Kabanata 1


This is a day before the incident happened.

"Takte! Gago ano ba yan, Jasper!" inis na sabi ko at napakamot sa kilay ko. "Ano ba ang trip mo?!"

Kainis kasi! Pinasa ko na nga sa kanya ang bola tapos hindi pa makagawa ng 3-points shoot. Isa na lang sana at mananalo na kami pero wala eh, talo. Tie na kasi ang score ng dalawang team tapos naagaw pa ng kalaban ang bola. Kahit dito na lang sana babawi. Kung alam ko lang ay hindi ko na lang sana pinasa!

Aish!

"Bro..." tumikhim si Jasper at napahinto sa pwesto niya. Galit ko siyang sinulyapan.

"Huwag mo akong ma-bro bro diyan!" pasigaw na sabi ko. Halos hindi na kami magkarinigan sa mga kagrupo namin dahil sa lakas ng whistle ng nakabantay at ang maingay na sounds ng speaker na parang pang-barangay ang tema.

"I'm—m-my hands are a lil bit s-shaky. I'm very sorry." nauutal na sabi niya, halatang kinakabahan.

Susumbatan ko na sana siya at pagsasalitaan nang biglang sumulpot sa usapan ang isa sa mga ka-grupo namin.

"Bro, why you not shoot the balls?" sabi ni Jayme.

'Yung pabidang ka-teammate ko na panay ang pag-eenglish pero hindi alam kung sakto ba ang mga sinasabi niya.

"Huh?" kumunot ang noo ni Jasper.

Si Jasper ay half-American half-Pinoy. Maputi ang kaniyang balat at mataas rin ang height niya, kagaya sa mga foreigners na madalas nakikita ko sa mga palabas. May pabida rin itong side, eh kaso, tahimik lang siya at introverted rin minsan.

Ako, hindi ko alam kung pabida ako. Hindi naman siguro, ano?

Di ko rin sure.

"I said, why you not shoot the balls? Your hands are sweatery, aye?" tanong ulit ni Jayme. Dahil naiinis ako ay tinuon ko ang tingin ko sa kanya. Nang makita niyang sumulyap ako sa kanya ay itinaas niya ang dalawang kamay niya at nagwe-wave wave kahit malapit lang kami sa isa't isa.

"Tumahimik ka nga! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo!" sinigawan ko siya. He dramatically acted like he was shocked. Napahawak pa nga siya sa dibdib niya at marahas na bumuga na hangin.

"Babe, why you anger?" tanong niya pabalik at napapikit ako sa inis. Pakiramdam ko'y parang may pumutok na ugat sa ulo ko.

I sighed. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at mabilis na nagtama ang paningin namin ni Jasper. Maliit akong ngumiti at halos mapatalon siya sa gulat nang hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Hindi kasi sila sanay na umaakto ako ng ganito dahil madalas ay palagi akong galit at naiinis. Halos araw-araw akong sumisigaw sa kahit anong lugar. Heto ang dahilan kung bakit nila ako tinatawag na tomboy pero wala akong pakealam.

"Bawi nalang tayo sa susunod." mahinang sabi ko at napaawang naman ang bibig nilang dalawa. Jasper blinked a lot of times, na para bang kinukumpirma niya ang inakto ko.

Dahan dahan kong ibinaba ang mga kamay ko at tumalikod bago naglalakad paalis. Pumunta ako saglit sa bleachers para kunin ang bag at tumbler ko na iniwan ko muna doon para sa laro. At nagpatuloy na rin sa paglabas ng gym pagkatapos.

While I was walking, panay ang pagpahid ko sa sariling mukha dahil sa sobrang pawis. Napayuko ako at napatingin sa sapatos ko. I stopped for a moment nang makitang sira na ang isang pares.

Bumuka na ang sapatos ko! Oh Lord! My naked feet is on the spot!

Char.

"Tsk." sabi ko nalang sa sarili ko at napailing-iling. Binuksan ko ang tumbler ko at uminom ng tubig at bumalik sa paglalakad patungong classroom. Panay ang tingin ng mga estyudante sa akin ngayon. Alam kong nasa akin ang atensyon nila dahil sa suot kong basketball jersey na pang lalaki. Ako lang kasi ang babaeng parte ng basketball league dito sa campus, tapos team coach pa! Astig ko noh?

Nararamdaman kong pumapatak ang pawis ko mula sa hibla ng naka-bun na buhok ko. Dahil malawak ang corridor patungo sa classroom namin ay nakaramdam ako ng malamig na hanging dumadaloy mula sa gilid-gilid. Masusulyapan ko ang mga malalaking puno na ilang taon na dito sa paaralan at matatanaw ko rin sa malayo ang view ng berdeng bulubundukin.

Marahas kong binuksan ang entrance door ng classroom namin.

"I'm back!" sigaw ko bilang pagbati.

Napatingin naman ang mga kaklase sa akin ngunit nang lumagpas ang dalawang segundo ay nagsibalikan na sila sa mga ginagawa nila. I glanced at the back seat, where my bestfriend is sitting right now. He was in a serious mode dahil may nakita akong dalawang babaeng nakatayo sa harapan niya at binibigyan siya ng chocolates. He wasn't happy at all!

Agad ko siyang pinuntahan dahil seatmates kami at iisa lang kami ng lamesa. Nang makarating ako sa pwesto ko ay tuloy-tuloy akong umupo at sinulyapan ang hitsura ng mga babaeng manliligaw niya. They were pretty.

Malaki ang biyaya na ibinigay ng Diyos sa kanila—o baka doktor ang nagbigay ng mga biyaya nila?

Their skirts were above the knees, which are absolutely against the rules and regulations here in the campus. Their upper clothes was so fit na klarong-klaro namin ang mga bra nila. Sinadya nilang buksan ang tatlong butones ng uniporme nila para makita ang cleavage nila. They were wearing make-ups and lusciously red lipsticks. Well for the hair, ayos naman. Kaso, hindi type ni Anton ang mga wavy dahil...naiingit siya sa may mga matataas na buhok.

Now they're even making him annoyed!

"Mukhang mamahalin, ah?" bulong ko kay Anton habang sinusulyapan ang branded chocolates.

Napapikit ang kaibigan ko sa inis. Hinilot niya ang sentido niya at marahas na bumuga ng hangin. "Stop doing this. Alam niyo naman kung ano talaga ako."

"Bes, lalaki ang galawan mo." I warned him in a whisper tone. Sumulyap siya sa'kin at tumango ako. "Pakita mo naman sa kanila na girly-girly ka."

"Bes hindi ka nakakatulong. Tatlong taon na silang nangungulit sa'kin!" he whispered back miserably. Na para bang wala na talaga siyang pag-asa.

"Alam ko. Kaya nga ipitin mo muna boses mo tapos sabihin mo, 'Mga bes! Why are you doing this? I'm a girl!'"

Mas sumimangot siya kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin at uminom ulit ng tubig.

"But we know that there's still a chance." sabi ng isa sa mga babae. "We won't give up, Anton! We like you so much!"

"Creepy." komento ko.

Pabulong sana iyon kaso nakalimutan kong ilang distansya lang pala ang pwesto nila sa akin kaya galit nila akong sinulyapan.

"What did you say?" tanong ng isa, 'yung may hawak na chocolates.

"Sabi ko, nakakakilabot kayo." tugon ko at ipinakita ang braso ko. "Tignan niyo, nagsitayuan ang balahibo ko!"

She glared at me and dropped the chocolates on our table. Napatalon sa pwesto ang kaibigan ko dahil sa gulat.

"Bakit ka ba nakiki-komento dito? And why are you sitting beside Anton?"

"Dahil seatmates kami. May angal ka?" tanong ko pabalik sa kanya.

Her mouth parted.

"W-what?" she looked at Anton. "B-but, you said, ayaw mong may katabi—"

"Tch, OA." pagpaparinig ko.

"Sugar daddy ang hinahanap ko hindi sugar ate!" he exclaimed in a girly way.

"But, Anton—"

"Please, shoo! Ayaw ko ng istorbo! Isabelle's my bff okay? And stop sending me chocolates! I want to receive money not from you but from my sugar daddy!"

The girls scoffed and shook their heads. "No, we know that there is still chance—"

"Go away! Our professor's coming!" pantakot niya at itinuro ang pintuan.

Nanlakihan naman ang mga mata nila at kumaripas agad ng takbo palabas sa classroom namin. He then tucked his imaginable hair and leaned on his chair and sighed. He looked at me and we both laughed at the same time.

"Wala pa si sir, oy!" sabi ko at sinarado ang tumbler ko.

"Gosh! Nakakairita na! Alam na nila ang orientation ko pero bigay pa rin ng bigay. Ano ako? Bodega pang chocolates and flowers?"

"Gwapo ka kasi! Ayan tuloy."

"Gwapa bes, gwapa. I'm maganda." he said and pushed the chocolates to my side. "Sa'yo nayan."

"Lamat," sabi ko at binuksan ang chocolates. Ako na mismo ang kumain no'n.

Iyon ang ganapan after lunch break namin. As usual, busy sa discussions ang bibig ng mga teachers namin. Kami naman ni Anton, busy rin sa pagtulog sa pinakalikuran. Minsan nga ay tumutulo ang laway ko sa lamesa pero hindi ko iyon pinapansin.

Then, dismissal came. Pasok ng pasok lang ako sa mga gamit ko sa bag habang si Anton naman ay talagang ina-arrange niya one by one ang sa kanya. He kept on wiping his face with a handkerchief habang nag-aayos. Goodness, pa'no ba kita naging kaibigan?

"Ang bagal mo naman." sabi ko sa kanya at napakamot sa ulo ko. He chuckled.

"Wait nga!" he jokingly said. "Si gaga, hindi makapaghintay."

"Eh kasi nagugutom na ako, eh! Uy, libre mo ngayon, ah?" paalala ko.

"Oo nga! Hindi ako sumusuway sa mga pangako ko, noh." he rolled his eyes at umayos ng tayo matapos mag-ayos ng bag. "Here, ta-da! I'm done!"

Sabay kaming lumabas sa classroom at naglalakad sa hallway patungo sa ground floor at papalabas ng gate. Suot ko pa rin ang jersey ko at siya naman ay ang napaka-neat na ayos ng school uniform niya. We were talking about things and stuff, mostly the random ones. Pumasok kami ng isang mall at kumain kami sa Chowking. Dito kami palaging kumakain tuwing free time o di kaya'y dismissal. Libre niya rin palagi dahil gusto niya 'yon.

"Uhm, dine in lang po," sabi niya sa cashier at tinapik ko naman ang balikat niya. Napatingin siya sa akin.

"Hanap muna ako ng lamesa." wika ko at tumango naman siya kaya umalis ako agad sa linya at hawak ko ngayon ang mga bag namin habang panay ang paglingon-lingon sa paligid. Napatingin ako saglit sa mga kumakain. May iisang pamilyang nagsitawanan, ang iba naman ay tahimik na kumakain habang nagse-cellphone, at ang iba ay by partner na. In short, magjowa.

Umasim ang itsura ko. Pati ba naman sa Chowking ay may maghaharutan?

Nang may mahanap akong lamesa na good for two ay upumpo agad ako doon. Inilagay ko sa gilid ko ang bag naming dalawa at eksakto namang kakarating lang niya. Napaangat ako ng tingin at siya naman ay nakatingin sa receipt na para bang ni-review ang in-order niya na mga foods and drinks.

"Um-order ako ng halo-halo, bes." sabi niya nang makaupo siya sa harapan ko.

"How about pancit canton?" I asked. Tumango naman siya.

"Yup." dagdag niya at ngumiti ako. Favorite ko kasi ang pancit canton kahit na noong bata pa ako. Sikat sa aming karinderya ang lutong 'yon. Magaling ang ina ko at sabi niya'y namana raw niya ang recipe noon sa mga great great grandmother niya.

"By the way, discussion na naman sa history class natin tomorrow. Tapos sa susunod, pagsusulit na. Mag review ka ah?" sabi ko sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa akin at binaba ang resibo sa lamesa. His brows furrowed.

"Review mo mukha mo. The last time we copied each other's answers, pareho tayong bagsak. Mag review ka din." he said in a high pitched tone.

"I mean, nakakainis kasi. Bakit kailangan pa nating mag-aral ng mga kaganapan noon sa Pilipinas? Tapos ang complicated pa ng mga pangalan ng lugar, madalas ay Espanyol at hindi ko maiintindihan. May mga dates rin, hays." Napailing ako at sumandal sa upuan ko.

"Hindi lang 'yan, bes. May patanong pa si sir. Kung bakit raw mahalaga ang ganito chu-chu. Tapos ano raw ang contribution ni chu-chu. Gosh, kaloka. Stress na ang beauty ko diyan. May eyebags na ako, oh!" sabi niya at itinuro ang ilalim ng mata niya. Mukha namang wala. Gwapo pa rin siya.

Ay sandali, Isabelle, huwag magpapatempt! Kontrolin mo ang sarili mo!

"By the way, nanalo ba kayo kanina?" biglang tanong niya. I sighed and shook my head.

"Wala, eh. Sayang pero...may next time pa naman." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Natigilan kaming dalawa nang may tumayo sa gilid ng lamesa namin. Sabay kaming napaangat ng tingin nang makita ang isang babaeng dala-dala ang isang malaking mirror. She was not that young and not that old, too. Parang may anak na siya at asawa. She was smiling at us. Suot niya ang isang itim na bestida na hanggang tuhod ang haba. Naka-ponytail ang buhok niya at may pantakip na parang pang madre ang buhok niya.

"Hello po. Nagbebenta po ako ng salamin!" maligayang sabi niya at ipinakita ang dalawang malaking salamin sa harapan namin. Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Bakit siya nagbebenta dito sa loob ng Chowking? Pwede pala?

Ang mga tao sa paligid namin ay walang pakealam, na para bang hindi nila namataan ang babaeng nasa harapan namin. Busy sila sa mga inaasikaso nila.

Nagkatinginan kami ni Anton. Siya naman ay halatang naguguluhan rin.

"Ah, hindi po kami interesado." sabi ko at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"Opo, marami kaming mirrors sa house, eh. Sorry." dagdag ni Anton.

Naglaho ang ngiti ng babae sa tugon namin. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa dinadala niya at bumuntong-hininga.

"Naku po, tag six-hundred lang po ito. Sige na po. Kailangan ko lang talaga ng pera pambili ng gatas sa dalawang anak ko." pagmamakaawa niya.

Six hundred?! Ni wala nga akong ganun kalaking halaga, eh! Fifty lang ang meron ako!

"Sorry po talaga—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang kinuha ni Anton ang wallet niya at naglabas ng dalawang libo. Napaawang ang bibig ko nang nilahad niya ito sa ginang.

"Heto po. Pambili niyo po 'yan. Tsaka, iuwi niyo nalang po ang salamin niyo dahil hindi talaga kami bibili." seryosong sabi niya.

Napatingin ang babae sa perang nasa kamay ng kaibigan ko. Nagtagal ang tingin niya doon, tila nagdadalawang isip kung tatanggapin ba o hindi. Sumeryoso ang itsura neto at halos hindi na gumalaw kay nagkatinginan kami ni Anton sa isa't isa dahil sa nakakabinging tahimik ng paligid namin, na para bang kami lang ang tao doon.

"Alas-singko ng umaga." biglang sabi niya at nag-angat ng tingin sa aming dalawa. Sabay kumunot ang noo namin ng lalaki.

"P-po?" hindi siguradong tanong ko.

"Ngayong alas-otso ng gabi, uulan ng malakas bilang pahintulot na magsisimula na ang salungat na tadhana ninyong dalawa. Mauulit ang buhay ninyo sa ikatlo at ikaapat na pagkakataon. Kayo ay mabibigyan ng kapalarang baguhin ang daloy ng kwento sa oras na tumunog ang isang kampana."

Nakakakilabot siyang ngumiti.

"Dahil sa hindi ninyo tinanggap ang mga salamin ko na maaaring makakapagligtas na sana ng buhay niyo, kayo na ang bahala sa kung ano man ang mangyayari."

Anton scoffed. "Ano po ba ang pinagsasabi niyo? Hindi niyo po ba tatanggapin ang pera—"

"Alas-singko y medya ng umaga, sa oras ng bukang-liwayway, kayo ay magkikita sa kabilang mundo." ang huling sabi niya at tinalikuran na kami dala-dala ang mga salamin niya. Narinig pa nga namin ang matalas na ingay ng paanan ng salamin habang hinihila-hila niya ito palabas ng Chowking.

Nang tuluyan na siyang makalabas ay nagkatinginan kami ni Anton at sabay-sabay na humahalakhak.

What a nice prank!

"Gago, ano yon?" natatawang sabi ko at napaluha na.

"Oh my gosh! First time kong naka-encounter ng ganoong tao. At sa Chowking pa nga nag-endorse ng mga antique mirrors niya!" sabi pa ni Anton kaya mas napatawa ako.

"Sabi niya pang-gatas raw ng mga anak niya pero bigla nalang nag-litaniya sa harap natin ng kung ano-ano." dagdag ko pa. Nang mas lumakas ang tawanan namin ay doon na napalingon ang mga tao sa pwesto namin kaya agad kong sinabihan si Anton na tumahimik na. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"Number two-four-five!" sigaw nila kaya napatayo na si Anton dahil order na namin 'yon.

***

Nang matapos kaming kumain ay sabay-sabay rin kaming umuwi. Sabi niya sa bahay daw namin siya magtatambay muna at gusto niyang doon gumawa ng assignments dahil siya lang mag-isa sa bahay nila lalo na't nasa business leave ang parents niya. Nasa Cebu raw sila dahil may inaasikaso. Hindi rin naman ako nagrereklamo dahil ilang beses na siyang nag-sleepover sa bahay namin. Hindi rin nagagalit si mama dahil nasanay na siya sa presensya ni Anton sa amin.

"Magandang gabi 'nay!" bati ko nang makapasok kami sa sala. Sumunod naman ang kaibigan ko. "Nandito po si Anton!"

Eksakto namang lumabas galing sa kusina ang ina ko. Basang-basa ang kaniyang kamay dahil sa paghuhugas ng mga plato, may bula pa ang mga 'to. "O, magandang gabi sa inyo. Siguro'y kumain na kayo sa labas, ano?"

"Opo, tita." baklang sabi ni Anton at niyakap si mama. "I miss you, tita!"

"Diyosmiyo! Wala pa akong ligo, dong!" nahihiyang sabi ni mama at pilit na inilayo ang kaibigan ko.

"Okay lang po tita ano ka ba." pagpapaliwanag niya at kumalas sa yakap.

"O siya, umakyat na kayo sa kuwarto at ila-lock ko na ang gate."

Tumango naman kami at agad akong tumakbo paakyat sa hagdan habang sumunod naman sa akin si Anton. Tawa-ako ng tawa dahil muntik pang matapilok ang kaibigan ko at panay ang pagrereklamo niya dahil luma na raw ang mga ito at parang magigiba na sa walang oras.

Sa oras na binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko ay naglaho ang ngiti ko sa nakita. Agad nanlakihan ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko nang makita ang...dalawang salamin na ibinenta ng babae kanina sa Chowking!

"Bes—ouch!" nakatakbo parin ang galaw si Anton kaya nabunggo ang mukha niya sa ulo ko at napahinto. Hinihilot-hilot niya ang sentido "Bakit bigla kang huminto!"

"A-anton..." nanginginig na sabi ko.

"Ano!"

"T-tignan m-mo..." nauutal na sabi ko at itinuro ang harapan ko.

"Bakit? Ano ba yan—" hindi niya natapos ang sasabihin niya at agad umawang ang bibig niya.

Bakit 'to nandito?!

"O, bakit hindi pa kayo pumasok?" nagtatakang tanong ni inay nang maabutan niya kaming nasa labas ng kuwarto at gulat na gulat ang mga mata.

"Nay!" sigaw ko at napatalon naman ang dalawa. Napahawak si Anton sa dibdib niya.

"Bakit ba sigaw ka ng sigaw?" tumaas na ang boses ng ina ko.

"Bakit 'to nandito?!" tanong ko at doon naman niya nilingon ang mga salamin na nagkatinginan sa isa't isa.

"Ah!" aniya na para bang may naaalala. "May naghatid na isang babae kanina. Sabi niya in-order mo raw online—"

"In-order?!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Nay, ni kahit kailan, hindi ako nag-oorder online!"

"Kaya nga nagtataka ako. Sayang naman at hindi ko tatanggapin, mamahalin kasi ang itsura—"

"Tsaka, fifty pesos lang ang baon ko at keypad ang cellphone ko! Bakit..." napapikit ako at napahilot sa sentido ko.

"Sus! Pasalamat ka at may nagbigay sa'yo ng ganyan. Ang mahal kaya ng mga ganitong klase na salamin ngayon, lalo na kung makaluma ang disenyo." pagdadahilan niya pero hindi talaga ako natuwa!

"Oo nga bes, tanggapin mo nalang." pabulong na sabi ng kaibigan ko. Inirapan ko siya.

"Pumasok na nga kayo," sabi ni inay at itinulak kami papasok ng kuwarto at isinarado ang pinto. Nagtagal ang tingin ko sa dalawang salamin na kasing height ko. Its design is somehow antique. It really is dusty, na para bang kagagaling lang sa isang bodega at hindi man lang nilinisan.

"Ah! Bukas nalang ako gagawa ng assignment! I'm sleepy na," sabi ni Anton at humiga sa kama ko.

Nilapitan ko ang dalawang salamin at tinignan ang bawat aspekto neto. Inangat ko ang kamay ko at dahan-dahang hinawakan ang disenyo sa gilid-gilid. It resembles a curvy wooden stems of a flower at may parang crown sa itaas ng bawat isa. Nagkatinginan ang salamin sa isa't isa, resulting to an act of infinity mirror. Kapag tumingin ka sa gitna ay paulit-ulit ang itsura mo at papalayo ka ng papalayo, na para bang papasok ka sa isang dimensyon.

Sa hindi inaasahan, bigla akong nakarinig ng isang dulugdog sa labas at agad na pagbagsak ng malakas na ulan. Dahil do'n ay napatayo si Anton sa pagkahiga at sinulyapan ang labas ng jalousie window. Halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya kalaunan.

Sabay naman kaming napatingin sa relo namin. Its exactly eight o' clock!

Nakaramdam ako ng kaba at nang nag-angat ulit ako ng tingin ay nakita kong nakatingin na pala si Anton sa pwesto ko at halatang kinakabahan rin. Tumayo siya at lumapit sa akin. Sabay naman kaming napatingin sa infinity mirror na epekto ng salamin. Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig namin.

After a couple of seconds staring at the empty mirror, bigla kaming nakarinig ng isang tunog...ng kampana sa simbahan. An old sound of a bell.

We looked at each other. We knew that it was impossible dahil ni isa'y wala kang makikita na simbahan dito sa lugar namin. As I looked into his eyes, flashes of peculiar memories kept popping on my head. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon!

Kung sana ay sinunod namin ang sinabi ng babaeng nagpapakita ng presenya niya noong oras na 'yon. She warned us about this but we didn't listen. Akala ko ay nagbibiro siya, pero hindi pala.

Dahil sa oras na binuksan ko ang mga mata ko matapos akong pumasok sa munting pintuan na iyon, napadpad ako sa mundong hindi ko inaasahang mapupuntahan ko ngayon.

Infinity Mirror effect:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top