Chapter 11: Dark Shadow
Tey's point of view
Ilang araw na rin ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay hindi pa namin alam kung ano ang ability ko. Sinubukan ko na ngang tumalon galing sa bubong, eh. Tapos nagkulong din ako sa kwarto at dinama ko ang paligid. Sinubukan ko na ring huwag huminga, nagbabakasakaling maging invinsible. At sumisid din ako sa tubig, baka kasi makahinga ako. Tapos kumain din ako nang kumain, baka kasi kumain ng sobrang dami ang ability ko. Pero nabuhay lang lalo ang bilbil ko.
Tapos kahapon ay sinubukan kong humigop ng maraming hangin at pagkatapos ay ibubuga ko, ibinuga ko 'yun sa harapan nilang lahat. Sakto hindi pa naman ako nagsipilyo nu'n. Tapos lahat sila'y nahimatay! So ngayon, alam ko na ang ability ko.
"Tey! Kung saan-saan ka punta nang punta!" sigaw sa akin ni Nam.
Nandito kami ngayon sa plaza ng lungsod. Namamasyal lang kami dahil nakakaumay na 'yung bahay ni Kelly.
"Tey, Juko, para kayong mga bata!" sigaw naman ni Jim sa amin ni Juko.
Naghahabulan lang naman kami ni Juko, tapos kapag nahuli niya ako o kapag nahuli ko siya, magbabakalan kami ng buhangin na galing sa isang palaruan. Ginawa pa nga naming confetti 'yun, eh.
"Kami'y bata sa mukha at kilos, ikaw ay bata sa height! Ah, liit!" panunukso ni Juko kay Jim.
Nagtawanan kami dahil nakisali na rin si Jim sa paghahabulan namin. Pati nga ang mga bata ay nakikisali na sa amin, eh. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik kami sa pagiging grade 2.
Nang nagkahulian kaming tatlo ay sabay-sabay kaming humilata sa sahig.
"Por que hindi sila ang naglalaba, ang lakas na ng loob dumihan ang damit! Kainis!" napalingon kaming tatlo kay Jin nang sumigaw ito.
"Kaya namang talunin ng Breeze 'yung dumi nito sabi sa commercial!" sabi ko at tumayo para umupo sa bench na malapit lamang. Nakaupo roon si Yong at nakapikit ang kanyang mga mata. Natutulog na naman ang gilagid na 'to.
"Oo, kayang talunin ng Breeze 'yung dumi, kaya nga pati libag mo ay natanggal nu'ng sinabon mo 'yon sa katawan, eh!" napalingon ako kay Jin nang banggitin niya nang malakas ang sikreto ko.
"Halaaa! Binunyag mo ang sikreto ng mabilbil na katulad ko!" inis kong sigaw sa kanya at humalukipkip ako ng braso sa dibdib.
"Damn! Ang ingay mo, Tey!" napaupo naman ako nang matuwid nang sinigawan ako ni Yong dahil ang ingay ko raw.
Bakit ako na naman ang may kasalanan? Lagi na lang ako ang nasasabit at nasisigawan! Ang bait-bait kong tao tapos ginaganito lang nila ako?
"Takpan mo 'yang tainga mo nang hindi ka ma-ingayan. Duh!" at umirap ako sa kanya. Bigla naman niya akong sinipa sa binti kaya napakunot ang noo ko sa inis.
"Aray naman! Parang hindi masakit 'no?" sarkastiko kong sabi sa walking gilagid na katabi ko.
"Oo, hindi 'yan masakit dahil alam kong manhid ka. Tignan mo, dumadamoves na si Jim, pero hindi mo man lang maramdaman." nakapikit niyang sabi at mukhang matutulog na naman. Napalingon naman ako sa pwesto ni Kelly at nakita ko du'n ang walang height, kulang sa height, maliit, pandak, at dagul na si Jim.
Biglang nag-init ang pakiramdam ko at may temtasyong nararamdaman. Pakiramdam ko'y mayamaya lang ay tatayo ang pututoy ko. Pero sandali... Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko...
"Tey..." dinig kong bulong sa kanang tainga ko. Dahan-dahan akong lumingon pakanan at bumulaga sa akin ang sandata ng kalawakan.
"Paking teyp!" mabilis akong napatayo dahil hinimas na naman ni Hook ang kaliwang hita ko.
"Hahaha!" malakas na tawa ni Hook at humawak-hawak pa siya sa kanyang tiyan.
Tinignan ko siya nang matalim at dinuro.
"Libog! Malibog!" inis kong sigaw sa kanya.
Bwisit na Hook 'yan! Malibog ang baba niya! Akala ko pa naman kung ano na 'yung nararamdaman ko. Tapos 'yun pala ay hinihimas niya ang hita ko at pinapatayo ang pututoy ko.
"Pst! Kuya, ano po 'yung libog o 'yung malibog?" napatingin naman ako sa kaliwa ko nang may kumalabit sa akin.
Nanglaki ang mata ko nang makakita ako ng dalawang bata. Isang lalaki at isang babae. Mukha silang mga inosente na ipinasok sa mundong kadiliman.
"Libog? Malibog? H-Huy! Wala akong sinabi na ganu'n, ah! Ang sinabi ko ay lubog at malubog. Oo, 'yun nga! Lubog na lubog kasi 'yung baba nu'ng lalaking 'yun, oh. Sa sobrang lubog wala ka nang makitang baba." pagpapalusot ko. Tinuro ko pa si Hook na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.
Lumingon sa kanya 'yung dalawang bata at kumunot pa ang noo nila. Pero makalaon ay tumawa sila kaya nakitawa na rin ako. Ayoko namang ma-OP, 'no.
"Hahahaha!" malakas na tawa ng dalawang bata.
Napakamot ako sa batok pero tumawa rin, "Hahahaha!"
Napapatingin na sa amin ang ibang tao pero kaming tatlo ay tumatawa pa rin sa hindi malamang dahilan.
"Pfft! Hahahaha!" at napahampas pa 'yung batang babae sa braso nu'ng batang lalaki.
"Hahahaha! Ano bang pinagtatawanan natin? Hahaha!" tawa ko dahil tawa kami nang tawa pero wala namang dahilan.
"Ewan ko nga po, eh. Hahaha!" sagot naman nu'ng batang lalake kaya lalo kaming natawa.
Napatigil lang ako sa pagtawa nang marinig ko ang halakhak ni Kelly. Paglingon ko sa pwesto niya ay nang lamig ang pakiramdam ko. Patay na yata ako. Kakatawa'y nawalan na ako ng hininga lalo na nang makita ko siya, katawanan si Jim de Cherifer.
Napanguso ako dahil hinahampas pa ni Kelly ang braso ni Jim. Hinimas pa niya iyon. Napatingin ako sa braso ko. Soon ay mas mabato pa ang akin kaysa sa kanya.
Traydor ka Kelly. Traydor ka Jim. Akala ko pa naman ay magmamahalan na kami nang walang hanggan! Pero heto siya ngayon at tumatawa kasama ang ibang lalaki! Ang sakit makita na ang taong mahal mo ay tumatawa pero hindi ikaw ang dahilan. Na masaya siya na hindi ikaw ang katabi niya, masaya siya dahil sa iba.
Lalo akong napanguso nang maramdamang nanginginig na ang labi ko at handa ng kumawala ang hikbi.
Napakuyom ako ng kamay nang magkilitian ang dalawa sa paningin ko. Kelly, ayos lang ba sa iyo na gusto kita? Gusto kong irewind ang dating panahon na tayong dalawa lang ang naggaganyanan.
"Hindi ako iiyak..." bulong ko at bigla na lang kumawala ang luha sa mata ko na mabilis ko namang pinunasan.
"Hindi naman ako umiiyak, eh!" kumbinsi ko sa sarili ko.
Natigil lang ako sa pagdadrama nang kalabitin na naman ako ng dalawang bata.
"Kuya, selos ka?" tanong nu'ng batang babae. Tumango ako bilang sagot pero nakatuon pa rin ang tingin ko sa dalawang naglalambingan.
"Kayo ba?" dinig kong tanong naman nu'ng batang lalaki.
"Hindi," maikli kong tugon at bumagsak ang balikat ko. Pati rin ang paningin ko ay bumagsak sa lupa.
Nalulungkot ako para sa sarili ko dahil nagseselos ako nang ganito pero wala naman akong karapatang magselos dahil simula't sapul, hindi kami. Walang kami. Siya lang at ako pero walang kami.
"Hindi naman pala pero nagseselos ka." napatikom ako ng bibig dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa dalawang bata na 'to.
"Nagseselos ako hindi dahil kami, nagseselos ako dahil may nararamdaman ako para sa kanya." malungkot kong tugon sa dalawang bata.
Napatingin ako sa kabilang bench nang may marinig na naman ako na tawanan. At nakita ko naman doon ang NamJin na nagsusubuan ng ice cream. At si Juko at Hook naman ay naglalaro. Si Yong ay masayang natutulog. At samantalang ako... durog na durog dito. Sana pati bilbil ko ay madurog.
"Kung gusto mo naman pala siya, eh bakit nakatunganga ka lang diyan, Kuya? Bakit ayaw mong lapitan at bulabugin ang tawanan nila nang hindi ka nasasaktan?" tanong ng batang babae. Tumango roon ang batang lalake bilang pagsang-ayon.
"Bakit ko bubulabugin ang kasiyahan ng taong mahal ko?" nanghihina kong tugon at napaupo ako sa bench na inuupuan din ni Yong.
Hindi ko namalayan na gising na pala si Yong at nakatingin rin siya kina Kelly at Jim.
"Alam mo, Tey, ang corny mo," sabi ni Yong kaya napatingin ako sa kanya.
'Yung dalawang bata naman ay nilayasan na ako. Ang bilis pa nga nawala nu'ng batang lalake eh, tapos 'yung batang babae naman ay bigla na lang lumutang saka siya umalis. Naumay yata sa kadramahan ng gwapong katulad ko kaya agad silang umalis.
Napabuntong hininga na lang ako at napapikit. Dilim ang nakita ko nang pumikit ako at nang dumilat ako ay ganoon pa rin, madilim pa rin. Napakapa ako sa gilid ko at nakapa ko naman doon si Yong. Pero bakit ang dilim? Wala akong makita!
"T-Tey, ikaw ba 'yan?" dama ko ang takot at taka sa boses ni Yong kaya mabilis akong sumagot.
"O-Oo, pero bakit ang dilim?" nagtataka kong tanong.
Napahawak ako sa sentido ko nang makaramdam ako ng hilo. Pakiramdam ko ay mayamaya lang ay bubuwal na ako. Napahawak din ako sa batok ko dahil pinagpapawisan na pala ako. Nang maramdaman kong umikot ang sikmura ko ay bigla na naman akong nahilo nang sobra.
"Tey, a-ano bang nangyayari? Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang dumilim!" natatarantang sabi ni Yong at naramdaman ko siyang tumayo. Nang sinubukan kong tumayo ay bigla naman akong nabuwal dahil biglang umikot nang sobrang bilis ang buong paligid. Kahit hindi ko nakikitang umiikot ay nararamdaman ko naman.
"Yong, umiikot 'yung paligid!" taranta kong sigaw at napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ulit ako nang matinding sakit.
"Tey, ano nangyayari sa 'yo? Tey!" hindi ako nakatugon sa kanya kaya inalug-alog na ako ni Yong. Sinubukan kong magsalita pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Sinubukan kong imulat ang mata ko pero hindi ko nagawa, pakiramdam ko ay may pumipigil dito at sobrang bigat pa. Sinubukan ko ulit na tumayo pero nabigo lang ulit ako.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay umiikot na naman ang paligid at sobrang sakit na ng ulo ko. Pakiramdan ko ay ito ang magiging dahilan ng pagkamatay ko dahil hindi ko na kaya ang sakit nito.
Sumigaw ako nang sumigaw kahit walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ano ba ang nangyayari sa 'kin at bakit ako nagkakaganito? May kumukulam ba sa akin at dinala ako nito sa dilim na dimensyon?
Unti-unting nawala ang sakit ng ulo ko at pati na rin ang pag-ikot ng paligid. At unti-unti na ring lumiliwanag ang paligid pero bago tuluyang luminaw ang imahe ng paligid ko ay bigla na lang ako napahabol sa paghinga ko. Mabilis ito at malalim ang bawat paghinga.
Nakita kong nagtakbuhan silang lahat patungo sa pwesto namin ni Yong. Natataranta sila at natatakot sa kung anong nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay mayamaya lang ay bibigay na ang katawan ko.
Sa huling paghugot ko ng hininga ay naramdaman kong may dumaloy na likido sa ilong ko at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top