Kabanata 12

Nang patuloy pa rin akong umiiyak ay nilapitan kaagad ako ni Anton at ibinaba ang rifle na hawak niya. He knelt in front of me and hugged me tight. Hinahaplos-haplos niya ang likod ko at isinubsob ko naman ang mukha ko sa balikat niya. Umangat ang mga kamay ko at niyakap siya pabalik.

"Shh...tahan na." he said, comforting me.

"A-anton, salamat..." humahagulgol ako. Napakalakas ng ulan kaya halos hindi na kami magkakarinigan sa isa't isa.

"Tumayo na tayo, sige na." he encouraged. Tumango ako at nauna naman siyang tumayo. He offered his hand kaya tinanggap ko na rin at sumunod sa kanya.

Nang magsimula na kaming maglakad, nauna si Heneral Dominico na buhat si Ate Tina na wala pa ring malay hanggang ngayon. Madalas akong mapahilamos sa aking mukha dahil sa bawat pagbaksak ng ulan. Nasa harap ko si Anton at nakasunod lang ako sa kanila dahil ayaw kong umuwi mag-isa. Nagtataka ako kung bakit magkahawak pa rin ang mga kamay namin. He doesn't have plans on letting go kaya hindi nalang din ako nagrereklamo.

Napahinto ako at nabitawan ko ang kamay niya nang mararamdaman kong nasira ang bakya ko. Napatingin naman siya sa akin ngunit umiling lang ako sa kanya.

"Mauna ka na." sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"What are you talking about?" seryosong tanong niya sa akin.

"Uhm, nasira kasi ang bakya ko." sabi ko at lumuhod para tanggalin ang dalawang pares. Nakapaa na ako ngayon sa harapan niya. "Ta-da!" I showed him my feet. "Nasira yata sa pagtakbo ko kanina, tsk." napakamot nalang ako sa noo ko at nagsimula nang maglakad.

Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinablot ang papulsuhan ko. Napatili ako nang hinawakan niya ang ilalim ng paa ko at binuhat ako kaya agad akong napahawak sa leeg niya bilang suporta. His other arm held my waist by support too.

"Kaya ko naman, Anton!" pagrereklamo ko at pilit na bumaba ngunit mas diniinan lang niya ang paghawak sa akin. Nagsimula na siyang maglakad.

"You might step on something." tugon niya.

"Baka mabigat ako, ano ba!"

"Tss." he said and shook his haid. "Hindi naman. Ang gaan mo nga."

Natigilan ako at hindi na nagsalita saka nag-iwas ng tingin. This is the first time na nag-insist siyang magbuhat sa akin. It just feels so weird. Noon, diring-diri pa nga siya pero ngayon, mukhang nawalan na siya ng choice.

Then I faced him again. Nakatingin lang siya sa harapan na walang emosyon. His appearance is super manly, like ibang iba sa ugali niya. He has this protruding brows, tall pointed nose, and luscious lips and clenching jaws. Oo, pareho silang gwapo ni Faulicimo pero mas nagagwapuhan ako sa kaibigan ko. Siguro, advantage na rin ang pagkakakilala namin ng ilang taon.

"Napipilitan ka, noh?" hindi ko na napigilang magtanong sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"Ang alin?"

"Ang buhatin ako." I said without hesitation. "I can walk by my own, you know. Pwede mo naman akong ibaba."

He scoffed. "Bakit mo naman naisip 'yon?"

"Isn't it obvious? You weren't like this before. First time mo itong ginawa sa akin, bes. Naaalala ko pa nga noon, noong magkasama tayong naglalakad sa gilid ng daan tapos napilayan ako sa basketball ay hindi mo ako inalalayan, kahit piggyback lang sana. Tapos ngayon, ikaw pa ang namimilit na buhatin ako. Ano 'to, show off sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi ko alam ang dahilan niya pero nakaramdam ako ng irita.

"Ibaba mo ako." I said in finality.

He did not utter a word and continued walking. Gumagalaw-galaw ako ngunit wala pa rin siyang plano na bitawan ako.

"Anton! Ibaba mo ako! Hindi ako napipiliyan!"

Dahil sa sobrang likot ko ay mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin at idiniin ako sa kanya kaya aksidente kong nahalikan ang pisngi niya. Doon naman siya huminto sa paglalakad at nanlakihan ang mga mata niya na napatingin sa akin. Sumimangot ako.

"Ayan kasi! Sinabing bitawan mo ako, eh!" pagdadahilan ko. Narinig ko ang nahihirapang paglunok niya at kasunod naman no'n ang biglang pagtibok ng puso niya.

We stared at each other for a while. His gaze went down from my eyes up to my lips. Nagtagal ang titig niya sa labi ko at napalunok ulit.

"Baba mo ako, Anton." sabi ko sa kanya at mukhang doon naman siya natauhan.

Napasinghap nalang ako nang iniba niya ang paraan ng pagbuhat sa akin. Para akong isang sako nang nakasablay ang kalahating katawan ko sa likuran niya at ang isang kalahati ay nasa harap niya. Napahawak ako sa likod niya at napasigaw.

"Anton! Ano ba!"

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ang kanyang mga braso ay nakayakap na sa pwet at paa ko. Tangina, hindi ko kailanman naranasan ang binuhat ng ganito. Makikita ko lang to sa mga teleserye. Pakiramdam ko ay napunta sa utak ko ang lahat ng dugo ko!

Panay ang pagreklamo ko hanggang sa makarating kami sa dalawang kubo sa gitna ng gubat. Kami lang ang tao doon at naunang pumasok sina Heneral Dominico sa isa. Medyo malaki rin ito at pumasok si Anton sa kabila, dala-dala ako. Napahawak pa rin ako ng mahigpit sa mala-guardia sibil na suot niya dahil natatakot akong mahulog, lalo na nang umakyat siya sa limang steps ng hagdan patungo sa pintuan.

The rattan door creaked as he pushed it and continued walking inside. Madilim ang paligid nang huminto siya at dahan-dahan akong binuhat para ibaba sa sahig. Napakapit ako sa damit niya nang mas inangat pa niya ako sa hangin. Ano 'to? Dawn Zulueta lang ang peg?!

"Bumitaw ka, bes!" pagrereklamo niya. "Akala ko ba'y gusto mo nang bumaba?"

Nang tuluyan na niya akong maiangat ay bigla akong nagpupumiglas, dahilan para mahulog ako pahiga nang nakakapit pa sa kanya. I braced for a hard impact on my head dahil akala ko'y mahiga ako deretso sa sahig ngunit natigilan nalang nang makaramdam ako ng kama sa pagkahiga ko. Dahil hawak ko pa siya ay nadala ko siya sa pagkahiga ko at nasa itaas ko na siya ngayon. Nagtama ang ilong naming dalawa at ilang sentimetro nalang ang pagitan ng mga mukha namin. His hands are still in my waist at nakatukod naman ang isang tuhod niya sa kama kaya hindi kami nagkadikit nang tuluyan.

Halos matigil siya sa paghinga dahil sa nangyari sa amin ngayon. Pasimple ko siyang itinulak kaya nahiga siya sa gilid ko. Habol ko pa ang hininga ko nang umupo ako sa kama. Good thing there's a bed here!

Chill lang akong tumayo at hinawi ang mga luha ko mula kanina. Nang makita ko ang isang hindi nakabukas na lampara sa isang maliit na lamesa ay pinuntahan ko iyon. May posporo sa gilid kaya sinindihan ko nalang ng tuluyan. Nang umilaw na ay doon ako napasulyap ulit sa kaibigan ko. Nasa kama pa rin siya at nakatulalang nakahiga, halos hindi gumalaw. Umawang ang bibig niya ng kaunti at parang hindi na humihinga.

"Bes?" tanong ko. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Nasa paahan niya ako at wala sa sarili kong niyugyog ang paa niya. "Hoy, tumayo ka diyan. Mababasa ang kama."

Ngunit sa hindi inaasahan, napatalon ako sa gulat nang bigla siyang umupo at hinila ako gamit ang papulsuhan ko kaya napahiga na naman ako sa gilid niya. He went on top of me at ikinulong ako sa magkabilang gilid gamit ang kaniyang mga braso. His head tilted a bit as he leaned on a bit closer to my face. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya!

"A-anton, anong g-ginagawa mo ngayon?" nauutal na ako sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon.

"Isabelle," his voice was hoarse and raspy. "Did you...do that on purpose?"

"Huh? Ang a-alin ba?" naguguluhang tanong ko.

Droplets of water from his hair fell on my face. He looked so hot kapag nagugulo ang buhok niya. Gusto ko sanang ayusin pero mukhang naiiba siya ngayon.

"You grabbed me with you here earlier. It might not be a big deal but...why do you keep making me feel hot? Hmm?" he said and slowly lifted his palm just so he could caress my face. Mas kinilabutan ako nang mararamdaman ang mainit niyang palad.

"P-paki ko. Karamdaman mo 'yan. H-hindi sa akin." nauutal na sabi ko at pilit siyang itinulak. Hinawakan ko ang tiyan niya ngunit hindi iyon natuloy nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay iyon sa magkabilang gilid ng ulo ko. Mas nagulat ako dahil doon. "Anton, a-ano b-ba..."

"My heart would beat so fast. Hindi naman ako ganito noon. But then, the moment you kissed me the last time, my patience and control have been tainted. Araw-araw ko na iyon iniisip Isabelle. Why would I do that? Why would I think of you everyday, and why would I want...to kiss you again?"

"Huh?!"

"What have you done to me?" he said in a dark, brooding voice.

"Hindi ko alam!" I defended myself. "Bakit ako ang tinatanong mo?"

Then he stared at my lips again! "Can I...kiss you?"

Napaawang ang bibig ko at iyon naman ang kinuhaan niya ng pagkakatapon para halikan ako. Nanginginig ang kaniyang labi, hindi ko mawari ang dahilan. Napasinghap ako sa gulat sa oras na magkadikit ang mga labi namin. My eyes are were wide open na nakatingin sa kanyang nakapikit. What the!

But then, nang iginalaw na niya ang mga labi niya ay nakaramdam ako ng panghihina. Its as if my resistance is slowly fading.

Napakapit ako sa matitipunong braso niya at tuluyang napapikit na rin. I tried moving my lips. That was the moment he groaned then kissed me deeper. Nararamdaman kong binitawan niya ang mga kamay ko kaya ipinalibot ko ang mga braso ko sa batok niya at sumabay sa malalim na halikan. His hands are now caressing my waist as we shared a kiss that's fathomless and immeasurable.

He then initiated to stop after a while. Nagkadikit ang mga noo namin habang habol ang hininga. My mouth parted a bit when he smiled at me and kissed my forehead.

"Thank you." he whispered and stood up, leaving me on the bed, speechless of what happened. That was my second kiss! Oh my gosh! May gusto na ba siya sa akin—

"Bes!" napatalon ako sa gulat. Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong kanina pa pala nakatayo si Anton doon saka nakahalukipkip. "Hindi ka pa ba gagalaw diyan?"

"Huh?" I sounded lost. What did I just imagined about?! "Hindi ba't..."

"What? Nakatulala ka lang diyan habang nakahiga. Wala ka bang plano na magbihis?"

Napatingin ako sa sarili ko at nakahiga pa ako ngayon. Akala ko ba'y naghalikan kami? Bakit iba na ang suot ni Anton? Hindi ba't nababasa rin siya?

"H-humiga ka ba dito, kanina?" tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Huh? Bakit naman ako hihiga diyan? Haler, nabasa kaya ako kanina. And its very uncomfortable, noh! Kaya nagbihis ako kaagad nang maibaba kita diyan sa kama." he rolled his eyes. "Kung ano-ano ang iniisip mo diyan. Bakit? Nag-iimagine ka bang humiga ako sa kama kasama ka, ganon?"

"A-akala ko kasing n-naghalikan tayo..."

Napaawang ang kaniyang bibig at nanlakihan ang kanyang mga mata. "Santisima! What are you talking about? Tayo? Nagki-kiss?"

"Hindi ba?"

"Tch, over my dead body, bessy!" he shivered. "OMG, pinagnanasaan mo na ang kaibigan mo! Bakit mo naisip 'yon?"

"Hoy! Hindi ako nagnanasa sa'yo, ah!" tumayo na ako sa kama at padabog na umalis. Tumawa lang siya ng malakas at hinayaan ako.

Tangina! Akala ko talagang totoo 'yon! Kakahiya!

***

Nakapagbihis na kami pagkatapos dahil may extra palang dinadala ang magkakapatid. May dinala silang maid dito sa kubo at may extra na mga baro't saya. Nandito kami ngayon sa kubo ni Ate at ni Heneral Dominico. Nasa kama si Ate Tina at wala paring malay habang si Heneral Dominico naman ay nakaupo sa gilid niya at hinahawakan ang kamay niya. Madilim na ang gabi at hindi kami maaaring makabalik dahil sa mga nakabantay na mga guardia sibil sa labasan ng gubat na ito.

Nasa likuran nila ako, nakatayo sa gilid ng bintana at tahimik na nakatingin sa kanila, hinihintay ang paggising ng kapatid ko.

"Huwag kang mag-aalala. Maayos na ang kalagayan ng kapatid mo. Siya ay ipinasuri ko sa doktor ko," biglang sabi ni Heneral Dominico.

"Salamat po at pasensiya na rin sa abala." malumanay na tugon ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Bakit ba kayo hinabol ng mga guardia sibil?"

Napayuko ako. "Tumakas kami dahil hinahanap nila ang mga sedula namin. Sabi ni Ate Tina, wala raw kaming sedula dahil hindi pa kami nakabayad ng buo sa mga utang, lalo na sa pansiterya. Nakita kami ng ilan sa kanila at akala nila siguro'y may masamang balak kaming ginagawa kaya hinabol nila kami hanggang Intramuros. Napadpad kami dito dahil wala na kaming matatakasan."

"Nasa listahan ba ang apilyedo niyo?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Opo. Natatakot kami dahil iyong una na tinawag, binaril agad sa ulo dahil wala rin siyang sedula."

Natahimik siya kaya nagpapatuloy ako.

"T-tapos no'ng hinabol na kami dito sa gubat ay aksidenteng nadapa si ate. Ayaw na niyang magpatulong dahil halos hindi na niya kayang tumayo. Malalim ang sugat niya sa paa. Sinabi niyang mauna na ako."

Bumuntong-hininga si Heneral Dominico. "Mabuti nalang at nakita namin kayo. Ibig naming mamasyal sa Intramuros kasama ang mga Ylmedo subalit sila ay nauna na nang makita namin kayong hinahabol ng mga guwardia sibil."

"Pasensya na po talaga sa abala."

"Wala lang iyon." aniya habang nakatingin parin kay Ate at hinahaplos-haplos ang kamay nito. "Kung maaari ay iwan mo muna kami dito. Nais ko sanang magpakaisa kasama siya."

Dahan-dahan akong tumango at lumabas na sa kubo nila. Marahas akong bumuga ng hangin nang mag-angat ako ng tingin. Gabi na at natatanaw ko dito ang mga bumubusilak na bituin. Sa paligid ko naman ay maraming alitaptap na nagsiliparan sa madilim na paligid, nagbibigay ilaw sa alas-otsong oras ngayon.

Kumusta na kaya si inay doon sa pansiterya? Hindi niya ba kami hinanap?

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang isang pagkalas ng baril sa gilid ko. Napatingin ako doon at nakita ko si Anton na nag-aayos sa rifle niya. Pinapahiran niya ito dahil nabasa sa ulan kanina. Kaya nilapitan ko siya.

"Marunong ka na palang gumamit niyan, ah?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Natuto lang,"

"Kailan?"

"Hindi ko na maalala." aniya at nagpatuloy sa pag-ayos. "Tapos, days after, tinuruan mo ako ng pagsakay ng kabayo. So I'm probably learning a lot." he then chuckled.

Tumabi ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa itaas namin na matatanaw ang buwan nang lumingon siya sa akin. Plano ko lang sana ang tumahimik ngunit bigla nalang siyang tumawa. Nang lumingon ako sa kanya ay napailing siyang nag-ayos sa baril niya. He even bit his lip to stop himself from chuckling.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" mataray na tanong ko.

"Naalala ko ang reaksyon mo kanina. You looked so lost."

"Shut up."

"Hindi ka naman nagbibiro kanina, diba? Nung sinabi mong...nananaginip kang hinalikan raw kita?"

"Sa tingin mo ba'y magbibiro ako ng ganoon?" tanong ko pabalik. "Saka, hindi ko naman sinasadya, eh! Kasalanan ko ba na nananaginip akong hinila mo ako sa kama tapos hinalikan mo ako kasi gusto mo?"

Akala ko'y mandidiri siya sa sinabi ko pero seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Huminto siya sa pag-aayos ng baril niya at hindi nagsalita.

"Oy, hindi ibig sabihin na nagugustuhan kita ulit, ah? Noon lang kita crush. Ngayon, hindi na. Nagkakataon lang 'yon!"

He smirked. "I did not ask for your explanation, bes."

Natigilan ako at pasimpleng umirap. "Alam ko. Mahirap na kung hindi ko masabi ang side ko."

Nang masabi ko iyon ay may dumayo na alitaptap sa ilong niya. Ngumiti siya at pinagmasdan lang iyon, hindi ginalaw. Napangiti rin ako.

"Alam mo ba ang simbolo ng alitaptap?"

"Light? Hope?" he guessed.

"Yeah...but there is something else,"

"What is it?"

"Passion and Love."

"Huh?" kumunot ang noo niya. "Paano 'yon naging passion and love?"

"Well, fireflies glow to attract mates. This reminds us that if we want to attract good stuff, we have to shine brightly. Mahahalintulad natin ito sa pag-ibig  especially in a fleeting moment where two people meet during mating season or kapag na-eenjoy natin ang company ng bawat isa under a starry night sky."

"Tulad nang ginawa natin ngayon?"

"Hindi naman tay nagme-mate." wala sa sariling sabi ko.

"Gusto mo?" biro niya pa.

"Ikaw bahala." pagbibirong tugon ko rin at sabay naman kaming humahalakhak. "De joke lang. Ikaw bes, ah? Milagro, hindi ka na nandidiri sa mga biro kong ganito."

"Hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako nandidiri." tugon niya at agad naglaho ang ngiti sa labi, na para bang may napagtanto siya.

"Uy, delikado ka na." pagbibiro ko at mas lalong tumawa. Umiling lang siya at bumalik sa trabaho niya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril mula sa malayo. Napatalon ako sa gulat. Si Anton naman ay kalmadong tumayo at hinila ako papasok sa kubo naming dalawa. May sinabi siya sa kapatid niya sa kabilang kubo at nang makapasok na siya sa amin ay agad niyang pinatay ang lampara namin kaya pumalibot ang kadiliman.

Dahil sa kaba ko ay nahihirapan akong huminga. I could still remember how that man chased me until he got in my way. I could still remember the loud gunshots, the spanish cusses they'd make, and their creepy faces. Mas nanginginig na ang kamay ko ngayon.

"Isabelle," hinawakan ako ni Anton sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Siguro ay nakikita niya na kinakabahan ako at nararamdaman niya ang lamig sa kamay ko dahil sa takot.

I shook my head. "O-okay lang ako, Anton."

"Huwag kang mag-aalala, nandito ako."

"Kaya kong protektahan ang sarili ko." pagpupumilit ko na para bang ang lakas ko pero bumuntong-hininga lang siya.

"You don't need to pretend, bes. Hindi ka bagay maging aktres." he rolled his eyes.

Magsasalita pa sana ako nang agad niyang tinakpan ang bibig ko. Doon namin narinig ang mga papalapit na kaluskos ng dahon kaya mas kinakabahan ako. Nasa likuran ko si Anton habang nakayakap ang isa niyang kamay sa bewang ko at ang isa naman ay nasa bibig ko.

"Aquí hay una cabaña!" (there's a hut here!)

"Ve a buscar a las dos damas." (go look for the two ladies)

Natatakot ako sa mga boses nila at natataranta na ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong luha. Alam kong pumapatak iyon sa palad ni Anton na nakatakip sa bibig ko dahil narinig ko ang mahinang pagmura niya. Agad niya akong ipinaharap sa kanya at niyakap ng mahigpit. Naisubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at tahimik na umiyak habang niyakap siya pabalik.

Kalaunan, nang nasa harapan na ng kubo ang mga yapak nila ay may narinig akong sigawan at barilan. Pumikit nalang ako at pilit hindi iniintindi ang nangyayari sa labas. Nang ilang sandali ay tumahik na kaya dahan-dahan akong hinila ni Anton papunta sa bintana at binuksan iyon. Nakita naming nakahiga na ang tatlong guwardiya sibil sa sahig at si Heneral Dominico na hawak ang kaniyang pistol. Hiningal pa siya nang ibinalik niya ang sariling baril sa bulsa. Lumingon siya sa gawi namin at tumango sa kapatid niya.

Naiwan ako mag-isa nang bumitaw si Anton at sinindihan ulit ang lampara namin. Nakatulala lang ako pero patuloy paring umaagos ang luha ko.

"Kasalanan namin, Anton." mahinahong sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at umupo sa kama.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"K-kasalanan namin. Hindi kami nagbabayad ng buwis dahil wala kaming sapat na pera. Dapat sana ay hinarap nalang namin iyon. N-nadamay tuloy k-kayo..." Napapikit ako nang masabi ko 'yon. "Pumatay k-kayo dahil sa amin. Dapat hindi niyo na ginawa iyon."

"At ano, magpapakamatay ka?" seryosong tanong niya.

"Ganoon kasi, eh."

"Isabelle, hindi tayo nabigyan ng misyon upang mamatay. Susuko ka na agad?" hindi na niya naiwasang magtaas ng boses. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Ano pa ba ang magagawa ko?" my voice broke. "Anton, mahirap lang kami. Wala kaming magawa dahil wala namang patas sa oras at lugar na ito! Hindi kami mayaman tulad ninyo kaya wala rin kaming choice kundi ang magpapakumbaba nalang! Walang hustisya ang mga mahihirap d-dito..."

His teeth gritted.

"Madadamay kayo sa problema namin, mas mabuti nalang kung huwag na kayong sumali pa—"

"Nababaliw ka na ba?" pinutol niya ako. "Isabelle, wala akong pakialam kung masisira ang reputasyon ko. Wala akong pakialam kung madadamay ako sa problema niyo. Ang mahalaga sa akin ay ligtas tayong makauwi sa panahon natin!"

Napatingala ako at napatitig sa kanya.

"Dahil hindi naman talaga tayo tagarito." aniya at hinawakan ang kamay ko saka hinahaplos iyon. "Dapat ay magpapakatatag tayo, hmm?"

"Paano kung...may isa sa atin ang maiiwan?"

Kinakabahan ako sa sariling tanong ko. Alam ko namang hindi na kami makakabalik sa panahon namin kung magkakataon.

Umiling siya. "Gagawin natin ang lahat upang maiwasan iyon. Ngunit kung ganoon na nga, ikaw ang ipapauwi ko doon."

"Gago," nanghihinang sinuntok ko siya sa dibdib niya. "Ikaw ang ipapauwi ko doon."

"Mas mabuti kung tayong dalawa." he rephrased. Dahan-dahan naman akong tumango.

"T-tama."

"Basta, ipapangako natin sa isa't isa," aniya at hinawakan ulit ang kamay ko. "Na sabay tayong uuwi. Malalagpasan din natin ito, okay?"

Ngumiti ako. "Pangako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top