Kabanata 31

"Lolo, ano po ang mas gusto niyo? Ang Araw po ba o ang Buwan?"

Si Lolo Faulicimo ay napatingin sa akin nang maitanong ko 'yon sa kanya. Natigilan siya ng ilang sandali bago ngumiti at bumuntong-hininga.

"You...reminded me of someone." aniya at nakatulala ulit sa kalawakan.

Napaangat ako ng tingin upang pagmasdan ang buwan at ang mga nakapalibot na bituin, bumubusilak sa ilalim ng kadiliman, nagbibigay liwanag sa himpapawid, tila sumasaloob nawa ng tanyag kahit sa maliit na pag-asa lamang.

"Si lola na naman?" napangiti ako at agad naman siyang tumango.

"Sinabi rin 'yan ng lola mo."

"Ang alin po?"

"'Yang tanong na 'yan." tumawa siya. "She asked me to choose between the two."

"At ano po ang sinagot niyo?"

Lumingon siya sa akin at malungkot na ngumiti. "Buwan."

"Bakit po buwan?"

"Noon, buwan ang pinili ko kahit nagdadalawang isip pa ako dahil sa gabi ay may katahimikan at may kapayapaan.. Hindi lang 'yan. Siyempre, may buwan na gagabay sa akin sa gitna ng kadiliman. Ang tanging kasama ko sa madilim na mga oras. Mas gusto ko ang mapag-isa lalo na't kada-gabi rin ako magtatrabaho"

"At iyon ay ang pumatay...ng mga inosenteng tao." Wika ko. Dahan-dahan siyang tumango.

"Sa edad mong katorse apo, malaki ang pasasalamat ko dahil bukas ang iyong kaisipan sa lahat ng bagay."

"May dahilan ka rin po, lolo." Hinawakan ko ang kamay niyang matanda na tignan, kulubot at maraming ugat saka sugat. "At kung ako ang tatanungin, mas mabuti kung pakikinggan ko muna ang dalawang magkaibang pananaw."

Marahan siyang bumuga ng hangin at niyakap ako. Sumandal ako sa dibdib niya habang hinahaplos-haplos niya ang likuran ko.

"Ngunit...nang marinig ko ang sagot ng lola mo patungkol sa tanong ko ay, hindi na ako nagdadalawang isip pa. Hanggang sa huli ay buwan pa rin ang pipiliin ko."

"Ano po ang sagot niya?" nagtataka kong tanong.

Napatawa siya at napailing. "Sabi niya mas mabuti raw dahil...kung ako ang buwan ay siya naman ang bituin na pumapalibot sa akin upang protektahan ako mula sa kapahamakan."

Natahimik ako nang marinig ang sinabi ni lolo Faulicimo. Siya rin ay napayuko nalang at naluluha ulit ang mga mata. Palagi siyang umiiyak kapag magkukwento kami tungkol kay lola Davina.

"She really did...protect me." Iyon ay isa nang bulong.

Napailing siya at hinawi ang luha niya. Niyakap ko nalang si Lolo Faulicimo ng mahigpit. Ngumiti siya ulit at yumakap pabalik, tila nanggigigil.

"Alam mo Isabelia, kamukha mo ang kaibigan ko noon." Natatawang sabi niya sa akin. Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya.

"Sino po?"

"Isabelita. Iyon ang pangalan niya."

"Kapangalan ko rin!"

"Oo nga." Hinalikan niya ang noo ko. "Ayaw ko sana ngunit hetong ama mo, tinotoo ang pang-aasar niya sa akin na ipapangalan ka raw niya kay Isabelita lalo na't nalaman niyang magkamukha lang kayo."

"Saan po nagmana si itay sa ugali?"

"Siyempre, saan pa?" pabiro niyang kinurot ang ilong ko. "Edi sa lola mo."

"Tapos ako, sa'yo lolo?"

Nagmamayabang siyang tumango kung kaya't sabay kaming napangiti ulit. Kada-kaarawan ni lola Davina ay palaging pumupunta si lolo dito sa harapan ng bangin upang tahimik na mamasid sa gabi kung kaya't sasama ako sa kanya dahil maliban sa naaawa ako ay nagugustuhan ko rin ang kapayapaan na idinudulot ng mundo dito at sa ganitong oras. Tanging ang ingay lamang ng mga insekto ang pumapalibot sa amin. Naaamoy ko rin ang kulay asul na dagat sa ibaba, na siyang nagbibigay ng presko at malamig na hangin.

Ang pag-uusap namin ni Lolo Faulicimo ay isang ala-ala na kailanma'y hindi ko malilimutan. Kada taon iyon...hanggang sa edad kong desi-otso. Palagi niya akong binabantayan, sila ni ama. Si inay ay salungat naman. Mas gusto niya akong ipapalabas upang makapaglaro ako ng malaya ngunit dalawa sila ni ama na lalaki at sila palagi ang masusunod kung kaya't hindi na rin umaangal ang ina ko. Naiintindihan ko rin naman lalo na't mas inaabala nila ng kaligtasan ko tsaka, nagugustuhan ko rin ang maging mapag-isa. Kasanayan ko na iyon at hindi ko tipo ang magrereklamo sa mga utos ng matatanda. Iginagalang ko sila kahit sa maliit na paraan lamang.

Dahil sa buong buhay ko na rin iyong nasasanayan ay naiilang na ako kapag makikipag-usap sa mga tao, lalo na sa mga lalaki dahil nababaguhan ako palagi. Nanginginig ang mga kamay ko dahil hindi ko naiintindihan kung bakit kakaiba ang ngiti nila sa akin. Kapag makikipag-usap sila ay natatakot ako sa madilim na boses nila. Nasasanayan ko na ang ama at lolo ko na kalmado lamang kapag nakikipag-usap sa akin. Minsan rin ay titignan nila ako mula ulo hanggang paa at kalaunan ay kikindat ng nakakakilabot na paraan. Nais ko sanang magsumbong ngunit nakakaabala lang iyon sa mga magulang ko kung kaya't sa huli ay tatahimik nalang ako at hindi na magsasalita pa.

"Inang, nasaan po si inay at itay?" tanong ko habang inaayos nila ang buhok ko.

"Nasa bayan po, namimigay ng mga libreng pagkain at inumin sa mga tao." Sagot niya.

Napaisip ako. Kung mananatili ako rito ay magtatanim lang ako at mag-aaral ng pagluluto saka kung wala nang gagawin ay matutulog nalang. Kung pupunta ako sa kanila ay makakaharap ko ang maraming tao at makikipag-usap ako sa kanila.

Ngunit gusto kong tumulong.

"Lalabas ako." Pagpaparinig ko at napasinghap naman si inang.

"Naku! Sigurado po ba kayo, binibini?"

"S-siyempre." Napalunok ako at biglang nanginginig ang mga kamay ko kung kaya't kinukurot-kurot ko ang sarili ko. Napabuntong-hininga nalang ako nang mararamdamang hinahaplos-haplos na niya ang balikat ko.

"Huwag po kayong matataranta, binibini. Sasama ako. Nasa likuran mo lang ako kapag nangangailangan ka ng tulong.

Ngumiti ako at hinarap siya saka yumakap sa bewang niya. Ngumiti rin siya at hinahaplos-haplos ako sa likuran. Itinuturing ko na rin siya bilang ikalawang ina dito sa mansyon dahil siya ang madalas na nakakasama ko kapag mag-isa lamang ako. Abala kasi sa trabaho ang mga magulang ko at minsan lang din sila umuuwi dito sa bahay. Si inang ay mapagmahal rin sa kahit anong paraan. Ni minsan ay hindi niya ako pinapalo kapag magalit siya sa akin. Sasabihan lang niya ako ng leksiyon at marami akong matutunan. Kapag naman, hindi ako makakatulog ay aawitan niya ako ng oyayi o di kaya'y mga makabuluhang kuwento na may aral din.

"Salamat, inang." Sa wakas, kumalma na rin ako.

"Walang anuman. Tara?"

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. Sabay kaming bumaba sa hagdan at may nakahanda nang sasakyan sa labas.

Nang makarating kami sa bayan ay nauna akong lumabas. Ang mga matatanda ay humawak sa kamay ko at halos lumuhod na, nagpapasalamat sa lahat ng tulong na ibinigay ng magulang ko. Hindi ako nandidiri ngunit, nanlamig ako. Nababaguhan talaga ako sa mga ganitong bagay. Sa kaba ko ay halos hindi na ako makahinga kung kaya't pilit silang inilayo ng mga tagabantay ko. Tanging ngiti nalang ang magagawa ko sa kanila.

"Binibining Isabelia! Pagpalain nawa kayo ng Panginoon!"

"Binibining Isabelia! Maraming salamat!"

"Binibining Isabelia! Pakisabi nalang ng mga magulang mo, maraming maraming salamat!"

Nahihilo na ako dahil sa dami ng tao. Napahawak ako sa magkabilang tagabantay ko at nang makita nila akong hindi na makahinga ay mas binilisan nila ang mga kilos nila. Nang mag-angat ako ng tingin ay natamaan ang mga mata ko sa init na sinag ng araw, na siyang ikinabagsak ko sa sahig. Napasinghap ang mga tao at agad akong binuhat ng mga pumoprotekta sa akin.

"I'm fine." Seryosong sabi ko at uminom ng maraming tubig.

"Umuwi nalang kayo." Naiinis na sabi ni itay at napahilot sa sentido niya. Si inay naman ay napamewang habang nag-aalalang tumingin sa akin.

"'Tay! Gusto kong tumulong!"

"Isabelia!" pagbabanta ni inay. Napasimangot ako at yumuko.

"Mabuti na ang kalagayan ko, nay. Tignan mo, oh!" itinuro ko ang sarili ko at agad na tumayo kahit nahihilo pa ako. "Naiinitan lang ako kanina, wala lang 'yon!"

"Bakit ngayon pa?" tanong ni itay. "Pwede naman sa ibang oras nalang."

"Ngayon ko napag-isipang tumulong."

"At alam mo sa sarili mo na natatakot ka pa. Huwag mo nang pilitin pa, Isabelia." Dagdag ni inay. Napapikit ako sa inis at padabog na umupo ulit sa upuan.

"Anong nangyari dito?" narinig ko ang isang boses mula sa malayo. Napatingin ako doon at nakita ko si Lolo Faulicimo na kakapasok lang, suot pa ang amerikana niya, tila nagmamadaling pumunta dito mula sa trabaho.

"Lolo!" agad akong tumayo at tumakbo patungo sa kanya saka niyakap siya ng mahigpit. Napabuntong-hininga ang mga magulang ko. Si lolo ay ngumiti saka hinalikan ako sa noo.

"'Tay," pagbati ng ama ko.

"Ano ang kaganapan, Ambrosio? Bakit niyo ako tinawag?"

"Ayaw nila akong patulungin, lolo." Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Bakit?" tanong ni lolo sa kanila.

"Nahimatay dahil natatakot sa mga tao." Ani inay.

"Naiitan lang kasi ako!"

"Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagpunta niya dito. Tsk," napailing si itay.

"Lolo, gusto ko talagang tumulong. Pangako!"

"Ngunit Isabelia, hindi pa kaya ng sistema mo." Malambing na aniya.

"Lolo, please..."

"'Tay, isama mo nalang 'yan ngayon. Total, gusto naman niyang makipaghalubilo sa mga tao, hindi ba?" tanong ni itay. Napatingala ako sa lolo ko at nanlakihan ang mga mata ko.

"Talaga, lolo?"

Napabuntong-hininga si Lolo Faulicimo. "Maraming mga lalaki doon, Ambrosio."

"Nandoon ka naman, 'tay." Tugon ng ama ko.

"Walang problema, lolo. Hindi ba't sabi mo sa akin ay 'control your fears'?"

"Kung makasabi kang bata ka ay tingin mo'y ayos lang." kinurot niya ulit ang ilong ko. "Hindi ayos sa akin."

Dahil sa pagmamatigas ko at sa pagmamatigas ng magulang ko ay walang ibang magawa si lolo Faulicimo kundi ang tumango nalang.

Nandito na ako sa sasakyan katabi siya at papunta kami ngayon sa kompanya niya. Seryoso pa rin siya ngunit kapag yumayakap ako sa kanya ay lumambing ang mga titig niya. Sabi niya'y makikilala ko raw ang mga trabahante ngunit kung hindi ako komportable ay pupwede akong tumanggi ng mga kamayan nila.

"Magandang hapon po, Don Faulicimo!" pagbati ng isa. Tumango lang si lolo at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod ako sa gilid niya at hawak ko ang braso niya. Ngumingiti-ngiti ako sa mga taong madadaanan namin.

Nakasuot sila ng mga pormal na damit. Nakipagkamayan si lolo sa kanila at ipinapakilala niya ako kung kaya't tumango na rin ako at kung maglahad sila ng kamay ay tatanggapin ko iyon ng buo kahit nanlamig ako. Hawak ko rin naman si lolo kaya hindi ako masyadong natatakot. Pakiramdam ko'y ligtas na ligtas ako sa kapahamakan kapag nasa tabi ko lang siya.

"May bisita po kayo." Ani ng isang babae na dala-dala ang mga papeles.

"Sino?" kumunot ang noo ni Lolo Faulicimo.

"Nasa opisina po, naghihintay."

Tumango kaming dalawa at nagtungo na sa pupuntahan namin. Nang mabuksan ni lolo ang pinto ay nananatili ako sa likuran niya, bumitaw na sa pagkahawak. Nakita kong natigil siya ng ilang sandali bago tuluyang pumasok. Sumunod ako at nasusulyapan ko ang dalawang lalaki. Tila isang matanda at anak o apo niya yata.

"Antonio?" gulat na tanong ni lolo. Ngumiti ang matanda at naglahad ng kamay.

"Faulicimo, binabati kita."

Nagkamayan silang dalawa at lumapit ako sa gilid ng lolo ko.

"Heto pala ang apo ko, Si Anton. Hindi ko muna makasama ang anak ko dahil may inaabalang trabaho." Aniya at lumapit naman ang lalaki, nakipagkamayan kay Lolo Faulicimo.

"Antonio Riguiarios II, po."

"Oh! Kamukhang kamukha mo yata ang lolo mo, hijo." Natatawang sabi ng katabi ko.

"Ilang beses ko na pong narinig 'yan." Natatawa ang lalaki. "Mabuti rin 'ho dahil guwapo po si lolo. Pinapagpala yata ako ng Panginoon."

Nagsitawanan silang tatlo. Napangiwi nalang ako. Ang yabang! Oo gwapo nga pero...tsk!

"Oo nga pala, apo ko rin, si Isabelia." Pagpapakilala niya sa akin.

Nang mapatingin ang Antonio sa akin ay nanlakihan ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya.

"Isabelia...?" nagtatakang tanong niya. Napatango si lolo.

"Hays. Itong anak ko kasi..." halos bulong na sabi ni lolo Faulicimo at kalaunan ay nagsitawanan sila.

"Kamukhang kamukha niya rin ang asawa ko!" namamanghang sabi ng lalaki.

Natigilan ako ngunit ilang sandali ay nagawa ko pa ring makipagkamayan sa kanya.

"Urduja Isabelia Redito, po." Pagbati ko.

Matapos ay lumingon ako sa katabi niya at naglahad ng kamay saka ngumiti. Tinaasan niya ako ng isang kilay at walang balak na makipagkamayan sa akin, tila nandidiri ang hitsura. Siniko siya ng lolo niya kung kaya't wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang kamay ko at tumikhim.

Hilaw kaming ngumiti sa isa't isa at agad kong binitawan ang kamay niya. Nandidiri niyang pinahid ang sariling kamay sa damit kung kaya't hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay.

Aba! Ang arte!

"Pasensya ka na, hija. Heto kasing apo ko ay walang interes sa mga babae. Ewan ko kung magkakaasawa 'to." Napailing nalang ang matanda. Si Lolo Faulicimo ay tumawa.

"Wala lang po 'yun." Nahihiyang sabi ko at sumulyap ulit kay Anton. Umikot ang mga mata niya at parang babaeng sumimangot dahil sa sinabi ng lolo niya.

Sa halip na takot ang mararamdaman ko ay irita at galit ang pumukaw sa damdamin ko. Aba! Kung makaasta 'tong lalaking 'to ay may gusto ako sa kanya! Wala! Ang papangit ng ugali at ang matapobre! Tsk!

Nag-uusap ang dalawang matanda at nasa tabi lang kami nila. Tinabihan namin ang mga lolo namin. Habang may inaasikaso silang mga papeles ay napasulyap ako minsan kay Anton. Palagi siyang umiirap sa akin kapag magtama ang paningin namin at kapag may mga lalaking trabahante ang pumasok dito sa opisina ay magpapaganda siya at inaayos ang buhok niya, tila mataas ito.

Kumutya ako at inis niya akong nilingon. Humahalukipkip ako at sumandal sa upuan, tinaasan siya ng kilay. Marahas siyang bumuga ng hangin, tila kinakalma ang sarili na hindi ako masabunutan. Kung ganoon, handa naman akong makipagsabunutan sa kanya! Hindi ako natatakot!

May dumating na kape at tubig matapos ang ilang oras. Isa lang ang tubig at tatlo ang kape na inihanda nila. Sila lolo ay kumuha ng mainit na inumin. Kukuha na sana ako ng tubig nang sabay naming mahawakan ni Anton ang baso nito. Inis kaming nagkatinginan sa isa't isa.

"Ako ang nauna." Seryosong sabi ko.

"My thumb touched the glass first." Babaeng sabi niya.

"Edi kumuha ka ng iba." Sabi ko at pilit na hinila ang baso ngunit hindi rin siya bumitaw. "Ano ba!"

"Pakiramdam mo lang na ikaw ang nauna!"

Nagsitaasan na ang boses namin kung kaya't natahimik sila Lolo Faulicimo. Ang atensyon nila ay nasa amin na.

"Anton, ibigay mo na lang 'yan—" nagsalita ang lolo niya ngunit pinutol niya kaagad ito.

"Lolo! Ako ang nauna! Hindi pwedeng ang mga babae nalang palagi ang nauuna!"

Napaawang ang bibig ng mga matatanda. Galit kong hinila ang baso ngunit hindi siya nagpapatinag.

"Isabelia, bumitaw ka nalang. Tatawag tayo ulit—" pinutol ko si lolo.

"No!" sabi ko pa. "Ako naman talaga ang nauna, siya lang 'tong illusyonada!"

"Salamat at itinuring mo akong illusyonada with an 'a' dahil nirerespeto mo ang orientation ko subalit hindi ako magpapatalo sa'yo!" sumbat niya.

Sarkastiko akong ngumiti. "You're welcome. I won't accept defeat as well. Bumitaw ka!"

"Ako ang nauna!"

"Pakiramdam mo lang iyon! Ako ang nauna! Bumitaw ka!"

"Sinungaling!"

"Ikaw ang sinungaling!"

"Jusko, ang batok ko." Napasandal si Lolo Antonio sa upuan at napahawak sa batok niya. Si Lolo Faulicimo naman ay hinawakan ang braso ko.

"Isabelia, kukuha nalang tayo ng bago. Bumitaw ka na lang." pabulong na sabi niya.

Bumuntong-hininga nalang ako at agad na bumitaw sa baso. Dahil pilit iyong hinila ni Anton ay napunta sa kanya ang tubig at natapon iyon sa mukha at katawan niya. Napasinghap siya at agad na tumayo. Si Lolo Antonio naman ay nabasa ng kaunti kung kaya't napatayo nalang din. Nagulat ako, pati si Lolo Faulicimo.

"Isabelia!" gulat na sabi ng lolo ko.

Dahil nakokonsensiya na rin ako ay agad kong kinuha ang panyo ko at pumunta sa pwesto niya.

"Naku! Sorry!"

Inis niyang hinawi ang kamay ko. "Nabasa na ako!"

"Tutulungan na kita—"

"Let go! This is all your fault!" pag-iinarte niya pa. Dahil sa naputol na ang bait ko ay napamewang ako at idinuro siya.

"Hoy!" tumaas ang boses ko. Galit ko siyang hinarap. "Una sa lahat, kasalanan mo dahil ayaw mong bumitaw. Ikalawa, naglalahad na nga ako ng tulong, oh! Nag-iinarte ka pa!"

"You did this on purpose!" aniya at umaaktong umiiyak.

Ang sarap sampalin!

"Isabelia, huminahon ka," lumapit si Lolo Faulicimo sa akin at tumingin siya kay Anton. "Pasensya na kayo—"

"Aysus! Huwag na po kayong mag-aalala, lolo. Okay lang po ako." Biglang sabi ni Anton, nag-iba ang ugali. Ngumingiti-ngiti na siya!

Tangina!

"Aba—" idinuro ko siya ngunit pinigilan ako ng lolo ko.

"Salamat. Sa susunod nalang tayo mag-uusap kung pwede sa inyo? Medyo nagkakagulo kasi ngayon." Nahihiyang sabi ni Lolo Faulicimo.

Si Lolo Antonio ay nagpahid sa braso niyang nabasa rin sa tubig at tumango saka ngumiti. "Sure, sure. Kailan?"

Hiningal pa ako nang bumalik kami sa upuan ko. Ang mga mata namin ay nagkatinginan pa rin, galit at inis ang sumasaloob sa damdamin namin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata, tila nais akong patayin ng ilang segundo. Tumaas ang sulok ng labi ko nang mapagtantong nagwagi ako ngayon sa awayan namin.

Yes!

Matapos ang usapan na iyon ay umuwi na kami sa bahay. Ayaw ko na sanang pag-usapan ang lahat ng nangyari kanina ngunit hetong si Lolo Faulicimo, sinumbong ang lahat kay inay at itay!

Si itay ay panay ang halakhak kung kaya't napailing nalang ang ina ko.

"Nakakatuwa, Ambrosio?" seryosong tanong ni inay.

"Mabuti at nanalo ka anak!" ani itay. Napatawa nalang ako habang napasimangot naman si Lolo Faulicimo sa gilid ko.

"Hindi nakakatuwa, Ambrosio." Wika niya.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong ng ina ko sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nilunok ang kinakain ko at umiling.

"Pa'no ba ako matatakot? Eh sa unang kamayan palang namin ay halatang nandidiri pa siya at walang interes sa akin?" mataray kong sabi. Tumawa nalang sila at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos ang lahat ng iyon ay nakatulala na ako ngayon sa kuwarto ko, tahimik na nakahiga at nakatingin lang sa itaas ko. Kakatapos ko lang maligo at magsuklay sa buhok ko. Nararamdaman ko ang malamig na ihip ng hangin mula sa labas dahil nakabukas ang bintana ko.

Mapait akong napangiti sa mga pangyayari ngayon. Sa una ay nahimatay ako dahil sa dami ng tao kanina, hindi ako nasasanay. Nagpupumilit ako sa mga magulang ko ngunit sa huli ay nasama ako kay Lolo Faulicimo. Siyempre, nandoon pa rin ang takot lalo na't maraming mga lalaki na trabahante sa kompanya ngunit nawala kaagad iyon nang makipag-awayan ako sa isang lalaki na nandidiri sa mga babae tapos nagpapaganda sa mga kapwa lalaki. Iyon ang unang pagkakataon na may nakita akong ganoon.

Sa totoo, nagulat rin ako sa sarili ko dahil...nasasanay ako sa pagiging tahimik lamang, takot sa mundong nasa labas, hindi sumusumbat, at malaki ang respeto sa kapwa tao. Subalit, bakit ngayon lamang ay agad nag-iba ang ugali ko nang makilala ko ang Anton na ngayon? Ano ang meron sa kanya na sa isang iglap lamang ay nawala agad ang mga takot at pangamba ko?

"Magandang umaga, Binibining Isabelia. Ano po ang sa inyo?" tanong ng isang tindera dito sa palengke.

Nandito na naman ako ngayon. Bumabati pa rin ang mga tao ngunit todo bantay na ang mga tagabantay sa akin kung kaya't hindi sila makalapit. Bumabati rin naman ako pabalik. Hindi na rin ako natatakot, dahilan kung bakit ako palaging nakangiti ngayon. Parang nawalan ng tinik ang damdamin ko. Nakakaginhawa na ako ng maayos, lalo na't napagtanto kong mas masaya dito sa labas.

"Magandang umaga po." Ngumiti ako at itinuro ang bulaklak. "Bibili po ako neto. Itong—"

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang may nagsalita sa gilid ko.

"Green Chrysanthemum po, aleng."

Agad akong napatingin doon at nanlakihan ang mga mata ko nang makita ang taong nagdulot sa akin ng galit buong gabi dahil napanaginipan kong nagsabunutan kaming dalawa.

"A-Anton?!"

Inirapan niya ako at nakangiting bumaling sa babaeng nagtitinda. "Akin na po 'yang Green Chrysanthemum—"

"Hoy teka," sumulyap ako sa babaeng tindera. Naihanda na niya ang bulaklak at inilahad iyon sa aming dalawa. "Ako ang nakauna, ah!"

Magsasalita pa sana ang tindera ngunit nagulat nalang kami nang agad naglahad ng pera si Anton at kinuha ang bulaklak.

"Bleh!" naglabas siya ng dila at agaran na kumaripas ng takbo papalayo sa palengke. Napaawang ang bibig ko at buong lakas na sumigaw saka idinuro siya.

"ANTOOONNN!!!!!!" umaalingawngaw iyon sa buong palengke. "BULAKLAK KO 'YAN!!!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top