Prologue
Glow-Up Series #2:
Building The Unsure
DISCLAIMER:
This book is a fictional book, any names, characteristics, places, or person who may have the same things with my characters are not connected to the real world.
This book is not affiliated with universities, schools, or restaurants and brands that will be mentioned in the story.
This story may mention mature contents or false language that is not suitable for young ages. Please read at your own risk.
This story may contain spoilers for the Glow-Up Series 1, so I suggest for you to read the series 1 first.
______
"Lia, come here anak!" I called my daughter, holding her little jacket while she run away from me.
A sigh escaped my lips as I stand up from crouching down to follow my daughter who ran out of the bedroom to probably hide.
"Anak, please, may work si mama. I'll be late anak." Tawag ko ulit dito nang makalabas ako ng kwarto, narinig ko ang maliit niyang paghagikhik at napamasahe ako sa aking noo habang bahagyang napapangiti. This kid... masyadong makulit.
I carefully walk towards the sofa where I can hear her soft chuckles coming from, I crouch down a bit so she won't notice me.
"Find me mama!" Sigaw nito at pinigilan ko na mapatawa. Akala niya siguro ay ang layo ko pa sa kaniya, hindi niya alam na nasa gilid na ako ng sofa at nakikita ko na siya na sumisilip naman sa kabilang gilid.
"Got you little girl!" I carefully held her up where she squirmed in my hands. Damn she's so tall for her age which makes her heavy.
"Put this on na, anak." I told her as I place her down on the sofa. She giggled as I help her put on her little jacket.
"Tito Tobi will be here in few minutes and he will take you to lola." I said as I help her to get down from the sofa.
"Mama, I want to bring pancakes from breakfast." ani nito habang nakatingala sa akin. Her eyes in a cute doe shape.
I smiled and caress her hair, "There's no leftovers na anak, magpapabili nalang tayo kay tito Tobi on your way to lola, okay?" sagot ko sa kaniya at tumango ito bago nagtatakbo papasok ng kwarto. Napatawa ako bago napa-iling. It's just 7 in the morning and she is already energetic. I'm not a very morning person but because of this little cutie, nakakaya kong gumising ng 5AM para makapaghanda ng almusal namin.
I followed her to our bedroom and change to my corporal attire. I also fixed my hair and put on a thin layer of make-up before slipping through my heels. While Lia is peacefully sitting down on our bed and playing with her dolls. My phone is just beside her but she's not familiar with it. No phones or any type of gadgets until she's 6. That's what Ali suggested so that she won't be addicted on gadgets at young age. She told me that's what her mom did. She got her first tablet at 8. I consider her suggestion since as a kid who grew up with gadgets, I can tell it won't be fun for Lia. I let her play with her toys or just watch TV.
"Tito Tobi's here! Mama, down!" sigaw nito, napatawa ako at napa-iling bago binitawan ang make-up brush na hawak ko at ibinaba siya mula sa kama.
Tunog palang ng sasakyan ni Tobias kilala na niya. She's the one who first run out from the room before I followed her with her bag that contains her essentials to the door where she's already jumping, excited to see his tito Tobi. Parang hindi sila nagkita kahapon.
"Tito Tobi!" sigaw ni Lia nang buksan ko ang pinto at nakita si Tobi na nakasandal na sa harap ng sasakyan niya.
"You know I'm really worried for your kid. Wala kayong gate, madali kayong mapapasok sa loob." Matigas nitong turan habang inililibot ang paningin niya sa labas ng bahay. Napatawa ako bago ini-abot sa kaniya ang bag ni Lia.
"Alam mo masyado kang praning, may lock naman yung pinto." sagot ko dito, naglipat siya ng tingin sa akin at napa-irap.
"Kulit kasi, sabi nang bumalik na sa condo niya o kaya naman tumira sa bahay nila." Turan nito at napatawa ako bago napalingon kay Lia na nasa sasakyan na ni Tobi at naka-upo sa babyseat niya. She's very smart for her age, I wonder kung kanino nagmana. I don't remember me being smart at such young age.
Then I look back at Tobi and smile, "Tobi, you know my reason. I don't want to rely on them, maliban nga lang sa pag-aalaga kay Lia dahil kailangan kong magtrabaho." sagot ko dito at napa-ismid si Tobi.
"Tsaka... marami akong ala-ala sa condo, huwag na doon." Dagdag ko at napatawa siya ng bahagya.
"Sige, sabi mo eh, sige, una na kami. Ingat ka sa trabaho." Paalam niya bago sumampa sa kaniyang sasakyan at tumango ako. "Nagpapabili nga pala si Lia ng pancakes, ibili mo muna, bayaran kita pagsweldo ko." Paalala ko dito at tumango siya,
"By the way, ang ganda ng ayos mo ngayon." I complimented him and I saw him smile.
"Thank you." sagot niya bago isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan.
"Bye mama! Labyu!!" Ngumuso pa si Lia at nag flying kiss, napangiti ako ng malawak bago nag-alalang sinambot ang kaniyang flying kiss at inilagay sa labi ko.
"Labyu too!! Pakabait ka! Muah!" Turan ko bago tuluyan na sumara ang bintana sa tabi ni Lia at nagmaneho na paalis si Tobi.
Napabuntong hininga ako bago pumasok ng bahay. Inaayos ko ang ilang gamit bago hinugot ang mga appliances na nakasaksak. Kinuha ko na ang aking bag at saka-saka ay lumabas ng bahay at naghintay ng Taxi papunta ng pinagtatrabahuhan ko na kumpanya.
"Good morning po," bati ko sa guard ng kumpanya nang makapasok ako sa loob. Agad akong lumapit sa biometrics namin para mag log-in.
"Good morning miss ganda." Napalingon ako sa babae na nasa receptionist at nahihiyang ngumiti.
"Ano ka ba, Lory nalang, masyado naman sa miss ganda." sagot ko dito at napangiti siya na sinuklian ko rin ng ngiti bago sumakay sa elevator papunta sa finance department. Mabuti nalang at hindi ako late. Malabo naman talaga na ma-late ako lalo na at malapit lang ang apartment namin sa kumpanya.
"Alyssa, sinasabi ko sayo, totoo iyang mga mata ko." Turan ko sa katrabaho ko na nakatulala nanaman sa mga mata ko.
"Hindi, ganito kasi sissy, masyadong... tsk, masyado unrealistic ng mata mo. Ang ganda ng pagkakablue niya na may halong green. Totoong tao ka ba?" tanong niya at napatawa ako habang ibinababa ang aking bag at umupo sa cubicle ko na katabi lang ng cubicle niya kaya malaya ako nitong nachichismis.
"Alam mo Alyssa, hindi ka pa yata kumakain, baka gutom lang 'yan." turan ko dito bago binuksan na ang aking computer. Natahimik ito ng ilang minuto kaya naman nagawa kong tingnan ang mag papel na nasa lamesa ko. Mukhang mapapasabak nanaman ako sa mabigat na trabaho kahit umaga palang.
"Uy, Lory, oo nga pala, nabalitaan mo na ba!" Napalingon ako kay Alyssa na may hindi interesadong ekpresyon sa mukha habang siya itong mukhang excited na excited.
"Ano?" tanong ko dito, kinikilig-kilig pa ito kaya namna napa-irap ako.
"Alam mo Alyssa, magtrabaho nalang--"
"Hindi kasi ganito, makinig ka!" Putol nito sa akin at napabuntong hininga ako bago tumango.
"Nabalitaan ko, ngayon daw dadating ang mga bagong engineer at lawyer ng kumpanya!" Halos mapapalirit ako at napakunot ang noo ko.
"At! At! Ang anak ng CEO! Ngayon din dadating!" Doon ako medyo natigilan at napalunok ng laway.
"Malay mo, malay mo may pogi! Tapos... tapos ma inlove isa sa akin! Diba! Isipin mo kasi Lory!" Napakamot ako sa aking ulo, kakaiba itong babaeng ito. Mabuti nalang at sanay ako sa mga kabigan ko na para ring mga nakatakas sa mental hospital, kung hindi ay baka kanina ko pa nasapok si Alyssa.
"Alam mo, Alyssa, kakapanood mo 'yan ng KDrama, delikado kana girl." ani ko bago muling humarap sa aking lamesa at nagpatuloy sa pagtitipa sa keyboard ng computer.
Sa wakas naman ay tumigil na sa pagdadaldal si Alyssa. Kung hindi ay baka hindi ko natapos ang aking trabaho bago pa man mag alas diyes. Medyo mabilis pa nga iyon eh. Kumpara sa mga sinabak ko noong mga unang araw ko dito. Masyado akong kinawawa ng mga dating empleyado. Buti nalang at natuto akong magtimpi sa Canada. Kung hindi ay baka nakipag-away na ako dito kahit tatlong araw palang akong baguhan.
"Alyssa, magkakape lang ako ha. Kapag may naghanap sa akin, pasabi babalik din ako." Paalam ko kay Alyssa na hindi pa rin tapos sa trabaho. Nakipagdaldalan pala kasi ito sa iba namin na katrabaho kaya hindi pa tuloy siya ngayon tapos sa kagaya lang din ng ginawa ko. Nang makita ko itong tumango ay napatayo na ako ng aking inuupuan at pumunta sa coffee bar namin dito.
Kailangan ko ng matapang-tapang na kape kung hindi ay baka makatulog ako sa opisina. Pinilit ba naman akong manood ni Lia ng Avengers kagabi. Natapos na yung palabas pero nagtatalon pa sa kama, gusto daw niyang maging Iron Man paglaki kniya. Nag-oo lang ako nang nag-oo para matahimik ito. Panigurado na pagpunta nito kila mommy ay puro Avengers ang papanoorin nito. Sinasabi ko naman sa mga katulong sa bahay nila mama na huwag papanoorin ng ma adult scenes at takpan ang mata kung meron man dahil ganun ang ginagawa ko kung may adult scene sa Avengers na pinapanood niya.
"Baka mag palpitate puso mo miss. Makikita mo agad si Lord niyan." Napakunot ang noo ko at nilingon ang lalaki na nagsalita sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko at nahulog ang panga ko nang magtagpo ang mata namin, napangiti siya.
"Ah, kaya naman pala! What's up miss... Valdez? Long time no see!" Nakangiting turan sa akin ni Inin.
"Inin..." Halos bulong nalang iyon, nanatili akong nakatayo doon habang naninigas ang aking buong katawan.
Napatawa siya ung saan halos mawala ang kaniyang mga mata, "It's Rusti now, ang bantot kasi pakinggan ng Inin lalo na at engineer na ako, para akong sinaing." Turan niya at napalunok ako ng laway bago tumango.
"Right... good to see you engineer... Sadillo." Bati ko dito na bahagyang nag-aalangan pa. He seems so... relaxed. He seems... okay, parang walang nangyari.
"Oh, bakit ang lungkot mo naman. Yung 4th shot nga pala ng espresso mo okay na." Itinuro niya ang coffee machine sa likod ko. Agad akong napalingon dito at isinalin na ito sa baso ko na may laman na yelo at ang ilan pa na shots ng espresso.
"You still like Iced Coffee, I see, I guess you haven't changes, just got prettier." ani niya at natigilan ako sa paghahalo ng kape ko bago napalingon sa kaniya na malawak ang ngiti sa kaniyang labi. His smile didn't changed at all. There were no hint of anger in his face. Why is he like this? I expect him to be... mad at me. He just gone more mature and good looking.
"Yow, Sads, come on, dumating na yung anak ni boss." Parehas kaming napalingon sa isang lalaki na naka coat at formal attire, hindi kagaya ni Inin, I mean si Rusti nakaputing long sleeve polo at nakabukas pa ang dalawang butones. It's giving a messy, hot look for me.
"Yes, attorney..." sagot niya bago nagbalik ng tingin sa akin.
"See you around. Huwag kang kape nang kape." ani niya bago naglakad palayo. At ako itong natigilan doon at nakatayo lang habang hawak-hawak ang aking kape.
"Putangina..." mura ko bago ginising ang aking sarili sa pagkahibang at naglakad na pabalik ng aking cubicle.
"Sissy! Andiyan na sila! Huy! Nakita mo ba yung attorney! GAGA! Ang pogi!" Nagpapalirit agad si Alyssa sa tabi ko nang makabalik ako.
"Oo na, nakita ko nga." Sagot ko dito at napasimangot siya.
"Kapag ganiyan kagwapo ang makikita ko araw-araw, baka hindi na ako mag day-off." ani niya at napahagikhik ako.
"Talaga lang ha." ani ko bago binuksan ang email na kakadating lang. Panibagong asikasuhin kaya hinid ko na sinayang pa ang oras at nagsimula nang gawin ang trabaho.
Natikal ako sa trabaho nang umalingawngaw ang mga bulong-bulongan sa department namin. Kasunod nito ang boses ng boss namin.
"Good morning finance department, listen up, ladies and gents." Napakunot ang noo ko at nilingon ang gawi ng boss namin na nasa malapit lang sa akin.
"I'd like to introduce to you the soon CEO of the Ponce Group and Companies, Samuel Matias Ponce." Napabuntong hininga ako nang kumaway si Sam sa amin, hindi nakalusot sa akin ang mga mahihinang pagtili ng mga kasamahan ko.
"Next is our new lawyer, Attorney Josiah Benedict Alfonso." Tumango lang ang lalaking naka suit na grey at may hawak na briefcase.
"Aray--" Napalingon ako kay Alyssa sa likod ko na nakatakip sa kaniyang bibig.
"Gaga 'yan yung sinasabi ko sayo! Ang gwapo!" Mahina nitong palirit at napa-irap ako bago nagbalik ng tingin sa unahan.
"Ang lastly, our new engineer, Engineer Rustin Landin Sadillo." Sa akin nakatingin si Rusti kaya agad akong naglayo ng tingin.
"Employees, please welcome the three of them and treat them well, okay?" Turan ng boss namin.
"Yes sir..." sagot naman namin. May sinabi si sir sa tatlo bago umalis at naiwan ang tatlo sa unahan. Mukha silang mga estudyante na magpe-present ng group project nila sa unahan at si Rusti ang pabigat sa grupo.
Nilingon ako ni Sam at bahagyang nanlaki ang mata ko, naglakad ito papalapit sa akin at wala akong nagawa nang tumigil siya sa harap ko.
"Long time no see, come, ipapakilala kita sa dalawa." ani niya at hindi na ako nakatanggi. He held me by my hand and I followed him to Rusti and their attorney.
"Guys, this is Lory, Lory, Engineer Sadillo and Attorney Alfonso." Turan nito, napansin ko na nagkatinginan muna si Rusti at ang attorney nila bago humarap ang dalawa sa akin.
"Nice to see you." ani ni Rusti bago nakipag kamay sa akin.
"Hello miss Lory." Turan naman ng attorney nila.
Humarap sa akin si Sam at ngumiti, "She's Lory, my future wife."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top