Chapter 15: Ang pagkikita

Hook's point of view

Kanina pa kami rito naghihintay kay Kelly. Tapos na kaming kumain pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Ano bang ginawa nila ng Simon na 'yun at parang natagalan yata sila? Baka naman kung ano na ang ginawa ng Simon na 'yun kay Kelly!

Lahat kami ay napalingon nang biglang may sumigaw sa amin.

"Guyseu!" malawak na ngiti ang iginawad niya sa amin.

Napatayo kami at si Tey ay mabilis na naglakad papunta kay Kelly at pinagsabihan ito.

"Bakit ba ang tagal mo? Sino ba 'yung Simon na 'yun, ha! Anong ginawa niyong dalawa at bakit natagalan kayo? May ginawa ba kayo, ha? May relasyon ba kayo? Sabihin mo sa 'kin Kelly! Sabihin mo sa 'kin!" sigaw sa kanya ni Tey at hinawakan pa nito ang magkabilang balikat ni Kelly.

Hindi na kami halos makasingit sa kanilang dalawa dahil si Tey ay pinagagalitan si Kelly.

"Ano? Hindi ka makapagsalita ngayon dahil tama ang hinala ko? May pahampas-hampas ka pa sa braso tapos 'yun pala ay may relasyon talaga kayo!" nag-igting panga si Tey at ginulo niya ang kanyang buhok.

Makalipas ang limang segundo ay sabay-sabay kaming napahalakhak sa reaksyon ni Tey. Kahit si Kelly ay tumatawa rin nang malakas, kaya ang resulta ay pinagtitinginan na kami ng mga kumakain.

Napakunot naman ang noo ni Tey sa ginawa naming pagtawa. Napaka-inosente naman nito.

"Bakit kayo tumatawa, huh!" iritang sabi ni Tey pero tumawa lang ulit kami. Napasuklay siya sa kanyang buhok at dinuro kami.

"Anong nakakatawa?" irita ulit niyang tanong. Sinubukan kong pigilan ang pagtawa ko at napakagat pa ako sa hinlalaki ko.

"Eh, k-kasi... Hahahaha!" hindi ko kinaya ang pagpigil ko kaya napabulaslas na naman ako ng tawa. Napahawak na ako sa tiyan ko dahil sa pagtawa ko.

Bwisit naman kasi si Tey, eh! Nagmistula na naman siyang joker ngayon. Sakit ng tiyan ko kakatawa.

"Umaakto kang jowa ko, ah?" natatawang sambit ni Kelly at napahawak siya sa kanyang bibig para pigilan ang tawang malakas na nagbabalak na lumabas.

"Ang OA mo, Kuys Tey! Feeling mo naman kayo kung makareact ka! Anong pakialam mo kung may boyfriend 'yan? Anong karapatan mong magalit nang ganyan, eh hindi naman kayo?" panri-realtalk ni Juko kay Tey.

Natahimik du'n si Tey at napanguso siya. At nabigla na lang kaming pito nang mabilis siyang tumakbo papalayo.

Hala, problema nu'n?

"Hala! Lagot ka, Juko!" pananakot kong sabi sa kanya at winawagayway ko pa ang hintuturo ko.

Napakamot si Juko sa kanyang ulo at napatawa na naman kami. Nagkasundo na kaming pito na umuwi na sa bahay ni Kelly. Panigurado namang umuwi lang si Tey sa bahay at magkukulong 'yun sa kwarto dahil siguro'y nahiya siya at tinamaan siya sa sinabi ni Juko.

Gusto niya na talaga si Kelly. Napapansin kaya iyon ni Kelly? Syempre, oo! Dahil masyadong halata si Tey, 'no.

Hindi niya alam na masyadong halata ang pag-ibig niya kay Kelly para mahalata na talaga ang kanyang nararamdaman.

"Para siyang boyfriend mo kung makareact, paano pa kaya kapag totoong kayo na?" tanong ni Jim.

Napatawa ako nang maalala ko na naman 'yung nangyari kanina. Lintek na Tey 'yan! Pulang-pula talaga siya kanina at iisipin mo talagang may relasyon silang dalawa dahil parang pinapagalitan ni bf si gf dahil nangaliwa ito.

"Ikaw ba, Jim. Paano ka makareact kapag naisip mong may iba si gf?" napalingon ako kay Yong nang magsalita ito, pero syempre ay mabilis kong binalik ang mata ko sa daan, ayoko namang maaksidente 'no.

"Ako? Tsk! Hindi agad ako magju-judge, 'no! Ipapakita ko lang 'yung abs ko sa gf ko at paniguradong sa 'kin ang balik nu'n!" mayabang na sabi ni Jim, hinampas pa niya ang kanyang tiyan.

'Yabang talaga ng pandak na 'to! Sarap ingudngod sa baba ko para mabawasan man lang ang kayabangan. Pero sabagay, may maipagyayabang naman talaga siya, eh.

Sabay-sabay kaming napapreno nang may makita kaming limang bisikleta sa labas ng bahay ni Kelly. Iisa lang naman si Tey pero bakit lima ang bisikleta roon? Nagnakaw kaya si Tey?

"Ang dami naman? May bisita kaya?" tanong ni Nam. Nagkatinginan kami at nagkibit-balikat ako dahil mismo ako'y ganu'n din ang gustong itanong.

Mabilis naming tinungo ang kaunting distansya at tinabi namin ang aming mga bisikleta sa tabi ng limang bisikleta. Pagkatabi namin doon ay agad naman naming tinungo ang pinto. Pagkapasok namin sa bahay ay nadatnan namin sa sala ang apat na babae at isang lalaki.

"Sandali... parang pamilyar kayong apat? Parang nakita ko na kayo?" bigla kong sabi at nanliit ang mata ko, sinusuri ang apat na babae.

"Oo nga," Sambit naman ni Jin.

Napansin ko naman ang pagkabigla ni Kelly nang makita niya ang apat.

"Umuwi ako kanina at nabigla na lang ako nang madatnan ko rito sa loob ng bahay ang apat na babaeng 'to. Nakalock naman ang pinto at hindi ko alam kung saan sila pumuslit para makapasok dito." sabi ni Tey sabay kibit balikat.

"Aha! Kayo 'yung mga babaeng nakita namin sa puno na puno ng paru-paro no'n!" nabigla naman ako sa biglaang pagsigaw ni Jim.

Napatitig ako sa apat na babae at naalala ko nga na sila iyon.

"K-Kayo 'yun? Aba...!" susugurin na sana ni Tey ang apat na babae nang matigil siya dahil nagsalita agad si Kelly.

Napakunot naman ang aking noo sa inakto ni Tey. Parang galit na galit siya sa mga babae. Bakit?

"'Wag! Sabing hindi nga nila ako binugbog! Itikom mo na lamang 'yang bibig mo dahil may bisita tayo, nakakahiya, Tey." napaawang ang bibig ko nang makita ko ang masayang ekspresyon ni Kelly nang mabaling ulit ang tingin niya sa apat.

"Bisita? Oh, baka bwisita!" pahabol naman ni Tey.

"Tey!" pagbabanta ni Kelly at tinignan niya si Tey nang matalim. Napanguso si Tey at mabilis na nagmartsa papasok sa kwarto.

"A-Anong ginagawa niyo rito?" kabadong tanong ni Kelly. Nagtaka naman ako dahil bakit siya kinakabahan gayong mga kaibigan naman niya ito?

Inaya kaming umupo ni Kelly sa kabilang sofa na siyang ginawa naman namin.

"Masama na bang pumunta sa dati naming naging bahay rin?" nakangising tugon ng babaeng itim ang buhok at may bangs ito kagaya ng tatlo niyang kasama.

"H-Hindi naman. Nga pala, kumain na ba kayo?" tanong ni Kelly at tumango naman ang apat at agad namang pumunta si Kelly sa kusina para kumuha ng maiinom.

Dama kong nakatitig ang mga kasama ko sa apat na babaeng nasa harapan lang namin. Hindi ko namang ma-ipagkakaila na magaganda sila. Sa totoo nga niyan, natitipuhan ko ang isa sa kanila.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang apat at mukhang mahuhubog ang mga ito. Mas lalo pang bumagay ang suot nila sa kanilang katawan. Ang kutis ay makinis. Ang balat ay may kaputian. Ang labi ay mapupula! Ang mga mata ay nakakaakit. Ang hulma ng katawan ay nakakaagaw pansin. Hindi maipagkakailang kabilang talaga si Kelly sa mga kaibigan niya. Ubod ng gaganda!

Napangiti ako nang mahuli ko ang isang babae na may tsokolateng buhok na nakatingin sa 'kin. Tipo yata ako nito.

Hindi naman nagtagal ay dumating na si Kelly na may dalang pitsel na naglalaman ng orange juice at may sandwich din siyang dala. Mabilis naman siyang tinulungan ni Jim.

Kumuha ng isang plastik na upuan si Kelly at doon siya umupo. Humarap si Kelly sa apat at nginitian niya ito.

"Maligayang pagbabalik!" maligaya niyang sambit. Napangiti ulit ako dahil nahawa ako sa ganda ng ngiti niya.

"Salamat," sabi ng babaeng nakatingin sa akin kanina.

Natawa naman ako sa biglaang pag-ubo ni Jim. Halatang peke iyon kaya natawa rin sila.

"Nga pala, Girls, sila nga pala ang mga bago kong kaibigan. Ito si Jim Reyesㅡ" naudlot ang sasabihin ni Kelly nang sumingit kaagad si Jim.

"Ang 'ulam ng bayan, pengeng rice' ng buhay mo." malanding sabi ni Jim at kumindat pa siya sa apat.

Napahagikhik ang tatlo pero ang isa ay nanatili lang na seryoso ang tingin. Itim din ang buhok nito at mukhang matapang.

"Pasensya na at sadyang ganyan talaga 'yan. May kayabangan pero mayro'n naman talagang maipagmayayabang." natatawang sambit ni Kelly.

"At ang kakayahan ni Jin ay superhuman reflexes."

"Ito naman si Nam Aberin. Ang kakayahan niya'y superhuman strength." pagbanggit ni Kelly ng pangalan ni Nam ay tumayo ito at lumapit sa apat.

"Nam Aberin." at isa-isa niyang kinamayan ang apat. Tila tatakbo siya sa eleksyon sa kanyang ginawa.

"Yong Serrano. Ang kakayahan niya'y heat vision." banggit ulit ni Kelly sabay turo kay Yong.

"Swag!"

"Ito naman si Jin Acosta. Ang kakayahan niya'y superhuman sense of smelling at magaling magluto 'yan!" nakangiting sabi ni Kelly. Napangiti naman nang malawak ang apat sa huling sinabi ni Kelly. Mukhang mga matatakaw ang mga 'to, ah.

"Juko Paras at ang kanyang kakayahan ay night vision. Siya ang pinakabata sa lahat."

"At siya rin ang may pinakamalaking ilong?" natatawa namang tanong ng isang babae.

Tumango si Kelly at nagtawanan kami.

"At siya naman si Hook Dela Merced. Kaya niyang i-manipulate ang tunog at iyon ang kanyang kakayahan." sabay turo sa akin ni Kelly.

Tumayo ako at hinanda ang sarili para sa gagawin.

"I'm your angel, I'm your hook. Hook! Yeah! Touch my badeh!" at gumiling-giling ako at dinadama ang pagkanta ng 'touch my body'. At in-enjoy ko pa ang pagpitik ng puwet ko.

Nagtawanan naman sila sa ginawa ko. Tumigil ako at nagbow.

"Hala! Akala ko'y yuyuko, 'yun pala ay magba-bow. Kinabahan ako ru'n, ah!" napakamot naman ako sa ulo sa sinabi ng isang babae. Nagtawanan sila kaya umupo na ako.

"Boys, ito naman si Joy Agustin. Kaya niyang kumansela ng kakayahan, sa maikling salita, ang kanyang kakayahan ay power negation." sabay turo niya sa babaeng itim ang buhok. Ngumiti si Joy at nakipagkamay sa amin.

"At ito naman si Yuri Bacay at kaya niyang makipag-usap sa mga hayop. Siya rin ang pinakabata sa aming magkakaibigan." nakangiting sabi ni Kelly pero 'yung Yuri ay inirapan siya nang palihim pero napansin ko 'yun.

Aba't anong problema niya at inirapan niya nang ganu'n si Kelly?

"Siya naman si Wendy Sandoval. Kaya niyang doblehin ang kanyang sarili." sabay turo ni Kelly sa babaeng tsokolate ang buhok at nakangiti sa amin.

"At ito naman si Shulgi Torres. Kaya naman niyang pahinain o palakasin ang kakayahan mo." sabay turo niya sa babaeng nakatingin sa akin kanina.

Nagngitian ang dalawa at tumingin sa amin si Shulgi at nginitian din kami. Kinamayan niya ang mga kasama ko pero nilagpasan niya lang ako.

Ngumuso ako dahil nagbabakasakaling babalikan niya ako pero hanggang asa na lang ako.

Ang sakit talagang umasa sa wala.

Napakagat sa pang-ibabang labi si Kelly at tinuro niya ang pinto na pinasukan ni Tey. Magsasalita na sana si Kelly nang biglang bumukas ang tinuro niyang pinto at iniluwa nu'n si Tey.

"At ako naman si Tey Rivera!" nakangiting pakilala ni Tey at kumaway-kaway siya. Nabigla ang apat sa biglang pagsingit ni Tey. Kumaway ang apat at nagsitawanan dahil kay Tey.

"Ang arte. Papasok-pasok pa, eh lalabas din naman." narinig kong bulong ni Jim at inirapan niya si Tey.

"Nga pala, nabalitaan namin sa mga taong madadaldal na may pinatupad daw ang Presidente?" naglaho ang masayang hangin at naghasik na ang seryosong usapan.

"Ah, oo. Ang ranking," mahinang sabi ni Kelly. Tila kailangan niyang hinaan dahil baka mamaya ay may nakikinig pa lang espiya ng Pangulo.

Natahimik ang loob ng bahay ni Kelly dahil sa naging usapan.

Sila kaya ano ang nararamdaman sa Pangulo? Gusto rin kaya nilang patayin ang Pangulo o sang-ayon sila sa pamamahala nito sa lungsod?

"Ang Presidente talagang 'yon. Ano bang akala niya rito? Koleksyon ng cell para sa kagustuhan niya? Eh kung cell niya kaya ang kunin ko nang makita niya ang hagupit ng poot?" nanigas ako sa pagkakasalita ni Yuri.

"Akala niya'y kontrolado niya ang lahat ng tao rito." Nakangising banat ni Shulgi at lalo akong nanigas nang makita ko siyang napatingin sa akin.

Sabi na nga ba'y type ako nito, eh! Pakipot pa ang babaeng 'to.

Kelly's point of view

Natapos na ang kwentuhan at lumalalim na ang gabi kaya nagpasya ng umuwi ang mga kaibigan kong babae. Sabi ko nga sa kanila ay rito na lang sila matulog pero tinanggihan nila ito. Mukhang mga may galit pa sa akin... lalung-lalo na si Yuri. Hindi ko naman siya masisisi.

Nandito na kaming lima sa labas ng bahay ko. Ihahatid ko lang sila rito sa labas. At ang pito naman ay nakahiga na sa kanilang higaan.

Bago sila makaalis ay pinigilan ko sila dahil kanina ko pa gustong itanong sa kanila ang tunay na bumabagabag sa utak ko. Alam kong hindi iyon ang tunay na dahilan nila kung bakit sila pumunta sa bahay ko. Alam kong may mas malalim pa silang dahilan.

"Sandali lang!" sigaw ko at tumigil naman sila. Lumapit ako sa kanila at nilingon naman nila ako. Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.

"Ano ba talaga ang rason ninyo at bakit pumunta kayo rito sa bahay ko?" tanong ko sa kanila.

Bumuntong hininga si Shulgi at siya na ang naglakas loob na magpaliwanag.

"Gusto lang namin silang kilalanin. Gusto lang naming alamin kung ligtas ba ang ginagawa mong pagprotekta sa mga taong 'yun. Dahil gusto naming ipaalam sa 'yo na nasa peligro na 'yang ginagawa mo." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko didiretsuhin dahil alam kong may utak ka para maintindihan ang sasabihin ko." hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya kaya naman nagpatuloy siya.

"Sabihin na nating... may taong mapagpanggap at may taong nagpapahiwatig ng pagpapapanggap. Nasa sa 'yo na lang kung maniniwala ka at magpapaloko. Pero ito ang tatandaan mo..." pagputol niya.

"... maghahasik na ang kademonyohan kung magpapahulog ka sa butas ng impyerno." at umalis na sila sa aking harapan.

Napatulala ako sa kanyang sinabi at napaawang ang bibig ko. Kumunot ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa tuluyang pumapasok sa isip ko ang lahat ng sinabi niya.

May utak nga ako para intindihin 'yung sinabi niya pero marami na akong iniisip para isingit pa iyon! Madami na akong kailangang intindihin tapos ay may dadagdag pa? Bakit ba kasi hindi na lang niya diniretso para alam ko ang gagawin ko para sa kaligtasan ng mga tao?

Una, ang gagawin ko para sa hustisya ng pagkamatay ng Kuya ko.

Pangalawa, ang pagsuyong gagawin ko para tuluyan akong mapatawad ng mga kaibigan ko.

Pangatlo, ang pagtago ng sikreto sa pitong kaibigan ko.

Pang-apat, 'yung Sijah na 'yun. Masyadong malandi ang leche.

Panglima, si Ma'am Shanie Alarilla.

At panghuli ay 'yung sinabi kani-kanina lang ni Shulgi.

Ano ba ang dapat kong gawin sa panahong ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top