Kabanata 16

Nananaginip ba ako?

O talagang nakipaghalikan ako sa kaibigan ko ngayon?

Agad kong naimulat ang mga mata ko nang mapagtantong gumalaw parin ang mga labi namin. Napasinghap ako at doon naman natigilan si Anton. He looked drunk as he opened his eyes. Lumayo siya ng kaunti para makita ang kabuuang itsura ko.

My head tilted a bit as my mouth parted. We really kissed!

Lalapit na sana siya para halikan ako ulit ngunit agad kong tinakpan ang labi ko gamit ang palad ko. What the heck is happening?!

Teka, okay lang naman siguro maghalikan dito. Naaalala ko nga na naghalikan si Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa Noli Me Tangere, eh!

"W-what are we doing?" pakiramdam ko ay nawawala pa rin ako sa sarili ko.

He chuckled sexily and caressed my lips with his finger. Bigla akong nakaramdam ng kilabot doon.

"Kissing?" he teased and gave me a peck before letting go and sighed in relief.

Kusang bumagsak ang balikat ko at napatingin sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan?"

Ngumiti lang siya at tinalikuran na ako saka pumunta sa itaas, sa kuwarto ko mismo.

Huwaaatttt?!

"Hoy!" sumunod ako sa kanya. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan kaya hindi ko inaasahang matapilok ako sa gitna. Mabuti nalang at napahawak ako sa gilid.

Nang tuluyan na akong makaakyat ay agad akong pumasok sa kuwarto ko. Napahinto ako kaagad nang makitang nakahiga na siya sa kama ko at basang-basa. His eyes were completely shut. 

Aba, tinulugan ako!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. I was about to wake him up but then I stopped...after noticing his creased forehead. He was also shivering kaya napahawak ako sa noo niya at napasinghap ako nang mararamdaman kung gaano kainit ang katawan niya.

Nilagnat pa nga!

I hurriedly ran outside at kumuha ng aligamgam na tubig na nasa tabo at maliit na towel. Naririnig ko pa ang malakas na ingay ng dalugdog sa labas habang paikot-ikot ako sa bahay para kumuha ng mga gamit na kakailanganin ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa kuwarto dala na ang mga bagong damit na panlalaki.

Walang pagdadalawang-isip ko siyang binihisan mula ulo hanggang paa. I admit, natigilan ako sa pagpapasuot sa kanya ng pajama dahil lantad na lantad sa aking mga mata ang malaking umbok sa gitna ng hita niya ngunit bilang respeto ay hindi na ako nagrereklamo pa dahil mas nag-aalala ako sa kalagayan niya ngayon. Hindi na rin bago sa akin ang maganda niyang katawan kaya nagpapatuloy ako sa ginawa ko. Nang matapos ay agad ko siyang tinakpan ng comforter ko at nagsimulang magpahid ng basang towel sa mukha at kamay niya.

Ano ang nangyari sa'yo, Anton?

Hindi ko parin maisip ang dahilan. Mabuti at hindi siya nadakip ng mga alguasil na nagbabantay. Nagpapasalamat narin ako na umuulan kung ganoon na nga. Bakit ba siya pumunta dito sa madilim na gabi at napakahuling oras? Bakit siya nalulungkot kanina nang nakatayo na sa pintuan ng pansiterya namin?

Siyempre, kaibigan ko 'to kaya dapat lang ay aalagaan ko siya. Kahit sa ganitong paraan ay makakatulong ako sa kanya. Ilang beses na rin niya akong tinulungan at niligtas.

Nang matapos ako sa pagpahid ay nakatulala lang ako dito sa gilid, sa tabi niya habang nakaupo at nakasandal sa kahoy na headboard. Medyo malaki naman ang kama ko kaya sakto kaming dalawa. Malalim ang iniisip ko habang nakatitig sa kabuuang mukha niya. Dahan-dahang nawala ang pagkakunot ng noo niya nang sinimulan kong hinahaplos-haplos ang buhok niya.

"Magpapagaling ka," halos bulong na sabi ko.

Hindi na ako nagulat nang lumingon siya sa pwesto ko at niyakap ang aking tiyan. Bumuntong hininga nalang ako at nagpapatuloy sa paghahaplos. Nararamdaman ko ang mainit na hininga niya kaya niyakap ko nalang siya pabalik. He rested his head on my chest.

***

Kumunot ang noo ko nang mararamdaman ang isang braso na pumalibot sa bewang ko. Gusto ko pang matulog ngunit naiirita ako dahil may nakayakap sa akin. Hindi ko na sana pansinin iyon ngunit naimulat ko agad ang mga mata ko nang mararamdaman ang mainit niyang hininga sa bandang tenga ko.

"Good Morning," narinig ko ang baritonong boses ni Anton.

Wala sa sarili akong napaupo kaagad sa kama at napalingon sa likuran ko. Nakatukod ang isang braso niya sa unan at patagilid na nakahiga parin habang nakatingin sa akin. He smirked after seeing my reaction. I unconsciously touched my chest to check if may suot pa akong longsleeve daster. Mabuti nalang at ganoon parin ang meron ako!

"Okay ka na?" kalmadong tanong ko at agad hinawakan ang noo niya. Nakahinga ako ng maluwag ng mararamdamang hindi na siya mainit katulad ng kagabi. He remained staring at me.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa nakakabinging katahimikan sa buong kuwarto. He was only staring at me, as if memorizing each part of my face. Napalunok ako at umiwas ng tingin saka tumayo na. The sunrise is already up kaya binuksan ko narin ang bintana. Agad naman pumasok ang malamig na ihip ng hangin sa maagang araw. Wala nang ulan, 'di katulad kagabi.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. Kumuha ako ng towel mula sa cabinet ko at bagong damit para susuotin ko mamaya sa trabaho.

"Dahil na-miss kita." deretsong sagot niya kaya kunot noo ko siyang nilingon.

"Miss mo mukha mo." napairap ako. "Seryoso ang tanong ko, Anton. Wala ako sa mood para makipagbiruan."

"And you think I'm joking?" he deeply chuckled and bit his lower lip. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard saka humahalukipkip.

"Oo, siyempre." I nodded. "Hindi naman ganoon ang Anton na kilala ko, eh. Ang kaibigan ko ay babaeng babae at nandidiri kapag umaaktong lalaki."

I heard him sighed. Bakit pakiramdam ko ay may problema talaga siya?

"Yeah...hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako nandidiri..." nakatingin siya sa labas ng bintana kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon upang pagmasdan ang itsura niya. He seems bothered and confused. Naaalala ko tuloy ang panaginip ko. Halos ganoon na nga ang sinabi rin niya ngunit sa ibang oras nga lang at ganap.

"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi dapat tayo maglilihiman sa isa't isa?" humahalukipkip ako. Napatingin naman siya sa akin at tumango.

"Wala akong itinatago at ikinikimkim sa'yo." he immediately responded.

"Eh, bakit parang wala ka sa sarili? May nangyari bang masama doon? Bakit ka nandito? Bakit ka pumunta dito kahit gabing gabi na?"

Hindi na siya nakapagsalita nang bumukas ang pintuan sa kuwarto ko at tumambad sa harapan namin si ate na natigilan rin nang makita si Anton. Agad siyang nag-bow sa kaibigan ko.

"M-magandang araw, G-ginoong Antonio—"

"Antonio nalang po," sabi pa ni Anton. Aysus! Uma-acting na naman ang bakla!

"Hindi ko inaasahan ang pagdalo mo dito sa pamamahay namin. Kung sana ay nagpapaalam ka ay makapaghanda kami." umayos na ng tayo si Ate Tina at ngumiti.

"Biglaan rin naman po, huwag po kayong mag-aalala. Saka, malaki rin naman ang kama ni Binibining Isabelita kaya nagkasya kami dito kagabi." he said it in a very malicious tone kaya kunot-noo ko siyang tinignan.

Heto na naman! Umaatake na naman ang sakit niya!

Napaawang ang bibig ni Ate Tina. Her blazing eyes glanced at me, na para bang hindi na siya makapaghintay na pagsalitaan ako ng marami. Agad akong umiling para hindi siya mag-isip ng kung ano-ano.

"Nilagnat siya kahapon kaya halos buong gabi akong walang tulog. Walang nangyari, oy." tugon ko at kumunot naman ang noo niya.

"Salamat nga pala, Binibining Isabelita." sulpot pa ng kaibigan ko. Inirapan ko lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya ngayon pero nakakairita. 

Ito ang napapala niya sa mundong ito!

"Mga bandang alas-tres na ako nakatulog, ate. Tatlong oras lang ang naging pahinga ko." pagpaparinig ko at nagpatuloy ulit sa ginawa.

"Ikaw ba ay lumayas mula sa inyo, Ginoong Antonio?" tanong ni Ate Tina sa kaibigan ko.

Natigilan siya ng ilang sandali bago bumuntong-hininga at tumango. "Opo."

"Hala! Baka mapagalitan ka..."

He gritted his teeth and nodded. "Wala akong pakialam."

"Alam mo ba ang sinasabi mo, Anton?" sulpot ko sa usapan.

Napalingon naman siya sa akin at tumango. "Alam ko."

"Alam mo rin ba kung gaano kadelikado ang ginagawa mo ngayon?" seryosong tanong ko ulit sa kanya. "Alam na alam mo ba kung ano ang magagawa ng ama mo kapag malaman niya ito?"

"Alam na niya." simpleng sagot niya.

"At tumuloy ka pa?" napamewang ako.

"Yeah." he shrugged. "We just had some misunderstandings..." aniya at sumulyap sa kapatid ko. He looked at her suspiciously.

Dahil nairita ako ay hindi ko na napigilan ang inis ko at sumigaw. "Umuwi ka na!"

Na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko, hindi siya gumalaw at nananatiling nakatingin kay Ate Tina na ngayo'y kumunot na rin ang noo. Nagkatinginan silang dalawa at walang ni isa na salita ay lumabas mula sa bibig nila.

"Hello???" sulpot ko sa gitna nila at doon naman sila natauhan.

"Lalabas muna kami." sabi ni Anton. Tumayo na ang kaibigan ko at napasinghap ako nang hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas sa kuwarto. Dala ko pa ang damit at towel ko nang bumaba kami sa hagdan. Nang huminto na ay kinuha ko ang kamay ko at galit na tumingin sa kanya.

"Ano ba ang problema mo? Nakakainis ka na ah!" sabi ko at itinulak siya papalabas sa pansiterya. "Umalis ka na!"

Dahil mas malakas pa siya sa akin ay halos hindi ko na maitulak ang likod niya. Mayabang siyang tumingin sa akin at tumango.

"Kain muna ako..." aniya at kinagat ang pang-ibabang labi niya.

"Halatang nagpapaakit kang tangina ka! Alis!" sabi ko at itinulak siya ulit ngunit hindi ko talaga kaya!

"Kiss muna," he pouted.

Napahinto ako at napaawang ang bibig ko.

"Gago!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinuntok ang mukha niya. Napamura siya at napaatras sa nangyari.

"Fuck..." he cursed and caressed his jaw.

"Ayan! Dapat lang sa'yo!" sabi ko at tumatalon-talon na para bang pina-Manny Pacquiao na style ngunit natigilan ako nang tumawa lang siya. He chuckled erotically.

"Too weak," he said in a dark baritone voice.

"Pinagsasabi mo—Ah!" napasigaw ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko at inikot ako, dahilan para mapasandal ang likod ko sa dibdib niya at mayakap niya ang bewang ko gamit ang mga matitipuno niyang mga braso.

"I never knew you'd be this weak kapag gagamitin ko ang makakaya ko sa'yo." he leaned and whispered on my ear.

Dahil natataranta ako ay nagpupumiglas ako sa kanya at mabuti nalang ay hinayaan niya ako. Takot akong tumingala para magtama ang paningin namin.

"S-sino ka!" nauutal na tanong ko. "Nasaan ang kaibigan ko?! Nasaan si Anton?!"

Malalim siyang tumawa sa sinabi ko. "Ako 'to—"

"Nasaan ang beshy ko!" idinuro ko siya. "Ilabas mo si baklang Anton! Ilabas mo!"

He shrugged and smirked. "He prefers to be like this...starting now."

"Bakit mo ginagawa 'to?!" sigaw ko pa. Nang magsimula na naman siyang lumapit sa akin ay napaatras ako kaya huminto na rin siya.

"Didn't you told me to act like this?" aniya at humahalukipkip. "Hindi ba't sinabi mo sa akin na dapat ay hindi ako magbakla-baklaan lalo na't nandito tayo sa mundong ito?"

"Ibig kong s-sabihin...k-kapag nasa pampublikong lugar t-tayo! Hindi 'yong g-ganito!"

"Why are you stuttering," he chuckled. "Ako pa rin naman 'to. I'm still your...bessy." pakiramdam ko'y nagdadalawang isip siyang sabihin ang huling salita. He tsked and gulped. "I don't like saying it again."

"E-ewan ko sa'yo!" iyon na ang huling sabi ko at nilagpasan siya saka lumabas na sa pansiterya para pumunta sa palikuran. Narinig ko pa ang nakakakilabot na tawa niya ngunit nagpatuloy lang ako para maligo na.

***

Nang matapos ako sa pagliligo at pagto-toothbrush ay pumasok na ako ulit sa bahay. Bagsak-balikat akong tumingin sa kaibigan ko na ngayo'y nakaupo na naka number four ang porma ng mga paa niya habang nakasandal siya sa kinauupuan. His head tilted a bit and waved at me. For the first time, I rolled my eyes and walked past him, going upstairs. Hindi ko na siya pinansin dahil pakiramdam ko'y stress na stress ako ngayong umaga. Wala pa nga akong sapat na tulog dahil sa pag-aalaga ko sa kanya ngunit heto pa ang iginawad niya sa akin!

I tied my hair into a bun and fixed my things before leaving the room. Habang bumaba ako ay narinig ko na ang mga halakhakan at mga ingay. May mga kumakain na na mga customer kaya nakahinga ako ng maluwag.

Ngunit nanlakihan ang mga mata ko nang makita si Anton na nagse-serve sa mga kumakain. Ang mga babae ay panay ang pagtingin sa kanya at ngumingiti-ngiti kahit na nakatakip ang abaniko sa mga mukha nila. May sinasabi sila ngunit tumango lang ang kaibigan ko at maliit na ngumiti saka ibinigay ang pagkain. Ano ang ginagawa niya?! Bakit hindi pa siya umuwi?!

Gusto kong sumumbat pero mas gusto ko pang aabalahin ang trabaho ko kaya napailing nalang ako at nilagpasan sila saka pumunta na sa kusina. Bumati ako kay ate at inay at nagsimula na sa trabaho.

"Ngayon ko lang nakitang tumutulong si Ginoong Antonio sa atin," sabi ni inay habang nagluluto.

"May saltik yata sa utak, nay." tugon ko at galit niya akong tinignan.

"Iyang bibig mo, Isabelita." pagbabanta ni inay. Bumuntong-hininga nalang ako at tumango.

"Sorry, po." I pouted.

"Sa kuwarto siya ni Isabelita natulog kagabi." sabi pa ni Ate Tina.

"Hoy, wala kaming ginawa, ah?" pagdedepensa ko sa sarili ko at sinindihan ang mga kahoy. "Nilagnat siya kagabi kaya inalagaan ko."

"Wala akong sinabi na may ginawa kayo." wika niya pa. Napairap nalang ako.

"Eh, bakit siya bumisita ng ganoon kagabing oras? May nangyari ba?" nagsalita ulit si inay.

"Hindi ko rin alam. Wala naman siyang sinabi, nay."

"Nakakapagtaka..." ani ate at tumango ako.

"Nakakapagtataka nga."

"Pakiramdam ko ay hulog na hulog na siya sa'yo, Isabelita." ani inay kaya mariin akong napapikit at lumingon sa gawi niya.

"Andiyan na naman tayo, 'nay."

"Hindi, hindi!" tumawa pa nga siya. "Halata kasi! Hindi lang ikaw ang umiibig sa kanya, Isabelita!"

"Ako? Umiibig? Tss..." napailing ako at bumalik sa trabaho ko. "Ang lala na ng imahinasyon mo, nay."

"Baka magkakatotoo na ang panaginip ko!" aniya at pumalakpak saka tumatalon-talon. Binigyan ko lang siya ng pandidiring tingin. I even shivered.

"Jusko...ipanalangin niyo po kami..." pagpaparinig ko at sumimangot naman siya.

"Hindi parin iyon pwede," sulpot na naman ni ate.

Paladesisyon ka, gurl?

"Sabagay," ani ni inay at bumuntong-hininga.

"Alam mo na kung ano ang nangyari sa akin, Isabelita. Nag-aalala lang ako. Ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko."

"Alam ko naman 'yon, ate. Saka, wala naman akong sinabi na gusto ko siya, noh!" umiling ako.

"Hindi naman halata, Isabelita, hindi ba?" sarkastikong sabi ni inay. Aba!

"Huh?" nalilitong sabi ko. "Anong hindi halata?"

"Wala." hilaw siyang ngumiti at bumalik ulit sa pagluluto. Napailing nalang ako at nagsimula na sa trabaho.

Habang nagluluto ako ay hindi ko maiiwasang hindi maiilang. Pabalik-balik si Anton sa kusina para kunin ang mga bandehado ngunit palagi siyang ngumingiti sa akin sa puntong nakakakilabot na tignan. Minsan ay lalapit siya at may mga ibinubulong-bulong na salita. 

Masarap daw ang pansit ko, marunong na raw akong magluto, maganda raw ako!

"Tumahimik ka nga!" halos bulong na reklamo ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tinalikuran ako.

Hanggang sa umabot ng hapon at patuloy pa rin ang trabaho. Nakapag-break naman kami kada alas-dose ng hapon pero minsan ay nasusulyapan ko si Anton na umuupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa labas ng kusina at tahimik na nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. May oras nga na lalapit ang mga magandang binibini sa kanya para bigyan siya ng panyo dahil pinapawisan na rin siya. Magpapasalamat lang siya at tanggapin iyon. Alam na alam kasi ng mga babae dahil kilala ang pamilya nila sa buong Binondo, lalo na ang kuya niya na marami nang naitulong na mga mahihirap na pamilya dito sa lugar namin.

Ano ba ang nangyari sa'yo, Anton?

"Totoo nga ang wika ng iba. Ikaw ay isang mabutihing tao na may gintong puso, Ginoong Antonio." malanding sabi ng isa sa kanila at pabebeng tumawa habang nakatakip ang abaniko sa mga mukha nila. Umiling lang si Anton at may sinabi ngunit hindi ko masyadong dinig dahil malayo-layo sila sa pwesto ko, sa kusina.

Nang matapos ako sa paghugas ng aking kamay ay isinandal ko ang mga palad ko sa sink at bumuntong hininga. Tignan niyo nga, maraming mayayaman ang nakadikit sa kanila kaya nakakahiya sa part ko kapag ipagpatuloy niya ang mga pinaggagawa niya. 

Hindi dapat kami magsama. Napakalayo ng agwat naming dalawa. Noon, maliban sa ginusto ni Isabelita na lumayo si Antonio sa kanya para sa buhay mag-asawa nila ay naiilang rin siya sa mga mapagdudang tingin ng mga taong nakapalibot sa kung saan-saan. Hindi pangkaraniwan ang pangyayari kung saan magkaibigan ang isang mayaman at mahirap sa mundong ito, sa lugar na ito.

Sumapit na ang gabi at nagsiuwian na ang lahat. Sila inay at ate ay naglilinis sa mga lamesa at sa sahig habang ako naman ay mag-isa dito sa kusina at naghuhugas ng mga plato. Eksaktong pumasok si Anton dala-dala ang mga bandehadong kailangan ko pang huhugasin.

"Ilagay mo lang diyan." walang ganang sabi ko dahil sa pagod at itinuro ang gilid ng sink gamit ang bibig ko.

Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili lang siya sa gilid ko at isinandal ang likuran sa pintuan. Hindi ako nagsalit at bumuntong hininga nalang rin.

I suddenly felt uneasy. He was observing me throughout my work. Nararamdaman ko ang titig niya sa bawat galaw ko kaya hindi ko na napigilang huminto at lumingon sa kanya.

"Ano ba ang problema mo?" seryosong tanong ko. He remained staring at me. "Anton, hindi ako nagbibiro. Baka mapapahamak pa kami ng pamilya mo sa pinaggagawa mo ngayon. Hindi ka umuwi sa inyo, nakitulog ka pa dito, nagtrabaho ka pa, ano pa ba ang gagawin mo?"

Humahalukipkip siya at tumagilid ng kaunti ang ulo niya. "Hindi mo ba alam kung gaano ka kaganda ngayon?"

Mariin akong napapikit. "Naiingit ka lang—"

"No," he chuckled and shook his head. "Hindi ako naiingit. Nagagandahan talaga ako sa'yo."

Natigilan ako at kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo?"

"Maganda ka kahit nagtatrabaho. Kahit na buhaghag na ang buhok mo sa kakagalaw mo pero ang ganda mo parin tignan."

I sighed. "Why are you changing the topic? I was asking about your plan—"

"This is the plan." aniya.

"Anong this is the plan? Tutulong ka?"

"No..."

"Edi ano?" Binitawan ko ang plato at tumingin sa kanya.

He stared at me for a while before answering.

"I'm planning to court you."

"Anong court? Basketball court?" naguguluhang sabi ko. Ngumiti siya at lumapit sa pwesto ko saka huminto na rin sa harap ko.

"Liligawan kita, Isabelle."

Agad nanlakihan ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita ngunit walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko ng ilang segundo bago nakapagpatuloy.

"A-ANO?!" tumaas ang boses ko.

"Liligawan kita dahil...gusto kita, hindi bilang kaibigan...kundi bilang isang babae mismo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top