Kabanata 10
"Kaselosan? Ha! Nababaliw ka na ba?" tanong ko kay Anton nang matapos ang sayaw. Lumayo ako sa kanya habang nagsipalakpakan ang mga tao.
Lumingon siya ulit sa gilid niya at nang makitang wala na si Faulicimo ay bumuntong-hininga siya at hinila ako papalayo sa mga tao. Tahimik akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang masikip na lugar kung saan walang tao. Agad niyang ibinaba ang kamay ko at tumitili-tili sa pwesto.
"Maghuhunos-dili talaga ako pag-uwi ko! Kyahh!" sigaw pa niya at kalaunan ay huminto saka hinabol ang hininga. "Wooh! Calm down, Anton, calm down!"
Inis na napaawang ang bibig ko at hinampas ang balikat niya.
"Ouch! Ano ba!"
"Anong ouch? Hoy Ginoong Antonio, bakit ka naparito at ano ang ginawa mo rito? Bakit bigla ka nalang sumali sa sayaw kanina at may pa selos selos ka pa, huh?"
He rolled his eyes. "Bes, may naisip kasi akong plano."
"Anong plano ang pinagsasabi mo diyan?"
He sighed and fixed his Barong Tagalog. "Ganito ang gagawin ko."
Umayos siya sa pagtayo at sumeryoso na. "Napag-isipan kong sundin ang daloy ng kuwento ni Antonio. I have been dreaming about it a lot of times already, and it is up to no good kapag iibahin ko. His father is too meticulous in observing with my actions, at ang kaniyang ina ay gustong gusto si Josefa Ylmeda."
"Hala, pa'no naman ako? Puro reckless decisions ang ginawa ko sa buhay ni Isabelita!" angal ko sa kanya.
"Problema mo 'yan, bes, hindi sa'kin." maarteng sabi niya. Napaawang ang bibig ko.
"Ganoon ba ka-strict ang parents mo at ayaw mong gumawa ng mga sarili mong mga desisyon?"
"Hay naku, bes. If only you know..." aniya at umiling. "I bet you can't survive in that place."
"So ang plano mo ngayon ay sundin ang daloy ng kwento ni Antonio. But then, ano ba talaga ang gagawin mo?"
He chuckled in an evil way. "You'll know later."
***
Nauna nang umuwi pabalik sa Tarlac si Faulicimo. Nagi-guilty rin ako dahil kahit na sinabi niya kanina na hindi siya susuko, alam niya parin ang limitasyon niya. Hindi siya sumusumbat kay Anton dahil alam niyang malaki ang magiging epekto no'n sa amin.
At heto ako ngayon, kasama ang kaibigan ko, na seryoso lang at nasa tabi ko habang naglalakad kami pabalik sa pansiterya. Suot niya ang kaniyang magarbong Barong Tagalog. Dinidibdib niya talaga ang character ni Antonio kaya hindi parin ako makapaniwala ngayon. He said its the only way for him. Kakareklamo pa nga lang niya noong isang araw ngunit heto siya ngayon, tuluyan nang naging Ginoong Antonio Riguiarios.
At isa pa, paano niya na-memorize ang daan dito sa Binondo?
Napatawa ako sa inisip. Napatingin naman siya sa akin at tumaas ang isang kilay niya.
"What?" mataray niyang sabi!
"Akala ko ba si Ginoong Antonio ka na?" natatawa kong tanong. Napairap siya.
"Shut up bes. Naghahanda ako para mamaya."
"Mamaya?" huminahon na ako. "Anong mangyayari mamaya?"
"Aish! Basta." aniya at ginulo ang buhok saka nauna nang maglakad. Napaawang ang bibig ko at sumunod sa kanya.
"Hoy Anton, kapag may kalolokohan ka na naman..."
"May suggestion ako." huminto siya sa paglalakad at tinignan ako. Napaangat ako ng tingin dahil ang taas niya. "Huwag kang react nang react sa mga gagawin ko girl, ah?"
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" natatae na ang itsura ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinakabahan. This is not good.
"Of course, gagawin ko ang role ko. Magsho-show off ako kay mother dear." he wiggled his brows. "Just like what Antonio did."
Napatanga ako sa sinabi niya. Ano raw? Show off? Ginawa ni Anton 'yon?!
"Hays! Kahit na labag ito sa kagustuhan ko, wala akong choice. Mas prioritize ko ang life ko. Ayokong ma-stuck dito. Worse, ayokong mamatay ng maaga, goodness!" aniya at umaarteng humihikbi kahit wala namang luha.
"T-teka, naguguluhan ako." umiiling-iling ako. Gusto ko sanang magtanong pa ngunit nauna na siyang maglakad. "Hoy!"
Dahil sa pagsigaw ko ay napatingin ang mga tao sa amin. Napahinto rin si Anton sa paglalakad at inis niya akong tinignan. Sumulyap siya sa mga taong nakatingin sa amin at nahihiyang kumaripas ng takbo paalis, iniwan ako mag-isa. Wala rin akong ibang choice kundi ang tumikhim at maglalakad ulit, na para bang walang nangyari.
Kakahiya!
Nang makarating na ako sa harapan ng pansiterya ay natigilan ako nang makita si Anton na nagmano po kay inay. Ngumingiti-ngiti si inay sa kanya at hinagod ang likod ng kaibigan ko na parang bata.
"Halika, tayo ay mananghalian na," pag-alok pa ng ina ko sa kanya. Napatingin naman siya sa pwesto ko at kumaway saka inutusan akong papasukin na sa loob. "Isabelita, tayo na."
Tumango ako at napatingin ulit kay Anton na sumunod lang kay inay. Ano ba ang plano niya? This is weird and suspiscious!
***
"Hindi namin inaasahan ang pagdating mo, hijo. Mabuti at ikaw ay pinayagan ng ama mo," nagpapatuloy parin sa pag-eentertain si inay kahit na nagkainan na kaming lahat.
Nakangiting tumango si Anton. "Tumakas po ako sa bahay."
Natigilan kaming lahat at napatingin sa kanya. Si inay ay napaawang ang bibig at hilaw na tumawa. Si ate naman ay nahihiyang humahalakhak.
"Sa pagkakaalam ko, kanina ay si Faulicimo yata ang kasama ni Isabelita, Ginoong Antonio. Kaya kami nagulat nang ikaw ang bumungad sa pintuan namin." dagdag ni ate.
"Pinauwi ko po siya dahil sa biglaang pag-uutos ng ama ko sa plantasyon namin." sagot ni Anton at napatingin sa akin. "Saka, planado po ang pagpunta ko dito para bisitahin kayo...lalo na si Binibining Isabelita."
Natahimik ang lahat. Halos mapairap ako ngunit nagpapatuloy lang ako sa pagkain.
"Nang makita kong wala siya dito sa pansiterya habang kayo po ay abala sa pagluluto ay nilibot ko ang buong Binondo. Mabuti nalang at nakita ko siya sa kumpulan ng mga tao."
Nakaramdam ako ng kilabot. Antonio na Antonio na siya ngayon! And its creeping the hell out of me!
"Ah...huwag po kayong mag-aalala Ginoong Antonio, humihingi naman si Faulicimo ng permiso sa amin ni inay. Sadyang gusto lang niya talaga ang makasama si Isabelita kahit sa panandalian lamang. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang umalis sila patungo sa Tarlac para sa trabaho. Bata pa lamang sila noon." pagdadahilan ni Ate Tina.
"Ate hindi mo kailangang magbigay ng isang talata." sabi ko sa kanya habang punong puno ng kanin ang bibig ko.
Nasusulyapan ko ang kaibigan ko na ngayo'y seryoso lang na nakatingin sa plato niya.
"Ngunit, ako parin ay naguguluhan." ani inay. "Kung maaari, gusto ko sanang malaman ang dahilan ng iyong sadya dito? Bakit mo gustong mabisita si Isabelita?"
"Nais ko sanang humingi rin ng permiso sa inyo." tugon ni Anton. "Iniimbitahan ko si Binibining Isabelita bukas, para sa pagbubukas ng isa pang plantasyon namin. Kung maaari sana ay pahintulutan niyo po ako sa pagkakataong ito."
Kunot-noo ko siyang nilingon. Pagbubukas? Teka, bakit ako? May fiancee naman siya, ah?
"Ah...hehe." napakamot sa noo si inay. "Ako ay nagagalak sa paanyaya mo sa anak ko, Ginoong Antonio ngunit...baka mapagalitan kayo ng ama mo, lalo na sa nobya mo."
Tama, tama. Ayokong makipagsuntukan muna. Not now. Ayokong sumama sa kanya.
"Wala pong nakakaalam sa mga Ylmedas dahil sila po ay hindi iniimbitahan ni ama. Tanging ang pamilya lang namin ang magkakaroon ng simpleng handaan para na rin sa mga trabahador. Saka, humingi na po ako ng permiso sa mga magulang ko. Kaya, wala po kayong dapat ikaabala." ani Anton.
Napatango na rin si inay sa sinabi niya. "Mabuti."
"Wala ring abala sa amin ang paanyaya mo. Maaari mong isama ang kapatid ko bukas." sabi rin ni ate kaya natigilan ako sa pagkain at nanlakihan ang mga mata kong umangat ng tingin sa kanya.
"Huh?! Hindi pwede, ate. May marami tayong suki, bukas, di ba?" tanong ko sa kanya habang punong-puno pa ang bibig ko.
"Kami na ang bahala sa pansiterya, Isabelita." sabi pa ni inay!
Jusko! Bakit ba nila ako ipapaon sa dalawang lalaki sa buhay ni Isabelita? At itong Isabelita na'to, ang haba lang ng hair! Hindi na ako magtataka kung minsan ay makapag-isip isip siyang isabay ang dalawang maginoong lalaki!
Napatingin ako kay Anton na ngayo'y ngumiti na rin sa akin. Mas natigilan ako nang umangat ang kamay niya at hinaplos ang gilid ng labi ko.
"May kanin dito. Kukunin ko lang." malambing na sabi niya.
Dahil sa ginawa niya ay agad kong naibuga ang kinain ko sa mukha at dibdib niya. Napapikit siya at napatikom sa bibig niya. Napasinghap si ate Tina at si Inay sa gulat dahil sa nangyari. Agad silang tumayo at nilapitan si Anton saka pinahiran ang dibdib niya at ang hita niya. Pati ako ay nagulat rin sa ginawa ko!
"Dios mio! Isabelita!" sigaw ni ate sa akin.
Nagmamadali akong uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ay nabubulunan ako. I can feel some rice on my nose! Dammit!
"Dios ko! Ginoong Antonio, kayo po ba ay ayos lang?" nag-aalalang sabi ni inay. "Pasensya ka na talaga, hindi sinadya ni Isabelita na ikaw ay bugahan."
Dahan-dahang tumayo si Anton at tumango. Halatang nandidiri na ang itsura niya at halos maiiyak na sa inis ngunit napigilan niya 'yon. Pinagpag niya ang sariling damit. "A-ayos lang po ako. K-kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari 'yon."
"Kasalanan mo talaga." halos bulong na sabi ko. Nagmulat siya ng mata at bumuntong hininga saka tumango nalang.
"Isabelita!" galit na sabi ni Ate Tina sa akin.
I'm sure Anton's gonna kill me with this. He always likes to be neat and proper. Isang maitim na abo lang noon ay agad na nga siyang magrereklamo. Paano na kaya ngayon, na binugahan ko siya? Kasalan niya rin naman! May pahaplos-haplos pa ang gago!
Napatingin kami sa kanya at napasinghap ulit ang pamilya ko nang makitang may luha na tumulo mula sa mga mata ni Anton—na agad din niyang hinawi. Hilaw siyang ngumiti. Umiiyak pa nga!
"Ginoong Antonio..." nag-aalalang sabi ni inay. Umiling lang siya.
"Ayos lang po ako. M-masaya lang dahil hindi tumutol si B-binibining Isabelita." nauutal na sabi niya.
Sinungaling! Alam kong umiiyak ka dahil sa pandidiri. Hindi mo ako maloloko, Anton!
"Hoy, wala akong sinabi na hindi ako tutol!" I retorted. Hindi na ako nagulat nang makaramdam ako ng hampas sa balikat mula sa kapatid ko. I have no other choice left but to groan in pain as I caressed that part of my shoulder.
"Isabelita, ano ba ang nangyayari sa'yo?" galit na tanong ni ate sa akin.
Ha! Ako pa ang masama.
"Mas mabuti kung ikaw ay umuwi nalang, Ginoong Antonio." sabi ni inay. "Ako nalang ang hihingi ng paumanhin dahil sa inasta ng anak ko. Siya ay wala pa sa tamang katinuan."
"'Nay!" pagrereklamo ko. Hindi ako baliw!
I glared at Anton before walking away. Umakyat ako sa hagdan at pumasok sa kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga.
Ew! Yuck! Nangingilabot talaga ako sa ginawa ng kaibigan ko kanina! Its embarrassing as hell! I can even imagine how those girls in the campus would've react kung nakita nila si Anton ng ganoon. Siguro ay sila na ang mababaliw sa kanya.
May pa pahid-pahid pa sa mukha ko! Sa ilang taon ng pagkakaibigan naming dalawa, ngayon lang 'yon nangyari. Alam ko namang sinubukan niyang maging si Antonio, pero hindi ko inaasahang lalagpas siya ng ganoon!
Aish! Nakakahiya ulit!
Ginulo ko ang buhok ko at umupo sa kama. Natigilan ako nang mapatingin sa salamin. Naaalala ko tuloy 'yung sinabi ng babaeng iyon, na may may ganitong salamin rin si Anton. What is the purpose of this?
Tumayo ako at lumapit sa salamin. I stared at my own reflection. The last time I stared at this in the present world, kinabukasan ay napunta ako rito. Oo nga, balita ko ay napakahalaga neto. Kung sana ay may ambag ito, baka makakatulong pa sa aming dalawa ni Anton. Paano kung binili nalang namin 'yun sa Chowking?
"Mabuti at napag-isipan mo iyan." napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Agad ko iyong nilingon at nakita ko si Valak na nakasandal sa cabinet ko habang nakahalukipkip. Suot niya pa rin ang kaniyang maitim na baro't saya.
"Paano ka..." paano siya nakapasok sa kuwarto ko?! "Umakyat ka sa bintana?!"
Ngumiti siya at umiling. "Hindi ako isang ordinaryong tao lamang. I can teleport anywhere. And I can also visit both of you anytime."
Nagdududa ko siyang tinignan bago bumuntong-hininga at lumingon ulit sa salamin.
"Kung binili mo ito sa akin ay pareho pa rin ang mangyayari. Both of you will encounter the inifinity mirror effect, which is the finalization before going back in this time."
Tumingin ako sa reflection niya sa salamin at nagtanong. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Simple." aniya at lumapit sa akin. Nananatili siya sa likuran ko ngunit ngayon ay tinignan niya rin ang repleksyon naming dalawa. "Noong kayo ay nakapagtagpo ng isang infinity mirror effect kasabay ng dalugdog at malakas na ulan, it was already a sign."
"A sign of what?"
"Isang senyales na kayong dalawa ay maaaring pumasok sa oras ng nakaraan." tugon ng babae. "Kaya kinabukasan no'n ay nagpapakita ako sa inyo. Mabuti at sumunod kayo sa akin, hindi na ako nahihirapan."
Napapikit ako ng mariin. "Ngunit ayoko rito. Nahihirapan ako."
"Neither was it my intention nor my decision for both of you to travel back in time. It was destiny's work. It was fate's effect, dear." malamabing na sabi niya kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
"Ano...ang ibig mong sabihin diyan?" walang ganang tanong ko.
Hinahaplos niya ang balikat ko bago sumagot. "Hindi ba't sinabi ko naman sa inyo na ito ang magiging ikatlo at ikaapat niyong pagkakataon? You see, this is a rare opportunity for the chosen ones to take on the mission. Oo, humiling kayo bilang Isabelita at Antonio na bumalik sa oras kung saan mapayapa pa ang lahat. They were given a chance. For the first time was Isabelita and Antonio's life. The second time was Isabelita ang Antonio the second's life. Both did not have a happy ending dahil sa mga trahedya na nagaganap. And this time, it was yours to take and decide. Humiling ang naunang dalawa sa tadhana. And this is what happens. Kayo ang napili dahil sa inyo ang hindi pa nagtatapos na istorya. Yours and Anton was still for the present to decide. Paparating pa lamang kayo doon, kaya hindi natin alam ang magiging wakas ng kuwento niyo."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"This mirror may not help you with your mission, pero ito ang tanging dahilan kung bakit kayo nandito, sa misyong ito. This will be with you throughout the whole journey. As what they say, mirrors are also called doorways to the past."
"Pero, bakit ibang-iba ang ugali naming dalawa ni Isabelita?" I asked another question. "Hindi ba't kami lang 'yon?"
She chuckled, "Siyempre, naaayon si Isabelita sa panahon niya. Hindi siya pwedeng gumawa ng mga hindi makabuluhang aksyon dahil sa kinabibilangang niya. She may be serious but deep inside, she is a jolly and playful woman, katulad mo. Hindi lang niya ipinakita."
"Pero hindi ako marunong magluto!" reklamo ko sa kanya. "Tapos sabi ng ina niya ay isa ako sa mga magagaling na kusinera dito sa Binondo.
"Its a skill to learn, Isabelle." sabi ng kausap ko. "Kung ikaw ay magaling magbasketball sa oras mo, noon naman ay magaling ka sa pagluluto. You can say that both of you are experts in different fields."
Natahimik ulit ako.
"And yes, reincarnation exist." pahabol niyang salita. "It exists to those people who believes in it. It is somehow a fictional word because it only reaches its limit to theories and circumstances such as instances. It was never proven. But you are lucky enough to encounter in one. This would serve as your evidence."
"Hindi pa rin ako makapaniwala," sabi ko at bumuntong-hininga.
"Then you should start believing now." tugon niya at ngumiti.
Napatingin ako sa kanya. "Madalas na tayong nag-uusap ngunit hindi ko parin alam ang pangalan mo."
Natahimik siya bago sumagot. "Avila. Avila ang pangalan ko."
"Alam ba ni Anton 'yan?"
Umiling siya. "Ikaw na ang magsabi. Ako'y aalis na."
Gusto kong itanong sa kanya kung ano ba talaga siya pero hindi ko nalang itinuloy. Baka ma-offend pa.
***
Alas-sais ng umaga na ako nagising. Agad akong naligo at nagtoothbrush pagkatapos. Suot ko na ngayon ang isang kulay puti na baro't saya. As usual, mas komportable ito dahil simple lang at walang mga nakakasagabal na accessories. Naka-bun ang buhok ko kahit na basang basa pa ito.
Lumabas ako sa kuwarto ko nang matapos sa pag-aayos. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at kalaunan ay natigilan din nang makita si Anton na nakatalikod sa akin, nakatingins sa labas. Nang marinig niya ang ingay ng bakya ko ay doon siya napalingon sa akin. He took his hat off and placed it in his chest and bowed in front of me.
"Magandang umaga, Binibining Isabelita." sabi niya at umayos ng tayo ulit.
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"Isabelita, sumama ka na." sabi ni Ate. Napatingin ako at sa kanya at napasinghap ako nang maalala ang sinabi ng kaibigan ko kagabi na isasama niya ako sa selebrasyon nila. Oh right!
"Oo nga pala," sabi ko kay Anton at nilagpasan siya, iniwan ang nahihintay niyang palad sa ere. "Tara."
Napabuntong-hininga nalang siya at sumunod sa akin.
Nang makalabas kami sa pansiterya ay agad ko siyang hinawakan sa palad at hinila patungo sa gilid ng kalesa niya.
"Ikaw!" hindi ko matapos ang sasabihin ko.
"Bes!" inis na sabi niya. "Hindi ba't sinabi ko sa'yong huwag kang magrereact sa mga gagawin ko?"
"Sino ang hindi makapagreact sa ginawa mo? May pahaplos-haplos ka pa sa mukha kong gago ka!" I retaliated. Sumimangot siya.
"Hoy, wala akong choice, gaga." he rolled his eyes at umaaktong nandidiri. "Tapos, binugahan mo pa ako kahapon! Kadiri ka talaga!"
"Bakit? Ginawa ba 'yon ni Antonio? Ha?" sumbat kong tanong sa kanya.
Tumahimik siya ng ilang saglit bago sumagot.
"W-wala."
"Oh!" napabuga ako ng hangin. "Edi bakit mo ginawa 'yon?"
"Ay, big deal, teh?" mataray na tanong niya. "Ginawa ko 'yon para hindi masira ang reputasyon ni Antonio."
"Hindi mo ba alam na bawal ang ganon sa panahong ito? Unless kung mag-asawa kayo! Pero sa ginawa mo, bawal na bawal 'yon." sabi ko sa kanya. "Bawal PDA dito!"
"Magkaibigan naman tayo, ah? Saka, alam na ng ina mo na may pagtingin si Isabelita kay Antonio kaya nga hindi siya nagulat kahapon." aniya.
"Kahit na!"
"Aish! Tara na nga, male-late pa tayo." aniya at hinila ako saka nagulat nalang ako nang inangat niya ako para masakay ako sa kalesa. Inis ko siyang tinapunan ng tingin at tumabi naman siya sa akin bago niya inutusan ang kutsero na umalis na.
Ilang oras rin bago kami nakarating sa hacienda nila. Nakatulog nga ako dahil sa boring na trip. Kung hindi ako ginising ng kaibigan ko, malamang ay hindi ko maalalang nakatulog na pala ako.
Naunang bumaba si Anton saka nag-offer ng kamay para tulungan ko ngunit tumalon lang ako sa gilid niya. He sighed and shook his head in disappointment. Kailangan ko ring i-exercise ang reflexes ko, noh! Saka, wala rin namang tao dito maliban sa kutsero na napaawang ang bibig sa nasaksihan kaya okay lang.
Sa pagpasok sa gate ay naunang maglakad si Anton sa akin. He was greeted by the farmers, the workers, at iba pang tauhan dito sa hacienda nila. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya habang nasa likod ko ang dalawang kamay ko. Tumitingin-tingin ako sa paligid at napahinto ako nang makita ang isang tao na nagwawalis sa gilid kaya hindi ko namalayang naiwan na pala ako ni Anton dahil nagpapatuloy siya sa paglalakad patungo sa likod ng mansyon. Napaawang ang bibig ko sa nakita.
Nakalimutan ko! Nandito pala si Faulicimo.
Hindi kagaya kahapon, madumi na siya dahil sa putik, siguro ay sa pagtatrabaho niya dito. Pinapawisan na siya kaya panay ang pagpahid niya sa sariling noo. Mainit ang panahon kaya minsan ay napapikit siya at napahinto sa ginawa.
Naaawa na talaga ako sa kanya. Baka ito rin ang dahilan kung bakit sinagot siya ni Isabelita. He is hardworking enough.
Akmang na lalapit sana ako para mag-sorry sa kahapon dahil iniwan ko siya at sumama kay Anton ngunit natigilan ako sa paglalakad nang makita ang isa pang tao sa likod niya.
Shit! Si Don Miguel Riguiarios!
Bigla akong nakaramdam ng takot at taranta kaya hindi ko na natuloy ang gagawin ko. Agad akong kumaripas ng takbo patungo sa pinuntahan ni Anton kanina.
Tumakbo ako hanggang sa nakarating ako sa likod ng mansyon. Nakita kong naglalakad pa ng mahinahon si Anton patungo sa ilalim ng balete kaya sumigaw ako sa pangalan niya.
"Anton!"
Napahinto siya sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa akin. Nagpatuloy ako sa pagtakbo papalapit sa kanya. Minsan ay tumatalon-talon ako dahil sa mga nakaharang na mga maliliit na wooden gate ng borders sa lupain nila.
"Paparating si Don Miguel!" sigaw ko pa.
"Huh?" kumunot ang kanyang noo.
"Takbo! Paparating ang ama mo—ah!" tumaas ang boses ko nang matapilok ako sa isa sa mga maliliit na gate sa harap na niya mismo.
Nanlakihan ang mga mata naming dalawa at sa inaasahan, natulak ko siya kaya sabay kaming napahiga sa damuhan. Nasa itaas niya ako at natigilan ako mismo...
Nang dumampi ang labi ko sa labi niya!
We just kissed! Tanginaaaa!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top