Kabanata 8
Anton has so much to show them. He is a fast learner, iyan ang masasabi ko. Back when we were still in gradeschool, marami siyang pinag-aralan and I am one hundred percent sure na madali lang siyang matuto. Sa kahit ano na bagay, basta pagtiyagaan niya, ay walang imposible sa anong paraan.
Just like yesterday, and today, alam na niya kung paano sumakay at gumamit ng kabayo. Hindi na siya natatakot kahit pa ilang beses na siyang nahulog. I saw it with my own two eyes. He is persistent. Misyon niya 'to, eh.
Nakatingin lang ako sa kanya ngayon dito sa ilalim ng balete tree habang nakahalukipkip at nakatayo. Sumandal ako sa puno at seryosong pinagmasdan ang kaibigan ko na ngayo'y nagpapatuloy pa rin sa pagpapatakbo ng kaniyang kabayo. A cold breeze of air welcomed me as I tried to take in deep thoughts. We've been together for years. Hindi kami naglilihiman sa isa't isa sa kahit anong bagay, kahit na sa nararamdaman naming dalawa. Yesterday, it was totally unexpected for my heart to beat again after years of forgetting it, after years of moving on...or so I thought?
Hindi rin ako sigurado kung nakapagmove on na ako mula sa kanya. Kung totoong nangyari iyon ay wala na dapat akong nararamdaman. I'm disappointed at myself for feeling this way. Alam ko namang isa lang itong biro para sa kanya lalo na't iba ang gusto niya, iba ang mga crush niya, mga lalaki. I get it. We're just here for a mission, the reason why I should force this feelings away. Nandito kami para magtrabaho upang makaalis at makabalik sa oras namin, hindi sa maglandian!
His hair was disheveled along with the wind of the afternoon. Hindi siya pinapawisan dahil sa lakas ng hangin at takbo ng kabayo. He looks like a total expert this time. Masaya na rin ako dahil natulungan ko siya kahit sa ganitong paraan lamang. Kahapon kami nagsimula ngunit kabisadong kabisado na niya ang ginagawa niya.
I smiled with the though. I'm lowkey proud of him!
"Tapos ka na ba?" sabi ko sa kanya nang makalapit siya sa pwesto ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya nang ihininto niya ang kabayo at tumalon sa sahig.
Ngumiti siya pabalik at tumatalon-talon. "Nag-enjoy ako!"
Mahinahon akong tumawa at umayos ng tayo saka pinagpag ang mga palad ko. "Hindi ka ba nagugutom?"
Umiling siya at lumapit sa akin. Halos matigilan ako nang yumakap siya, mabuti nalang at hindi ako masyadong nagpapahalata.
"Thank you so much, bes. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi talaga ako matuto sa ganito." sabi niya. Tinapik ko lang ang braso niya at itinulak siya ng kaonti.
"Oo na. Baka may makakakita pa sa atin dito, lagot talaga tayo." tugon ko at nauna nang maglakad papalayo. Ngumiti lang siya at sumunod sa akin habang hila niya ang kabayo niya, na nakasunod rin sa amin.
Habang naglalakad kami ay tahimik akong namamasid sa kabuuan ng paligid. Sa likuran namin ay isang imahe ng malalaking bulubundukin. More of like, a wide field in front of a mountain range. Ang sikat na bulubunduking nakilala ko ay ang Cordillera Central or Cordillera Mountain Range. Kaso, sa Tarlac lang kami ngayon pero siyempre, maganda pa rin. Parang ganoon na nga ang itsura kung ikokompara mo ang dalawa.
Sa gilid namin ay may isang wooden gate na nakaharang. Kumunot ang noo ko at dahil naku-curious ako sa kung ano ang nasa loob ay pumunta ako doon. Sumunod lang sa akin si Anton at hindi rin naman siya nagsalita.
Nang makarating na kami sa harapan ng gate ay itinali niya ang kabayo niya sa gilid at nauna naman akong pumasok sa loob. Napaawang ang bibig ko sa nakita. It was a flower garden!
But then, with only one type of flower with different colors! What?!
"Chrysanthemum lang 'yan lahat." narinig kong sabi ni Anton sa likuran ko. Nilingon ko siya at tumagilid ang ulo ko.
"Chrysanthemum ang tawag dito? Hindi ba't ito 'yung mga benta sa simbahan kada-Linggo?" kuryosong tanong ko at tumawa naman siya.
"Yup. This is our flower garden." aniya at itinuro naman ang kabilang gilid sa malayo. "Then that...is our fruits and vegetables section. Nalaman ko lang kasi na nagbebenta pala kami ng mga gulay, prutas at mga bulaklak aside sa mga punglo, na sinabi ni Sir Timoteo."
"Pero bakit...isa lang ang uri ng bulaklak niyo?"
"With that, hindi ko alam." he sighed. "It's all Chrysanthemum, but with different types of colors. May red, may white, may yellow, green. Apat lang ang meron namin pero sabi ng ina ko ay marami talaga itong mga iba't ibang kulay."
"Wala kayong Rosas?"
"Wala." ani Anton at naunang maglakad. "Sabi rin ng ina ko ay may iba't ibang meaning ang bawat kulay na nakatanim dito."
Tumingin ako sa kanya at kumuha naman siya ng isang stem ng White Chrysanthemum. He lifted it and showed it to me.
"This is a White Chrysanthemum. It generally represents loyalty, honesty and...devoted love. But on the negative hand, it is commonly used in funerals, as flowers that represents death, resting peace, and longing sadness."
Ibinigay niya iyon sa akin at tinanggap ko naman. Then he picked up another single stem. But this time, it was the red one.
"This is a Red Chrysanthemum. It represents deep love and affection, especially passion. Wala siyang negative na meaning sa pagkakaalam ko." he chuckled at inilahad na naman sa akin kaya kinuha ko rin iyon. Sunod ay kumuha siya ng isang tangkay ng dilaw na Chrysanthemum.
"This one is a Yellow Chrysanthemum. Ito ang pinakamarami naming natanim at ang pinaka-common din na uri ng Chrysanthemum family. It means joy and happiness. You can also give this to someone whom you have admired secretly with. While on the greater negative hand, it means...neglected love and sorrow."
Naglakad kami sa pinakadulo ng flower garden at doon nakatanim ang pinakamaliit na grupo ng isang kulay ng Chrysanthemum, ang color green. Kumuha rin siya ng isang tangkay at ipinakita sa akin iyon.
"This is the rarest Chrysanthemum color of them all, the green one." aniya at tumitig sa hinahawakan. "Sabi nila, hindi mo ito makikita kahit saan ngunit ito rin ang may pinakamahalagang kahulugan at simbolismo. They say that this color of Chrysanthemum represents good health, longetivity and...rebirth."
Nang matapos siya sa pagsasalita ay tumingin siya sa akin at ibinigay iyon. I accepted the flower in return.
Tinignan ko ang lahat ng mga kulay ng Chrysanthemum na nasa palad ko na ngayon. As usual, mabango talaga ang lahat ng ito ngunit ngayon ko lang nalaman ang mga kahulugan nila. But then, it would be useless kung ibibigay mo 'to sa taong hindi naman alam kung ano ang meaning dahil ang iba ay itatapon lang nila. Well, a flower would die in the end though, at wala rin tayong magagawa diyan.
I like all of the colors, walang favoritism.
"Ano ang favorite mo sa lahat?" tanong ko naman sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa akin at nag-isip.
"Hmm...I prefer the green one." aniya at tumatango-tango.
"Bakit naman?" I asked again.
"As what it symbolizes, it means rebirth." sabi niya at tumingin sa akin. "Just like us, today, ngayon lang natin alam na ilang beses na pala tayong paulit-ulit na nabuhay sa bawat pagdaloy ng makabagong panahon. We have been reincarnated and rebirthed a lot of times, and just like the flower's unusual color, it is a rare opportunity for us to remember our past life through our dreams and be able to experience it physically."
Tinititigan ko lang siya at hindi makapagsalita. Oo nga naman, relate na relate kami sa meaning ng flower but...ngayon lang ako naka-realize dahil napakalalim naman. Siguro ay malalim rin ang iniisip ng kaibigan ko ngayon.
"Pwede rin bang tumingin sa gulayan niyo ngayon?" pag-iiba ko sa usapan dahil sa nakakabinging katahimikan.
Umiling siya at tumawa "May nagtatrabaho ngayon. Saka, maputik rin. Baka mapagalitan ako ng ina ko, bes."
Tumango nalang ako at nauna nang lumabas, dala-dala ang mga tangkay ng bulaklak na ibinigay niya sa akin. Sumunod rin naman siya.
"Alam mo bes, nakita ko kahapon ang magiging future husband ko." wala sa sariling sabi ko habang naglalakad.
Naghihintay ako sa sagot niya ngunit wala akong narinig kaya huminto ako at nilingon ang gilid ko. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at sumeryoso ang itsura niya.
"Future husband mo?" sarkastikong tanong niya. Tumango ako.
"Oo. Diba sinabi ni valak na iba ang mapapangasawa ko? Nabangga ko siya kahapon at bigla akong nakaalala ng mga ala-ala mula kay Isabelita."
"Saan? Saan kayo nagkabanggaan?" seryosong tanong niya. His head tilted a bit.
"Dito, sa hacienda niyo. Mabuti nga at pinapasok ako ngayon gayong wala namang event. Alam mo naman strict 'yang father dear mo." pagbibiro ko pa at tumawa ngunit seryoso lang ang itsura niya kaya tumikhim nalang ako at nag-iwas ng tingin.
Hindi naman naging abala sa akin ang transportation ko dito dahil sinundo naman ako ng kalesa ni Anton kanina sa pansiterya. Siyempre, special ako eh. Char lang.
"Ano ang pangalan niya, bes?" kumalma na siya at bumalik na ang pagkababae ng boses niya. He sighed after.
"Faulicimo. Faulicimo Redito daw." tugon ko at tumango siya. Napatingin ulit ako sa hinahawakang mga bulaklak. "Mukhang hardinero niyo siya rito sa hacienda dahil kahapon ay naglilinis siya sa damuhan. Naaalala kong childhood bestfriend niya rin si Isabelita, kagaya kay Antonio."
"Weird." sabi niya at kumunot ang noo niya. "I felt something weird just by his name. Parang nakakakilabot or something."
Napatingin ako sa kanya. I want to tell him about what I remembered but then...hindi pa nangyayari 'yon at maaari ring magbago base sa gagawin ko. I only shrugged in the end.
Ngunit sa hindi inaasahan, kumulog ang langit dahilan para sabay kaming mapatingin sa itaas. Biglang napapalibutan ng makulimlim na mga ulap ang himpapawid at kalaunan ay bumuhos ang malamig na ulan. Napatili ang kaibigan ko ngunit ako naman ay napatulala lang at napapikit, habang dinadama ang pagpatak ng tubig sa mukha ko.
Everytime the world rains, I would always remember how me and my dad used to play with it. Kapag uulan noon ay lalabas kaming dalawa at maglalaro habang hinihila si mama para mapasali namin. We would jump and run as the waters splash with our feet. My dad would dance gracefully with his arms wide open as he moves his feet along with the rhythm of the time. I can still remember how my mother would laugh at him and later on dance along with him. Habang ako naman ay napatingin sa kanila ay ngumingiti-ngiti.
And all of those memories were buried long ago. Tuwing umuulan ay maaalala ko talaga 'yon.
Naimulat ko ang mga mata ko nang may humawak sa papulsuhan ko at napatingin kay Anton na hinihila-hila na ako paalis. I looked at him in a weak manner.
"Bes! Nababasa na tayo ng sobra! Tara!" he raised his voice as the rains poured harder on the ground, creating loud ambience in the place.
Pareho na kaming basa ngunit nawala ang pakialam ko sa ulan. Nararamdaman ko ang pagbuhos ng mainit kong luha, ngunit hindi halata dahil sa pumapatak na tubig mula sa langit. Hindi ko talaga mapipigilang hindi maging emosyonal sa ganitong eksena.
"Bes!" sigaw ni Anton habang pilit akong hinila.
Kumalas ako sa hawak niya at doon naman siya natigilan. His brows furrowed. I lifted both of my hands and looked at him in an alluring manner...then started dancing along with the rain in a playful way. Napaawang ang bibig niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa habang sumasayaw-sayaw ako, hawak pa rin ang mga bulaklak.
"Gagi, bes! Ano 'yang ginagawa mo?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Sumasayaw!" simpleng sagot ko at hinawi ang mga luha ko. Tumawa ako at umiikot-ikot, sinusunod ang mga steps ni papa. "Yeah!"
"Anong yeah?!" singhal niya. "Nababasa na nga tayo at sumasayaw ka pa! Halika na!" aniya at sinubukan akong hawakan ngunit iniwas ko lang ang kamay ko at nagpapatuloy.
"Ang ganda kaya! Hindi mo lang naranasan!" sabi ko pa.
"Baka magkakasakit tayo!"
"Hindi 'yan!" pagmamatigas ko at nagpapatuloy pa rin. Napahilamos siya sa mukha niya at inis na tumalikod.
"Aalis na nga ako! 'Yung horse ko, nababasa na!"
Akmang na maglalakad na sana siya paalis ngunit agad ko siyang hinila pabalik. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya at natigilan din siya nang hilahin ko siya palapit sa akin.
"KJ naman neto!" humahalakhak ako. "Ngayon lang naman ang oras na hinihingi ko dahil stress na stress ako sa buhay ngayon! Tignan mo, oh!"
Seryoso niya akong tinititigan. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay kong nakahawak sa kanya at umatras ng kaunti. I moved my shoulders up and down as I tried jumping in one place and then later on swaying my hips and lifting my arms gracefully.
"O yeah, o yeah." kanta ko pa at umiikot ikot sa pwesto.
Ngunit nang umiikot ako sa ikalimang beses ay parang nahihilo yata ako at sa inaasahan, nadulas ako at napaupo sa berdeng sahig.
"Aray!" napapikit ako sa sakit. Kakadulas ko lang kahapon! Tangina, 'yung pwet ko!
Nakarinig ako ng mahinahong halakhak at nang maimulat ko ang mga mata ko ay nakita ko siyang tinawanan ako. I glared at him.
"Nakakatawa? Nakakatawa?" sarkastikong tanong ko. Mas humahalakhak lang siya at umiling.
"Desurv..'de joke lang!" pagbibiro niya pa!
"Anong deserve?! The nerve!" singhal ko sa kanya. "Dapat nga ay saluin mo ako, eh!"
"Aba," napamewang siya at itinagilid ang ulo niya. "Demanding ka, bes? Ang layo kaya nating dalawa, oh!" aniya at itinuro ang distansya naming dalawa.
"Kahit na! Tsk!" Inis akong tumayo at ipinagpag ang mga kamay ko. "Bakit ba sa mga teleserye, may sumasalo sa mga bidang babae tapos ako, ni isa ay wala? Ang unfair!"
"Ay, bida ka pala, beh?" tanong niya. "Hindi ako nainform,"
"Wala. Feeling ko rin naman!"
"Tseh!" he stick his tongue out and rolled his eyes.
"Bleh!" I stick out mine too.
He was about to say something but then bigla nalang siyang natigilan nang masulyapan niya ang likuran ko. Naglaho ang ngiti sa labi niya kaya napakunot ang noo ko. Nilingon ko rin ang likuran ko at nanlakihan ang mga mata ko nang makita kung sino ang nandoon.
Si Josefa Ylmeda. Hawak niya ang isang payong at galit niya kaming tinitignan, lalo na sa bulaklak na dinadala ko. Napatingin kaagad ako sa kaibigan ko na sumeryoso na rin ang itsura.
I gulped. Oh no...
Naglalakad ang binibini patungo sa aming pwesto kaya agad akong pumunta sa likuran ni Anton at yumuko, bilang simbolo ng respeto. Nang makarating na sa harapan namin si Binibining Josefa ay agad niyang inangat ang payong na dala at tinakpan ang itaas ng kaibigan ko para hindi na siya mababasa. Umatras ako ng kaunti para mabigyan sila ng espasya.
"Ako'y nag-aalala sa'yo, Ginoong Antonio. Kanina pa sila hanap ng hanap sa iyo," malambing na sabi ng babae. Nananatili ang tingin ko sa damo.
Ano ito? Grass?
"Babalik din naman ako. Hindi mo na kailangang pumunta dito." tugon ng kaibigan ko. Gone was the girly tone in his voice. Bumalik na ang pagkaseryoso niya.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko kung paano napaawang ang bibig ni Binibining Josefa sa sinabi ni Anton. I can see pain lashing through her eyes. She then glanced at me kaya napayuko ako ulit.
"Naiintindihan ko subalit...hindi ba nakakapagtaka sa paningin ng iba kung ikaw ay naparito kasama ang isang indio mula sa pansiterya? Dagdag pa ang mga bulaklak...na hawak niya?" nang masabi iyon ng babae ay napakuyom ako sa mga palad ko.
Oo nga, mali naman.
"Bumisita lang si Binibining Isabelita para sa mga bulaklak. Sinamahan ko siya kung kaya't huwag mong bigyan ng malisya." tugon pa ni Anton.
"Ngunit hindi pa rin iyon pwede. Iyan ay isang napakamaling gawain lalo na't tayo ay ikakasal na. Kung may makakakita sa inyo dito ay baka kayo ay isusumbong kay Don Miguel at alam mo na kung ano ang maaaring mangyayari kay Binibining Isabelita."
Nasusulyapan ko si Anton na ngayo'y umiigting ang panga. Bumuntong hininga nalang siya at nag-iwas ng tingin.
"Binibigyan ko kayo ng pagkakataon ngunit...sana sa susunod ay hindi na ito mauulit. Dahil kung ganoon, ako na mismo ang magsusumbong sa inyong dalawa." pahabol na sabi ni Binibining Josefa kaya sabay kaming napatingin ni Anton sa kanya.
"Binibining Josefa—" pinutol niya agad si Anton.
"At sisiguraduhin kong...kay Binibining Isabelita mapupunta ang lahat ng mga parusa lalo na at siya ay walang kalaban-laban." malambing niyang sabi sa kaibigan ko. "Iyon ba ang gusto mo, Ginoong Antonio?"
Napaawang ang bibig ko at agad kaming nagkatinginan ni Anton. Mas naging lumakas ang pagbuhos ng ulan kaya hindi ko masyadong klaro ang itsura niya. Nakaramdam na ako ng lamig dahil sa basang basa na rin ang damit ko. I sighed and nodded at him, telling him to go with her. Dahil baka kung ano pa ang gagawin ng nobya niya kapag nagkakataon.
Bumuntong hininga na rin ang kaibigan ko at nagsimula nang maglakad paalis ngunit natigilan rin nang biglang humawak si Binibining Josefa sa kanyang braso at kumapit doon. Napatingin siya sa babae ngunit ngumiti lang ito.
"Nababasa ka." sabi ni Anton ngunit umiling lang si Binibining Josefa.
"Tayo ay magkapareho lamang. Ako na rin ay nababasa kanina pa." palihim na humahalakhak ang babae. "Ngunit mas gustuhin ko pa ang kumapit sa braso mo dahil...kahapon at ngayon mo lang akong pinagbigyan nito. Nasisiyahan ako ng buo."
Napatingin si Anton sa akin bago sila tuluyang naglalakad paalis. Ako naman ay nananatili sa pwesto ko at nakatayo habang tinatanaw silang naglalakad papalayo at nababasa na ng sobra sa ulan. Dahan-dahan ay naibaba ko ang kamay kong hawak ang mga bulaklak.
Gusto ko lang naman sumayaw. Tsk, pabida naman ng fiancee niya. Ni hindi pa nga nakasayaw ang kaibigan ko, eh!
Pero sa totoo lang, nasasaktan rin naman ako. Rich people in this time is good at degrading those who are unlucky in life. They value power in many things. Magkapareho lang naman sa oras namin. There are injustices, but then, dapat mas maging careful ako dito lalo na't sakop pa kami ng mga dayuhan.
Napatulala lang ako ng ilang sandali habang dinadama ang ulan. Napayuko ako at tinignan ang kabuuang itsura ko. Ang dumi-dumi na ng baro't saya ko at puti pa naman ito.
Hays.
Aalis na sana ako ngunit natigilan din nang may biglang nagtakip sa itaas ko ng isang malaking dahon ng banana tree. Napahinto ako at napaangat ng tingin. Hindi na ako nababasa dahil may nakaharang na sa ulo ko. Napatingin rin ako sa gilid ko at bumungad sa akin si Faulicimo.
Napaawang ang bibig ko at napaayos ng tayo. Ngumiti siya sa akin.
"Binibining Isabelita," pagbati niya. "Magdadapit-hapon na, hindi ka pa ba uuwi?"
Hindi naman ako kinakabahan ngunit kumunot ang noo ko. "Anong...ginagawa mo dito?"
"Ako'y isang hardinero ng mga Riguiarios," tugon niya. "At nakita ko rin kayo kanina ni Ginoong Antonio habang siya ay naglalaro sa kabayo niya. Nais ko sanang ipapakita sa inyo ang gulayan at palayan dito ngunit baka mapapagalitan ako ni Don Miguel."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Pasensya ka na kung tanging dahon lang ang maitakip ko sa'yo. Wala kasi akong payong." nahihiyang dagdag niya at napahaplos sa batok niya.
"Uuwi na ako, huwag na." sabi ko at pilit na lumayo ngunit hindi siya nagpapatinag at pilit pa din akong tinatakpan.
"Ihahatid na kita. Uuwi rin naman ako." sabi niya.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang sinseryong ngiti sa labi niya. Wala akong nakikita na bad intention or something. And now I'm starting to wonder, how did things went that way? Baka may dahilan rin si Faulicimo at hindi ko rin alam kung self-defense or protection ba 'yong pagdala niya ng itak? Bakit may bahid ng dugo?
Mabait naman siya sa paningin ko. Maybe if I'd get to know him deeper, baka mas makikilala ko siya at...maaasahan ko siya. As they say, everything comes with a reason.
"Kung ako ay iyong pahihintulutan," nahihiyang dagdag niya at ngumiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top