Kabanata 25

"M-mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Anton sa akin.

"Matagal na..." halos bulong na sagot ko.

Akala ko ay magsasalita siya ngunit wala akong narinig na tugon galing sa kanya kung kaya't nag-angat ako ng tingin. Napaawang ang bibig ko nang makitang namumuo na ang luha sa kaniyang mga mata.

"Anton..." nag-aalalang pagtawag ko sa pangalan niya. Balak ko sanang hawiin iyon gamit ang kamay ko ngunit inunahan na niya ako ng mahigpit na yakap. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at umaangat-angat ang balikat niya.

Aba! Bakit siya umiiyak!?

"Anton..." halos bulong na sabi ko. Nahihiya na ako lalo na't nakatingin ang mga tao sa amin. Hinahaplos-haplos ko ang likuran niya.

Lumapit sa pwesto namin si Heneral Dominico. Seryoso ang hitsura at nilingon niya ang kapatid niya.

"Sa balkonahe muna kayo mag-usap." aniya at dahan-dahan namang umayos ng tayo si Anton, namamaga pa ang mga mata. Umiling ako sa kapatid niya at itinaas ko ang dalawang kamay ko.

"Wala po akong ginawa. Wala po akong sinabing masama." pagdedepensa ko sa sarili.

Maliit siyang ngumiti. "Alam ko."

"Tara na..." mahinahong sabi ni Anton at hinila ako. Hindi ako tumutol at patuloy lang na sumunod sa kanya.

Nang makarating kami sa balkonahe ay napakatahimik ng paligid. Sinindihan ni Anton ang lampara upang may ilaw man lang kami dahil madilim na ang paligid. Natatanaw ko ang malaking buwan sa itaas at malamig na rin ang ihip ng hangin. Sa harap namin ay ang daan patungo sa mansyon at sa gilid naman ay ang kagubatan, sa labas ng gate. Naririnig ko ang mga kuliglig sa hindi alam na pwesto dahil umaalingawngaw ito sa kapaligiran.

Narinig ko ang mga yapak ni Anton sa likuran ko ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap niya mula sa likod ko. I gasped as his hands crawled on my waist and embraced me tight. Isinandal niya rin ang ulo niya sa kanang balikat ko.

"B-baka may m-makakakita sa atin dito..." kinakabahang sabi ko.

Malalim siyang tumawa. "Edi ipakita natin sa kanila."

"Nakakatawa ba?" mataray kong tanong. "Kung ganoon, bumitaw ka."

"Ayaw ko." parang bata niyang sabi.

"Mag-uusap pa tayo."

"Pwede naman tayong mag-usap ng ganito, ah?"

"Hindi ako komportable."

Sa huli ay bumuntong hininga nalang siya at dahan-dahang bumitaw sa akin. Pumunta siya sa gilid ko at tumingin na rin sa harapan.

"Paano mo nasabing mahal mo ako?" biglang tanong niya kung kaya't napatingin ako sa kanya. Nang makita niyang lumingon ako sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin, tila nahihiya pa. 

Kumunot ang noo ko at kalaunan ay hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Curious lang naman..." halos bulong na sagot niya.

"Ilang taon na akong may nararamdaman para sa'yo, Anton. Hindi ba halata? Binibiro mo pa nga ako noon."

"Hindi mo naman sinabi na mahal mo ako noon."

"Bakit?" natatawa pa rin ako. "Ano naman ang gagawin mo? Aasarin mo ba ako? Saka, sino ba ang gustong magsabi ng mahal kita sa taong nag-reject sa'yo noon mismo?"

Tumikhim siya.

"Sigurado akong iisipin mo lang na nagjojoke ako." dagdag ko pa.

He sighed in defeat. Napayuko siya at pinaglalaruan ang mga daliri niya. Dahil feel ko lang ay hinawakan ko ang kamay niya at napatalon naman siya sa gulat dahil sa ginawa ko.

Ang lamig ng kamay niya.

"Bakit ka kinakabahan?" natatawang sabi ko at napatingin naman siya sa akin. Gusto niyang hawiin ang kamay ko ngunit parang nagdadalawang-isip yata siya hanggang sa hindi na niya tinuloy.

"Hindi lang ako makapaniwala." seryosong sabi niya.

I scoffed. "Akala mo ba'y nawala na ang nararamdaman ko para sa'yo?"

"Akala ko kasi crush mo lang ako."

"Oo nga. Ngunit sa ilang taon na nakalipas, bakit hindi pa rin iyon nawala? Bakit hindi pa nawala ang nararamdaman ko?" I wiggled my brows. "Ano sa tingin mo ang dahilan ng lahat ng 'to?"

Sus! May pa iyak iyak pa nga siya kanina, eh!

Kung kanina ay malamig ang kamay niya, ngayon ay napakainit naman. Kakahawak ko lang tapos ang init na. Ano ba 'yan!

Ako na mismo ang bumitaw at bumuntong hininga. Oo nga, mahal ko siya pero ni kailanman ay hindi ko pa nasabi sa kanya ang tatlong salita na 'yon. Hindi ko pa nga siya sinagot. Hindi naman talaga pwede lalo na't may tatapusin pa kami rito. Pero pagkatapos nito ay baka...hmm...pwede na rin.

"Ang ganda talaga dito" pagpupuri ko sa tinitignan. "Ngunit...nakakatakot mabuhay sa panahong ito."

"Pakiramdam ko'y mapayapa ang mundo dito. Walang mga sasakyan, walang polusyon, walang mga basura kung saan-saan." Sagot niya.

"At walang kalayaan." Dagdag ko sa sagot niya. Napatingin naman siya sa akin at natahimik. "Sa panghuli...maraming hadlang."

Gusto ko nang umalis dito. Dapat ay aalahanin ko sa sarili ko na malapit na matapos ang unang misyon ko. Malapit na akong makauwi sa amin. At kung mangyayari 'yon, talagang magpapasalamat ako sa kataas-taasang banal!

"Tama ka," tugon ni Anton.

"At nagbago ka rin." Huling dagdag ko.

"Huh?" kumunot ang noo niya.

"Hindi dahil sa lalaking lalaki ka na. Its just that..." I sighed. "Naglilihim ka na sa akin."

I could feel the bitterness in my voice. Totoo naman. Sasabihin niya lang kung nasa delikadong sitwasyon na kami. Hindi ba't siya pa nga ang nangako noon?

"Saan?" nagtatakang tanong niya.

"Halos nasabi ko na ang lahat ng mga pangyayari sa bawat araw ko ngunit...tanging mga mahahalaga lang ang sinasabi mo sa'yo."

He stopped then later on chuckled. "Kasi wala naman talagang silbi."

Napairap ako.

"At ano? Gusto mong makarinig kung ano ang naging galaw ng buhay ko doon sa hacienda at sa mansyon kasama si Josefa Ylmeda?"

Doon ako natigilan. Gusto ko ba? Curious ba ako?

"Gusto mong marinig mula sa akin kung ano ang mga sinasabi niyang makabuluhan at nakakapanindig-balahibo?" pang-aasar niya pa.

Pwede naman sa akin ngunit...iba ang pakiramdam ko, e. Bakit? Ano ba ang sinasabi ng babaeng 'yon? Nilalandi niya ba si Anton? Nang-aakit ba siya? Kung ganoon, normal lang iyon dahil siyempre, noong una ay fiancee niya 'yon.

Tama. Nakapagdesisyon na ako.

"Huwag nalang." Seryoso kong sabi. Ayaw kong makarinig baka kung ano pa ang iisipin ko.

"Sasabihin niya sa akin na—" hindi pa niya natapos ang sasabihin niya nang gamit ang palad ko ay tinakpan ko ang bibig niya. Natatawa lang siya at marahan na hinawi ang kamay ko.

Sinimangutan ko siya. "Sinabing huwag na!"

"Hindi na po." Magalang na sabi niya at nag-bow pa!

"Bahala ka nga!" naiinis na sabi ko. Seryosong seryoso tayo dito tapos mang-aasar pa siya?! Teka, ba't ako nagagalit eh ako naman ang nagtanong no'n?!

Hays!

Dahil naiinis rin ako sa sarili ko ay nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya at tinalikuran siya. Balak ko sanang umalis na ngunit nang makita niya iyon ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pabalik. Napaikot ako at nagtama ang paningin naming dalawa, sa ikararaming beses na. Ang isa niyang kamay ay hinawakan ang kanang kamay ko at inangat iyon, habang ang isa ay marahan na hinahaplos-haplos ang bewang ko.

"Anong ginagawa mo?" kunot-noo kong tanong.

Siguradong maaga akong magkakawrinkles sa bawat pagkunot ng forehead ko. Kung noon ay wala akong pakialam, ngayon meron na. Lalo na't...naco-conscious ako sa lalaking ito.

"Sayaw tayo." Slowly, a smile crept on his lips.

"Ng walang musika? Kanta?" natatawang sabi ko.

Tumango lang siya at dahan-dahang gumalaw. Sumunod nalang ako sa kanya at hindi na nagreklamo pa.

Tila ipinagpatuloy namin ang waltzes na sayawan kanina sa ibaba ay mabikas kaming gumalaw patungo sa gitna ng balkonahe. Under the full moon, we were gracefully dancing as the deafening silence conquered the place. The cold wind brushed our skins as our shadows illuminated the dancing floor, like a couple in disguise. Dahil sa tahimik lang ang paligid ay hindi ko na napigilan ang paghuni ko.

Anton...you've been a very bad cure to me. 

And I had it very, very bad too.

It should all end before. It should all disappear and just fade away forever. It was all just purely crush and additional commotion. It was all just a weird confession of mine. Ngunit, inungkat natin ang nakaraan, to the extent na...napunta tayo rito. All I expected was purely admiration. But then I had just realized it now...na matagal na kitang ginusto noon pa man.

Siguro'y matagal na kitang minahal noon pa man. Siguro'y iyon ang tamang pangungusap para doon.

I want to tell you how much I adore you back in the past years as we grow up together in time. Kapag may pangangailangan ka, talagang ginagawa ko lahat noon upang matulungan ka. Kapag umiiyak ka noon dahil nagkaproblema ka sa ama mo, palagi kitang niyayakap at binubulungan ng mga pampakalma at magagandang salita upang tumahan ka na but then deep inside, I actually felt that particular butterflies in my stomach. Kapag nagkakasakit ka, siguro'y naaalala mo noon na kahit gabi ay pupuntahan talaga kita sa bahay niyo dala-dala ang gamot na binili ko sa botika gamit ang naiipon kong pera. Hindi ako humihingi ng iba pang kapalit kundi tanging ang pagkaayos mo lang.

Siguro'y ganoon nga kita kamahal.

"Pangarap ko ay makasama ka..." I started singing. Napaawang naman ang bibig niya at pabulong na tumawa.

"You'll sing for me?" his eyes softened as he stared at me.

"Nakakabingi ang katahimikan, Anton. Kakantahan ko lang para hindi awkward tignan." Pagbibiro ko pa. Tumango lang siya at nag-aabang sa susunod na linya ng kanta.

Sa katotohanan naman, hindi iyon biro. Talagang matagal ko na iyong pina-practice sa kuwarto ko noon dahil gusto ko siyang haranahin ng kantang iyon gamit ang gitara ko. I've been into Jireh Lim songs dahil sikat iyon noon sa mga radio. Minsan nga ay through bluetooth pa sa phone para may ma-save ako at iyon ang pinakanagugustuhan ko na awit mula sa kanya. Kapag makikita ko si Anton ay parang bumabagal ang mundo ko at kusang tutugtog iyon sa isip ko. This is why I have said it thoughtfully that I have it bad! It may be cringe but...wala akong magawa.

And now, it totally feels like cloud nine. Here I am now...singing that song in front of him. One of my wishes in life is now granted.

"Sa lungkot at sa saya ay iibigin ka. Sa buhay ko wala nang iba...pagmamahal ko sa iyo'y hindi mawawala..." pagpapatuloy ko pa.

He sighed in relief. Nararamdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa bewang ko at hindi parin ibinabawi ang titig.

"Kakalimutan ang nakaraan...pag-ibig mo'y aking hahagkan..." napangiti ako sa walang oras. Bakit parang magkatugma ang bawat linya sa sitwasyon namin ngayon?

"Sigurado na 'yan?" he wiggled his brows and tried teasing me but his voice cracked, tila naging emosyonal rin ngunit itinago niya 'yon. Napailing nalang ako.

"Sa'yo lang ang puso ko...walang iba pang papantay, hawakan mo ang aking kamay..."

"Nakahawak na ako ngayon." Halos bulong na sabi niya, pinuputol ako. "Hawak ko na ang kamay mo."

Alam ko, Anton.

"Sa'yo lang ang buhay ko...buong buo ibibigay, pag-ibig na walang humpay." Kanta ko sa huling linya at tahimik lang siya. Lumapit ako sa kanya at dahil kagustuhan ng puso ko dahil sa sobrang saya...

Niyakap ko siya ng mahigpit...ulit. Bumitaw naman siya kung kaya't agad kong ipinalibot ang kamay ko sa kanya at Isinandal patagilid ang ulo sa dibdib niya. Yumakap siya ng mahigpit, mas mahigpit pa kaysa sa akin. Naririnig ko ang malakas na tibok ng puso niya.

"Naaalala ko ang mga ginawa mo noon para sa akin, Isabelle. At napagtanto kong...hindi pa kita napapasalamatan doon."

Palihim akong ngumiti.

"Thank you, so much." Halos pabulong na sabi niya. "Salamat, dahil sa lahat-lahat na pinagdaanan natin ay hindi mo ako iniwan. You were there throughout the hardest of times. Now, let me be the one to sail this journey—our journey together. How about that, hmm?"

"Mas mahirap ang sa'yo kung kaya't ako na ang gumawa sa akin." Tugon ko at nag-angat ng tingin. "Ngunit...salamat rin dahil ilang beses mo na akong iniligtas."

Dahil nakikita kong may mga maliliit na pawis sa noo niya ay kinuha ko ang handkerchief ko at ipinahid iyon sa ulo niya. Natigilan siya noong una ngunit kalaunan ay hinayaan ako sa ginagawa ko. His hands remain on my waist, still gently caressing them.

"Sana ay okay ka lang habang mag-isa. Dahil hindi mo sinasabi sa akin kung nahihirapan ka." Dagdag ko.

Magsasalita pa sana si Anton ngunit sa hindi inaasahan ay pumasok ang kapatid niya dito sa balkonahe, dala-dala ang isang papel na may kung anong nakasulat. Seryoso ito at nakikita ko ang ugat ng mga kamay niya habang mahigpit na hinahawakan ang dinadala. Si Anton naman ay tumango sa kanya, tila nag-uusap sila gamit ang kaisipan.

Like hello? Paano naman ako?

Bumitaw na siya kung kaya't lumayo na rin ako. Wala namang reaksyon ang kapatid niya sa ginagawa namin, siguro ay may experience rin, ano? Kay Ate Tina?

"May balita na?" tanong ng kaibigan ko. Napatingin ako sa kaniya bago napatingin rin ulit kay Heneral Dominico.

"Mayroon na. Ikaw ay hinihintay na ng marami, pati sa Kapitan Heneral at kay Crisanto."

"Sa ano?" pumasok ako sa usapan.

"Meeting." Tugon ni Anton sa akin at lumingon ulit sa kapatid niya. "Nagsisimula na ba?"

"Oo. Ngunit matatagalan tayo ngayon dahil may kakarating lamang na balita. May ipinadala ang mga bandido na liham para sa kampo natin. Sila'y maglulunsad ng mapanganib na kilusan sa Binondo at sa Maynila kung hindi nila makuha ang kagustuhan nila."

"Na ano?" kumunot ang noo ni Anton. "Mayroon ba tayo na gusto nila?"

"Hindi ko lubusang naiintindihan kung ano ang ibig nilang iparating sa sulat. Kami'y naghahanap na ng dalubhasa." Itinaas niya ang papel na hawak niya.

"Iyan ba ang liham na ibinigay nila?" tanong ko at tumango si Heneral Dominico.

"Ano ang nakasulat?" Lumapit si Anton at sumilip sa letrato. Ako naman ay nandito sa harapan nila at naghihintay ng kasagutan.

"Bakit sila galit sa inyo?" sumapaw na naman ako. Napatingin sila sa akin at bumuntong hininga ang kaibigan ko.

"Kami ay kasapi ng pamahalaan, Binibining Isabelita." Ang nakakatandang kapatid ang sumagot. "At hindi sang-ayon ang mga patakaran ng Bandido sa amin, sa atin, kung kaya't kumilos sila sa sarili nilang mga paniniwala ang batas. Isa sa mga gusto nilang makuha ay ang sapat na pondo."

"Salapi." Dagdag ni Anton.

"Wala na tayong oras. Kailangan na nating umalis ngayon din." Sabi ni Heneral Dominico at tumango sa akin bago tumalikod at umalis. Tumango nalang din ako.

"Wait for me, here." Ani Anton. "Babalikan kita at kung sakali'y hindi man ay magbibigay ako ng letrato o di kaya'y may uutusan ako para ihatid ka."

Tumango din ako. "Maghihintay ako, Anton."

Ngumiti siya at tumalikod saka tuluyang umalis. Napatingin nalang ako sa likuran ko at nag-angat ng tingin upang pagmasdan ang buwan.

Kung sana ay makikita ko pa rin ito pagbalik ko. If only I could bring this with me in the present world. It looks so beautiful to be stared at. Minsan lang din naman ang full moon doon ngunit kalaunan ay matatakpan ng mga kulay abong ulap at uulan. Badtrip ang weather doon!

Ilang oras rin ang lumipas at sigurado akong alas onse y medya na ng gabi. Tatlong oras na akong naghihintay dito ngunit hindi naman ako nababagot. Mas umaapaw ang kaba ko dahil kanina ko pa nakikitang umuuwi ang mga bisita. Nakita ko rin si Heneral Crisanto na lumabas kasama yata sa asawa niya at sumakay ng kalesa papaalis. Siguro ay may pupuntahan dahil siyempre, bahay nila ito, e.

Siguro ay kasama ni Anton ngayon ang kapatid niya.

Nagpatuloy pa rin ako sa paghihintay. Minsan ay humihikab na ako ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na makatulog. Kailangan ko pang maghintay kay Anton dahil nangako akong maghihintay sa kanya.

"Binibini..."

Agad akong napalingon sa likuran ko. Isang kasambahay ang sumalubong sa akin. Ngumiti siya at nag-abot ng liham. Tinanggap ko iyon at nagpapasalamat bago siya umalis.

Tinupad nga ng kaibigan ko ang pangako niya.

I opened the letter and a smile crept on my lips after seeing the handwriting in the first paragraph. It surely is Anton's.

Binibining Isabelle,

Ako'y humihingi ng paumanhin dahil hindi ako maaaring makabalik sa'yo ngayon. Hindi pa tapos ang pagpupulong lalo na't may bago kaming natuklasan. Balak ng mga bandido na sulungin ang bahay ng Kapitan Heneral kung kaya't agaran na umalis si Heneral Crisanto kasama ang asawa niya at sila'y magtungo doon ngayon din.

"Sus... may pa formal-formal ka pa, ah?" natatawa at bulong na sabi ko. It literally is Anton's penmanship pero nakakakilabot pa rin kapag sumeryoso siya. Naaalala ko tuloy noong nabugahan ko siya ng kanin dahil sa katarantaduhan niya.

Napailing nalang ako at binasa ang ikalawang talata na tanging pangungusap lang ang nakasulat.

Hindi ba't naitanong mo sa akin kung ano ang totoong pangalan ni Tigre? Ang pinuno nila?

"Naaalala ko 'yon." Napatango ako. Para akong baliw na nakikipag-usap sa sarili ko, tss.

Amin nang napag-alaman iyon.

Dahan-dahang naglaho ang ngiti sa labi ko at kalaunan ay kumunot ang noo ko. Huh? Ano daw?

Teka, bakit naman ito ang topic ni Anton sa letrato niya? Hindi ba dapat tungkol iyon sa pag-uwi ko? Sa paghatid ng mga inuutusan niya?

Ang totoong pangalan ni Tigre ay... si Juan Timoteo Peguerra.

Nanlamig ako sa nabasa.

"Juan Timoteo...Peguerra?!" tumaas ang boses ko.

Kaano-ano niya kami? Posible ba 'yon?!

Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ko ang mahinang yapak sa likuran ko. Lilingon na sana ako sa likod ko ngunit hindi iyon natuloy nang mabilis na kumilos ang tao at agad tinakpan ang ilong at bibig ko ng isang panyo...na may kakaibang amoy.

Nabitawan ko ang liham at hindi ko tuloy nabasa ang huling pangungusap.

"Ngayon, naniniwala ka na?" boses iyon ni Faulicimo. Malamig at may bahid ng panginginig sa sobrang galit. "Na ang ama mo ay kasapi sa mga bandido?"

Nagpupumiglas ako ngunit napakalakas ng lalaki. Narinig ko pa ang nakakakilabot na pagtawa niya sa bandang tenga ko bago ko tuluyang nanghina hanggang sa mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top