Kabanata 26

All I ever felt was fear.

I gained my consciousness at the wrong time. Nararamdaman kong binuhat ako na parang isang sako, Nakatali sa aking likuran ang dalawang kamay ko ng sobrang higpit at tinakpan ng tela ang mukha ko. Halos hindi ako makahinga lalo na't nararamdaman ko ang bawat bagsak ng ulan. Dumadaloy ito mula sa aking leeg hanggang sa ulo, mabuti nalang at dahan-dahan nang bumalik ang pandinig ko.

Naririnig ko ang bawat pagtampak ng paa ni Faulicimo sa mga natutuyong dahon. Naamoy ko ang mga matataas na puno at nakakasiguro akong nasa isang kagubatan kami ngayon.

"B-bitawan mo ako, Faulicimo!" iyon ang unang lumabas sa bibig ko.

Pilit akong kumawala at gumalaw ngunit mas hinigpitan lang niya ang hawak niya sa akin at nakakakilabot na tumawa.

"Kung sumama ka sana sa akin noong oras na iyon ay hinding hindi mangyayari 'to." wika niya pa. Ang boses niya ay kasinlamig ng isang yelo.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Humahagulgol ako sa walang oras. Bakit? Ano ang gagawin niya? Uulitin niya ba ang ginawa niya kay Isabelita noon kung sumama pa ako sa kanya? Magkakaanak ba sila at sa huli ay mabigo ang lahat ng mga pangako nila sa isa't isa?

At saan niya ako dadalhin ngayon? Ipapatay niya ba ako dahil sa galit niya?

Kung ganoon, hindi matatapos ang misyon ko. Wala na akong maisip pa na mga solusyon. Naghalo ang takot at pagod sa sistema ko. Pakiramdam ko'y huli na ang lahat. Hindi high-tech ang mga gamit nila at mas malaki ang posibilidad na hindi ako mahanap ni Anton. Siguro'y walang nakakakita sa pag-alis namin.

Hindi ko kakayanin...ayoko pang mamatay...maawa sana sila.

Gusto ko pang umuwi kasama si Anton...nangako kami sa isa't isa.

Huminto na siya at binitawan ako. Napahiga agad ako sa sahig at nadabog ang ulo ko kung kaya't malakas akong napadaing. Isinarado ko ang aking mga binti dahil naka saya lang ako. Humahapdi na ang papulsuhan ko dahil sa tali.

Lahat ng iyon, nararamdaman ko ngunit hindi iyon nakakaabala dahil mas iniisip ko pa kung paano ako makatakas dito.

"Nandito na siya." Pagsasalita ni Faulicimo.

May narinig akong mga yapak sa magkabilang gilid ko. Dalawa yata, o tatlo ang sa kaliwa habang marami sa kanang banda.

"Isabelita Peguerra?" gulat na tanong ng isang boses ng babae.

Natatandaan ko pa 'yon. Siya yata ang babaeng kausap ni Faulicimo sa panaginip ko. Iyong naglihim siya kay Isabelita.

"B-bakit mo siya dinala rito? Ano ang naging kasalanan niya? Hindi ba't ikaw ay may gusto sa kanya?" Sunod-sunod niyang tanong.

Tanging narinig ko lang na sagot kay Faulicimo ay ang bigat ng paghinga niya.

"Davina, maaari ka nang umalis." Wika ng isang lalaki. Hindi iyon ang kababatang kaibigan ni Isabelita.

Davina. Naaalala kong iyon ang pangalan ng babae sa panaginip ko. Bandido rin kaya siya? Kung hindi, bakit siya nandito?

"Hindi. Mananatili ako." Matatag na tugon ng babae.

"Ayan ka na naman," inis na sabi ng kausap niya. "Hindi ka talaga aalis kapag narito si Faulicimo ano?"

"Pakialam mo, Tigre?" sumbat niya pa. Mataray iyon ngunit may bahid na arte rin.

Tigre? Kung sakaling siya 'yung pinuno ng mga bandido, Siya si Juan Timoteo Peguerra?

"Hay naku. Faulicimo umalis ka rin nang sa ganon ay mailayo mo ang babaeng ito. Parang aso, palaging nakasunod sa'yo!" naiinis na talaga si 'Tigre'.

"Siyempre, hulog na hulog kay Pontino Culipa, eh!" may narinig akong halakhakan ng mga lalaki sa kabilang gilid ko. Hindi ko pa yata narinig na sumagot si Faulicimo sa away nilang dalawa.

"Aba, anong sabi mo?" tumaas ang boses niya.

"Binibining Fernandez," sa wakas, nagsalita na ang pinakainaabangan ko.

"Davina nga, Faulicimo." Kung kanina ay may pagkairita ang boses ni Davina, ngayon naman ay lumambing na.

"Tigre, mag-uusap pa tayo dito o aasikasuhin na natin itong babae na'to?" sabi ng isang boses sa kabila. Sigurado akong tumutukoy sila sa akin.

At tama nga ako. Nang masabi niya iyon ay nararamdaman ko nalang ang mga kamay na humawak sa braso ko at pilit akong ipinaluhod sa sahig. Agad nilang ikinuha ang tela na nakabalot sa ulo ko at nananatili akong nakayuko, ipinikit ang mga mata at bumuntonghininga. Malakas ang ulan ngunit naririnig ko pa rin sila dahil sa distansya ko sa kanila. May dala silang mga lampara.

"Isabelita...Peguerra." Boses iyon ni Tigre. He chuckled darkly as he continued. "Kamukhang kamukha mo talaga si Arnulfo."

"Ang ganda, Tigre!" puna ng isang tao sa gilid ko. "Kaya pala inggit na inggit si Binibining Davina sa kanya dahil maganda ang nobya ni Pontino Culipa!"

Nagsitawanan ang lahat maliban kay Tigre, Davina at Faulicimo. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin kaya nakita ko ang mga tauhan sa harap ko. Davina glared at them. Si Tigre naman ay seryosong pinagmasdan ang kabuuang itsura ko at si Faulicimo ay nakayuko lamang, pinaglalaruan ang maliit na kutsilyong hawak niya, halos walang emosyon ang mukha.

"Hindi na ba malinaw ang mga mata mo, Lobo? Maganda rin naman si Binibining Davina, ah!" wika ng isa.

"Mas maganda pa rin si—" hindi nila matapos ang sasabihin nila nang biglang nag-angat na ng tingin si Faulicimo at tinutukan sila ng kutsilyo niya.

"Isang salita niyo pa, ipuputol ko ang mga daliri niyo." Baritonong boses na sabi ni Faulicimo. Agad nilang itinikom ang mga bibig nila at hindi na nagsalita.

"Bakit niyo ako kinuha?" kusang lumabas rin iyon mula sa bibig ko.

"Hmm...siguro'y kilala mo na yata ako. Natanggap mo ba ang liham ko?" tugon ni Tigre. Pagod akong tumingin sa kanya.

I scoffed. "Ikaw pala ang nagbigay do'n?"

"Ako si Juan Timoteo Peguerra. Ang kapatid ng ama mo." Pagpapakilala niya sa akin.

Agad nanlakihan ang mga mata ko at nabuhayan ako sa walang oras. Siya?! May kapatid ang ama ko?!

"K-kung ganoon, totoo ba ang kaso ng a-ama ko? Na siya ay kasapi sa bandido?!" hindi makapaniwala kong tanong.

Tumango siya. "Oo. Pero umalis siya sa oras na nagkakakilala sila ni Ulaya dahil gusto na niyang manirahan kasama ang maybahay niya."

Umalis si itay dahil mag-aasawa na siya at mabuhay kasama si inay?

"Subalit, Isabelita..." natataranta ako nang humakbang siya palapit sa akin. Nakakakilabot siyang ngumiti. "Nasa panukala namin na kapag ikaw ay kasapi na namin, hindi ka na maaaring umalis pa. Nilabag iyon ng ama mo. Ano sa tingin mo ang nangyari? Ano sa tingin mo...ang kaparusahan na ibinigay namin sa kanya?"

"P-pinagbintangan niyo siya..." halos bulong na sabi ko. Ngumangalit na ang ngipin ko sa galit.

"Hmm..." he nodded.

"At isinumbong niyo kahit na...matagal na siyang wala!"

"Tama." May gana pa siyang tumawa!

"Mga walang hiya kayo!" tumayo ako at balak sanang lumapit sa kanya ngunit agad na lumapit ang mga utusan at hinawakan ako upang pigilan. Sigaw ako ng sigaw, walang pakialam kung maubos ang boses ko. Umaalingawngaw iyon sa buong kagubatan dahil gabi pa ang oras.

Totoo na kasapi ang ama ko sa mga bandido pero noon pa 'yon. Umalis siya. Lumayo siya sa kanila ngunit hindi iyon matanggap ng kapatid niya.

"Ano ang ginawa ng ama ko sa'yo?!" galit kong tanong at nagpupumilit pa rin.

Napasinghap ako nang umangat ang palad niya at mahigpit na hinawakan ang panga ko. Nanlilisik ang kaniyang mata na tumitig sa akin.

"Alam mo kung bakit?!" tinignan niya ang kabuuang mukha ko. "Dahil inagaw niya sa akin ang kaisa-isang tao na naging buhay ko. Inagaw niya sa akin si Ulaya!"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Pumatak iyon sa kamay niya at nang mararamdaman niya iyon ay binitawan niya ang mukha ko at sa hindi ko inaasahan, malakas niya akong sinampal.

"Huwag mong ipakita sa akin 'yang luha mo! Naiirita ako!"

Napapikit ako sa sakit at nanghina kaagad ako. Nawalan ako ng lakas at binitawan nila ako nang mapaluhod ulit ako sa malamig na sahid. Humahapdi ang pisngi ko at nalalasahan ko na rin ang dugo sa labi ko ngunit...hindi ako tumigil sa pag-iyak.

I cried louder because that was the only way for me to let out all my anger, pain, agony, and hatred to all the things that is currently happening. Iyon lang ang tanging magagawa ko...sa ngayon. Hindi ko mawari ang lahat-lahat. Masyadong marami sa isang pangyayari, sa ilang minuto!

Mas naiirita siya at natigil ako sa pag-iyak nang hinila niya ang buhok ko at pilit akong ipinaangat ng tingin sa kanya. Direktang bumagsak ang mga patak ng ulan sa mukha ko dahil sa posisyon na iyon.

"Sinabing tumigil ka!"

"Hayop ka! Walang hiya ka! Namatay ang ama ko dahil sa kaselosan mo!" sunod-sunod na sabi ko, na mas ikinagagalit niya.

"Ah, hindi ka pala tatahimik ka?" sabi niya at napasigaw ako sa sakit nang hinila niya mismo ang buhok ko at pilit akong ipinatayo upang makasunod ako sa kanya. 

Napasulyap ako kay Faulicimo ngunit nag-iwas lang siya ng tingin sa akin.

Magulong magulo na ang itsura ko nang makarating kami sa isang kubo. Itinulak niya ako papasok at agad akong natumba sa sahig. Napahagulgol ulit ako nang makahiga ako at makitang dumudugo na ang ulo ko. Pakiramdam ko'y humahapdi na ang kabuuan ng katawan ko. Halos hindi na ako makalunok dahil sumasakit ang lalamunan ko.

"Bitawan mo ako! Hayop ka!" gumagalaw-galaw ako ngunit nagawa niya paring matali ang dalawang paa ko. Natataranta ako dahil umaangat na ang saya ko kahit na mataas ito. Umamba ako ng sipa ngunit naiwasan niya iyon at kalaunan ay tumawa.

"Ngayon lang ako nakakita ng binibining mabilis ang galawan, ah?" pagbibiro niya pa at pumatong sa itaas ko, ang kaniyang mga hita ay nakaluhod sa magkabilang gilid ko. Umupo siya sa bandang tiyan ko.

Nanlakihan ang mga mata ko at nanlamig ako. Tulong!

"Ano ang kailangan mo sa akin?!" patuloy paring umaagos ang mga luha ko.

"Madali lang. Papatayin kita." Tugon niya. Halos hindi na ako makahinga dahil ang bigat niya!

"Bakit? Dahil galit ka na nagkaanak si Ulaya Negrofado at si Arnulfo Peguerra?" mapait kong sabi. "At kamukhang kamukha ko ang kapatid mo?"

"Ang pinakaayoko sa mga babae ay ang mga palaging may maisalita." Seryosong sabi niya at napasigaw nalang ako nang isinakal niya ako. Dahan-dahan 'yon humigpit.

Natataranta na ako nang mawalan ako ng hangin. Pilit akong gumagalaw dahil hindi na ako makahinga. Sa harapan ko ay ang madilim na pagtawa niya, tila nasasayahan pa sa ginagawa niya.

Anton! Tulong!

"Tigre." Boses iyon ni Faulicimo mula sa labas ng kubo. Kalmado at hindi natatakot.

Napabuntong hininga si Tigre at binitawan ako. Agad akong suminghap ng napakamaraming hangin at naghabol ng hininga. Naiinip siyang tumingin sa lalaki.

"Ano?" walang ganang tanong niya.

"May narinig kaming balita mula sa mga Riguiarios." Wika niya pa.

Nanginginig ang katawan ko nang tumayo si Juan Timoteo at ipinagpag ang mga kamay. Tumagilid ako at hinaayang bumagsak ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak, wala nang lakas na natira pa.

"Ano raw?"

"Ngayong alas-sais ng umaga ang kasal."

Kasal?

"Kasal? Kanino?" nagtatakang tanong ni Tigre.

"Kasal ni Ginoong Antonio Riguiarios at Josefa Ylmedo."

Mas nanghina ako sa narinig. Akala ko ba'y tinigil na nila ang kasunduan? Akala ko ba'y...hindi na ikakasal si Anton sa kanya? Kasinungalingan lang pala ang lahat ng 'yon?

Kung ganoon, kasinungalingan rin ba ang mga sinabi niya sa akin? Ginamit lang niya pala ako?

Pagod na yata ako. Ano pa ba ang pag-asang matapos ko ang misyong ito? Oo, isang araw lang ito ngunit lahat na yata ng masasakit na pangyayari, salita, at balita ang narinig at nararamdaman ko. Tinatawag ko pa ang pangalan niya kanina, imposible pala talaga na mailigtas niya ako sa kamay ng mga bandido.

"Magandang balita!" pumalakpak si Juan Timoteo at sumulyap sa akin. "May naisip na akong balak, Isabelita."

Hindi ako nagsalita.

"Tayo ay magpapahinga muna, Tigre." Ani Faulicimo. Ni kailanman ay hindi siya tumingin sa akin.

"Mabuti kung ganon na nga." Bumuga ng hangin ang lalaki at umalis, lumabas na sa kubo. Iniwan niya kaming dalawa ni Faulicimo dito.

Narinig ko ang mga yapak niya patungo sa akin. Pagkatapos ay nananatili siyang nakatayo sa harapan ko hanggang sa lumuhod.

"Tumayo ka," utos niya.

Dahan-dahan akong umupo at pinakalma ang sarili ko. Nang sumulyap ako sa kanya ay parang sa unang pagkakataon, ngayon, ay nagkatitigan kami. Ang kaniyang mga titig ay tila kay Faulicimo na nakilala ko—ang mabait na Faulicimo.

"Pinagkatiwalaan kita..." halos bulong na sabi ko, may bahid na sakit.

Oo, pinagkatiwalaan ko siya. Nagawa ko pa ngang magalit sa kaibigan ko dahil sa kanya. 

Dahil noong una ay hindi ako makapaniwalang ito ang katotohanan tungkol sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin at agaran akong hinila patayo. Nagpatiahon ako ngunit hindi ako tumigil sa pagsasalita.

"Bakit ako ang kinuha niyo?" mapait kong tanong. "Ano ba ang kailangan niyo?"

"Dahil ikaw ang anak ni Arnulfo Peguerra." Agad niyang tugon. Kumunot ang noo ko.

"Anong...ibig mong sabihin?"

Malamig siyang lumingon sa akin.

"Ikaw lang naman ang anak ni...Arnulfo Peguerra."

Natigilan ako at dahan-dahang nanlakihan ang mga mata ko.

"A-ano?!" hindi makapaniwala kong tanong. "I-ibig mong sabihin..."

"Si Cristina ay anak ni Juan Timoteo at ni Ulaya Negrofado. Nagka-ibigan sila noon ngunit sa isang iglap, nagulat nalang si Juan Timoteo na umalis ang ina mo dala-dala ang anak nila at sumama kay Arnulfo, sa hindi niya alam na dahilan."

Napaawang ang bibig ko, hindi makapagsalita!

"Pagkalipas ng ilang taon, ikaw ay isinilang ng ina mo. Ikaw ang mismong kadugo ni Arnulfo Peguerra, Isabelita. Ikaw lang." dagdag niya.

Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Hindi rin ba alam ni Isabelita ito?!

"At hanggang ngayon ay patuloy paring naghihiganti si Juan Timoteo. Dahil hindi niya napatay and kapatid niya sa mismong mga kamay niya ay gagawin niya ang lahat na ang nag-iisang anak ni Arnulfo ang makakaranas sa galit niya. Lahat ng mga ginawa ng ama mo ay ibibintang niya sa'yo. Papatayin ka niya. Nabuhay siya ng walang awa, ni kahit kanino. Madali lang sa kanya ang gumawa ng mga bagay na ganoon at kailanman ay hindi siya nagsisisi."

Hindi na ako makaisip ng iba pang dahilan. Natataranta na ako at hindi na mapakali.

"Dahil sumama ka kay Ginoong Antonio ay naging mas madali ang pagkuha namin sa'yo—"

Hindi pa niya natapos ang sasabihin niya nang agad akong kumilos at lumuhod sa harapan niya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Faulicimo, tulungan mo ako." Pagmamakaawa ko. "Ilayo mo ako dito, sasama ako sa'yo ngayon."

"Isabelita—"

"Nagmamakaawa ako..." umiiyak na naman ako. "Hindi na ako lalayo sa'yo. Sasama na ako, pangako."

Hindi siya sumagot kung kaya't tiningala ko siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Huli ka na, Isabelita." Halos bulong na sabi niya. "Hinding hindi tayo makakatakas dito. Hindi ko magagawa ang sinabi mo."

Bumagsak ang mga balikat ko nang tumalikod na siya at umalis. Napaupo nalang ako sa sahig, nakatulala.

Tahimik akong nakasunod sa mga babae na papasok na rin sa kumbento. Makalipas ang isang linggo na kakahanap ko sa aking anak ay hindi ko pa rin siya makita. Palagi kong sinisigaw ang pangalan niya sa kalye, sa palengke, sa kung saan man ako mapunta ngunit sa huli...ay bigo pa rin ako.

"Su nombre?" (your name?) tanong ng isang kura-paroko mula sa lugar na ito.

Pagod akong tumingin sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kakaibang ngumiti, hindi ko mawari kung ano ang ipinapahiwatig niya.

"Isabelita." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Agad siyang tumango at umalis na.

Napag-isipan kong pumasok sa kumbento dahil wala na akong iba pang pupuntahan. Bumisita ako sa pansiterya ngunit laking gulat ko na wala nang tao doon. Nagsarado na sila inay at pag-aari na ng mga Riguiarios iyon. Hindi ko rin alam kung saan nagpunta sila ina at Ate Tina.

Sa unang linggo ko ay pinag-aralan namin ang bawat uri ng dasal, mga awit na kakailanganin sa bawat uri ng misa, mga katangian na kailangan naming panatiliin at sundin, at mga gawain na kailangan namin gawin. Hindi rin ako mapakali minsan dahil namamataan kong palaging nakamasid sa akin ang kura-parokong nagtanong ng pangalan ko noong mga nagdaang araw. Minsan ay nagtataka siya sa likod ng puno, minsan ay umuupo sa malayo ngunit ang mga titig ay nananatili sa pwesto ko. Kapag makita niyang mapatingin ako sa kanya ay kumakaway lang siya at tumatango-tango, tila may pinag-usapan kami.

"Ambrosio..." nakatingin ako sa labas ng mala-selda na bintana dito sa kuwarto ko habang nakaupo sa kama ko.

Naiisip ko pa rin ang anak ko. Kumusta na kaya siya? Nakakakakain na kaya siya? Paborito pa naman niya ang tinolang manok na luto ko. Kung pagbigyan sana ako ng Panginoon na makita siya muli ay buong-puso akong magpapasalamat kapag magkakataon.

Napatalon ako sa gulat nang bumukas ang pintuan sa kuwarto ko. Tumambad sa akin ang kura-parokong kakaiba ang pagtrato sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?!" natataranta kong tanong. Gabi na ngayon at bawal sa kanila ang pumasok sa kuwarto!

"Shh..." nakakilabot siyang tumawa at isinarado ang pinto, kinandado pa iyon.

Tumayo ako ngunit mabilis ang kilos niya. Agad niya akong nahila at marahas akong pinahiga sa kama. Sumigaw ako ng tulong ngunit tinakpan niya ang bibig ko. Namumuo na ang mga luha sa mata ko.

Panginoon, ikaw nalang ang matatawagan ko ng tulong.

Napahagulgol nalang ako nang matapos ang ginawa niya sa akin. Niyakap ko ang aking sarili at tinakpan ko ang buong katawan ko ng kumot dahil nakahubad ako ngayon. Nanginginig ang kamay kong mahigpit na humahawak sa tela at pakiramdam ko'y nagkakasala ako sa lahat-lahat, lalo na kay Faulicimo, sa anak ko, sa kataas-taasang banal, lumabag ako sa mga utos.

Wala akong kaya sa lakas ng kura-paroko na iyon. Ginahasa niya ako ngunit nangingilabot pa rin ako dahil binabangungot ako ng mga sariling ungol ko. Minsan ay idinadabog ko ang ulo ko sa pader upang subukang makalimot ngunit bawat sakit na nararamdaman ko ay katumbas ng sakit pagkatapos namin ginawa iyon. Naaalala ko pa ang lahat. Minsan ay sinasakal niya ako, halos hindi na ako makahinga. Nandidiri na ako sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.

Panginoon, patawad po. Hindi ko po ginusto iyon!

At kada-linggo ay ginagawa niya iyon sa akin. Itatama niyang bawat gabing oras niya ako pinapasok sa kuwarto ko. Sinubukan kong ikandado ngunit may susi siya, wala na akong magawa. Sinubukan kong magsumbong sa mga iba pang pari at madre ngunit tinatawanan lang nila ako. Napupuno na ang katawan ko ng mga pangos at sugat dahil marahas siya at sinasaktan niya ako.

Kumakanta nalang ako sa mga gabi na pakiramdam ko'y hindi siya papasok upang mawala ang takot at pangamba na idinulot ng lahat ng problema sa akin.

"Ikay ay namamayat na, Isabelita." Puna ng isang madre na kasama ko.

Hindi na ako nagsalita at umupo nalang sa lamesa.

"Hala! Bakit may sugat ka sa leeg?!" gulat na tanong niya.

Nang binuksan ng isa sa mga madre ang takip ng hapunan namin ay bigla nalang akong naduwal nang maamoy ko iyon. Agad akong tumayo at pumunta sa palikuran upang sumuka kahit na hindi pa ako nakakain. Natigilan ako sa unang naisip ko.

B-buntis ba ako?

Sa naisip ko ay mas nasusuka ako. Hindi ko na napigilan at sumigaw ako na may halong iyak. Galit na galit ako lalo na't sigurado akong buntis ako. Ilang beses na niya akong ginagawan ng ganoon at imposibleng walang mangyayari sa akin!

Tumayo ako at padabog na binuksan ang banyo. Nagmamadali akong lumabas sa hapag-kainan at doon ko nakita ang kura-paroko na may kausap na bisita sa simbahan...si Ginoong Antonio.

Ngunit nawalan na ako ng pakialam.

"Hayop ka!" isinugod ko ang kura-paroko na iyon at sinabunutan siya sa buhok. Gulat na napatingin si Ginoong Antonio sa amin lalo na't natumba ang pari sa harapan niya at siguro ay hindi niya inaasahang makita ako rito. Agad kong dinaganan ang lalaki at sinusuntok siya sa mukha. "Walang hiya ka!"

"Binibining Isabelita!" gulat na sigaw ni Antonio. Hinila niya ako ngunit nagpupumiglas ako kung kaya't nabitawan niya ako.

"Tignan mo ang ginawa mo sa akin! Hayop ka!" sumigaw ako at malakas na umiyak.

"A-anong ginawa niya?" tanong ni Antonio ngunit patuloy ko lang na sinuntok ang kura-paroko. May dumating na na mga pari at madre ngunit wala akong pakialam.

"Walang hiya!"

"Anong ginawa niya?!" tumaas ang boses ng...kaibigan ko.

"Isabelita, jusko! Awatin niyo siya!" natatarantang sigaw ng isang madre.

Kung sana ganito ako kalakas noong ginawa niya sa akin iyon ay hindi mangyayari ang lahat. Siguro'y...kasalan ko talaga dahil nagpapakahina ako.

"Ginahasa mo ako at ngayo'y buntis na ako, hayop ka!"

"Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo!" sigaw pa ng pari. Napaawang ang bibig ko at natigilan ako sa sinabi niya. Itinulak naman niya ako at napaupo ako sa sahig, natulala.

A-ano? H-hindi niya alam?

Bumilis ang bawat patak ng luha ko. Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa amin. SI Antonio naman ay nagulat sa sinabi ko at hindi gumalaw, tila nag-iisip pa.

Hindi. Hindi ko na pala kayang mabuhay. Alam ko, pagkatapos ng lahat ng ito ay mas maniniwala sila sa kura-paroko at hindi sa akin. Kahit ano pa ang sabihin ko, ako ay isa lamang na tagapagsunod nila. Tatawanan lang nila ako, gaya ng palaging ginagawa nila.

Napasulyap ako sa kaibigan ko at nakita kong may maliit siyang baril na dinadala. Naaalala kong nag-aaral din siya no'n dahil sa kapatid niya.

Agad akong tumayo at kinuha iyon. Napasinghap siya at bago pa man niya mahablot ang baril mula sa akin ay kinasa ko iyon at ipinaputok sa ulo ko.

"Isabelita,"

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang marinig ko ang boses ni Faulicimo. Nakatulog na pala ako dito sa kubo dahil sa kakaiyak.

"Tayo'y aalis na." sabi niya at dahil hindi ako nakikinig ay pilit niya akong ipinatayo. Nanghina pa rin ako at tahimik lang.

Wala akong masabi sa naaalala ko. Mabuti nalang pala at nadakip ako ng mga bandido nang sa ganon ay hindi na ako magagahasa ng kura-paroko sa kumbento. Pero mahirap pa rin!

"Saan tayo pupunta?" walang ganang sagot ko.

Naglalakad kami ngayon palabas ng gubat. May nakapalibot sa akin na mga bandido at nakatali pa rin ang kamay ko sa likuran, maliban na sa paa. Wala akong bakya o kahit tsinelas man lang. Nakapaa ako ngayon.

"Pupunta tayo sa kasal ni Ginoong Antonio at Josefa Ylmeda." Natatawang sabi ni Juan Timoteo.

I scoffed. "Bakit? Manggugulo ka naman?"

"Hindi." He shrugged. "Ipapakita ko lang sa'yo. Hindi ba't mahal mo ang kaibigan mo?"

Oo. Pero hindi muna sa ngayon dahil...nagsisinungaling siya sa akin.

May shortcut sila na labasan kung saan hindi ganoon karami ang mga tao....hanggang sa makarating kami.

Parang isang iglap lamang ay nandito ako sa labasan ng simbahan, palihim na nakamasid habang tinitignan ang kaibigan ko mismo na naghihintay sa altar, at ang magandang Binibini ay naglalakad sa gitna habang panay ang palakpakan ng mga tao na nakapalibot sa kanila.

Maduming madumi ako ngayon, sabog ang buhok, nakapaa lamang at maraming sugat, dumudugo pa ang ulo nang magtama ang paningin naming dalawa. Nang makita niya ako ay nanlakihan ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya.

Nagsihulugan ang mga luha ko.

"Tulungan mo ako..." pabulong na sabi ko ngunit nakasisiguro akong nabasa niya iyon...mula sa bibig ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top