Kabanata 28
Naguguluhan parin ako ngunit nagawa kong hindi magsalita. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay narinig ko ang malalim na paghinga niya at dahan-dahang nag-angat ng kamay bilang alok. Walang pagdadalawang isip na tinanggap ko iyon. His hand was warm. Nakakapagtaka dahil hindi man lang siya kinakabahan. The moment our eyes met, he smirked and gently pulled me to him just so we could walk together in the aisle, towards the priest.
Talaga bang ikakasal na kami ngayon? Ni Anton?! Totoo ba 'to?!
In my whole years of existence, ni hindi ko talaga naisip 'to. Ni hindi ko talaga naisip noon dahil hanggang sa paghanga lang ang nakakaya kong isipin gayong imposible naman talaga. Akala ko ay hindi pa kami magkakakilala sa ikaapat na pagkakataon ngunit sa oras na kinatatayuan naming ngayon, posible pala talaga.
Tumahimik na ang lahat, pati ang musika ng orchestra nang tuluyan kaming makalapit sa pari. Binitawan na rin naming ang isa't isa. Napalunok ulit ako dahil kinakabahan ako ng husto. Bente tres pa ako! Hindi pa ako handing magkaasawa, magkaanak.
Pero kung si Anton? Sure why not—no! Hindi parin pwede! Tsk, umayos ka nga Isabelle!
"Mga minamahal na kaibigan at pamilya ng mga ikakasal, malugod naming kayong tinatanggap at salamat sa pagiging bahagi ng mahalagang okasyong ito. Tayo ay sama-sama ngayon sa napakaligayang araw upang ating masasaksihan at maipagdiwang ang kasal ni Ginoong Antonio Riguiarios II at Binibining Urduja Isabelia Redito." Wika ng pari.
A-ano?!
"Urduja Isabelia...Redito?" halos bulong na sabi ko sa sarili ko. Hindi ba't... kung ganoon...ama ko si Faulicimo?!
"Bawat isa sa atin ay may malalim na pagnanais na magmahal at mahalin. Ang iyong kasal ngayon ay isang pampubliko at legal na pagpapatibay ng pyansa na nasimulan niyo na. Ang pag-aasawa ay isang pangako na magbibigay-daan sa iyo na ibahagi ang iyong buhay nang magkasama hanggang sa pagtanda."
Ito na ba talaga?! Ano naman ang gagawin ko?!
"May kasabihan nga, 'Love does not seek self, nor does it rejoice in the wrong, but rejoices in the right. Love bears and believes in all things. Love hopes in all things endure all things and love has no end.'"
Bakit...nag-eenglish si father?
Napatingin ako sa nakasulat sa isang lumang whiteboard para sa responses ng kanta o di kaya'y gospel sa likuran ng pari. Nabasa ko ang date sa pinakaibaba no'n.
Sunday, October 12, 1941
Oo nga pala. May mga Amerikano na pala ngayon.
Matapos sa speech ng pari ay nagkaroon ng biblical readings. Naiinitan na talaga ako sa wedding dress ko lalo na sa veil ko! Tapos, nakakaabala pa ang hinahawakan kong bulaklak ngayon. Mayaman na ba ako rito dahil magiging asawa ko na ang isang Riguiarios?
"Have you come to offer yourselves to each other, freely and without reservation?" biglang tanong ng pari, dahilan para mabalik ako sa realidad. Agad akong nakaramdam ng kaba kung kaya't napatingin ako kay Anton na nakatingin na rin pala sa akin.
Natahimik si father at naghintay sa sagot naming dalawa.
"Ano ang sasabihin ko?!" walang boses kong tanong sa kanya.
"Hindi ko alam," gumalaw ng kaunti ang bibig niya at nabasa ko iyon.
Tumikhim ako at lumingon ulit sa pari saka hilaw na ngumiti. "Y-yes, father."
Tumingin si father kay Anton at kalmadong tumugon ang kaibigan ko. "I have, father."
Ngumiti ang pari at nagtanong na naman. "Will you love and honour each other for life?"
"Opo." Tanging nasabi ko.
"I will, father." Sabi naman ni Anton.
Bahala na. Gusto kong matapos na 'to para makapagpahinga man lang ako! Pakiramdam ko'y napapagod ako sa kakatakbo kanina lamang. Hinabol kami ng mga bandido tapos ngayon, ikinakasal na kami. Ang lupet ng transition.
"Will you accept children lovingly from God and bring them up according to the Catholic faith?"
Napaubo ako, dahilan para makuha ko ang atensyon nilang lahat, pati sa kaibigan ko. Nahihiya akong tumawa at umiling.
"N-nabulunan ako." Pagdadahilan ko at agad tumango. "O-of course, father. I w-will."
"I will, father." ani Anton, seryoso lang kompara sa akin.
Hindi ko alam na meron palang tanong na ganoon. Nagulat lang ako slight.
"Since it is your intention to enter into the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church."
Sumunod lang ako sa sinabi niya at ganon din si Anton. Ipinaharap kami sa isa't isa at may ipinabasa ang pari sa kanya. Napatingin naman siya doon at nagsimula na.
"I, Antonio Riguiarios II, take you, Urduja Isabelia Redito, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life." Wika niya pa.
Nagkatitigan kami matapos niyang basahin iyon. Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko na napigilan ang pag-awang ng bibig ko dahil nararamdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin namalayang nahulog na pala ang munting mga luha mula sa mata ko. I'm sure this has something to do with Isabelia's feelings for Antonio II.
He remained staring at me. Lumapit na ang pari sa akin at inilahad ang malaking libro sa harapan ko. Napatingin ako doon at itinuro niya ang babasahin ko. Napalunok ako at kahit nanginginig ang boses ko ay nagawa ko paring magsalita.
"I, Urduja Isabelia Redito, take you, Antonio Riguiarios II, to be my husband. I promise to be faithful to you in good times and in bad, in sickness and in health, to love you and to honor you all the days of my life." I mumbled and looked at him...lovingly. Napangiti siya at namumuo na ang luha sa mga mata niya.
"You have declared your consent before the Church. May the Lord in his goodness strengthen your consent and fill you both with his blessings. That God has joined, man must not separate. Amen." Sabi ng pari. "What God joins together, let no one put asunder".
Matapos ang lahat ng kudang iyon ay inilapit sa amin ang mga singsing. It was a gold one.
May ipinabasa ulit ang pari sa aming dalawa. Nauna si Anton at kinuha niya ang singing mula sa lalaking naglahad sa gilid naming at ipinasok niya iyon sa daliri ko.
"Urduja Isabelia Redito, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit."
Nararamdaman kong nanlalamig na ang kamay niyang nakahawak sa akin kompara sa kanina. Lihim akong napangiti at sumunod. Kinuha ko na rin ang singsing at ipinasok iyon sa kamay niya.
"Antonio Riguiarios II, receive this ring as a sign of my love and fidelity. In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit." Pagsasalita ko.
Nang magkatitigan kami sa isa't isa ay sabay kaming napangiti, hindi pa bumitaw sa pagkahawak ng aming mga kamay hanggang sa tumikhim si father. Agad kaming nagsilayuan pagkatapos.
"In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Naghiyawan ang mga tao. Napaawang ang bibig ko dahil nakalimutan kong may ganito pala na part sa kasalan. I was too engrossed with our vows and rings that I forgot, this is the last step of the wedding!
Dahil sa wala akong choice ay sumunod nalang ako sa gusto ng madla. Nagkatinginan ulit kami at nanginginig na ang mga kamay ko nang humakbang siya hanggang sa ilang sentimetro nalang ang lapit namin sa isa't isa. Nananatili ang titig niya sa mga mata ko at napatingala naman ako ng kaunti dahil sa taas niya. He then slowly lifted up my veil and placed it at my back. His cold hands gently caressed my face and then in a blink of an eye, he closed the distance between us and bended a bit to claim my lips. Kusang pumikit ang mga mata ko at doon na naming narinig ang palakpakan ng mga tao.
Ang kanyang halik ngayon ay kakaiba. Punong puno iyon ng pananabik, pag-ibig at pag-aalaga. Na para bang nag-iingat siya ng husto dahil kung hindi ay baka mababasag ako sa walang oras. Na para bang ilang taon na ang hinihintay niya upang mahalikan lang ako. Na para bang...matagal na niya akong minahal, ilang dekada ang lumipas, at ngayon lang siya nakakapagpahayag sa nararamdaman niya.
Nang bumitaw kami sa isa't isa ay nahihiya akong yumuko at lumingon na sa mga nagsipalakpakang tao. Ngumiti ako sa kanila at ganoon rin ang ginawa ni Anton. May nilagdaan kaming isang makapal na papel. It was a marriage certificate. Nabasa ko iyon lalo na't nakasulat ang mga pangalan naming dalawa ay hindi ko na napigilan ang kaba ko. Totoo nga. Kasado na kami ng kaibigan ko! Shit.
Matapos ang wedding mass ay hindi ko pa nakita kung sino ang mga magulang ko dahil dumeretso kami sa photoshoot. Nandito na ako ngayon kasama si Anton. Nakaupo ako habang nakatayo naman siya sa likuran ko. We had three shots bago nagpalit na naman ng poses. Inutusan rin kaming hindi ngumiti kung kaya't seryoso ang litrato na nakuha ng photographer.
"Isa...dalawa...tatlo." Utos ng photographer at may maliwanag na flash saka agad kaming kinuhaan ng picture.
"Hindi parin ba tapos?" naiinip na tanong ko kay Anton. Binulong ko rin upang hindi marinig ng iba.
"May magpipinta pa sa atin, sabi ng event coordinator." Bulong rin niya pabalik.
Huwatt?! Ipe-paint pa?! Hindi pa ba sapat ang wedding pictures?!
Napabuga nalang ako ng hangin at hindi na nagsalita pa. Tama nga si Anton dahil may pumasok na painter dala-dala ang materyales niya. Dahil bumati siya ay bumati na rin kami.
***
Nagkaroon ng napakalaking piging at sa oras na sabay kaming pumasok sa mansion ay napaawang kaagad ang bibig ko. Maraming mga bisita ang bumabati sa aming dalawa.
"Maligayang pagdating! Salamat sa imbitasyon niyo sa amin dito sa Casa Riguiarios!" narinig kong sabi ng isa sa mga bisita.
Ngumiti si Anton sa kanila. Nakahawak ako sa braso niya ngayon at suot parin naming ang aming mga dress at amerikana. Hindi naman ako nahihirapan sa wedding dress ko dahil marunong naman akong magdala nito, experience ko noon sa contest sa school.
Maririnig ko ang musika sa malayo at marami rin ang mga serbidora at serbidor na naglalakad upang maglahad ng mga pagkaing ihinanda. Marami kaming natatanggap na mga regalo mula sa kanila. Maingay rin ang buong mansion dahil sa usap-usapan habang kumakain. Napahalakhak sila nang malaki ang piraso ng cake na kinuha ko at ipinakain kay Anton ngunit ang sa kanya ay sakto lang sa bibig ko. Nakipagjamming na rin ako nang sumimangot ang kaibigan ko. Matapos ang kainan ay nagsayawan na. Hindi kami sumali ni Anton dahil busog pa kami at may inaasikaso rin kaming mga mahahalagang bisita.
Hindi ko akalaing maging bahagi na ako sa mga may kaya at mga mayayaman. Noon, naaalala kong isa lamang akong serbidora sa piging nila Anton at Binibining Josefa. Pinagtatawanan pa ako ngunit ngayon, ako na ang dapat mag-uutos. Lalo na't asawa ako ng isang respetadong Riguiarios.
Umabot ang kainan ng alas-otso ng gabi. Nagpapasalamat na rin kami nang umuwi na ang mga bisita. Hindi nakarating ang mga magulang ko sa piging dahil may inaasikaso raw ngunit nandito ang mga magulang ni Anton, maliban sa lolo at lola niya dahil matanda na raw at mag otsenta anyos na sa susunod na taon, halos hindi na makatayo. Bukas ang meeting naming sa mga magulang at buong kampo ng Riguiarios at Redito.
Nababaguhan ako dahil may tagapagligo sa akin. Sabi nila prepare raw kahit ayaw ko. Nagpupumilit sila kasi kailangan raw talaga!
"Ano ba kasing paghahandaan ko mamaya, aleng? Kaya ko naman talaga maligo mag-isa." Inis na sabi ko habang nakaupo ngayon sa isang mamahaling bathub at nagscrub siya sa likod ko.
"Sa inyo na po iyon madam. Utos po ito ng lolo at lola ni Sir Anton." Nang-aasar siyang ngumiti at parang kinikilig pa nang masusulyapan ko ang hitsura niya sa salamin na nasa harap ko. Ewan.
Pakiramdam ko'y napakalinis ko matapos ang pagligo niya sa akin. Ang bango ko na ngayon. Kaka-toothbrush ko lang din at basang basa pa ang buhok ko.
"Ganda ko, ah?" puna ko sa sarili ko nang isinuot ang inihanda nilang black satin nightdress with robe sa akin na hanggang itaas sa tuhod ang haba. Wala kasi akong iba pang suot maliban dito at bago raw 'to. Wala akong suot na bra ngunit okay lang naman dahil may robe ako. Dapat ko raw suotin 'to dahil mula pa ito sa ibang bansa. Like wow, binili pa talaga doon? Ang yayaman naman.
Actually first time ko rin magsuot ng ganito dahil panlalaki palagi 'yung pantulog ko na mga damit sa bahay.
Sa paglabas ko sa banyo ay napatalon ako sa gulat nang makita si Anton na kakapasok lang sa kuwarto. Bagong ligo rin siya at mukhang may kinuha lang na basong may mainit na tubig sa ibaba, sa kusina. Nang makita niya ako ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kalaunan ay nag-iwas ng tingin at napalunok. Agad kong naitakpan ang dibdib ko gamit ang aking mga braso.
"A-anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko sa kanya.
Ikinandado niya ang pinto. Mas nanlakihan ang mga mata ko nang lumapit siya at umupo sa kama, nakaharap sa akin.
"Ano pa ba? Pumasok sa kuwarto natin." Nagkibit siya ng balikat
Napaawang ang bibig ko. "Kuwarto n-natin?! Hindi ba't sa kabila k-ka?! Sa dinami-dami ng kuwarto rito mag-iisa pa tayong dalawa?!"
He drawled lazily. "Mag-asawa na tayo, Isabelle. Ano sa tingin mo ang iisipin nila kung hindi tayo magtabi sa iisang kuwarto? Tsaka, palagi naman akong nagse-sleep over sa inyo noon, ah?"
Oo nga. Pero kinakabahan ako lalo na't suot ko ito! Nangingilabot pa rin ako sa 'asawa' na salita!
Agad akong pumunta sa cabinet at naghanap ng pormal na pantulog ngunit bumagsak ang balikat ko nang makitang ganito rin ang nasa loob na nakahanay ng maayos, iba-iba lang ang kulay!
Tangina!
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "P-pahiram ng mga d-damit mo." Nauutal kong sabi at napapikit nalang sa dismaya.
He chuckled. "Ayaw."
I glared at him. "Anong ayaw?!"
"Okay lang naman ang suot mo, ah?" he looked at my body.
Nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko kung kaya't agad ko ulit tinakpan iyon at nagmamadaling pumunta sa kabilang cabinet upang buksan iyon ngunit bago ko pa man mahawakan ang handle ay natakpan na niya iyon gamit ang palad niya. Nang mapalingon ulit ako sa kanya ay nai-corner na niya ako kung kaya't napasandal ako sa cabinet mismo.
Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko kayang mapatingin sa mga mata niyang titig na titig sa akin dahil sa init na idinudulot niya sa katawan ko. Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon!
"Mag-usap tayo." He said in a deep baritone voice.
Napalunok ako at nananatiling nakayuko lamang.
"Ano ang nangyari sa'yo noong nadakip ka ng mga bandido?" seryosong tanong niya sa akin.
Sa isang iglap, Nawala kaagad ang takot ko at napalitan iyon ng buntong hininga.
"Dinala nila ako sa kagubatan at nakaharap ko si Tigre mismo. Nalaman ko kalaunan, siya pala ang kapatid ng ama ko."
He did not looked surprise. Instead, he nodded.
"Nabasa ko ang letrato na ibinigay niya sa'yo. Naiwan mo sa balkonahe."
"Bumalik ka no'ng oras na iyon?" napatingala ako sa kanya. Kalmado siyang tumango.
"Oo. Naiintindihan ko ang sitwasyon. Hindi ko kayang magalit sa'yo dahil kasalanan ko rin naman. Kung sana ay nag-utos ako ng mga kawal na bantayan ka doon, hindi ka sana madakip nila."
"Hindi mo kasalanan, Anton. Talagang pinaghandaan nila iyon. Nakikinig si Faulicimo sa usapan nating dalawa saan-saan. Alam niya ang bawat galaw natin noong oras na 'yon. K-kasalanan ko rin dahil naniniwala ako at hinayaan ko ang sarili ko. Hindi ko ginamit ang buong lakas ko. Kung sana ay mas nagging aktibo ako sa pagpupuna sa paligid ay hinding hindi mangyayari 'yon."
Kumunot ang noo niya. "What you did was understandable, Isabelle. Hindi mo kasalanan."
"Kung ganoon, walang may kasalanan dito. Pinagkaisahan nila tayo." Sabi ko nalang at bumuntong hininga. "Ngunit, nagpakasal ka kay Josefa."
Napatingin siya sa akin kung kaya't nagkatinginan kami.
"Sinabi mong...tinigil na ang kasunduan. Sinabi mong hindi ka na ikakasal. Naniwala ako ngunit kasinungalingan lang pala lahat ng 'yon? Ano ang dahilan? Para magaan mo ang loob ko? Para hindi ako magdududa sa'yo?" mapait kong sabi.
Napaawang ang bibig niya. "Isabelle—"
"Isipin mo, Anton, kung ako ang gagawa no'n sa'yo, ano ang mararamdaman mo?" putol ko sa kanya. "Pinagkatiwalaan kita. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa akin? Ikaw ay masayang naghihintay kay Binibining Josefa sa altar habang ako naman ay nakatanaw sa'yo, sa malayo na nahihirapan, sugatan at maraming paos, at walang kalaban laban sa kamay ng mga bandido. Nagawa mo pang ngumisi sa akin, na para bang nasisiyahan ka sa paghihirap ko."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Agad niya iyong hinawi gamit ang mga palad niya.
"It was all staged, Isabelle." He said breathily.
"Anong ibig mong sabihin?" walang ganang tanong ko.
"Ginawa naming iyon upang subukang madakip si Tigre at si Pontino Culipa. Ipinadala naming ang balita sa kampo niyo at tinulungan kami ni Josefa. We're good friends. Natanggap na niya na hindi ko siya papakasalan. Hindi naganap ang okasyong 'yon. Walang kasalan na naganap. 'Yong mga taong kasama namin ay mga guardia sibil at ang kura-paroko na nasa altar ay kasapi namin."
Napatanga ako.
"At...hindi ako ngumiti sa'yo. Actually, si Faulicimo ang hinarap ko noong oras na iyon. Nasisiyahan ako dahil nadala sila sa plano ko. Pagkatapos ng gabing iyon ay may nadakip kaming mga labing-limang mga bandido. Nakatakas nga lang si Pontino Culipa."
Napaawang ang bibig ko sa dahilan niya.
"I'm sorry if you misunderstood." Napasinghap ako nang agad niya akong niyakap. "Patawad rin kung hindi kita agad natulungan dahil napag-isipan kong patayin si Don Miguel. Naging busy ako sa kanya kung kaya't naabutan mo akong binaril siya doon. Nagparamdam rin sa akin si Madam Avila at sinabi niya na natapos mo na ang misyon mo. Nakayanan mo ang lahat ng iyon sa sarili mo."
"Ang dapat kong baguhin ay ang paglayo ni Isabelita kay Faulicimo, Anton." Tugon ko sa kanya. "Oo. Nasampal ako. Hindi ako kumain ng ilang mga araw dahil tanging ikaw lang ang iniisip ko. Naghihintay ako sa tulong mo ngunit napagtanto kong...imposible talaga dahil naniniwala ako no'ng oras na iyon na masaya ka na kasama kay Josefa."
"No...no." he shook his head. Kumalas siya sa yakap at tinignan ako ulit. "Kailanman ay hindi mangyayari 'yon. Dumating ang oras kung saaan tayo ay dapat munang magkalayo sa isa't isa upang gawin ang sarili nating mga misyon, kagaya ng sinabi mo, Isabelle."
"Natatakot ako sa panghuli, Anton." Napayuko ulit ako at bumuntong hininga. "Naaalala kong nahabol ako ni Tigre dahil nagtangka akong tumakas doon. Nasasakal na ako sa kamay nila. Pati ang ina at kapatid ko ay kasapi rin ng mga bandido. Tinawanan lang nila ako habang naghihirap ako ng husto. Tinawanan nila ang mga takot at pangamba ko. Pinagkaisahan nila ako..."
"I wanted to take the revenge on your behalf." He gritted his teeth. "But, nasa ibang timeline na tayo. Hindi ko alam kung ano ang nagiging kinalabasan no'n ngunit...sana ay hindi iyon ipagliban ni Antonio kailanman."
Nagkatinginan kamin. He then looked at my lips. Dahil na-conscious ako ay nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. His eyes turned a shade darker and before I could say anything, he immediately claimed my lips.
His kisses were aggressive. Napapikit nalang din ako sa walang oras at mahigpit na napahawak sa matitipuno niyang braso. The back of my head gracefully slammed at the cabinet nang mas idiniin pa niya ang halikan namin. At sa hindi inaasahan, napaungol ako kung kaya't...napahinto siya.
He looked at me...and smirked.
"Namumula ka na." halos bulong na sabi niya.
I felt drunk at the aftermath of that kiss. Walang lakas akong mag-iwas sana ng tingin ngunit pinigilan niya ako at hinalikan ulit. Napasinghap nalang ako nang walang kabigat-bigat niya akong binuhat at ipinahiga sa kama. He then continued our kiss kahit na iba na ang pwesto naming ngayon, mas komportable kaysa kanina.
I was lost after everything we did. Ni hindi ko inaasahang mangyari 'yon sa amin. Hindi ko maiintindihan kung bakit ganon ang nararamdaman ko. Its as if all was a sudden felt of pleasure, then in a blink of an eye, after all the primitive movements we did, babalik at babalik ka sa realidad. And it was painful!
Hiningal pa ako at nakapikit nang tumayo siya at pumunta sa banyo upang magkuha ng towel. He cleaned me up after our session at kalaunan ay sinuotan ako ng bagong underwear at damit niya. Pagod ako at inaantok na, nang tumabi siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran. He covered us with the comforter.
"Sa wakas. Masasabi ko na sa'yo ang tatlong salita na pinangako ko lang noon." He whispered.
"Ang alin?" inaantok kong tanong.
He chuckled behind my ear. "I love you, Isabelle."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top