Kabanata 22

"B-bakit? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" gulat kong tanong sa kanya.

Tumitig siya sa akin na para bang may kasalanan ako, na para bang may nagawa akong mali. Agad akong nakaramdam ng lamig dahil pakiramdam ko ay nanghuhusga na siya sa akin ngayon. Ang galit ay mas nangingibabaw sa akin. 

Hindi ako ganito noon. I shouldn't feel this way.

Anton gritted his teeth and tried to walk away. Ngunit dahil sa hindi pa ako kumalma ay agad kong nahawakan ang kamay niya ng napakahigpit. Napahinto siya at napatingin sa kamay niya.

"Hindi pa tayo tapos, Antonio!"

"Anton nga! Tsk!" Pilit niyang binawi ang kamay niya ngunit hindi parin ako nagpapatinag.

"Inuulit ko ba ang nakaraan?! Ha?!"

"Bitawan mo ako, Isabelle." Nag-angat siya ng tingin sa akin. Seryoso pa rin ang boses niya na tila'y galit rin sa akin.

"Ganito rin ba si Isabelita? Hindi naman, ah!"

Kumunot ang noo niya at natigilan nalang ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Napa-angat ako ng tingin dahil sa taas niya, para lang matitigan ko siya sa mismong mga mata niya.

"You shouldn't trust anyone around you." He said in a deep baritone voice. "You're slowly getting out of hand. Tandaan mo palagi ang kadahilanan ng lahat. Tandaan mo rin ang bilin ni Madam Avila sa'yo. Huwag magpapalinlang sa temptasyon. Madalas ay maaakit ka sa mga matatamis at kaawa-awang salita nila, lalo na kung naniniwala ka sa taong iyon. Tayo ay dayuhan lamang dito, Isabelle. Hindi tayo tagarito."

Napaawang ang bibig ko at hindi makapagsalita.

"We are currently in a dangerous situation right now." Napatingin siya sa magkabilang gilid namin bago mas lumapit pa sa akin. Napaatras ako sa walang oras hanggang sa nararamdaman ko ang pader sa likod ko at napasandal nalang ako doon. Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"And we have different dreams. Different visions. Mahalaga sa ating dalawa ang magkasunduan lalo na't palagi tayong nalalayo sa isa't isa. I'm giving you mine so you should understand that dahil iba-iba ang naririnig at pinaniniwalaan natin lalo rin at magkaaway ang pamilya natin. Naniniwala ako sa ama ko at naniniwala ka rin sa ina mo."

"Anton! Mamamatay tao ang ama mo!"

"Sigurado ka bang kasali ang ama ko sa pagpaslang ng ama mo?" agad na tanong niya.

"Wala kaming sapat na ebidensya ngunit panatag ang saloobin ko!"

Napapikit siya ng mariin at bumuntong-hininga. Magsasalita pa sana ako ngunit hindi ko na iyon natuloy nang makarinig kami ng munting kaluskos sa gilid namin. Sabay kaming napalingon doon at natigilan nang makita si Faulicimo. Hawak-hawak ang kaniyang farmer's hat ay nag-bow siya sa amin ni Antonio—este, Anton.

"Magandang hapon po, ulit." Napalunok siya at nananatili paring nakayuko. "Naisipan ko na pong umuwi. Magpapaalam lang sana ako kay Isabelle."

"Isabelle?" Anton's brows furrowed. He looked at me with questioning eyes ngunit napairap lang ako sa kanya.

"Sinabihan ko." Nagkibit ako ng balikat at bumuntong-hininga.

"Hindi ba bawal 'yon?" seryosong tanong niya.

"Hindi naman niya alam."

"Kahit na, Isabelle—Isabelita." Napatikhim siya kaagad at napailing sa sarili. "Shouldn't we keep this to ourselves? Baka kung ano pa ang mangyayari kapag ipinagkalat mo 'to."

"Gawa-gawa ka talaga ng kwento, Anton." Halos matatawa na ako ngunit pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Mawalang gana na po pero, ano po ang ibig sabihin niyan, Ginoong Antonio?" sumulpot si Faulicimo sa usapan.

Napalingon si Anton sa kaniya. Binitawan niya ako at umayos ng tayo saka tinignan si Faulicimo mula ulo hanggang paa. Tumaas ang isang kilay niya.

"Hindi ba't may trabaho ka sa hacienda ngayon?" tanong niya at humahalukipkip.

"Hanggang alas-dies lang po ako."

"At anong ginagawa mo dito?"

"Anton," I warned him. Baka kung ano pa ang masabi niya kay Faulicimo! Hindi pa nga siya tumingin sa akin!

"Binisita ko po si Isabelle—"

"Tawagin mo siyang Isabelita." Putol ni Anton sa kanya. Napaawang ang bibig ko at agad na hinawakan ang braso niya upang pigilan siya ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin! Napakaseryoso niya ni Faulicimo! Wala namang ginawa ang manliligaw ni Isabelita sa kanya, ah?!

Naglaho ang ngiti ni Faulicimo at kumunot ang noo niya. "Iyan po ang bilin ni Isabelita sa akin, na tawagin siyang Isabelle."

"Ako ang masusunod dito." Agad na sabi ni Anton at napaawang ang bibig ko.

Aba!

"Sino ka ba para manghimasok, aber?" napamewang akong nagtanong.

Tumingin si Anton sa akin at halos mapatalon ako sa gulat nang lumapit siya at may ibinulong sa tenga ko.

"Manliligaw din naman ako, ah? And you should know better, ako lang ang pwedeng magtawag sa'yo ng Isabelle dahil tayo naman talaga ang magkakasama sa huli. Sabay tayong uuwi pagkatapos ng lahat ng 'to at sabay din tayong babalik sa oras natin. Iyang gardener namin, kay Isabelita 'yan."

I scoffed at his words.

"At ikaw, ay sa akin lamang." He chuckled lowly. "I'm a possessive best friend and soon-to-be-boyfriend, Isabelle. Don't you dare try."

"Aba, kung makapagsalita ka ay parang pag-aari mo na ako," bulong ko rin pabalik sa kanya. Ilang distansya nalang ang layo ng mga mukha namin ngunit hindi ako natatakot. "Hoy, hindi pa kita sinagot at sino ka ba para magiging possessive bestfriend. Tignan mo pag-uwi natin, irereto kita sa mga magagandang babae sa campus natin. 'Yung may mga malalaking suso para makalimutan mo talaga ako."

"At sa tingin mo ba'y yun lang ang habol ko?" aniya at nanlakihan ang mga mata ko nang tumingin siya sa dibdib ko at kinagat ang pang-ibabang labi niya saka bumulong ulit. "Medyo malaki rin naman ang sa'yo, ah?"

Natampal ko siya ngunit sa ikalawang beses ay nahawakan na niya ang braso ko upang pigilan ako. Dahil sa nagulat din si Faulicimo ay humakbang siya papalapit ngunit pinigilan ko kaya't huminto rin siya at yumuko nalang.

"But then, ikaw ang gusto ko so...I would never be tempted by those girls." Pabulong na aniya at nanunuyang ngumiti. "Hindi ako bumabase sa itsura, Isabelle. At nagugustuhan kita dahil sa ilang taong pagkakaibigan natin, ikaw ang mas nakakaalam sa akin. Nagugustuhan kita dahil ikaw si Isabelle Montereal. Tandaan mo 'yan."

"B-bitawan mo nga ako." Nakawala ako mula sa mga kamay niya dahil pinagbigyan niya ako. Palihim siyang tumatawa kaya sinimangutan ko siya.

"Ikaw ba ay ayos lang?" nag-aalalang tanong ni Faulicimo ngunit tumango lang ako dahil naiinis pa rin ako sa kaibigan ko.

"Napakagago mo talaga!" napasigaw ako at susuntukin sana si Anton sa dibdib ngunit naharangan niya iyon kung kaya't tumama ang kamao ko sa kamay niya. "Mamaya ka sa akin kapag makauwi na tayo—"

"Isabelita!" narinig ko ang sigaw ni Ate Tina mula sa malayo.

"Nasaan na ba 'yung babaeng iyon?!" narinig ko rin ang inis na boses ni inay.

Nanlakihan ang mga mata ko. Baka kung ano pa ang magiging reaksyon nila kung makita nila ang anak ni Don Miguel dito!

Agad kong hinawakan sa papulsuhan si Anton at si Faulicimo at hinila ko sila bago tumakbo papaalis sa pansiterya. Nagulat silang dalawa ngunit nagpatuloy lang ako sa ginawa ko. Tinahak namin ang daan patungo sa simbahan ng Binondo, ang Basílica Menor de San Lorenzo Ruiz y Parroquia de Nuestra Señora del Santísimo Rosario. Ang taas ng pangalan ngunit nasasaulo ko naman!

Pakiramdam ko ay mas naging matalino ako dito!

"Isabelle—"

"Isabelle—"

Narinig ko ang sabay na pagtawag nilang dalawa sa pangalan ko nang huminto na kami sa harapan ng simbahan. Nilingon ko sila at seryoso silang nagkatinginan sa isa't isa.

"Ano, baka mahuli tayo nila inay at Ate Tina. Alam niyo namang wala pa ang mga 'yon sa mood dahil kay Don Miguel." Tugon ko ngunit nagkatinginan parin sila sa isa't isa at hindi nakikinig sa akin. Mas mataas pa si Anton kaysa kay Faulicimo ngunit pareho silang mga matatangkad kung kaya't marami ang napatingin sa banda namin na naglalakad papasok.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na tawagin siyang Isabelita?" naririnig ko ang inis na boses ni Anton.

"Ngunit mas kagustuhan ko ang sumunod sa utos niya sa akin." Sumbat pa ni Faulicimo.

Wow! Hindi ko alam na may ganitong side pala si Faulicimo!

"Hello...?" isa-isa ko silang tinignan. Ayaw pa rin nilang makinig sa akin!

Umiigting ang panga ni Anton, halatang galit na. Hinawakan ko nalang silang dalawa sa mga papulsuhan nila kung kaya't sabay din silang napalingon sa mga kamay nila na hinahawakan ko.

"Ano ba kayo!" pabulong na sigaw ko. "Nasa simbahan tayo at nag-aaway pa nga! Araw din ng mga patay ngayon, gusto niyo bang pag-untugin ko 'yang ulo niyo?!"

Hindi sila kumibo kaya't hinila ko nalang sila papasok sa simbahan. Naupo kami sa third to the last row para hindi masyadong mainit dahil mahangin dito sa banda namin. Bahala na, aattend nalang kami ng misa para hindi kami mahanap ng ina at kapatid ko. Tama!

Uupo sana ako sa gilid ngunit nauna si Faulicimo sa harap ko, dahilan para makita iyon ni Anton at itinulak niya ako ng kaunti. Napahakbang ako ng ilang paa at umupo kaagad si Faulicimo sa kaliwa para alalayan ako. Ngunit bago pa niya mahawakan ang kamay ko ay hinila na ako ni Anton na nasa kanan ko para makaupo ako sa gitna nilang dalawa.

Nagkatinginan na naman sila, tila'y magsusuntukan na sa galit kung hindi ko sila pipigilan.

"Ano pa ang problema niyong dalawa, hoy!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses. 

Agaran akong napaupo kung kaya't nararamdaman ko ang hapdi sa pwet ko lalo na't kahoy ang upuan! Paano ba kasi, agad akong hinila ng gwapong manliligaw ko at padabog akong napaupo! "Kanina pa kayo, ah!"

"Shh!" sabi naman ng matanda sa likuran namin. Napatingin ako doon at hinahawakan niya ang tiyan niya. Ang dalawa sa magkabilang gilid ko ay nagtititigan pa rin, walang pakealam sa paligid. "Sumasakit ang tiyan ko tapos ang ingay niyo!"

"P-pasensya na po." Napayuko at bumalik sa pagtingin sa harapan. Inis kong nilingon si Anton nang mararamdamang nagtinginan pa rin sila ni Faulicimo.

"May gusto ka ba sa manliligaw ni Isabelita? Sabihin mo lang sa akin at irereto kita." Pabulong ko na sabi sa kanya at doon naman siya lumingon sa akin, nanlakihan ang mga mata. Si Faulicimo ay bumuntong hininga at tumingin sa harap.

"Isabelle, anong pinagsasabi mo?" pagalit na tanong niya sa akin.

"Wala, kanina ka pa kasi titig nang titig sa kanya, eh!"

Napapikit siya at bumuntong hininga. "Nararamdaman ko kasing may kakaiba, Isabelle. He seems harmful. Tahimik lang ang mga yapak ng paa niya kung tumatakbo o di kaya'y lumalakad. Nagtataka ako kung bakit kanina lamang siya nag-iingay no'ng nag-uusap tayo sa gilid ng pansiterya, hindi naman niya gawain ang maingay maglakad lalo na kung magtatrabaho siya sa hacienda namin."

"So? Ano ang point mo?" seryoso ko ring tanong sa kanya. "Paano 'yan naging harmful?"

"Huwag mong masyadong pagkatiwalaan ang lalaking 'yan." Pabulong na sabi niya at umiiling.

"Nandito na naman tayo..."

"Seryoso ako, Isabelle. Sana ay maniniwala ka sa akin ngayon. Marami akong natutunan sa kapatid ko." Ani Anton at tumingin na rin sa harap, na para bang walang nangyari.

Napatingin na rin ako doon at nag-iisip. Sino o ano ba talaga ang tama? Masama ba talaga si inay? Ano ang ibig sabihin ni Anton na tama ang ginawa ni Don Miguel? At maaasahan ko ba si Faulicimo?

Mabait naman si Faulicimo, ah? Sa ngayon ay wala pa akong napapanaginipan kung paano napasama si Isabelita sa kanya at paano sila nagkaaway sa huli, sa kung paano napunta si Isabelita sa kumbento at sa kasamaang palad ay namatay dahil sa pang-aabuso ng mga pari. Kung malapit na kaming matapos sa misyong ito, kagaya lamang ng sinabi ni Anton, bakit wala pa akong mga pira-pirasong ala-ala sa mga mahahalagang pangyayari na 'yon?

Nagsimula na ang misa kung kaya't sabay sabay ang mga tao na tumayo, pati na rin kami. Narinig ko ang pagtugtog ng mga instrumento at kalaunan ay sabay-sabay na kumanta ang mga tao.

Dies iræ, dies illa

Quantus tremor est futurus

Dies iræ, dies illa

Tahimik lang kaming dalawa ni Anton dahil wala kaming alam tungkol dito at si Faulicimo naman ay nakikisabay sa madla.

Prodigia, comploratus

Silens, oro

Regnet exitium

May mga wikang Espanyol silang sinasabi ngunit palihim lang kaming nagkatinginan ni Anton. Nagkibit siya ng balikat at tahimik na nakikinig. Habang ako naman ay seryosong nakatingin sa harapan.

"Requiem aeternam dona eis Domine...et lux perpetua luceat eis. Requiescant in pace. Amen." Narinig kong wika ni Faulicimo sa gilid ko.

Napatingin na rin ako sa kanya at nang mararamdaman niyang tumitig ako ay ngumiti siya ng walang pag-aalinlangan.

"Anong misa ito?" tanong ko pa.

"Requiem." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Requiem?"

"Misa para sa mga patay." Maliit siyang tumawa nang tumugon. "Bakit? Hindi mo ba alam 'to?"

"H-huh?!" agad akong natataranta. "A-alam naman."

Tumango nalang siya at bumalik ulit sa pagkanta. Hindi na ako nagtanong ulit dahil natatakot ako, na baka kung ano pa ang masasabi ko at magdududa siya sa walang oras.

Napatingin ako sa harapan at nakikinig nalang kahit wala akong maiintindihan.

Kalaunan, nang makaupo kami ay narinig ko ang panay na pagrereklamo ng matanda sa likuran ko dahil sumasakit raw ang kaniyang tiyan. Nagho-homily ang pari at hindi rin siya nakikinig.

"Ano ba ang aking nakain kanina?! Bakit ang sakit ng tiyan ko?!" narinig kong sabi niya sa sarili niya at kumulog ang kaniyang tiyan. Wala siyang katabi kung kaya't walang may pakialam kung magsasalita siya sa pwesto niya.

Ngunit ang hindi ko inaasahan, ay uutot pala siya ng malakas!

At dahil nasa likod ko lang siya, napatingin si Anton at si Faulicimo sa akin, at inakala nila ay ako ang umutot!

Agad akong umiling, bilang pahiwatig na hindi ako 'yon at natatakot akong i-point out ang lola sa likuran ko baka magalit ngunit, tumawa lang si Anton at dahan-dahang nagtakip ng ilong. Si Faulicimo naman ay palihim na ngumiti at tumingin sa kabilang gilid niya.

Huwatt?!

"Hindi ako ang umutot!" inis na sabi ko. "Bahala nga kayo!"

Palihim na tumawa si Anton at si Faulicimo ay nakatingin pa rin sa kabilang gilid. Narinig ko naman ang paghinga ng matanda sa likuran ko.

"Hay, sa wakas, wala na..." halos bulong na sabi niya. Agad kong naitakpan ang ilong ko nang maamoy ang baho.

Tangina, napagkamalan pa nga ako!

May parte ng misa kung saan kami ay maghahawakan ng kamay. Nang sabay kong mahawakan ang kanilang mga kamay ay napatingin sila sa akin at kalaunan ay nagkatinginan na naman bago nag-iwas ng tingin. Si Faulicimo ay nakisali pa rin sa kantahan habang si Anton ay seryosong nakikinig at hindi kumanta.

Ngunit ilang sandali ay nag-iba ang pakiramdam ko. Naririnig ko na ang bawat galaw ng orasan, nabibingi ang paligid ko lalo na't naging paliit ng paliit ang ingay ng kantahan. Wala akong marinig na mga boses subalit naririnig ko ang malakas na ingay ng kampana. Nag-angat ako ng tingin at kumunot ang noo ko nang makita ang paring nagmimisa na nakakakilabot na ngumiti sa akin, kahit na nasa pinakalikuran ako ngayon.

The people in front of me faded into burnt ashes. Nanlakihan ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang mararamdamang mas lumamig ang ihip ng hangin at kung kanina ay napakainit ng panahon, ngayon ay naging makulimlim na ang langit sa labas ng simbahan. May naririnig akong mga bulong na kasing lamig ng pasalunga sa hangin.

Está comenzando...

Napasinghap ako sa walang oras. Si Anton at Faulicimo ay hindi kailanman gumalaw sa magkabilang gilid ko. Nananatili ang kanilang tingin sa harap, sa paring nakangiti pa rin hanggang ngayon. Tanging ako lang ang gumagalaw. Pilit akong kumawala sa mga hawak ng dalawa ngunit hindi ko magawa dahil napakahigpit ng pagkahawak nila sa akin.

Está comenzando...

Hindi ko maiintindihan ang nangyayari sa paligid ko ngunit...naiintindihan ko ang ibig sabihin ng bulong na iyon!

Nagsimula na. Iyon ang ibig sabihin!

Ngunit ano ang nagsisimula? Ano ang mangyayari ngayon?

Umaalingawngaw ang isang yapak ng mga paa sa harap ko. Mas nanlakihan ang mga mata ko nang makita si Madam Avila na paparating sa akin. Seryoso ang itsura and hindi nagsasalita.

"Madam Avila! Ano ang nangyayari dito?!" tanong ko at doon naman siya napahinto. "Madam Avila—"

"Isabelle!"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Anton na nag-aalalang tumingin sa akin. 

Siya ang tumawag sa akin pabalik sa realidad!

"A-anton..."

"Okay ka lang ba?" tanong pa rin niya.

Lumingon ako at napagtantong nakatingin na pala ang lahat ng mga tao sa akin ngayon. Nagpatuloy ang misa sa mga patay ngunit panay na ang paglingon ng mga tao sa akin. Pati si Faulicimo ay nag-aalalang hinaplos ang likuran ko dahil habol ko pa rin ang hininga ko at nanginginig pa rin ako sa takot.

"Bakit mo tinawag si Madam Avila?" nag-aalalang tanong ng kaibigan ko. Umiling lang ako at lumunok.

Ano 'yon? Bakit nawala ang mga tao, bakit ngumiti ang pari sa akin? Bakit...

Hindi pa ako natapos sa pag-iisip ko nang may biglang sumabog sa labas ng simbahan. Doon na natigil ang misa at napasigaw ang mga tao nang marinig ang sunod-sunod na barilan at putukan. Napayuko kaming tatlo at sabay ding napalingon sa likuran namin. May mga taong pumapasok sa loob ngunit ang iba ay agad natumba sa sahig at lumuluwa ng mga dugo. Ang iba ay sugatan at nahihirapang maglalakad!

"Ano ang nangyayari?!" gulat na tanong ko.

"Tulong!" sigaw ng isa sa mga nasugatan. "May mga bandido sa labas! Naglabas ng mga baril ang mga alguasil at guwardia sibil! Tumakas kayo!"

Está comenzando. Nagsisimula na. Ito ba ang ibig sabihin ng nakikita ko kanina lamang?!

"Tara na!" sigaw ni Faulicimo at pilit akong hinila ngunit napahinto kaming dalawa nang mahawakan din ako ni Anton sa kabilang kamay ko.

"May barilan diyan!" tugon pabalik ni Anton. "Isabelle, sumama ka sa akin. Mas makakaligtas ka doon sa hacienda namin!"

"Anong makakaligtas?" galit na tanong ni Faulicimo. "Nandoon ang ama mo, Ginoong Antonio. Hindi siguro ang kaligtasan ni Isabelle doon!"

"A-ang mga tao...tulungan natin." Nakatingin pa rin ako sa harapan at wala ang atensyon sa kanilang dalawa. Naaawa ako sa mga nasusugatang tao. Naaawa ako sa mga nakahiga sa sahig at kadalasan ay wala nang buhay!

"Isabelle, tara na!" Pilit akong hinila ni Faulicimo ngunit hinawakan rin ako ni Anton. Napatingin ako sa kaibigan ko at nagmamakaawa ang kaniyang mga mata.

"Isabelle, please...sumama ka sa akin." Pagmamakaawa ni Anton.

Napaisip ako. Kung sasama ako sa kanya ay makikita ko ulit ang taong kinasusuklaman ko dahil sa pagkamatay ng ama ko. Makikita ko ulit si Don Miguel. Sa lahat ng pinaggagawa niya sa ama at sa pamilya ko, magpapakita pa ako sa kanya? Magpapakita pa siya sa akin? Hinding hindi mangyayari 'yon.

Agad kong hinawi ang kamay ko sa pagkahawak niya. Napaawang ang bibig niya at nanlakihan ang mga mata niya sa ginawa ko. Umiling ako at mapait na ngumiti.

"Sorry, Anton. Ayaw kong makita si Don Miguel."

"Isabelle!"

Bago pa man ako makapagsalita ay tuluyan na akong nahila ni Faulicimo papalayo at papalabas ng simbahan. Nasusulyapan ko si Anton na bigong nakatingin sa akin...na may luha sa kaniyang mga mata.

Ngunit nang hindi pa siya nawala sa paningin ko ay nanlakihan ang mga mata ko nang maglabas siya ng dinadalang baril mula sa kaniyang likuran at pumunta sa kabilang labasan...upang sumama sa labanan ng mga guwardiya sibil at bandido. Nawala ang malungkot na emosyon sa kaniyang mga mata at sumeryoso kaagad siya.

Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nag-aalab na ng galit. Na halos hindi ko na kilala. 

Halos hindi na siya ang Anton na kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top