Kabanata 3
Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. He hugged me back, tighter than mine. Napaluha ako dahil sa saya.
"Anton! Mabuti nalang at nandito ka!" I said, sobbing. Umaangat-angat ang balikat ko at napapikit ako ng mariin habang nakasandal ang ulo ko patagilid sa dibdib niya. I heard him sighed.
Kahit na tawa ako ng tawa dito ay hindi ko pa rin makakalimutang hindi matataranta lalo na't nasa ibang mundo ako mag-isa. Nagpapasalamat talaga ako na nandito ang kaibigan ko. In this way, mababawasan man lang ng kaunti ang takot ko sa lahat-lahat ng mga pangyayari.
He slightly pushed me away kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. We were staring at each other for a while before he smiled at me assuringly.
"Bes..." mahinang tawag niya habang nakatingin sa akin.
"Hmm?" nakangiting sabi ko.
Nang tumugon ako ng patanong ay doon agad naglaho ang saya ng itsura niya. Bigla siyang sumimangot at napamewang sa harapan ko.
"Kasalanan mo!" he exclaimed, panicking. Nawala ang ngiti ng labi ko at kumunot ang noo ko.
"Huh?!"
"This is your fault, bes!" he said, sobbing without tears. Napatili siya sa pwesto niya at napapikit sa mga mata.
"Bakit kasalanan ko?" tumaas ang boses ko.
"Sinundan kita kahapon hanggang sa pumasok ka sa isang puting pinto. Tawag ako ng tawag sa'yo pero hindi ka man lang lumingon at nagpatuloy. Hindi ba't sinabi ko sa'yong 'wag kang sumama sa Valak na 'yon? Tignan mo tuloy!" he dramatically touched his chest and audibly sighed.
"Eh, bakit ka naman sumunod sa akin?" I asked.
Pakiramdam ko'y iyon na ang pinakabobong tanong ko. Kahapon pa kasi akong hanap ng hanap sa presensya niya tapos ngayon ay umaakto ako na para bang ayaw kong masusunod siya sa akin sa mundong ito.
His brows furrowed and scoffed before responding and before flicking my head. Napadaing ako sa sakit. "Gaga! Sino ba ang hindi mag-aalala sa kaibigan nila na mukhang nasasapian na at sunod ng sunod sa mga nakakakilabot na mga elemento, huh?"
Natigilan ako saglit. "Nag-aalala ka sa akin?"
"Duh! Ano sa tingin mo, girl" he rolled his eyes. "Kaibigan ba tayo kung wala akong pakealam sa'yo at hayaan kang pumunta ng kung saan-saan?"
Pilit kong pinigilan ang ngiti ko. I bit the insides of my cheeks and looked away from him. Narinig kong tumawa siya ng mahinahon.
"Gaga talaga neto. Halatang kinikilig ka bes, huwag ako." aniya at itinuro ako.
Agad ko siyang pinakitaan ng astig na itsura ko.
"Huh? Hindi, no! Natatawa lang ako dahil sa suot mo." pagdadahilan ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
Suot niya ang isang puting Barong Tagalog at ayos na ayos ang itsura niya, halatang kakaligo pa lamang. Hindi ko inaakalang may mas ikakagwapo pa siya lalo na't ang suot niya ngayon ay hindi ordinaryong damit. Halatang mamahalin ang cloth na ginamit sa kanya, in which I remember, only the rich families could afford. Bigla akong nakaramdam ng hiya lalo na't naka-pantulog pa ako ng bestida ngayon.
He dramatically covered his chest, as if protecting himself. "Wala akong choice! The moment I opened my eyes, ganito na 'yung suot ko, bes! Halos ayaw ko ngang lumabas sa kuwarto ko dahil hindi ko kilala ang mga tao doon sa hacienda namin or something! Tapos nakita ko pa ang kuya ko! 'Yung namatay sa Spain pero mukhang wala pa ang oras niya!"
"Si Dominico Riguiarios?" gulat na tanong ko. He continuously nodded.
"Oo, bes! Tapos sabi nila'y makikipagmeet-up raw ako ngayon sa soon-to-be wife ko! Jusko, 'yung sabi ni Sir Timoteo na selosa raw or something. Nakalimutan ko yata pangalan niya."
Nag-isip isip muna ako bago tumugon sa kanya, pilit inaalala ang pangalan ng babaeng iyon. "Ah! Si Josefa Ylmedo!"
"Oo, siya!" Natatarantang sabi niya pero kumunot ang noo ko.
"O, bakit ka nandito ngayon...?" naguguluhang tanong ko.
He bit his lower lip and scratched his forehead. "T-tumakas ako."
"Tumakas ka!"
He pouted. "Sa b-bintana namin tapos palihim at tahimik akong lumabas dahil may nakabantay na mga soldiers ng kuya ko or something sa gate namin."
Agad nanlakihan ang mga mata ko sa sinabi niya. What?!
"Hala. Bakit naman? Baka may mangyayaring hindi maganda kapag binago natin ang daloy ng kuwento!"
"Natatakot ako, bes!" he said, sobbing without tears again. "Naaalala ko pa naman ang sinabi ni Sir Timoteo na muntikan nang mamatay si Antonio dahil sa kanya!"
"Kaya pumunta ka dito—teka, pa'no mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya.
He sighed before standing straight. Agad siyang sumeryoso na sa pagsasalita. "Nakita ko si Valak kanina sa pagtakas ko. I knew that she was also part of these things that are currently happening to us kaya sinundan ko siya. I followed her hanggang sa makarating ako rito at naalala ko itong restaurant na'to dahil sa presentation ni Sir Timoteo. Nagpapasalamat na rin ako dahil bigla kang lumabas sa CR niyo kaya nakita kita. Halatang halata sa mga kilos mo na ikaw si Isabelle kahit na nasa katawan ka ni Isabelita."
"At ikaw naman ay nasa loob ng katawan ni Antonio," dagdag ko at dahan-dahan naman siyang tumango.
"Nasa loob tayo ng katawan ni Isabelita Peguerra at Antonio Riguiarios." he summarized the whole point.
"Pero what if...hindi pala?" tanong ko ulit sa kanya. His brows furrowed.
"What do you mean?"
"I mean, pa'no kung...tayo lang din naman ito? What if past life natin 'to tapos na-reincarnate lang tayo ng maraming beses?" I specified my question from earlier. Agad ko siyang tinititigan nang masabi ko iyon at seryoso lang siya at halatang nag-iisip.
"The context is still the same. What changes the whole point is that our traits are totally different from theirs. Kung iyon ang punto mo, we can still think of it as two different partners. Ibang iba ang ugali natin sa kanila, bes. Maaari narin nating maihambing bilang magkaparehong pangalan at kabuuan ngunit magkaibang mundo." he said and shook his head. "This is still not us. We belong to a different timeline, hindi dito."
Tumango ako sa sinabi niya. I understand. But then, may isa pa akong tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan.
"Pero, bakit tayo napunta rito?" I asked him.
"Iyon din ang hindi ko maiintindihan. Why do we have to be in this? At ano naman ang gagawin natin dito?" tugon niya.
So were both confused. Nagkibit nalang ako ng balikat ang bumuntong-hininga.
"Hindi nga natin alam kung paano tayo makakaalis dito, eh."
Natahimik kami saglit nang biglang may taong dumaan sa gilid namin. Sabay naman kaming napatingin doon at nanlakihan ang mga mata ko nang makita si inay na dala-dala pa rin ang basket niya na full of vegetables. Napaawang ang bibig niya nang makita ang pwesto namin. Nakasandal ako sa dingding habang nasa harapan ko si Anton at ilang sentimetro lang ang distansya naming dalawa. Agad kaming nagsilayuan sa isa't isa na para bang napapaso at umayos ng tayo.
"'Nay," sabi ko at hilaw na ngumiti. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ng kaibigan ko. Nasusulyapan ko ring napalunok si Anton, halatang kinakabahan.
"Hi po, ma'am." bati ni Anton.
Agad ko siyang isiniko dahil maling mali ang sinabi niya! Bawal ang english dito, naku!
Napatingin siya sa akin at nang makita ang reaksyon ko ay doon naman siya natauhan at tumikhim. He made his voice darker and manly this time.
"Magandang araw po," he said in a baritone voice. Doon nalang ako nakahinga ng maluwag.
"Magandang araw rin sa inyo, Ginoong Antonio." sabi ni inay.
At first, nagulat ako nang makilala niya ang kaibigan ko but then I remembered, bestfriends parin talaga kami kahit dito kaya agad itong naglaho kalaunan.
"Ibig ko sanang anyayahan kang maki-agahan dito sa amin. Mabuti at napag-isipan mong bumisita. Halika, pasok tayo." nakangiting sabi ni inay at naunang maglakad pabalik sa pansiterya. Nagkatinginan kami ni Anton sa isa't isa at tumango naman ako sa kanya. Nauna siyang maglakad at sumunod ako pagkatapos.
Nang makapasok kami ay binati siya ng lahat ng mga tao. Panay ang paglunok niya at hindi makapagsalita. Ako naman ay umakyat muna sa itaas para magbihis ng formal na suot. Nagmamadali rin ako lalo na't mamaya'y magbubukas na ang pansiterya namin. Whatever happens, I should go with the flow. Isabelita's life is at stake here kapag masisira ko ang reputasyon niya.
Napatingin ako sa labas ng bintana nang matapos magbihis. Most of the people here were just walking. May mga kalesang dumadaan ngunit hindi ganoon karami. The people were greeting each other good morning. Ang iba ay nagtatrabaho ngunit suot pa rin ang mga barong tagalog at baro't saya. Ang mga babaeng magarbo ang mga kasuotan na baro't saya ay tahimik na nag-uusap usap habang natatakpan ng abaniko ang kanilang mukha. Habang ang mga lalaki naman ay may karapatang magtaas ng boses kahit saan. There are huge differences between two genders.
At hindi lang sa gender ng isang tao, kundi pati na rin sa estado ng pamumuhay. Kaming mga babae na nasa mababang estado ay walang batayan sa pagusot ng baro at saya maliban kung kailangang labis-labis ang disenyo pati narin ang uri ng tela neto. Hindi kami gumagamit ng mga abaniko para takpan ang mukha namin at wala kaming tagasunod na mga maids para sa mga gawain namin. Itinuturing kaming mga intsik o di kaya'y mga indio at hindi ko pa alam kung ano ang paraan ng pagtrato nila sa mga taong katulad namin.
Madalas ang mga lalaki ang gumagawa sa ligpit-alis na mga trabaho dito. Sa mga mayayamang pamilya, ang mga lalaki ang nagmamana sa mga kayamanan ng mga nakakatanda. Minsan naman ay mga babae, pero hindi ganoon karami. At wala pa akong nakitang ganoon.
Bumaba na ako sa hagdan at nakita kong hilaw na nakangiti si Anton habang kinakausap siya ng ina ko. Goodness, huwag kang magpapahalata beshy! Kinakabahan na siya, eh. Haha!
Naglalakad ako papunta sa lamesang kinauupuan nilang dalawa. Ang mga waiter namin ay nag-aayos sa mga mantel ng bawat lamesa dito sa loob ng pansiterya at nagwawalis naman ang ate ko sa sahig. Ako? Wala akong ginawa.
"Naku! Kahapon ay hinahanap-hanap ka nga ni Isabelita. Ayun, sa kakahintay sa iyo'y nahimatay dahil hindi pa pala ito kumain ng hapunan." narinig kong sabi ni inay at napaawang naman ang bibig ko. Ako? Hinahanap-hanap si Antonio? Ew!
"Ano po bang pinagsasabi niyo 'nay." sabi ko at umupo sa gilid niya. Napatingin naman silang dalawa sa akin at nakita kong palihim na ngumiti ang kaibigan ko. Alam kong aasarin niya ako mamaya dito.
Hindi naman ako 'yun, eh! Si Isabella 'yon!
"Hindi lang iyan, Ginoong Antonio. Noong isang gabi ay panay ang pag-iyak niya dahil sa bali-balita dito na ikaw na ay ikakasal sa nag-iisang anak ng mga Ylmedo." dagdag niya at humahalakhak.
Napaawang ang bibig ko at tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya. Whut? Si Isabelita ay umiiyak dahil sa lalaki? Tss, no way!
Nasulyapan ko si Anton na pinipigilan ang sarili na tumawa. Nang magtama ang paningin namin ay sinimangutan ko siya. Anong tawa-tawa mo diyan? Hindi ko 'yan kasalanan kung patay na patay si Isabelita kay Antonio.
Pwe.
"Nay, hindi ako umiiyak dahil lang sa lalaki." kampanteng sabi ko sa ina ko. Napaismid lang siya.
"Ilang beses mo na iyang sinasabi sa akin, Isabelita. Ngunit halata na halata sa mga kilos mong siya pa rin ang tanging nakakabighani sa'yo."
Binigyan ko siya ng nandidiring tingin. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Bakit parang ako ang nahihiya para kay Isabelita?
"Tsk." napailing-iling ako at nag-iwas ng tingin.
"Tignan mo, Ginoong Antonio, iyan ang itsura niya kapag siya'y kinikilig ng husto. Panay ang pag-iwas ng tingin." banat pa ng ina ko kaya masama ko siyang nilingon.
Nakatingin si Anton sa akin at naluluha na siya sa pagpipigil ng tawa. Tangina naman 'nay, oh!
"Anong kinikilig? Ako? Ha! Imposible," sumbat ko at sumandal sa upuan. Doon naman lumabas ang halakhak ng kaibigan ko. Napatingin ako sa gilid ko at napapikit ng mga mata. Kainis! Kung namumula ako ngayon, hindi ito dahil sa kilig kundi dahil sa hiya!
Nakakahiya ka Isabelita Peguerra. Kung ganito ang uri ng ina ang meron ka, huwag ka namang too much showy sa emotions mo. Tignan mo tuloy, ako pa ang napapagtripan. And worse, sa harap ng kaibigan ko mismo!
Naaalala ko tuloy ang confession ko noong highschool kay Anton. He immediately told me that he is gay and he wants us to remain friends. Effort pa akong gumawa ng letters na katumbas ay wrong grammars tapos nagdrawing pa ako ng stickman na babae at lalake na sabay-sabay nag heart ng hands. Jusko! Bumabalik ang mga ala-alang ayaw ko nang magunita!
Siguro ay naaalala niya rin iyon dahil tinanggap niya ang liham ko noon, eh! Nabasa niya siguro ang lahat at nakita niya ang drawings ko na pang-kinder. This really just sucks!
"Pero nagpapasalamat nalang din po ako dahil kahit sa ganitong sitwasyon, hindi siya umiwas sa akin." biglang sabi ni Anton at doon naman ako napalingon sa kanya. He did not laugh anymore. Ang galing talaga niyang um-akting!
"Mabuti naman," ngumiti ang ina ko. Eksakto namang pumasok ang ate ko dala-dala ang groceries na nabili niya siguro sa palengke. Nakasunod sa kanya ang isang lalaki na ngayon ko lang ata nakita. Kasing-edad niya ang itsura at pinapawisan ito ng husto.
"O, Tina, nandito ka na." sabi ni inay at tumayo na. "Kayo'y iwan ko muna rito, Ginoong Antonio."
Nang umalis ang ina ko ay agad niyang nilapitan ang ate ko at tinulungan siya sa pagbubuhat. Hindi ko sinadyang makarinig sa usapan nila.
"Inay, tapos na po si Lito sa Polo y Servicio niya. Kung iyong papayagan, nais ko sana siyang patulugin dito kahit sa limang araw lang," halos bulong iyon. Anong Polo y Servicio? At sino naman 'yang Lito na 'yan?
Natigilan ako nang mararamdamang gumalaw ang upuang nasa gilid ko kaya napasulyap ako doon at napagtanto kong umupo pala si Anton sa gilid ko. He wiggled his brows, giving me a teasing look.
"Kaloka 'yang ina mo bes, ah?" he chuckled silently dahil nasa harapan pa namin ang pamilya ko. I glared at him.
"Si Isabelita ang ibig niyang sabihin no'n, hindi ako." giit ko. Tumatango-tango naman siya.
"Kung sana palang ay tinanong natin si Sir Timoteo sa buong kuwento ni Isabelita at Antonio, malalaman natin ang lahat ng mga pangyayari."
"Sino bang mag-aakalang mapupunta tayo dito? Hanggang ngayon nga ay hindi parin ako makapaniwala, eh." sabi ko.
"Ang sarap ng lumpia niyo dito bes." ani Anton. "Pati 'yung pansit niyo, ngayon lang ako nakakatikim ng ganito kasarap." dagdag niya at nagpatuloy sa pagkain ngunit ang mga mata ko ay nakatuon na ngayon sa kapatid ko.
I almost gasped with what I saw. Nakita ko kung paano hinalikan ng Lito na iyon ang ate ko sa pisngi niya. Ay, jowa niya? O di kaya'y asawa? Kung asawa nga, bakit wala pang anak?
Walang reaksyon ang ate ko at umakyat na pataas sa hagdan habang nakasunod pa rin si Lito. Ang lalaki ay halatang nakababad sa init buong araw dahil na-sunburned talaga ang mga kamay at paa niya. Ang damit neto ay napupunit na sa kalumaan. Agad akong nakaramdam ng awa sa aming lahat ngayon...maliban kay Anton.
Napalingon agad ako sa kanya habang kumakain siya ngayon. Ibang iba ang kasuotan niya kompara sa amin. He literally came from a wealthy family so what do I expect? Kaya dapat lang ay ituturing siya rito bilang VIP lalo na't kilala ang mga pamilya Riguiarios sa lugar na'to. Just like our present time, he is also filthy rich but he just doesn't boast his wealth. Hindi rin siya nandidiri sa aming mga nasa mababang estado tulad ni Antonio, na nakikipagkaibigan sa isang Indio kahit na siya ay nabibilang sa mga mayayaman na pamilya sa panahong 'to.
"Ang swerte mo, no?" biglang sabi ko sa kanya dahilan para mapahinto siya sa pagkain. He looked at me cluelessly.
"Ng ano?" nagtatakang tanong niya at lumunok saka uminom ng tubig.
"Mayaman na pala noon pa man ang pamilya niyo." nang masabi ko iyon ay natigilan siya sa pag-inom. "Hindi niyo na kailangang mag-aalala pagdating sa pera at kayamanan...saka na rin sa kapangyarihan." mapait akong ngumiti.
Bumuntong-hininga siya saka ibinaba ang baso niya. Seryoso siyang tumitig sa akin. "Dito na naman, tayo, bes."
"I-I'm sorry. Hindi ko kasi mapigilang hindi maiinggit." hilaw akong tumawa. "Napagtanto ko kasing nabibilang pa rin ako sa mababang estado kahit dito. Kung ito ay past life nating dalawa, pareho parin ang lahat."
"Hindi ko naman kasalanan kung nabibilang ako dito, bes. Saka, hindi iyon big deal sa akin dahil hindi naman pera at kapangyarihan ang hinahanap ko, eh. Kung sa ama at kuya ko oo, sa akin, hindi. I don't validate things like that. I'd rather be poor than feel greedy of everything."
"Alam ko naman, ano ka ba," tumawa ako. "Joke lang 'yon."
"Weh? Nagdadrama ka na naman kasi," he rolled his eyes and continued eating.
"Pinagtitinginan ka kasi ng iba diyan dahil alam nila ang issue nina Antonio at Isabelita."
"Na ano? Na si Antonio ay nakikipagkaibigan sa isang Indio?"
"Oo." tumango ako. "Kung hindi iyon big deal sa'yo, big deal 'yun sa iba at sa mga batas sa panahong ito. There are big differences in this time's society, Anton. Malayo ang agwat ng dalawang estado ng pamumuhay dito. Kapag mayaman ka, mayaman ka talaga maliban kung may masamang mangyayari na nagdudulot ng kawalan ng kapangyarihan mo sa lipunan. Kapag naman mahirap ka, mahirap ka talaga maliban kung mag-abroad ka, tulad ng pagpunta sa Italya o di kaya'y Espanya, at sa pag-uwi mo ay maaari ka nang makilala ng mga tao at magakaroon ka ng kapangyarihan kahit sa maliit na porsyento." dagdag ko pa.
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Nakinig ka pala sa discussions ni Sir Timoteo? Hala, hindi ko alam na seryoso ka pala minsan, bes." he teased.
Sinuntok ko ang braso niya kaya napadaing siya sa sakit. "Gagong 'to, napasok na nga tayo sa mundong 'to, nagbibiro ka pa rin."
"Ouch! Gaga ka!" he exclaimed. Hinahaplos-haplos niya ang braso niya. "Masakit na 'yun, ah!"
Malakas akong tumawa dahil sa reaksyon niya. Susuntukin ko pa sana siya ngunit natigilan ako nang makitang nakatayo na pala sa gilid ng kaibigan ko ang ate ko na ngayo'y nakaawang ang bibig sa inakto naming dalawa. Agad naglaho ang ngiti sa labi ko at nanlakihan ang mga mata ko. Tinapik ko ang braso ni Anton para pigilan siya sa ginagawa niya ngunit iba ang naging tugon niya.
"O, isa pa Isabelita na pirated version!" he exclaimed in a girly tone. "Isa pa at talagang ihuhulog kita sa well! May nakita kaya akong well sa gilid ng building na'to—"
"Anton," halos bulong na pagbabanta ko.
"What?!" he hissed, annoyed. "Ang sakit kaya ng suntok mo! Sinong hindi magrereklamo do'n?!"
Shit. Napapikit ako ng mariin. We're doomed. We're so doomed!
"Nandito si ate." naiiyak na sabi ko. Doon naman siya natigilan at nang maimulat ko ang mga mata ko ay nakita ko kung paano nanlakihan ang mga mata niya. He looked at my sister. See, beshy? Patay na tayong dalawa.
"A-ate..." he called my sister in a girly tone again kaya hinampas ko ang balikat niya.
"Anong ate?" bulong ko. "Gaga, nasa ibang panahon tayo, huwag mong ipairal ang kabekihan mo."
Doon naman siya tumikhim at seryosong nagsalita. "Naglalaro lang po kami ng kapatid niyo. Huwag po kayong mag-aalala."
"Dios mio," sabi ni ate at hilaw na tumawa. "Hindi ko aakalaing may ganitong ugali ka, Ginoong Antonio."
"Naglalaro kasi kami, Ate." sabi ko at tumingin naman siya sa akin. Napalunok ako.
"Ikaw rin Isabelita." seryosong sabi ni Ate sa akin. "Kakaiba ang mga kilos mo simula kahapon. Ako'y nag-aalala ng husto sa'yo."
Pinipigilan na naman ni Anton na matawa. Pahamak talaga 'tong kaibigan ko kahit kailan!
"Ni hindi ka nga bumati kay Lito. Ngayon lang iyon nangyayari." sabi niya pa! Bakit ba naman ako babati? Sino ba 'yang Lito na 'yan!
"Huh?" natatarantang sabi ko. "Ah-eh, m-medyo nalilito k-kasi ako kung...ahm.."
"Ang alin?"
"K-kung ano ang..." nanginginig na ang kamay kamay ko pero hetong kaibigan ko, parang wala lang at natatawa pa! "Ah! K-kung ano 'yong Polo y Servicio."
Shet.
Huminga ng maluwag si Ate sa sinabi ko. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na ikaw ay hindi maaaring pumasok sa Polo y Servicio? Iyon ay para sa mga lalaking may edad na labing anim hanggang animnapu lamang."
"Ano po kasi 'yan?" medyo kalmadong sabi ko.
"Iyan ay isang sapilitang trabaho para sa mga indio at intsik dito sa bayan natin. Ang Kapitan-Heneral ang namamahala niyan. Tanging ang mga lalaki lang na nagmula sa isang mayayaman at makapangyarihang pamilya ang hindi makakasali diyan dahil sa may kaya silang magbayad ng falla araw-araw."
Doon naman natahimik si Anton. Siguro ay ang pamilya na niya mismo ang nagbayad para sa kanya. Money can literally take you out of the darkness.
"Ako ay aalis muna para sa mga bilihin." biglang sabi ni ate kaya napakunot ang noo ko.
"Na naman?" tanong ko.
"Ayaw ko sanang umalis ngunit giit ni inay ay kulang raw ang mga pinamili ko. Babalik ako mamayang hapon." iyon ang huling dagdag niya bago lumabas na sa pintuan. Nilingon ko na rin si Anton.
"Umuwi ka na din."
Napaawang ang bibig niya at agad na umiling.
"Ayaw kong umuwi, besh! Natatakot ako!" dahilan niya.
"Wala kang choice."
"Kasalanan mo kasi, eh." sabi niya pa!
Aba!
"Ako na naman. Tss,"
"Kung hindi ka sana sumama sa Valak na iyon ay hindi tayo mapupunta rito."
"At kung hindi ka sana sumama sa akin ay hindi ka masama sa kasalanan ko." I retorted.
Magsasalita pa sana siya ngunit biglang bumukas ang entrance door ng pansiterya kaya sabay kaming napalingon doon. Nanlakihan ang mga mata namin nang sumilip ang itim na madre na sinundan ko noon. Nandito siya ngayon and as usual, nakakakilabot siyang ngumiti sa amin.
"Ikaw!" sabay-sabay na sigaw namin ni Anton. Tuluyan siyang pumasok at napatayo kami nang lumapit siya sa pwesto namin. Umatras ako at sumunod naman si Anton sa akin.
Huminto siya ng ilang metro sa harapan namin. Nasa kabila siya ng lamesa at napahalukipkip. Nawala ang ngiti niya sa labi at nagsalita.
"Ikinagagalak ko ang pagdating ninyo rito." kalmadong sabi niya.
"S-sino ka?" nauutal na sabi ko.
"Anong ginawa mo sa amin?" tanong ng kaibigan ko.
"Ako ang gabay ninyo sa misyong ito." she smiled evilly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top