Kabanata 24
"Paano 'yung sa'yo? May sariling misyon ka rin, Anton." nabasag ang boses ko.
"Ginawa ko na rin 'yon."
"Madali lang ba sa'yo?" halos bulong na iyon dahil nahihiya pa rin ako sa ginawa ko, sa lahat ng sinabi ko sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa akin, seryoso ang itsura. Ilang sandali siyang tahimik bago sumagot.
"Mahirap."
Napayuko nalang ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko. "Pasensya na...sa abala."
"Wala 'yon." he sighed. "And stop—don't bite your lips."
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
He seemed disturbed as he shook his head. "It's distracting."
"Bakit?" naguguluhan pa rin ako sa tugon niya.
Bakit naman distracting? Wala naman akong ginagawa ah?
Hindi siya sumagot kung kaya't napabuntong hininga nalang ako at napayuko ulit.
"Sorry. Alam kong mahirap din ito sa part mo tapos naging abala pa ako sa'yo."
"Hindi ka abala, Isabelle. Gusto ko lang talagang tumulong."
"At...salamat na rin dahil halos makalimutan ko na ang sarili ko." napailing rin ako. "Hindi ko maiintindihan. Am I too affected with Isabelita's memories? O nadadala lang talaga ako sa temptasyon o magagandang salita nila? Kasi, nararamdaman ko 'yon, Anton, eh." I pointed out my chest and looked at him. "Nasasaktan ako kapag maaalala ko ang mga paghihirap ni Isabelita. What's worse is that, kapag gigising ako at mababalik ako sa realidad ay agaran na mangyayari ang ala-alang iyon sa kwentong kinatatayuan ko ngayon. Hindi ako makapagdecide. Time can't wait for me to think clearly. Hindi ba 'yon nangyayari sa'yo?"
"I know how to control myself." tugon niya.
"Mabuti kung ganoon." maliit akong ngumiti. "Malaki talaga ang pasasalamat ko sa'yo ngayon, Anton. Kung hindi dahil sa'yo ay baka madala ako sa mga pangyayari at baka maibalik ko lang ang nangyari noon. Natatakot rin ako."
"May napanaginipan ka na naman?"
Natigilan ako saglit sa tanong niya. Paano niya nalaman?
"Umiiyak ka kanina." na para bang alam niya ang iniisip ko ay nagsalita siya. Tanging nagawa ko na lang ay ang bumuntong hininga.
"Napanaginipan ko ang mangyayari kung sasama ako kay Faulicimo...gaya ng ginawa ni Isabelita noon."
"What is it? Bakit siya nagpunta sa kumbento mag-isa? Bakit iniwan siya ni Faulicimo?"
"Hindi siya iniwan. Si Isabelita ang nang-iwan at umalis dahil noong oras na iyon ay nawala ang anak nila na si Ambrosio at sa naaalala ko, nararamdaman ng babae na may kasalanan ang lalaki, lalo na't tanging sorry lang ang ginawa ng asawa niya."
Tumango si Anton.
"Doon din niya nalaman na ang asawa niya ay kasali pala sa pangkat ng mga Bandido. Ang isa sa mga tao na kinasusuklaman niya dahil sa pagkamatay ng ama niya. Sinabi ni Faulicimo na bawal raw sa kanila ang mag-asawa kung kaya't inilihim niya sila ni Isabelita at ipinalayo doon sa Binondo dahil do'n madalas pumupunta ang mga kasapi niya."
Tahimik lang na nakikinig ang kaibigan ko. I looked at him. Oo nga...
"Paano mo pala nalaman na bandido si Faulicimo?"
"Kapatid ko." aniya at tumayo saka nagsalin ng tubig sa baso. "Si Kuya Dominico ay nalalapit sa kapitan-heneral at palagi nilang napapag-usapan ang mga bandido dito sa Maynila at sa ibang parte ng bansa. Meron silang isang librong lista na nakalahad doon ang mga pangalan at bansag ng bawat kasapi, pati na rin ang mga tungkulin nila sa rebeldeng grupo."
Napaawang ang bibig ko. Umupo siya ulit at nilahad ang tubig sa akin. Tinanggap ko iyon ngunit hindi ko pa iniinom.
"Doon ko nakita ang pangalan ng asawa ni Isabelita. Siya ang ikalawang pinuno kasunod lamang ng unang pinuno nila na si Tigre, ang mismong tagapagtatag at ang namumuno sa grupo. Si Faulicimo ay binansagan bilang 'Pontino Culipa' na ang ibig sabihin ay ibong-lawin."
"In that case...leader din siya ng mga bandits?"
He nodded. "Secondary leader. Si Tigre ang una."
"Ano ang totoong pangalan ni Tigre?"
"Hindi pa namin alam. Walang nahanap sila kuya dahil masikreto sila. Hindi basta-basta ang mga bandido dito."
Hindi ko akalaing kasali sa mga bandido si Faulicimo. Buong akala ko ay isa lang siyang trabahante sa mga Riguiarios! Mabait na tao, mapagkumbaba, may butihing puso, mapagmahal, at palaging tinutupad ang kaniyang mga pangako. Turns out, he has this side, too!
"Kailan pa naging kasapi si Faulicimo sa mga bandido?"
"Matagal na. He was already a member back when he was thirteen." sagot ni Anton.
"Ano ang dahilan? I'm pretty sure he has his own reasons..."
"With that, hindi ko alam." he sighed. "Walang nakaalam sa mga dahilan nila ngunit isa lang ang nasisiguro ng kampo nina kuya Dominico at sa kapitan-heneral. Nangangailangan ang mga bandido ng paghihiganti. Sakim sila sa benggansa."
Tuluyan na akong napainom sa tubig na hinahawakan ko ngayon hanggang sa maubos. Nanlalamig pa rin ako dahil malakas ang ulan sa labas. Nandito kami ngayon sa kubo na tinutulugan namin noong hinabol kami ng ate ko ng mga guardia sibil. Ang kubo na ito ay nasa gitna ng kagubatan. Mabuti nalang at hindi niya ako dinala sa mansyon nila. Natatakot akong makita si Don Miguel.
"Alam mo ba?" biglang tanong niya kung kaya't nabalik ako sa hwisyo.
"Ang alin?"
"Na marami nang napatay si Faulicimo?"
Nagtagal ang titig ko sa kanya. Agad akong nakaramdam ng takot. Hindi ko aakalaing nakikisama ako sa isang mamamatay tao sa mga nakaraang araw. Tinatakpan lang niya iyon sa pamamamagitan ng pagiging mabuti sa akin. Ngunit, ano iyong naaalala ko noong bata pa sila ni Isabelita? I'm sure he was not yet part of the bandits at that time. What made him join, really?
Pero may part pa rin sa akin na naniniwala sa kabutihan niya. Siguradong may dahilan siya.
"Brutal kung makapagpatay dahil agad niyang itatarget ang ulo. Gagayatin niya 'yon, lalo na sa mga daliri kung maliit na parusa lamang. Binansagan siya bilang Pontino Culipa dahil sa kamalayan niya sa kapaligiran. Mabilis rin sa kilos at malinis sa trabaho kung kaya't malaki ang tiwala ng unang pinuno sa kanya."
Dahil sa nasusuka ako sa imahinasyon ko ay nagpalit ako ng topic. Hindi ko kakayanin kahit sa makikinig lang.
"Kailan ang kasal niyo ni Josefa?" Bumuntong hininga ako.
Natigilan siya at kumunot ang noo niya, hindi nagsalita.
"Long overdue na 'yon, ah?" nagawa ko pang tumawa. "Invite mo ako ng palihim, para makita ko man lang."
"Bakit mo iniiba ang topic?"
"Kasi wala nang patutunguhan ang usapan natin kung si Faulicimo nalang palagi. Now let's talk about yours." nagkibit ako ng balikat.
"Hindi ako magpapakasal."
Ako na naman ang natigilan at nanlakihan ang mga mata. "A-ano?!"
"Hindi.ako.magpapakasal." iniisa isa pa nga niya upang marinig ko ng buo ang bawat salita!
"Bakit hindi?!"
"Dahil ayaw ko. At 'yun naman talaga ang misyon ko." he shrugged. "Magdudusa si Antonio sa kamay ni Josefa kung kaya't dapat ay palayain ko ang sarili ko mula sa kanya at sa mga Ylmedo."
"Paano mo naman nasabi na magdudusa ka sa soon-to-be wife mo?!"
"Napanaginipan ko." agad na sagot niya.
Napaawang ang bibig ko. That was his mission aside from not meddling with mine?! Ngayon ko pa lang nalaman 'yan, ah?!
"Napanaginipan ko kung..." halos hindi niya matapos ang sasabihin niya. "...ano ang mga pangyayari pagkatapos ng kasal ni Antonio hanggang sa...pagbubuntis ni Josefa."
Napatango ako. Naaalala ko rin 'yon.
Lumunok muna siya bago nagpapatuloy. "At sa ikalawang araw ng Enero pagkatapos ng bagong taon ay nagbigay si Isabelita ng liham para kay Antonio na nagsasabi ng malaking pasasalamat sa lahat, lalo na sa pagiging mabuting kaibigan niya."
Napaawang ang bibig ko. "N-nabigay 'yon ni Isabelita?!"
"Oo."
I scoffed, hindi rin makapaniwala. Akala ko ba'y itinapon na 'yon ni Isabelita sa huli dahil si Faulicimo na ang makakasama niya. Bakit niya itinuloy? Umasa ba siya? Wow! Just...wow!
"A-at ano naman ang naging reaksyon ni Antonio? Ano ang ginawa niya?" agad na tanong ko, halatang nag-aabang sa sagot niya.
"He was caged. Tanging magawa lang niya ay ang magbasa. Palagi rin siyang binabantayan ng mga kawal at halos hindi siya ipinalalabas ng asawa niya."
"Kung ganoon, paano niya natanggap ang liham?"
"Ipinadala iyon ng mga katulong sa opisina niya. Malapit kasi siya sa mga matatanda." tugon ni Anton at napatango nalang ako.
Natahimik ulit ng ilang sandali. It felt so awkward in my part to ask him questions that has a full connection with mine.
"Nagsisisi ba siya?" iyon ang naging huli na tanong ko.
He sighed. Yumuko siya at kinuha ang baso mula sa kamay ko saka dahan-dahang inilapag iyon sa side table.
"Hindi."
My mouth parted.
"Dahil iyon ang pinag-uusapan nila ni Isabelita. Iyon ang pangako nila sa isa't isa." pagpapatuloy niya.
Tama, nakalimutan ko yata.
"Ngunit...nasasaktan at nagsisisi rin siya ng sobra."
"Bakit naman?"
"Dahil labag sa damdamin niya ang lahat-lahat, at wala siyang magawa dahil mas nagiging duwag siya sa mga dumating na araw. Sunod-sunuran lamang ng ama niya at ng kapatid niya." tumitig si Anton sa akin at mapait na ngumiti.
Nakikita ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Walang masisisi ang dalawang baybay kung ikokompara mo ito. Ginawa 'yon ni Isabelita dahil nararapat lang lalo na't nakatakda nang ikakasal si Antonio. Nagawang tumalikod si Antonio dahil iyon ang hiling ng babae sa kanya. Ipinagliban nila ang nararamdaman sa isa't isa, para sa katahimikan ng lahat at para sa kaligtasan nilang dalawa, lalo na kay Isabelita.
Napaisip ako. Iyon ba ang ninanais ng tadhana na mangyari sa kanilang dalawa? O sadyang hindi talaga maaari dahil hanggang pagkakaibigan lamang ang nakatakda sa kanila?
"Hindi ka na ba ikakasal?" tanong ko ulit. Umiling siya.
"Hindi ako sumang-ayon."
"At galit sa'yo ang ama mo, noh?"
Akala ko ay magagalit rin siya sa tanong ko ngunit tumawa lang siya at nagkibit ng balikat.
"Hindi ko tinanong." pabirong sagot niya!
"Anton, seryoso ako."
"Seryoso rin naman ako, ah?" aniya at tumayo saka pumunta sa gilid ng kahoy na pintuan upang buksan ang bintana. Nakikita ko ang marahan na pagbagsak ng ulan sa labas at may nakabantay rin na limang kawal ngunit hindi naman sila nababasa.
"I brought you here dahil baka ayaw mo doon sa mansyon." aniya at tumango lang ako.
"Ayaw ko talaga."
"Pero okay lang naman sa akin. Okay lang din naman sa pamilya ko ang presenya mo doon."
I scoffed. "Nice joke."
"Anong joke?" siya na naman ang kumunot ang noo. "Hindi ako nagbibiro, Isabelita."
"Ang ama mo? Nagagalak na makikita ako?" sarkastiko kong tanong.
"Hindi nga."
"Gago." hindi ko na napigilan ang sarili ko. I rolled my eyes before looking away. Hindi naman ako ganito noon dahil nandidiri ako kapag may pa-roll eyes ang mga pabebe kong classmates sa classroom pero...nagawa ko ngayon. Dahil kay Anton!
"Siya nga pala," aniya. "Iniimbitahan kita sa kaarawan ni Heneral Crisanto."
"Sino 'yan?"
"Kaibigan ng kapatid ko."
"Luh," sarkastiko akong tumawa. "Para saan ba si Binibining Josefa, aber? Saka, kung ano-ano pa ang sasabihin ng mga tao doon kung makita nila ang isang indio na nasa isang bonggang handaan."
"Wala na ang kasunduan, Isabelle." mahinahon niyang sabi.
Bahagya akong natigilan. "A-ano?"
"We're not engaged anymore. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na hindi matutuloy ang kasal?"
Napaawang ang bibig ko at napaayos ng upo. "Gago, totoo?!"
Dahan-dahan siyang tumango. "Hindi ka pala naniniwala kanina."
"Paano mo nagawa 'yon?! I mean, hindi ka ba napagalitan ng ama mo?! Ng ina mo?!"
"Hindi ko nga alam." tumawa siya sa reaksyon ko. Inis ko siyang tinapunan ng tingin nang kinurot niya ang ilong ko. "And, i just said that I don't agree to the planned engagement and went throught things hanggang sa wala silang magawa kundi ang tumango na rin. Our name can go to the very top without bringing alliances to other rich clans. Tulad na rin ng Fernandez clan, ng pamilya Ylmedos, Solomon, Osmena at marami pang iba. Our businesses and trade partners are enough."
"Edi sana all. Tss." napairap ako.
"And don't worry sa baro't saya mo," dagdag niya at ngumiti. "Ako na ang bahala doon."
"Hoy, baka utang 'yan, ah?" Nanliit ang mga mata ko. Naaalala ko noon, minsan ipa-prank niya ako na manglilibre raw siya pero sa huli, ako ang ipinapabayad! Worse, milk tea pa! "Masusuntok kita kapag ipapabayad mo sa'kin 'yang mamahaling national costume na 'yan."
He chuckled.
"Aba, tinatawanan lang ako. Seryoso ako, Anton."
"Hindi naman talaga. Ayaw mo na yata maniniwala sa'kin ngayon."
"Tss..."
"And also, your mother and sister is safe. Nakapasok ang mga bandido kanina sa Binondo ngunit ang simbahan lang ang tinarget nila dahil kay Faulicimo."
"Was it all planned?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Tumango agad siya.
"Oo. Balak ni Faulicimo na isama ka sa kanya." seryosong sabi niya at napayuko nalang ako saka bumuntong hininga. "Alam mo ba 'yon?"
"Hindi." pag-aamin ko.
"Bukas, pagkatapos ng hapunan ay magmi-meeting sina Kuya at si Heneral Crisanto pati na rin ang kapitan-heneral dahil imbitado rin 'yon. Mas patatatagin nila ang seguridad sa buong Binondo at mas dadagdagan nila ng mga kawal at alguasil. Iyon ang narinig ko."
"Mauna nalang ako kung ganoon—"
"Hindi. Maghihintay ka sa akin hanggang sa matapos ang meeting namin. It's dangerous lalo na't gabi matatapos ang party."
"Mapapahiya ako, Anton. Baka kilala nila ako lalo na't napakalaking issue ang tungkol sa ama ko noon."
"Madalas sa mga bisita ay taga ibang dayo at sa Sugbo. Magagamit mo ang english sa kanila at walang taga Binondo roon. Pati ang pamilya ko, wala. Maliban lang kay Heneral Dominico."
"At okay lang sa kanya?"
"Oo. Nagpaalam ako sa kanya. Sumang-ayon siya."
"Wow..." natawa ako. "Hindi ko aakalaing hindi ka nahihiya at natatakot man lang hindi katulad noong una."
"Marami lang akong napagtanto at natutunan dito." nagkibit siya ng balikat.
"Halos hindi na nga kita kilala, eh..."
His brows furrowed. "Why?"
"Hindi ka na bakla."
"Ayaw mo ba kung ganito ako?"
"Ikaw gusto mo ba?" tanong ko pabalik.
"I'm...more comfortable this way." he sighed. "Hindi ko na mahanap ang ako noon simula nang mapadpad ako rito. I've been accustomed to Antonio's traits to the point na nagugustuhan ko na."
"Kung ganoon, do whatever you want, Anton. I actually don't mind. Kung saan ka komportable, then go." tugon ko at ngumiti.
"Mas gusto mo ba ang pagiging bakla ko noon?"
"Wala akong pagpipilian. Kung saan ka masaya, doon din ako."
Napangiti siya sa sinabi ko at patuloy na hinahaplos ang kamay ko.
"You're one of a kind." he chuckled. "Despite all your loud shouts and screams, despite all your wrong intentions and retaliation, nagugustuhan pa rin kita."
Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. I actually felt at ease, speechless. This is supposed to be cringy but...I don't feel that at all. Hindi ko na alam pa. I'm lost at words.
He put the strands of my hair beside my ear. "Ikaw lang ang maaasahan ko dito sa mundo, Isabelle—"
"Aminin mo," umayos ako sa kinauupuan at lumapit ng bahagya sa kanya. Isinandal ko ang dalawang palad ko sa kama. "Totoo ba 'yung sinabi mo noon? Na nagagandahan ka sa akin? Like as in nagagandahan, hindi naiingit sa kagandahan ko?"
"Yes." he said breathily and remained staring at my eyes.
"Kailan pa?"
"Noong...nagsimula akong makaalala sa mga ala-ala ni Antonio kasama si Isabelita. Doon nagsimula ang tibok ng puso ko para sa'yo."
What?!
"That was the very moment I realized...that we have been fated to meet noon pa man. At sa kaibigan magsisimula iyon. Our hearts do truly beat as one."
"Pero hindi tayo itinadhana." malungkot kong sabi.
"Noon. But we have the time to change the past now."
Napangiti ako. "So, naniniwala na pala tayo ngayon na tayo talaga si Isabelita at si Antonio? Na na-reincarnate tayo sa ilang beses?"
"Weird, right?" tumawa siya. "Noong binanggit noon ni Sir Timoteo sa klase ang kwento nila ay hindi pa nga tayo naniniwala. Sabi pa nga natin na lolo at lola natin 'yon."
"Sino ba ang mag-aakala na mapunta tayo rito?" nagkibit ako ng balikat. Natahimik siya at bumuntong hininga.
"Pero nagpapasalamat pa rin ako na napunta tayo dito." biglang sabi niya at agad na kumunot ang noo ko.
"Huh? Bakit naman?"
"Dahil kung hindi ay paniguradong hindi ko mabigyan ng halaga ang kultura at kasaysayan natin."
My mouth parted a bit as I nodded. Totoo rin. Walang polusyon, walang traffic, ang mga tao ay nagbibigay ng halaga sa sining at kultura, at marunong bumati ng magandang umaga bawat araw kahit hindi ka kilala.
"At...hindi ko rin maimulat ang sarili ko sa realidad at mapagtanto sa sarili ko na...hindi lang isang kaibigan ang pagtingin ko sa'yo."
***
"Huwag po kayong gumalaw. Lalagyan ko na po ng kolorete ang magagandang mata niyo, binibini."
Napapikit ako nang nagsalita ang magme-make up sa mukha ko. I've never tried having make ups before kasi nga hindi ako mahilig sa pambabae na mga gamit. Now, I don't have a choice. Minsan lang kasi humihingi ng ganito si Anton sa ilang taon na pagkakaibigan namin. Dapat ay pagbigyan ko na. Hindi rin naman labag sa nararamdaman ko dahil napagtanto ko ring kailangan kong mag-explore sa ibang bagay.
Kakatapos ko lang sa pagligo at nandito kami ngayon sa kuwarto ko. Si Anton ay nauna na sa party dahil tinawag siya ng kapatid niya upang batiin ang kapitan-heneral dahil maaga raw itong dumating. May ipinadala siyang mga kawal at make-up artist sa akin at ihahatid nila ako mamaya kapag matapos na.
Habang nakapikit pa ang mga mata ko ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. I admit, mas malalim ang mga sinasabi ni Faulicimo but then mas nararamdaman ko ang kay Anton dahil nakadirekta talaga iyon sa akin. Nasimula niya akong nagustuhan noong nagkatinginan kami at una naming naaalala ang usapan ni Antonio at Isabelita pagkatapos umuwi si Madam Avila.
To be honest, it was a rollercoaster of emotions. Nasisiguro akong hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya sa simula. That was what I have felt the moment I confessed to him years ago. It was just purely crush. But then, as years passed by, I realized that I have fallen for him for a very long time already. Throughout sa pagkakaibigan namin, inaalagaan ko siya ng mabuti kahit na sumosobra pa 'yung pang-aasar at pang-aaway ko sa kanya. Akala niya'y nag-aalala ako bilang kaibigan, but the truth is, nag-aalala talaga ako bilang tagapaghanga niya,
And here we are now, we've come too far from everything.
"Maaari niyo na pong buksan ang iyong mga mata, binibini."
Slowly, I opened my eyes. Napaawang ang bibig ko nang makita ang sarili ko sa salamin.
Ako ba talaga 'yan?!
"Ang ganda niyo po, Binibining Isabelita." nakangiting sabi ng babae.
"Isabelita nalang po, nakakahiya naman." hilaw akong tumawa habang pinagmasdan ang sarili ko.
"Naku, hindi po nababagay sa inyo ang walang bansag. Mas maganda pakinggan kung Binibining Isabelita po talaga."
Hindi nalang ako sumagot.
Matapos nilang lagyan ako ng kolorete sa mukha ay inayos nila ang buhok ko. My hair is neatly tied in a bun. At dahil may maliliit ako na wavy side bangs ay ipinaliban niya iyon. Ayos na ayos ang itsura ko ngayon.
At nang maayos na ang buong mukha ko ay tumayo ako upang magbihis. Ang ganda ng Baro't Saya na binili ni Anton sa akin. Kulay ginto iyon na may mga maliliit na flower sequence at mga wavy patterns na parang sun rays na rin. May free abaniko rin na terno sa color ng susuotin ko at bakya. Talagang mamahalin!
Napakamot nalang ako sa noo ko nang makalabas ako. Napaawang ang bibig ng mga babae nang makita akong suot na ang magarbong baro't saya. Pumalakpak sila at hilaw nalang akong tumawa.
Tinablan ako ng kahihiyan ngayon!
"Tunay na napakaganda talaga ni Binibining Isabelita!"
"Sus," halos bulong na sabi ko.
Lumabas na kami at sa pagbaba ko ay humigpit ang hawak ko sa pamaypay nang makitang tumititili-tili na si inay. Si Ate Tina naman ay maliit na ngumiti.
"Halos hindi ka na namin kilala Isabelita!" nakangiting sabi ni inay.
"Weh?" nang-aasar na tanong ko.
"Kung maaari sana ay ipapakasal na kita kay Anton ngayon din!" aniya at napaawang ang bibig ko. Naririnig ko ang hagikhik ng mga babaeng nasa likod ko ngayon.
Jusko! Nakakahiya!
"'Nay," nagbabantang sabi ni Ate Tina.
Umirap nalang ako at tuluyan nang lumabas sa pansiterya. May kalesang naghihintay sa labas at inalalayan naman ako ng kutsero sa pag-akyat ko dahil mabigat bigat rin ang saya na suot ko. Nagpapasalamat nalang ako sa kanya at tinakpan ko ang mukha ko ng abaniko dahil ang mga taong dumadaan ay napatingin sa akin.
Sa buong biyahe ay tahimik lang akong nagmumuni-muni. Hindi ko akalaing hindi galit si inay at Ate Tina kay Anton. Galit lang sila kay Don Miguel.
But then at the same time, I feel at ease. At least safe ang kaibigan ko sa kanilang dalawa. Baka masabunutan siya ng walang oras kapag galit ang pamilya ko, lalo na si Ate Tina.
Nanlalamig ako dahil panay ang paglingon ng mga tao sa akin habang dumadaan ang kalesa. May something ba sa mukha ko? Hindi ba bagay sa akin?
"Nandito na po tayo." sabi ng kutsero.
Inalalayan pa rin niya ako pababa at nagpasalamat ulit ako. Sa pagpasok ko sa gate ay napaawang ang bibig ko. Mas malaki ang mansyon nila Anton ngunit malaki na rin ito!
Habang naglalakad naman ako ay nakatakip pa rin ang abaniko sa mukha ko. Nadadaanan ko ang mga bisita at napatingin naman sila sa akin at agad na magchichismisan. Ang iba ay napaawang ang bibig at nang magtama ang paningin namin ay ngumingiti sila. May nakakatawa ba?!
Binuksan nila ang malaking pintuan sa harap at humigpit ang hawak ko sa abaniko nang makita kung gaano ka-engrande ang nasa loob. Malaki ang mga chandeliers at maraming mga ilaw. May orchestra at hindi pa oras ng kainan. Halos lahat ng mga mata nila ay nakatingin sa akin, ang iba ay nagpatuloy sa usapan, at ang iba ay natahimik.
Panginoon, gabayan niyo po ako.
"Sino iyan?"
"Isang magandang binibini!"
"Sinong kamag-anak iyan?"
"Ngayon ko lang siya nakita, ah?"
Napahinto rin ako sa paglalakad, sa harapan nila mismo. Nanginginig na ang mga kamay ko at hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hinahanap ng mga mata ko si Anton.
Gotcha!
Nasa malayo siya, kausap si Heneral Dominico sa isang lamesa at may binabasa silang mga papel. Una akong nakita ng kapatid niya dahil nakaharap lang ito sa pwesto ko habang si Anton naman ay nakatalikod sa akin. May sinabi si Heneral Dominico sa kanya kung kaya't napatingin siya sa akin.
The moment our eyes met, dahan-dahan kong naibaba ang abaniko ko at ngumiti sa kanya. Mas lumakas ang bulong-bulungan sa paligid ngunit ang mata ko ay kailanma'y hindi bumitaw sa mga titig niya. Napaawang ang bibig niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa at agaran na tumayo sa pwesto niya. He then started walking towards me, dahilan upang mapatingin ang mga tao sa kanya.
Hindi na siya nagsusuot ng barong tagalog ngayon. Suot na niya ang isang amerikana at hindi ko mapigilan ang paghanga ko sa tanyag na kagwapuhan niya. His stare never left mine. Nang tuluyan na siyang makarating sa harap ko ay naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko iyon ngunit natigilan ako nang hinalikan niya ang kamay ko.
"Sorry kung hindi kita nasundo kanina. Maagang dumating ang Kapitan-Heneral."
Tumango ako at gusto sanang bumitaw ngunit nilagay niya ang kamay ko sa braso niya. Hilaw akong ngumiti at kumapit nalang din doon.
Pumunta kami sa lamesa nila at hinila niya ang upuan sa gilid niya upang makaupo ako. Umupo na rin siya sa tabi ko at ngumiti sa akin. Napatingin ako sa kapatid niya at yumuko bilang respeto.
"Magandang hapon po, Heneral Dominico." pagbati ko.
"Magandang hapon din, Binibining Isabelita. Pasensya na sa ginawa ni ama noong nakaraang araw." tugon niya. Tumango lang ako at umayos sa pag-upo.
"Hindi rin naman ako papayag na bibilhin ni ama ang pansiterya nila." sulpot ni Anton. Tahimik lang ako sa pwesto ko. Nakatingin pa rin siya sa akin. Now it's making me uncomfortable.
Siguro ay nakita iyon ni Heneral Dominico kung kaya't tumawa siya sa naging reaksyon ko. Napatingin nalang rin kaming dalawa sa kanya.
"Hulog na hulog yata ang kapatid ko sa'yo." natatawang sabi niya.
"Kuya," pagbabanta ni Anton.
Nagkibit lang ng balikat si Heneral Dominico at mas humahalakhak.
Nang magsimula na ang kainan ay hindi ako masyadong kumain dahil hindi naman talaga ako nagugutom. Ganoon din si Anton at si Heneral Dominico dahil panay ang pag-uusap nila para sa meeting raw mamaya. Tahimik lang akong nakaupo habang panay ang pagpaypay sa sarili dahil bored ako.
Sumapit ang gabi at napatingin ako sa mga tao nang tumayo sila by partner. Nakangiting aso ang iba at ang mga babae naman ay mukhang nahihiya pa. Naputol nalang iyon nang tinakpan ni Anton ang view ko.
Maiirita na sana ako ngunit natigilan din nang maglahad siya ng kamay sa akin.
"Ano 'yan?" kinakabahang tanong ko. Baka humihingi na siya ng pera pambayad ng suot ko, ah!
"Maaari ba kitang maisayaw, binibining Isabelle?" pormal na sabi niya.
Pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko. Agad lumakas ang tibok ng puso ko at napaawang ang bibig ko. Siyempre! Pwedeng pwede!
Tinanggap ko iyon at ngumiti kami sa isa't isa nang tuluyan na akong makatayo. Hawak ang kamay ko ay nagtungo kami sa harapan at doon naman nagsimula ang pagtugtog ng musika.
Natatakot ako baka pandanggo sa ilaw ang isasayaw namin ngunit nagkamali ako dahil Waltz ang music na ipinatugtog.
Ang aking kanang kamay ang nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Ang isa ko naman ay marahan na nakahawak sa kaniyang balikat habang ang isa niya ay nasa aking bewang at marahang hinahaplos iyon. Our movements were slow and calm, just like the other who participated.
"Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit inimbita kita, Isabelle." halos bulong na sabi niya. Nag-angat ako ng tingin at nagkatitigan na naman kami. His eyes were full of affection. "Dahil gusto kong makipagsayawan ng Waltzes sa'yo."
Naalala ko si Faulicimo. Ang unang date namin ay nagsayawan din kami ngunit dumating si Anton doon. Ang mga tao sa Binondo ay maingay ngunit dito ay pormal na pormal ang mga tao.
Mas nagugustuhan ko ngayon ang sayawan namin ni Anton. Walang humaharang, walang istorbo, tanging musika lang at marahan na sayawan ang meron.
"Salamat, Anton." I said it sincerely.
His brows furrowed. "Why?"
Dahil ito ang pinakaunang pagkakataon na nabilang ako sa mga mayayaman. Naging partner ako sa isang mayaman. I was able to experience what it felt like when everyone's presence were on you. Sa kung paano nila nirerespeto ang kapwa mayayaman kompara sa pagtrato nila sa mga mahihirap. Ibang iba sa totoong buhay ko.
Ibang iba sa nararanasan na paghihirap ni Isabelita. Hindi man lang niya nararanasan ang mga ganito. Well, this will stay in her memories too kapag matapos ko na ang misyon ko.
Ngumiti lang ako at lumapit saka isinandal ang ulo sa dibdib niya. Bumitaw ako sa hawak at niyakap siya ng marahan. Natigilan siya at narinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya sa ginawa ko kung kaya't hindi ko napigilan ang mahinang halakhak ko. Nagpatuloy pa rin kami sa sayawan ngunit ang magkaiba lang ay nagyakapan kami habang ginagawa iyon. Napatingin ang mga sumasayaw sa amin ngunit halos wala na akong pakialam.
"Dahil gusto mo ako." iyon na lang ang sinagot ko. "At sana ay malaman mo rin...na matagal na kitang minahal."
Narinig ko ang pagsinghap niya. Humigpit ang yakap niya sa akin, na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa.
"Noon pa man..." pabulong at huli kong sabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top