Kabanata 43
Where and when did it all start, really?
"Ma! Ang haba naman nito!" napakamot ako sa noo ko nang makita ko ang dress na binili niya sa akin mula sa divisoria. Isang kulay blue na Cinderella dress at malaking malaki sa akin dahil lagpas paa ang haba! "Maglalaro pa kami ni Tintin—"
"Shh! Ikaw'ng bata ka, ah! Itikom mo 'yang bibig mo!" aniya at sinimulan na akong i-make up kaya't napapikit nalang ako.
Kailan ko kasi ito lalo na't magpeperform ako sa stage para sa two-thousand na premyo. Two thousand lang! Si inay, kung ano-ano ang ipinasali sa akin.
"Ang kati!"
"Isabelle!" tinapik ni mama ang kamay ko. "Nagme-make up pa ako sa'yo!"
Napasimangot nalang ako at naiiyak na. Dahil namumuo na ang luha sa mga mata ko ay nagalit si inay dahil may nilagay siya sa mata ko.
"Hala! Huwag kang umiyak, Isabelle! Uulitin ko na naman ang eyeliner mo! Tsk!"
"Maglalaro pa kami ni Tintin!" tuluyan na akong napahagulgol ng malakas.
Akala ko ay maaawa siya sa akin ngunit kinurot lang niya ng malakas ang braso ko, tila nanggigigil ng sobra.
"Sa susunod, kukurutin ko na 'yang singit mo!"
Agad akong napahinto sa pag-iyak at hindi na nagsalita. Ang sakit kaya!
Nang matapos siya sa paglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha ko ay may inilahad siyang samin. Maiiyak na naman ako dahil sa overall itsura ko.
"Ma, n-nasobraan 'yata sa make-up—" pinutol niya kaagad ako.
"Shh! Maganda kaya!" aniya at ngumiti. "Style ko 'yan. Cat eye make-up."
"Para naman akong clown, eh! Ayokong maging si McDonalds!"
"Hep!" pigil niya sa pagrereklamo ko at tumayo na. "Tara na, baka ma-late ka na."
"Ayaw ko! Nakakahiya!" humahalukipkip ako at mas sumimangot. "Pinaglalaruan mo nalang yata ako, eh!"
At hindi niya ako napigilan kailanman. Talagang hinatak niya ako sa gym ng aming school. Doon ko nakita ang mga kaklase ko na ang gaganda at ang gugwapo nila. May naka-mermaid tail at naiiyak rin siya dahil hindi siya makapaglakad ng maayos. May iba rin na nagsusuot ng mga gown katulad ko ngunit ang gaganda ng mga make-up nila. Napayuko nalang ako at tinignan ang dress ko.
"H-hindi ko naman gusto 'to..."
"Isabelle!" nag-angat ako ng tingin dahil narinig ko ang boses ni inay na papalapit sa akin. Nasa likuran kami ng stage ngayon para maghahanda. "Nakalimutan mo itong wand mo!"
Kumunot ang noo ko. "May wand pala si Cinderella? Wala naman, ah!"
"Shh! Huwag ka na ngang magreklamo!" aniya at nahihiyang ngumiti sa mga ina rin na nasa anak nila saka ibinigay sa akin ang wand. Napasimangot nalang ako at napayuko.
"Ano na ako ngayon, ma?" malungkot na sabi ko.
"Fairy Cinderella."
"Wala naman akong pakpak, eh!"
"Ikaw'ng bata ka," aniya at napadaing nalang ako nang kinurot niya ako at bumulong siya. "Isang reklamo mo pa, pipingutin ko na 'yang singit mo, makikita mo."
Gusto ko na talagang umiyak. Gusto kong umalis dito. Alam ko namang mananalo na ako! Boring na!
Kampante na ako hanggang sa magsimula ang competition. Naglaho ang confidence ko matapos rumampa ang mga kalaban ko sa stage. Humihiyaw ang mga tao at pumalakpak, lalo na nang pumasok ang pinakamaganda sa lahat. Bigla nalang akong nanliit sa sarili ko dahil hindi naman ako maganda. At lalong hindi ko tipo ang ganitong mga okasyon. Kung wala 'to ngayon, paniguradong ilalaan ko ang oras ko sa gym dahil may liga ng basketball doon sa barangay, hanggang alas-dies ng gabi.
"Contestant number 5, Miss Isabelle Montereal."
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang umakyat sa stage. Rumampa ako kung kaya't malakas ang hiyawan. Umikot ako upang makita nila ang kabuuan ng dress ko at iwinawagayway ko ang wand ko sa kanila saka ngumiti.
"Good afternoon everyone. My name is Isabelle Montereal and I am five years old." Sabi ko sa mic at pumalakpak naman silang lahat. Pagkatapos no'n ay ngumiti ako at bumaba na ng tuluyan sa stage.
Akala ko ay awarding na pero nagkakamali ako. Dahil may talent section pa pala at kailangan naming magpe-perform isa-isa. Hindi ko alam at si inay ay halatang wala ring kaalam-alam dahil nagulat siya. Natataranta na siya at wala nang maisip pa. Kung kaya't nang makaakyat ulit ako sa stage ay kumanta nalang ako.
"I see forever, when I look into your eyes...you're all I ever wanted, I always want you to be mine..." Pagkakanta ko pa.
Napapikit nalang ako dahil sa kahihiyan. Ang mga audience ay ngumiti lang at nakipagsabayan sa kanta ko. Si inay ang ngumingiti rin at may sinasabi sa katabi niya.
"Anak ko 'yan," paulit-ulit niyang sabi at ipinapakitang-gilas ako sa mga taong nasa magkabilang tabi niya. "Hindi kami nakapag-prepare pero parang nagpa-practice pa rin siya, kahit wala. Mana sa akin. Magaling kumanta."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at tumingin sa harapan ngunit...natigilan rin nang magtama ang paningin namin sa isang gwapong lalaking kapareho lang yata ng edad ko. Namamangha siyang tumitig sa akin at ngumiti.
"Let's make a promise, till the end of time...we'll always be together, and our love will never die..."
Malapit akong mawala sa kanta dahil sa pagtitigan namin sa isa't isa ngunit nagawa kong tapusin iyon. Sa pagtatapos ay kaagad akong bumaba sa entablado habang nagpapalakpakan pa sila.
At tama nga ako, dahil nang matapos ang programa at nang inanunsyo na ang mga nanalo, ako ang nakakuha sa grand prize na ten thousand pesos! Ang second placer lang pala ang two thousand at five thousand naman ang sa first placer. Tumatalon-talon si inay sa saya at umakyat na naman ako sa stage upang kunin ang trophy ko at ang envelope na may laman na pera.
Nagsipalakpakan ang mga tao. Iwinawagayway ko ang wand ko at masayang tumatalon-talon. Sa oras na humarap ako sa magbibigay ng mga awards ko ay natigilan ako at napahinto. Tumambad sa akin ang lalaki kanina na nakipagtitigan sa akin, dala-dala niya ang envelope at trophy na may nakalagay na "Miss Halloween 2004".
Dapat pala ay nag Dracula attire nalang ako! Bakit naman princess ang theme ng dress ko gayong Halloween pala ang ganapan?! May nag Ariel kanina, nakakatakot na pala si Ariel?
"I-Ikaw..." nauutal na sabi ko, gulat parin.
Siya na mismo ang lumapit sa akin at ngumiti, inilahad ang premyo. "My dad contributed greatly with this competition. I am incharge of giving the prizes."
Napalunok ako at nag-bow saka kinuha ang premyo ko. "S-salamat."
"Congratulations for winning." He said and pointed my dress. "May bubblegum sa gown mo."
Kumunot ang noo ko at yumuko. Nanlakihan ang mga mata ko nang makita ang bubblegum na nakasabit sa dulo ng gown ko! Hala! Ni-rent lang namin ito, lagot talaga ako kay inay!
"K-kaya ka pala ngumiti sa akin?!" inis kong sabi at nilingon siya. Kumunot ang kaniyang noo.
"No." umiling siya. "Ngayon ko lang nakita 'yan, pag-akyat mo dito sa stage. Wala 'yan kanina no'ng nag perform ka."
I was intently watching him at that time. His hazelnut eyes stared at me for a long time.
When things doesn't go the way you wanted them to be, it surely is a hard path to take. Dahil naman, nang magkaklase na naman kami ng ilang buwan, hanggang sa lilipas ang ilang taon, hindi ko mapipigilan ang sarili ko na mamangha sa kanya.
He's been loved by girls since then. Kahit sa anong lugar ay ni isang oras ay hindi mangyayari ang pagkakataon na walang babae ang aaligid sa kanya maliban sa akin. I admit, I confessed to him through letters, but he only said na ayaw niya sa babae dahil bakla siya. I wanted to leave everything behind, start a new path, but he doesn't want us to break apart from being friends. He wants us to remain as what we really are before.
Naghihirap ako. Dahil sa mga panibagong araw na magkikita kami, mas nahuhulog ako sa kanya. Mas namamangha ako sa kanya. Mas nabibighani ako sa kanya. Mas lalakas ang tibok ng puso ko para sa kanya. I could say that for a hundred years, I could think of it for a thousand times up to infinity, at sigurado akong hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.
Minsan ay napaisip ako, why does the world seems so harsh to me? Bakit...doon ako palaging masaya sa mga bagay na hindi naman talaga magiging sa'kin?
My hands formed into knuckles. In front of me was Anton, talking to a girl who just confessed to him. I can't help but feel the jealousy within me. Umiiyak ang babae, nasasaktan dahil hindi siya sinagot ng kaibigan ko, kagaya ng ginawa niya sa iba pang manliligaw niya. We're in 4th year highschool now.
"Anton...give me a chance please," kulang nalang ay luluhod ang babae.
I volunteered to hold his gifts from the girl. Napayuko ako. Hawak ko ngayon ang mga pulang rosas at mga chocolates saka na rin handwritten letters gamit ang mga mamahaling papel.
I feel out of league. Bakit naman mayayaman ang mga babaeng nanliligaw sa kanya? Life really is unfair. I couldn't even afford things like this. Bente lang ang meron ako. Wala pa nga akong cellphone, kahit keypad lang. Mas priority kasi namin ang mga babayarin sa bahay at karinderya namin.
Anton said something to the girl kung kaya't sumimangot ito.
"Bakit si Isabelle, pwede tapos ako, hindi?" mataray na sabi niya.
"Kaibigan ko siya." Tugon ng kaibigan ko.
Natigilan ako sa pag-iisip at nag-angat ng tingin sa kanila. Nakatalikod si Anton sa akin at nasa harap niya ang babae.
I often wonder, kapag hindi ba siya bakla, may pagkakataon ba ako?
Siguro ay wala. Hindi ako kasingganda ng mga babae katulad ng mga manliligaw niya. Probably, he would fall for a girl who's rich at may maintenance. Tapos kung magde-date sila ay sa ibang bansa. Ano kaya ang pakiramdam no'n? I've never tried.
Bakit kasi kami nabuhay ng mahirap?
At bakit ako nabuhay ng hindi matalino?! Wala na ngang beauty, wala ring brain!
I ruffled my hair before lying down on the bed. Bagong ligo ako at bagong toothbrush. Basang basa pa ang buhok ko nang humiga ako sa kama. Pipikit na sana ako nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.
"Isabelle," pagtawag ni inay.
Napaupo ako at tumingin sa kanya. "Bakit po? Ano po ang iuutos niyo?"
Napatalon ako sa gulat nang may itinapon siya sa akin na maliit na kahon. Nasalo ko 'yon. Nanlakihan ang mga mata ko sa nakita.
"Nay! A-ano 'to..."
"May extra akong pera saka...hindi naman mahal 'yan."
Napaluha ang mga mata ko. Totoo ba 'to? Totoo bang may cellphone na ako?!
"Matulog ka na at maaga ka pa para sa klase mo bukas," utos niya at isinarado na ang pinto ko.
Naluluha ako sa nakita. Agad kong niyakap ang kahon ng bagong cellphone at hinalikan ito. Salamat sa Diyos! May keypad na cellphone na ako!
Akala ko ay magiging masaya na ang lahat ngunit nagkakamali pala ako.
"Anton," tinapik ko ang kaibigan ko na ngayo'y natutulog sa tabi ko. Lunch break ngayon at naghihintay na kami sa susunod na teacher.
"Hmm?" tanong niya habang nakapikit.
"Tulungan mo ako."
"Bakit?"
"Bakit hindi ma send ang message ko? Balak ko sanang i-text si inay na baka matagalan ako makauwi ngayon dahil sa research natin. Saka, may practice rin ako sa basketball mamaya."
Nagmulat siya ng mata at lumapit sa akin. Nakaramdam kaagad ako ng kaba at naiilang na dahil sa matapang na amoy ng perfume na.
"Let me see," he said. Ibinigay ko ang keypad kong phone sa kanya.
Ngumiti siya at tumingin sa akin.
"B-bakit?" kinakabahang tanong ko.
"Bes, wala kang sim." Aniya at nagpipigil ng tawa.
Kumunot ang noo ko. "Anong sim?"
"Wala kang sim!" aniya at inilahad sa akin ang phone, may itinuro sa taas ng screen. "Nakita mo 'yan? Please insert sim daw!"
Dahil sa lakas ng boses niya ay napatingin ang mga kaklase ko sa aming dalawa. Nanlakihan ang mga mata ko at inis na nilingon ang kaibigan ko na ngayo'y humahalakhak na. Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko.
"Ang ingay mo!" galit na sabi ko sa kanya.
"Bumili ka muna ng sim."
"Hindi ko alam kung ano ang sim!"
Talagang nag-aaway kami dahil lang sa sim na 'yon. Hanggang sa nalaman ko nalang na kailangan pala 'yon sa isang cellphone, ma keypad man o touch screen. Hiyang hiya ako ngunit umiling lang si Anton.
"Bakit ka nahihiya? Wala namang pinagkaiba 'yan sa cellphone ng iba." He shrugged.
"Hindi mo naiintindihan, Anton! Keypad lang 'to. Touch screen 'yang sa inyo."
Ngumiti lang siya sa akin at nagkibit ng balikat. Ang hindi ko inaasahan...ay bibili pala siya ng keypad na phone sa susunod na araw!
"Tada! Pair na tayo!" aniya at ipinakita ang sa kanya. Pareho lahat! Pareho kami ng brand, pareho rin ng kulay at version. Huwatt?!
"Ipinamukha mo ba sa akin na ganoon ka kayaman para makabili ng phone sa isang araw lang?" sarkastiko kong tanong.
"Huh?" he chuckled. "Ayaw mo ba? Pair na tayo tapos, magse-send tayo ng message dito." Aniya at iwinawagayway ang keypad niyang phone.
"Mukha mo." Napailing ako. "Anong magte-text? Ang mahal kaya ng load!"
"Ako nalang ang maglo-load sa'yo."
"Huwag na." tugon ko at nag-iwas ng tingin.
Our friendship formed into wonderful memories. Siya lang ang tanging kaibigan ko. Na maaasahan ko sa mga lihim ko. Na maaasahan ko sa buhay ko maliban kay mama. Ang nagugustuhan ko rin sa kanya ay hindi siya nagmamaliit ng tao, sa kung ano man ang estado. He even seems comfortable living with us, sleeping in my room na one fourth lang sa kuwarto niya. Nahihiya man ako ngunit wala akong magawa dahil komportableng komportable siya.
"Bakit ang gwapo mo?" I whispered.
Nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog siya ngayon sa kuwarto ko dito sa bahay. Sabi niya ay nabo-bored siya sa kanila dahil palaging wala sa bahay ang magulang niya para sa trabaho abroad. Okay lang din naman ni inay dahil sabi niya may pag-asa raw akong magkaboyfriend. Wish niya kasi na magkaboyfriend ako ng mayaman para hindi raw ako maghihirap sa buhay ko sa future. Maghihirap naman ako upang makapag graduate at kukuha ako ng trabaho para sa amin kaso sabi ni inay dapat ay maging independent na raw ako at practical. Tinawanan ko nalang siya.
Dahan-dahan kong hinahaplos ang mukha niya. I stared at his lips for a long time and gently caressed it.
"Pati labi mo, halatang yayamanin, bes." Napangiti nalang ako at mahinahong tumawa.
Kumunot ang noo niya, tila nananaginip kung kaya't mas inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"Sorry," sabi ko at tumayo na.
Humingi ako ng tawad dahil wala akong pahintulot mula sa kanya na kung pwede ay halikan ko siya. At mabuti nalang ay natutulog siya dahil kung hindi ay paniguradong panay ang pandidiri niya sa akin.
Akala ko ay hanggang doon nalang talaga lahat. Hanggang pagkakaibigan lang talaga ang mahahantungan namin. Ngunit nagkakamali pala ako. Dahil sa oras na biglang naging imposible ang mga pangyayari at nang kami ay maipasa sa isang misyon, doon nagbago ang lahat.
Life really is unpredictable. Napunta kami sa nakaraan! Imposible man ngunit nagiging posible iyon para sa aming dalawa ni Anton. We kept on having flashback memories of our tragic past. We are bound to change the past. We are bound to do so, dahil kung hindi ay mamamatay kami sa nakasaad na oras. Mahirap ngunit kinaya ko dahil gusto kong bumalik sa mundo ko. At nasa amin ang magiging kahinatnan naming dalawa!
Anton still came from a wealthy family. At ako naman, ay nabibilang pa rin sa mga mahihirap at mga palaging inaapi. Wala namang problema sa akin ang ganoong set up. Ang hindi ko lang matanggap, ay ang mga haka-haka ng mga kasama ng kaibigan ko na mayayaman, at ang malaking agwat sa dalawang estado.
In both of this timeline, we kissed each other, we shared promises, we saved each other, we discovered a new journey together, we fell in love and developed into a new relationship, and we got married. We exchanged rings, we vowed to be with each other in sickness and in health.
We matured. Things weren't the same before. And while both of us were improving for the better, he decided to go through a path he wants now. He left his old self the moment he realized things while I, I learned to forgive despite the hate, the betrayals, the broken promises, and the mistakes. Every fall I'd make, every new lessons will grow along with the sundance kisses and the blooming hopes. Like the sunset, which the three versions of me loved eversince, there will always be new beginnings and fruitful mornings.
Now that we are in the end of this mission, hindi ko na mapigilang hindi maluha.
Yakap ko pa rin ang malamig na katawan ng kapatid ko na binaril ng mga hayop na sundalo. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi na magagamit ang mga salitang winika ko kanina lamang, habang nagtatanto sa mga bagay.
Mamamatay na rin ako. Hindi na ako makabalik sa mundo ko.
Nagulat ako nang makarinig ng isang putok na naman ng baril. Nanginginig ako sa takot nang makitang nahulog ang isang sundalong Hapones sa harapan ko. Wala na itong buhay.
"Dare ga kare o utta no?!" (who shot him?!) gulat na sabi ng isang sundalo.
Napatingin sila sa pwestong iyon at mas napayakap nalang ako sa kapatid ko nang binaril sila isa't isa. Patuloy na tumatagos ang mga bala sa kanila at natatalsikan kami ng dugo.
"Halt!" sigaw ng isang boses...na talagang kilala ko!
Nanlamig akong nag-angat ng tingin. Pakiramdam ko'y bumagal ang mundo nang makitang paparating si Anton sa gawi namin at hawak ang rifle niya.
"Anton..." halos bulong na sabi ko sa sarili ko.
Nang makarating na siya ay hinila niya ako patayo kung kaya't nabitawan ko ang kapatid ko.
"Nakikita ko na ang pinto," ngumiti siya kahit hinihingal. "M-makakauwi na tayo, mahal."
Wala pa ako sa sarili ko. Hinila niya ako upang makaalis na kami ngunit nagpupumiglas ako. Kumunot ang noo niya at tumingin sa itinuro ko sa sahig.
"A-ang kapatid ko..." nagsihulugan ang mga luha ko.
"Isabelle..."
"Anton, patay na ang kapatid ko...p-patay na si A-Aldo..."
"Isabelle, umalis na tayo." Seryosong sabi niya.
Umiling ako. "H-hindi ko siya iiwan—"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay tuluyan na niya akong hinila at tumakbo na kami papalayo doon. Wala na akong magawa kundi ang umiyak ng sobra. Nanghihina na rin ako at pakiramdam ko'y mahihimatay na ako sa walang oras dahil napakasakit na ng puso ko, hindi na ako makahinga kanina pa lamang.
Nadapa ako at napadaing. My palms clutched the cold soil as I try to ease the pain within my chest. Mas nanlabo ang paningin ko.
Lumuhod si Anton sa harapan ko, hinihingal pa rin. "A-anong nangyayari?"
Umiling ako at pilit na tumayo, kahit nahihirapan na. "W-wala."
Tumango siya at hinila na naman ako bago kami nagpapatuloy sa pagtakbo.
Nilingon ko siya habang tumatakbo kami. I inspected each part of his body. Mabuti at hindi siya nasugatan. Makakauwi siya.
At ako naman, tumindi na ang sakit ngunit wala namang sugat. Makakauwi na rin ako! Naghilom na ang mga sugat ko! Makakauwi rin ako kasama si Anton!
Ngunit nagulat nalang din ako nang may nagpaputok ng baril. Anton cursed ang pulled me in front of him.
"Bilis!"
Hiningal ako kahit na tumango. Subalit nang tumampak ulit ako at may nararamdaman akong kirot sa tiyan ko. Nang yumuko ako ay nanghina ako sa nakita.
Natamaan ako sa tiyan.
Tinakpan ko ang sugat na iyon upang mapigil ang pag-agos ng dugo. Shit.
I...I can't g-go home, right?
Namumuo na ang luha ko sa sakit at galit. Bakit sa pinakahuling oras pa? Bakit ba ako naghihirap ng ganito?!
Nang makarating na kami sa harapan ng pintuan ay binuksan niya iyon. At habang abala siya sa ginagawa niya ay kinuha ko ang liham na ginawa ko noong natutulog siya mula sa bulsa ko. May bahid na ang papel ng dugo dahil sa kamay ko. Ipinasok ko iyon sa maliit na bulsa niya, nang hindi niya alam.
Bumukas ang pinto. Lumaki ang ngiti ni Anton at humarap sa akin.
"Ito na ang huli." Aniya at naluluha.
Mapait akong ngumiti at doon nahulog ang mga luha ko. Natigilan siya at kumunot ang noo niya bago bumaba ang tingin sa tiyan ko. Nanlakihan ang mga mata niya nang makitang dumudugo ang tiyan ko kahit anong pigil ko.
"I-Isabelle..."
"Anton, mag-ingat ka." Ngumiti ako...sa huling pagkakataon.
"A-Ano?!"
"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita." Wika ko at itinulak siya ng malakas, dahilan para makapasok siya sa pintuan. Bago pa man sumarado ang pinto ay ngumiti ako at bumulong sa sarili ko.
"Matatagalan ako...ngunit sana ay hindi mo ako makakalimutan kailanman."
Agad naglaho ang pinto. Tuluyan nang nahati ang punong natamaan ng kidlat. May narinig akong mga yapak sa likuran ko, at bago pa man ako makalingon ay nararamdaman ko nalang na natamaan ang bawat parte ng katawan ko ng bala. Napaluhod ako at eksaktong nag-angat ako ng tingin sa kalangitan habang lumalabas at sumusuka na ako ng dugo.
Saksi ng mga mata ko ang magagandang dapit-hapon. Ang oras ng pagpapahinga at pagtatapos ng kasalukuyang araw.
Tuluyan na akong napahiga sa sahig, hanggang sa nanlabo ang paningin ko at dumilim na ang kapaligiran na nakikita ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top