Chapter 16: Curfew
Jim + Kelly = JiLly.
Team Jilly!
Kelly's point of view
Papasok na sana ako sa loob ng bahay dahil gabi na at inaantok na ako, pero nagulantang ako nang biglang may tumunog na alarm sa buong paligid pero mga sampung segundo lamang iyon. Napalingon ako at biglang may umilaw at lumitaw ang hologram.
Bagong patakaran muli, Bulletproofs! Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na ang bagong patakaran ay... CURFEW.
Sa alas-onse ng gabi matutupad ang CURFEW. Mabuti nang magtago ka na sa iyong bahay bago pa pumatak ang alas-onse. Dahil kapag amin kang nahuli, magdasal ka na't katapusan mo na.
Sa alas-onse ng gabi, ang ating mga White Guards ay lilibot na sa buong lungsod.
Lagi n'yo itong tatandaan, Bulletproofs... kami'y walang mga AWA.
Nagmamahal,
Mr. President.
Muntikan na akong masuka sa huli kong nabasa. Nagmamahal? Ang tapang ng hiya niya, ah! Hindi na siya nahiya. Nagmamahal pa pala ang tawag sa ginagawa niya, huh?
At ano raw, Curfew? Gagawa't gagawa talaga siya ng paraan para makuha agad ang gusto niya! Kahit ano pa 'yan ay basta makuha lang niya.
Saka wala silang awa? Anong sila? Baka siya lang. 'Wag siyang mandamay ng iba, 'no! Siya lang ang walang awa rito!
Hindi ko namalayan na nanginginig na pala ang kamao ko na kanina pa nakakuyom. Kung nandito lang sa harapan ko ang Presidente ay paniguradong wasak na ang mukha nu'n kanina pa.
Napasinghap ako nang may humawak sa kamao ko. Mabilis ko namang pinunasan ang luhang tumagas muli sa mga mata ko.
Luha para sa awa.
Luha dahil wala ng magawa.
Luha dahil hindi na kaya.
Talagang maluluha ka na lang dahil sa inis.
"Kelly, ano 'yung tumunog kanina? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tey.
Tinignan ko siya at nginitian ko siya nang matipid.
"Kailangang magtiis. Kailangang huwag ma-inis. Pigilan ang feelings." bulong ko sa kanya at nilagpasan na siya.
Jim's point of view
Nakatulala kaming lahat dito sa sala. Walang pasok ngayon kaya nandito lang kami. At alam na rin namin ang balitang nangyari kagabi.
Kainis 'yung Presidente na 'yun, ah! Anong curfew ang sinasabi niya? Saksak ko sa baga niya 'yung curfew na 'yun, eh.
Napasinghap kaming lahat nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng bahay. Iniluwa nu'n 'yung Simon at may bitbit itong mga plastik bags. Mukhang namili ng mga pagkain.
Kunot noo ko siyang tinignan. "Anong ginagawa mo rito?"
"Uhm... binibisita ang aking Kelly?" nag-aalinlangan pa yata siya na sumagot sa 'kin.
Saka ano raw? Anong aking Kelly? Gusto ba niyang mapitpit ng 'di oras, huh?
Mas lalong nag-init ang dugo ko sa Simon na 'to nang bigla siyang pumasok sa loob. Aba't!
"H-Hoy! Hindi ka pa naman pinapapasok, ah!" sigaw ko sa kanya at hinigit ko ang kanyang braso para mahila palabas.
"Eh, ano ngayon? Sino ka ba? Anak niya? Bunso ka siguro, 'no?" nakangisi niyang sabi.
Napakuyom ang palad ko at handa ko na sanang bigwasan ang mokong na 'to nang sumingit sa amin si Juko.
"Kuys Jim! Hinay lang, mas matangkad 'yan sa 'yo." mas lalo akong na-inis dahil sa sinabi ni Juko.
Dinuro ko 'yung Simon at sinigawan, "Tandaan mo ang araw na 'to!"
"Sige tatandaan ko. Ngayon ay November 8, Tuesday. At akala ko'y bunso ka lang sa liit, 'yun pala ay tanda na rin dahil sa isip mong makakalimutin." mas lalong napagitgit ang ngipin ko. Ang hirap nang pigilan ng sarili ko! Pasalamat siya at cute lang siya at ako'y gwapo kaya may respeto pa rin ako. Hindi kasi ako pumapatol sa mga mabababa lang ang uri. Panggwapuhan ako, eh.
Sinipa ko ang binti niya at napasigaw siya sa sakit nu'n.
"Pangit mo, gago!" sigaw ko at nagmartsa na ako papunta sa kwarto ni Kelly.
"Fuck! Sa tingin mo'y saan ka pupunta, huh?" sigaw niya habang lumalapit sa 'kin at mukhang handa na akong sapakin.
Handa ako kung magbubugbugan kami ngayon. Matagal-tagal na rin ang lumipas simula nang makasuntok ako, 'yung tipong tinatakbo na sa hospital 'yung nakabugbugan ko.
"Sa kwarto ni Kelly, saan pa ba? Tatawagin ko lang nang maaga ka ring makaalis na! Kaumay ka kasi, kapangit mo!" sigaw ko sa kanya at aamba na sanang hawakan ang seradura nang hawakan ni Simon ang braso ko.
Matalim ko siyang tinignan at marahas kong tinanggal ang kamay niya sa aking braso.
"Ano bang gingawa niya? Baka maabala pa." aniya.
Napansin ko naman ang mga kasama ko na walang pakialam sa nangyayari. Mga nanonood lang sa T.V.
"Talagang maabala kapag tinawag ko! Paano ba naman ay naliligo si Kelly." tugon ko at inirapan siya.
Napatigil naman ako nang ngumisi si Simon.
"Pwedeng sama ako?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ng mokong na 'to. Aba manyak 'to, ah!
Susuntukin ko na siya sana nang pumalag kaagad siya.
"Oh! 'Wag mong sabihin na hindi mo gagawin 'yung balak kong gawin?" nakangisi niyang tanong. Napanguso ako at napakamot sa batok.
"Dudungaw lang naman ako, eh," bulong ko sa kanya. At dahil mukhang parehas kami ng balak ay mabilis kaming nagkasundo.
"Eh, 'yun lang din naman ang gagawin ko. Sexy ba?" sagot niya at tinaas-baba niya ang kanyang kilay. Napangiti naman ako.
"Hindi ko pa nakikita, eh," hagikhik ko.
Kahit nga makapasok sa kwarto ni Kelly ay hindi ko pa nagagawa. Ayaw niyang magpapasok, eh.
Nagkangitian naman kaming dalawa at bubuksan na sana namin ang pinto nang magulat kaming parehas nang bukas na ito at nandoon si Kelly na nanglilisik ang mata na nakatingin sa aming dalawa.
"Anong pinaplano n'yo? Silipan ako? Bosohan ako?" nanliliit ang kanyang mata habang tinatanong kami.
Napakapit ako sa braso ni Simon at ganu'n rin siya sa 'kin.
"Ah... eh... ano kasi... uhm..." napakamot ako sa ulo nang wala akong maisip na dahilan.
"Ano, huh?" maangas niyang tanong kaya nasiko ko si Simon at siniko rin ako ng mokong.
Sasama-sama siya sa 'kin mambosoㅡeste puntahan si Kelly sa loob tapos ngayon ay hindi siya makapagsalita?
Napalunok ako nang ngumisi si Kelly at alam ko nang may binabalak siya. Lalapit na sana sa amin si Kelly nang kumaripas kaagad ako ng takbo palayo.
"Tae ka, Simon! Pangit mo na nga, hindi ka pa marunong magpalusot. Ugok!" sigaw ko kay Simon na sumabay sa akin sa pagtakbo.
Bigla ko siyang sinipa sa binti kaya nadapa siya, pinagtawanan ko siya at tatakbo na sana ako para makalayo nang hawakan niya ang kanan kong paa kaya ang resulta ay parehas kaming nakadapa ngayon at hinahalikan ang sahig.
Walanghiya talaga 'to.
Napalunok ako nang may maramdaman akong kamay sa likod ko. Lilingon na sana ako sa likod ko nang bigla akong hampasin nito nang malakas kaya napasigaw ako dahil sa matinding sakit.
"Kingina kayong dalawa! Bobosohan n'yo pa ako, ha? Eh, kung gawin ko kaya kayong basahan, huh?" at hinampas na naman niya kami ng kamay sa likod.
Napaliyad ako sa hapdi ng pagsampal niya roon. Paniguradong may tato ako ng kamay bukas.
"H-Hindi ako 'yun! Si i-ito 'yun!" sabay duro sa akin ni Simon. Sinamaan ko siya ng tingin. Aba't ilalaglag pa ako ng loko!
"Anong ako? Baka ikaw! Kelly, si Simon 'yun!" depensa ko.
Hindi kami makatayo ni Simon sa pagkakadapa dahil kapag binabalak namin ay sinasampal na naman ni Kelly ang likod namin.
Grabe talaga 'to. Kaya ang sarap niyang landiin, eh.
"Sige, magturuan pa kayo! Naku, kapag nahuli ko kayong binobosohan ako, puputulin ko lahat ng pwedeng maputol sa inyo!" sigaw niya at tinungtungan niya kami sa likod gamit ang kanyang mga paa.
"Hala! Huwag, Kelly, maawa ka!" nagsisising sabi ni Simon.
"Kelly, paano kita maaanakan kung puputulin mo ang betlog ko?" mabilis naman akong nakatanggap ng batok sa ulo kaya napa-untog ang noo ko sa sahig.
"Ang sakit nu'n, ah! Tey, bakit ka ba nakikisali rito, huh?" inis kong singhal sa kanya dahil siya ang nambatok sa 'kin.
"Aanakan mo si Kelly? Gusto mo bang mawala pati 'yang abs mo para wala ka ng maakit? Gusto mo bang paliitin ko lalo 'yang height mo? Huh?" pananakot niya sa akin pero hindi ako nasindak.
"Eh ikaw, gusto mong mamatay?" ako naman ngayon ang nanakot sa kanya.
Bigla naman akong sinapok ni Kelly kaya napalingon ako sa gawi niya.
"Ang daldal mong pandak ka. Manahimik ka nga nuno sa punso." sabi niya at nilayasan na niya kami ni Simon.
Napahinga kami nang maluwag nang hindi niya kami parusahan.
Inis kong ginulo ang aking buhok. Kung pwede ko lang patayin si Simon ay kanina ko pa 'yun ginawa sa pangit na 'to!
"Ako na naman ang may kasalanan? Si Tey kaya ang nanguna, Kelly! Ako na lang lagi ang mali. Nakakabwisit!" nagtatampo kong sigaw at nagmartsa na ako paalis sa sala.
Kanina pa kami tinatawanan ng mga kasama namin. At si Simon naman ay gustung-gusto iyon. Akala mo nama'y welcome talaga siya rito, eh feeling lang naman niya 'yun. Bawal kaya ang mukhang aso rito.
Juko's point of view
Napapaface palm na lang ako sa ka-uratan ni Kuys Jim. Para silang tanga kanina ni Simon. Nag-away pero nagkabati dahil sa kabalastugan. Ang libog nilang dalawa.
Pinakilala na kami ni Ate Kelly kay Simon kaya alam na niya ang mga pangalan namin. Puro kasi siya 'hoy', 'ikaw', 'iyon, oh', at iba pa, ang tawag niya sa amin. Nalilito tuloy kami kung sino 'yung tinatawag niya.
Nandito kami sa sala ngayon at nag-uusap-usap kami tungkol sa curfew. Kasama namin si Simon.
"Aha! Kaya niya pinatupad 'yung curfew ay para mas lalong mapadali ang binabalak niya!" masayang singit ni Simon.
Napakunot ang noo ko kaya tinanong ko siya, "Paano naman mapapadali 'yun?"
"Paano? Simple lang. Kapag nahuli ka ng mga kawal, 'di ba'y papatayin ka? Edi ibig sabihin nu'n ay kukunin na nila ang cell sa katawan mo. Isasama na nila iyon sa koleksyon ng Presidente, kaya mapapadali na lang ang plano ng Presidente dahil unti-unti niya nang makakamit ang cell ng walang kahirap-hirap. At nang sa gayon ay ma-eksperimentuhan na nila ang makukuha nilang cell sa lalong madaling panahon. Kilala n'yo naman ang ating Presidente, dakilang impatient." mahabang paliwanag ni Simon.
Napatango naman kami sa mahabang sinabi niya. Napatulala ako bigla at pumasok sa isip ko ang mga posibleng mangyari kapag nahuli kami sa ganu'ng oras.
Ang kakayahan ko ay night vision kaya paniguradong suking-suki ako ng mga kasama ko. Kakayanin naming makatakas dahil sa kakayahan kong ito.
Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman ang napaginipan ko na ilang gabi na ang nakakaraan. Nakahalum bitin daw ako sa isang madilim na silid. May nakita pa akong obra ng mukha pero dalawa ang mukha. Bali sa kanan ay ibang mukha at sa kaliwa ay iba rin. Parang pinagsama lang na magkabilang mukha. Tapos ay may nakita pa ako sa panaginip ko na iba pang pangyayari pero malabo at hindi ko talaga maaninag nang husto dahil sa bilis ng daloy no'n.
At ang mas lalo kong ikinababahala ay nakita ko sa panaginip ko si Kuys Tey. Hinahanap ko raw siya sa kung saan-saan at nakita ko sa panaginip ko na nakakulong daw siya sa kulungan ng malaking aso. Umiiyak si Kuys Tey ru'n at may dugo pa siya sa kanyang katawan na walang damit.
Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang lahat ng nasa panaginip ko. At mas lalong tumambol ang puso ko nang maalala ko ang huling katagang narinig ko sa aking panaginip. Hindi ko alam kung para ba sa akin ang mga salitang iyon o ano.
"Oras na para pagbayaran mo ang lahat ng iyong nagawa..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top