Chapter 12: Butterfly

Tey's point of view

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kung bakit ako biglang hinimatay nang nasa plaza kami. Ang tanging natatandaan ko lang naman ay umikot ang paligid at napakasakit ng aking sentido at bumabaliktad din ang sikmura ko. At may tumulong dugo galing sa ilong ko. Siguro sobrang pagod ako kaya ako hinimatay.

May naririnig akong humihikbi at umiiyak pa nang malakas. Parang may burol na ginaganap kung makaiyak 'yung naririnig ko. Sa sobrang inis ko dahil naalimpungatan ako sa iyakan ay mabilis akong bumangon at matalim na tinignan ang taong nakapaligid sa kama.

"Aish! Ang ingay naman, eh!" inis kong sigaw habang tinitignan ang mga kasama kong umiiyak. Hala, anyare sa mga 'to at bakit mga naka-itim pang damit? Wala namang namatay, ah!

"T-Tey? Buhay ka?" takang tanong ni Jin. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"Aba'y oo naman! Anong akala n'yo sa 'kin, patay na para paglamayan ninyo nang ganyan?" kunot noong sabi ko, hindi makapaniwala.

"Aish! Buhay pa pala 'to, sayang outfit natin!" sabi ni Hook habang tinitignan ang suot nilang itim na damit na hapit sa kanilang katawan.

"Oo nga! Basag trip naman 'tong si Tey, oh! Manong magpatay-patayan muna nang hindi masayang 'yung effort namin kaiiyak!" iritang sabi ni Jim at mukhang magwa-walk out kaya naman sumigaw ako.

Kunot noo akong nagsalita, "Hanep! Eh kung kayo kaya ang patayin ko nang magkaalamanan tayo, huh?"

Mga wala talagang puso ang mga ito. Ginusto ba naman akong mamatay para hindi masayang ang effort nila?

"Nasayang lang ang paggising ko para iyakan ang baliw na 'to!" sabi naman ni Yong at mukhang antok na antok pa nga siya.

"Wait. Ginawa mo 'yun para sa 'kin? Naks naman, Yong! I love you na!" at ngumuso ako, nagpapahiwatig na gusto ko ng halik galing sa kanya.

Nginiwian niya naman ako at tumalikod na siya para makaalis na sa kwarto. Anong araw na ba at anong oras na?

"Kuys Tey, alam mo bang dalawang araw kang walang malay kaya akala namin ay patay ka na?" napahinto naman ako sa sinabi ni Juko. Nakaupo siya sa kama at malungkot na nakatingin sa 'kin.

"Da-Dalawang araw? Hindi nga?" gulat kong tanong sa kanya. Tumango lang siya sa akin bilang sagot.

Napasapo ako ng noo dahil ang tagal kong nawalan ng malay. Hays, ang mga gwapo nga naman ay kinakailangan ng matinding pahinga.

Napalingon ako sa mga kasama ko nang may maalala akong pangyayari. Nandito ang lahat pwera lang kay Yong na lumabas at kay... Kelly.

Hindi ba siya nag-alala sa akin kaya wala siya rito?

Napansin siguro ni Juko na may hinahanap ako kaya sinagot niya ang tanong sa isipan ko.

"Nasa labas, Kuys Tey. May kausap na Doktor."

"Doktor?" tanong ko.

"Oo. 'Yung Doktor na kausap niya ngayon ay 'yung Doktor na gumamot sa 'yo. Alam mo ba, Kuys Tey, wala siyang sinabi na sakit mo kaya hindi namin alam ang totoong dahilan kung bakit ka nahimatay." sabay kibit-balikat niya.

Napahawak naman ako sa aking ulo nang may maramdaman ako roong sakit. Dalawang araw na nga akong nawalan ng malay, sumasakit pa rin ito?

Tinanong ako ni Juko kung ano ang masakit sa akin pero hindi ko sinabi na sumakit ang ulo ko dahil ayaw kong mag-alala ang mahiwagang bunso ng grupo namin.

Napalingon kami parehas ni Juko sa pinto nang bumukas iyon. Lumabas sa kwarto sina Jim, Nam, Jin, at Hook, at pumasok naman dito sa loob ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Ang babaeng hindi ako sigurado kung may nararamdaman ba para sa akin.

Noon ay laging kami ang magkasama. Laging kami ang nagkukulitan at laging nagtatawanan. Lagi kaming nagbabangayan kaya naman lalo akong nahuhulog sa kanya. Ang ganda ng alaala ko kasama siya pero ang lahat ng iyon ay biglang naghalo nang makita ko siyang masaya kapiling ang iba.

Napakadrama ko ngayon. Ito ba ang epekto ng pagtulog ng dalawang araw?

Tinignan ni Kelly si Juko at mukhang nagka-intindihan silang dalawa dahil biglang umalis si Juko sa kwarto. Kaya naman ang naiwan ay ako at si Kelly.

Napaupo ako nang maayos at iniwas ko ang tingin ko. Tuwing nakikita ko siya ay parang unti-unti na namang winawasak ang puso ko. Ganito ba mabaliw ang gwapo sa isang babae?

"Hey," marahang sambit ni Kelly pero hindi ko pa rin siya nililingon. Naramdaman kong gumalaw ang kama kaya alam kong umupo siya sa tabi ko.

Huwag mo naman akong tabihan, oh. Baka hindi ako makapagpigil at bigla kitang yakapin.

Bumaba ang tingin ko sa mga daliri kong naglalaro nang hawakan niya ako sa kanang balikat ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" marahan niyang tanong.

"Very good." maikli kong tugon at narinig ko siyang napatawa kaya bigla ko siyang nalingon.

"Bakit?" taka kong tanong sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya at tinitigan na niya ako sa aking mata.

"Ito, oh." sabay abot niya sa akin ng baso na may tubig. Tinignan ko lamang siya dahil may ngiti ang labi niya. Bumagsak ang tingin ko sa baso at hindi ko iyon tinanggap.

Bakit ang bait niya ngayon? Bakit ang lambing niya ngayon? Bakit nadudurog na naman ako ngayon?

Binaba na niya ang baso. Siguro'y napansin niyang hindi ko 'yun tatanggapin. Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa kama at aamba ng lalabas nang mahinto ako nang magsalita siya.

"Hoy, may problema ka ba? Mukhang may problema ka kasi, saka... nasasaktan?" tila hindi pa siya sigurado sa huli niyang sinabi.

Naglakad na ulit ako at tuluyan na akong lumabas ng kwarto nang hindi siya nililingon. Bahala siya diyan. Oo, problemado ako. Oo, durog at wasak ako at lahat ng iyon ay dahil sa sarili kong katangahan. Bakit ko nga ba kasi pinoproblema ang nakita ko sa plaza? 'Di ba dapat nga ay matuwa ako dahil masaya siya?

Napahawak ako sa batok ko nang may mapagtanto ako.

Kung naiinis ako sa sarili ko, bakit dinadamay ko siya? Kung naiinis ako sa sarili ko, bakit parang iniiwasan ko siya? Wala siyang kasalanan dito kaya wala akong karapatang iwasan siya!

Humarap ulit ako sa pintuan at nagulat ako nang bigla itong bumukas. Bumulaga sa akin si Kelly at tila siya'y nagulat din. Hindi agad ako nakapagsalita at hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Asan na?" tanong ko, bigla na lang bumulaslas 'yun sa bibig ko.

Taka naman ang gumuhit sa mukha niya kaya napakamot ako sa aking ulo. Kahit ako'y hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, eh.

"'Yung t-tubig." medyo nahihiya kong sabi dahil una sa lahat, pwede naman akong kumuha sa kusina pero heto ako ngayon at hinihingi ulit ang tubig na inalok niya sa akin kanina lang.

Kahit nagtataka ay nakuha niyang ngumiti nang nakakaloko at tumalikod na siya ulit sa akin para siguro kunin ang tubig na inalok niya kanina.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Napatayo ako nang matuwid nang makarating na siya ulit sa harapan ko. Inabot niya sa akin ang baso at mabilis kong kinuha ito at ininom. Umiinom ako habang nakatingin sa kanya, at siya naman ay pinapanood ako sa pag-inom.

Ma-in love ka sana sa paggalaw ng adam's apple ko!

Napatawa siya bigla habang umiiling-iling na ikinataka ko. May nakakatawa ba? May kulangot ba ako o muta para mapagtawanan niya?

Mabilis siyang napatigil sa pagtawa, at ako naman ay napatigil sa pag-inom nang may biglang dumapong paru-paro sa ibabaw ng basong iniinuman ko.

Nagulat si Kelly sa nakita niya at mabilis na bumalik sa blangkong ekspresyon ang kanyang mukha kaya napakunot ang noo ko. Mabilis niyang pinaalis ang paru-paro at bigla niya akong nilagpasan kaya parang bigla na lang nadurog ulit ang kaluluwa ko.

Anong nangyari roon? Bakit biglang nagbago ang mood nu'n? Mood swings? Hays, babae nga naman, oh! Makapagpiko na nga lang sa labas.

Kelly's point of view

Ang simbolong iyon. Alam ko ang simbolong iyon! 'Yung paru-paro. May ibig sabihin ba talaga iyon na kailangan ko ng paghandaan o nagkataon lang na may paru-paro sa loob ng bahay ko? Pero bakit ganito ang feeling ko? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at kailangan kong itago ang takot na nararamdaman ko.

Paano kung nandito na nga sila? Paano kung nalampasan nila ang pinakahuling pagsusulit?

Pinunasan ko ang noo kong pawisan dahil sa kaba. Paano na nga lang kung nandito na sila? Anong mukha ba ang ihaharap ko? Hindi ko naman ginusto ang nangyari noon, eh! Ginawa ko lang naman 'yon para sa ikabubuti nila, dahil kapag hindi ko iyon ginawa, paniguradong matagal na kaming nasa hawla at matagal ng naproseso ang eksperimento.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Tey at ini-abot niya sa akin 'yung panyo niya. Hindi ko iyon tinanggap dahil baka mapansin niyang nanginginig ang kamay ko.

"Saan ba tayo pupunta, Kelly?" tanong ni Nam na nasa likod. Naglalakad lang kami ngayon patungo sa lugar kung saan inilalagay ang bagong salta o ang pagbabalik ng ibang Bulletproof galing sa pinakahuling pagsusulit. Ang huling pagsusulit na kababaliwan ng lahat.

"Sa lugar na una n'yong kinatayuan sa lungsod na 'to," sagot ko nang hindi siya nililingon.

May naramdaman akong haplos sa pisngi ko at paglingon ko ay nakita ko si Tey na pinupunasan ang pawisan kong mukha.

"Dugyot." medyo natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at malakas kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Huwag mo nga akong kausapin." irita kong sabi sa kanya kaya nagkantyawan ang nga kasama namin.

"Ayaw kang kausap ni Kelly, Tey. Kaya shoo dahil ako ang gusto niyang kausap, 'di baㅡ" mabilis ko ring pinutol ang balak na sabihin ni Jim.

"Ayaw rin kitang kausap!" at nagmartsa ako nang mabilis.

Nagtawanan sila pero hindi ko na sila pinansin dahil nakatuon na nang buung-buo ang atensyon ko sa punong puno ng paru-paro.

Butterfly, ang simbolo ng dati naming grupo.

"Whoa! Ang daming paru-paro!" manghang sabi ni Jin.

"Bakit noon ay wala pa 'yan diyan?" nakangusong tanong naman ni Yong.

Hindi ko sinagot o pinansin ang mga manghang sinasabi nila dahil ramdam kong nanginginig na ang labi ko at kapag nagsalita ako'y mawawarak lang ang boses ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita ko sila.

Nagtakbuhan ang mga kasama ko sa puno at lumapit sila sa apat na babae na nasa ilalim nu'n na mukhang may hinihintay.

"Magandang tanghali, babies!" malanding bati ni Jim.

Nandito sila.

Totoo nga ang hinala ko. Paano na ngayon? Ano na ang sasabihin ko kapag nagtanong sila? Ano na ang gagawin ko kapag nagkaharap na muli kami?

Napalingon silang apat sa akin kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko na ang kakayahan nila. Nararamdaman ko na ang galit nila at basang-basa ko na ang tumatakbo sa isip nila.

Napapikit ako nang marinig ko silang sumigaw nang galit sa isip nila. At naramdaman ko rin ang mga abilities nila na unti-unting lumalakas. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, magagalit sila kapag nakita nila ang taong trumaydor sa kanila. Lalabanan ko ba sila kapag sinugod nila ako ngayon?

Matalim nila akong tinignan at lahat sila'y nagtiim bagang. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil sa reaksyon nila. Tila bumaon na ang mga paa ko sa sahig at hindi na ako makakaalis pa rito sa kinatatayuan ko. Pero nawala ang lahat ng kabang nararamdaman ko nang akbayan na naman ako ni Tey.

"Halika roon. Enjoy na enjoy sila, at ikaw rin ay dapat mag-enjoy." nakangiti niyang sabi sa akin kaya nginitian ko rin siya.

Tumango ako sa kanya at kahit hirap akong maglakad ay sinubukan ko pa rin para hindi nila mahalatang may tensyong namamagitan sa akin at sa apat na babae.

Nang makarating kami sa puno ay bigla akong nakaramdam ng patalim na papalapit sa akin kaya mabilis kong hinila si Tey pa-upo para hindi rin siya tamaan. Gulat na gulat ang mga kasama ko sa nasaksihan nila.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko inaasahang aatakihin nila talaga ako. Napatingin ako sa tinamaan ng matulis na bato at alam ko kung sino ang may pakana no'n.

Joy.

"Hanep! Muntikan na kayo du'n, ah! Sinong gumawa nu'n, ha!" galit na sigaw ni Hook habang nanlalaki pa rin ang mata.

Mabilis akong tumayo at humarap ako sa pitong lalaking kasama ko.

"G-Guys, gala muna kayo. May kakausapin lang akong mga ka-kaibigan." medyo ilang pa ako banggitin ang 'mga kaibigan'. Nginitian ko sila at tinuro ko ang apat na babae. Tumango sila bilang pagsang-ayon at umalis na sila roon. Pero si Tey at Jim ay nanatili kaya tinignan ko sila nang malalim.

"Jim..." pagbanggit ko ng pangalan niya ay tumango rin siya at umalis na.

"Teyㅡ"

"Papaalisin mo rin ako? Sa tingin mo'y aalis ako? Ni hindi nga namin 'yan kilala! Paano na lang kung saktan ka nila? At alam mo ba ang nangyari kanina? Muntikan na tayong madali saㅡ"

"Sabi ko naman sa inyo, k-kaibigan ko sila. Kaya huwag kang mag-alala, Tey." at nginitian ko siya nang matamis para lang mapapayag siya. Nag-tsk lang siya at umalis na rin.

Nang wala na ang mga kasama kong lalaki ay hindi ko alam kung haharap ba ako sa apat na babae. Pero bago pa ako makapagdesisyon ay sinugod na ako ng isa sa kanila.

"Yuri!" banggit ko sa pangalan ng sumugod sa akin.

Matalim niya akong tinitigan at mabilis niya akong siniko sa mukha pero nasangga ko iyon ng braso ko. Sisipain niya dapat ako patagilid sa baywang ko nang masalo ko ang binti niya at marahas ko itong binaba.

"Pakiusap, pagpaliwanagin n'yo ako!" sigaw ko habang sinasangga ang bawat atake niya.

Hindi niya ako pinakinggan at galing sa likod niya ay nagsuguran ang mga paru-paro sa aking pwesto.

Malutong naman akong napamura dahil ginamit niya ang kakayahan niyang makipagcommunicate sa hayop. Tumakbo ako pero hinahabol pa rin ako ng mga paru-paro.

Walang patutunguhan ang pagtakbo ko kaya huminto ako at hinayaan kong sugurin ako ng mga ito. Pinalibutan ako ng mga paru-paro at mabilis ang bawat pag-ikot nila sa akin.

Napapikit ako nang mariin dahil naramdaman ko ang kakayahan ng isa pa sa kanila. Biglang nag-alisan ang mga paru-paro at bumungad sa akin ang maraming babae pero iisa lang ang mukha.

"Wendy," banggit ko at tinignan ko ang totoong Wendy sa maraming Wendy'ng nakapalibot sa akin.

Isa-isang sumugod sa akin ang mga Wendy at hinaharang ko ang bawat atake nila. Marami ng nanonood sa amin at alam kong kilala nila at alam nila ang istoryang mayroon sa aming lima.

Susugurin ko na sana ang totoong Wendy nang naramdaman ko na unti-unti akong nanghihina. Abilidad ito ng best friend ko!

"Shulgi." tinignan ko siya at nasa harapan ko siya.

Unti-unting nawala ang mga Wendy at isang Wendy na lang ang natira. Nakita ko naman sa gilid ko si Joy at naramdaman ko ang ability niya at bigla ko na lang naramdaman na kinansela niya ang kakayahan ko.

Tangina, wala na akong kawala.

"Demonyo ka!" sigaw ni Yuri at malakas niya akong sinampal. Napadapa ako sa pagsampal niya sa akin at pakiramdam ko'y namanhid ang kaliwa kong pisngi.

"Traydor!" galit na sigaw ni Joy at sinipa niya ako nang malakas sa tagiliran kaya napapikit ako nang mariin sa sakit.

At dahil sa pagpikit na ginawa ko ay lumabas na ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Grabe, namiss ko sila!

"Walanghiya ka!" sigaw ni Wendy.

Iniharap niya ako at ngayon ay nakahiga na ako sa sahig. Pinatungan ako ni Wendy at malakas niya akong pinagsasampal at pinagsusuntok. Hindi ako pumalag. Kahit masakit, ayos lang sa akin.

"Wala kang karapatang tawagin kaming kaibigan dahil noon pa lang, wala na tayong samahan! Noong trinaydor mo kaming hayop ka!" galit na sigaw ni Wendy at binigyan niya pa ako ng sipa sa tiyan bago ako tuluyang layasan.

Napapikit ako at napalunok nang may mabilis na basurahan ang lumilipad papunta sa pwesto ko at malakas iyong tumama sa akin na naging dahilan para sa paglabas ng dugo galing sa bibig ko. At kumalat rin sa akin ang laman ng basurahang iyon.

"Ano? Hindi ka ba lalabang traydor ka? Huh!" galit na sabi ni Yuri at sinipa niya ulit ako sa mukha.

Tangina, lasang-lasa ko na ang dugo ko.

"I... missed you..." banggit ko kahit hirap na hirap na.

Napatigil sila sa sinabi ko at nag-alab na naman ang galit nila sa akin. Pero si Shulgi ay nanatiling nakatayo at hindi ako sinugod.

"Well, huwag kang umasa na na-miss ka namin, dahil never iyong mangyayari!!" at hinampas na naman ako ni Joy ng basurahan na kanina lang na tumama sa akin.

Tumama sa ulo ko ang hinampas niya at napabagsak ako sa sahig dahil hindi ko na kaya. Ang sakit ng buo kong katawan at bumubuga na ako ng dugo sa bawat suntok na siyang ginagawa nila. Damang-dama ko sa bawat atake nila ang matindi nilang galit sa akin. Gigil na gigil silang gantihan ako.

"Okay... lang na... saktan n'yo ako... Alam ko naman... ang kasalanan ko. Deserve kong mabugbog galing... sa inyo..." nanghihina kong sambit at pumikit ako nang sumakit na naman ang buo kong katawan. Pakiramdam ko'y hindi na kakayanin ng katawan ko.

Kahit kaunti na lang ang buka ng mata ko ay nakita kong hahampasin sana ulit ako ni Joy nang pigilan siya ni Shulgi.

"Tumigil ka na, Joy." pagpigil niya rito. Hinagis ni Joy ang basurahan sa kung saan at narinig ko ang padabog niyang yapak papalayo.

"Hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon ay naaawa ka pa rin sa kanya kahit trinaydor na tayo ng babaeng 'yan!" galit namang sigaw ni Yuri kay Shulgi.

"Kahit papaano'y may samahang nabuo sa atin." kalmadong sabi ni Shulgi habang nakatingin sa akin nang walang ekspresyon.

Hey, Shulgi, ang hirap mo pa ring basahin hanggang ngayon.

"Wow. Just wow! Samahan? So, may samahan pa lang nabuo sa atin kaya pala nagawa niya tayong traydurin?" sarkastiko namang sabi ni Wendy.

Napapikit ako nang maramdaman ang sakit physically at... emotionally.

Hindi nakasagot doon si Shulgi. Baka napagtanto niyang tama ang sinabi ni Wendy. Pero hindi ko sila trinaydor! Ginawa ko lang iyon para makaligtas sila. Dahil kung hindi ko iyon ginawa ay baka wala na ang katawan namin at pinaglalaruan na ang mga cell namin!

Gusto ko sanang magpaliwanag sa nangyari noon pero hindi na kaya ng katawan ko pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagbalik ng ability ko at naramdaman ko rin ang ability na nagbabadyang maghasik ng dilim.

'Wag ngayon!

"Kelly? Kelly! Anong ginawa n'yo kay Kelly? Kelly!" boses ni Tey ang narinig ko at galit na galit iyon.

"Nararapat lang 'yan sa kanyaㅡanong nangyayari rito?!" gulat namang sigaw ni Yuri.

Naramdaman ko na naman ang madilim na ability na 'yon. Sana ay walang mangyaring masama... sana wala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top