Kabanata 18

"Is my courting...okay?"

Pakiramdam ko'y nabalik ako sa hwisyo nang magsalita ulit ang kaibigan ko. Naitikom ko ang bibig ko at nagtaas ako ng kilay.

"Huh?" I asked, confused.

"Wala kasi akong phone at hindi ako makapagresearch," he chuckled and scratched his forehead. "Ginawa ko lang ang gusto kong gawin."

Humigpit ang hawak ko sa palumpon at napayuko. Sa kakaisip ko sa boses na 'yon ay halos nakalimutan ko nang nanliligaw pala 'tong kaibigan ko sa akin. Pretty seems weird dahil ilang taon kaming magkasama na isinantabi ang any romantic feelings if ever meron man. He is my gay bestfriend, but here he is right now, courting me in a different timeline!

"Have you heard of any weird voices earlier?" I asked and changed the topic. Slowly, his smile faded as his brows furrowed.

"H-huh?" natatarantang tumawa si Anton. "Wala naman. Bakit?"

Umiling ako. "Wala. Uhm, hindi muna ako magbibigay ng sagot sa panliligaw mo sa ngayon." I tsked and shook my head. Ang weird talaga pakinggan!

He chuckled. "Silly. You should take your time. Hindi naman kita pinipilit."

My head tilted a bit. Nanunuya akong ngumiti. "Hmm...ano kaya ang ginawa nila sa'yo para magkaganito ka..."

Nang masabi ko iyon ay kumunot ang noo niya at tumitig sa akin. I waved both of my hands, tila umiiling.

"I mean—noon, panay pandidiri ka pa kasi sa akin tapos ngayon, hinalikan mo ako tapos nanliligaw pa." Umiling rin ako sa huli. "Hindi ko maiintindihan. May nangyari ba sa mga oras na wala ako?"

He remaned looking at me seriously.

"Napilitan ka ba?" tumitingin-tingin ako sa paligid. "W-wala namang nakatingin sa ating dalawa dito."

Nang hindi parin siya magsalita ay nagpatuloy ako.

"Anton, nagtutulungan tayo rito—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang hinila niya ang papulsuhan ko at ipinaharap ako sa papalubog na araw. He gave that position a chance to hug me from behind. Agad niyang ipinalibot sa aking bewang ang mga braso niya. He leaned his chin on my shoulder and sighed.

"Fuck...ang tanga ko."

"Hoy, parati ka nang nag-eenglish, ah? May pa gaga-gaga ka pa noon tapos ngayon..." hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil mabigat ang kaniyang paghinga.

"Do you remember years ago...the first time we met?" tanong niya at agad naman akong tumango. "I did not even act that girly before. I have no bother with my orientation at all. Nakita mo ba akong pabaklang umiyak noon? May naalala ka bang sinabunutan kita?"

"Wala." pag-aamin ko.

"I guess, being gay was my coping mechanism while growing up." mapait siyang ngumiti. "Nasanay ako na mag-isa lang. Halos nakapalibot sa tahanan namin ang mga yaya ko, and they were treating me like one. They would style up my hair, they would test their make-up skills on me and praise me by saying that I look good...kung babae ako. Palihim din akong nagsusuot ng mga dress dahil magagalit ang ama ko. May isang oras na nahuli niya ako sa kuwarto. Tapos itinapon niya ang mga barbie dolls ko, pati na rin ang make-up na ibinigay ng mga yaya ko." he deeply chuckled.

"That was the reason?" mahinahon kong tanong. Napatingin ang mga mag-jowa na nandito rin sa pwesto namin at halatang kami ang pinag-uusupan pero mukhang walang narinig si Anton dahil nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Well siyempre, hindi talaga makukumpleto ang confirmation ko sa sarili ko kung wala akong mapagsabihan at maaasahan. That was the time na naghanap ako ng isang kaibigan na maaasahan ko sa mga sikreto ko. I, then found you." he hugged me tighter. "Sumali ka kasi ng competition no'ng time na 'yon. You looked really good in your Halloween gown. So nasabi ko sa sarili ko, 'this girl surely loves things like this. Sumali kasi tapos bongga pa ang make-up'. That was all I have thought about at that very moment."

"Napilitan ako ni mama noong oras na 'yon dahil may pa-premyong two-thousand!" pagdadahilan ko at humahalakhak siya. Nararamdaman ko ang pag-aangat angat ng mga balikat niya. "Alam mo naman, basta pera, maghuhugis puso talaga ang mga mata ng ina ko."

"But you won, though." he said in a deep baritone voice.

"Effort ko na biya 'yon." natawa nalang din ako.

"Kaya nagpapakilala ako. I wanted us to become friends dahil sa unang tingin ko palang ay nararamdaman ko nang maaasahan kita. Akala ko ay babaeng-babae ko pero nagising ako sa realidad nang mapagtanto kong brusko ka. Ngunit mas gusto ko nalang ang ugali mong iyon dahil maraming mga babae sa campus na pabebe ang ugali at naiirita na ako kapat matatagalan. I preferred you over them. Hindi maarte, hindi humaharot, galit sa kanila, that was what made our friendship over the years." aniya at sumubsob sa balikat ko. "But then, sa halip na magkaibigan tayo ay nag-confess ka sa akin...na gusto mo ako."

"Tss," napairap ako.

"Siyempre, mas iniisip ko pa ang nararamdaman kong orientation kaya't hindi kita sinagot. Pero kung alam mo lang, nagsisisi talaga ako ng husto sa ilang sandali."

"Bakit?"

"Dahil nag-iba na ang pagtrato mo sa akin noong mga oras na iyon." he sighed again. "Kahit ganoon na tayo ka-close, minsan ay naiilang ka na sa akin at natutulala. Tumatagal din ang pagtitig mo sa kabuuan ng mukha ko, na para bang isinusuri mo bawat parte, dahilan para bigla na rin akong makakabahan at maiilang. In consclusion..."

"Nag-iilangan tayo." dugtong ko at sabay naman kaming tumawa. "Pero hindi kita nakikitang naiilang sa akin, ah?"

"Idinadaan ko lang sa kabaklaan ko noon." tugon niya. "But then, as things last, naguguluhan na ako sa sarili ko. Halos ayaw ko na sa bahay namin lalo na't nasa bakasyon si dad palagi kaya tumatambay ako at natutulog ako sa inyo. I would always miss your presence. I would miss seing your face kapag mag-isa na ako. I would love to give you everything you need lalo na kapag minamaliit mo ang sarili mo...ang estado niyo. I hate it sometimes kung pakiramdam mo ay wala na talagang pag-asa. You tend to give up so easily...making me want to be by your side always. Making me want to take good care of you..."

Natahimik ako at malalim na nag-iisip. He rejected me before but then he developed feelings for me after that...after so many years of us being together. Ni hindi ko namalayan. Akala ko ay one-sided lang.

"Tapos napunta ako dito. Kinakabahan talaga ako pero naglaho agad iyon nang malaman kong nandito ka pa rin...na makakayanan ko ang misyong ito dahil nasa tabi kita."

Maliit akong ngumiti...at agad ding sumimangot. No! Hindi ako kinikilig!

"We even kissed, in this timeline....again."

"Anong again?" napatingin ako sa kanya patagilid. He smiled at me. "First kiss ko 'yon, gago! Akala ko ay magiging enchanted at dreamy 'yung magiging first kiss ko pero sa realidad, nakuha ko lang dahil sa aksidente ko!"

He raised his eyebrow and gave me a mocking smile. "Are you...sure?"

My brows furrowed. "Pota, anong sure-sure pinagsasabi mo diyan?"

"Hindi mo ba talaga naalala?"

"Huh?!" ako na naman ang naguguluhan at natataranta. "Anong hindi naaalala?!"

Tumaas ang boses ko kaya napatingin ang mga tao sa pwesto namin. Isinubsob ni Anton ang mukha niya sa balikat ko at nahihiyang humahalakhak. Napalunok nalang ako at napayuko. Kakahiya!

"You kissed me...in your room." halos bulong na sabi niya at nag-angat ulit ng tingin sa akin. Napatingin na rin ulit ako sa kanya at napaawang ang bibig ko.

"Gago kailan?"

"You were drunk at that time, lalo na't eighteenth birthday mo 'yon. First time mong uminom tapos lasing na lasing ka. Siyempre, nakiki-sleep over ako at that time kasi nagdadalamhati ka tungkol sa babayarin niyo na mga utang at bills ng bahay kaya sa halip na maghanda ay nag-inuman nalang tayo lalo na't ayaw mong maghanda ang ina mo at mag-debut ka." aniya at nakikita ko ang pamumula ng tenga at pisngi niya.

Napalunok ako. Naalala kong nag-inuman kami sa karinderya pero wala akong naalala na hinalikan ko siya! Jusko!

"Nasanay na kasi ako na matutulog sa tabi mo kaya tumabi narin ako sa'yo dahil medyo nalalasing rin ako at napagod ako sa kaka-explain sa'yo." he looked at my lips. "You...kissed me torridly."

Napaawang ang bibig ko at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay namumula na rin ako sa kahihiyan! Hindi ko talaga alam, huhu!

"Tapos marami kang confession na sinasabi, sa kung gaano mo ako nagugustuhan. Siyempre, first kiss ko rin 'yon at curious rin ay nakipag go-with-the-flow rin ako." maliit siyang tumawa. "Ngunit nang mas nilalim mo pa ang halikan ay ako na mismo ang nagpigil sa ating dalawa dahil...delikado."

Too much information!

"Ayaw ko na, AAAHHH!" tinakpan ko ang tenga ko gamit ang mga palad ko ngunit mas humahalakhak lang siya at hinila ang mga kamay ko.

"Now tell me, hindi ba talaga dreamy at enchanted 'yung first kiss mo?" natatawang tanong niya.

"Shut up! Tumahimik ka!"

"Torrid nga lang." pang-aasar niya pa!

"Uuwi na ako, bye!" pilit akong kumawala ngunit mas hinigpitan niya lang ang yakap para hindi ako makawala.

"Kinabukasan, naiilang na ako sa'yo pero hindi mo naman naaalala kaya hindi na ako naaabala."

"Hindi talaga. Ni hindi ko nga alam!" pagdedepensa ko at tumango naman siya.

"Kaya huwag ka nang uminom. Ako ang natatakot para sa'yo."

"Hindi na ako umiinom pagkatapos no'n. Ang sakit ng ulo ko kinabukasan at ayaw ko na iyong mararamdaman pa." I reasoned out.

"That was the actual starting point of my confusion. Pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang pangyayaring iyon ngunit bumalik parin nang aksidente mo akong mahalikan sa bahay namin. Eversince that day, hindi na ako makatulog ng maayos kapag hindi kita nakikita. Kung magkakaproblema ako ng todo sa pamilya ko dito ay ikaw lang ang iniisip ko. You wouldn't leave my mind twenty-four seven."

Naitikom ko ulit ang bibig ko. Here we go again.

"Naguguluhan ako kung bakit lumalakas ang tibok ng puso ko kapag makikita ko lang ang ngiti mo. Naguguluhan ako kung bakit magseselos ako kapag kasama mo ang lalaking iyon. Naguguluhan ako kung bakit...gusto kong mahalikan ulit ang labi mo."

Napalunok ako at napayuko. Inaamoy-amoy ko nalang ang bulaklak na hawak ko. Bulaklak ba 'to? Bakit ang bango mo? Tapos ang ganda ng design. Ngayon lang ako nakakita...

He chuckled in a whisper tone in my ear. "Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit nagugustuhan kita?"

"Halos sinabi mo na nga, eh." napairap ako habang hinahaluglog ang bawat petals ng Chrysanthemum.

"Well then, you can ask me anything now."

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "Bakit mo ako hinalikan noong isang gabi?"

Nang masulyapan ko siya ay dahan-dahang naglaho ang ngiti sa labi niya. He stared at me before sighing too.

"Josefa...kissed me."

Napaawang ang bibig ko.

"On the cheek!" agad na dagdag niya at umiling.

"Kung kaya't humalik ka rin sa akin?"

"I was angry. I felt like I betrayed you. I wanted to curse at her pero wala akong magawa. I'm such a fool." he gritted his teeth. "That was when I decided to leave that place even for a night. I want to get away from them. Mabuti nalang at hindi ako nadakip ng mga alguasil dahil umuulan naman."

I remained silent while staring at him.

"Umiiyak ako dahil hindi ako makatanggap...hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na halikan ka...I'm very sorry." marahas siyang bumuga ng hangin. "Pangako, ikaw lang naman ang gusto kong mahalikan. What she did was so unexpected. Hindi ko iyon nagustuhan kailanman."

"You looked so whipped today...bes." hindi makapaniwalang sabi ko. Sumimangot naman siya.

"From now on, stop calling me that." he grinned. "And yes, I'm so fucking whipped...Gusto mo bang marinig kung gaano kita kagusto? Pwede ko ring itula."

Umasim ang itsura ko pero kalaunan ay tumaas ang sulok ng labi ko.

"Sigurado ka bang 'like' lang 'yan?" pang-aasar na tanong ko. "Hindi naman ako ganyan kahulog sa'yo noon, ah?"

"Hmm..." he chuckled and nod his head. "I'll say those three words kapag sinagot mo na ako."

I rolled my eyes.

"At kapag...mahuhulog ka ulit ay hindi na lang hanggang sa paghanga ko...kundi sa mismong piling ko na dahil tinatanggap na kita simula nang magugustuhan kita." he said it slowly and carefully. "With that said, If ever the time comes at sasagutin mo na ako, I'll confidently shout out to the world those three special words."

"Hoy Antonio," I lifted my hand and pinched his nose. "Nasa misyon pa tayo, mamaya na 'yang kalandian mo."

"Tsk." he shook his head. "Sana pala ay sinagot na kita noon para hindi na ako mahihirapan ngayon."

"Ayan, kaka-barbie mo 'yan." tugon ko at humahalakhak naman siya.

"Hindi dahil sa sinabi ko na sa'yo ang mga iyon ay aasarin mo ako." napatalon ako nang bigla niyang hinalikan ang leeg ko. Gusto kong kumawala ngunit hinigpitan niya lang ang yakap niya sa bewang ko. Tumawa siya pagkatapos.

"Manliligaw ka ba talaga o feeling jowa?" tanong ko at tuluyan nang lumayo sa kanya. He smirked and loosen his hug upang makawala ako.

"Look at your back." he said and pointed my back. Napalingon naman ako doon at napasinghap ako nang makita ang kulay kahel na kalahating araw.

Ang dapit-hapon ng Paseo de Maria Cristina.

"Hindi ba't gustong-gusto ni Isabelita ang bukang-liwayway?" tanong niya at napatango naman ako.

"Iyon ang huling nakasama niya sa gitna ng kadiliman sa buhay niya." dagdag ko naman.

"Do you want it too, then?" he asked me. Sumulyap ako sa kanya at tumango narin.

"Iyon ang isa sa dahilan kung bakit ako gumigising ng maaga. Para matatanaw ko ang bukang-liwayway ng umaga. I guess...I'm fascinated too." I shrugged. "It represents another day, another time, coming of light, awakening..."

"Well, Antonio prefers dapit-hapon." aniya at tumingin na rin sa araw. Nananatili ang tingin ko sa kanya. "And same, I am fascinated with the sunset. It represents rest before darkness consumes. Sa mga naaalala ko, palaging napapagod si Antonio sa araw niya kaya palagi rin siyang magmumuni habang nakatanaw sa dapit-hapon kapag nakakauwi na siya. Sa ganoong paraan, makakapagpahinga siya para sa susunod na araw at kayod."

Gusto kong malaman ang lahat ng naaalala niya sa mga nangyari kay Antonio pero sigurado akong marami iyon. I badly want to tell him what Madam Avila told me. Kaso, ayokong mag-aalala siya. He recited a lot of promises at may sariling mga plano rin siya. I don't want to ruin his happy mood right now.

Oo, hindi ako ganoon ka bobo para hindi maniniwalang may gusto siya sa akin. His words are purely sincere at siguro na rin ay dahil sa pag-uugali ko kung bakit niya ako nagugustuhan.

Wait, bakit nga ba talaga?

"Bakit mo ba ako nagugustuhan?"

He sighed in relief. "Sa wakas...nagtanong ka na."

Napairap ako. Hays. Ano na ang nangyari sa kaibigan ko? Pwede ba talaga maging kami? Baka mamaya, pag-uwi namin ay dudumugin ako ng mga fans at kabit niya sa campus. Patay tayo diyan!

"Gusto mo bang i-tula ko?" pagbibiro niya ngunit nakasimangot lang ako. Humahalakhak nalang siya at umiling saka tumikhim. "Dahil ikaw si Isabelle. Simple as that."

"Isabelle? Dahil ako lang? Dapat ko na bang sabihing 'chill, ako lang 'to?' " napamewang ako at tumaas ang isang kilay ko. Tumango siya at nagpatuloy.

"Dahil ikaw ang tanging babae na nakasama ko sa ilang taon. Through my ups and downs. The only woman who saw my weaknesses and strengths. Ikaw lang ang tanging kumapit sa akin kahit sa kadiliman ng buhay ko. Ikaw ang nagpapasaya sa akin sa mga araw na nadudurog ako. Ikaw lang ang palaging nakakaintindi sa akin...at ikaw lang ang naniniwala sa akin kahit sa maling parata ng iba. You have done so much things for me already, and I'm very sorry kung ngayon lang ako nakaka-appreciate sa lahat-lahat."

Dahan-dahan kong naibaba ang mga kamay ko at umayos ng tayo. Nararamdaman kong bumalik na ang malakas na pagtibok ng natutulog kong puso para sa kanya. Gago! This is not happening! Hindi ako kinikilig!

He chuckled and lifted his palm just so he could caress my face. "Ang cute mo talaga pag nagba-blush."

Hindi!

Maangas kong tinapik ang kamay niya sa mukha ko at nag-iwas ng tingin. "H-hindi ako nagba-blush! Naiinitan lang ako!"

Napapikit nalang ako nang mararamdaman ang malamig na hangin na dumampi sa mukha ko. Tumawa lang siya kaya umirap ako.

"Ngayon lang 'yan! Mainit talaga kanina!" pagdedepensa ko pa.

"Sa ilang taon na pagkakaibigan nating dalawa, Isabelle, hindi mo na ako maloloko." he smirked.

Aish! Kumalma ka nga! Kaibigan mo 'yan, Isabelle!

He sighed in relief and looked at the sunset again, with both of his hands in his back as he stood properly. "So this is what it feels like..."

Tumingin na rin ako doon at bumuntong-hininga...na naman! "Feel what?"

"Confessing...to someone you like. Nakakaginhawa..." he breathed.

"Hindi naman ganito 'yong nararamdaman ko noong nag-confess ako sa'yo ah?"

"Ano ba ang nararamdaman mo?" tanong niya nang hindi parin nakatingin sa akin.

"Kaba, hiya, takot, pangamba." sabi ko at tumango. "Iyan ang totoong mararamdaman mo."

"Nah..." he shook his head. "Nakakaginhawa sa akin dahil sa wakas ay naisabi ko na ang nararamdaman ko at wala na akong kailangan na aabalahin pa. "

"Edi...sana all!" pumalakpak ako. "Pero, sadly, wala na akong nararamdaman para sa'yo, eh."

"Then I'll make you like me again."

"Weh?" I wiggled my brows.

"I'll rephrase that," he grinned and looked at me. "I'll make you love me again."

"Yabang, oh!" nang-aasar akong tumawa. "Hoy, crush lang 'yong nararamdaman ko sa'yo, hindi love!"

"Well then, ako na naman ang gagawa ng paraan...na mahuhulog ka sa akin ng sobra."

"In your dreams! Tseh!" nilabas ko ang dila ko at napatingin naman siya doon.

Sabay nalang kaming tumawa hanggang sa matahimik na. Sabay rin kaming tumingin sa dapit-hapon na ngayo'y sang-kapat na porsyento nalang ang makikita. Padilim ng padilim na ang paligid ngunit sa ganitong paraan ay nakaramdam ako ng kapayapaan at kaginhawaan kagaya ng sabi ni Anton...sa gitna ng lahat-lahat, ng mga problema, at sa pagod at iyak.

Baka kung sakaling may mas mabuting plano siya, hinding hindi ko muna sasabihin ang narinig ko mula sa kaisipan ko na nanggaling kay Madam Avila mismo. Ayokong bigyan siya ng kalungkutan sa gitna ng kasayahan na nararamdaman niya ngayon.

May tiwala ako sa'yo Anton. Naniniwala akong makakayanan mo 'to, makakayanan natin 'to. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top