54



"Do you enjoy your school, Lia?" tanong ko sa anak ko habang inaayos ang buhok niya. Lunes nanaman at ilang minuto ay susunduin na ni Tobi si Lia. Noong una ay ayaw ko talaga sana na si Tobi ang maghatid dahil kaya ko naman at alam ko naman na may trabaho si Tobi pero siya na mismo ang namilit. 


"Yes mama, I have some friends po, they're nice and they like my hair po." ani niya at napangisi ako. 


"I like your hair too, it's very pretty, anak." Ibinaba ko siya ng bangko at lumuhod sa harap niya para ayusin ang kaniyang damit. 


"Wala naman nang-aaway sa anak ko?" tanong ko rito at agad siyang umiling. 


"Wala po mama," sagot niya at tumango ako, "Anong gagawin kapag may nang-away sa 'yo?" tanong ko rito, nagpapa-alala sa kaniya. 


"Magsusumbong po kay teacher." sagot niya at napangiti ako bago tumango. 


"Sabi rin po ni tita Gwen sabihin ko na may tita doctor kaya hindi dapat nila ako awayin kasi tatanggalan sila ni tita Gwen ng utak." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lia. 


"Bad 'yon anak, 'wag mo sabihin 'yon." I scolded my little girl and she pouted. 


Narinig namin ang busina ng sasakyan ni Tobi sa labas at agad napatakbo si Lia palabas, kinuha ko na ang mga bag namin at sumunod sa kaniya sa sala. 


Paglabas namin ng pinto ay nag-aabang na si Tobi sa labas ng sasakyan niya. 


"Pogi as always, ah." I complimented which caught his attention. 


He smiled and put his phone inside his pocket, "Salamat, but you should check on Ali, stress na stress na 'yon, they're putting a lot of pressure on her right now." sagot nito habang inilalagay ang bag ni Lia sa loob ng sasakyan niya. 


Tumango ako, "Yes yes, I will." ani ko habang pinapanood siya na isakay si Lia sa baby car seat nito. 


"Say goodbye to your mama na." ani ni Tobi nang sumakay sa driver's seat. 


"Bye mama!!" sigaw ni Lia mula sa loob, kumaway ako bago pinanood na umalis ang sasakyan at saka naman ako tumawag ng taxi. 




"Lunes na Lunes ang lungkot-lungkot mo." sita ko kay Alyssa na naabutang nakatalukmo sa lamesa niya. 


"I feel so single, 24 na ako pero single pa rin." ani nito at natawa ako ng pagak. 


"Ako nga 27, single-mom pa." Pagbibiro ko, nag-ayos ito ng upo bago ako sinimangutan at maya-maya ay tumayo para yakapin ako. 


"Ang strong mo Lory, sana all." ani nito at napahagikhik ako, "Sana all single-mom?" Tarantado kong tanong at agad itong kumalas ng yakap. 


"Hindi 'no! As much as I salute single-moms ayaw ko naman maging one of them 'no, please please lang, ayaw ko pa." ani nito at napahagalpak ako ng tawa. 


Kagaya ng nakakasanayan ko sa trabaho ay si Alyssa lang ang lagi kong kausap, kakulitan at kausap. Hindi naman sa ayaw sa akin ng aking mga katrabaho o ayaw ko sa kanila, pero mas okay na sa akin na kaunti lang ang kausap ko rito. Siguro ay naiilang nalang din ang iba dahil alam nila na may koneksyon kami ni Sam na bagong CEO ng kumpanya. 


Pagdating ng alas diyes ay naisipan ko na mag-kape, siguro ay nakasanayan ko nalang din gawin kapag ako'y napapagod. 


Naabutan ko naman si Sean na andoon kaya lumibot muna ako ng tingin bago siya nilapitan. 


"Can I drop the formality, attorney?" tanong ko dito habang nag-aasikaso ng sarili kong kape. 


Nag-hum ito, "Yes miss Valdez, what is it?" sagot nito at bahagyang nagparte ang labi ko. 


"Akala ko ba drop the formality, you know my name is Lory, right?" ani ko at tumango ito habang naghahalo ng kape. 



"Okay, Lory, what is it?" tanong niya bago ako hinarap at humigop ng kape. 


"Bakit dito kayo nagkakape? Wala ba kayong kape sa inyo? May binibisita ka ba rito?" tanong ko at bahagyang nanlaki ang mata nito bago niya ibinaba ang kaniyang mug. 


Inayos nito ang kaniyang coat, "For your information, wala akong binibisita rito.  And to answer your question, nagkakape kami rito cause Rusti told me so." sagot niya at napakunot ang noo ko. 


"Huh? Bakit naman?" Taka kong tanong, ipinasok nito ang isa niyang kamay sa kaniyang bulsa. 


"Oh please, come on... did you two really broke up three years ago? Lory, of course that dumb-ass misses you, kaya lagi siyang pumupunta rito, and I happen to be more comfortable having coffee here, and... he asked me to check up on you." Walang preno nitong sagot, nahulog ang panga ko at bahagyang humakbang paurong. 


"He told you that?" I hesitantly ask and his brows furrowed. "What do you mean by 'that'?" tanong niya at nagkibit-balikat ako. 


"That! When you said he misses me! Did he really told you that?" I asked, a bit in panic. Maniniwala ba ako roon?! How would he miss me if sinasabi ni Sam na he's seeing someone! 


Sean shrugged and lift his coffee mug, "He did, I don't even know why that guy still haven't made a move." ani nito bago ako iniwan sa snack area. 


Buong tanghali tuloy akong natutuliro, para akong tanga na natutulala at wala sa wisyo. Oo nga naman, kung sinasabi na ni Inin na miss na niya ako edi sana nagkaka-usap at nagkakamabutihan na ulit kami! But no! That guy decided to not speak up at all. 


"You know that you look like a complete mess, right?" Napa-angat ako ng tingin nang magsalita si Sam sa tabi ko. Kakatapos lang ng lunch at dahil tanghali ay inaantok na ako. 


"Tarantado ka, may iniisip lang ako." ani ko at napahagikhik ito bago sumandal sa cubicle ko. 


"3pm, meeting tayo with other head ng ibang department." ani nito at napakunot ang noo ko. Ako na nga pala ang Head ng Finance, minsan ay nakakalimutan ko pa rin na na-promote nga pala ako simula nang si Sam ang pumalit kay tito. 


"Sige sige, anong pag-uusapan?" tanong ko at ngumisi ito, "Basta, just attend the meeting." ani nito bago lumayas, lagi nalang akong nilalayasan ng mga kausap ko. 


Tumapos nalang ako ng isang file bago naghintay mag alas tres. Nang ilang minuto nalang ay nagpaalam na ako kay Alyssa at umakyat na pataas sa meeting room. Hindi ko naman inaakala na pagdating ko roon ay maabutan ko si Rusti at Sean sa loob, kaming tatlo palang?! Tutuloy pa ba ako?! 


"Lory, papasok ka ba?" tanong ni Sean nang napansin nila na nakatayo lang ako sa may pinto. 


"A-Ah... eh ano, hindi muna kasi wala pa naman 'yong iba." sagot ko at akmang isasara na ang pinto nang tawagin ako ni Sean. 


"Pumasok kana, they'll be here in few minutes, mapapagod ka pa." ani nito at wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango at pumasok na. Umupo ako sa tabi ni Sean na katapat lang si Rusti. 


Parehas silang busy sa cellphone kaya nagpaka-busy nalang din ako. 


"May pupuntahan lang ako saglit, stay here you two." ani nito bago tumayo, pinanood ko siyang umalis at nang sumara ang pinto ay agad akong napalingon kay Rusti na nakatingin din sa akin. 


"Are you okay?" tanong niya at agad akong tumango. 


Pakiramdam ko ay sinasadya 'to ni Sean na iwan kaming dalawa. 


Napa-angat ako ng tingin kay Rusti nang may maka-usap ito sa cellphone. 


"Hey, andito na ako sa meeting room, I'm actually waiting for you, ang tagal niyo." Pakikipag-usap niya, nakinig ko pa na babae ang boses sa kabilang linya, napatungo ako at nagpapanggap na may ginagawa sa cellphone kahit na pindot lang ako ng pindot ng kung ano-ano. 


"Okay okay, be quick, or else ako na ang susundo sa inyo." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at sinusubukan na hindi mahalatang nakikinig sa usapan nila. Muli kaming nabalot ng mabigat na pakiramdam. Naririnig ko siyang humahagikhik habang may kapalitan ng messages. Mukhang ito 'yong babae na kausap niya kanina. 


"Hey! I'm sorry we're late!" Nagulat ako nang may isang babae na sumigaw, may kasunod itong dalawang lalaki at agad lumapit ang babae kay Rusti. Nakita ko kung paano gumuhit ang ngiti sa labi ni Rusti at agad tumayo para makipagbeso sa babae. 


"Actually you're not late, I'm just early and I feel uneasy here." ani niya at para akong tinamaan ng hiya at napatungo. 


I make him feel uneasy and uncomfortable. "Why? Lory's here naman, hi Lory! I'm Trisha, Head ng Marketing." she greeted, she pushed her hands forward towards me that I accepted with a smile. 


"I've heard about you, hi!" I greeted back, as much as I am still trying to examine her movements and attitude, I didn't want to be rude and appear bitter. What if her and Rusti really have something between them. And she might know that me and Rusti had something in the past. 


Simula nang dumating iyong tatlo ay naging maingay na sila, hindi totally maingay pero nagkwentuhan na sila. When Sean came back, akala ko ay makiki-chismiss ito sa kanila, pero kagaya ko ay nanatili lang itong naka-upo gaya ko at nag ce-cellphone. 


Maya-maya ay dumating na si Sam kasama pa ang ibang head ng ibang department, saka nagsimula ang meeting. 


"Stressing ba ang workload niyo?" tanong ni Sam habang naka-upo sa harap, nararamdaman ko na agad na hindi ito seryosong meeting dahil naka-upo ito, kapag kasi seryoso ay tumatayo siya at lakad nang lakad. 


"Okay lang naman sa akin, boss." sagot ni Trisha at napatawa pa sila Rusti at ang iba. 


"How about sa Finance? How's the workload there, miss Valdez?" Napa-angat ako ng tingin sa unahan at tumango. 


"W-We're doing fine, wala namang problema. Kaya rin naman namin." sagot ko at tumango si Sam. 


"When was the last time my dad let you guys have a team building?" Sa tanong ni Sam ay napasinghap ang ilan. 


"Last-last year pa boss, matagal na rin ang nakakaraan." sagot ng isa at muli silang napahagikhik. Tahimik lang kami nila Sean at Rusti, hindi naman namin alam ang team building na iyon at kahit naman noon ay hindi rin ako nakaranas. 


"Dahil diyan, hingiin niyo sa mga kasama niyo ang listahan ng sasama, we're going to Coron next week!!" A lot of us cheered in joy, lalo na si Trisha na may kasama pang pagyugyog kay Rusti. Basta kami ni Sean ay tahimik lang na naka-upo. 


Tinapos ni Sam ang meeting ng ilan pang pa-alala, he also said that the ticket, lodging and everything is on the company, mukhang mapapasabak kami sa pagbu-budget. 


"Totoo ba iyon?! Ngayon lang ako makakaranas ng team building! May gwapo ba sa Marketing Dept?" tanong sa akin ni Alyssa habang nag-aayos ako ng gamit ko. 


"Totoo nga, kaya bukas ay aasikasuhin ko na ang listahan, mapapasabak tayo ng pagbu-budget dito." sagot ko, medyo wala sa mood kaya halos ibato ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag. 


"Oh, eh bakit parang highblood ka?" tanong niya at napatigil ako bago bumuntong hininga. 


"Wala naman, may nakakalabit lang ng trigger sa inis ko." sagot ko at nakita ko itong tumango. 


"Ako ba? Masyado ba akong maingay?" she sounded sorry and worried kaya agad akong umiling. 


"Of course not, your kaingayan is what motivates me sometimes, may problema lang talaga ako." sagot ko at tumango ito. 


Hindi yata siya masyadong busy ngayon kaya sumama pa ito sa pagsundo kay Lia sa Daycare Center, ibinili pa nito ang bata ng French Fries bago humiwalay sa amin pauwi. 



"Anak, okay lang ba sa iyo na next week ay sa mga tita mo muna ikaw makikititira?" 


I've been thinking about it the whole afternoon after the meeting. Sinabihan ako ni Sam kaninang pagkatapos ng meeting na sumama raw ako, I need the relaxation he said. Pero hindi ko alam kung paano si Lia? Hindi ko naman siya pwedeng isama roon! Not when her father is there and there's a woman who seems like his father's girlfriend. Sa pagka-carbon copy ng mag-ama ay baka kahit si Alyssa ay mahalata. 


"Bakit po mama? Aalis po kayo? Di niyo po ako isasama?" Sa tanong palang ng anak ko ay napapa-ayaw na akong sumama. 


"Lia, anak, kasi work thing iyon nila mama. Though pupunta kami ng beach, co-workers ang kasama ni mama." Paliwanag ko rito, Lia let go of her doll and tilt her head. 


"Bakit hindi po ako pwedeng sumama?" tanong niya at hinawakan ko ito sa kamay. 


"Kasi... hindi pwede, ayaw mo ba kila tita Ali? Or tita Gwen, Laura, Jax, or tito Tobi? Diba they buy you everything you want?" tanong ko rito at sumimangot ito. 


"Mami-miss po kita." she said and threw herself at me. Nagpapa-alam palang ako pero parehas na kaming umiiyak. 


"Tatawag naman si mama, eh. And I will buy you lots of pasalubong, do you want toys from Palawan?" tanong ko at agad itong kumalas sa yakap at tumango. 


"Show me lots of pictures din po!" she exclaimed and we both giggled before I pinched her nose and soon we drifted to dreamland. 



"Kailangan ko ba talagang sumama? Sam... nagpaalam palang ako kay Lia kagabi umiyak na 'yong bata!" Pabulong kong sigaw kay Sam, we're now at the snack area, sinadya niya talaga ako rito. 


"Well... you're the head of the finance, and you need the relaxation, kagaya ng sabi ko kahapon." he said and I rolled my eyes. 


"Eh si Lia nga!" Pag-uulit ko rito, "Lory, you have 5 friends, may 5 ina si Lia including you at 2 ama, me and Tobi, I'm sure your friends can take care of her for just 3 days. Tatlong araw lang naman." he said and I pouted,


"Fine fine, magsasabi pa ako sa mga kaibigan ko." sagot ko rito, akmang paalis na si Sam nang makasalubong naman niya si Sean at Rusti. 


"Oh, bakit dito kayong dalawa nagkakape? Hindi ba kayo masaya sa kape niyo sa taas?" tanong nito sa dalawa. 


Napahagikhik si Sean, "Rusti is too picky on coffees, kaya gusto niya rito." Pagbibiro ni Sean bago naglakad papunta sa gawi ko. 


Nagtawanan pa si Sam at Rusti bago tuluyang umalis si Sam at si Rusti naman ay naglakad sa gawi namin. 


"Sasama ka sa Coron?" tanong nito sa akin, tumango naman ako, "Yes, kayo ba?" tanong ko sa dalawa. 


"I'm still thinking," sagot ni Sean habang inaasikaso ang kape niya. 


"Sasama ako, Sam and Trish kept on bothering me kahapon." ani ni Rusti at tumango-tango ako. 


"Ah, si Trisha, girlfriend mo?" Bakit ko ba tinanong 'yon?! Nagmumukha akong tanga! 


Nakita kong nagkatinginan si Sean at Rusti. 


"A-Ah... huwag mo na sagutin, una na ako." I immediately excused myself and left the snack area. Napasampal-sampal pa ako sa pisnge ko habang naglalakad. Kung hindi ka nga naman tatanga-tanga. 


Pagdating tuloy ng lunch ay nag-aalinlangan ako, alam ko kasi na makikita ko roon sila Rusti at Sean, hindi naghihiwalay iyong dalawa. 


"May nautangan ka ba na tinataguan mo?" Takang tanong ni Alyssa nang mapansin na kanina pa ako lingon nang lingon sa paligid. 


Agad akong umiling, "Wala 'no, talagang... may iniiwasan lang ako." sagot ko at narinig ko itong humagikhik. 


"Ano ka teenager? Tinataguan crush mo?" tanong nito at napabuntong hininga ako. 


"Kumain ka nalang." sagot ko rito, mabuti nalang at parehas kaming mabilis natapos ni Alyssa at agad naka-alis ng table. 


Saktong naglalakad kami papalabas nang makasalubong namin si Sean at Rusti. 


"Hi attorney, hi engineer, kain na kayo." Bati ni Alyssa sa dalawa, nanlaki ang mata ko at binitawan ang braso ni Alyssa at saka naglakad palayo. 


"Lory, Lory ano ba?! Bakit ka tumatakbo bigla?!" Hinabol ako ni Alyssa sa hallway. 


"Kasi nga...-- may sasabihin ako sa 'yo pero sa taas na." sagot ko rito bago kami sumakay ng lift. Halos tumakbo na kami papasok ng department namin, mabuti nalang at wala pa ang iba rito. 


"So ano na nga? Bakit ka ganiyan? Sila attorney at engineer ang tinataguan mo 'no?" tanong nito at utay-utay akong tumango habang nakatingin sa sahig. 


"Ex mo ba si attorney?" tanong nito, nanlaki ang mata ko at agad napa-angat ng tingin. 


"Hindi! Hindi siya!" sagot ko rito at nanlaki ang mata nito. 


"Oh my gosh ka! Si Engineer--"


"SSSHH! Huwag mo na isigaw please!" Putol ko rito at nahulog ang panga niya. 


"Pero diba nagkakita naman na kayo dati? Bakit ngayon ka lang nahihiya?" Taka niyang tanong at napasandal ako sa aking bangko. 


"Cause I did something stupid." sagot ko rito at napakunot ang noo niya, "Ano naman 'yon?" tanong niya. 


Napasapo ako sa noo ko, "I asked him if Trisha from Marketing is his girlfriend cause they're being so close! That was so embarassing, Aly! Nakakahiya!" Napasapo ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Siguro ay pinagkekwentuhan ako ng dalawa kanina pa. 


"You're jealouse?" tanong niya, inalis ko ang kamay ko sa mukha at napasimangot. 


"Alyssa, here's the thing, make sure not to tell anyone, specially Sean and Rusti!" ani ko rito at napakunot ang noo niya. 


"Hindi nga kami close, ano ka ba!" ani niya at tumango ako. 


"The only person who knows about this is Sam, and now you will know too." ani nito at tumango ito. 


"I'll keep it a secret, promise." ani niya at huminga ako ng malalim. 


"Rusti, isn't just my ex, he... he is my daughter's father." I admitted, Alyssa's jaw dropped and her eyes widened. 


"He doesn't know?" tanong niya at umiling ako, "Why? Bakit hindi mo sinabi? What happened before?" 


Buong lunch break ay nagkekwentuhan kami ni Alyssa, marami siyang naging tanong at halos ang reaksyon niya ay katulad ng reaksyon ng mga kaibigan ko noon. Hindi rin siya makapaniwala, hindi rin siya agree sa naging desisyon ko na pag-alis noon, pero ang sabi niya ay may point naman daw ako, iyon nga lang ay... sayang  dahil mukha ngang may ibang babae na sa buhay si Rusti. 



"May balak ka naman sabihin diba?" tanong niya, mag-uuwian na kami at mukhang hindi pa rin siya maka get-over. 


Nagkibit balikat ako, "Meron, noon, pero ngayon, medyo nag-aalinlangan na ako." sagot ko, hinimas niya ang likod ko, "Kaya mo 'yan, I support you in your decisions." she said and it honestly made me feel at least a bit better. 


Pagkasundo ko kay Lia ay diretso kami sa condo ni Ali, nadatnan pa nga namin ito na nagluluto dahil dito kami nito pinapakain. 


"Hi ninang!" Agad tumakbo si Lia papunta kay Ali at niyapos ito sa binti. 


"Hello baby girl, gutom kana ba?" tanong agad ni Ali, tumango si Lia, "Opo, may foods ka po ba?" Napatawa ako sa tanong ni Lia, naupo ako sa sofa at pinakinggan ang usapan nila. 


"Buksan mo 'yong ref and pili ka ng kahit anong gusto mo." Narinig kong sabi ni Ali. 


Maya-maya ay tumabi sa akin si Lia na dala ang isang boung pack ng cookies, "Baka hindi ka makakain ng niluluto ni ninang." ani ko rito, umiling naman ang bata, "No mama, malaki po ang bodega ko." ani niya at napahagikhik kami ni Ali. 


Tumayo ako para lapitan ang kaibigan ko, buti hindi sumunod si Lia dahil busy na rin siguro sa pinapanood niya. 


Niyapos ko si Ali, "Sabi ni Tobi stressed ka raw?" tanong ko rito at tumango ito. "Please don't ask me if I'm okay cause I'm not pero ayaw ko lang umiyak." ani nito at napatawa ako. 


"Okay ka lang naman, eh. Diba okay ka?" I tried cheering her up, tumawa ito at tumango. "Oo nga, sino ba nagsabi hindi, sapakin ko." ani nito at napatawa ako bago kumalas sa yakap at sumandal sa counter. 


"Iiwan ko si Lia dito sa Tuesday until Thursday." ani ko at napalingon ito sa akin na nakakunot ang noo. 


"Bakit? Aalis ka?" tanong niya at utay-utay akong tumango, "Team-building, si Sam ang gusto na sumama ako. Three days sa Coron, hindi ko naman pwedeng isama ang bata, andoon si ano." ani ko at utay-utay siyang tumango. 


"Okay lang naman, kaso sa Wednesday kasi ay may pasok ako sa La Salle, iiwan ko muna siya kay Gwen sa umaga." ani nito at tumango ako. 


"Salamat sa pagpayag ha, at least I know she's in better hands with you guys." ani ko at ngumiti ito. 


"You still can't trust your mom?" she asked and I chuckled before nodding. 


"Hindi ko pa kaya, Lia is in the same age as me when she beats me up, nakikita ko ang sarili ko sa anak ko at ayaw kong makaranas siya ng sakit sa katawan." ani ko at tumango siya. 


"Well, thank you for trusting us with you kid. We won't disappoint you." ani nito, napatawa ako dahil masyado naman siyang seryoso. 


Pabiro ko siyang hinampas sa braso, "Sige na, tulungan na kita, sabihin mo lang kung saan." 


Napabilis ang pagluluto ni Ali nang tulungan ko ito kaya naman maya-maya lang din ay nakakain na kaming tatlo. Dahil komportable na si Lia sa ninang niya ay grabe na ang daldal nito. Sa paningin ko nga ay ganitong-ganito si Ali noong elementary kami. Siguro kung hindi nagkalintik-lintik ang buhay ng kaibigan ko sa ibang bansa ay parehas ang energy nilang dalawa. 


"Anong gustong dessert ng inaanak ko?" Napasapo ako sa noo ko nang magtanong si Ali habang nakaharap sa kaniyang ref na punong-puno ng kung ano-ano. 


"Brownies po with ice cream!" Palirit naman ni Lia at tumango si Ali bago kinuha ang isang box ng brownies at isang tub ng ice cream. 


"Parang ayaw ko na palang iwan si Lia sa 'yo, mamamaga ang lalamunan ng bata sa 'yo." ani ko rito nang bumalik sa lamesa. 


Napanguso si Ali, "Grabe ka naman sa akin! Hindi naman ako pabaya, ang akin lang ay hayaan mo na ma-enjoy ng bata ang mga matatamis." ani niya at napangisi ako bago tumango. 


"Di mo nga pala naranasan 'yon." Pang-aasar ko at umirap ito, "Foul," bulong niya, habang kumakain ng brownies ay patuloy sa pagdadaldal si Lia. Wala talagang humpay ang bibig ng anak ko, masyadong matabil, sabagay, ganitong-ganito ang ama niya. 


"Wala ka pa naman crush sa school mo, Lia?" Nanlaki ang mata ko at agad nilingon si Ali. 


"Ali!!" Saway ko rito, nang lingunin ko si Lia ay nakakunot ang noo nito, "Ano po ang crush, mama?" Nagtatakang tanong ng anak ko at agad akong umiling. 


"Wala anak, kapag malaki kana, kapag mga 13 kana saka ni mama sasabihin sa 'yo." sagot ko rito at tumango nalang si Lia bago pumasok sa kwarto ni Ali dahil gusto raw nitong mahiga. 


"Grabe ka naman sa 13, mga 5 manlang." ani ni Ali habang nag-aayos ng lamesa at pinanlakihan ko ito ng mata. 


"Five years old ka noong nagka-crush ka 'no?" tanong ko rito at narinig ko itong humagikhik. 


"Four years old, kilala mo na kung sino." ani nito at napatawa ako bago umiling. "Siya pa rin ba, Ali?" tanong ko at napalingon ito sa akin na may di maipintang mukha. 


"Lory naman, ilang taon na, please. Tigilan mo na ako sa mga ganiyan-ganiyan, hindi na ako mag-aasawa." ani niya at napa-irap ako. 


"Sabi ko nga dati di ako mag-aanak, eh. Huwag kang magsalita nang tapos, Ali." turan ko ito at napabuntong hininga ito. 


Habang naglilinis kami ng pinagkainan, naghuhugas dahil may dalawa siyang sink ay nagkekwentuhan kami. Matagal-tagal na rin nang huli kaming makapag-usap nang ganito kalalim at seryoso. Sa oras na ito ay sa kaniya naman ako nakinig. 


"Mama, why ka po umiiyak?" tanong sa akin ni Lia habang nakasakay kami sa taxi pauwi. 


Agad akong umiling at nagpahid ng luha sa pisnge, "Hindi ah, na-allergy lang yata si mama kanina ng kung ano, hindi umiiyak si mama." sagot ko rito at tumango nalang ang anak ko. 


Pag-uwi namin ng apartment ay agad ko itong binihisan at pinatulog habang ako naman ay nag-message na sa mga kasamahan ko kung sino ba ang sasama sa Coron. Hindi pa rin kasi ito ma finalized dahil ang iba ay mga hindi pa rin sigurado. 


Pagdating ko naman sa trabaho kinabukasan ay saka lang ito na-finalized at saka ko rin sinimulan ang pagba-budget. Sinasabi ko na nga ba, dagdag ito sa trabaho namin sa finance. Mabuti nalang at walang ibang workload na ibinigay sa amin. 


Hindi ko rin agad natapos ang pag bu-budget kaya inabot pa ng ilang araw bago ito na finalize at ipinakita ko na ito kay Sam, saka lang din nagkaroon ng malawakang meeting at ipinaalam sa nakararami ang info tungkol sa team building. Halos hindi ko na magawang makinig dahil pagod na ang utak ko at halos alam ko na rin naman ang mga ito. 



"Sino po kasama mo mama?" tanong ni Lia habang pinapanood ako na mag-impake. Bukas na ang alis namin at maya-maya ay ihahatid ko na kay Ali si Lia, dahil madaling araw ang alis namin bukas ay ayaw ko naman mapuyat ang bata. 


"Si tita Alyssa, tapos marami pa." sagot ko rito at tumango-tango siya. 


"Wala po kayong maraming friends, mama?" tanong niya at napangisi ako bago tumango. 


"Si ninong Sam at tita Alyssa lang talaga ang ka-close ni mama sa work niya." sagot ko rito at tumango nalang ito at saka ay nahiga na sa kama. Nagpatuloy lang ako sa pag-iimpake at nang matapos ay akala ko'y tulog na si Lia, iyon pala ay nagbabasa ng story book niya. 


"Anak, tara na? Ihahatid na kita kay ninang Ali?" Pag-aaya ko rito, agad naman itong bumangon at kinuha ang bag niya na inihanda namin kanina. Dinampot na rin niya ang unan na ginagamit ko. 


Napakunot ang noo ko, "Bakit dala mo 'yan, anak?" Taka kong tanong, napanguso ito habang yapos-yapos ang unan ko. 


"I can smell you po kasi sa unan niyo, para kapag miss ko na kayo, hug ko lang po ito tapos parang hug ko na rin po kayo." sagot niya at parang piniga ang puso ko. 


Sinasabi ko na nga ba, ngayon lang ako mahihiwalay sa anak ko ng matagal. 


"Halika nga anak." Sinenyasan ko ito na lumapit bago siya niyakap at hinalikan sa ulo. 


"Love na love 'to ni mama, mabilis lang si mama sa Coron, tatlong tulog mo lang, andito na ulit si mama." ani ko rito habang yapos-yapos ko. 


"Opo mama, kaya tutulog lang po ako nang tutulog." ani niya at napatawa ako bago kumalas sa yakap at pinisil anng ilong niya. 


"Hindi pwede 'yon, may pasok ka. Huwag kang makulit kila ninang, ha? Be good girl, mas nakakapagod ang work nila ninang at tita kaysa sa work ni mama, huwag kang makulit." ani ko rito at tumango ito. 


"Kanino po ako magpapatulong sa assignments ko?" tanong nito at napangisi ako, 


"Kapag math, kay tito Tobi, kapag arts, kay tito Tobi at tita Jax, kapag science, pwedeng kay ninang Ali or tita Gwen, iyong iba, kay ninang Laura." sagot ko rito at ngumisi ito bago tumango. 


Lumabas na kami ng kwarto dala ang gamit niya. Sumakay na rin kami ng taxi papunta sa building kung saan nakatira si Ali at hindi na ako nagtagal dahil pagod na rin ito. 


Habang pinapanood ko na maglakad palayo si Lia habang kumakaway sa akin, sumisigaw pa ito ng 'Bye Mama!' ay napapaluha ako. Ngayon lang talaga ako mahihiwalay ng matagal sa anak ko. 


Bumababa ako ng hagdan ng building, nagpapahid ng luha nang may sasakyan na bumusina sa akin kaya napa-igtad ako at napatingin sa sasakyan na nasa unahan ko, buhay pa ang ilaw nito. 


Napa-urong ako nang makita si Inin na lumabas ng pinto, "Why are you here at this time? Alas diyes na ng gabi." ani nito habang naglalakad sa gawi ko. 


Napalunok ako ng laway, "Ah... ano, pinuntahan ko lang ang kaibigan ko." sagot ko at utay-utay siyang tumango. 


Natahimik kaming dalawa at ako naman itong gusto nang umalis sa harap niya. Ilang araw ko a siyang iniiwasan sa kumpanya tapos dito ko lang pala siya makikita. 


"Una na--"


"Sumakay kana sa akin, ihahatid na kita." Putol nito sa akin at agad nanlaki ang mata ko bago umiling. 


"Huwag na, magje-jeep nalang ako." sagot ko pero umiling ito. 


"Sige na, it's almost 11pm, Lory. Delikado sa daan, please." Malumanay niyang turan at napasaltik ako ng dila. 


"Engi--"


"We're out of the building, please call me by my name." Putol nito at napakamot ako sa batok ko. Ano ba naman 'to, napaka-wrong timing ng lahat, naka-pajama lang ako at loose shirt habang siya naka slacks, maayos na t-shirt sa loob at coat. 


"Rusti, sige na, okay lang ako, mauna kana." ani ko rito at siya naman itong napapikit nang kaunting segundo bago bumuntong hininga. 


"Please, kung may masamang mangyari sa 'yo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." ani niya at napatikom ako ng bibig. Kinikilig yata ako! 


"Sige na nga, makulit ka." ani ko at napabungisngis ito bago naglakad pabalik ng sasakyan niya at ako naman itong sumunod nalang. 


Ipinagbukas pa niya ako ng pinto at ipinagsara na rin bago siya umikot sa kabilang side at pumasok. 


"Please lead the way," ani niya at tumango ako, "Diretsohin mo lang iyang daan na 'yan, malayo-layo pa ang unang liko." ani ko at tumango siya. 


Napayapos ako sa sarili ko dahil sa lamig, hindi ko naman kasi alam na makakasakay ako sa Audi niya, kung sa jeep ay baka usok lang ang kalaban ko. 



"Nilalamig ka? May shawl diyan sa compartment box." ani nito at tumango ako bago binuksan ang compartment sa harap ko, nakabungad na ang shawl kaya hinigit ko nalang ito, nagulat pa ako nang may nahulog na box ng condom mula rito at mukhang napansin pa niya ito kaya napahagikhik ito. 


"Hindi sa akin 'yan, kay Sam 'yan, ipinatago niya lang sa akin." Depensa nito, napangiwi ako bago tumango. 


"Okay lang naman, you don't have to deny it." ani ko bago ibinalik ang box na iyon sa loob at isinara na ang compartment. 


Ibinalot ko na ang shawl sa katawan ko at ganon din kami binalot ng katahimikan. Dahil hating-gabi na at maraming umuuwi ay natra-traffic kami kaya mas lalong tumatagal ang biyahe. 


"Would you like to listen to some music?" tanong nito at nilingon ko siya, "Do you usually listen to music when you drive?" tanong ko pabalik at umiling ito. 


"Medyo na di-dictract ako, eh." sagot niya at tumango ako, "Edi huwag na," turan ko at nag-hum ito. 


Ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan bago ito muling nagsalita, "So how have you been? It's been... three years and few months." Pangangamusta nito, 


"I'm fine, ikaw? I'm proud of you that you have finally achieved your dreams." ani ko at nakita ko itong ngumiti. 


"I'm fine too, and thank you, I really want to make you proud. Sabi ko talaga 'yan sa sarili ko noong umalis ka, na pagbubutihan ko para naman maging proud ka sa akin kahit papaaano." ani niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. 


"Hindi ka pa engineer, proud na ako sa 'yo." ani ko at mabilis ako nitong nilingon bago nagbalik ng tingin sa kalsada. 


"Really? Then why did you left--"


"Inin, kumanan ka riyan." Putol ko sa kaniya nang muntik na kaming makalampas. 


"Ah yes, my bad." ani niya bago kumabig pakanan. 


"Tapos diretsohin mo lang 'yan, may makikita kang bahay na bonggalo, kulay puti, walang gate pero may street lights." ani ko at tumango ito, dahil wala nang gaanong sasakyan dito ay mabilis niyang naitigil ang sasakyan sa tapat ng apartment. 


"You live here?" tanong niya habang inaalis ko ang seatbelt, nilingon ko ang apartment at tumango. 


"Yes, why? May problema ba?" tanong ko at hindi ito sumagot, pinagmamasdan pa rin ang apartment. 


"Bakit hindi ka bumalik ng condo? Wala na akong naiwan na gamit doon." ani niya at nagpilit ako ng ngiti bago umiling at binuksan ang pinto. 


"Mas masaya ako rito." ani ko bago lumabas at isinara ang pinto ng kaniyang sasakyan. 


Kinuha ko ang susi ng apartment sa bulsa ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan niya. 


"Mas masaya kaba talaga rito? Are you really happy, Lory? Living in a one story house, walang gate, may dumi ang pintura? Do you hate me that much that you don't want to go back to your old place because you used to live with me there?" Natigilan ako sa kaniyang sinabi, ang lamig ng simoy ng hangin ay parang mas lalong lumamig. 


"I don't hate you." turan ko, nakatalikod pa rin sa kaniya. 


"Then why? Why did you left?" Matigas nitong turan, bakas na sa boses nito ang panggigigil. 


Napabuntong hininga ako, "Rusti... pwede ba na huwag muna ngayon?" Hindi ko siya kayang harapin kaya nanatili akong nakatalikod sa kaniya. 


"Fine, see you tomorrow." ani nito, narinig ko ang malakas na pagtaklab ng pintuan ng kaniyang sasakyan bago ito mabilis na humarurot paalis. 


Saka ako nakahinga ng maluwag, habang nagbubukas ng pinto ay nakita ko pa ang pares ng tsinelas ni Lia sa labas kaya isinama ko na sa pagpasok. 



"Nakatulog ka manlang ba?" tanong sa akin ni Alyssa, naghihintay kami ngayon na tawagin ang flight namin at halos makatulog na ako sa departure area. 


Umiling ako, "Hindi, puyat nga, eh. Alas dos ng madaling araw, Alyssa, lahat tayo puyat." sagot ko rito at napahagikhik ito bago tumango. 


Bandang 2:30am nang tawagin ang flight namin. Dahil sa dami ng empleyado ay isang buong eroplano ng LAZAR Airline ang naka-allot sa amin. 


Ang maikling flight mula Manila hanggang Palawan ay tinulugan ko na, sa sobrang puyat ko ay hindi ko na naabutan ang take-off at landing, tulog ako sa parehas na pangyayari. Pagbaba ng eroplano ay doon ko lang muling nakita si Rusti, kasama si Trisha at iba nilang kaibigan. Si Sean ay hindi ko pa nakikita, sumama kaya 'yon? 


Sa van ay magkasama kami ni Alyssa at halos tulugan ko rin iyon. Pagdating namin ng resort ay nag briefing muna kami ng mabilis bago kami pinakawalan ni Sam at hinayaan na matulog muna sa kaniya-kaniya namin na hotel rooms. 


"May breakfast na ba?" Inaantok kong tanong kay Alyssa nang magising ako. 


"Oo sis, kanina p'ang 8am." sagot nito at napakunot ang noo ko, "Anong oras na ba?" Taka kong tanong. 


"11am na sis, kumain kana sa buffet." sagot nito at tumango ako bago bumangon. Nagsuklay muna ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng hotel room at pumunta sa buffet. 


Doon ko naman naabutan si Sean na nakasando na at beach shorts. 


"Sumama ka pala?" Bati ko rito nang tabihan ko sa buffet, "Akala mo hindi?" tanong niya at napahagikhik ako bago tumango, "Akala ko nga hindi." sagot ko at napatawa ito. 


"Nag-away kayo kagabi?" tanong nito at napabuntong hininga ako, "Nai-chika na agad sa 'yo?" tanong ko at tumango ito. 


Humarap ito sa gawi ko kaya natigilan ako sa pagkuha ng pagkain, "I don't know what you two went through, well wala siyang sinabi sa akin na naging problema niyo. And I don't know what you also went through, but please take it easy on him, kung may naging kasalanan man siya, sabihin mo nalang, huwag mo na siyang pahirapan, please." Malumanay na turan ni Sean at tumango ako. 


"He did nothing wrong, wala siyang kasalanan." sagot ko at utay-utay itong tumango. 


"I won't ask you why did you left him, siya nga hindi mo sinagot, ako pa kaya. Pero like what I said, I hope you two can fix things." ani nito at tumango ako, nagpaalam na ito at pumunta sa isang table. Dahil nahihiya naman ako na maki-table sa kaniya at sa malayo na ako kumain. 


Pagbalik ko ng hotel room ay saka ko tinawagan si Ali para kamustahin sila ni Lia. 


[Hindi mo naman sinabi sa akin na pinapauwi pala sila ng lunch! Halos mabangga ako sa pagda-drive papuntang DayCare nila, 45 minutes akong late bago siya masundo, akala ko umiiyak 'yong bata.] turan ni Ali sa kabilang linya, halatang hagas. 


Napahagikhik ako, "Hindi naman 'yan iyakin sa mga ganoong bagay." ani ko at nag-hum ito. 


[Kumain kana?] tanong niya at tumago ako, "Kakatapos lang, kayo ba?" tanong ko pabalik, 


[Kakatapos lang din, inaayusan ko lang ng buhok 'yong bata, okay lang ba na tirintasan ko 'to? ] tanong nito at nag-hum ako. 


"Oo naman, gustong-gusto nga niya na inaayusan siya." sagot ko kay Ali, 


[May gusto ka ba sabihin kay mama, Lia?] tanong ni Ali kay Lia, 


[Mama!!!] Agad kong nailayo sa tainga ko ang cellphone nang sumigaw si Lia sa kabilang linya. 


"Hello anak, kamusta ang anak ko?" tanong ko rito, nilingon ako ni Alyssa at ngumiti ito. 


[Okay lang po ako, masaya po here mama! Gusto ko na rin po maging doctor!] ani niya at napangisi ako bago tumango. 


"Go lang nang go anak, gagalingan mo sa pag-aaral para maging doctor ka rin kagaya nila ninang at tita Gwen." ani ko rito at parehas kaming napahagikhik. 


[Okay po mama, don't forget po pasalubong ko!] ani niya at napatawa ako, "Of course, hindi ko kakalimutan." sagot ko, 


[Ninang ikaw na po ulit.] Narinig kong turan nito, ibinalik na sa ninang niya ang cellphone. 


[Pasalubong lang ang want niya.] Pagbibiro ni Ali at napatawa ako, "Gaga ka, sige na, mag-iingat kayo riyan. Ikaw naman, huwag kang magpaka-stress, bye!" 


[Oo naman, ikaw ba, bye! Ingat at enjoy!] Pagkababa ng tawag ay saka ko naman inayos ang mga gamit ko, inilabas ko ang mga toiletries ko at ibang damit para ilipat ito sa cabinet. 


Bandang alas tres ng hapon ay nagsimula ang mga palaro. Nauna ang basketball ng lalaki, habang kaming mga babae ay nag-iinom sa tabi, ang mga lalaki ang nag e-enjoy sa paglalaro malapit sa dagat. 


"Go boss! Galingan mo!" sigaw ng mga kasamahan namin, 


"Dagdag sweldo sir kapag panalo kayo!" sigaw pa ng isa kaya lahat kami napahagalpak ng tawa. Magkakasama sa team si Sam, Sean at Rusti, parang lugi nga ang kalaban sa tatlo dahil halos mang-tower ito ng kalaban. 


"Sadillo, tumira tres! Shoot!" sigaw ng katrabaho namin na referee. 


"Sadillo tumira ng tres, nabuntis si Valdez." Siniko ko si Alyssa na bumulong sa tainga ko. 


"Gaga ka, may makarinig sa 'yo, papakainin kita ng buhangin." Saway ko rito at napahagalpak ito ng tawa. 


Ang ending ay sila Sam ang nanalo at agad naman itong nagpabili ng mga alak at pulutan, celebration agad. 


"Sumali kana! Lory sayang ang height!!" Pilit-pilit ako ni Alyssa na sumali ng volleyball. 


"Lasing na nga ako!" Pagdadahilan ko pero pati ang iba naming kasamahan ay nakihigit na. 


"Lahat naman tayo! Mas masaya nga 'yan!" turan ng isa, hindi na ako naka-ayaw pa dahil apat na silang nanghihigit sa akin. 


Si Alyssa ay hindi humiwalay sa akin dahil gusto na ka-teammate ako. Akala naman niya ay may mapapala siya sa akin! 


"I-cheer niyo si Valdez, kapag nanalo 'yan magpapa-inom din 'yan!" Narinig kong sigaw ni Sam mula sa bench, 


"Siraulo!" Wala sa sarili kong sigaw, nang maghiwayan ang mga kasama namin ay saka ko napagtanto na boss ko nga rin pala ito. 


"Sorry boss!" sigaw ko at napahagalpak sila ng tawa habang ako naman itong nag-dive sa buhangin para tirahin ang bola. 



Muntikan pa kaming matalo, halos ako rin ang muntik nang magpatalo dahil kung saan-saan lumilipad ang serve ko, nagdodoble na rin ang tingin ko sa bola kaya patalo talaga. 


"Pumili lang kayo, ako na magbabayad mamaya." tura ko kay Alyssa habang nakatalukmo sa lamesa, pinaghalong pagod at lasing ang meron ako kaya talagang groggy na. Mabuti nalang at hindi ako nagsusuka kapag lasing. 


"Pagod?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Rusti, napa-usog ako dahil tinabihan ako nito bago ini-abot sa akin ang bote ng malamig na tubig. 


"Magpahulas kana, may bonfire pa mamayang gabi." ani niya at tumango ako bago binuksan ang bote ng tubig at agad ko itong naubos. 


"I realized that I couldn't stay mad at you for so long, I'm sorry about last night." ani nito at utay-utay akong napalingon sa kaniya. 



"You did nothing wrong--"


"Iyan din ang sinabi mo kay Sean kanina. I did nothing wrong." Putol nito at bahagyang nanlaki ang mata ko. 


"Ang chismoso niyo naman! Sinabi niya agad 'yon?" tanong ko habang pinaglalaruan ang bote ng tubig. 


"I'll get going now, see you sa bonfire." ani nito bago tumayo at iniwan ako. 


Kung sila Alyssa ay nag-inom pa, ako naman ay bumalik ng hotel room at naligo para mahimasmasan at para maalis na rin ang mga buhangin sa katawan. Sumaglit na rin ako sa buffet para kumain nang mabilis bago bumalik sa kwarto at natulog. 


Malapit nang mag 7pm nang magising ko, paglabas ko ay nag-aaya na silang maghapunan, si Alyssa ay mukhang nahimasmasan na rin pero magkakaharap pa rin sila at may alak pa rin sa lamesa. 


"Gutom na ako," sumandal ako sa balikat ni Alyssa nang tumabi ako rito. 


"Ayon na oh, inihahanda na ang lamesa, huwag ka nang sumimangot." ani nito at napahagikhik ito. Alas otso nang magtawag na sila Sam at nagsimula na kaming kumain. Dahil sa rami namin ay kalat kami sa buong beach, natatakot nga ako na baka may malunod sa amin sa dagat sa sobrang kalasingan. 



Hindi pa tapos kumain ang iba nang magsindi na nang bonfire sila Sean at iba niyang kasamahan na abogado. 


"Ano b'ang magandang gawin sa bonfire?" tanong ni Sam, ang karamihan sa amin ay may mga hawak na bote ng alak habang ang iba, kasama ako ay may hawak na mga bag ng chips. 


"Tanungan, ganon, maganda 'yon!" Suggestion ni Trisha at halos lahat naman kami ay nag-agree sa sinabi niya. 


"Simulan ko na!" sigaw ni Alyssa, si  Alyssa ay nagtanong ng kung ano ang thoughT nila kay Sam noong una nila itong nakita. 


Kaniya-kaniya silang sabi na masungit, may iba na sabi ay cool, hindi nawala iyong pogi at gwapo. Iyong iba naman ay masaya raw kasama, masaya maging boss. 


Pero kung ako ang tatanungin, isang mayabang na Atenean na medyo mabait pero nananaig ang kayabangan, iyon ang Sam na una kong nakilala. 



"May itatanong ako kay Engineer Sadillo!" sigaw ng isang taga R&D department. 


"Oooh, Engineer may itatanong daw sa 'yo!" Pang-aasar  ng ibang engineer. 


Nanatili akong tahimik pero sa gilid ng mata ko ay pinagmamasdan ko ang babae na magtatanong, iniikot-ikot pa nito ang buhok niya sa daliri nito. 


"Single ka ba Engineer? Tinatanong ko lang, ha? Walang malisya?" Halata naman na meron.


Nabalot sila ng hiyawan at kantyawan, nang lingunin ko si Rusti ay napangisi ito pero nakatungo habang inuulit siya ng mga katabi niya. Nahagip ko nang tingin si Sam na nakatingin sa gawi ko, may halong pag-aalala sa mata niya. 


Si Alyssa naman ay siniko ako pero hindi ko na sila pinansin at tumungo nalang. 


"Oy, oy, SSHHH!! Tahimik, sasagot si Engineer!" sigaw ng isa pero nanatili akong nakatungo. 


Gusto ko nalang mabingi sa oras na sumagot siya. 


Nabalot kami ng katahimikan at rinig na rinig ang pagbuntong hininga ni Rusti,
"Honestly... I don't know how to answer that but... I'm not available." 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top