Epilogue II



"Sa una lang 'yan masaya." Napalingon ako sa gawi ni Mark at napakunot ang noo ko.


Pinandilaan ko ito, "Gago ka." turan ko bago muling humarap sa aking cellphone, pinagmamasadan ang messages namin ni Lory. 



"Uy, gagi, 'wag mong sabihin na may girlfriend ka na nga?" Nagulat ako nang bigla ako nitong tabihan, potcha, sinisiksik ako ni gago! 


"Inin, meron na nga?! Huy! Gago!" Nagpa-panic nitong turan, napangirit ako at lumingon sa paligid para makita kung may nakatingin ba sa amin. 


"Ano ba p're, tumahimik ka nga, nakakahiya sa ibang tao." saway ko rito, 


"Hindi kasi, ano ba? Meron ba? Kayo na ba ni miss blonde--"


"Oo, noong isang-isang linggo pa." sagot ko at napapalakpak ito nang malakas bago napa-igkas at tumayo mula sa kinauupuan namin. 


"IYOWN! Iyown naman! Iba talaga ang isang sinaing!" ani nito at napasapo ako sa noo ko sa kahihiyan, nakatingin na ang ibang tao sa amin dito sa may tindahan ng bananacue sa park.

"Joke lang talaga 'yong sinabi ko na sa una lang 'yan masaya, stay strong pare, kapag nagloko ka, ako ang unang gigilit sa itlog mo." ani nito na parang hindi nakakahiya ang sinabi niya, sinuntok ko ito sa braso kaya naman nahulog ito sa sahig at napahagalpak ng tawa. 


Hayop na kaibigan 'yan, kung ano-ano ang iniisip. Ako? Magloko? Hayst.



Nang sumapit ang piyesta ay kasama ko sila Mark at Ryan manood ng mga banda. Maski ang sikat na si Laura Kassandra ay special guest. Si Ryan na matagal nang crush si Laura ay sige ang paghiyaw, akala mo ay hindi malapit ang tinitirhan kila miss Laura. 



Madalas kong kinakamusta si Lory, ako rin ang kadalasan na unang nagme-message, minsan ay matagal siyang mag-reply, inaabot ng kalahating oras o minsan naman ay isang oras na. Hindi ko naman ito dinadamdam dahil alam kong busy siyang tao at alam ko rin na hindi lang naman sa akin umiikot ang kaniyang mundo. 



Dumating din ang mga araw na pinag-ipunan ko, lumuwas ako ng Maynila para mag-apply sa mga unibersidad. Mahirap pala, sobra, lalo na at unang beses kong makakatungtong ng siyudad, pakiramdam ko ay ang liit-liit kong tao, na kayang-kaya akong kawawain dito, parang lalamunin ako ng buong lugar. 



Nagbunga naman ang ginawa ko dahil natanggap ang application ko at pinapabalik sa Marso, mukhang makakatuntong talaga ako ng kolehiyo. 



Sa bawat araw na lumilipas, kasabay ng pagre-review ko sa mga exams, hindi kumpleto ang araw ko na minsan ay inaabot ng gabi nang hindi ko nakaka-usap si Lory kahit ilang minuto lang. Kahit pagani-ganito lang kami, kahit hindi gaya ng ibang relasyon na madalas magkausap ay kuntento na ako, hindi naman nasusukat sa tagal ng pag-uusap ang pagmamahalan. 



March 11, isang araw ang nakalipas matapos ang  2nd monthsarry namin ay siyang araw din ng entrance exam ko, madaling araw ay lumuwas na ako para makarating ako sa Maynila bago pa man magsimula ang exams. 


To: Lory

Happy 2nd monthsarry, sorry hindi tayo makakapag date ngayon, pero gagalingan ko exam! 


Kaka-send ko palang ng message nang mag-reply agad si Lory na medyo ikinagulat ko. 


From: Lory

Goodluck! Love you! 



Nang mabasa ko ang message ay nanlaki ang mata ko, napalingon ako sa bintana ng bus at napigil ng kilig. 


"Sir? Ticket niyo po?" Napalingon ako sa kondoktor ng bus bago ipinakita ang ticket ko at ang bayad ko. 


To: Lory

Ano ka ba naman! Umagang-umaga pinapakilig mo ako! Baka sumigaw ako rito sa bus! 



Dahil ala una palang ng madaling araw ay pinapatulog pa ako ni Lory sa biyahe. Iyon naman talaga ay plano ko kahapon palang lalo na at puyat ako kagabi sa kaka-review. 


To: Lory

Okay okay, will do, I love you too! 



Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago ibinaba ang cellphone ko sa aking hita at napasapo sa aking noo. 


Kinikilig ako, hayop. 


"Kamusta anak? Kamusta ang exam?" Salubong sa akin ni papa, alas dose ng gabi at halos lahat ng katrabaho ni papa ay iniintay ako. 


Ibinaba ko muna ang plastic ng pinagong na binili ko, "Kayang-kaya! Nasagutan ko lahat!" Mayabang kong turan, nasigawan ang mga kasama ni papa at maski si papa ay ganun din sa sobrang tuwa. 


Inaya ako ng mga ito na kumain ng pancit na niluto nila bago pinagpahinga na dahil puyat at pagod. 


Kinabukasan ay saka ako kinamusta ni Lory, sinabi niya rin sa akin na magkikita-kita sila ng mga kabigan niya at magkakaroon ng kaunting salo-salo. 


Nang mag-graduation ay nakita ko ang pagtangis ng aking ama, siya ay kasama ko sa stage at doon palang ay naluluha na ito. Nang kunan kami ng litrato ay lalo itong naiyak. Inulit-ulit pa nito kung gaano niya siya ka-proud sa akin kaya maski ako ay naiyak na rin. 


Nang mag-bakasyon ay kumuha ako ng trabaho para makapag-ipon kung saka-sakaling makakapasa ako sa Maynila ay paniguradong kukuha ako ng apartment. Kahit gaano ka-simple, kahit gaano kaliit at kainit ay papatusin ko, maitawid lang ang pag-aaral ko. 


Ilang araw bago ang graduation ay nakatanggap ako ng tawag galing PUP, "PASADO!"


Nasa tricycle palang ay nagsisigaw na ako, "PAPA! PASADO AKO! MAKAKAPAG-COLLEGE AKO!!" Halos matumba ako dahil sa pagtalon mula sa tricycle kahit hindi pa ito tumitigil.

"PASADO?! PASADO KA?!!" Nagtatakbo ako papapunta kay papa para yakapin ito kahit balot ng semento ang kaniyang damit.

"Pasado pa! Tinawagan nila ako! Pasado!!" Nakita ko ang pagluha ni papa bago akoo nitong yakapin at tinapik sa likod.


Sunod akong nag-message kay Lory na pasado ito, kahit ito ay sobrang tuwa. Alam kong wala siya sa Tagkawayan ngayon dahil lumuwas ito ng Maynila para may asikasuhin pero damang-dama ko pa rin ang saya niya para sa akin. 



Kinabukasan, hapon ay saka dumating si Lory para batiin ako, may dala pa siyang cake na ikinatakam ko at hindi na nakatiis na hindi tikman. 


"Halika, i-drawing natin ang pangarap mo na bahay." 



Pero hindi niya lang pala iyon pangarap na bahay, sa paglipas ng panahon, sa paglipas ng araw at taon, ang pangarap niyang bahay na ako mismo ang gumuhit ay siya rin ang naging pangarap ko na bahay. Pinangarap ko kaming dalawa na nakatira doon, masaya, kung bibiyaan ay may dalawa o tatlong anak. Isang masayang pamilya, kumakain nang sabay-sabay, nagtatawanan, nagke-kwentuhan. 


Lahat gagawin ko para magkatotoo lahat ng pinapangarap namin dalawa.  Lahat gagawin ko para mabuo ang bahay na iyon. 



"Kaninong brief nanaman ito? Lalamog niyong dalawa!" galit na ibinato ni Sean ang kung kanino man na brief sa gawi namin ni Uro, sa dibdib pa ni Uro ito lumanding. 


"Bastos naman! Hindi 'to sa 'kin! Inin! Sa 'yo yata 'to!--"


"Gago! Hindi!" Agad akong napatayo sa pagkakahiga sa sahig nang ibinato ito ni Uro sa gawi ko. 


"Walang garter, oh! Mukha bang nagsusuot ako ng no-gar na brief?!" Sabat ko rito, 


"Oo! No-gar na, may butas pa!" sigaw ni Uro, nanlaki ang mata ko bago dinampot ang brief at hinabol si Uro para ikuskos ito sa kaniya. 


Halos ganito kaming tatlo nila Sean at Mauro sa apartment, kahit alam namin na rinig na rinig kami ng ibang tenant sa ibang kwarto. Hindi naman kami pinapagalitan, may mas maingay rin sa amin, normal na asaran nalang ito sa amin. 


"Inin, si Lory may message." Agad kong tinitigilan ang pagsakal kay Uro para takbuhin ang cellphone ko na naka-charge sa may kusina na tinitingnan ngayon ni Sean. 


"Anong sabi? Ako pa rin daw ba? Mahal pa rin niya ba ako? Mamahalin niya ba ako kahit tatlo ang butas ng ilong ko?" Pagbibiro ko kay Sean, 


"Hindi raw," sagot nito bago umalis at sumimsim ng kape niya, pagtingin ko sa cellphone ko ay wala naman itong message. 


"Wala naman, eh!" Pagmamaktol ko, sumandal si Sean sa may lababo, "Ay? Wala ba? Akala ko meron, siguro nag ha-hallucinate lang ako dahil sa sobrang ingay niyo ni Uro." ani nito bago umalis. 


"Sungit, amputcha." ani ko bago napasimangot. 



Tuwing Lunes hanggang Biyernes, sabay-sabay kaming pumapasok tatlo lalo na at sa iisang unibersidad lang naman kami nag-aaral. Magkakaiba lang ng course at building. Si Mauro, nasa Marine Engineering, ang alam ko pinapangarap niyang maging seaman, halata naman dahil noong una ko siyang nakilala ay tumutulong ito sa mga mangingisda sa may aplaya. 


Si Sean naman, mag-aabogado, ang alam ko ay mahal ang pag-aabogado, pero baka kaya naman ng budget nila. Mukhang may kaya naman si Sean, eh. Mukhang mamahalin ang cellphone, mga sapatos at relo. Hindi ko alam kung bakit pinili niya na tumira sa ganitong apartment kasama kami ni Mauro. 



"Anong pinakamababa mo na grade?" Nakuha namin ang grades namin ngayong araw, at gaya ng nakasanayan namin ng mga nakaraang taon ay tinatanong namin ang pinakamababa at pinakamataas na grade. 


Tiningnan ko si Uro na nagtanong, "1.75 sa akin, sa 'yo?" tanong ko kay Uro pabalik, 


Napasaltik ito ng laway, "Dos sa akin, pota." Mura nito at napahagalpak ako ng tawa. 


"Ikaw? Sean?" Sabay namin nilingon si Sean na mukhang problemado sa grade niya dahil tahimik ito at kanina pa hindi sumasagot. 


Nagkatinginan kami ni Uro, "Uy, Sean, okay lang 'yan, bawi ka nalang next sem." ani ko bago ito hinimas sa likod. 


"Oo nga, saka... alam naman namin na matalino ka, baka distracted ka lang. Ano ba ang pinakamababa mo?" tanong ni Uro. 


"1.25," sagot nito at nanlaki ang mata namin ni Uro bago nagkatinginan, 


"Eh ano ang pinakamataas mo?! Uno?!" tanong ni Uro at tumango si Sean. 


"Oo, kayo ba? Anong pinakamataas niyo?" tanong niya, sabay kaming napatingin ni Uro sa card namin. 


"Hanep, 'yong pinakamataas ko, pinakababa ni Sean, 1.25." ani ni Uro at napahagikhik ako, 
"Wala ka, may uno ako, tatlo." Pagmamayabang ko, sinimangutan ako ni Uro bago hinampas ng card niya. 


"Yabang mo, gago."  



Madalas man ay masaya kaming tatlo, iyong kahit ang tingin sa amin ng ibang tao ay... mababa, dahil ako anak ng construction worker, si Uro anak ng mangingisda, si Sean... hindi naman ganoon kababa sa buhay sila Sean, anak naman siya ng baranggay tanod, pero ang tingin pa rin sa kaniya ng iba ay mababa. 


Pero hindi maiiwasan ang mga araw na may malungkot, may umiiyak. 


"Napa-ano?" Taka kong tanong kay Uro, kakapasok ko palang ng apartment, gabi na at kakauwi ko lang dahil galing ako date kasama si Lory. Natagpuan ko si Sean na umiiyak at hinihimas ni Uro ang likod. 


Nagkibit-balikat si Uro, 'Hindi ko alam.' Bumuka ang bibig nito. 


Dahan-dahan kong ibinaba ang gamit ko at dahang-dahan naglakad papalapit sa dalawa. Sinilip ko ang mukha ni Sean at umiiyak nga ito, basa na ang mga pisnge at mugto na rin ang mga mata. 


Utay-utay akong umupo sa tabi nito at napabuntong hininga, "Iiyak mo lang 'yan, sige lang, andito lang kami." 


Kahit may mga ganoong oras kami sa apartment, nagagawa pa rin namin tatlo na bumangon sa umaga para sa bagong umaga. Magluluto, maliligo at papasok, kakayod sa buhay. Kung gusto kong mabuo ang bahay na iyon, kailangan kong magpursigi. Kung gusto kong mabigyan si papa ng magandang buhay, kailangan kong magpatuloy. 


Mga bagay nga naman na ginagawa natin para sa pag-ibig. 



"Una na ako sir, monthsarry namin ngayon." Dali-dali kong inalis ang apron ko at tumakbo sa lockers para magpalit ng damit. 


"Nagagawa niyo pang mag celebrate ng monthsarry? Eh, hindi ba't sabi mo kapos ka ngayon?" Nilingon ko ang manager ko sa aking likod na naka-pameywang. 


Nahihiya akong ngumiti, "Eh sir, simple lang naman 'yon, hindi naman kami gaano gumagastos ng malaki, tsaka, isang beses lang sa isang buwan 'yon, ibabalewala ko pa ba?" Pinaglaruan ko ang aking towel sa kamay. 


"Iyang cake ba na iyan ang ibibigay mo sa girlfriend mo?" Itinuro nito ang cake na ipinabili sa akin ni Lory. 


Utay-utay akong tumango, "Opo," mahina kong turan, "Naku, hindi pa matutuwa ang girlfriend mo diyan." ani nito bago umalis, napa-awang ang labi ko bago sinaraduhan ang aking locker. Kinuha ko na ang mga gamit ko pati na rin ang cake bago umalis. 



"I'm sorry, dito lang tayo nag ce-celebrate ng monthsarry natin, tapos ikaw pa ang bumili sa cake." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi sabihin kay Lory, simula noong umalis ako sa pinagtatrabahuhan ko at sinabi iyon sa akin ng Manager ko ay hindi na ito nawala sa isip ko. 


"In..." 


"Iyong sinweldo ko kasi noong nakaraan, hinati ko para ipadala kay papa dahil nagkasakita siya, tapos 'yong kalahati ay para naman sa renta at sa school." Paliwanag ko, alam ko naman na noong mga nakaraan na monthsarry namin ay medyo maganda-ganda kaysa rito, pero ngayon talagang wala manlang akong ginastos, siya pa nagbigay sa akin pambili ng cake.


Ang dami ko rin binabayaran sa school, kahit scholar ay may mga event, may mga project, may mga groupings na ang mga ka-grupo ko walang pakundangan kung bumili ng mga materyales at talagang ang gustong bilhin ay iyong mga mamahalin pa, wala naman akong magawa dahil nagagalit lang sila kapag sinasabi ka na baka pwedeng murang gamit nalang ang bilhin. 


"Oh, oh, i-kalma mo, aba." Awat sa akin ni Uro, kanina pa akong palakad-lakad sa apartment at hindi alam ang gagawin. Kakauwi ko lang din mula sa date namin ni Lory at hindi ko pa rin lubos maintindihan ang mga sinabi niya.


"Tatay niya 'yon! Thiago Valdez! Paano ako haharap doon? Potcha! Pangalan palang nakakatakot na!" Nagpapanic na ako, may pagsabunot pa akong nalalaman. 


"Mabait naman daw 'yon, diba?" ani ni Uro, "Malay mo Gemini, two faces people." sabat naman ni Sean. 


Napakunot ang noo ko, "Huh?" 


"I mean, people are like that, they look pleasant and good, that's what others also say, but then, if it's just you two, boom! They're rude, mean, and arrogant, been there," sagot ni Sean, nagkatinginan kami ni Uro, nagkaibit balikat naman itong isa at ako itong napasimangot. 


Humagikhik pa si Sean, "Itong limang milyon, layuan mo ang anak ko." Pang-aasar nito, napahagalpak ng tawa si Uro habang ako naman itong napa-irap. 


Pagsapit ng araw na makikila ko na ang tatay ni Lory, maski si Sean at Uro ay maagang nagising para tulungan akong maghanda ng mga pagkain na dadalhin ko. Si Uro ang pumili ng isusuot ko, pinapakita nalang sa akin. 


Binigyan pa ako ni Sean ng pabango niya, plus points daw iyon para mas mukha akong tao. 


"Hi!!" Sinalubong ako ni Lory ng mahigpit na yakap nang magtagpo kami sa lobby ng condominium building niya. 


"You look amazing, come!" Hinigit niya ako papunta sa elevator, tiningnan ko pa kung anong floor ang condo niya, mataas masyado. 


Pagpasok namin sa loob ay malamig, sobra, nakita ko agad ang malaking aircon na bumubuga ng hangin. Para akong bata sa bahay ng bago kong kaibigan, dahan-dahan pa akong pumunta sa may lamesa para i-hain ang mga niluto ko. 


"Masyado kang maaga." Napa-igtad ako nang magsalita si Lory sa likuran ko, 


Napakamot ako sa batok ko nang harapin siya, "Para maayos ko na itong mga niluto ko, at... wala lang, gusto ko lang maagang pumunta." sagot ko at tumango-tango siya. 


"Tara muna sa kwarto, doon muna tayo." Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ako sa braso at dalhin papunta sa isang pinto. 


Napapikit ako nang mariin at napakagat sa pang-ibaba kong labi. Ano ba 'yan! Iniwan ko 'yung condom na pinagpilitan sa akin ni Sean! Para mas iwas tukso sana, pero bakit kailangan sa kwarto pa kami?! 


"Hey, relax, we won't do it, hihiga lang talaga ako, pwede ka naman maglakad-lakad." ani niya nang saraduhan ang pinto, huminga ako ng maluwag bago tumango. 


Nahiga siya sa kama habang ako naman itong napaharap sa malaking salamin at doon ginuguol ang oras ko para ayusin ang aking sarili. 


Maya-maya ay may kausap na siya sa cellphone niya, kaibigan niya siguro. Alam ko rin na ako ang pinag-uusapan nila. Mukhang kine-kwento niya sa kaibigan niya kung ano ang suot ko. 



"Andito na si dad." 


Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, kahit anong sabihin niya sa akin na huwag akong kabahan, tatay niya pa rin 'yon. Baka mangyari sa akin ang mangyari sa kaibigan ko, anong sasabihin ko kapag ganun ang sinabi sa akin? 


"Sadillo! Kamusta?" Napa-igtad kaming parehas ni Lory nang sumigaw ang tatay niya, ang lagong ng boses! Nakakatakot! 


"A-Ayos lang naman po ako sir, upo po kayo." Pumiyok pa! 


Pero ang takot na nararamdaman ko ay nawala nang maka-usap ko na si tito. Nakakatakot lang pala talaga siyang tingnan lalo na at malaki at matikas na lalaki, intimidating din ang dating niya kaya hindi naman ako masisisi kung natakot ako, pero sa totoo ay madaldal pala ito at mabait talaga. 


Dumating ang usapang kasal, gusto kong tumawa at tawanan ang sarili ko. Paano naman kami makakapagpakasal ni Lory nito? Eh, kung ang pamasahe nga ay pino-problema ko pa minsan? 


Andoon din ang usapang anak, aamin ko, gustong-gusto ko. Gusto kong makita ang mga bulilit na kamukha namin ni Lory, gusto kong bumuo ng isang masaya na pamilya kasama si Lory, pero kung hindi niya gugustuhin ay hindi ko siya pipilitin. 


Ano raw ang balak namin ni Lory? Marami tito, marami. Pero hindi namin mamadaliin. 



"Anong score mo, p're?" tanong sa akin ng isa kong kaklase, kakabigay lang ng results ng isang exam namin at tinitingnan nila kung sino ang mga nakalamang sa kanila. 


"89," sagot ko, nanlaki ang mata nito bago tiningnan ang papel  niya, "Hayop, isang mali lang." bulong niya, 


"Seryoso ka ba? Patingin nga ng papel mo." Akmang kukunin niya ang papel ko nang tumayo ako, 


"Una na ako," ani ko bago kinuha ang bag ko, nagulat ako nang bigla ako nitong hatakin pabalik. 


"Yabang mo ah, akala mo kung sino ka. Anak ka lang naman ng construction worker, ang itim-itim mo pa, buhok mo sabid-sabid, mukha kang pulubi." Naramdaman kong uminit ang pakiramdam ko, nakuyom ang aking kamay at anumang oras ay baka masunto ko ito. 


"Naka 89 ka lang, you cheated obviously! Someone like you? Would ace a test like this?! Huh! Nandaya ka!" Tinulak ako nito kaya muntikan pa akong matumba, 


"Hoy, tama na 'yan!" sigaw ng isang kaklase namin na babae, 


"Anong gusto mong mangyari?" tanong ko rito sa isang diretsong tono. 


Suminghap ito, "Kilalanin mo binabangga mo." Dinuro-duro ako nito sa mukha bago umalis sa harap ko, 



Pagbalik ko ng apartment ay agad kong tinahi ang bag kong sinira nito, sa sobrang lakas ng pagkakahigit niya sa akin ay nasira ito, dahil wala naman akong pamalit ay agad ko itong inayos. 



"Hi, ahm... okay ka lang ba? Nag-away kayo ni Elijah kahapon, nakita ko." Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isa kong kaklaseng babae, she's holding a box in her hand. 


"Here, cookies, I baked these for you, so you don't feel down na." ani niya bago ini-abot sa akin ang kahon. 


"Can I sit next to you?" tanong niya bago inipit ang kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tainga. 


Tumango lang ako nang utay-utay, "Ahm... salamat," Nahihiya kong turan, 


Ngumiti siya, "How have you been? Highest ka sa last exam! Congrats!" Masaya niyang turan, 


Nagpilit ako ng ngiti, "Salamat." 


"Ahm,  Mary diba?" tanong ko at tumango siya, 


"Ano... I'll be straightforward, may girlfriend ako, baka may makakita sa atin. I understand if you're just being  friendly, salamat sa cookies." 


Hindi ako assumero, sadyang ayaw ko lang bigyan ng isipin  si Lory. Ayaw ko siyang mag-overthink at mag-isip ng mga bagay-bagay lalo na kung tungkol sa babae o sa relasyon namin. 


Nakita kong bumagsak ang ngiti ni Mary, "I-I... I understand, I was just really trying to cheer you up, no worries." ani niya at tumango ako, 


"Sige, salamat ulit!" Tumayo ako mula sa bench at nagulat ako nang mabilis siyang tumayo, 


"Una na ako, bye." Mabilis siyang tumakbo paalis, napakamot ako sa batok ko. 




"Nakita ko 'yon, gago." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Sean sa likod, kasunod na si Uro na kumakain ng turon. 


"Sabi ko may girlfriend ako." Turan ko rito, "And you did a good thing, baka umasa pa 'yon, tapos si Lory naman... baka makarating sa kaniya, you did a good thing, pare." Inakbayan ako ni Sean bago higitin papunta kung saan.  



"Parang... hayahay ka, ah." Bati ko kay Sean nang maka-uwi kami, ibang-iba 'to sa Sean na lagi kong nauuwian. Hindi siya stress, hindi siya pagod, at lalong-lalo nang wala siya ngayong binabasang sobrang kapal na libro. 


"I'm graduating in few days, ano pa ba?" he replied and my eyes widened. 


"Uy, nice! Congrats! With flying colors?" I asked before sitting next to him, 


he scoffed, "With flying colors," he replied with a proud smile on his lips. "Yown! Nice one, pare!" Masaya kong turan bago napa-palakpak.


"Plus Summa Cum Laude." he added and my eyes widened once again, "Grabe na po! Grabe na talaga! Iba ka, Alfonso!" I patted his back a little hard which made him chuckle. 


"Si Uro, patapos na rin, ikaw may isang taon pa." ani nito at napakamot ako sa ulo, "Oo nga, pero sa ating tatlo, kapag tapos ko na ang limang taon, tapos na ako. Eh kayo ni Mauro? Maraming bigas pa ang isasaing niyo!" Pabiro ko itong sinuntok sa braso at napatawa ito. 



"Are you going to marry Lory after graduating--"


"Siyempre hindi." Mabilis kong sagot, napakunot ang noo nito bago inayos ang kaniyang salamin. 


"Why not? For God's sake, you two are so in love with each other." he asked and a slight chuckle escaped my lips. 


"How can I provide for a wedding when I just graduated? Ano ka ba, kaka-graduate pa nga lang, ibig sabihin wala pa akong trabaho o kahit anong ipon, saka na, kapag may trabaho na ako at nakapag-ipon na." sagot  ko at utay-utay itong tumango. 



Dahil maski si Uro ay walang gaanong gagawin ay nakapagpahinga kaming tatlo nang maaga, halos wala pang alas otso ay tulog na kaming tatlo. Bago kami matulog ay may natanggap akong text mula kay tito Thiago, ang sabi nito ay maghanda raw ako ng bag na may damit at gamit ko. Dahil hindi ko naman alam ang mangyayari o nangyayari, hindi na ako nagtanong pa at naghanda nalang ng isang  backpack  na may damit at ilang gamit ko.


Hindi pa manlang yata napapasarap ang tulog ko ay may tumawag sa akin, si tito Thiago! 


[Bumaba kana, andito na kami.] Agad niyang pinatay ang tawag napa-igtad ako at agad binuhay ang ilaw, maski tuloy ang dalawa kong kaibigan ay napabangon. 


"Ganun lang ba kabilis ang gabi?" tanong ni Sean, pikit pa. 


"Hindi pa manlang ako naglalaway..." Napakusot si Uro ng mata niya. 


"Nasa baba si tito Thiago, pinapababa ako!" turan ko habang may ini-impake na gamit sa isang eco bag, humaripas ako ng takbo palabas ng kwarto at ganun din ang dalawa. 


Kahit mungaw pa at inaantok ay bumaba kaming tatlo ng apartment, "Boys!" Nakilala ko agad ang boses ni tito Thiago na nasa isang sasakyan. 


Bahagya pang nakapikit ay pinanood kong ilagay ni Uro ang backpack ko sa sasakyan nila Lory, ibinato pa nga niya. 


"Inin, pasok na," sabi sa akin ni tito, gumegewang pa akong pumasok sa loob, akala ko ay matutumba ako sa sahig. 



Nagulat ako nang bigla akong batuhin ni Sean ng unan, aba gago! May sinabi pa si tito kila Sean at Uro pero hindi ko na ito lubos naintindihan, dahil sa lamig sa sasakyan at lambot ng upuan ay makakatulog ako ng wala sa oras. 



Matapos ang ilang araw ay graduation ni Lory, kahit inimbitahan niya akong pumunta ay hindi ko ginawa. Alam kong andoon ang magulang niya, lalo na nag nanay niya. Paniguradong magagalit iyon o di naman kaya ay kakawawain ako kapag nakita ako doon. 


Paano pa kapag nalaman niya na boyfriend ako ni Lory? Alam ko naman na wala pa akong mukhang ihaharap sa kaniya. Wala pa rin akong maipagmamayabang at kung ipagkukumpara ang katayuan namin sa buhay ay walang-wala ako. 


Kaya sa condo niya nalang ako naghintay, sinalubong ko siya ng cake bilang regalo ko sa kaniya. Ipinagluto ko naman siya habang siya ay nagpapalit ng damit na mas komportable. Pero napakaganda talaga niya sa puting dress na suot niya. 


Pumunta si papa sa Maynila para lang kamustahin ako, hindi rin siya gaanong nagtagal dahil hindi siya sanay rito at isa pa ay wala siyang matutuluyan. Pinakain ko siya sa isang restaurant para makatikim ito ng masasarap na pagkain bago siya umalis pabalik ng probinsya. 


Pagsapit ng bakasyon ay nanatili nalang ako sa Maynila para magtrabaho, si Uro madalang umuwi ng apartment dahil may ibang inaasikaso, si Sean ay madalang ko na rin makita, pero ang maganda ay kapag bayaran na ng upa ay nagpaparamdam ang dalawa. Hindi ko naman kayang solohin ang upa rito. 


Habang bakasyon ako at nagtatrabaho, si Lory naman ay nag-apply na para sa kaniyang OJT sa kumpanya ng mga Ponce. Ang pagkaka-alam ko ay ka-close niya ang anak ng may-ari na si Samuel Ponce, nakita ko lang sa friend list niya sa Facebook at paminsan-minsan ay nagco-comment sa mga posts niya, parang close talaga siya. 



Sa trabaho, kapag medyo nakakaluwag ay bumibili ako ng pasalubong kay Lory. Dahil madalas na rin naman akong na-andito at halos dito na rin nakatira, madalas kaming magkasabay kumakain pag-uwi galing sa mga pinapasukan namin, siya sa OJT, ako naman ay sa univeristy.


Sa bawat paglipas, papalapit nang papalapit ang pagtatapos ng OJT ni Lory, malapit na siyang maging ganap na isang Accountant. Sobrang excited at saya ko para sa kaniya, alam kong masaya siya sa trabaho na tinatahak niya.


"Congratulations, Lory!!" Bati ko agad nang makapasok ng unit niya. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap, maamoy ko lang siya at madama ang presensya niya ay nawawala na ang pagod ko. 


Hindi ako makatulog ng gabing iyon, napag-usapan tuloy namin nag future. Iyong bahay na kami mismo ang gumuhit, nasa akin pa rin, ipina-laminate ko pa iyon dahil noon ay muntikan nang mapunit, natakot ako na baka masira kaya ipina-laminate ko na, ipapa-picture frame ko nga sana noong una. 


"Oh, ako na bibili ng Empi, g ba ang lahat?" Nasamid ako sa spaghetti na kinakain ko nang magtanong ang kaklase kong may birthday. Mag-iinom kami? Birthday-an lang ang paalam ko kay Lory. 



"Saglit lang p're, magpapa-alam lang ako sa girlfriend ko na iinom tayo." Agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. 


"Iyan naman, Sadillo! Napaka-loyal talaga sa isa!" Inakbayan ako ng isa kong kaklase habang tumutipa sa cellphone. 


"Paano, loyal ka sa isa, isang dosena!!" Panloloko ng isa rito, napahagikhik ako habang naglolokohan sila. 


To: Lory

Hello! <3 Magpapa-alam lang sana ako, inaaya kasi ako ng kaklase ko na uminom. Diba nagsabi na ako na pupunta na ako sa kanila na birthday niya, pero nagkaka-ayaan na ngayon ng uminom. Lahat kami lalaki, promise! Send ko picture. 


Pinicturan ko kaming magkakasama para ipakita na walang ni-isang babae rito. Assurance ba, para hindi mag-overthink si Lory. 


From: Lory

Hey, I'll be home late, mag o-overtime lang ako, don't worry about me. 


From: Lory

Sure, no problem, I'm also planning to go to my friends later. Okay lang din ba? 


Ang bilis naman niya mag-reply! 


To: Lory

Siyempre naman! Mga kaibigan mo 'yon, wala akong takot na mapapahamak ka. Ingat sa pag-iinom <3


Gumuhit ang ngiti sa labi ko, tuwing kausap ko talaga siya, hindi ko mapigilan ang kiligin hanggang atay. 


From: Lory

Ikaw din, huwag masyado magpakalasing, mahirap matulog sa bahay ng iba, ingat! Enjoy! Don't worry about me, you deserve some fun! 


To: Lory

Thank you<3! Ikaw din! Enjoy dahil deserve mo ang mag relax! 



"Ano p're? Payag ba ang jowa natin diyan--"


"Oo, tsaka girlfriend KO lang, akin lang." Pinanlakihan ko siya ng mata at napahagalpak kami ng tawa, 


"Grabe naman, binibiro ka lang." ani nito at napabungisngis ako habang sumusubo ng shanghai. 


Dumating na ang kaibigan namin na may dalang Emperador at pulutang manok. Noong una ay masaya kami, maingay, nagkekwentuhan, nahihiya na ako sa magulang ng kaibigan namin na may birthday. 


Hanggang sa nang dumilim, biglang dumating ang iba naming kaklase na mga babae. 


"Hanep," bulong ko habang hawak-hawak ang baso ng chaser ko. 


"Uy, andito ka pala, Rustin." Nanlaki ang mata ko nang agad may tumabi sa aking babae, kasunod pa ang pag-akbay nito sa akin. 


"Ahm," Napa-ubo ako, "Una na ako." Agad akong tumayo, "Huh? Bakit? Kakarating lang nila." ani ng isa at tumango ako bago kinuha ang bag ko. Nang mapatingin ako sa mukha ng tumabi sa akin ay kitang-kita ang hindi maipaliwanag nitong ekspresyon. 


"Oo nga, eh ang sabi ko kay Lory puro tayo lalaki, baka makarating kay Lory, ayaw kong nag-aalala 'yon." Dahil medyo napapaggitnaan ako ay kailangan ko pa na mag-excuse para makalabas ng lamesa. 


"Una na ako, Bryan, happy birthday pare, kitakits sa school! Salamat sa pakain!" Nagpaalam na ako sa kaklase ko bago naglakad papalabas ng gate nila. 


Saka ko naramdaman ang kalasingan ko, nag-360 ang buong kalye. Pero sa awa ng Diyos ay naka-uwi ako sa condo ni Lory ng buo at buhay. Matagal na niya akong binigyan ng susi rito at authorized na rin akong pumasok kahit wala siya. Kaya tuloy agad akong nakapagbihis at nakapag-pahinga. 


Medyo nakakatulog-tulog na akong nang may mag-doorbell, alam kong si Lory na iyon kaya agad akong bumangon. Hindi na ako nagulat nang kakabukas ko palang ng pinto ay natumba na ito sa akin na agad ko namang nasalo. 


"Lasing ka rin?" tanong ko rito, natatawa-tawa pa ako dahil sa hitsura niya. 


"Sabi mo deserve ko mag-enjoy?" Ngumuso ito, hindi ko na napigilan ang mapangiti. 


Hinalikan pa ako nito sa labi at napahagikhik ako bago siya binuhat at isinara ang pinto gamit ang paa ko. 


Kung hindi ko tatagan ang binti ko ay matutumba kami parehas dahil sa kalasingan ko. Mabuti nalang at nadala ko pa siya sa kama nang maayos. 


Nagpabalik-balik ako dahil iniisip ko kung anong gagawin sa kaniya dahil nakadamit panlabas pa rin siya pero hindi ko naman alam kung paano siya makakapagpalit. Ang lasing kong utak ay sinasabi sa akin na ako na ang magbihis sa kaniya pero para naman yatang pang-aabuso 'yon sa lasing niyang kalagayan. 


Nagulat ako nang bigla nalang siyang tinatanggal ang butones ng damit niya  habang nasa kama. 


"Mahal, what are you doing??!" Agad akong napatakbo sa kaniya para ilayo ang kamay niya sa kaniyang damit, isinara ko ulit ang mga butones. 


Lumapit siya para sa isang halik, halik na hindi ko na nagawa pang labanan at bumigay na rin. Alam ko sa sarili ko na hindi pa namin dapat ito ginagawa. Alam ko na dapat hindi sa ganitong sitwasyon kung saan parehas kaming lasing at naka-inom. Pero hindi ko na kayang labanan ang init na bumabalot sa aming dalawa, ang tukso at tensyon, ang pagkasabik at pagnanasa. 


Umaga ng magsisi ako, hindi dahil sa ayaw kong gawin kasama siya kundi dahil ayaw ko pang gawin kasama siya. Umaga nang mapagtanto ko na parang inabuso ko ang kalasingan niya kagabi. Hindi pa kami kasal pero may nangyari na. 


"You don't have to be sorry, In. I'm not even mad about it. Honestly, if you're sorry cause you took my first, you don't have to. Cause in the end you will still be the one taking it." she had to console me, she had to assured me that it's okay for her, but to me, still, it's not. Hindi ko maipaliwanag nang maayos, hindi ko mailagay sa salita ang nararamdaman ko. 


Hanggang sa pagpasok iniisip ko 'yon, hindi ko pa rin lubos mapaniwalaan sa nangyari. Hindi ko rin naman maikwento, wala akong mapagkwentuhan. Wala sila Sean at Uro, ang mga kaibigan ko naman rito... mababait pero gago pa rin, baka ipangwento pa nila. 


Ilang araw ang lumipas at pinapakiramdaman ko si Lory, pinagmamasdan ko siya kung okay lang ba siya. Kung... may nag-iiba sa katawan niya, kung buntis ba siya. Pinagmamasdan ko kung masama ba ang pakiramdam niya o di naman kaya ay naiilang na siya sa akin. Pero mukhang hindi naman, ganoon pa rin siya sa akin, at dahil doon ay gumaan ang pakiramdam ko. 



Napakunot ang noo ko nang may makitang mga gamot sa may lababo sa kwarto, sa pagiging utita ay agad ko itong dinampot. 


"Para saan 'to?" tanong ko habang nagsisipilyo, nilingon ko si Lory sa kwarto at nakitang nanlaki nag mga mata nito nang makita ang hawak ko. 


"Ah... pills 'yan." sagot niya at lalong napakunot ang noo ko, "Pills para saan?" tanong ko ulit bago bahagyang pinagmasdan ang gamot, wala akong maintindihan sa mga binabasa ko. 


"Ahm... sa pagbubuntis?" Napalunok ako ng bula ng toothpaste at nanlaki ang mata ko sa gulat. 


"Buntis ka?!" 


Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga dapat namin 'yon ginawa! 



"Hindi-"


"Pero diba last week lang natin ginawa?! Sabi sa mga sinearch ko mga 2-3 weeks daw?! Anong sasabihin natin kay tito?! Kailangan ko na bumili ng singsing, papanagutan kita Lory! Huwag kang mag-alala--" 


"Rustin Landin Sadillo, kumalma ka!" 


Natahimik ako at nakinig, ipinaliwanag niya sa akin na birth control pala iyon, maski ang birth control ay ipinaliwanag niya rin sa akin. At mas nakahinga ako nang maluwag,  hindi naman sa ngayon ko lang narinig iyon pero mas nakagaan ng loob ko na ipinaliwanag niya sa akin kung para saan ba talaga iyon at kung ano ba ang magagawa nito. 



"Oh, andito ka pala?" Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng apartment namin tatlo at bumungad sa akin si Uro na suot-suot ang uniporme niya. 


Napangisi ako, "Nag-aayos lang ako ng ilang gamit, matagal na kasing walang tumutuloy rito." sagot ko at napangisi ako, "Oo nga, pero hindi pa rin naman natin mabitaw-bitawan." sagot nito bago pumasok at may inusisa rin sa mga gamit sa tabi. 


"Kamusta, p're?" tanong ko rito, pinapanood siyang may hanapin. 


Napabuntong hininga ito, "Okay lang, ikaw ba? Kamusta?" tanong nito pabalik, nagkibit-balikat ako, "Okay lang din, masaya." sagot ko at napahagikhik ito bago napa-iling. 


"Edi ikaw na ang masaya." Hinarap ako nito at pinantaasan ng isang kilay. 


"Sige p're, una na ako, hinanap ko lang talaga 'to." Paalam nito, kinawayan ko pa siya bago ito tuluyang umalis. 


Naglinis lang ako ng kaunti bago umalis na rin para umuwi sa condo ni Lory. Pagkauwi ko ay agad akong nagluto, kasama ngayon ni Lory ang mga kaibigan niya, alam kong marami silang pagkain pero baka sakaling gutom ito pag-uwi kaya nagluto na ako para meron siyang makain. 


Hindi ako mali dahil pag-uwi nito ay lasing siya pero gutom at agad kumain. Hindi ito nagsasalita at kain lang nang kain, napapangisi ako habang pinapanood siyang, mukha siyang bata na napilit kumain at inaantok na. 


"Oh...!"  nanlaki ang mata ko nang bigla itong tumayo at tumakbo papuntang banyo para sumuka. 


Hinawakan ko ang buhok niya para hindi ito masukahan at hinimas siya sa likod habang sumusuka. Matapos niyang sumuka ay binasa ko ang kamay ko sa gripo at pinunasan ang labi niya na may mga tira-tirang suka. 


"Inom ka ng tubig." Malumanay kong turan habang inaalalayan siyang bumalik sa kusina. 


Ilang minuto siyang natahimik, humihinga ng malalim at nagppahulas. Napatawa ako nang muli niyang buhatin ang kutsara at kumain. 


"May... may Chuckie ba tayo?" tanong niya pagkatapos kumain, tumango ako at tumayo papuntang ref para kumuha ng isang tetra-pack ng Chuckie at isang baso. 


"Magpahulas muna tayo," Pag-aaya ko rito, inalalayan ko siyang maglakad papuntang sala at naupo kami sa sofa. Bubuksan ko sana ang TV nang pigilan niya ang kamay ko. 


"Ayaw ko muna ng maingay." ani niya at tumango ako, may-maya ay isinandal nito ang ulo niya sa aking  balikat. 


"How's your day?" I asked while caressing her hand, she hummed, "It was good and fun. Me and my friends enjoyed it a lot." she replied and I chuckled, I know she's referring to their small drinking session. 


"But Jax is sick, I'm worried for her. Gwen said she had been sick for almost a month now." she added and my brows furrowed, 


"She haven't visit a doctor yet?" I asked, concerned, she shook her head, "Not yet, she kept on saying it's just a migraine, but clearly it's not." she answered, I pursed my lips and nod while now playing with her hand. 


"I'm  really worried for her." she said and I nod, "Of course you are, she's your friend, it's normal to be worried." I said, she lifted her head and looked at me, her eyes almost closed and her lips a little pouted. 


"Come closer, dali!" she said and a whiny voice, I chuckled before leaning closer, and to my surprise, she pressed her lips onto mine and it lasted for few second before she pull away and rest her head on my shoulder. 


We stayed in that position for awhile, her head on my shoulder, our hands intertwined. Ilang minuto ang nakalipas ay nag-aya na siyang pumunta sa kwarto. Akala ko ay kakailanganin ko pa siyang buhatin pero nakayanan naman niyang maglakad mag-isa. 



"Isa lang--"


"Lasing ka--"


"Hind, sober na ako!" she protested, napapisil ako sa pagitan ng aking mga mata, gosh, this girl, halos linggo-linggo na namin ginagawa. I can say we have a very active sex life, and as much as I didn't want us to do it so often, when she gives me the puppy eyes, hindi na ako nakakahindi, just like tonight. 



Nagising ako nang gumalaw ang kama at nawala ang kumot na nakabalot sa pang-itaas kong katawan. 


"Lory, anong problema?" I asked with my morning hoarse voice, 


"Ano daw sabi ng mga dotktor!?" I watch how worry drew on her face. Doktor? Sino ang nasa ospital? 


"Sige, sige, I'll be there soon." Agad niyang pinatay ang tawag, dahil sa kahagasan niya ay maski tuloy ako ay nahagas na rin. 


"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong, 


"Si Jax kasi, isinugod sa ospital, kailangan ko silang puntahan." 


Mas mabilis pa kami sa kidlat naka-alis sa condo, bilisan lang ang pagligo at pagbibihis namin. Dumaan pa kami sa McDo para bumili ng almusal bago dumiretso sa ospital. 



Natameme ako nang dumating sa ospital at nakita ang mga kaibigan ni Lory, Gwen is crying on Tobi's chest and once she saw Lory, she rushed to her and cried. 



Lumapit si Tobi kay Lory para patahanin si Gwen na magang-maga na ang mata. Iyak lang siya nang iyak at ganun na rin si Lory na umiiyak. The two had to comfort Gwen, naririnig kong sinisisi niya ang sarili niya. 



"Lory, kumain kana muna." Mag a-alas nuebe na at hindi pa rin kumakain si Lory, sa aking sapantaha, si Gwen at Tobi ay hindi pa rin. 


Nag-angat ng tingin si Lory sa akin at tumayo, inalalayan ko siyang tumayo at inlalayan naman ni Tobi si Gwen. Lumipat kami sa lamesa at doon inihanda ang pagkain.


"Ikaw pala si Inin?" tanong sa akin ni Tobi, nahihiya akong tumango, "Rustin Landin Sadillo, p're." Inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay. 


"Tobias Emory Marquez, balita ko nag e-engineering ka?" tanong nito at tumango ako, 


"Yes, 5th year na, nag a-architect ka diba? Madalas kang kinekwento ni Lory." sagot ko naman rito, tumango siya, nakita ko rin kung paano ako tiningnan mula ulo pababa na animo'y hinuhusgahan ako. 


"Hindi ka naman babaero 'no? Hindi mo naman papaiyakin 'yang isang 'yan?" tanong nito at bahagya akong napangisi, "I-I'm not, and I would never do such thing." sagot ko rito, utay-utay itong tumango habang hinahalo ang spaghetti niya, masama pa rin ang tingin sa akin. 


"Babanatan kita kapag pina-iyak mo 'yan." Napalunok ako nang laway sa sinabi nitong pagbabanta, 


Agad akong umiling, "Hindi po, hindi ko po papaiyakin 'yan." 


Kung natakot ako noong makikilala ko si tito Thiago, mas natakot ako ngayon na katabi ko si Tobi. Mas nakakatakot pa siya kaysa sa ama ni Lory. 



Mag a-alas dose nang dumating ang boyfriend ni Jax, naka-uniform pa ito at hagas na rin. 


"P're, kalma, walang magagawa kung matataranta ka." Pagpapakalma ko rito, isa pa rin kasi itong hagas, 


"M-May sinabi na ba ang mga doktor?" tanong nito, kami lang ni Tobi ang gising ngayon at tulog si Lory at Gwen. 


"Wala pa, naghihintay pa rin kami, they're still running test." sagot ni Tobi at tumango ito, 


Inalok ko muna siya ng pagkain, halos ayaw pa nitong kumain dahil nakabantay sa may paahan ni Jax. Si Lory at Gwen kasi ang nasa magkabilang gilid ni Jax, sa paahan nalang tuloy siya, naka-upo pa sa sahig. 


"Magiging okay din siya." ani ko rito nang abutan ng burger. "Makulit kasi siya, matagal na siyang dumadaing ng sakit ng ulo niya, ilang beses na rin siyang nahihimatay sa trabaho niya." ani nito at tumango ito bago siya tinabihan sa sahig. 


"Kakayanin niya 'yan, iba ang lahi ng mga 'yan, iba ang breed nilang magkakaibigan." Pagbibiro ko at bahagya itong napatawa. 



Nang magising si Gwen at Lory ay nag-aya na ang dalawa na umuwi at naiwan muna namin si Jax sa boyfriend niya. Pag-uwi ay ipinagluto ko muna si Lory bago dali-daling nagbihis at pumasok. 


"Bakit wala ka kaninang umaga?" tanong ng block mate ko nang maka-upo sa tabi niya, "Emergency, may isinugod sa ospital." sagot ko at tumango siya. 


"May quiz kanina, wala ka, wala akong na-kopyahan." ani nito at napatawa ako, "Gago, puntahan ko nalang si prof mamaya, isang subject nalang naman meron tayo, eh." ani ko at tumango ito. 


Ala una hanggang alas tres ang klase ko sa hapon, kaya pagkatapos ng subject na 'yon ay humaripas agad ako ng takbo papuntang faculty. 


"Good afternoon po sir, Rustin Sadillo po, hindi po ako nakapasok kaninang umaga." Kumatok ako sa faculty ng prof namin. 


"Bakit wala ka kaninang umaga? Wala kang pasabi." ani nito mula sa kaniyang lamesa. 


Nahihiya akong pumasok ng faculty, "May emergency po kasi sir, isinugod po sa ospital kaibigan ng girlfriend ko." Paliwanag ko at pinagtaasan ako ng kilay. 


"At hindi ka pumaosk dahil lang doon?" ani nito habang kumukuha ng test paper. 


"Ahm, sir, kailangan po ako ng girlfriend ko." sagot ko rito, narinig kong suminghap ang prof ko. 


"Mga kabataan ngayon, mas pipiliin ang pag-ibig kaysa sa mas importanteng bagay." Masungit nitong turan. 


'Kaya ka matandang binata, eh.' 


"Thank you sir," ani ko nang i-abot sa akin nito ang test paper. Sa harap na niya mismo ako kumuha ng quiz. 


"Alam mo Sadillo, matalino ka, masipag, talagang pina-priority mo lang ang mga istupidong bagay." 


Hindi ko na pinapansin ang prof ko, sinabi na niyang matalino ako at masipag, dami pa niyang sasabihin. Napaka-bitter din ni sir, napakasungit pa, ilang buwan ko nalang siyang pagtitiisan. 


"Thank you po sir," Ini-abot ko sa kaniya ang papel ko at agad kinuha ang bag ko para umalis. Ipagpapasa-Diyos ko nalang ang quiz na iyon, hindi ako nakapag-review dahil may iba akong inasikaso noong mga nakaraang araw. Kagabi sana ay magre-review ako habang natutulog si Lory, kaso napagod kami, kaninang umaga naman, hindi ko nadala ang mga reviewer ko sa ospital. 



Dahil sa kalagayan ng kaibigan ni Lory, tumagal pa ito sa ospital sa punto na maski ni Lory ay kinailangan na magbantay  sa ospital. Na-aawa ako tuwing titingnan ang kalagayan ng magkakaibigan lalo na ni Jax. Marami na ang wires na nakakonekta sa katawan nito at nakapalaigid na ang mga makina sa kaniya. 



"Magpahinga kana," Malambing kong turan nang makita si Lory na nagtatrabaho sa lamesa sa silid, 


Umiling ito, "Sorry, I need to finish these, eh." ani nito at utay-utay akong tumango bago naglakad papunta sa kaniya. Naupo ako sa katabi niyang bangko bago utay-utay gumapang ang aking mga braso sa kaniyang beywang, 


Napahagikhik ito, "In, not here--"


"Wala naman akong ginagawa, naglalambing lang." Putol ko rito bago ipinatong ang aking baba sa kaniyang balikat. 


Muli itong humagikhik, "Ang landi mo." ani nito at napatawa ako. "Grabe ka naman, naglalambing ang tawag dito, hindi naglalandi." ani ko bago mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako at nakasubsob an si Lory sa lamesa, tulog, anong oras nanaman kaya ito natulog? 



Kahit ang dami-dami na namin kailangang asikasuhin, parang hindi na bago sa akin. Parang nasanay nalang din ako lalo na at graduating student pa ako. Si Lory ay mas lalong na-okupa ng kaniyang trabaho. Stress na stress din ito sa kaibigan nila na nasa ospital pa rin, kaya ang maisusukli ko nalang sa kaniya ay ang ipagluto siya at alagaan pag-uwi. 



"Hindi ba't Monthsarry niyo ngayon?" tanong ng kaklase ko, andito kami ngayo sa library at nag-aaral. 


Tumango ako, nakatuon pa rin ang attensyon sa computer. "Oh? Eh bakit wala kayong lakad ngayong araw?" tanong ulit nito at umiling ako. 


"Busy, busy kami parehas." Maikli kong sagot, "Wow naman, buti pa girlfriend mo pumapayag na hindi mag celebrate, 'yong ex ko, isang linggo bago monthsarry namin, dapat may plano na ako." ani nito at napatawa nalang at hindi na sumagot pa. 


Pagdating ko sa condominium building ay dumaan muna ako sa counter para bayaran ang mga bills namin ni Lory. Dahil dito na rin naman ako nakatira ay tama lang siguro na magbayad naman ako ng bills. 


Pagkauwi ko ay natagpuan ko ang girlfriend ko na balot na balot ng kumot habang gumagawa sa dining table. Ibinalita ko naman rito ang pagbabayad ko, noong una ay nag-aalinlangan pa siya pero alam ko sa sarili ko na hindi naman pwede na i-asa ko sa kaniya ang lahat. 


Habang gumagawa siya sa lamesa ay nagluto na ako at kalaunan ay kumain na kami. Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na ito sa kwarto. Inayos ko muna ang pinagkainan namin, hinugasan ko na rin ang mga ito bago naglinis ng katawana tumabi kay Lory sa kama. 


Hating gabi nang maalipungatan ako nang yapusin ko si Lory at maramdaman na sobrang init nito. Napabangon ako para salatin ang kaniyang noo niya. 


"Lory, nilalagnat ka, Lory, ang taas ng lagnat mo!" Niyugyog ko ito para magising, gumalaw ito at umungot pero hindi nagmulat ng mata. 


"I'm fine, In, let's just sleep." ani nito sa garalgal na boses, napasinghap ako, "Hindi, nilalagnat ka, Lory. Halika, bumangon ka at kumain para maka-inom ka ng gamot." Hinawakan ko ito sa braso para ibangon pero agad niyang iwinaksil ang aking kamay. 


"Sabing okay lang ako! Matulog na tayo!" Pagsigaw nito bago ako tinalikuran, napakamot ako sa noo bago bumaba ng kama at pinatay ang aircon, sinigurado ko rin na may kumot ito para hindi lumala ang lagnat. 



Pero kinaumagahan pag-gising ko ay agad ko itong  hinanap at natagpuan sa kusina, nagluluto. Agad ko siyang sinalat sa noo at napatawa ito. 


"Why? Walang sakit, diba?" ani nito bago ipinagpatuloy ang pagluluto. 


Napakamot ako sa ulo, hindi ako pwedeng magkamali na may sakit siya kagabi. Ano 'yon, sumpungan lang ang sakit niya? 


Halos ganun ang nangyayari tuwing gabi, magigising ako na nangingilalim ang lagnat niya sa hating gabi pero kina-umagahan ay normal lang ang kaniyang body temperature at masigla ito. 



"Your friend is suffering from a brain infection..." 


Nagkatinginan kami ni Tobi at napagkagat ito sa pang-ibaba niyang labi, nakita ko pa ang paglunok nito habang nakapikit at halatang nagpipigil ng luha. 


Habang ipinapaliwanag ng doktor ang kalagayan ni Jax, hindi ako umalis sa likod ni Lory. Siya ngayon ang sandalan ni Gwen at alam kong kailangan niya rin ng masasandalan. Sa lakas ng tensyon sa loob ng kwarto, maski ako ay nahihirapan ng huminga at maaaring umiyak anumang oras. 


Nang maka-uwi kami ay tulala si Lory, bilang sa kamay ang mga salitang kaniyang isinasagot. 


"Gusto mo ba ng soup?" tanong ko rito habang nagluluto ng hapunan, nakatulala lang ito habang nakatalukmo sa lamesa bago tumango, "Sige," maikli niyang turan. 


Nasanay ako sa ganoon ng ilang araw at naiintindihan ko si Lory. Hindi ko siya masisisi na maging malungkot lalo na at kritikal ang kalagayan ng kanilang kaibigan at baka ilipad pa sa ibang bansa. 


Nakita ko kung paano umiyak si Lory nang umalis ang private jet na pinagsakyan ng kanilang kaibigan, si Gwen ay kumakaway pa pero si Lory ay nakasubsob sa aking dibdib at tahimik na umiiyak. 


"Sigurado ka ba na ayaw mo muna magpahinga? Maiintindihan ka naman siguro ng boss mo diba?" Simula noong umalis si Jax ng bansa ay mas lalong nanghihina si Lory, may mga oras na nakakabagsak ito ng mga gamit sa condo, nakakabasag ng baso o pinggan, hindi lang siya matamlay kundi nanghihina rin siya. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging mapili na rin siya sa pagkain, hindi na niya gusto ang ulam madalas.


"Kaya ko pa," sagot nito, utay-utay akong tumango habang nakatingin sa kisame. 


Aaminin ko, maski ako ay nahihirapan sa nangyayari, hindi kao sanay sa biglaang pag-iiba ng pakiramdam ni Lory. Kapag masaya siya, masaya ako, kapag malungkot siya, malungkot din ako, pero kapag galit siya, hindi ako galit, siyempre! 


Bumangon ako para halikan ito sa pisnge, "Tawagan mo agad ako kapag hindi mo na kaya, susunduin kita sa opisina niyo." Malambing kong turan, hinarap ako nito bago mabilis na nagnakaw ng hallik. 


Buong araw ay masama ang pakiramdam ko sa university, nawawala ako sa mood at parang masusuka ako. Hindi ako makakain ng maayos at parang anumang oras ay may masamang mangyayari sa akin. 


Hindi ako nakatiis at nag-message kay Lory kung masama rin ba ang pakiramdam niya, baka kasi sa kinain namin kaninang umaga ang problema, pero hindi siya sumagot. 



Pero pag-uwi ko naman ay mukha na siyang masigla, "Okay ka lang? Kamusta araw mo?" tanong ko rito, hindi naman siguro siya nasira sa kinain namin? Ako ang nagluto kaya alam ko na malinis 'yon. 


She smiled, "Oo naman, why wouldn't I be fine? Diba?" she asked and I slowly nod, gustuhin ko man makipag bolahan, medyo pagod ako sa school. Pagkakain namin ng hapunan na siya mismo ang nagluto ay nag-aya pa itong manood ng movie, dahil pagod na rin ako at sa tingin ko ay kinukulang na kami ng bonding at miss na miss ko na siya ay pumayag ako, kahit halos makatulog na ako habang nanonood.


Patulog na sana ako nang marinig ko ang ilang beses na pagbuntong hininga niya, "Bakit gising ka pa? Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko rito, pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin. 


"Pwede ba tayong mag-usap, may itatanong lang ako." sagot nito at tumango ako bago mas binuksan ang mata ko. 


"Sure, nakikinig ako." sagot ko at tumango siya. 


"Bibigyan kita ng scenario, paano kung... mabuntis mo ako?" tanong niya at nagulat ako rito, humalik ako sa noo niya. 

"Siyempre matutuwa ako! Magkakababy na tayo! Little Inin or Lory! Pero siyempre kasal muna bago 'yon." Agad kong binawi ang excited kong boses, 

"Paano kung hindi pa tayo kasal tapos nabuntis mo ako?" Muling napakunot ang noo ko. 

"Edi papakasalan kita, kahit sa simple lang, tapos magpaplano na agad tayo para sa future natin. May trabaho naman na siguro ako sa mga oras na 'yon." sagot ko at nakita ko itong kumagat sa kaniyang labi. 


May problema ba?


"Paano kung ngayon? Sa mga oras na 'to? Hindi kapa nakakatapos sa pag-aaral tapos nabuntis mo ako?" Nakatingin ito sa akin, hindi ko alam ang magiging reaksyon o sasabhin ko. 

Napabuntong hininga ako, "Lory... ano... titigil ako sa pag-aaral tapos magtatrabaho na ako buong araw, itatawid natin. Hindi tayo pwedeng umasa sa magulang mo, baka nga magalit pa sila sa atin dahil hindi pa tayo kasal ay nag-anak agad tayo. We need to think of the worse scenario para hindi tayo mabigla." sagot ko rito, 

"Halimbawa sinabi mo na sa magulang mo, nagalit ang mommy mo, pinalayas ka kasi galit nga siya. What if putulin niya cards mo? May trabaho ka, oo, pero Valdez ang mommy mo, balita ko ang nga Ponce at Valdez ay business partners, paano kung maalis ka sa trabaho? At isa pa, ako ang tatay, dapat nagtatrabaho rin ako, hindi ko dapat inaasa sa 'yo ang lahat, ngayon pa nga lang, nakikitira lang ako sa condo mo, iisang beses palang ako nakakapagbayad ng kuryente at tubig natin." Dagdag ko at nakita ko ang pag-iiba ng kaniyang ekspresyon. 

"Titigil ka sa pag-aaral?" tanong niya at tumango ako, 

"Oo, gugugulin ko na ang oras ko sa pagtatrabaho para maibigay sa inyo ang pangangailangan niyong dalawa." sagot ko sa kaniya, napapansin kong halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. 


"Inin seryoso ako--"


"Seryoso rin ako, Lory. Gagawin ko 'yon para sa inyo. Kung mag-aaral pa rin ako, may mga gagastusin pa rin ako, sa ganoong senaryo, dapat anak na natin ang iisipin natin." Putol ko rito, medyo naiinis ako dahil parang ginagawa niyang biro ang mga sinasabi ko. 


"Pero may trabaho pa naman ako." Bahagyang tumaas ang kaniyang boses, 


Huminga ako ng malalim bago himasin ang braso niya na yapos ko, "Kahit na, tutulong na ako sa pagkayod, mayaman ka Lory, oo. Pero hindi natin alam kung anong sasabihin ng magulang mo. Kahit gusto ni tito ng apo, gusto rin naman niya ay kasal na tayo bago tayo mag-anak." Muli kong pagpapaliwanag, 


Bakit naman ganon ang iniisip niya? Alam ko naman na hindi pa kami magkaka-anak sa ngayon. Lalo na at sabi naman niya ay umiinom siya ng pills. Hindi rin naman namin ginagabi-gabi ang pagtatalik.

Napahagikhik ako, "Alam mo, baka mag-away pa tayo, what if mo lang naman 'yon, eh. Matulog na tayo." ani ko bago ito niyakap ng mahigpit,

Sumobsob ito sa aking dibdib at doon ay parang naramdaman ko ang ginhawa, kapag magkaganito kami, magkayakap, magkasama, parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko at mga pasanin sa buhay. 


"Okay ka lang ba?" Nangangapa ako sa sasabihin ko, kakagising ko lang at na-aktuhan ko si Lory na lumaba ng banyo, parang nanlalata siya. 


Napa-igtad ito, hindi inaasahan na gising na ako at nasa kusina na. 


She gave me a smile, "Yes, I'm fine, just some morning sickness." she replied and my brows furrowed. 


"Morning sickness? Why? What's with the morning sickness?" I confusedly asked, I saw how her eyes widened and lips parted. 


"Ah, sinisikmura lang ako, 'yon lang." sagot nito, napakunot ang noo ko bago tumango-tango. 


"Mhmm, sige, you sure? Wala ba akong dapat ipag-alala?" Pangungulit ko, 


She nodded, "Oo naman, okay lang talaga ako, nilamig lang talaga sikmura ko." she replied before walking pass by me to approach the stove. 


Since she usually responded positively when I asked her if she was okay, I really tried to brush it off. I completely understand if she raises her voice at me if she becomes irritated by my questions. 


"Tulala ka, anong iniisip mo?" Nagulat ako nang akbayan ako ng kaklase ko, 


Umiling ako bago kumagat sa burger na binili ko, "Wala, nag-aalala lang ako sa girlfriend ko." sagot ko at nag hum  ito. 


"Bakit? Anong meron sa girlfriend mo?" tanong nito bago ako tinabihan sa may side walk. 


"Ano kasi," napakamot ako sa ulo ko, "Ilang araw ko na siyang naabutang nagsusuka sa umaga, tapos hindi rin siya kumakain nang maayos, kapag tinatanong ko kung okay lang ba siya, lagi niyang sinasabi na okay lang daw siya. Pero alam ko naman na hindi, kapag kinukulit ko naman siya, nagagalit na siya, hindi ko na alam gagawin ko." Muli akong kumagat sa burger bago napabuntong hininga. 


Ilang segundong hindi nagsalita ang kaibigan ko, akala ko ay hindi nito alam ang kaniyang sasabihin, pero bigla nalang nito akong tinapik sa balikat. 


"Hindi ka ba naghihinala?" tanong nito at napakunot ang noo ko, "Naghihinala na ano?" tanong ko rito, 


"Na ano," Pinanlakihan ako nito ng mata, "Na buntis girlfriend mo." 


Naluugan ako ng nginunguya kong pagkain, naibuga ko tuloy ito at nasamid. 


"Gago!" Mura ko rito, "Mamamatay ako dahil sa mga pinagsasabi mo!" turan ko habang pinapahiran ang gilid ng labi ko. 


"Sinasabi ko lang naman, malay mo--" 

"Mawawalan ako ng malay dahil sa 'yo!" Putol ko rito at napahagikhik ito habang umiiling, "Makinig ka kasi, I have a point, pare! Morning sickness, lack of appetite, diba?" ani nito, umiling ako bago kinuha na ang bag ko. 



"Uuwi nalang ako, bahala ka diyan." ani ko bago sumakay na ng jeep. 


Pagkadating ko ng condo ni Lory ay agad kong ibinaba ang gamit ko bago pumunta sa kwarto at hanapin ang iniinom niyang pills. Pero kahit saan ako maghaluglog ay hindi ko ito mahanap. Sa bed side table, sa mga cabinet, sa banyo, kahit sa medicine box, napakamot nalang ako sa ulo ko. 


Dahil sa sinabi ng kaibigan ko ay hindi ako napakali sa condo. Nakapag-search tuloy ako ng mga tungkol sa mga pagbubuntis na iyan, mga senyales ng pagbubuntis, mga hindi dapat at mga dapat gawin. Mga pagkain din na madalas ay gusto ng mga babaeng nagbubuntis. 


Sa madaling salita ay parang nasabik ako dahil sa sinabi ng kaklase ko. Kahit ito ay malay-malay lang niya ay parang bigla akong naniwala na totoo ito at magkaka-anak na nga kami ni Lory. 


Pagdating ni Lory ay agad kong kinuha ang bag nitong dala-dala, dinala ko na rin sa kaniya ang kaniyang tsinelas para makapag-alis agad siya ng heels. 


"How's your day?" I gave her a smile as she chug a whole glass of cold water. 


She nods before putting down the glass by the sink, she smiled at me, "It was great! Was nice!" she replied with enthusiasm. 


I slowly nod, "May gusto ka bang kainin? Manga?" I asked, am I being too  obvious? Sinong mag-aalok ng manga kung malapit na ang hapunan? 


I saw how her brows furrowed, "No, ayaw ko." she replied and I slowly nod. 


"Eh, anong gusto mo? Ipagluluto kita." tanong ko ulit, naupo ito sa isang bangko sa dining, bahagyang nanlaki ang mata ko nang ipatong nito ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tiyan. 


"Ano, wala, kanin, adobo, bahala ka kung anong gusto mong lutuin." sagot niya at agad akong tumango. 


Walang patumpik-tumpik ay nagluto ako ng adobo, sinigurado ko rin masarap ito pero sasakto sa lasa ng nagbubuntis. Nabasa ko rin na nag-iiba ang panlasa ng mga babae kapag nagbubuntis, sana ay hindi siya mangasim. 


Malapit nang mag alas otso nang matapos akong magluto at magsaing. Pagtingin ko sa gawi ni Lory ay nakatulog na ito, pinag-isipan ko ba kung gigising ko ba ito o hindi, pero kailangan niyang kumain. 


"Lory? Lory, gising na, luto na ang pagkain." Malambing kong turan habang dahan-dahang hinihimas ang buhok nito. 


Mabuti nalang at mabilis siyang nagising, akala ko ay magagalit ito dahil inabala ko ang kaniyang pagtulog. Mabilis ko lang inihanda ang lamesa at nakakain na agad kami. 


"Kamusta? Masarap ba?" tanong ko rito, pinagmasdan ko ang kaniyang reaksyon. 


Napangirit siya, "Masarap," napabuntong hininga ako, halatang hindi siya nasasarapan.


"Maasim ba?" tanong ko rito at napakunot ang noo niya, "Hindi ah, ayos lang, ano ka ba? Kumain kana." ani nito bago sumubo ng kanin, napatango nalang ako at kumain na rin. 


Nauna siyang matapos na kumain sa akin, halos hindi pa ako nakakakalahati sa pagkain ay umalis na agad siya at iniwan ako sa lamesa. Ang paalam niya sa akin ay magpapalit na raw siya ng damit at magpapahinga dahil pagod na siya. 



Madalas kong napapansin na ganun si Lory tuwing hapon. Madalas siyang mukhang pagod kapag uuwi. Tuwing umaga ay malata rin siya, nag-aalala na ako. Lagi niyang sinasabi na pagod lang siya sa trabaho at kulang sa pahinga. Kaya naman sa gabi ay ako na ang nagluluto at pinagpapahinga ko na siya agad. 


Buti nalang ay napilit ko siyang mag day-off, alam kong deserve niya ang magpahinga at makapagsaya kasama ang mga kaibigan niya. 



"Kamusta jowa-- ay, girlfriend mo pala?" Mula sa gilid ng aking mata ay tiningnan ko si Red, 


"Maganda pa rin," maikli kong sagot habang patuloy na nagsusulat. 


Napatawa ito, "No, I mean, diba last time she's showing signs of pregnancy?" ani nito at napakunot ang noo ko. 


"She's fine, lagi lang siyang pagod sa trabaho." sagot ko sa kaniya nang hindi lumilingon sa kaniya. 


"Well, sabi mo eh--"


"Look, Red, ayaw ko lang siyang pangunahan, stressed na nga siya sa trabaho. I do see the signs, but it may irritate her if I ask her. Baka isipin pa niya na sa tingin ko ay tumataba siya." I cut him off. 


"Okay, okay, chill, ikaw naman, eh." ani nito at napabuntong hininga ako. 



"Nag-inom kayo?" tanong ko kay Lory, kakagaling niya kanina sa mga kaibigan niya. 

"No, nag-usap lang, nanood na rin ng movie." Maikli niyang sagot habang kumakain. 


Utay-utay akong tumango, "Diba, sabi ko naman sa 'yo, a day-off is a good idea. You have a smile again on your face." Napahagikhik ito, 


"I'm gonna ask you again, what if buntis ako? Ngayon?" Nagulat ako sa kaniyang tanong kaya napakunot ang aking noo. 


"Sa mga oras na 'to?" taka kong tanong, 


Napangisi ako,  "Gusto mo ba makita kung gaano kataas ang talon ko?" Pagbibiro ko at napatawa ito, 

"Huwag na, I just want to know if what's your reaction? What would you feel?" ani nito at mas lumawak ang ngiti ko, 


"Masaya siyempre! Magkaka-baby na tayo, baby natin. Magiging mama kana at papa na ako." Masaya kong sagot, iniisip ko palang na magkaka-anak kami, may baby na kamukha ni Lory pero kasing kulit ko, na e-excite na agad ako. Pangarap ko rin talaga na magkaroon ng sariling pamilya, at pangarap kong tuparin iyon kasama si Lory. 



Kinabukasan ay ginugol ko ang aking oras sa university para mag-review sa papalapit namin na exam. Hanggang sa pagsapit ng hapon at pag-uwi ko, habang nagluluto ay nag-aaral ako. Nang matapos akong magluto ay patuloy akong nag mememorya at nag-aaral. Napansin ko na madilim na sa labas at wala pa si Lory. 


"Nag-over time kaya siya?" Dinampot ko ang cellphone ko akmang tatawagan siya nang mapatigil ako. 


"Busy 'yon, hihintayin ko nalang siya." Ibinaba ko na ang cellphone ko at nagpatuloy sa pag-aaral. Maya-maya ay dumating na nga siya. Agad ko siyang sinalubong ng yakap. 


"Medyo nag-alala na ako sa 'yo kasi wala kang pasabi na aabutin ka ng dilim." ani ko nang yakapin siya, nang kumalas ako sa yakap ay dinampian ako nito ng halik sa labi. 



"May gusto ka ba?" Naglalambing ba siya? Ganito kasi madalas kapag may gusto siya, dinadaan ako sa mga halik kahit alam niyang isang sabi lang niya ay babaliktarin ko ang buong lungsod mabili lang ang gusto niya. 


"Gutom na ako." 



Naghahanda na ako para sa pagkain namin nang humingi siya ng mayonnaise, agad ko itong kinuha sa ref at ibinigay sa kaniya. 


Habang kumakain ay pinapanood ko siya, sarap na sarap siya sa niluto ko. Panoorin palang siyang kumain ay busog na ako. 


Nauna siyang pumasok ng kwarto habang naghuhugas ako. Nang matapos ako ay pinatay ko na ang ilang ilaw sa condo bago sumunod sa kwarto. Hinalikan ko siya sa noo bago pumasok nhg banyo para maglinis ng katawan. 


Nagbibihis na ako nang marinig na nagsasalita si Lory. 



'Sam... that's for now, okay? We'll ... for now, I'm still... Friday.'


Hindi ko lubos na marinig ang pinag-uusapan nila, hindi ko narinig ang buo niyang sinabi dahil medyo mahina ito. 


Paglabas ko naman ng banyo ay wala naman siyang kausap sa cellphone pero baka tinapos na niya ang tawag. 


Napansin pa nga niya ang Mickey Mouse kong pajama na tuwang-tuwa siya. 


"Pupunta ako ng Tagkawayan sa Friday, bibisitahin ko lang si dad, babalik din agad ako." Nakahiga na kami nang magpaalam siya. 


"Okay lang ba si tito? Gusto mo sumama ako?"


Agad siyang umiling, "Dad is fine, and you don't have to come with me. I just miss him, that's why. Uuwi rin agad ako." ani niya at utay-utay akong tumango.


Binalot ko siya sa aking  mga bisig at hinigit palapit sa akin, "Sige, magsabi ka kung magtatagal ka doon. Mag-aalala ako, hindi ko pati kaya nang wala ka." 



Pagsapit ng Biyernes ay hindi ko na nagawa pang makatulog. Bukod sa nag-aaral ako ay gusto ko rin na gising ako pag-alis ni Lory. Ipinagluto pa niya kami ng almusal bago siya naligo. 


Ihahatid ko sana siya pero pinigilan niya ako, dito nalang daw ako. 


"Take care," ani niya at napangiti ako, "Ikaw ang dapat mag-ingat. Hihintayin kita mamayang gabi." ani ko at napangisi siya bago tuluyang lumabas ng unit. 



Sa pag-alis ni Lory ng maaga ay hindi na ako nakatulog. Puyat man ako habang nage-exam, nakasagot naman ako nang maayos. 


"Hindi ako mapakali, pare." Napasaltik ako ng dila habang naglalakad kami ni Sean, nagkita lang namin ang isa't-isa at saktong libre na kami para mag-usap. 


Napasinghal si Sean, "Sus, ikaw pa? Alam ko namang ipapasa mo 'yong exam." sagot nito at napatawa ako. 


"Gago, hindi ko pinoproblema 'yong exam. Ang akin lang, hindi ako mapakali, ang sama ng pakiramdam ko." ani ko at napakunot ang noo niya. 


"Anong masama sa 'yo? Saan masakit? Gusto mo ng kiss? 'Yong may tunog?" Nagbibiro ito pero seryoso pa rin ang mukha niya, kaya nakakatakot makipagbiruan dito, eh.


"Tangik, hindi kasi physical pain, parang... I feel anxious, ganon." Paliwanag ko at tumango ito. 


"Ice cream, tara?" Pag-aaya nito,  utay-utay akong tumango at sinundan ito sa pinakamalapit na 7/11


"Oh, bayaran mo nalang kapag hindi na masama pakiramdam mo." Ini-abot sa akin nito ang isang Cornetto, napakunot ang noo ko. 


"Biro lang, ito naman, Ice Cream therapy, pare." ani niya at tumango ako, nagbayad na ito sa cashier at maya-maya ay umupo na sa harap ko. 


"Anong nararamdaman mo?" tanong nito habang binabalatan ang ice cream niya. 


Bahagya kong ini-ikot sa kamay ko hawak kong ice cream at pinagmasdan ito, "Hindi ko maipaliwanag, para siyang ano... nanghina ako bigla, natatakot, parang... gusto kong umiyak." Hindi ko maipaliwanag nang maayos ang nararamdaman ko. Dahil sa totoo, kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sinasabi sa akin ng katawan ko. Bakit nagkakaganito? Bakit ganito ang pakiramdam ko, dahil ba umalis si Lory at wala ngayon sa Maynila? 


"Are you sure you're physically healthy? Baka naman symptoms na 'yan?" ani niya at pinagmasdan ko ang aking kaibigan. 


"Huwag naman, marami pa akong gustong maabot sa buhay, marami pa akong pangarap na tutuparin ko kasama si Lory." ani ko at utay-utay itong tumango, 


"Baka kulang ka lang sa kiss," ani nito at napangisi ako, "Gago, wala nga rito sa Manila ngayon, nasa Tagkawayan, binisita si tito." ani ko at nagparte ang mga labi nito, 


"Ah, that's why, well, once she's back, ask for kisses, para naman mawala na 'yang sama ng pakiramdam mo." Pagloloko nito at napahagikhik ako. 



Nadagdagan ang pag-aalala ko dahil gabi na at wala pa si Lory. Wala rin itong ni-isang text sa akin, gusto ko man siyang tawagan pero parang ayaw ko rin. Kilala ko si Lory, tatawag at magte-text iyon kung kaya niya. Pero kung hindi man, ang ibig sabihin lang nun ay busy siya o patay na ang phone niya. 


Lampas nang alas diyes ng gabi pero wala pa rin sila. Imbes na mag-alala at mag-isip ng kung anu-anong negatibo ay kumuha nalang ako ng reviewer at saka nag-review. 


Mag a-alas dose nang dumating ito, nagkagulatan pa kaming dalawa nang buksan niya ang pinto. 


Agad ko siyang sinalubong ng yakap dahil alam kong pagod siya sa biyahe, nag bus ba siya o may driver siya, hindi niya rin sinabi sa akin. 


"How was it?" tanong ko sa kaniya habang hinihimas-himas ang likod, na-miss ko 'to, na-miss ko siya, na-miss ko ang mahal ko. 


"It was okay." she replied and her typical tone. 


Inaya ko siyang kumain dahil alam kong gutom siya, maliban nalang kung kumain sila sa daan. Pero hindi naman siya nakaka-hindi sa mga luto ko, mahal na mahal niya ang gawa ko. 


Kakatapos ko lang maglinis ng katawan at kakalabas lang ng banyo, naabutan ko si Lory na naka-upo sa kama. Utay-utay ko sana itong lalapitan mula sa likod para gulatin pero may napansin ako sa kaniyang braso. 


Mga sugat,


"Ano 'to?" Pag-uusisa ko, wala naman siya niyan kanina noong umalis siya. Nagkasugat siya sa Tagkawawayan? 


Sabi niya kalmot lang daw ng mga pusa, pero hindi naman mukhang kalmot lang iyon. Hindi naman siguro aabot sa ganon ang kalmot ng pusa. 


"Gusto mo patingnan sa doktor? Baka may rabies?" Nag-aalala kong turan, hindi naman nagsisinungaling si Lory, kaya kung kalmot talaga iyon ng pusa, delikado, mukhang malala ang mga sugat niya. 

Tinawanan niya lang ako bago ako hinigit para halikan nang mabilis sa labi. 

"Okay na lang 'yan, nilagyan ko na ng gamot." She's looking straight to my eyes, straight to my soul, there's this mischievous smile on her lips that it talks to me, as if she wants something. And I'm not a fool to not know what she wants, I'm not naive to not know what those eyes, those lips wants. 


As if my body reacted in instant and I felt myself harden. 


"Stressed sa uni?" she knows how to get me, with her soft but seductive voice, damn her eyes, doon palang tiklop na ako. 



"You're hard--" 


Tangina naman, I'm trying to hold myself, pero ang hirap, ang hirap kapag nararamdaman ko na iyong tensyon sa buong kwarto. 


Pinatay ko na ang lampshade sa side ko, gusto ko na siyang matulog, halos ala una na ng umaga, puyat siya at pagod, ayaw ko naman na pagurin siya lalo. 


But things didn't turn out the way I hoped it will but it definitely turn out the way I know we both enjoyed. 



"Parang ang saya-saya mo," Nagulat ako nang harangin ako ni Uro sa pathway, 


"Uy, andito ka pala! Musta?" Bati ko rito, bumuntong hininga ito bago itinaas ang envelop na hawak niya, "Ito, papalapit na nang papalapit sa pangarap, may kinuha lang akong papeles dito sa school." ani nito at tumango ako, 


"Nagtanghalian ka na ba? Tara, libre na kita." Grasya 'yon, siyempre hindi ako tatanggi doon, hinigit niya ako sa karinderya na madalas namin kinakainan noong nag-aaral pa rin siya rito sa PUP. 



"Oh, bakit parang ang saya-saya mo? Kamusta pag-aaral?" tanong niya at napatawa ako, 


"Yabang mo, palibhasa intern ka na. Pero ito, okay lang, makaka-graduate na rin, malapit-lapit na." ani ko at tumango ito. 


"Kamusta kayo ni Lory?" tanong niya at mas lumawak ang ngiti ko, "Nuks naman, laki ng ngiti, umaabot ng tuga mo." ani niya at napahagalpak ako ng tawa, "Gago mo naman, lamog! Pero ito, we're doing good, gusto ko na talaga makapag-trabaho para magkaroon na ako ng silbi sa kaniya." ani ko at napakunot ang noo nito habang ngumunguya. 


"Drama mo naman, masyadong mababa ang tingin mo sa sarili mo. Mahal na mahal ka nun, pipiliin ka ba nun kung hindi, dugyot na dugyot ka noong highschool, sus!" Suminghal pa ito at humagalpak ako ng tawa. 


"Eh ikaw? Kamusta kayo ni miss Elazar?" tanong ko at napakunot ang noo nito, 


"Anong kamusta kami? Hindi naman kami." ani nito at napa-awang ang labi ko. 


"Gagi, HAHAHAH, hindi ka pala-..." 



Nagkwentuhan kami buong lunch break, ala una nang umalis ito, ang kasunod ko pa naman na klase ay alas tres, naisipan ko sanang umuwi ng condo para lang magpalipas ng oras pero tinamad na ako, mapagod masyado ang biyahe. Mas maganda na mamaya pag-uwi ko, alam kong andoon si Lory, ang pahinga ko. 


Araw-araw, excited akong umuwi dahil alam kong madadatnan ko si Lory. Pagkababa ko ng gamit ay agad akong pumunta sa kusina para magluto, baka gutom na si Lory. 



"I'll cook for us." Agad kong napansin sa kaniya ang mapula niyang mata, umiyak ba siya? 


"Okay lang ba 'yang mata mo? Ang pula, Lory." Nag-aalala kong turan, umiyak ba siya? 


Gusto ko sana siyang hawakan pero agad niyang ibinaba ang kamay ko, 
"Irritated lang, tapos naghilamos ako at nalagyan ng sabon sa mata." turan nito at utay-utay akong tumango. 


Ako ang nagsuot sa kaniya ng apron bago ito hinalikan sa noo. Pumasok muna ako ng kwarto para maglinis ng katawan. Medyo matindi ang kapit sa akin ng amoy ng lansangan ngayon, ayaw ko naman na maamoy akong maasim ni Lory. 


Mabilis akong naglinis dahil gustong-gusto ko na siyang yakapin, kaya naman  dahan-dahan akong naglakad sa likod niya para yakapin siya mula sa likod. 



"Let's watch a movie after this?" Pag-aaya niya habang kumakain kami, agad naman akong tumango, "Sige lang, na-miss ko rin manood ng movie kasama ka." sagot ko habang ngumunguya. 


"How's your day? Was it good?" tanong niya habang kumakain, agad akong tumango, "Sobra HAHAHA! Nakita ko si Uro sa PUP, na-miss ko rin siya. Grabe 'no? Ang bilis ng panahon, dati high-school lang kami, ngayon siya intern na at ako, ga-graduate na!" Masaya kong turan at parehas kaming napangisi. 


"Dati, ang dugyot-dugyot ko, ngayon hindi na gaano HAHAHAH!" Parehas kaming napahagalpak ng tawa. 


Tumatango siya habang tumatawa, "Well... HAHAHAH! I can say you look way better than before." ani niya at napanguso ako. 


"So dugyot nga ako dati?" Nakanguso kong tanong at bahagyang nanlaki ang mata niya, 

"Pero minahal naman kita." ani niya at nagulat ako doon, "Huy! Ano ba! Kinilig betlog ko doon!" ani ko at napahagalpak siya ng tawa sa punto na halos mahulog siya sa bangko. 


"OMG! Inin! That's so gross!!" ani niya at halos mautas din ako sa kakatawa. 



Pagkatapos namin kumain ay siya ang nag-ayos nhg pinagkainan namin habang nag-asikaso naman ako ng kakainin namin sa panonood, ako na rin ang namili ng papanoorin at napili ko ang Spider-Man at iba pang Avengers movie. 


Nagdala na rin ako ng unan at kumot sa sala para komportable ang panonood namin. 


"I love you," gumuhit ang ngiti ko nang sabihin iyon sa akin ni Lory habang nanonood kami. She's laying down on my chest while my arms are wrapped around her. 


I caress her hair, "I love you more, sobra, the word I love you is not enough. I wish there's a word I can say that can express how much I love you, how thankful I am to have you." ani ko bago siya hinalikan sa noo. 


"Mahal na mahal kita Lory, sobra-sobra." 


I know I should be reviewing right now, I could have said no sa movie night, pero there's this urge in me na pumayag. As if... as if I'm missing a big chance if I say no. 


Magha-hating gabi na nang matapos kaming manood, nauna siyang mahiga at ako na ang nag-ayos ng pinag-kainan namin bago ako sumunod sa kama. 


Kina-umagahan ay nagising ako sa halik ni Lory, gumising ako ng may ngiti sa labi. Magkayapos kami hanggang sa makarating ng kusina kung saan ko naabutan ang almusal na niluto niya. 


"Sarap naman nito!" Napahagikhik siya sa sinabi ko, inubos ko ang pagkain na inilagay niya sa pinggan ko kahit medyo maalat ito. 



"May exams ako mamaya, kapag mataas ang nakuha o, ipagluluto kita ng baked macaroni at chicken, gusto mo ba?" tanong ko sa kaniya bago uminom ng tubig. 


Pinagmasdan ko siya at hinihintay ang kaniyang sagot, nakita kong bumagsak ang kaniyang ekspresyon, may problema ba? 


Bumuka ako bibig ko para magsalita pero nauna siyang magsalita sa akin. 


"Siyempre! Alam ko naman na mataas ang makukuha mo na score!" Magiliw niyang turan kaya nawala ang pag-aalala sa akin. 


Pagkatapos kumain ay naligo na agad ako, maaga ang klase ko ngayon, first subject din ang exam, sasabak ako ng walang review. 


"Tara na?" Aya ko nang matapos akong mag-ayos, tumango siya at tumayo na mula sa kama. 


Habang naglalakad, naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay, kinakabahan ba siya? May problema ba? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? 


Nang makalabas kami ng building at naghihintay ng jeep, mas humigpit ang hawak niya. Parang ayaw ko tuloy pumasok, parang gusto ko nalang siyang samahan buong araw, pero hindi pwede, exam ito sa major subject at hindi pwede nag retake rito. 


Nakita ko na ang jeep papuntang PUP, agad kong nilingon si Lory nang alugin niya ang kamay kong hawak niya. 


"Bakit?" tanong ko, 


"Mag-iingat ka ha! Galingan mo sa test mo! Sa lahat ng test mo! Baka future engineer ko 'yan!" There's something in her voice, in her words that's giving me second thoughts about going to school today, ayaw kong pumasok. 


But I don't want her to worry, that's why I gave her a smile. "Oo naman! Ako pa! Magiging engineer 'to oh!" Humampas pa ako sa dibdib ko at napahagikhik siya. 


Tumigil na ang jeep sa harap namin, "Sige na Lory, andiyan na yung jeep," I lean closer to give her a kiss, tumakbo na ako papunta ng jeep at ramdam ko ang ibang kapit niya sa kamay ko nang kumalas ang pagkakahawak namin. 


"I love you! Sobra!! Always and forever!" sigaw nito nang makalapit ako ng jeep, napahagikhik ako, "I love you more!" sigaw ko bago pumasok ng jeep. 



Nakasakay na ako sa jeep, kumukuha na ako ng pambayad sa wallet ko nang hindi ako makatiis. Ayaw ko siyang iwan ngayon, ayaw ko munang pumasok. Hindi siya okay, alam kong hindi siya okay at alam kong may problema. 


"Manong para po!" Tumigil ang jeep sa di kalayuan, tanaw ko pa kung saan kami naghihintay ni Lory. 


Pababa ako ng jeep nang matanaw ko siya, hindi ako pwedeng magkamali, si Lory ko 'yon, na yakap ng ibang lalaki. Hindi lang basta ibang lalaki kundi si Samuel Ponce. 







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top