Chapter 10: Training

Tey's point of view

Napakaganda na ng panaginip ko. Nasa Jupiter na raw kami ni Kelly at doon daw kami kinakasal. Ang saya-saya raw namin. Ang ganda ng dress ni Kelly at ang ganda rin daw ng suot ko. Grabe napakagwapo ko sa panaginip ko! At magkikiss na sana kami ni Kelly sa panaginip ko nang bigla ako makaramdam ng kumukurot sa pisngi ko.

Napamulat ako ng mata dahil naputol ang panaginip ko pero nabawi rin agad ang pagkabad trip ko nang makitang si Kelly pala ang kumukurot sa pisngi ko. Ang babaeng bumabaliw sa akin.

"Ang iyong harapan ay the best..." bulong ko habang nakatingin sa kanyang dibdib.

"Ang iyong likod ay the best..." at lumingon ako sa kanyang likod para tignan ang kanyang puwitan.

Napatigil ako sa pagpapantasya sa kanya nang bigla niya ako suntukin sa mukha.

"Bastos!" sigaw niya at mabilis na lumabas sa kwarto.

Nakarinig ako ng tawa kaya tinignan ko ang mga kasama ko. Mukhang kagigising lang nila at pakana na naman ito ng babaeng mahal ko. Nagmistula na siyang alarm clock sa bahay na 'to.

Napatawa ako nang maalala ko na naman ang panaginip ko. Naalala ko rin ang katawan ni Kelly.

"Ang libog mo, Kuys Tey." at napailing pa si Juko.

"Sana nga makamundong pagnanasa lang 'tong nararamdaman ko para sa kanya, eh." dahil lalake rin ako kaya kahit papaano'y naaakit ako sa kanyang katawan. Pero kahit burahin ko ang sexy'ng katawan niya, hindi pa rin nawawala ang mabilis na tibok ng puso ko tuwing nakikita siya kahit balot na balot.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili dahil sabi ni Jin ay may pupuntahan daw kami kaya raw umagang-umaga pa lang ay nambubulabog na agad si Kelly.

"Guys, dalian niyo. Para hangga't hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw ay makapagtraining na tayo!" sigaw ni Kelly galing sa labas.

Napahinto ako sa paglalakad at ganoon din ang mga kasama ko. Training? Para saan?

Mabilis kaming lumabas ng bahay at hinarap namin si Kelly na busy sa paniningin sa kanyang bisikleta.

"Kelly, anong training?" takang tanong ni Nam.

Humarap sa amin si Kelly na may ngiti sa labi. Ang ngiting iyon...

"Ite-train ko ang ability niyo," sabi niya na ikinalaglag ng panga namin.

"Abilidad namin?!" sabay-sabay naming sabi, hindi makapaniwala.

Tumango siya at lalo pang lumapad ang ngiti niya.

"'Di ba, lahat ng Bulletproof ay may iba't-ibang ability? At sa tingin ko, ngayon na ang tamang oras para hasain iyon. Panahon na para malaman niyo ang kakayahan niyo. Kasi kung ako ang tatanungin? Matagal ko ng alam ang ability ninyo." paliwanag niya.

"Kailangan niyo ng matutunan kung papaano gamitin ang ability niyo dahil may paparating nang delubyo. At ang ranking mismo ang gigiba sa inyo kung hindi niyo alam kung paano lumaban." napalunok ako sa sinabi ni Kelly.

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa utak namin ang nangyari kahapon. Ang binalita ni Mr. Ariel na tungkol sa ranking. Paano na lang ang magiging kapalaran namin kung wala si Kelly para gabayan kami?

At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Alam na niya ang ability namin? Pero ako, ano ang ability ko? May ability na ba ako na maabot siya? May ability na ba akong mapa-ibig siya sa akin?

"Talaga? Astig!" mangha naming sigaw habang pumipidal papunta sa aming destinasyon.

"Yup! Dahil ang abilidad ko ay maramdaman o malaman ang abilidad ng iba. Astig, 'no?" mabilis kaming napatango sa kanyang sinabi.

Ang astig naman ng ability niya! Nararamdaman o nalalaman niya kaya ang pagmamahal ko sa kanya?

"Hindi na ako makapaghintay na malaman ang ability ko! Ayaw pa kasing sabihin ni Kelly, eh." nakangusong sabi ni Hook.

Ako rin ay excited nang malaman ang ability ko. Akala ko noon ay pagpunta lang sa Jupiter ang kaya ko at pagcommunicate sa mga alien, pero mukhang may iba pa akong kakayahan. Napakaastig ko talaga!

"Eh, paano naman 'yung inaaral natin para sa psychic ability?" tanong ko.

Napatingin sa akin si Kelly at napatawa nang mapait. "Alam niyo bang binibilog lang kayo sa ganu'ng mga bagay? Ang tunay na nakakakuha ng perfect scores doon ay ang mga may kakayahan lang na Telepathy. So, 'wag na ulit kayong maniwala na may psychic ability kayo kapag nakakuha kayo ng mas mataas pa sa 10."

Napatango kami pero may kasama ring nguso sa labi. Akala ko pa naman ay totoo 'yung sinasabi nila! Mga manloloko talaga ang mga tao rito!

Nagbisikleta lang kami nang nagbisikleta sa mga talahib. Ang kati na nga ng katawan ko, eh. Kainis naman kasi, bakit ba kasi walang matinong daan ang papunta sa destinasyon namin?

"Kelly, baka naman naliligaw na tayo? Nangangawit na ako kapipidal, eh!" reklamo ni Yong.

Lumingon si Kelly sa kanya at sinamaan niya ito ng tingin kaya napalunok na lamang si Yong.

"Edi maiwan ka na lang diyan at kami na lang ang magpapatuloy. Basic!" sarkastikong sabi ni Kelly kaya napatahimik na lang si Yong.

Takot talaga kami kay Kelly dahil dinaig niya pa ang demonyo kung makatingin nang matalim sa amin. Mas matalim pa sa kutsilyo o blade!

Kaya nga nahiwa niya ang puso ko at lumabas doon ang sandamakmak niyang katao. Puro Kelly Lagidnon na lang kasi ang laman ng puso ko.

Habang nagrereklamo kami sa makating talahib ay tila naabot na namin ang aming destinasyon dahil bumulaga sa amin ang malaking espasyo. Napanganga ako at napamangha. Lupa lang din naman ang sahig pero ang lawak!

Pumunta kami sa pinakadulo at bumungad sa amin ang bangin. Nasa ilalim ng bangin ay ang malinaw na ilog. May ganito pala rito? May malinis at magandang ilog pala rito.

"Hala. Ang ganda..." manghang bulong ni Jim. Sumang-ayon kami sa kanya. At mas lalong gaganda ang tanawin dito kapag sunrise o sunset dahil paniguradong kitang-kita 'yun dito. Napakaperpekto ng lugar na ito para sa mga nagmamahalan.

Bago pa kami makain ng tanawin ay tumikhim na si Kelly para maagaw ang aming atensyon.

"Doon muna tayo, guys." sabay turo niya sa malaking puno na nasa kaliwa namin kapag nakaharap kami sa ilog, at nasa kanan naman namin kapag nakatalikod kami sa ilog.

Tumango kami at pumunta kami sa malaking puno at tinabi namin doon ang aming mga bisikleta.

"Perpekto ang lugar na ito para makapagrelax." sabay higa ni Yong sa madamu-damong espasyo na nasa limlim ng puno.

Sinipa naman siya ni Kelly sa binti kaya napabalikwas siya ng bangon.

"Bakit ba?!" inis niyang tanong.

"Hindi tayo pumunta rito para matulog! Pumunta tayo rito para sanayin kayo sa ability niyo!" at sinipa pa niya ulit si Yong sa binti kaya agarang napabangon ito habang baluktot ang mukha.

Tinawanan namin si Yong dahil badtrip na badtrip siya. Tama nga naman kasi si Kelly, 'no.

Napatingin ako sa likod ng puno at natanaw ko roon ang Blood Tree.

Lumapit ako kay Kelly at inakbayan 'to. "Kelly, 'di ba iyon 'yung Blood Tree?" tanong ko habang nakaakbay pa rin sa kanya.

Hindi naman niya pinansin ang pag-akbay ko kaya sinulit ko na.

"Yup," nakangiti niyang sagot kaya halos matunaw ang puso ko.

Inaamin ko, kinikilig ako. Kaya para makaganti ay hinila ko siya papuntang puno at sinandal ko siya roon, at inilagay ko ang kaliwa kong kamay sa puno, sa kanang pisngi niya. Habang ang kanan ko namang kamay ay nakalagay sa kanang baywang ko.

Ang ayaw ko kasi lahat ay 'yung ako lang ang kinikilig. Gusto ko, pati siya'y kiligin.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko at hindi niya iyon inaasahan. Yumuko ako para magkatapat ang aming mukha.

"Bakit tanaw rito 'yun?" tanong ko sa pabulong na pamamaraan. At ginawa ko talaga ang lahat para maging nakakakilig ang pagkakasalita ko.

"A-Ahh, kasi ku-kunektado 'yun dito." utal-utal niyang tugon.

Ngumiti ako nang makitang namula ang mukha niya. Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Sa bawat paglapit ko sa kanya ay ramdam ko ang bawat pagpigil niya ng hininga.

"Talaga?" nakangisi kong tanong.

Nakita ko siyang napalunok muna bago tumango. Oo, may pagkasira-ulo akong lalake kaya siguro gusto ko ng babae na kagaya niya, may pagkasira-ulo rin. Oo, may pagkabaliw ako, kaya nagustuhan ko siya nang ganu'n-ganu'n lang.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagwawala ni Jim. Gusto na niya kaming bulabugin ni Kelly pero pinipigilan siya nina Nam habang tumatawa.

Napangisi ako at tumingin ako sa mata ni Kelly, sa ilong, at sa kanyang labi. Napamura ako nang malutong dahil hindi ko alam kung paano magpakilig. At desperado na akong magawa sa kanya iyon kahit mahirap!

Lalo akong lumapit sa kanya kaya ramdam ko ang panginginig niya. Lalo kong inilapit ang mukha ko at babalakin ko na sanang halikan siya kaso tumigil ako. At sa puntong iyon... nakita ko ang pagpikit ng kanyang mga mata. Gusto niya ba?

Halatang nagtataka ang mukha niya kaya napadilat siya pero ganoon pa rin kalapit ang mukha ko kaya halos maduling ako sa lapit ng mata niya sa akin.

"Honey, pumunta tayo rito para sanayin kami, hindi para ipikit ang iyong mata dahil gusto mo ng halik galing kay Tey Rivera." inilayo ko na ang mukha ko sa kanya at doon ako napahalakhak. Nahihibang na yata ako!

Lumapit sa akin si Kelly at mabilis akong binigyan ng tapak sa paa kaya halos mapatalon ako sa sakit nito.

"Screw you!" sigaw niya at binigyan niya pa ako ulit ng isa pang tapak kaya napatalon ulit ako sa sakit nito.

"Screw driver din you!" tugon ko at tumawa kahit ang sakit na ng kaliwa kong paa dahil sa pagtapak niya ng dalawang beses.

Naglakad na siya papalayo sa akin at narinig ko ang kantyawan ng mga kaibigan ko.

"Breezy moves!" halakhak ni Nam.

"Breezy? 'Di ba iyon 'yung ginamit na pangsabon ni Tey sa katawan noon?" halos mapa-irap naman kaming anim sa sinabi ni Hook. Alam ko na kahihinatnan nito!

"Breeze 'yun, Hook! Waley, grabe!" halos maghisterikal kong sigaw sa waley na joke ni Hook.

"Grabe, Tey, iba ka!" natawa naman ako sa panunukso nila.

"Aminin, gusto rin!" panunukso ni Jin kay Kelly kaya nakatanggap siya rito ng isang sapak.

Napatawa kami nang maluha si Jin dahil nagasgasan daw ang gwapo niyang mukha. Halos maglupasay siya nang makitang may sugat siya sa kanyang mukha.

Napalingon ako kay Jim na katabi ni Juko. Mukhang pinapakalma ni Juko si Jim. Nagtama ang mata namin at ang talim ng tingin niya sa akin. Sa halip na gantihan siya ng talim na tingin ay nginitian ko siya at mapanuksong dinilaan kaya halos sumabog na siya sa inis.

Inaya kami ni Kelly sa kalagitnaan ng aming pagtatawanan. Nasigawan pa kami dahil mabagal daw naming pagkilos. Nabadtrip ko yata siya.

"Maupo kayo at makinig lang sa akin. At hintayin niyong tawagin ko ang inyong pangalan." sinunod namin ang sinabi ni Kelly dahil ayaw naming mabugbog kapag hindi namin siya sinunod.

"Mayroon tayong kaisa-isang rule. At iyon ay ONE MOUTH RULE. Para naman mapakinggan niyo talaga ang ituturo ko. Okay?" tumango kami.

Nakasalampak kami sa lupa habang nakikinig sa mga sinasabi ni Kelly. Nakaharap kami sa malawak na bangin habang nakikinig sa kanya. May distansya naman kaya hindi rin kami mahuhulog kapag magtutulakan kami. Malaki ang distansya kaya walang problema.

"Yong, halika rito." tawag ni Kelly kaya napatayo si Yong.

Pinapwesto ni Kelly si Yong sa kanyang harapan bago magsalita. "Ikaw ang una kong nakitaan ng ability kaya ikaw rin ang una kong tinawag."

Nakaramdam ako ng excitement sa mangyayari kaya taimtim akong nakinig.

"Nakita kong ang abilidad mo ay tinatawag na heat vision." panimula nito.

"Pero paano?" tanong ni Yong.

Nagkatitigan ang dalawa bago sumagot si Kelly.

"Alam kong alam mo. Noong nahuli mo akong nakatingin sa 'yo habang nakangiti, sa pagkakatanda ko'y nasa Blood Tree tayo nu'n. Nakaramdam ako nu'ng time na 'yun ng init. Pakiramdam ko nu'n ay parang may nagliliyab kaya naging alerto ako, baka kasi mamaya ay may aatake pala sa atin. Pero nagkamali ako, ikaw pala iyon."

"Pagtingin ko pa lang sa mata mo, bigla na akong nakaramdan ng pagliliyab at nakita ko ang iyong mata, nagliliyab. At napagtanto kong ikaw nga 'yung nararamdaman ko. At lalo kong nakumpirma iyon nang matitig ka sa mga tuyong dahon at sa paglipas ng segundo, bigla na lang iyon nagliyab." dugtong pa ni Kelly.

Naalala ko nga ang mga oras na 'yon. Nagulat na lang kaming lahat nang magliyab 'yung mga tuyong dahon tapos si Yong pala 'yung may gawa nu'n.

Nga-nga kaming napatingin kay Yong dahil nakakamangha ang ability niya.

"Iyon ang aking abilidad? Heat vision?" tanong ni Yong at tinanguan iyon ni Kelly.

"Ang gagawin mo lang para masunog o magliyab ang isang bagay sa isang tingin, ay iisipin mo lang na masunog ito. Kahit hindi mo na hawakan, kayang-kaya mong sunugin iyon sa isang tingin lang. Pero dapat ay kontrolado mo. Baka mamaya, lahat ng tignan mo ay magliyab. Pero 'wag kang mag-alala, aaralin natin 'yan." paliwanag ni Kelly at lumapit siya kay Yong at may ibinulong.

Oh. Masyadong malapit, Honey.

"Fire!!" hiyaw namin kaya napatingin ang dalawang nakatayo sa aming harapan.

At pagkatapos naming sumigaw, napatingin sa amin si Yong at bigla na lang nag-init 'yung paa ko.

Oh, no...

Mabilis akong napatayo nang biglang mag-usok 'yung suot kong sapatos.

"Yong, tumigil ka!" nagpapanic kong sigaw.

Tumalun-talon na ako at tinabunan ko pa ng buhangin 'yung paa ko dahil pakiramdam ko ay matutusta ito. Bwisit na Yong!

"Hahaha! Tey, napakapangit ng reaksyon mo!" halakhak ni Jim.

Tinignan ko siya nang matalim.

"Kung ikaw kaya ang liyaban ng paa, magpapapogi ka pa ba ng mukha para lang hindi maging katawa-tawa?" irita ko sa kanyang sigaw. Bago pa kami magrambol ay inawat na kami nina Hook.

Napatingin ako kay Kelly nang marinig ko itong tumawa. Bwisit. Ginagantihan ako ng babaeng 'to.

Inirapan ko siya at bumalik na ako sa pagkaka-upo. Tinignan ko 'yung kanan kong sapatos at mukhang kailangan ko ng bumili ng bago. Sinira nila ang kaisa-isa kong sapatos!

Matapos itrain ni Kelly ang anim ay sa akin naman siya bumaling.

Si Juko ay may night vision, dahil hindi naman madilim ngayon, pinagpaliban muna ang training niya.

Si Jim ay may superhuman reflexes. May kakayahang tumalon nang mataas kaysa sa normal na kakayahan ng normal na tao.

Si Jin ay may superhuman sense of smelling. Kaya pala naamoy niya nang ganuong kalayo 'yung mga cakes sa Garden of Danger.

Si Hook naman ay may sound manipulate. Kaya raw nitong ikontrol ang ingay sa paligid. Kaya pala nu'ng tumili si Hook nang makakita siya ng ipis ay halos mabingaw kami. Inisip daw kasi nu'n ni Hook na tumili nang malakas kaya nakontrol daw nito ang pagtili niya at talaga namang naging malakas.

Si Nam naman ay may superhuman strength. Kaya pala lagi niyang nasisira 'yung mga malalapad na kahoy. Kahit anong gamit nasisira niya, kaya pala ganu'n dahil iyon ang ability niya.

Tumingin din sila sa akin kaya kahit hindi na tawagin ni Kelly ang pangalan ko ay tumayo na ako. Masyado akong excited para malaman ang kakayahan ko.

"Kelly, sabihin mo na agad 'yung ability ko. Dali!" excited kong sabi.

Pero sa halip na sumagot ay tinitigan niya lang ako. Sus, tinititigan na naman niya ako. Kaya ako kinikilig, eh!

Naghintay kami ng sasabihin ni Kelly pero walang lumabas na salita sa kanyang bibig. Napabuntong hininga lang siya pagkatapos ay nagsalita na.

"Hindi ko pa alam ang kakayahan mo." napa-awang ang labi ko at naramdaman kong pumasok doon ang hanging dumaloy galing sa paligid.

"Ano?" taka naming tanong kay Kelly.

Paanong hindi niya malalaman? Eh 'di ba, iyon ang kakayahan niya? Ang malaman o maramdaman ang kakayahan ng iba? O hindi ako Bulletproof, kaya hindi niya maramdaman ang ability ko?

Hanep, ang sakit namang isipin na hindi ako Bulletproof pero lahat ng kaibigan ko ay Bulletproof.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin, isa kang Bulletproof pero wala pa akong nararamdaman sa 'yo." napakunot ang noo ko. Walang nararamdaman sa akin? Anong nararamdaman ba? Pag-ibig o kakayahan?

"Tigilan mo na nga ang pag-iisip sa pag-ibig na 'yan! Puro ka pag-ibig!" sigaw niya na ikinagulat ko.

Paano niya nalaman na pag-ibig ang iniisip ko? Paano niya nalaman?

"Okay. Makinig kayo, ang kakayahan ni Key ay isa pang misteryo para sa akin, okay? Pero isa siyang Bulletproof, sigurado ako roon." aniya, "sa susunod na natin alamin ang kanyang kakayahan. Sa ngayon, humanap muna tayo ng makakainan. Kanina pa ako nagugutom, eh." at humawak pa siya sa kanyang tiyan nang bigla itong tumunog. Namula siya at napatawa kami dahil doon..

Ang cute niya talaga.

Nang maka-alis na kami sa training place ay agad namang pumasok ulit sa isip ko ang ability ko.

Ano ba talaga ang ability ko? Kinakabahan na ako! Paano na lang kung nagkamali si Kelly at hindi naman talaga ako isang Bulletproof? Paano na lang kung patalsikin ako rito dahil hindi naman ako Bulletproof? Gusto ko ngang patalsikin nila ako sa lungsod na 'to pero syempre ayokong iwan ang mga kaibigan ko. Lalung-lalo na si Kelly.

Ngayon na nga lang ako nagkagusto nang seryosohan, mahihiwalay pa? Ayoko! Kahit hindi ako Bulletproof, mananatili ako rito kapag kailangang manatili ng mga kaibigan ko rito.

"Huwag kang mag-alala, aalamin ko ang iyong kakayahan sa abot ng aking makakaya. Hindi ka mahihiwalay sa kanilaㅡsa amin, dahil isa kang Bulletproof." bigla akong nanigas sa aking narinig. Nakarinig ako ng boses sa hangin at kaboses iyon ni Kelly.

Tinignan ko siya at nakatuon lang naman ang atensyon niya sa daan. Hindi nga rin siya nagsasalita, eh. Pero paano ko narinig ang boses niya? O guni-guni ko lang 'yun?

Sa sobrang pagkagusto ko kay Kelly, pati boses niya'y kusa kong naririnig sa hangin. Tignan mo, Kelly, ang ginawa mo sa akin. Panagutan mo ito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top