Chapter 1: Bulletproof
Third person's POV
"Gng. Principal, i-aanunsyo mo o babarilin kita sa iyong ulo?" Matigas na wika ng isang lalaking may hawak na baril at nakatutok iyon sa noo nang matandang babae.
Kitang-kita naman sa mukha nang matandang babae ang kaba at takot dahil kapag siya'y tumanggi, maaaring iyon na nga ang kanyang kamatayan. Mabilis na tumayo ang matandang babae at kanyang itinutok ang bibig sa table stand microphone.
Nangangatog ang tuhod nang matandang babae habang ito'y nakatayo. Nasa kanyang harapan pa rin naman ang lalaki at ang baril nito'y nakatutok pa rin.
Nagulat na lang kanina si Gng. Principal nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, malakas pa ang pagkakabukas nito kaya lubos talaga siyang nagulat. At pumasok doon ang limang lalaki. Ang apat na lalaki ay armadung-armado at may kanya-kanya silang hawak na malalaking baril kaysa sa hawak nang mukha nilang pinuno. Nangunguna na naglalakad kanina ang mukhang pinuno sa kanila na pormal ang suot. Nakasalamin ito at talaga namang nakakatakot ang itsura dahil matalim ang bawat titig nito.
Jin Acosta's Point of view
Habang nagpapaliwanag ang aming guro sa harapan ay nagulat kaming lahat nang may biglang pumasok na mga armadong lalaki sa aming silid-aralan. Lahat sila'y nakasuot ng puting kasuotan at may malalaking baril na hawak.
Napatingin ako ka'y Nam nang magsalita ito. "Sino ang mga 'yan at anong ginagawa nila rito?" Nakakunot noong tanong ni Nam. Kahit ako'y nagtataka rin kung bakit may mga taong ganitong pumasok dito.
"Mga adik kasi kayo. Ayan tuloy, huhulihin na kayo, lalung-lalo ka na Tey," natatawang tukso ni Jim kay Tey.
Sinamaan siya ng tingin ni Tey saka tumingin ulit ito sa mga armadong lalaki. "Sinigurado ko namang walang nakakita sa akin nang gumamit ako, eh," bulong niya.
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Tey at nabakal siya ni Hook ng ballpen at tumama ito sa kanyang ulo.
"Aray!"
"Bakit ka gumamit? Sabi na nga ba, adik ka, Tey!" Bulyaw ni Hook kay sa kanya.
"Itokhang na 'yan!" Halakhak ko.
Masama kaming tinignan ni Tey at unti-unting namula ang kanyang tainga. "Ano ba? Mali naman 'yung iniisip n'yo, eh! Gumamit ako kanina ng sabong panlaba nu'ng naligo ako. Nahihiya akong ipakita na sabong panlaba 'yung ginamit ko sa katawan ko kaya nagtago ako habang naliligo!" Depensa ni Tey.
Baliw talaga 'to, sabong panlaba ba naman kasi ang gamitin na isabon sa katawan? Ginawa niyang damit 'yung sarili niya. Sarap talaga nitong ipatapon sa Jupiter.
"Kaya pala nagtaka ako kanina kung bakit bigla na lang naubos 'yung Breeze!" Sabi ni Hook.
"At kailan ka pa nagkahiya, ha, Tey?" Natatawang tanong ni Jim sa kanya. Ngumuso si Tey dahil pinagtutulungan siya nina Hook at Jim.
Napatingin ako kay Nam nang tumikhim siya. Nakatingin siya sa mga armadong lalaki kaya tumingin din ako roon.
Lumapit sila sa aming guro at may ibinulong doon. Halatang kinakabahan ang aming guro at pati na rin ang aming mga kaklase.
"Kinakabahan naman ako para kay Juko," sabi ni Nam.
Napatigil 'yung tatlo, ako, at pati si Yong na natutulog sa tabi ko'y napamulat nang marinig 'yung sinabi ni Nam.
"Paniguradong hinahanap na tayo no'n," nag-aalalang sabi ni Jim.
"Kung sa microwave ay takot 'yon, sa mga armadong lalaki pa kaya na may bitbit na malalaking baril?" Si Hook, natatawa.
"Bakit ba naman kasi ang bata pa ni Juko. Ayan tuloy nahiwalay sa atin," singit naman ni Yong.
Kung sasaktan kami ng mga armadong lalaki, may armas din kami 'no. Ano pa ba? Edi ang mahiwagang baba ni Hook! Aba, matulis 'yon. Lagi naming hinahasa 'yung baba ni Hook sa apartment namin.
Nakita kong tumitig si Yong sa mga armadong lalaki at napangisi.
"Astig," bulong niya bago dumukdok muli sa kanyang lamesa.
Napabuntong hininga ako sa nasaksihan. Wala talaga siyang pakialam sa paligid. Basta siya'y matutulog.
Tumingin ako sa bintana na kita ang pasilyo at inalala ko si Juko. "Ang kawawang Juko," bulong ko.
Mas lalong nadagdagan ang tensyon sa loob ng aming silid-aralan nang tumunog ang speaker na nakadikit sa isang sulok ng dingding. Hudyat na may sasabihin at may i-aanunsyo.
"Atensyon sa lahat ng mag-aaral," anito, "kayo'y may gagawin na pagsusulit. Ang pagsusulit na nanggaling kay Ginoong Bang. Ang mga armadong tao na nasa inyong silid-aralan, sila ang magbibigay ng mga kakailangan sa pagsusulit na gagawin ninyo. Huwag kayong mag-alala, hindi nila kayo sasaktan. Salamat," mahabang anunsyo ng aming Principal.
Nagkatinginan kaming anim at kita sa amin ang kaba. Anong pagsusulit naman ang ibibigay nila? At sino naman 'yung Ginoong Bang? Sa pagkakatanda ko ay wala kaming kasapi na ganoon ang pangalan. Si Nam ang presidente ng SSC at ako naman ay sekretarya kaya may alam ako.
Halata rin naman sa mukha ni Nam ang pagtataka kung sino si Ginoong Bang.
"Ang astig ng mga baril!" Wika ni Tey, namamangha.
Si Tey talaga, kami tensyon na tensyon na tapos siya ay namamangha pa. Baka naman bigla siyang barilin tapos ay mamangha pa siya.
Lumundag naman ang puso ko nang biglang lumapit sa akin ang isang armadong lalaki at may inilapag siya sa aking lamesa. Isang pulang kapsula.
Napakunot ang noo ko nang lahat kami ay may kanya-kanyang pulang kapsula sa bawat lamesa. Napatingin ako sa lima at nagkibit-balikat lamang sila. Sigurado akong si Nam at ako lang ang sumeseryoso sa nangyayari rito dahil sina Hook, Tey, Jim, at Yong ay mga sira-ulo.
Nagulat ang lahat nang maglapag ang isang armadong lalaki sa lamesa nang aming guro ng pula ring kapsula. Sa pagkakatanda ko ay kaming mga estudyante lang ang sinabihan ng punong guro na gagawa sa pagsusulit na 'to? At ano namang klaseng pagsusulit ba kasi ito at bakit ganyan pa ang kasuotan nila? Nakakatakot tuloy.
Kahit si Bb. Cauzon ay nagulat din nang maglapag doon ng pulang kapsula ang isang armadong lalaki.
Lahat kami'y tensyonado. Ang mga kasama ko ay tila sumeryoso na rin. Pati ang mga kaklase ko ay nagtataka na rin siguro kung anong klaseng pagsusulit ito. Wala lang nagbabalak magsalita o magtanong dahil pinapangunahan ng kaba at takot.
Lahat kami rito pwera lang sa mga armadong tao ay tila maiihi na sa salawal dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay may kabayo sa dibdib ko dahil pakiramdam ko'y may tumatakbo roon dahil sa bilis nito.
Napatingin ako kay Tey nang magtaas ito ng kamay. Nakalimutan ko, may isang tao pa pa lang may katapangan ang hiya sa loob ng kwartong ito.
"Mga bro, paano naman namin maiinom 'to kung walang tubig? Saka mineral ha, hindi kasi ako umiinom ng tubig gripo lang," napasapo na lang ako ng noo dahil sa sinabi ni Tey.
Seryoso, Tey? Tinawag mo pang 'bro' 'yung mga armadong tao at talagang naghangad ka pa ng mineral water!
Napatingin sa kanya ang iba naming kaklase at sumang-ayon sila roon. May tama rin naman si Tey kahit papaano, kung iinom ka ba ng tabletang gamot ay hindi ka gumagamit ng tubig?
"Oo nga naman po," pagsang-ayon ng isa naming kaklase.
Tumingin ako sa mga armadong tao at nagkatinginan sila. Mukhang napagtanto nilang tama ang sinabi ni Tey.
"Nawala kaastigan ninyo!" Sigaw ni Yong. Napasapo na lang ulit ako ng noo. Mga alien 'tong mga kasama ko. Buti na lang ang gwapo ko.
"Lunukin ninyo, iyan ang utos ng kataas-taasan kaya sundin n'yo," sabi ng isang White Man. White Man na ang tawag ko sa kanila dahil puting-puti naman ang mga kasuotan nila. Para silang mga med students kung wala lang silang bitbit na mga baril.
Natawa ako nang mahina. Lunukin? Iyon ang utos ng kataas-taasan? Iharap niya sa 'kin 'yang kataas-taasan niya para magkaalamanan kaming dalawa!
Impit na napasigaw ang lahat nang makarinig kami ng kasa ng baril. Akala ko ba'y hindi nila kami sasaktan? 'Yon ang sinabi kanina ni Gng. Principal!
"Subukan ninyong 'wag sumunod at matitikman n'yo ang sarili ninyong mga dugo. Naiintindihan n'yo?" Mabilis na napatango ang mga kaklase namin at kaming anim naman ay nagkatinginan.
Ano ba kasing pagsusulit 'to! At bakit ang yabang ng White Man na 'to? Por que may hawak lang na baril ay yumayabang na. Laban lalaki ang gawin nila, 'no. Huwag silang duwag!
"Wala na tayong pagpipilian," sabi ni Nam, napipilitan.
"Wala namang mawawala kung susubukan natin." Si Jim.
"At hindi naman masama kung susubukan natin," dugtong naman ni Hook.
Tumango kaming anim bilang pagsang-ayon sa bawat isa. Sabay-sabay naming kinuha ang pulang kapsula at aming inilagay iyon sa aming bibig at pinilit naming lunukin.
Juko Paras' Point of view
Natatakot na ako. Mas nakakatakot pa yata 'to kaysa sa microwave. Kuys, tulungan ninyo ako rito!
'Yung mga kaklase ko at ang aming guro ay sinimulan na nilang lunukin 'yung pulang kapsulang inilagay sa kanilang lamesa. Ako naman ay nagdadalawang isip pa.
Paano na lang kung ikamatay namin 'tong kapsulang ito? Pero wala namang masama kung susubukan ko, 'di ba? Isusugod naman nila siguro kami sa hospital kung sakaling mangyari iyon, 'di ba?
Namamawis kamay kong kinuha ang pulang kapsula at dahan-dahan itong inilagay sa bibig ko. Mabilis ko itong nilunok dahil natitikman ko na ang lasa na wala naman pa lang lasa.
Biglang bumigay ang katawan ko at kusang lumapag ang dalawa kong kamay sa aking lamesa. Tila nawala ako sa aking sarili at tila naghihintay na may mag-utos sa akin.
'Yung parang kapag may ini-utos sila sa akin ay kusang gagalaw ang katawan ko at gagawin ang inutos nito. Para akong isang manika na kayang-kaya kontrolin.
"Class 3-A, walang kabakas-bakas ng Bulletproof." Dinig kong salita nang isang armadong lalaki habang nakahawak ito sa kanyang kanang tainga.
Limang minuto.
Limang minuto akong nawala sa aking sarili at mabilis din akong bumalik. Habang nakayuko ako'y tinignan ko ang dalawa kong kamay na nakapatong sa lamesa.
Ano iyon?
Mabigat ang bawat paghinga ko nang bumalik ako sa wisyo. Anong nangyari sa akin? Bakit parang kaya nila akong kontrolin nang nawala ako sa aking sarili? Bakit... Bakit ganu'n 'yung pakiramdam ko?
Ini-angat ko ang aking ulo at tumingin ako sa mga kasama ko. Lahat sila'y nakayuko pa rin na katulad lang ng nangyari sa akin kanina.
Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba.
Nagulat ako nang may biglang lumapit sa 'king dalawang armadong lalaki, nakatutok ang kanilang dalang baril sa akin. Mabilis akong napatayo dahil sa gulat.
Halos maiyak na ako dahil sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakatutok 'yung baril nila sa akin. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
"Class 3-A, mayroong Bulletproof. Si Ginoong Paras, isa siya sa ating hinahanap."
"Anim na lalaki sa Class 4-A ay mga Bulletproof? Salamat."
Iyon ang narinig kong pinagsasabi ng isang armadong lalaki.
Nangangatog na talaga ang tuhod ko dahil nakatutok pa rin sa akin 'yung kanilang mga baril. Papatayin ba nila ako? At ano 'yung Bulletproof? At bakit mukhang ako lang 'yung gising ang diwa? Ano bang nangyayari rito? Talagang natatakot na ako! Litung-lito na ako!
Posible kayang mga Kuys ko ang anim na tinutukoy ng isang armadong lalaki?
Nang lumapit ang isang lalaki sa akin ay napa-atras ako habang nanginginig pa rin ang mga tuhod. Nakaputing lab gown siya at may salaming suot.
"Huwag kang gumalaw, Ginoong Paras. Hindi kita sasaktan. Tatakpan ko lang ang mga mata mo at aalis na tayo. Ginoong Paras, pagkatiwalaan mo ako."
Hindi niya ako sasaktan, eh paano naman 'yung dalawang armadong lalaki na nakatutok sa akin ang mga baril?
Nahalata siguro ng lalaking lumapit sa akin na natatakot ako sa dalawang armadong lalaki kaya pinababa niya 'yung baril at muli siya sa 'kin humarap na may ngiti sa labi.
"Paano mo nalaman ang apilyido ko?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko naman kasi ipinagkakalat sa mga matatanda ang aking apilyido at lalo na sa mga taong ito.
Natatakot na talaga ako. Para ba talaga saan ang pagsusulit at pulang kapsulang iyon at bakit mukhang ako lang ang gising? Lahat ng mga kaklase at ang guro ko ay hindi gumagalaw. Ako lang ang nakakagalaw. Ako lang.
"Hindi na iyon importante, Ginoong Paras. Maaari na ba tayong umalis?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Dapat ko ba siyaㅡsilang pagkatiwalaan? Paano na lang kung saktan nila ako? Paano ko na lang makakasama ang mga Kuys ko? Paano pala kung dalhin nila ako sa malalim na balon at ihagis ako roon? Ang OA pakinggan at nakakabakla, pero kasi napapraning na ako! Natatakot na kasi talaga ako!
Kahit hindi pa ako nakasasagot ay nilagyan na niya ako ng pantakip sa mata at dilim na lang ang aking nakikita. Nang matapos siya sa paglalagay ay inalalayan niya ako sa paglalakad.
"A-Aray," mahina kong giit nang matisod ako sa isang upuan.
Saan naman niya ako dadalhin? Ano ang intensyon niya sa akin? Hindi ko maintindihan 'yung nangyayari rito!
Wala akong ibang marinig kung hindi ang mga yapak lang namin at ng mga armadong lalaki. Matahimik ang buong paligid at nagulat na lamang ako nang biglang may tumusok sa akin na tila isang karayom, at sa sandaling iyon, unti-unti akong nawalan ng malay.
"Matamis na panandaliang panaginip ang aking hangad, Ginoong Paras. At maligayang pagdating sa Lishé City..."
Ano ba talaga ang nangyayari rito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top