Kabanata 14
"Huwag mo nga akong sundan!" inis na sabi ko sa kanya.
Papauwi na kami ngayon sa pansiterya dahil nauna na si Ate Tina at si Heneral Dominico kanina pa lamang madaling araw. Balak ko sanang umuwi ng mag-isa dahil wala nang nakabantay na mga guwardia sibil ngunit hetong kaibigan ko ay palaging umaayaw. Habang naglalakad ako ngayon palabas ng gubat dala-dala ang basket ng mga plato ay nakasunod parin siya sa akin.
"Kaya kong mag-isa!" dagdag ko pa ngunit umiling lang siya.
"Susunod ako," pagmamatigas niya pa.
"Bumalik ka na sa inyo. Baka hinihintay ka na ng pamilya mo—"
"Can you stop..." marahas siyang napabuga ng hangin. "Huwag mong ibanggit ang pamilya ko sa ngayon. Naiinis pa ako."
"Tss." napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Dapat nga ay mag-part ways na tayo ngayon, gaya ng panaginip natin."
"Isabelle!" he exclaimed. Dahil sa gulat ko ay napahawak ako sa dibdib ko.
"Ano ba?!"
"Akin na nga!" inis na sabi niya at hinablot mula sa akin ang basket na dinadala ko. Napaawang ang bibig ko at agad niya naman akong nilagpasan.
"Hoy!" sigaw ko at wala nang magawa kundi ang sumunod sa kanya.
Nais ko sanang bawiin ang basket ngunit inaangat niya palagi ang kamay niya para hindi ko maabot. Dahil sa galit ko ay sinipa ko ang paa niya.
"Ouch!" he exclaimed in a girly tone. I smirked evilly and took the basket from him habang nakaluhod siya at hinahaplos-haplos ang paahan niya. Nagmamadali akong tumakbo papalayo sa pwestong iyon at narinig ko kaagad ang sigaw niya.
Trees to trees, roots to roots, nagmamadali akong kumilos, nilalagpasan ang mga malalaking puno sa gubat. Sa hindi inaasahan ay naputol ang tali sa buhok ko na naka-bun ngayon kaya bumagsak ang mga ito. Its strands flew along with the wind as I ran with my utmost courage. A smile appeared on my lips and continued.
Nang tuluyan na akong makalabas ay huminto muna ako at hinabol ang hininga ko. Umupo ako sa sahig kaya napatingin ang mga tao sa akin. Binigyan ko lang sila ng 'Rock n Roll' na sign.
"Yeah!" I grinned at them. Napasinghap naman sila at nagpatuloy ulit sa pag-alis.
Napapikit ako dahil sa init na sinag ng araw. Titingala na sana ako ngunit eksaktong dumating si Anton at hinila ako patayo. Pakiramdam ko ay nahihilo kaagad ako sa ginawa niya.
I was about to say something when he immediately took the basket from me and held my wrist. Hinila niya ako at patuloy naman kaming tumakbo patungo sa mga sasakyan ng bangka, sa pier. Nagpahila nalang ako dahil medyo pagod pa ako sa kakatakbo kanina.
"T-teka..." hinihingal na sabi ko. Huminto na kami at mukhang hindi niya ako narinig dahil nagbabayad na siya ngayon para sa aming dalawa. Pinapawisan na ako kaya panay ang pagpaypay ko sa sarili ko gamit ang kamay ko.
"Dalawa po." narinig kong sabi niya.
Nang matapos ay nauna na siyang bumaba sa bangka at nag-offer ng kamay sa akin para alalayan ako. I just rolled my eyes and tried to jump but then I slipped on the mini-stairs kaya napasigaw ang mga tao na nasa lugar na iyon. Akala ko ay mahuhulog na ako sa tubig ngunit nahila niya ako papasok sa bangka kaya sa hindi inaasahan...
Nahulog ako at napaupo naman siya dahil napaupo rin ako sa kandungan niya. Napahawak siya sa magkabilang bewang ko at napahawak naman ako sa magkabilang gilid ng inuupuan niya bilang suporta.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin at natahimik kaming dalawa ni Anton, natigilan parin sa nangyari.
"Diyos ko! Ang babastos!"
"Naku, walang yatang delicadeza ang binibini!"
"Mukhang sinadya ng babae iyon, ah?"
Walang delicadeza pala, ah?
Napalunok ako at dahan-dahang tumayo. I stood up and fixed my skirt in a graceful manner. Pabebe akong tumawa sa kanilang lahat at pabirong hinampas si Anton sa balikat niya.
"Huy! Ikaw Ginoong Antonio, ah? Hindi ka na ba makapaghintay sa bahay? Ahihi!" kinikilabutan ako sa sinabi ko pero go with the flow parin, noh!
Nanlakihan ang mga mata niya akong tiningala, napaawang ang bibig. Tinignan niya ako, tila nagtanong kung bakit parang kasalanan niya. "H-huh?"
"Huwag kang mag-aalala, susulitin natin ito mamaya." malandi kong sabi at kumindat sa kanya. Hinahaplos-haplos ko ang braso niya at napatingin naman siya doon. Nang matapos ako sa acting ko ay umupo na ako sa tabi niya at tumingin sa harapan. "Pasensya na po kayo, medyo nakalimutan yata namin na nasa pampublikong lugar kami. Mag-asawa po kasi kami, parehong nasasabik na na makauwi sa tahanan namin."
He leaned in and whispered harshly. "Hoy, gaga anong pinagsasabi mo?!"
"Ahihi! Ano ka ba, baka marinig nila, mahal!" pabiro ko siyang hinampas sa braso niya at kalaunan ay niyakap ito at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. I intertwined our fingers and whispered at him. "Gago, sumunod ka nalang kung ayaw mong mapahamak tayo."
"Bakit naman tayo mapahamak—ouch!" kinurot ko ang balat ng kamay niya kaya napadaing siya. Narinig yata ng mga tao kaya nahihiya siyang ngumiti sa kanila at bumulong ulit sa akin. "Mamaya ka sa'kin, gaga ka."
"Jusko! Narinig niyo ba ang sinabi niya?" tumaas ang boses ko at nananatili parin silang nakatingin sa aming dalawa. "Mamaya raw ako sa kanya! Ahihi, wild ka pala mahal, ah?"
Nanlakihan ang mga mata niya at hilaw na tumawa. He glared at me after but then I just stared at him sweetly. "Dapat pala ay magsasanay na ako kung paano umungol ng maganda?"
"Isabelle!" gulat na sabi niya. Naptingin siya ulit sa mga tao at yumuko. "Pasensya na po sa inyo, pasensya na po talaga."
Gusto ko pa sanang magsalita ngunit agad na niyang tinakpan ang bibig ko. Nagpatuloy naman ang mga tao sa pagsakay ngunit nandoon parin ang bulong-bulongan.
***
"Nakakainis ka, kung ano-ano ang pinagsasabi mo diyan!" he rolled his eyes. Nakalabas na kami sa bangka ngayon at agad kong hinigop ang hangin at tumalon saka inangat ang mga braso ko.
"Binondo, I'm back!" napangiti ako at umiikot-ikot habang nasa gitna ko si Anton, as if trapping him inside my circle. "Binondo, here we come again!"
"Isabelle! Nakatingin ang mga tao sa atin!" salita niya at pilit akong hinawakan ngunit hindi niya ako maabot.
"Hanapin mo ang pakialam ko! Wohoo!" sabi ko nalang at nauna nang tumakbo. Napahilot nalang siya sa sentido niya at sumunod sa akin.
Malapit lang ang pansiterya namin kaya hindi na ako napagod. Saka ko na hinabol ang hininga ko nang makarating ako sa harapan ng tahanan namin. Napatingala ako at napangiti bago tuluyang pumasok sa entrance door. Sinalubong naman ako ng tatlong tao kaya napahinto agad ako sa harapan nila.
Si inay, ate Tina, at si Heneral Dominico.
Heneral Dominico?! Bakit nandito pa siya?!
"Magandang umaga po," pagbati ko sa kanya at nag-bow. Nakaupo silang tatlo sa isang lamesa ngayon.
Eksakto namang bumukas ang pintuan sa likuran ko at narinig ko ang tikhim ng kaibigan ko.
"Santisima! Bakit nandito ang magkakapatid?" hindi makapaniwalang sabi ni inay. "Mga hijo, hindi ba kayo hinahanap ng pamilya ninyo?"
"Hindi po." sabay-sabay na sabi ni Heneral Dominico at ni Anton.
"Maligayang Kaarawan, Isabelita. Bente tres ka na!" bati ni inay sa akin at tumango naman ako.
"Thanks." nag-thumbs up ako at natigilan nang magsalita ang kapatid ko.
"Kahapon ay iniligtas po nila kami, inay." serysong sabi ni Ate Tina.
"Sinabi na iyan ni Heneral Dominico sa akin kanina." nag-aaalalang tugon ng ina ko.
"Nagkakaproblema po sila sa sedula kung kaya't binayaran ko na po." dagdag ni Heneral Dominico at naglapag ng isang papel sa lamesa nila. "Kayo na po ang bahala sa mga paparating na babayarin."
"Hala!" nagulat ang ina ko at natakpan niya ang napaawang na bibig niya. "Nakakahiya naman po sa inyo, Heneral Dominico!"
"Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag ka nang mangialam?" natahimik kaming lahat nang biglang nagtaas ng boses si Ate Tina. "Ang tigas talaga ng ulo mo, ano?"
"Cristina!" sigaw ni inay ngunit hindi nakikinig ang kapatid ko.
"Sapat na ang iniligtas niyo kami kahapon. Bakit kayo nandito ngayon, ha?"
Nananatili lang na nakatingin ang kapatid ni Anton sa kanya, hindi nagsalita. Halos maluluha na si Ate Tina ngunit halatang pinipigilan rin niya.
"Ano? May masamang balak na naman ang ama niyo?"
"Ate," I warned. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ang noo.
"At ikaw Isabelita, bakit kayo natatagalan ni Ginoong Antonio?"
"Ha?" natatangang sabi ko.
At bakit nadamay pa ako?!
"Dapat nga ay hindi ka na magpapakita sa kanya dahil ikakasal na rin siya! Magkakagulo lang ang lahat kung makikita kayo ng iba, lalo na kung kasapi ang taong iyon sa mga Ylmeda. Alam na alam mo na mayayaman sila! Ano ang pwersa natin sa kanila?"
"Cristina, huminahon ka!" sigaw ni inay.
"Inay! Hindi mo ba nakikita? Hindi ba kaduda-duda ang kilos ng magkakapatid na ito?" pagtutol ni ate. "Alam na alam mo kung paano tayo naghirap noon dahil sa pamilya nila!"
"Ate Tina, tama na!" lalapit sana ako ngunit nagsalita si Heneral Dominico.
"Huwag kang mag-alala," nakatingin parin siya sa kapatid ko. "Kami ay aalis na. Hindi ka na namin guguluhin pa."
"Mabuti!" pasigaw na sabi ni ate at pumalakpak. "At huwag na kayong magpapakita muli!"
"Kuya," pagtutol naman ni Anton. Ayaw pa niya kasing umuwi.
"Tayo na," sabi ng kapatid niya at tumayo na. Nagsimula na silang maglakad patungo sa pintuan. Narinig ko naman ang buntong-hininga ng kaibigan ko bago niya ibinigay sa akin ang basket.
"Better luck next time, bes." I mouthed at him. Sumimangot lang siya.
Lalabas na sana sila ngunit sa hindi inaasahan, bumagsak ang napakalakas na ulan kaya napaatras silang dalawa. Napaawang ang bibig ko nang makarinig ng dalugdog mula sa labas. Napapikit naman si Ate Tina sa inis at napasandal sa upuan niya. Si inay ay ngumiti lang.
"Naku, paano ba 'yan, mababasa kayo kung tutuloy pa kayo. Wala pa naman kayong kalesa na dala." nahihiyang sabi ng ina ko.
"Inay!" pagrereklamo ni ate. Napasinghap ako nang hinampas niya ang kapatid ko sa balikat.
"Ano ka ba? Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" galit na sabi ni inay at tumingin sa magkakapatid. "Dito muna kayo hanggang sa tatahan ang ulan. Kumain muna tayo, nagluto ako ng pancit langlang para sa kaarawan ni Isabelita!"
Nasusulyapan kong ngumiti si Anton at lumapit sa amin habang ang kaniyang kapatid naman ay bumuntong-hininga nalang at yumuko.
Wala na kaming nagawa nang si inay na mismo ang nagbahala sa lahat. Heto kami ngayon, kasabay na kumakain ng agahan kasunod sa panahon na mukhang gabi sa sobrang makulimlim na langit. Ang malamig na hangin ay pumapasok sa bintana kaya hindi kami nakaramdam ng init dito sa loob. Magkatabi kami ni Anton at magkatabi si Ate Tina at si Heneral Dominico habang si inay ay mag-isa.
Hindi ko alam kung bakit ngumingiti ngiti ang ina ko na wala namang masaya sa mga pangyayari ngayon.
"Mukhang hindi yata hihilom ang ulan hanggang sa pagsapit ng gabi," pagpaparinig pa niya at tumingin sa labas, sa likuran namin.
"At ano ang plano mo, aber?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman ang dalawang lalaki sa akin ngunit wala akong pakialam.
"Kung maaari ay dito muna kayo sa amin. Sabagay, alam naman ng pamilya ninyo." aniya at napaawang ang bibig ko.
"Hindi pwede." agad na sabi ni ate. "Dadating si Lito mamaya."
"Wala akong sinabi na magkatabi kayong matutulog." mother retorted. Napatingin ako kay Heneral Dominico at umiigting naman ang panga niya, tila pinipigilan ang sarili. He held a tight grip on his utensils but did not utter any word.
"At ikaw naman, Ginoong Antonio, maaari kang tumabi kay Binibining Isabelita." sabi niya at halos mabilaukan ako sa kinain ko. Gulat akong napatingin sa ina ko. Si Anton naman ay natigilan sa pagkain.
"Ano po ang pinagsasabi niyo?" inay, nahihibang na ba kayo?!
"Biro lang." tumawa siya at tahimik lang kaming apat na nakatingin sa kanya.
May sakit ba ang ina ko?
"S-salamat po," tugon ni Anton kaya agad na naman akong napatingin sa kanya.
"Anong salamat?" inis na tanong ko sa kanya. "Hoy Ginoong Antonio, uuwi kayo mamaya sa gusto niyo o hindi."
"Nag-offer ang mama mo, Binibining Isabelita. Sino ako para mag-refuse?" he retaliated.
"Kung ganoon, paladesisyon ako!" sabi ko at nilunok ang nginunguya ko. "Ikaw ay uuwi mamaya."
"Paano naman kung ayaw ko?" lumabas na ang pagkabakla ng tono niya.
"Edi pipilitin kita at itutulak kita."
"Weh? Matutulak mo ba ako?"
"Ha! Ako pa!" maangas na sabi ko sa kanya. "Team coach at MVP to sa basketball. Kung bola ay kaya kong matapon, ikaw pa kaya."
"Mas mabigat ako kaysa bola."
"At mas bigat pa ang bente kilos na bigas kaysa sa'yo ngunit nakayanan kong buhatin at tadya-tadyakin." pagmamayabang ko sa kanya.
"Eh kung ikaw kaya ang buhatin ko?"
"Bakit mo naman gagawin 'yon?"
"Dahil iuuwi rin kita sa amin." sabi niya pa.
"Bakit mo naman ako iuuwi sa inyo?"
Nang maitanong ko iyon ay sabay kaming natigilan sa pinagsasabi namin. Sabay din kaming napatingin sa paligid namin at doon kami kinakabahan nang makatingin silang tatlo sa aming dalawa ni Anton. Si Ate Tina at si Heneral Dominico ay seryoso lang ang itsura ngunit si inay ay napaawang ang bibig.
Naaalala ko tuloy ang sinabi ko sa kanya kanina sa bangka.
"Huwag kang mag-aalala, susulitin natin ito mamaya."
"Pasensya na po kayo, medyo nakalimutan yata namin na nasa pampublikong lugar kami. Mag-asawa po kasi kami, parehong nasasabik na na makauwi sa tahanan namin."
"Dapat pala ay magsasanay na ako kung paano umungol ng maganda?"
Ang mamaya na sinabi ko ay ngayon at nasa tahanan na kaming dalawa ngayon...
Napailing agad ako. Erase! Erase! Bakit ko naisip ulit 'yon?! Shit!
Tumikhim si Anton. "Pasensya na po. Nadala lang po ako sa nararamdaman ko."
"Aysus! Pa-humble humble pa nga siyaa.." pagpaparinig ko sa kaibigan ko. He glared at me.
"Isabelita!" saway ni inay ngunit nagpapatuloy ako.
"Kanina pa nga, may pa- 'mamaya ka sa akin'. Sus! Nasaan na ba ang parusa mo, Ginoong Antonio? Huh?" napatingin ako sa paligid. "Dito mo ba ako paparusahan? Willing akong lumuhod. Char!"
Nanlakihan ang mga mata niya at napaawang ang bibig niya. Naglaho ang ngiti ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Pati si Heneral Dominico at Ate Tina ay nagulat at si inay naman ay napasinghap.
Agad umiling ang kaibigan ko sa kanilang tatlo. "Kami lang po ay nagbibiruan lamang. Hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Iba po ang naisip ni Binibining Isabelita."
Tangina! Bakit ang green ng utak ko?!
"Ibig ko pong sabihin ay paparusahan niya po ako tapos luluhod po ako habang pinapalo-palo niya ang pwet ko!" pagdadahilan ko ngunit mas lalong nanlakihan ang mga mata nila.
Napapikit nalang si Anton at napasandal sa pwesto niya. Kumunot ang noo ko ngunit nang mapagtanto ko ulit ang sinabi ko...itinikom ko nalang ang bibig ko at mariing napapikit. Hindi na pala ako bata para paluhan sa pwet.
Shet.
***
Tama nga ang hinala ni inay, hindi pa tumahan ang ulan kaya bukas na makauwi ang magkakapatid sa kanila. Si Kuya Lito ay hindi dumating hanggang sa maghapon at hanggang sa gumabi na. Papalakas ng papalakas ang pagbuhos ng tubig mula sa langit at halos mababaha na ang lugar namin.
Kaya ang nangyari, si Heneral Dominico ay natulog sa kwarto ni inay, si Ate Tina at si inay ay magkatabi, at ako naman at si Anton ay magkatabi na matutulog ngayon. Wala naman akong reklamo, so chill lang! Sanay na rin ako na makatabi ang kaibigan ko dahil noon ay mahilig siyang mag-house over lalo na't nasa business trips ang ama niya.
Nasa kuwarto na kami ngayon at kakatapos ko lang maligo at magtoothbrush. Naligo pa si Anton sa ibaba at nagpapahiram naman ng damit si inay dahil may extra kami na panlalaki.
Nakatayo lang ako sa harapan ng salamin at nagsusuklay sa buhok ko. Wala akong imik at nag-oobserba sa repleksyon ko. Suot ko ngayon ang puting bestida na pantulog kaya komportableng komportable ako.
Naaalala ko tuloy ang sinabi ni Avila tungkol sa salamin na ito.
"This mirror may not help you with your mission, pero ito ang tanging dahilan kung bakit kayo nandito, sa misyong ito. This will be with you throughout the whole journey. As what they say, mirrors are also called doorways to the past."
Bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Anton na pahid ng pahid pa sa buhok niya gamit ang towel. Nakasuot na siya ng komportableng pantulog nang pumasok siya at isinarado ang pinto. He twisted the lock and hurriedly jumped to the bed. Komportable rin siyang humiga.
"Avila ang pangalan niya, Anton."
"Hmm?" tanong niya na nakapikit.
"Avila ang pangalan ni Valak."
"Ahh..." tumatango-tango siya. "Pa'no mo nalaman?"
"Sinabi niya."
"Kailan?"
"Matagal na. Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo."
Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ng isang malakas na dalugdog mula sa labas ng bintana. Napamulat rin ng mga mata si Anton at umupo na siya sa kama. Pareho kaming napalingon doon.
At sa hindi inaasahan, narinig namin ang kampana ng simbahan. Dahan-dahan kaming nagkatinginan sa isa't isa at nagsalita naman ako.
"Plegarya?"
"Anong plegarya?" tanong ni Anton sa akin. "Bes, hanggang alas-dies lang ng gabi ang plegarya. Alas onse na ngayon."
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa tugon niya. Nararamdaman ko ang pagsitayuan ng balahibo ko at nanlakihan rin ang mga mata ko.
"H-huh?" kinakabahang tanong ko.
Nang hindi sumagot si Anton ay may narinig akong isang boses ng babae na nagsalita.
"El pasado esta cambiando..."
Napaawang ang bibig ko at napatingin sa kaibigan ko. "Gago, narinig mo 'yon?!"
Kumunot ang noo niya at tumayo, nagmamadaling lumapit sa akin. "Gaga! Ano 'yon?!"
"Umusog ka nga!"
"Ayaw ko natatakot ako!" sabi pa niya at kumapit sa braso ko.
Ilang araw na kami dito at mag-iisang buwan na ngunit takutin parin kami minsan sa misyon namin! Sino ba kasi iyon?!
"El pasado esta cambiando..."
Kumunot ang noo ko nang marinig kong nanggagaling ang boses na iyon sa likuran ko. Sabay naman kaming tumalikod at tumambad sa amin ang salamin.
"The voice was here. I heard it from here." seryosong sabi ko at doon naman dumalugdog ulit ngunit kasabay na ang pagkidlat sa labas. Napaawang ang bibig namin sa nakita.
The infinity mirror effect is back again! But this time, isa nalang ang salamin!
Akala ko ba'y hindi iyon gagana kapag hindi magkatinginan ang dalawang salamin? Isa lang ang sa kuwarto ko ngayon pero nandoon parin ang effect. What the hell is happening?!
"El pasado esta cambiando..." that voice was from inside the mirror!
"Shit..." Anton cursed. Nawala na ang pagkababae ng boses niya at sumeryoso na siya ng tayo.
"B-bakit? Ano ba ang m-meron?" kinakabahang sabi ko.
"I could somehow understand what she's saying..." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya.
"Ano ba ang ibig sabihin no'n?"
Tumingin siya sa akin at nagsalita.
"The past is changing." aniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top