3. Misty's Rain Check
NAKATANGGAP ako ng text message galing sa bestfriend kong si Deither.
Una sa lahat, hindi raw 'yan typo. Sounds like Diether Ocampo lang daw, pero hindi raw siya iyon. Hindi naman siya mayabang o ano, pero siya yung introvert na malakas ang dating sa tao.
There are times that his attitude and personality are being misunderstood by the majority. Yet deep down he's his own unique person.
To be honest, he's physically attractive. Sa unang tingin, mukhang snobbish pero kalog. May konting kapayatan pero matakaw naman kumain ng extra rice sa Inasal. Chinito kapag tumawa at mababaw lang ang humor niya. Nang minsang binati ko siya na kamukha niya yung crush kong miyembro ng F4 dahil sa ayos ng buhok niya, hindi ko inaasahan na ikakatuwa niya ng sobra iyon.
At dahil din doon bumanat siya sa akin ng, "Kung crush mo 'yon, edi crush mo rin ako?"
Muntik na akong mabilaukan sa iniinom kong soft drink noong araw na iyon. Minsan hindi ko maintindihan kung pinagtitripan niya lang ba ako o sadyang pahamak lang ang bibig ko para bigyan niya ng kulay ang compliments ko sa kanya.
Sinanay niya akong maging open sa kanya eh. Nakakatuwa rin naman at magaan ang loob namin sa isa't-isa mula pa umpisa. Dahil sa openness naming dalawa, kumportable akong magsabi ng kahit ano sa kanya.
Siya ang naging rant buddy ko na laging handang makinig sa akin. Tapos konting advice lang mula sa kanya, napapagaan na niya agad ang loob ko.
Sa totoo lang nang dahil kay Dei, parang mas nakilala at na-appreciate ko pa ang sarili ko.
Pakiramdam ko mas gusto ko pang pagbutihin para mas maging proud siya sa akin.
Tulad na lang ng paggising ko ng maaga, pagkain ko ng almusal sa tamang oras at paghahanda ko ahead of time para naman ready na akong salubungin siya pagka-ring niya ng doorbell ng gate namin.
Dei : Good morning Misty, OTW na ako. Sana gising ka na.
A smile immediately forms on my face as I hear Taylor Swift's You Belong with Me on MYX.
Naging routine na namin ang susunduin niya ako sa bahay para sabay kaming pumasok sa school. Kung tutuusin nga mapapalayo pa siya kung susunduin niya ako mula sa bahay eh, pero dahil lang sa gusto niyang lagi kaming magkasabay, sinasadya niyang daanan ako dito. Minsan pa sabay kaming nag-a-almusal sa cafeteria.
Minsan na rin kaming binati ng mga classmates namin na para raw kaming 'more than friends' dahil hindi kami mapaghiwalay. Tapos sinabayan pa ng kanta ni Jason Mraz at Colbie Caillat na I'm lucky I'm in love with my best friend.
Sign na ba ito?
Sumilip ako sa bintana at napansing makulimlim ang panahon ngayon. May dala kayang payong 'yon?
At exactly 9AM nag-doorbell si Dei sa may gate namin. Lumabas na rin ako agad na siyang ikinagulat at ikinatuwa niya.
On our way to school, I gathered enough courage and asked him, "Dei, ano ba tayo?"
Kunot noo niya akong tiningnan at sinagot, "Ano pa ba edi, best friends." nakangiting aniya.
Halos mawalan ng init ang kamay ko, pero muli ko siyang tinanong, "I mean... paano kung sabihin kong... crush nga kita?" hindi ko siya matingnan sa mata, pero pakiramdam ko seryoso niya akong pinagmamasdan at tinitimbang ang mga salitang binitawan ko.
He took a deep sigh, "Misty, alam ko naman eh. Ramdam ko naman 'yon."
"Kung ganoon, edi–"
"Pero Misty, alam mong may iba akong gusto, hindi ba?"
I bit my lip inwardly. "Alam ko nga, pero bakit... bakit pinabayaan mahulog ako sa iyo?"
"Misty, walang nagbago sa pakikitungo ko sa'yo." his eyes looks apologetic as he tells me this one fact, "I'm sorry, kung akala mo may iba pang ibig sabihin ang lahat ng 'to."
I shake my head and force myself to smile in front of him. "Char lang, 'kaw serious mo masyado."
Upon feeling the breeze of the wind I know it's about to rain soon. Binuksan niya ang payong ko at pinasilong ako kasama siya.
"Totoo bang nagbibiro ka lang?" he asked with a hint of sincerity.
Reality check: ako lang ang na-fall.
"Oo swear, joke lang 'yon." I lied.
And together with that lie the rain starts to fall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top