Kabanata 11
Nagkatinginan kami sa isa't isa habang dikit na dikit ang labi naming dalawa. Nararamdaman ko ang mahigpit niyang hawak sa bewang ko na di inaasaha'y mahigpit dahil sa sobrang gulat. Nang magising ako sa realidad sa posisyon namin ay agad akong tumayo at hinabol ang hininga. Napahawak ako sa labi ko at nag-iwas ng tingin.
Naibaba niya ang mga braso niya sa damo at marahas siyang napabuga ng hangin habang nakatingin sa mga ulap. Tulala pa rin siya at nakaawang pa ang mga bibig niya. Halos hindi na siya gumalaw sa pwesto niya.
Nang hindi kami nag-iimikan sa isa't isa ay may narinig akong kaluskos ng mga damo kaya napatingin ako sa likuran ko. Nanlakihan ulit ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang makitang papalapit na si Don Miguel Riguiarios. Hindi niya kami nakita dahil may kausap siyang hardinero sa gilid niya kaya ginamit ko kaagad ang oras na 'yon para hilain si Anton sa pagkahiga at ipinatayo siya. Nagulat siya sa pagkahawak ko at halos mapatalon.
I held his hand tight as I grabbed and pulled him at the back of the tree. Doon kami nagtago. Hindi ko sinadyang itulak siya ng malakasan kaya marahas rin siyang napasandal sa balete tree. He groaned and shut his eyes.
"I-I'm sorry!" I exclaimed in a whisper tone.
Dahil natatakot ako na baka makita ako ng ama niya ay sumandal ako sa dibdib ni Anton. I leaned my head on his chest as I tried to calm my rugged breathing. Napamulat naman siya ng mga mata niya at napayuko kaya sadyang...
Nagkatinginan na naman kami sa isa't isa.
There it is.
Here I am again, lost in his stares, wandering what my feelings for him could express.
"B-baka mahuli tayo bes. Sinisigurado ko lang na ni isang anino ay hindi niya m-makikita." dahilan ko, nauutal pa.
Narinig ko ang paglunok niya at halatang hindi siya mapakali. He held both sides of my waist and gently pushed me away.
"B-bes, lumayo ka m-muna..."
"Huh?" naguguluhang tanong ko. "Hindi pwede. Mahuhuli tayo."
Hindi ako nakikinig sa kanya at niyakap siya ng mahigpit ulit. Parang nawalan siya ng lakas dahil wala rin siyang choice.
"Bakit ba tayo nagtatago?" inis na tanong niya.
"Kasi hindi pa nga ako pwedeng magpakita sa ama mo." tugon ko. He groaned in annoyance.
"Bakit naman?"
"Basta."
"Edi ako ang lalabas. Dito ka muna." aniya at akmang na itutulak ako ngunit hindi ako nagpapatinag at umiling lang.
"Huwag mo akong iiwan dito!" pabulong na singhal ko at mas sumandal sa dibdib niya.
Bakit parang ang lakas ng tibok ng puso niya?
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Kinakabahan ka ba?"
He shut is eyes and tried to push me away. "Bes! Ano ba—"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. I immediately covered his mouth. Nanlakihan ang mga mata niya nang inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa mukha niya. Tumingkayad pa nga ako para magawa ko 'yon. I gave him a death glare.
His hands holding my arm as if stopping me feel so hot. Mukhang kinakabahan yata siya. Wala naman akong gagawin, ah?
"Nasa mabuti po na kalagayan ang distribusyon ng mga baril at punglo, Don Miguel. Hindi niyo na po kailangang mabahala." narinig ko ang boses ng hardinero kaya natigilan ako.
Napasulyap ako sa gilid ko at nakita kong huminto sila sa paglalakad at ngayon ay nasa harap na sila ng gate patungo sa mga bulaklak. May hawak si Don Miguel na isang kuwintas na orasan na kulay ginto at tinitignan niya ito, tila nagbibilang ng ilang segundo. Bumuntong-hininga siya at tumingin sa hardinero.
"Balita ko ay nagkakaproblema...at hindi niyo sinabi sa akin." seryoso niyang sabi.
Pilit na tinatanggal ni Anton ang kamay ko sa bibig niya kaya wala akong nagawa kundi ang bumitaw. May sinabi siya sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan.
"Maliit po ang nakuha nating porsyento sa hati-hatian ngayong taon, Don Miguel. Si Heneral Dominico ang nakikipag-ugnayan sa Kapitan Heneral. Nais niyang bawiin ang mga nawala sa atin. Mukhang hindi po maganda ang magiging kahinatnan nito. Kagaya ng nangyari noon." napailing ang hardinero at napayuko.
Huh? Ano daw?
"Bes, nakikinig ka ba?" tanong ni Anton sa akin kaya inis ko siyang tinapunan ng tingin.
"Shh!" I put my index finger in my mouth.
"Tsk!" napailing din si Don Miguel. Eksakto namang may dumating.
Si Heneral Dominico Riguiarios!
"Ika'y nahuli sa nakasaad na oras!" Don Miguel exclaimed.
Yumuko naman si Heneral Dominico sa harapan niya at nag-bow.
"Patawad ama."
"Huwag mong sabihin sa aking itinuloy mo ang ugnayan?" galit na tanong ng ama.
Umiling ang kapatid ni Anton. "Hindi po."
"Salamat sa Diyos!" napabuga ng hangin ang matanda at kalaunan ay ngumiti.
"Mahirap ang problema natin ngayon, ama sapagkat marami ang nasa kalagayan ng kaparusahan lalo na ang mga indio at intsik. Nabalitaan ko, sila raw ay hindi bumabayad ng mga buwis. Hindi ganoon karami ang nakukuha ng pamahalaan pagdating sa salapi. Ang iba ay nagmamatigas ng ulo, pinunit ang sariling sedula. Dahil rin dito ay naaapektuhan ang negosyo natin."
Tumingin si Don Miguel sa hardinero. "Ikaw ay maaari nang umalis. Gracias."
Tumango naman ang lalaki at nag-bow muna bago naglalakad papalayo sa kanila. Doon naman nagpapatuloy si Heneral Dominico.
"Ito ang naging isa sa mga dahilan maliban sa korupsyon ng monopolyong tobako na nagsimula noon pa man."
"Hindi ba't iyan ay tapos na?"
"Sana nga. Kahit na ay hindi na ganoon kalala ang pangyayari, nagpapatuloy pa rin ito hanggang ngayon."
"Dapat ay hatiin nila ang naipon na mga salapi! Por el amor de Dios! Magkaiba ang negosyong pagkain sa negosyong kagamitan! Kung sana ay mas inuna pa nila ang mga problema sa lipunan at sa ekonomiya kaysa sa simbahan!" napahilot si Don Miguel sa kaniyang sentido at napapikit sa inis.
"Nangangailangan rin ang simbahan ng salapi. Sila ay nangangailangan ng pondo at imbentaryo para sa pagpapaggawa ng mga simabahan at bahay-paaralan o di kaya'y isang unibersidad mismo."
"Ibig sabihin ba ay humihingi sila sa pamahalaan?"
"Madalas ay sa taong bayan lamang ngunit...iyan ay hindi imposible lalo na sa oras ng pangangailangan, ama. Katulad ng aking iginiit kanina, may ugnayan ng hatian sa batas. Kahit na kaaway o kakampi, dapat silang magkaisa sa oras ng kahirapan."
"At ibig sabihin ba ay tapos na ang distribusyon? Wala na bang ibang pagkakataon?"
"Sa ngayong taon, maliit lang ang ating pondo. Sinubukan kong hikayatin ang Kapitan Heneral, ngunit ako ay nabigo. Siya ay may paninindigan sa bawat salita at lagda. At isa rin, marami rin ang naaapektuhan na mga negosyo, lalo na sa mga hindi masyadong mahahalaga. Mabuti nalang at nasa gitna tayo ng kolonisasyon ngayon. Kinakailangan ng karamihan ang mga baril at punglo, na ang nag-iisang pinakamalaking bentahan natin, mapa-pribadong sektor man o pampubliko."
"Maliban doon, napakatigas rin ng ulo ng mga indio at intsik. Ano? Ipinunit nila ang kanilang sedula? Dahil sa anong dahilan?"
"Hindi lahat ang may pribilehiyo ama. Karamihan sa kanila ay nahihirapan sa pagbayad ng mga buwis."
"Kung ganoon, pagsabihan mo ang ina mo na ipagdarasal sila. Na sana ay wala nang mahirap sa Pilipinas dahil nahihirapan din tayo sa kanila. Nadadamay pa ang negosyo natin." pagbibiro ni Don Miguel.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi nila. Napatingin ako kay Anton. Tumaas ang kilay niya, halatang hindi nakikinig sa kapatid at ama niya.
"Kumusta naman ang bentahan natin sa mga bulaklak, palay at gulay kung ganoon?" tanong ng ama nila.
"Nasa mabuting kalagayan." tugon ni Heneral Dominico. Their father nodded in relief. "Ipinababa rin nila ang bilihin ng mga asukal, tobako, at kape."
"Ang mahalaga ay hindi iyon nagalaw kailanman, mahirap na."
"Ano ang pinag-uusapan nila?" tanong ko kay Anton. He rolled his eyes.
"I wasn't listening." tugon niya. Sumimangot ako.
"Ako rin ay nag-aalala sa kapatid mo. Simula noong siya ay naaksidente sa pagsasakay ng kabayo ay halos wala na siya sa tamang pag-iisip. Ayaw rin niyang magpapagamot." napalingon ulit ako sa gilid ko nang magsalita ang ama niya. Natigilan rin si Anton at umayos ng tayo, mukhang nakikinig na.
"Naniniwala naman ako sa kanya, ama. Mas mabuti kung hayaan na natin siya."
"Ngunit hindi ako sang-ayon sa pakikipagkaibigan niya sa intsik na 'yon!" Don Miguel exclaimed.
Ako na naman ang napahinto at dahan-dahang napalingon sa kaibigan ko. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Wala akong nakitang mali." sabi ni Heneral Dominico.
"Hindi mo ba namamalayang siya ay tumatakas na dito sa hacienda para lang puntahan ang kaibigan niyang iyon? Ni hindi ko nga siya nakitang nagtuon ng oras sa nobya niya!"
We remained staring at each other as we also listened to his brother and father. Seryoso ang itsura niya, na para bang nag-aabang sa kung ano ang susunod sa sasabihin ng ama niya.
"Tatlong oras 'yon, Dominico. Tatlong oras ang biyahe mula Tarlac patungong Binondo! Ngunit sa mga Ylmeda ay ilang patag lang mula dito ay hacienda na nila! Hindi mo ba nakikita ang pangyayari? Ano sa tingin mo ang dahilan?" galit na tanong ni Don Miguel.
Natahimik ng ilang sandali. Nag-isip isip muna si Heneral Dominico ng sagot habang kami ni Anton ay nagkatinginan pa rin.
"Dahil bestfriends sila noon pa man." bulong na sagot ko kahit hindi naman nila ako narinig. Tahimik lang na nakatitig ang kaibigan ko sa akin.
"Dahil si Antonio ay may gusto sa kaibigan niya?" hindi siguradong tanong ng kapatid ni Anton.
"Tama!" bulalas pa ng ama nila. Kumunot ang noo ko at sumulyap ulit sa gilid ko. "Kung sana'y hindi siya bumisita sa pansiterya noon ay hindi sila magkakakilala sa isa't isa!"
"Pabayaan mo na iyon, ama." ani Heneral Dominico. Agad na umiling ang matanda.
"Hindi maaari!" Don Miguel exclaimed. He glared at his son. "Akala mo ba ay hindi ko natatandaan ang lahat, Dominico?"
Bumuntong-hininga ang anak. "Ama—"
"Natatandaan ko parin hanggang ngayon kung paano kayo nagkaibigan ni Cristina noon. Ikaw rin ay baliw na baliw sa kapatid ng babaeng iyon!"
Doon nanlakihan ang mga mata ko. What?!
"Ama!" galit na sabi ni Heneral Dominico at napatingin sa paligid, tinitignan kung may tao ba kaya mas sumiksik ako sa dibdib ni Anton at hindi na sumulyap ulit, nakikinig nalang.
"Kung hindi kita pinagsabihan ay hinding hindi ka makikinig sa akin. Ang pamilyang iyon ay parang mga ahas! Kahit anong subok mo upang makalayo ay hahanapin ka pa rin, na para bang ikaw ay isang paon o di kaya'y espesyal na pagkain sa kanila. At isali mo pa ang ugali ng ina nila! Ahas na ahas talaga!"
Humigpit ang hawak ko sa bewang ni Anton habang nakayakap at nakasandal sa kanya. Nararamdaman ko ang paghaplos ni Anton sa braso ko, na para bang gusto niya akong pakakalmahin.
"Kumakapit sila sa mga mayayaman dahil sa pera!"
"Hindi sila ganoon, ama." seryosong sabi ni Heneral Dominico.
"Kasalanan nila kung bakit sila mahirap! Kung sana ay mas nagsikap sila sa simula paman ay hindi sila mauuwi sa ganoong pangyayari!"
"Tangina 'to, ah!" I shouted in a whisper tone. Gusto ko sanang lumabas at harapin ang matandang iyon dahil kumukulo ang dugo ko ngunit mahigpit akong hinawakan ni Anton sa braso ko at pinigilan ako. I glared at him.
Umiling siya. "Huwag muna sa ngayon, bes."
"Bitawan mo ako." madiin at seryosong sabi ko.
Dahil hindi siya nakikinig ay nagpupumiglas ako ngunit sa hindi inaasahan, hinila niya ako at pinagpalit niya ang pwesto naming dalawa. Ako na naman ang napasandal sa punuan at siya naman ang nasa harapan ko at ikinulong ako sa gitna. Nasa magkabilang gilid ko ang mga braso niya. Napatingala ako dahil sa taas niya at nakipaglabanan sa titig.
"Huwag mo akong pigilan, Anton." seryosong sabi ko ngunit umiling lamang siya.
"Huwag mo akong pigilan, Dominico." nagsalita ulit ang matanda. "At huwag na huwag kang sumali sa kung ano ang gagawin ko. Huwag mong ipaglaban ang kapatid mo dito."
"Ama, hindi tama ang ginawa ni Antonio, alam ko. Pero mas hindi nakakatuwa ang paninindigan mo at ang parusa mo."
Wala akong narinig na tugon mula sa ama niya at tanging mga kaluskos lang ng damo papalayo ang narinig ko. Napasulyap ulit ako sa gilid ko at wala nang tao sa pwestong iyon. Doon naman ako nakahinga ng maluwag.
"Ano ang ginagawa niyo dito?" napatalon kami ng sabay ni Anton sa gulat nang marinig namin ang boses na 'yon sa kabilang gilid.
Napatingin kami doon at nanlakihan ang mga mata at napaawang ang bibig namin nang makita si Heneral Dominico. Huminto siya sa paglalakad at isinandal ang isang braso sa punuan saka humahalukipkip. His head tilted a bit as he watched us. His brows furrowed.
"P-pa'no niya nalaman..." halos bulong na pagpaparinig ko sa kaibigan ko.
"He isn't a heneral for nothing, bes." napapikit nalang si Anton at dahan-dahang lumayo sa akin.
"Naiintindihan ko kayong dalawa." seryosong sabi ng heneral. "Kailan pa kayo nandito? Narinig niyo ba ang lahat ng usapan?"
"We were just...walking and then—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang pinutol niya agad ako.
"Ang tanong ko ay kailan. Hindi bakit." wika niya.
"Kanina pa kami nandito. Mas nauna pa kami kaysa kay ama." deretsong sabi ni Anton kaya gulat akong napatingin sa kanya. Tumango ang kapatid niya.
"Kung ganoon, narinig niyo ang lahat." sabi neto. Napayuko nalang ako at napapikit ng mariin.
"Binibining Isabelita," pagtawag ni Heneral Dominico kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"P-po?" bigla akong kinakabahan!
"Kung maaari, sana ay huwag mo itong ipagkalat, ni kahit sa ina mo...o sa kapatid mo." hiling niya sa akin kaya agad akong tumango.
"Maaasahan niyo po ako!" sabi ko naman sa kanya.
"Umuwi ka na." aniya at sumulyap sa kapatid. "May pag-uusapan pa kami ni Antonio. Nakahanda na ang kalesa ko sa labas. Iyon nalang ang gamitin mo."
Tumingin muna ako sa kaibigan ko bago tumango ulit at umalis na papalayo, iniwan si Anton. Wala akong magawa. I wanted to at least bid a goodbye but then things aren't the usual times na normal lang lahat. We were caught, and I should keep my mouth shut to prevent further problems.
***
Nang makababa ako sa kalesa ay pagod na pagod ako. Afternoon na at wala man lang kaming nagawa ni Anton. Hindi ako nakakain sa handaan! And I'm very much hungry!
Sa pagpasok ko sa pansiterya ay walang mga customers ang restaurant! Tahimik na tahimik ang lugar at ayos na ayos ang mga kagamitan.
"Maaga kang nakauwi," narinig ko ang boses ni ate na pababa sa hagdan.
"Bakit walang tao?"
"Hindi nagbukas ngayon. Nasa palengke si inay at bumibili ng mga prutas at gulay."
Bumuntong-hininga nalang ako at umupo sa isa sa mga upuan. Sumandal ako at hinilot ang sentido ko. Lumapit naman ang kapatid ko sa akin at umupo na rin sa gilid ko.
"May problema ba?"
As much as I wanted to tell her about the things I've heard from Don Miguel Riguiarios, hindi ko pwedeng gawin iyon dahil sa hiling ni Heneral Dominico. Ngunit, pwede akong magtanong kahit isa...na siya mismo'y alam niya.
Tahimik muna akong nakatingin sa kawalan bago nagsalita. "Hindi ko inaasahan na...nagkaibigan pala kayo ni Heneral Dominico noon."
Doon siya natigilan at nanlakihan ang mga mata. Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.
"So, ibig mo palang sabihin ay naging magkaibigan kayo noong nagtrabaho ka pa sa kanila tapos may nararamdaman kayo para sa isa't isa pagkatapos no'n kaso bawal kaya hindi niyo nalang itinuloy?" tanong ko sa kanya.
Naiintriga talaga ako sa kwento nila. Hindi niya kasi itinuloy noong nakaraang araw, eh!
Itinikom ni ate ang bibig niya at bumuntong hininga.
"Iyan ba ay sinabi nila?"
Umiling ako. "Narinig ko lang."
Mapait siyang ngumiti at tumingin lang sa kawalan. Nakita kong pinaglalaruan niya ang mga daliri niya at kalaunan ay hindi na siya mapakali. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya at halos mapasinghap ako nang mararamdaman ang lamig sa mga palad niya.
"Ate, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo. Nagtatanong lang ako at nagbabakasakali—"
"S-sampung taon na ang nakalipas nang umalis ako sa t-trabaho, pero natatanda ko pa rin ang p-pangyayaring iyon."
Bigla akong kinakabahan sa tugon niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at tumango.
"Huwag mo nalang ipagpatuloy-"
"Hindi ko sinadya, Isabelita." Aniya at napaawang ang bibig ko nang makitang namumuo na ang luha sa mga mata niya. Nanginginig ang labi niya habang nagpapatuloy. "G-gusto ko lang namang umibig ng malaya kasama siya ngunit...p-pinagsisihan ko 'yon sa huli ng husto."
"Ate hindi ko maiintindihan ngunit, pwede ka nang huminto para hindi ka na mahihirapan, hmm?"
Umiling siya. "Hindi ko s-sinadya..."
"Ate-"
"Dahil sa pamilya nila a-ay nagkaroon ako ng galos na kailanma'y hindi na hihilom. Dahil sa pamilya nila ay n-nagkaroon ako ng sugat na kailanma'y hindi na gagaling. Nais ko lang naman sanang m-mabuhay ng walang hadlang kasama siya ngunit...napagtanto kong hindi pala m-maaari."
Doon na ako huminto sa pagpapatigil sa kanya dahil mukha na siyang nawala sa sarili. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
"Huwag na huwag kang lalapit kay Don Miguel, Isabelita."
I groaned in pain. "Ate-"
"Huwag na huwag kang magpapakita sa kanya kung ayaw mong magaya sa akin!"
Gusto kong kumawala sa mahigpit na hawak niya ngunit hindi ko magawa.
"Ate, nasasaktan ako..."
"Napakalakas ng kapangyarihan ng ama nila! Kaya ka nilang patalsikin sa isang araw lamang! Kaya ka nilang ipapatay ng wala sa oras! Kagaya ng..."
Natigil ako sa pagreklamo at hinarap siya. "Kagaya ng ano?"
Umiling siya at nagpatuloy ngunit iba na ang sinasabi. "Walang katapusan ang kapangyarihan nila dahil kanang kamay sila ng Kapitan Heneral-"
"Ate, sagutin mo muna ako!" I exclaimed.
"Hindi mo na kailangang malaman iyon. Ang mahalaga ay binalaan kita sa posibleng mangyari!"
"Sino ang napatalsik? Sino ang napatay?" pagmamatigas ko pa.
Umiling siya. "Hindi mo na-"
"Ate!" mas tumaas na ang boses ko at huminto naman siya sa pagsasalita. A lone tear fell from her eyes bago umiling ulit sa huling pagkakataon. "Sino ang tinutukoy mo?"
Patuloy pa rin siyang umiling at yumuko.
"Si...s-si Lucio."
Kumunot ang noo ko. "Sino si Lucio?"
"Ang a-anak ko."
Napasinghap ako at doon naman mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Ang anak namin ni...Dominico."
Dahan-dahan kong naibaba ang kamay ko at napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Wala akong masabi sa kanya dahil pilit ko pang iniintindi ang lahat.
"A-ang anak niyo ni H-heneral Dominico?!" gulat na tanong ko sa kanya.
Dahil sa reaksyon ko ay mas napahagulgol siya. Tinakpan niya ang sariling mukha gamit ang palad niya at umaangat ang balikat niya habang umiiyak ng malakas.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso. Hindi ko inaasahan na may anak si ate sa kapatid ng kaibigan ko mismo. At mas lalong hindi ko inaasahan na ang pamilya ni Anton ang may kagagawan ng lahat. Hindi siya napatalsik kung 'di siya mismo ang umalis dahil hindi na niya nakakayanan ang ginawa nila. She had to suffer until today, silently weeping alone as memories of his son revolves deep inside her mind and her heart.
"Hindi kami kasal ni A-angelito. Binigyan ko lang s-siya ng pagkakataon b-bilang asawa ko dahil siya lang ang tanging lalaki na kaya akong i-ipaglaban sa lahat. Iyong hindi sunod-sunuran s-sa mga masasamang pinaggagawa ng pamilya niya. Iyong kaya akong mahalin sa mabuti man o sa masama."
So that explains the reason kung bakit hindi siya masyadong malapit kay Kuya Lito. Totoo ang sinabi niya base sa nakikita ko. Kuya Lito loves her so much. Araw-araw nagtatrabaho ang lalaki para sa kanya dahil iyon ang gusto niya maliban sa kakailanganin nila ito. Pinagbigyan siya sa lahat ng paraan. He is head over heels for her.
Bumukas ang pintuan sa harapan naming dalawa at tumambad sa harapan namin si inay na dala ang mga biniling gulay at prutas. Kumunot ang kaniyang noo nang makita kaming dalawa. Tumigil na rin si Ate Tina sa pag-iyak at napaangat siya ng tingin sa harapan na luhaan ang mata.
"Isabelita? Ikaw ay maagang umuwi ngayon, ah?" aniya at sumulyap sa kapatid ko. "O! Bakit kayo nag-iiyakan?"
Hinahaplos ko ang likuran ni Ate Tina at umiling. "Wala po. Nag-uusap lang po kami. Saka, nakauwi ako ng maaga dahil nandoon si Don Miguel."
"Hindi ba't alam na niya dahil humingi ng permiso ang kaibigan mo? Narinig kong sabi ni Ginoong Antonio kahapon."
"Mahirap na po. Saka, hindi na rin ako kumain dahil nagkaproblema doon." napangiwi ako.
"Mabuti! Nais ko sanang magtulak kayo sa kabilang pamilihan. Wala akong nabili na bandehado doon sa palengke." aniya at pumasok sa kusina. Tumango naman si ate at tumayo na kaya sumunod ako sa kanya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, ate?" tanong ko at tumango ulit siya sa akin.
"Kaya ko," aniya at kinuha ang basket niya saka naunang maglakad paalis.
Nakasunod pa rin ako hanggang sa makalabas kami sa pintuan. Napahinto kami nang marinig ang plegarya mula sa simbahan. Sabay kaming lumingon doon at pinakinggan ng mabuti ang kakaiba na tono ng kampana.
"May namatay na naman." wala sa sariling bulalas ko.
"Halos araw-araw 'yan." mahinahong tugon ng kapatid ko at pagkatapos ay nagpapatuloy na kami sa daan.
Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang hindi mapasulyap sa kanya sa bawat sandali. Ngingiti lang siya sa akin at hindi na nagsalita.
I looked up at the skies. The weather was gloomy again. Naririnig ko ang bawat dalugdog ng mga kulay abo na ulap at nararamdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin. Mukhang uulan yata ngayon ngunit madali lang kami dahil pinggan lang naman ang bibilhin namin.
"Alam ba ni inay, 'yan?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"Siya ay mas nauna pa kaysa sa'yo." pagbibiro na sagot niya.
Umiling nalang ako at tumahimik ulit.
"Makinig ka, Isabelita." aniya at huminto naman kami sa paglalakad. I faced her direction. "Ang pupuntahan natin ngayon ay isang napakapeligroso na lugar. Karamihan sa mga tindera at tindero sa kabilang pamilihan ay matakaw at may hindi kaayon-ayon na kaugalian. Mas mabuti kung ikaw ay tatahimik lang habang ako ang bibili sa mga bandehado."
Wala sa sarili akong napatango. "Masusunod po."
Bumuntong-hininga muna siya bago umalis. Gaya ng pangako ko, sumusunod lang ako sa kanya.
Nang makarating kami sa lugar na tinutukoy niya ay tahimik lang akong naglalakad sa likuran niya. I looked at the whole surroundings. The place was lifeless. Walang buhay ang mga taong nagtitinda, bumibili, at naglalakad. May mga batang nanlilimos sa gilid ng daan, may mga matatanda na natutulog rin sa malamig na mabatong sahig. Marami sa kalalakihan ang naninigarilyo at kahit na parang wala sa sarili ang mga tao ay may makikita ka pa ring nag-aaway.
Kinakabahan ako habang nakasunod sa kapatid ko. Hindi ako nagsalita buong magdamag at nakayuko lang habang hawak-hawak ang walang laman na basket. I want her to finish buying so that we can go home immediately!
"Magkano po ito?" tanong niya sa tindera at tinitignan niya ang mga naka-model na mga plato.
Habang tahimik akong naghihintay ay naririnig ko parin ang kampana sa simbahan dito sa pwesto ko. Umaalingawngaw ang ingay sa buong paligid at eksakto ring umihip ang malakas at malamig na hangin. My body shivered with the intense feeling of fear and creep as the sound of the bell and the whistling waves of the cold breeze mixed up altogether.
It doesn't feel good here.
Napapitlag nalang ako nang marinig ang isang tunog ng baril sa gilid namin. Agad kaming napatingin doon at nanlakihan ang mga mata ko nang makitang may paparating na mga guwardiya sibil dala-dala ang kanilang mga rifle. Imbes na tumakbo ang mga tao ay nananatili sila sa mga pwesto nila. Lumapit ako kay ate at hinawakan siya.
"A-ate, alis na t-tayo.." kinakabahang sabi ko. Agad niya akong pinigilan saka umiling.
"Hindi 'yan maari. Dapat ay makikinig tayo sa sasabihin nila o di kaya'y sumunod tayo sa mga utos nila. Babarilin nila tayo kapag tatakas tayo." kalmadong sabi ni ate kaya mas lalo akong nanginginig sa takot.
"Gente de Binondo! Prepara tus sedulas!" (people of Binondo, please prepare your sedulas!) sigaw neto.
Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay biglang natigilan at nanlakihan ang mga mata. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.
"Ano ang ibig nilang sabihin, ate?" tanong ko.
Napalunok siya bago sumagot. "Kakailanganin nila ang sedula natin."
"Una vez que llamemos su apellido, dé un paso adelante y muestre el requisito necesario!" (once we call your last name, step forward and show the requirement needed!)
"May problema ba sa sedula natin, ate? Bakit ka namumutla?" tanong ko sa kanya. Umiling siya at kinakabahang tumingin sa akin.
"Isabelita, w-wala tayong s-sedula."
Nanlakihan ang mga mata ko. "Huh? Bakit?!"
"Verificaremos sus sedulas si dichos impuestos están completamente pagados dentro de dicho horario." (we will check your sedulas if the said taxes are fully paid within the said schedule.)
"Binawi ng pamahalaan noon at hindi na naibalik dahil tayo ay may mga utang pa na hindi nababayaran sa pansiterya." napapikit siya ng mariin at napahilot sa sentido niya. "Tuwing may mga el examen ay hindi tayo lumalabas sa pansiterya hangga't hindi pa tapos. Ngunit ngayon ay namamalas yata tayo."
Napaawang ang bibig ko at napatingin ulit sa harapan nang nagsimula na silang magtawag ng apilyedo.
"Concepcion!" pagtawag neto at pumunta naman sa harapan ang isang lalaki. "Dónde está?" (where is it?)
"Señor, no me dieron mi sedula porque aún no había pagado la deuda." (Sir, they did not give me my sedula because I had not yet paid my debt.) pagdadahilan ng lalaki. "Qué tengo que hacer?" (what should I do?)
Halos napasigaw ako nang bigla niyang itinutok ang baril sa noo ng lalaki at walang pagdadalawang-isip na binaril ito sa harapan ng lahat. Natakpan ko ang bibig ko sa gulat at ganoon din sa iba.
"Les hemos dado a todos ustedes tanto tiempo para cumplir! Filipinas se está desmoronando por las deudas y, sin embargo, la sociedad misma no puede ni siquiera prestar dinero!" (we have given all of you so much time to comply! the Philippines is crumbling to debts and yet the society itself cannot even lend a money!)
"Kawawang kaluluwa!"
"Diyos ko, tulungan niyo po kami!"
"May asawa siya at anak na naghihintay sa tahanan nila!"
"Jusko..." napaluha ako sa nakita. Gusto kong sumigaw dahil sa nasaksihan ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. In front of us was the man, lying on the cold ground as his blood scattered on the place. Naamoy ko ang malansang amoy ng dugo kaya tinakpan ko ang ilong at bibig ko gamit ang palad ko.
Paano kami?! Wala kaming sedula!
"Tirar su cuerpo al río." (throw his body at the river.) sabi pa ng leader ng guwardiya sibil.
Dahil sa galit ng mga tao ay sabay-sabay nilang sinugod ang limang guwardiya sibil at nakipag-awayan sa mga ito. Nagkaroon ng sigawan at ingayan sa lugar. Ang dating walang buhay na kabilang pamilihan ay biglang nagkaroon na.
"Mga walang hiya!"
"Mga Indio kami at Intsik dito! Huwag niyo kaming subukan!"
"Vete a la mierda!"
"Mierda!" inis na sabi ni ate at hinila ako papaalis sa lugar na 'yon. "Tayo ay lumahos na, Isabelita!"
Habang papalayo kami sa lugar na iyon ay narinig namin ang mga putok ng baril kaya hindi na namin napigilang hindi tumakbo. Mas naging mabilis ang pagtakbo namin nang makita kami ng ilang mga guardia sibil na nakabantay sa labas ng pamilihan.
"Persíguelos!" (chase them!)
"Ate, takbo!" sigaw ko at binilisan ang takbo ko habang hila-hila ang nakakatandang kapatid ko. Hiningal na ako pero mas natatakot akong huminto, baka madakip kami!
"Dito tayo!" sigaw ni ate at pumunta kami patungo sa mga bangka. Walang pagdadalawang-isip kaming sumakay sa isa at nauna naman akong tumalon patungo doon, dahilan para bumaba ng kaunti ang bangka. Nagulat ang may-ari.
"Dahan-dahan, binibini!" reklamo niya. "Baka malulunod ang bangka ko!"
"Intramuros po!" hiningal na sabi ni ate at nagbigay agad ng pera kay manong.
Abot ko pa ang hininga ko nang gumalaw na ang sinasakyan namin. Natatanaw ko sa malayo ang mga guwardiya sibil na nakatingin sa amin at itinuro ang pwesto namin. Nag-wave ako ng handa kanila at naglabas ako ng dila para asarin sila.
Pinapawisan talaga ako nang sumulyap ako sa Intramuros. Naaalala ko na sa present time ay may MacArthur Bridge na at may Binondo to Intramuros bridge na na naisagawa. Sa ngayon ay nagbabangka pa kami. It was totally different!
Sa pagkatunob namin sa lupa ay agad kaming lumahos sa gilid, sa isang gubat nang makitang may nakahintay na pala na guwardiya sibil sa exit ng pier. Bago kami tuluyang makapasok ay may sign na nakasulat sa gilid ngunit sulyap lang ang nagawa ko dahil hindi na kami nag-aaksaya pa ng oras.
Parian de Arroceros
Matataas ang mga puno at maririnig namin ang mga ingay ng ibon habang tumatakbo na naman kami ni Ate Tina. Hinawakan ko ng mahigpit ang mga nabili naming mga bandehado habang hiningal at pinapawisan na talaga ako.
"Para o disparamos!" (stop or we'll shoot!) sigaw ng mga nakasunod na guwardiya sibil ngunit hindi kami nakikinig.
Sa hindi inaasahan, biglang bumuhos ang malakas na ulan at eksakto ring nadapa si ate dahil may nakaharang na mga ugat ng punuan sa tinatampakan namin. Nabitawan niya ang kaniyang basket dahilan para mahulog ang mga plato at mabasag. She groaned in pain.
"Ate!" huminto rin ako at inalalayan siyang tumayo. Nakita ko ang sugatan niyang mga tuhod ngunit umiling lang siya.
"Mauna ka na!" aniya at sinubukan akong itulak ngunit umiling lang ako.
"Shut up! Hindi ako aalis kung hindi kita kasama!" galit na sabi ko. Ako na mismo ang kumuha sa basket niya.
Basang basa na kami dahil sa malakas na ulan ngunit wala kaming pakialam.
"Isabelita! Huwag ka nang magmamatigas ng ulo!" aniya.
"At huwag ka ring magmamatigas ng ulo, Ate Tina! Ano ba ang gusto mo? Matulog sa kulungan? Mabaril sa ulo? Nahihibang ka na ba?!"
"Detener!" (stop!) papalapit na ang boses na iyon kaya mas naging hindi na ako mapakali.
"Ate!" sigaw ko at pilit siyang hinila ngunit hindi siya nagpapatinag. "Paparating na ang mga guwardiya sibil ano ka ba!"
"Sinabing umalis ka na!" sigaw rin niya at sa oras na iyon ay naitulak niya ako ng malakasan dahilan para mahulog ako at mapaupo sa sahig.
Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at naiyak ako sa walang oras. Masakit na nga ang pwet ko, mas masakit pa rin ang papaalisin ako ng sariling kapatid ko dahil isusuko niya ang sarili niya.
"Nagmamakaawa ako," she said desperately. "Umalis ka na, pakiusap."
Umiling ako at walang nagawa kun'di ang tumakbo nalang paalis, leaving her behind. Humahagulgol ako at mahigpit parin ang hawak ko sa basket na dinadala. Halos hindi ko na klaro ang daan lalo na't namumuo ang mga luha sa mata ko at pumapatak ang bawat tubig ng ulan. Nararamdaman ko ang lamig ngunit hindi ko na iniintindi iyon.
It pains me so much, seeing myself running away from them, leaving my sister alone, pero wala akong magawa!
Ang hirap mabuhay dito!
Agad akong napahinto matapos ang ilang sandali nang makita ang isang guwardiya sibil sa harapan ko. Agad niyang naitutok ang sariling rifle sa akin kaya napaupo ako sa kaba at gulat. Naibaba ko ang hinahawakan kong basket at wala sa sariling inangat ang dalawang braso.
"Cual es tu apellido?!" galit na sigaw niya. Mas napahagulgol nalang ako.
"H-hindi ko po kayo n-naiintindihan!" I exclaimed.
"Dije, cuál es tu apellido?!"
"Hindi nga kita naiintindihan!"
Lumapit siya sa akin kaya napaangat ako ng tingin. Mas inilapit niya ang rifle niya sa noo ko kaya napapikit nalang ako. May matalim na bagay sa edge ng baril niya kaya kinakabahan ako, baka masaksak pa ako!
"N-nagbibili lang p-po ako ng bandehado, sir! Tumakas po ako dahil nagbarilan na ang l-lugar. Nagulat nalang ako nang h-hinahabol niyo na kami hanggang dito sa I-intramuros." pagdadahilan ko.
"Por última vez, diga su nombre..." seryoso at diin na sabi niya.
Tangina! Wala talaga akong naiintindihan!
Hindi nalang ako nagsalita. I guess, I'll have to accept my fate today. I might fail my mission, pero nandoon pa naman ang kaibigan ko para tapusin ito. Naniniwala akong makakayanan niya ito. He must go back to our time. Hindi siya pwedeng mananatili dito.
I don't want to say goodbye. I loathe it so much.
"Bien entonces." iyon ang huling sabi niya at mas pumikit pa ako at tumahimik nalang.
The moment I heard the echoing sound of the rifle, hinihintay ko nalang ang magiging epekto neto ng katawan ko ngunit ilang segundo ang nakalipas matapos ang putok ay nakapag-isip pa rin ako at nakapagsalita parin gamit ang utak ko.
Kapag kaluluwa na ba ay makakapag-isip pa rin?
"Aray!" napasigaw nalang ako sa sakit nang biglang may nahulog sa itaas ko dahilan para mahiga ako sa sahig at matabunan ng napakabigat na gamit sa itaas ko. Naimulat ko ang mga mata ko at nanlakihan ang mga ito nang makita ang patay na katawan ng guwardiya sibil na nakayakap sa akin ngayon!
Nakayakap?!
Agad ko siyang naitulak patungo sa gilid at marahas na kumuha ng hangin. Dahil pumapasok na ang ulan sa ilong ko ay umayos ako ng upo. Natigilan ako nang makita ang dalawang paa na nakatayo mula sa malayo. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang nagligtas sa akin mula sa kamatayan.
Si Anton.
Nakita ko pa ang usok na lumalabas sa rifle na hawak niya. Seryoso ang itsura niya na nakatingin sa akin.
Hindi ko na napigilan ang paglakas ng hagulgol ko. Nasa gilid niya si Heneral Dominico Riguiarios...na buhat ang walang malay na kapatid ko. They were both staring at me as I cried my heart out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top