yinayakap ko siya, tapos ngayon ay gusto niyang halikan ko pa siya?
Ang gusto ko, kapag hinalikan ko siya, may nararamdaman na siya para sa akin. Dahil ayokong humalik ng tao na hindi ka naman gusto.
"Wala ka pa lang kwenta, Tey. Ang ayoko sa lahat ay ang pinaghihintay akoㅡ"
Napakuyom ako ng kamao at umigting ang panga ko habang nakapikit pa rin.
Walanghiya, Kelly. Hindi mo na pwedeng sabihin iyan dahil masakit! Masakit, honey.
Litung-lito na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at parang bigla na lang nagalit ang ugat ng katawan ko.
Hanggang sa bigla na lang ako napadilat at bumalot sa paningin ko ang dilim na unti-unting naghahasik sa paligid ko. Taas-baba ang dibdib ko at mas lalong umigting ang panga ko.
Wala na akong makita kundi dilim na lang at naririnig ko ang mga kasamahan ko na nagpapanic dahil sa nangyayari.
"Honey." mariin kong sabi at hinagilap ko sa Kelly.
Nang mahawakan ko siya ay marahas ko siyang hinila at mariin ko siyang hinalikan sa labi habang nakahawak ang kaliwa ko pang kamay sa kanyang likod bilang suporta. Binigyan ko siya ng halik na hinding-hindi niya makakalimutan na hanggang sa pagtulog niya ay kanyang mararamdaman.
Ramdam ko ang mga ugat ko sa braso na biglang lumitaw at tila gustong kumawala dahil sa galit at inis.
"Ako ang tao na puno ng kwenta. Loko man 'to pero seryoso ako. 'Wag mo ng ipamukha sa 'kin na hindi mo ako gusto dahil baka makapatay lang ako ng tao." mariin ko sa kanyang bulong nang ilayo ko na ang labi ko sa kanyang labi at binigyan ko ulit siya ng isa pang halik na mariin.
Bigla akong nanghina at mabilis naman akong sinapo ni Kelly. Nanginig ang tuhod ko at mabilis na bumalik ulit sa totoong kulay ang paligid.
"Ito si Tey Rivera at ang kanyang kakayahan ay Dark Shadow. Lalabas ang kanyang ability kapag napuno na ang kanyang emosyon. Kapag sobra na ang emosyon niya. Kaya 'wag na 'wag n'yo siyang gagalitin kung ayaw n'yong manirahan sa mundo ng kadiliman."
"Kapag kinain ka ng Dark Shadow ni Tey ay mahihigop nito ang enerhiya ng katawan mo at malilipat iyon sa kanya mismo. Kaya mas lalo siyang lalakas." mahabang paliwanag ni Kelly sa lahat.
Napakunot ang noo ko dahil sa lito. Dark Shadow ang ability ko? Hindi naman ako pinanganak kahapon para magtaka kung sino ang puno't dulot ng mga kadilimang nangyayari tuwing nagagalit ako.
Ako; Ako ang dahilan kung bakit nagiging dilim ang paligid tuwing nagagalit ako.
At pagkatapos kong mailabas ang ability ko ay mawawalan ako ng malay. Katulad ng mangyayari ngayon.
Nakaramdam ako ng likido sa aking ilong at bumagsak ang talukap ng aking mga mata.
Sa wakas ay alam ko na ang ability ko. At sa wakas ay pagmamay-ari ko na ang gusto kong maging akin nang una ko siyang makilala.
Kapag hinalikan kita, akin ka na. Walang pero-pero dahil ka na, Kelly Ladignon.
~*~
A/N: Guyseu! Gawa-gawa ko lang po ang Dark Shadow, ah.
Hindi ko alam kung saang chapter pero maipapaliwanag po sa ibang chapter ang ability'ng inimbento ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top