Kabanata 23
TW: Violence
Habang hawak niya pa rin ang kamay ko at tumatakbo ay nanginginig na ako sa takot at pangamba. Hindi ko maiintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Galit, poot, dismaya...pagsisisi.
Tama ba ang daan na tinatahak ko?
Agad bumagsak ang malakas na ulan. Nakalabas na kami sa simbahan ngunit agad kaming napahinto nang marinig ang patuloy na pagputok ng mga bala. Niyakap ako ni Faulicimo at tinakpan ako sa kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Magsasalita sana ako ngunit tanging sigaw nalang ang nagawa ko nang makita ang isang lalaki na nabaril sa ulo sa harapan namin. Tumalsik ang kaniyang dugo sa palda ko at napaluhod bago tuluyang mapahiga sa sahig!
"Mierda!" narinig ko ang malakas na pagmura ni Faulicimo at mahigpit akong niyakap.
Napatingin kami sa kung sino ang bumaril at napahagulgol nalang ako nang makita si Anton na nakatutok sa amin ang baril niya na lumalabas pa ang usok nito.
"S-si Anton ang p-pumatay..." patuloy akong umiiling at galit na tumitig si Faulicimo sa kanya.
Hindi ko matanggap! Hindi ko akalaing magdudulot ng ganito ang natutunan ng kaibigan ko dito sa mundong ito! Bakit niya pinatay ang kaawa-awang lalaki? Bakit siya pumapatay ng mga inosenteng tao?!
Humakbang papalapit si Anton sa amin. Halos madidinig ko na ang mga yapak niya sa sahig. Umiigting ang kaniyang panga at nananatiling nakatutok ang baril niya sa aming dalawa, lalo na kay Faulicimo.
Galit na galit ang itsura, hindi ko na nakikita ang kaibigan ko sa kanya. Tumingin ang kasama ko sa pwesto niya at agad akong nilagay sa likuran upang protektahan ako. Nababasa na rin kami ng sobra kung kaya't mas nanlalamig ako.
"Bitawan mo siya." seryosong sabi ni Anton, nandidilim na ang mga mata. Nakikita ko ang mga ugat sa kamay niyang nakahawak pa ang baril, na ngayon ay mas nakatutok sa noo ng kasama ko.
"Paano kung ayaw ko?" sumbat ni Faulicimo.
"Bitawan mo siya, ngayon din!"
"Anton, a-ano ba ang nangyayari s-sa'yo?!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw kahit na natataranta pa ang boses ko. "Bakit mo ginagawa 'to? Bakit ka pumapatay ng mga inosenteng tao? Bakit ka nakikisali sa mga guardia sibil?!"
"Hindi sila mga inosenteng tao, Isabelle!" ani Anton at galit na sumulyap sa akin.
"Bakit mo ba itinutok kay Faulicimo ang baril?!"
"Dahil ayaw ka niyang bitawan at ibigay sa akin!"
"Ano ba ang nangyayari sa'yo?! Palayain mo nalang kami at hinding hindi na kami magpapakita muli!" tugon ko at doon naman siya natigilan. Napaawang ang bibig niya at akala ko'y pagkakataon na iyon upang bitawan na rin niya kami ngunit nagkakamali ako dahil mas nag-aalab ang galit sa mga mata niya. Tumingin siya kay Faulicimo pagkatapos.
"Ano ang ginawa mo kay Isabelle?" mahinahon ngunit may diin na tanong niya.
"Wala akong ginawa—"
"Kung ganoon ay bitawan mo siya!"
"Anton!" sulpot ko pa.
"Bitawan mo siya o magpapaputok ako ng bala sa utak mo!"
Napaatras ako nang malakas na sumigaw si Anton, mas malakas pa sa ingay ng ulan. Naging maluwag ang pagkahawak ni Faulicimo sa akin at nanlakihan pa rin ang mga mata ko.
Ngunit sa isang iglap, nagulat nalang ako nang biglang kumilos si Faulicimo. Binangga niya ang braso ni Anton na nakahawak ang baril upang sana hablutin iyon sa kanya subalit naiwas ng kaibigan ko ang kamay niya kung kaya't hindi nagtagumpay ang lalaki. Umamba ng suntok si Faulicimo ngunit nakailag pa rin si Anton at agad siyang umatras at napaayos sa tayo. Pagkatapos ng galawang iyon ay galit silang tumingin sa isa't isa.
Nananatili akong natigilan sa pwesto ko at halos hindi na humihinga. Sa harap ko ay ang pagtitigan ng dalawa, tila magpatayan na ng ilang segundo! Hindi ko rin inaasahang marunong si Faulicimo sa ganoong mga kilos. Lagi ko kasing makikita ang pagka-ginoo niya na ugali, ngunit may itinatago pala siya!
Inayos ni Anton ang baril niya kung kaya't hindi niya nakita ang mabilis na paggalaw ng kamao ni Faulicimo. Nasuntok ng lalaki ang kaibigan ko sa mukha at dahil sa taranta ay mas napaatras ako at napaupo sa basa at malamig na sahig, nakatingala sa kanilang dalawa. Sandaling tumagilid ng kaunti ang ulo ni Anton at umigting ang panga niya kasabay ng pagkuyom ng palad niya. Nakikita kong dumudugo na ang labi niya.
Buong akala ko ay aatake ang kaibigan ko ngunit nang-aasar lang siyang tumawa saka tumingin kay Faulicimo.
"Galing, ah? Iyan ba ang nakukuha mo sa pagiging salteador?" tanong ni Anton sa kanya.
Agad na kumunot ang noo ko. Anong salteador?
Nakikita ko ang galit sa mukha ni Faulicimo. Tumayo ako at hahawakan sana ang braso niya upang pakalmahin siya ngunit hindi ko na itinuloy dahil mas natatakot ako sa itsura niya...na para bang makapatay na siya ng isang tao sa walang oras.
"Ilan na ba ang napatay mo?" tanong ulit ni Anton, na parang nagbibiro pa.
"Anton, ano ba ang ginagawa mo?!" ganito nalang ang tanging magagawa ko, tangina! Natatakot talaga ako sa kanila, lalo na kay Anton. Baka kung ano pa ang mangyayari kapag hindi niya itikom ang bibig niya at hindi niya kami paalisin. Pakiramdam ko ay mas may kaya pa si Faulicimo kaysa kanya!
"Saka, ano iyong bansag nila sa'yo? Pontino Culipa?" nagsalita pa rin si Anton.
At anong Pontino Culipa?! Anong bansag ang sinasabi niya? Wala pa akong masyadong alam dito!
Nanginginig na sa galit si Faulicimo. "Tumahimik ka!"
Kumilos na naman si Faulicimo ngunit inaasahan na iyon ni Anton. His pistol was already loaded kung kaya't isang galaw lang niya ay naiputok niya ang baril sa paa ng lalaki. Napatalon na naman ako sa gulat ngunit sa parehong oras ay napasinghap nalang din nang agad inabot ni Anton ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya saka sumigaw siya. Si Faulicimo ay napaluhod sa sahig at napadaing sa sakit.
"Muévete y cubre!" (move and cover!) sigaw ni Anton at agad nagsidatingan ang mga guardia sibil saka pinalibutan kami upang hindi makalapit si Faulicimo. Lahat ng kanilang mga armas ay nakatutok na sa lalaki.
"Anton—ah!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang agad din niya akong binuhat na para bang isang sako. Hinawakan niya ako ng mahigpit. Kahit na nagpupumiglas ako ay hindi siya nagpapatinag. Napakalakas niya!
Kahit nahihirapan ay nag-angat ako ng tingin habang mahigpit rin ang hawak ko sa barong niya sa likuran at natahimik ako nang makita ang mga patay na katawan ng lalaki lamang. Kakaiba ang mga suot nila kompara sa mga tao na naninirihan dito sa lugar namin. Mga pulang kadamitan na may mga puting krus na nakaguhit sa gitna ng kanilang pang-itaas at suot rin nila sa kanilang bewang ang mga anting-anting. Madudumi ang kanilang mga mukha at payat na payat din.
S-sino ang mga ito?!
"Sabihin mo kay Tigre na hinding hindi niya mananakawan ang mga tao ng Binondo at kalaunan ay mahahanap din namin ang lugar na pinagtataguan niyo."
Narinig ko ang nakakakilabot na pagtawa ni Faulicimo. Nanginginig pa rin ako sa lahat-lahat ng pangyayaring ito!
"Joder esto. Nahanap niyo pala kami." malamig niyang tugon. "Sinabi ba 'yan ng kapatid mo?"
"Kayo ay mga salot ng lipunan, Pontino Culipa. Kayo ay dapat mapaparusahan dito." kalamadong sabi ng kaibigan ko. Tahimik lang ako na nakikinig.
"Kung ganoon, sana ay hinayaan mo nalang ako na lumayo kasama si Isabelita dahil...hindi na namin kailangang gumawa pa ng gulo dito."
"Nagkakagulo na sa simula palang." tugon ni Anton.
"Hindi..." humahalakhak ulit si Faulicimo. "Hindi naman talaga kung hindi ka sana dumating ngayon."
Nararamdaman kong mas humigpit ang hawak ni Anton sa paa ko. Hindi ko pa rin maiintindihan ang lahat! Naguguluhan na ako, hindi ko alam kung ano dapat ang mangyayari.
Dapat ba akong maging masaya dahil niligtas ako ng kaibigan ko? O dapat ba akong magalit dahil kanina lamang ay mas gusto ko pang sumama kay Faulicimo?
"llevalo a la selda." utos ni Anton at agad tumango ang mga nakapalibot na guardia sibil saka kinuha si Faulicimo.
Naglakad ang kaibigan ko patungo sa kalesa at nang makarating ay inangat niya ako at unang pinaupo bago siya sumunod at tumabi sa akin. Napasandal ako at hindi makapagsalita. Bigla nalang akong nakaramdam ng antok at nang makita iyon ni Anton ay ipinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Doon na ako tuluyan napapikit at bago pa man ako mawala sa realidad ay narinig ko ang mahinang bulong niya sa akin.
"Muntik ka nang mawala sa akin."
***
"Mag-ingat kayo." nag-aalalang sabi ni inay at niyakap ako ng mahigpit. Sumunod naman si Ate Tina at yumakap rin sa akin pabalik.
Ngayon ay aalis ako kasama ni Faulicimo patungo sa Laguna at doon na maninirihan kasama siya. Marami ang nangyari noong nakaraang isang buwan pagkatapos ng pagsagot ko sa panliligaw niya sa akin. Naging masaya ang buhay ko. Natuto ko siyang asahan sa lahat at natuto ko siyang mahalin sa kabila ng mga paghihirap sa buhay. Nakikita ko na ang wakas ng buhay ko kasama siya.
Kailangan kong mabuhay ng mag-isa, hindi umaasa sa ina at kapatid ko. Ginawa ko ito dahil iyon ang ninanais ng puso ko.
"Faulicimo," pagtawag ko sa kanya.
Kakaalis lang namin at nagbayad siya ng kalesa upang maging mas madali ang biyahe namin patungo sa Santa Cruz, Laguna. Marami rin kaming mga dinadalang gamit dahil desidido na talaga akong mamuhay kasama siya. Bente tres na ako at madalas sa mga babae at binibini na may ganoong edad ay kasado na. Lagpas na ako sa tipanan.
"Hmm?" lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Magpapakasal na tayo."
Agad nanlakihan ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya, hindi makapagsalita. Masiyado bang maaligasgas? Kailangan ko bang ulitin?
"Faulicimo?" tanong ko at kumurap naman siya, tila bumabalik sa kasalukuyang kaganapan.
"S-seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ayaw mo ba?" pakiramdam ko ay nalalasahan ko ang pait sa pagbigkas ng bawat salita. Agad naman siyang umiling.
"Hindi! N-natatakot lang akong mag-alok ng kasal sa'yo dahil b-baka sabihin mo sa akin na masyado pang m-maaga." aniya at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Ito ang palagi kong nagugustuhan sa kanya. Mapagkumbaba rin siya kahit sa mga maliliit na bagay. Nakasalalay ang mga desisyon na sa kung ano ang magiging kapasiyahan ko. Ang palagi niyang sinasabi sa akin ay ganoon daw siya magmahal.
Para sa akin, hindi iyon maaga dahil ilang taon na rin ang pagkakaibigan namin. Nasasayang ang sampung taon ko subalit hindi naman sa kanya lalo na't nagtatrabaho siya upang makapag-ipon ng salapi. Sinabi niya sa akin na matagal na raw niya iyong pinaghandaan simula pa lang sa unang pagtatrabaho niya dahil ang tanging nasa isip niya ay ang pangako namin sa isa't isa noon.
Nang makarating na kami sa Santa Cruz ay agad naming inayos ang mga gamit namin at kinabukasan ay nagpakasal kami sa isang simbahan, kaming dalawa lang at walang bisita ni isa. Napag-isipan ko kasi na mas mabuti kung agad-agaran para wala na kaming aalahanin pa.
Isa iyon sa pinakamasayang kaganapan na nangyari sa buong buhay ko. Ang makasal at magiging asawa ni Faulicimo.
Ngunit sabi nga nila, hindi sa oras ay kasiyahan ang mananaig. Dahil napagtanto kong iyon lang pala ang simula ng mas mahirap pa na pangyayari sa buhay ko.
"Saan ka nagpunta?" seryosong tanong ko nang pumasok siya sa bahay na pawis na pawis at pagod na pagod ang hitsura. Isinarado niya ang pintuan at akmang na aakyat ngunit agaran akong tumayo at hinarangan siya upang hindi makaakyat sa hagdan.
Kanina pa ako nakahintay mga bandang alas-tres ng hapon dahil iyon naman talaga ang oras ng pagdating niya galing sa Polo y Servicio. Dito sa Santa Cruz ay magkaiba ang trabaho ng mga lalaki kompara doon sa Binondo. Isang linggo na siyang ganito, alas-otso ng gabi uuwi, at kailanman ay hindi ako natutuwa!
Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...madakip siya ng mga alguasil?!
"Sagutin mo ako, Faulicimo." mahinahon ngunit may diin na tanong ko.
"Natagalan kami sa trabaho. Iniba rin ang oras ko. Hanggang alas-siyete na iyon dahil medyo malaki ang ipinapatayo ng pamahalaan na Palacio del Gobernador Heneral." aniya sa pagod na boses at nilagpasan ako sa gilid.
Halos hindi ako makapaniwala. Sa lahat-lahat, bakit ngayong buwan pa?
"Hinahanap ka ng anak mo kanina. Hindi mo man lang siya bisistahin sa kuwarto? Sa kakahintay niya sa'yo ay nakatulog nalang dahil sa pagod." dugtong ko pa at doon naman siya natigilan sa pag-akyat. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Ako'y pupunta na rin doon." iyon ang huling sinabi niya at umakyat na sa kuwarto. Nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan ay doon ako napalingon sa likuran ko. Kakaiba siya ngayong linggo, ah?
Simula noong oras na iyon ay nagdududa na ako sa bawat kilos niya. Mas naging masama sa pakiramdam at mas naging malala ang pangyayari dahil may ilang araw na siya'y hindi na talaga uuwi! At palalampasin pa niya ang bukang-liwayway ng umaga bago makarating. Palaging pagod at puyat, palaging pinapawisan, hindi ko na maiintindihan.
Kung kaya't napag-isip isip rin ako.
"Aalis na ako." walang gana niyang sabi at hinalikan ang noo ko. Maliit akong ngumiti at kumakaway sa kanya hanggang sa makalabas siya sa pintuan. Agad akong tumayo at nilapitan ang anak ko na ngayo'y nagwawalis lamang sa sahig dahil wala siyang magawa.
"Ambrosio, anak, dito ka muna, ah? May bibilihin lang si inay saglit." bulong ko at tumango ang guwapo kong anak sa sinabi ko. Tumawa ako at hinalikan rin siya sa noo.
Sa paglabas ko ay nakita ko si Faulicimo na naglalakad papalayo. Binabati siya ng mga makakasalubong niya na mga tao at tanging tango lang ang magawa niya. Seryosong seryoso ang hitsura, tahimik siyang naglalakad sa kanang daan at doon ako napahinto dahil kung magpapatuloy ako ay siguradong mahuhuli ako sa walang oras.
Napaisip ako ng ilang sandali. Bakit ko ba ginagawa ito? Dahil sa galit ko? Dahil sa inis na hindi na siya maagang umuuwi at malalagpasan pa ng isang gabi? Dapat nga ay magtitiwala ako sa kanya dahil isa ito sa dahilan kung bakit ko siya pinakasalan. Bakit ko siya minahal.
Tama, iyon nalang ang gagawin ko.
Napabuntong hininga ako sa walang oras at tumalikod nalang. Balak ko na sanang maglakad paalis ngunit natigilan ako nang marinig ang boses ni Faulicimo at boses ng isang...babae.
"Mag-ingat ka." iyon ang unang narinig ko.
Napalingon ako ulit sa harapan ko at agad nanlamig. Pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko. Paanong...hindi! Nagkakamali lang ako ng isip. Baka inutusan lang ang babae o di kaya'y taga pamahalaan. Ngunit...imposible iyon, hindi ba?!
"Umalis ka na at baka makita ka pa ng asawa ko." boses iyon ni Faulicimo!
Putangina!
Dahan-dahan akong lumapit sa pader at isinandal ko ang likuran ko saka nagpipigil ng hininga. Baka marinig nila ako kung hindi ko gagawin iyon, mas malala, makita. Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko kayang lumunok dahil ang sakit rin ng lalamunan ko.
"Mas mabuti kung ikaw ay uuwi ngayon din. At bukas ka na naman babalik dito sa Santa Cruz, Pontino Culipa."
"Hindi maaari." agad na sabi ng asawa ko. "Kakailanganin ako ng asawa at anak ko."
Natahimik sila ng ilang sandali bago nagpatuloy ulit.
"Paano naman kami?" malungkot na tanong ng babaeng kausap niya.
Nanginginig na ang mga kamay ko habang nakikinig ako sa kanila, lalo na sa malambing na boses ng babae. Anong ibig sabihin neto?! May iba siyang pamilya? Dalawa kaming asawa niya?!
"Kailangan ka rin namin ngayon, Faulicimo. Pamilya mo rin kami. Hindi ba't sinabi mo sa akin na hindi mo kami iiwan kailanman?"
Marahas na bumuga ng hangin si Faulicimo. Siguro ay nadidismaya? Kung ganoon, hindi na niya pala kailangang magpaalam sa amin ni Ambrosio dahil kapag mapatunayan kong may iba siya matagal na ay talagang uuwi kami ng anak ko sa Binondo at iiwan siya rito!
"Hanggang ngayong gabi lang. Pagkatapos ng gawain natin ay uuwi rin ako." iyon ang huling sabi ni Faulicimo at tumawa naman ang babae sa saya.
Nang marinig ko ang mga yapak nila ay agad akong tumakbo papalayo at nagtago sa isang siksikang pader. Nilabas ko ng kaunti ang ulo ko at nakita ko si Faulicimo na naglalakad na palayo kasama ang babae na maganda at mukhang mayaman dahil sa suot niyang baro't saya.
Ha! Ano, Faulicimo? Pinagpalit mo na ba ako sa isang mayaman? O nagpagamit ka sa kanya dahil wala ka naman talagang pera dahil wala kang trabaho?
Nagpapasalamat na rin ako dahil maraming mga tao at hindi ako nahihirapang sumunod sa kanila. Panay ang pag-uusap nilang dalawa at minsan ay tumatawa ang babae at tinatampal-tampal ang braso ng asawa ko. Kung hindi ako marunong magpigil ay siguradong nasabunutan ko na itong binibining 'to.
Pumasok sila sa isang daan patungo sa kagubatan. Doon ako natigilan saglit. Kanina pa ako kinakabahan ngunit mas dumoble iyon dahil hindi ko inaasahang ito ang tatahakin nilang daan.
Ano ang gagawin nila dito?
Gusto kong bumalik nalang dahil halos isang oras ang paglalakad namin at nag-aalala ako para sa anak ko ngunit ang mga paa ko ay hindi nakapaghinto at napagtanto kong nakasunod na pala ako sa kanila. Ito lang ang tanging paraan para matigil ang lahat ng kalokohan niya. Kailangan kong hanapin ang katotohanan ng lahat!
Padilim ng padilim ang paligid dahil napakataas ng mga puno. Pumasok rin sila sa isang kuweba patungo sa kabilang daanan. Dahil siguradong maririnig ang mga yapak ko ay pinauna ko muna sila bago ako tuluyang pumasok. Nababasa na ang bakya at dulo ng saya ko subalit wala akong pakialam.
Sa paglabas ko ay napahinto ako nang makitang may dalawang daan. At dahil nauna na sila ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa huli ay pinili kong tahakin ang kaliwang daan.
Tahimik, mapayapa, at umaalingawngaw ang boses mo kapag magsasalita ka dito. Maraming umiingay na ibon at kahit na matataas ang mga puno ay pumapasok pa rin ang hangin. Nahagip ng mga mata ko ang ilog sa di kalayuan na patuloy paring umaagos.
"Ah!" may narinig akong isang ungol ng babae sa unahan.
Doon ako napahinto at kumunot ang noo ko. Anong...
"Tama na, n-nagmamakaawa ako...hindi ko na kaya!"
Dahil sa narinig ko ay nagmamadali akong tumakbo patungo sa kung saan ang boses ng babae. Mas natatakot ako dahil kung ano-ano na ang iniisip ko! Sana nagkakamali lang ako! Jusko!
Nang makita ko ang isang imahe ng lalaki na nakatayo at mukhang gumagalaw ay nagtago ako sa damuhan. Sumilip ako at nanlakihan ang mga mata ko sa nakita...
Isang babae ay nakaluhod sa sahig at punong-puno na ng dugo ang kaniyang kamay. Nakalahad ang dalawang kamay niya sa lalaking nasa harapan at tatlo nalang ang daliri niya dahil pinutol ang pito na ngayo'y nagkalat sa damuhan!
"Tigre, hindi ako ang nagpapakalat sa balita! Kailanman ay hindi ko magagawang magtaksil sa pamilya natin!" umiiyak na ang babae at napakadumi ng kaniyang mukha at damit na kulay pula. May puting krus sa gitna at may suot siyang anting-anting.
"Manghuhuwad! Nakikipagsunduan ka pala sa Heneral, ah? Para ano? Para ipagkalat ang mga panukala natin? Ah?!" sigaw ng lalaking nakatayo sa gilid. Dalawa sila at may isang babae na nakatayo sa gilid, nakahalukipkip.
Teka...iyon ang babae na kasama ni Faulicimo kanina!
Ibig sabihin nito, ang lalaki na may hawak ng itak ay...
"Pontino Culipa, tabakin mo ang ulo niya!" sigaw ng lalaking nangangalang tigre.
Pontino Culipa, narinig ko na 'yon kanina!
"Huwag! Nagmamakaawa ako! Faulicimo, huwag mong gawin ito!" malakas na humahagulgol ang babae.
Ngunit natahimik nalang ang lahat nang agad kumilos ang lalaking may hawak ng itak at tuluyan nang pinutol ang ulo ng babae. Tumalsik ang maraming dugo at natakpan ko ang bibig ko sa gulat. Gumulong ang ulo ng babae sa sahig, papunta sa harapan ng damo na tinataguan ko ngayon.
Hindi...hindi ito si Faulicimo!
Dahil nasa pwesto ko ang ulo ay napatingin sila doon. Napasinghap ako nang lumingon ang lalaking may hawak ng duguang itak sa pwesto ko at totoong si Faulicimo nga ang...pumatay! May bahid ng dugo ang damit niya dahil sa pagputol niya kanina.
Sa hindi inaasahan, nakita niya akong nakasilip sa damuhan. Nanlakihan ang mga mata niya at napaawang ang bibig. Bago pa siya makalapit ay agad akong tumayo at kumaripas ng takbo paalis. Narinig ko ang pagsigaw niya sa pangalan ko ngunit dahil sa takot ko ay hindi na ako lumingon pa. Umiiyak ako habang pabilis ng pabilis ang kilos.
Kailangan kong umalis dito! Mamamatay tao ang asawa ko!
Pawis na pawis ako nang tuluyang makalabas sa kagubatan. Ilang minuto rin ang takbo ko patungo sa bahay at kada lingon ko sa likuran ay nagpapasalamat na rin ako dahil hindi na sumunod sa akin si Faulicimo. Baka siguro'y magtataka ang mga tao kung bakit may dugo ang damit niya.
"Ambrosio!" napasigaw ako sa oras na makapasok ako sa pintuan ng bahay.
Ngingiti na sana ako ngunit natigilan ako nang makitang...walang tao. Walang tao dito sa salas!
"Ambrosio!" sigaw ko ulit ngunit walang sumagot. Kadalasan ay sumasagot ang apat na taong gulang anak ko! "Ambrosio, nasaan ka?!"
Nagmamadali akong umakyat sa itaas at pumasok sa kuwarto ngunit...nabigo pa rin ako! Wala ang anak ko dito!
"Ambrosio Redito, hindi ako nakikipagbiruan! Anak!" malakas akong napahagulgol dahil ilang beses na akong naglilibot sa bahay ngunit wala talaga ang anak ko!
Hinawi ko ang mga luha ko. Hindi...baka naglalaro lang sa labas o di kaya'y naglalakad kung saan-saan. Tama!
"Ambrosio..." malambing na tawag ko at tumitingin-tingin sa paligid. Napatingin ang mga tao sa akin kung kaya't nagtanong din ako sa kanila ngunit iling lang ang isinasagot nila dahil hindi raw nila nakita ang anak ko.
Hanggang sa umabot na ng dapit-hapon at nandito na naman ako sa kagubatan, naglalakad mag-isa. Kailangan kong harapin ang mamamatay tao na asawa ko at sabihin sa kanya na nawala ang anak namin. Buong akala ko ay may iba siya ngunit nagulat nalang ako nang pinatay niya ang babae sa harapan ng mga nanonood! At pakiramdam ko'y si Tigre ang kanilang pinuno dahil ginawa lang ni Faulicimo ang utos ng lalaking iyon.
Lumampas ako sa kweba at doon ko nakita si Faulicimo. Nananatili akong kalmado sa labas kahit na sobra-sobra na talaga ang kaba ko. Napalunok nalang ako at marahas na bumuga ng hangin. Nakaluhod lang siya, hawak-hawak pa rin ang itak, sa pwesto kung saan siya nakatayo kanina. Nakikita ko ang pag-agos ng mga luha mula sa kaniyang mata. Nananatili siyang nakayuko at umaangat-angat ang kaniyang balikat dahil sa paghahagulgol.
"N-nawala ang anak natin." nauutal na wika ko.
Buong akala ko'y magugulat siya at agad na matataranta ngunit nagkakamali ako dahil hindi man lang siya kumibo sa pwesto niya. Nakaramdam ako ng galit dahil sa inakto niya.
"Narinig mo ba ako, Faulicimo? Nawawala ang anak natin!" hindi ko napigilang sumigaw. Lumapit ako at tuluyang napaupo upang magtama ang paningin namin at hinahaluglog ang mga balikat niya. "Nawawala ang anak natin dahil sumunod ako sa'yo pagkatapos mong makipaglandian sa ibang babae mo!"
"W-wala akong ibang babae, Isabelita." nanghihinang sabi niya ngunit sinuntok-suntok ko lang ang dibdib niya.
"Kasalanan ko dahil iniwan ko siya dahil sa kumpyansa ko... kasalanan ko, Faulicimo! Nawawala ang anak natin! Tulungan mo ako, nagmamakaawa ako!" malakas akong napahagulgol.
Ngunit napahinto ako ng ilang sandali dahil hindi pa rin siya gumagalaw o nagulat, na tila alam na niya na...nawala ang anak namin.
Huwag mong sabihin...
"M-may kinalaman ka dito? Sa pagkawala ni Ambrosio, Faulicimo?" kalmado kong tanong.
Napapikit siya at bumuntong-hininga. "P-patawad, Isabelita."
Napasinghap ako at mapait na tumawa. "Putangina!"
"Isabelita—"
"Hayop ka!" agad akong tumayo at tumalikod ngunit agaran rin siyang tumayo at hinawakan ang braso ko.
Pagkatapos ng paghihirap ko, ganoon na lang ang mangyayari?! Pagkatapos ko siyang mapagkatiwalaan at mahalin ng tapat?! Ganoon na lang lahat?! Ni wala siyang pakialam sa anak niya!
"Tao ka ba talaga?!"
"Isabelita, patawad. Hindi ko sinasadya. Bawal sa amin ang mag-asawa kung kaya't inilayo kita sa Binondo dahil doon sila palaging bumibisita. Tanging si Davina lamang ang nakakaalam sa pamilya natin at inilihim niya iyon sa pinuno namin at sa buong salteador upang—"
"A-ano?" pinutol ko siya. "S-salteador? Mga b-bandido kayo?!"
Napalunok siya at dahan-dahang tumango. Agaran akong napaatras palayo sa kanya.
"K-kailan ka pa kasali nito?" nauutal kong tanong. Nang sinubukan niyang lumapit ay sinigawan ko siya. "Huwag kang lumapit! Nandidiri ako sa'yo!"
Ang ama ko ay nagarote dahil napagbintangan siya bilang pinuno ng mga bandido tapos ngayon...nakikipag-asawa ako sa isang kasapi ng bandido?!
"Matagal na." napayuko siya at bumagsak na naman ang mga luha niya.
Magsasalita pa sana ako ngunit may narinig akong mga yapak mula sa malayo. Narinig din iyon ni Faulicimo kung kaya't agad niyang hinawi ang mga luha niya at lumapit sa akin upang itulak ako pabalik sa kuweba.
"Isabelita, umalis ka na." aniya ngunit hindi ako kumilos kahit anong gawin niya. Wala sa kaisipan ko ang umalis at tumakas lang dito!
"Faulicimo, s-sabihin mo sa akin...ginusto mo ba ito?" nauutal na tanong ko sa kanya. Nakikita kong nanginginig ang kamay niya sa sakit at pangamba.
Napayuko siya at napa-iling. "Umalis ka na, Isabelita."
"Faulicimo!" galit na sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Nangako ka! Natuto akong mahalin ka dahil sa mga ipinangako mo sa akin!"
"Wala akong magagawa. Hinahanap nila tayo!"
"Kung ganoon, saan mo ibinigay ang anak natin?" nabasag ang boses kong sabi. Doon na tuluyang nagsihulugan ang mga luha ni Faulicimo. "Saan mo itinago? Ibinigay mo ba sa iba?...Pinatay mo ba?!"
"Umalis ka na, mahal. Nagmamakaawa a-ako..." halos bulong na sabi niya.
"Hindi ako aalis kung hindi mo iyon sasabihin sa akin! Pinagkatiwalaan kita, Faulicimo! Sumama ako sa'yo at iniwan ko ang sarili kong pamilya dahil sa'yo. Iniwan ko sila lahat para sa'yo! Nangako ka sa aking magiging matitiwasay ang buhay ko kapag uuwi ako sa'yo subalit...k-kasinungalingan lang pala ang lahat ng iyon?"
"Isabelita—"
"At alam mo ang mas masakit?" nanginginig na tanong ko. "Bumuo tayo ng isang pamilya ngunit...hindi ko inaasahang ganito pala ang hahantungan natin. Binigay mo pa ang anak natin! Anak natin, Faulicimo! Paano mo nasisikmurang gawin iyon?!"
Napaawang ang bibig niya at umiiling. "H-hindi ko ibinigay!"
"Nasaan si Ambrosio! Nasaan ang anak natin?!"
"Nasa mabuting lugar siya, Isabelita. Umalis ka na!"
"Pontino Culipa!" narinig kong sigaw ng isang boses na lalaki. Bigo akong lumingon sa kanya.
"Pagsisisihan mo 'to, Faulicimo. Pagsisisihan mo 'to!" iyon ang huling sigaw ko bago tuluyang umalis, iniwan siya at hindi na babalikan muli. Magpapakalayo ako sa lahat-lahat. Napapagod na ako! Hindi ko na kaya pa!
Nawala na sa akin ang lahat! Ang anak ko, ang asawa ko, wala na akong mababalikan pa!
Slowly, I opened my eyes. Nararamdaman ko ang malambot na kama lalo na't nakahiga ako ngayon. Nararamdaman ko rin ang mainit na likido sa mga mata ko. I am crying again.
Pipikit na sana ako ngunit natigilan na rin nang mararamdaman ang isang mainit na kamay sa aking palad. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Anton, nag-aalalang tumingin sa akin at kalaunan ay umupo sa tabi ko, sa kama. Marahas siyang bumuntong hininga at mapait na ngumiti sa akin.
"Okay ka na ba?" tanging tanong niya.
And then, I have thought of something. Paano kung sumama ako kay Faulicimo? Will things turn out the way it must be? Kagaya sa panaginip ko?
Kung ganoon, nagbago na pala ang daloy ng kuwento dahil imbes na sumama ako ay kinuha ako ni Anton at ipinakulong niya si Faulicimo. Alam niyang kasali sa bandido ang lalaki at imbes na ikakasal na kay Binibining Josefa ay nandito rin siya ngayon, kasama ako.
Dahan-dahan akong umupo at inalalayan niya ako. Sumandal ako sa pader na nasa likod ko at bumuntong-hininga.
"Niligtas mo ako...upang hindi ko na maulit ang daloy ng kuwento sa buhay ni Isabelita." that was the very first thing I said.
Nagkatitigan kami...at kalaunan ay ngumiti siya at inangat ang palad upang haplusin ang pisngi ko.
"Napanaginipan ko ang pagkamatay ni Isabelita."
Nanlakihan ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko. "H-huh?"
"Napanaginipan ko kung paano namatay si Isabelita sa kumbento dahil nandoon si Antonio sa huling hininga niya. Pinuntahan niya si Isabelita sa kumbento...at siya ang huling nakasama ng babae bago ito nawalan ng buhay."
Bumalik na naman ang mga luha ko. Hindi ko maiintindihan kung bakit nasasaktan ako gayong wala pa akong naaalala na ganoon.
"Kaya kita pinuntahan." dagdag ni Anton. "Dahil gagawin ko ang lahat upang hindi mangyayari 'yon. Tutulungan kita hanggang sa makakaya ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top