Kabanata 7
Napaupo ako sa lamesa ko at bumuntong hininga. Kakagising ko lang at hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako dahil sa panaginip ko. Antonio just confessed, and I have nothing to say. Dahil hindi masaya si Isabelita. She did not laugh in happiness, she just stared at him, shocked and disappointed.
Jusko! Ano ba talaga ang gagawin ko?
Why is she even sad?
Napatingin ako sa mga kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko. So totoo lang, ang iba talaga ni Antonio kumpara kay Anton. How can he even handle Antonio's seriousness and formality? He even said na ayaw na niya, kahapon lamang.
"Himala, ikaw na naman ay nagising ng umaga." narinig ko ang boses ni Ate pababa ng hagdan. Napasimangot ako at inis na nilingon siya.
"Ano? Tch, maaga naman talaga akong magising, noh!" pagdedepensa ko sa sarili ko. Hilaw siyang ngumiti.
"Noon. Pero simula nang ikaw ay nahimatay ay hindi na." aniya at nilagpasan ako. I scoffed.
"Ang aga naman ng alas-tres kung ganoon." pagpaparinig ko pa.
"At ngayon ay kailangan na nating umalis. Mabuti at ikaw ay nakapagbihis na."
Kumunot ang noo ko. "Ano? Bakit? Saan ba tayo?"
Lumingon siya sa akin habang nagliligpit ng mga gamit. "Sa Hacienda Riguiarios, sa Tarlac."
Nanlakihan ang mga mata ko at napatayo. Isinandal ko ang mga palad ko sa lamesa. "Huh?! Huwag mo sabihin sa aking...ngayon ang p-paligsahan?!"
Dahan-dahan siyang tumango. "Oo. Ikaw ba ay may problema?"
No. No. No!
Napapikit ako sa inis at padabog na napaupo ulit. Akala ko ay lumipas na 'yon kagaya ng sa piging pero mali pala ako! Ayaw kong maging serbedora sa pamilya nila!
Ayokong makita ang pagmumukha ng ama ni Anton dito dahil natatakot ako lalo na sa mustache niya!
Dahil sa galit ko ay nasipa ko ang upuan na nasa gilid ko at napatalon si ate sa gulat. Doon ko naimulat ang mga mata ko at nanlakihan ang mga ito nang makita ko ang takot na itsura ng kapatid ko. Napahawak siya sa dibdib niya at pinandilatan niya ako ng mata. Napaawang ang bibig ko, may gusto sanang sabihin pero ni isa ay wala akong mailabas. Napabuntong hininga nalang ako ulit at isinandal ang ulo sa lamesa na patagilid, nakatingin sa kanya.
"Sorry—este, patawad." iyon lang ang tanging nasabi ko.
Ibinaba niya ang palad niya. "Iyan ay isang hindi magandang asal, Isabelita. Ikaw ay babae kung kaya't ayusin mo iyan."
Napapikit ulit ako at bumuntong hininga. "Patawad po."
Kalaunan ay may narinig akong mga yapak mula sa hagdan. Napatingin ako doon at nakita ang asawa ni ate, bagong ligo at kulay kayumanggi ang balat dahil sa sobrang babad ng init ng araw. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at nag-bow.
"Magandang umaga, Isabelita." pagbati niya. Tinanguan ko lang siya at humiga ulit. Nang tuluyan na siyang makababa ay lumapit siya kay ate at niyakap ang kapatid ko. "Magandang umaga, mahal."
Pinagmasdan ko lang sila. Si ate ay walang reaksyon at tumaas ang kilay ko nang makitang mahinahon niya itong itinulak at kumawala sa yakap. Napaayos ako ng up at pabalik-balik ko silang tinignan. si ate Tina ay nagpatuloy sa pagligpit ng mga gamit.
"Umalis ka na. Baka mahuli ka pa sa trabaho mo." malamig na sabi ni ate nang hindi nilingon ang asawa. Napaawang ng kaunti ang bibig ni Lito at bumuntong-hininga saka dahan-dahang tumango nalang at umalis, halatang nasasaktan sa sinabi ng sariling asawa. Napatingin ako kay ate na nakakunot ang noo ngunit walang emosyon ang mababasa sa itsura niya.
Nang umalis narin kami ng kapatid ko sa pansiterya ay nasa likuran lang niya ako, nakasunod. She was gracefully walking until we both stopped in front of the kalesas that are aligned at the side of the road. Akala ko ba para lang ito sa mga mayayaman?
Akala ko rin ay kami lang ang sasakay ngunit nagkakamali pala ako. May mga iba't ibang indio at intsik rin na katulad namin ang dumating. Turns out, sila Anton ang nagmamay-ari neto. Dahil magtatrabaho kami ngayon sa hacienda nila ay free ride lang ito patungo Tarlac dahil two to three hours ang biyahe at hindi kayang lalakarin lamang namin.
Pero sa panaginip ko ay hindi naman kami binigyan ng free kalesa ride, ah?
Katabi ko si ate at napapansin kong medyo naging tahimik siya matapos sinabihan ang asawa na umalis na, siguro ay babalik na sa trabaho after one week rest and stay. Matamlay ang mukha niya at walang kagana-gana. Napatingin siya sa kabilang kalesa, kung saan napaka-sweet ng isang babae sa asawa neto, naghalikan pa nga sa harapan namin.
"Ha!" I scoffed. "Hayaan mo na 'yan, ate. Nagfe-flex lang naman sila sa lovelife nila." sabi ko sa kapatid ko dahil nagmukha kasi siyang inggit sa dalawa, eh.
Nilingon niya ako at kumunot ang noo niya. "Ako ba ang kausap mo?"
"Aba, siyempre, oo." tugon ko at sumulyap ulit sa mag-asawa na ngayon ay nagyakapan na. Sumigaw ako sa kanila pagkatapos. "Walang forever, mga dudes!"
Napatingin sila sa gawi ko at inirapan lang ako ng babae. Umalis naman sila pagkatapos.
"Isabelita!" galit na pabulong na singhal ni ate sa akin kaya nilingon ko siya. "Itikom mo nga iyang bibig mo! Hindi mo ba alam na bawal sa mga babae ang magtaas ng boses kahit saan?"
"Huh? Kasi, nagmukha kang inggit sa kanila ate, eh." pagliliwanag ko. Totoo naman, ah!
"Iyan ay isang napakawalang-hiya na dahilan, Isabelita. Umayos ka. Hindi tayo ipinalaki ni inay para maging isang bastos at walang kamodo-modo." seryoso at malamig na sabi niya, dahilan para maitikom ko nalang ang bibig ko at parang tuta na tumango.
"Napansin ko kasi na wala ka sa mood ate, eh. May problema ba kayo ni kuya Lito?" tanong ko agad sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga.
"Hindi ko pa yata ito nasabi sa'yo ngunit...mas mabuti kung ililihim ko nalang iyon sa sarili ko." halos pabulong na sabi niya.
"Sabihin mo." I demanded. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Huwag na." aniya. Sumimangot ako.
"Maaasahan mo ako, ate. Pangako. Hindi ko sasabihin sa iba, kahit kay inay!" I pleaded and continuously nodded. "Sige na, please!"
"Bawas-bawasan mo iyang ingles mo, Isabelita."
"Hindi ko gagawin 'yon kung hindi mo sasabihin sa akin." humahalukipkip ako. Tumaas ang isang kilay niya.
"Ikaw ba ay sersyoso sa sinabi mo?" she scoffed.
"Kailan ba ako hindi seryoso?" tanong ko pabalik. She tsked.
"Sasabihin ko sa iyo sa isang kalagayan." aniya at umayos ako ng upo.
"Ano 'yon?"
"Huwag mong itong sabihin ni kahit kanino. Kahit kay inay at kay Lito o di kaya'y...kay Antonio." aniya at agad akong tumatango-tango.
"Oo. Pangako!" sabi ko at eksakto namang gumalaw na ang kalesa. Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga ulit bago nagsimula na sa kanyang sasabihin.
Kasabay ng init ng araw at lamig ng hangin ay napatingin ako sa harapan ko. Kami ang nauna na kalesa kaya wala kaming sinusundan. Ang mga tao ay napatingin sa gawi namin at bigla akong nakaramdam ng lambot sa puso ko nang makita ang isang bata na halos punit-punit na ang suot niyang kamisa de tsino. His white cloth was already dirty because of the soil lalo na't pasan niya ang isang malaking sako na punong puno ng lupa sa balikat niya. I smiled at him sincerely, dahilan para mapangiti siya at mapakaway sa kamay niya. I bowed at him at hindi ko inaasahang iyon pala ang simula ng kapatid ko, sa pagsalita niya.
"Ako ay nagtatrabaho sa Hacienda Riguiarios ng sampung taon noon bago ako tuluyang umalis para sa pansiterya natin. Kilala ko ang mga tao doon, maging sa hardinero man, sa serbidora, sa mutsasa nila, at iba pa. May isang araw na ako ay tahimik na naglilinis sa kuwarto ng nakakatandang kapatid ni Ginoong Antonio at sa hindi inaasahan, naabutan ako ni Heneral Dominico Riguiarios."
"Teka, akala ko ba story niyo 'to ni Kuya Lito." nagtatakang tanong ko. "Eh bakit napunta tayo sa kapatid ni Antonio?"
"A-antonio?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate sa akin. "Dios mio, Isabelita, kailan mo pa itinawag si Ginoong Antonio ng ganoon?"
"Huh? Ah-eh, ngayon lang naman ate. Nagtataka kasi ako kung bakit." Pagdadahilan ko.
Nagtagal ang titig niya sa akin bago sumagot. "Dahil kung hindi dahil kay Heneral Dominico Riguiarios ay hindi kami magkakakilala ni Angelito." malungkot siyang ngumiti. Napaawang ang bibig ko at tumango. That was the reason why!
"Tapos?"
Ngumiti lang siya bilang tugon sa akin at umiling. "Mas matagal na kaming magkakakilala ni Heneral Dominico at gustuhin ko mang sabihin sa iyo ang dahilan ay hindi parin maaari."
Nanlakihan ang mga mata ko. "Ano?! Ate naman. Bakit.." halos hindi ako makapagsalita at napasandal nalang sa inuupuan namin. "Bakit ka nambibitin?!"
Humahalakhak siya at hinaplos ang kamay ko. "Dahil ako ay naaabala na baka hindi mo iyon maaintindihan. Marami akong dahilan at kapag darating ang panahon na may lakas na akong sasabihin iyon sa'yo ay umaasa akong maiintindihan mo."
"Ate...hindi ka pa nga nakaabot sa main plot ng sinabi mo tapos ang ibabanggit mo lang sa akin ay ang pagkikita niyo ng kapatid ni Ginoong Antonio?! Ano 'yon, na love at first sight ka sa kanya?"
"Ano ang ibig mong mawari?" natatawang tanong niya pa.
"Na may gusto ka na kay Heneral Dominico Riguiarios sa simula pa lang? Sa oras na nagtama ang mata niyong dalawa? Like sa K-drama, ganoon?"
Nakita ko kung paano naglaho ang ngiti sa labi niya. Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong-hininga. Doon rin ako natigilan.
Omo! Huwag niyong sabihing...ganoon na nga!?
Hindi na nagsalita si Ate Tina kaya hindi na rin ako nagtanong. Tahimik lang ang halos tatlong oras na biyahe namin. Minsan ay humihinto ang kalesa para makapagpahinga ang kabayo at sa gitna ng pagsasakay ay bumaba kami para sumakay na sa iba na namang kalesa na siyang magdadala sa amin sa Hacienda ng mga Riguiarios. Hindi na ako nagreklamo at natulala nalang pagkatapos. Iniisip ko pa kung ano ang gagawin ko gayong mangyayari ngayon ang nasa panaginip ko. Antonio's confession, the competition, and worse, the presence of Josefa the Bitch.
Umayos agad ako ng tayo nang makarating na kami sa destinasyon namin. My mouth parted after seeing the gate. It was exactly what it looks like in my dream earlier. The grand gate with the "Riguiarios" name on top of it, the watchers or guards surrounding the front area where the visitors would enter, ang kanilang mga bulaklak at iba't ibang halaman lati narin ang mga prutas at gulay, at marami pang iba. The mansion was so big na halos ay sumasakit ang batok ko sa kakaangat ng tingin para lang matanaw ko ang taas at kabuuan ng bahay nila. This is no ordinary mansion, at talagang nabibilang sila sa mga mayayaman pamilya ng panahon na ito.
Huminto ang kalesa at agad akong tumayo saka tumalon, dahilan para mapasinghap si ate at inis akong sinapak sa batok habang siya ay nasa loob pa ng sinasakyan namin. Nag-peace sign nalang ako sa kanya at nginitian ang driver ng kalesa na nakaawang rin ang bibig dahil sa nakita.
Nauna na akong tumakbo papunta sa loob ng gate kahit pa naririnig ko ang inis na boses ni ate habang tawag ng tawag sa pangalan ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng excitement. Sabi ng babae ay hindi dapat ako magpapaapekto sa mga desisyon ni Isabelita. I should stop her from deciding things that could lead her to her mistakes and I should change how these happenings could flow.
"Isabelita!" sigaw parin ng sigaw si ate ngunit tumawa lang ako at hinawakan ang laylayan ng palda ko para hindi ko iyon matatampakan habang tumatakbo ako ngayon. Napatingin ang mga tao sa akin ngunit wala akong pakealam.
"Bilis! Ang bagal naman!" sumulyap ako sa likuran ko at sinigawan si ate. Mas sumimangot ang kaniyang mukha kaya mas napapahalakhak ako.
Hanggang sa di inaasahan, sa oras na lumingon ako ulit sa harapan ko ay hindi ko namalayang may tao palang nakatayo at nakatingin sa ibang direksyon. Napasigaw ako nang tumama ang ulo ko sa likuran niya at padabog na napaupo sa sahig.
I groaned. Dahil sa hapdi ng pwet ko ay napahiga ako sa damo.
"Aray..." Halos maiiyak na ako. Umaasa pa naman akong sasaluhin ako ng taong humarang sa daan ko pero hindi kailanman iyon nangyari! Tangina talaga!
"Binibining Isabelita?" Narinig ko ang baritonong boses ng isang lalaki. Nang maimulat ko ang mga mata ko ay hindi pa masyadong klaro at malinaw ang paningin ko lalo na't natamaan sa init na sinag ng araw ang paningin ko.
"S-sino ka?" Mahinahon at nauutal na sabi ko.
"Ako ito, si Faulicimo!" he exclaimed.
I rubbed my eyes and sat on the grass. Dahil sumakit ang pwet ko ay dahan-dahan akong tumayo at ipinagpag ang mga kamay ko. Nahihilo pa ako kaya naman halos matumba pa ako at umiikot ang paningin ko. Mabuti nalang at nahawakan niya ang bewang ko.
Sa oras na mas naging klaro ang paningin ko ay nagtama ang paningin namin sa di-inaasahan. Napatingin ako sa kabuuan ng mukha niya at kumunot ang noo ko nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
"Sino...?" nagtatakang tanong ko sa kanya. My head tilted a bit as he chuckled.
"Ako ito, si Faulicimo Redito, kababatang kaibigan mo." nakangiting sabi niya.
And from that very moment, flashes of memories kept popping up inside my head. Napapikit ulit ako dahil sa sakit ng ulo at nararamdaman ko naman ang mas higpit na hawak niya sa bewang ko. Naririnig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit parang nawawala ako sa hwisyo.
Maraming ala-ala ang bumabalot sa isip ko ngunit ni isa ay hindi pag-aari ko dahil...lahat ng iyon ay nagmula kay Isabelita. Hindi ko maibilang ngunit may isa na umaangat sa lahat...
Ang paghawak ni Isabelita sa kamay ni Faulicimo. She was crying as her grip tightened. It looks like she does not want to let go but she had too. Sila ay nasa isang mala-kweba na lugar, puno ng mga malalaking puno at maririnig ang isang rumaragsang alon ng ilog sa likuran ng lalaki. Hawak-hawak ni Faulicimo ang isang itak na pumapatak ang dugo sa dulo neto. Halos maiiyak na rin ang lalaki ngunit halatang pinipigilan lang iyon.
"Faulicimo, s-sabihin mo sa akin...ginusto mo ba ito?" nauutal na tanong ni Isabelita sa lalaki habang patuloy na umaagos ang luha niya. Nanginginig ang kamay niya sa sakit at pangamba.
Napayuko ang lalaki at napa-iling. "Umalis ka na, Isabelita."
"Faulicimo!" galit na sigaw ni Isabelita. "Nangako ka! Natuto akong mahalin ka dahil sa mga ipinangako mo sa akin!"
"Wala akong magagawa. Hinahanap nila tayo!"
"Kung ganoon, saan mo ibinigay ang anak natin?" nabasag ang boses ni Isabelita. Doon na tuluyang nagsihulugan ang mga luha ni Faulicimo.
"Umalis ka na, mahal. Nagmamakaawa a-ako..." halos bulong na sabi ng lalaki.
"Hindi ako aalis kung hindi mo iyon sasabihin sa akin! Pinagkatiwalaan kita, Faulicimo! Sumama ako sa'yo at iniwan ko ang sarili kong pamilya dahil sa'yo. Iniwan ko sila lahat para sa'yo! Nangako ka sa aking magiging matitiwasay ang buhay ko kapag uuwi ako sa'yo subalit...k-kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon?"
"Isabelita—"
"At alam mo ang mas masakit?" nanginginig na tanong ng babae. "Bumuo tayo ng isang pamilya ngunit...hindi ko inaasahang ganito pala ang hahantungan natin. Binigay mo pa ang anak natin! Anak natin, Faulicimo! Paano mo nasisikmurang gawin iyon?!"
Napaawang ang bibig ko sa naaalala. Agad kong naitulak ng malakas ang lalaking hawak ang bewang ko ngayon dahilan para maatras siya.
He is Isabelita's husband! Siya ang sinabi ng valak na childhood bestfriend ng babae!
I also took a step backward. Bigla akong nakaramdam ng lamig lalo na't nagtama na naman ang mga mata namin. He looked at me, confused.
"Isabelita—"
"Oh...Naaalala kita...bro." iyon nalang ang tanging nasabi ko dahil ramdam na ramdam ko ang matinding kaba. Hindi ko alam pero, kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya.
"B-bro?" naguguluhang tanong niya. Agad akong tumango.
"Oo. Pasensya na pero...may gagawin pa ako, ah? Pasensya na talaga.." hilaw akong ngumiti at agad siyang nilagpasan at kumaripas ng takbo paalis.
Shet!
Sa pagpasok ko sa event sa mismong wide field nila ay eksakto ko namang nakita si Anton, na ngayon ay nahihirapang umakyat sa kabayo niya. Parang natatae ang itsura niya at halatang kinakabahan talaga. Napahinto agad ako nang makitang natapos na ang pag-serve ng mga pagkain at nakaupo na ang lahat. What? Bakit parang nag-iba ang daloy ng istorya?
O right. Si Anton pala ang may hawak sa dignidad ni Antonio at ako naman kay Isabelita so...hindi hamak na maraming pagbabago ngayon.
Doon naman ako nakahinga ng maluwag nang mapagtantong hindi ako sinundan ng Faulicimo ngayon. Napaupo ako dito sa pinakalikuran at sabay na nanonood sa ganap. In my dream, Antonio was an expert in riding horses pero ngayon sa nakita ko, ni hindi man lang marunong umakyat ang kaibigan ko sa puting kabayo niya!
I bit the insides of my cheek to stop myself from laughing.
"Fuck..." I could hear my friend's curses while trying to climb on the horse but he just couldn't. He is now ruining Antonio's reputation.
Nasa gilid lang niya ang kapatid niya na si Heneral Dominico Riguiarios. Nakasakay na ito sa kabayo at hinintay lang siya na makasakay na. His brother was secretly laughing at him, pati na rin ang ama niya at ang mga bisita na nandito ngayon. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaibigan ko. I even regretted laughing at him in an instant dahil pinagtatawanan na siya ng lahat sa haciendang ito.
"Iyan ang sinasabi ko sa'yo." narinig kong sabi ni Don Miguel sa kaibigan niya. "Siya ay walang kaalam-alam sa mga ganitong klase na bagay."
Kumuyom ang palad ko. Nasusulyapan ko si Josefa Ylmeda na nag-aalalang tinignan ang nobyo niya. She wants to go near him but she is not allowed to.
Nang marinig ni Anton ang halakhakan ng mga tao ay napahinto siya sa pag-akyat at tumalon ulit sa sahig. He looked away and felt ashamed of his actions. Galit niyang tinapunan ng tingin ang ama niya bago tuluyang tumalikod sa amin at umalis, hila ang sariling kabayo. Narinig ko ang usap-usapan ng mga tao sa nangyari at tumawa lang ang pamilya niya sa kanya. They think so lowly of him, to the point na parang itatakwil na rin nila si Anton.
Tumayo na rin ako at umalis sa venue. Pumunta ako sa ibang daan para sundan ang kaibigan ko. Nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng isang napakalaking Balete na puno at hinahaplos-haplos ang ulo ng kabayo. Walang emosyon ang mukha niya.
"Ehem." sabi ko at dahan-dahang naglakad sa pwesto niya. Napatingin siya sa akin at bumuntong-hininga saka nag-iwas ng tingin.
"Bakit ka nandito?" malamig na tanong niya. "Hindi ba't may trabaho ka?"
"Hindi ka ba marunong sumakay ng kabayo?" tanong ko sa kanya. His brows shut up.
"Bes, nakita pa nga kitang tumawa sa akin kanina. Ano sa tingin mo?" sarkastikong tanong niya. Napalunok nalang ako at tumingin sa gilid ko.
"Sorry." mahinang pag-aamin ko. He scoffed and ruffled his hair.
"Gusto ko nang umuwi. Hindi ko kaya 'to!" inis na sabi niya at napaupo sa sahig. Napaawang ang bibig ko nang makitang may mga luha na bumubuhos mula sa mga mata niya. Agad ko siyang nilapitan ngunit yumuko lang siya at hinawi iyon. "Nakakahiya!"
Napaisip ako ng paraan. Marunong ako sumakay at gumamit ng kabayo dahil sa ama ko. Why don't I teach him? I can also teach him other things, like using gun, marunong din ako no'n!
Don't ask me where I learned...
Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. I offered him my hand. Napatingala naman siya sa akin at tinignan ang kamay ko. His brows furrowed.
"Ano na naman 'yan, bes?" tanong niya.
"Tuturuan kita." simpleng sabi ko at agad hinawakan ang kamay niya at hinila siya patayo. Nagpatianod naman siya at marahas na bumuga ng hangin.
"Sana all, marunong."
Ngumiti ako sa kanya at hinila siya patungo sa kabayo. I let his warm palm touch the side face of his white horse. "Before starting, you should caress him to gain his trust on you. Para na rin itong humihingi ng permiso na gusto mo siyang gamitin. You can greet him or say anything positive."
He looked at me before he looked at the horse and greeted. "Hello po. Gagamitin po kita kung ok lang sa'yo?"
Napangiti ako kaya napatingin siya sa akin. I slowly nodded and gave him a wink. He gave me a disgusted look in return.
Pagkatapos no'n ay agad akong tumapak sa stirrup ng saddle at umupo na. Napaatras siya sa gulat kaya tinawanan ko siya. He looked so unexperienced, masyadong halata.
"Hoy!" I laughed jokingly. "Bawas-bawasan mo 'yang takot mo bes. Wala tayo sa modernong panahon."
"Tseh!" umirap siya. "Ayoko na nga—"
"—oops," pinutol ko siya at inilahad ulit ang kamay ko. "Do you want to learn or not?"
He stared at me for a long time bago lumunok at nagsalita. "P-pero, ikaw muna sa harap. Ngayon lang kasi ako makakasakay ng kabayo sa buong buhay ko at...may takot pa ako."
I shrugged and lifted my offering hand a bit. "Kunin mo ba ang kamay ko?"
He sighed and finally held my hand. I instructed him to climb on the stirrup at sinunod naman niya. Naupo siya sa likuran ko at napahawak ng kaonti sa baro ko. I can feel him shivering. Napangiti nalang ako.
"Ready ka na ba?" tanong ko.
"B-bes, baka m-madisgrasya tayo." kinakabahang sabi niya.
"Wala ka bang tiwala sa akin?" sumulyap ako ng kaunti sa gilid ko at natigilan ako nang mapagtantong napakalapit lang ng mukha namin. I stared at his eyes, down to his nose, then to his lips before finally looking at his whole face. Natigilan rin siya sa ginawa ko at napalunok.
"Bes..." mahinang sabi niya.
"Do you trust me?" I asked, almost whispering dahil ilang sentimetro lang ang agwat ng mukha naming dalawa. Nakatitig lang siya sa mga mata ko, as if finding the trust I kept on asking.
"Isabelle," and like for the very first time, binanggit niya ang pangalan ko, not in a girly tone, but in a serious, baritone one.
Napangiti lang ako at kinindatan siya. Humarap na ako at agad pinatakbo ang kabayo sa malawak na berdeng patag. Dahil sa unang pagtalon ng kabayo at pagtakbo ay walang pagdadalawang-isip siyang yumakap sa bewang ko, takot na mahulog. Napalunok ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganito kami kalapit sa isa't isa. I glanced at him at nakita ko kung paano nakapikit ang mga mata niya. The wind was so cold as the horse ran through the plain field.
"Open your eyes, bes! Wohoo!" sigaw ko at nilingon siya ulit.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya nang makita ang kung ano ang nasa harapan namin, ang magandang tanawin ng bulubundukin. Sa itaas namin ay ang kulay asul na atmospera at ang mga puting ulap.
Nagtataka ako kung bakit hindi umulan, gaya ng nangyari sa panaginip ko.
Have we really changed the time?
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang humawak sa dalawang kamay ko na ngayon ay nakahawak rin sa lubid na siyang namamahala sa kilos ng kabayo. My bare hands looked so small as he tried holding and covering it with his. I stared at him with mouth parted but he only gave me a manly smirk.
"Let me try." he said in a deep baritone voice.
Nananatili lang akong nakatingin sa kanya habang siya na ang may kontrol sa kabayo. He is now looking in front and is serious with what his doing.
Sa ilalim ng araw ay nababad kami sa init ng panahon kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Sa mismong oras na iyon ay ang mas naging paglakas ng pagtibok ng puso ko...dahil sa parehong dahilan noon, na pilit ko nang kinakalimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top