53



"Alyssa, respeto naman doon sa abogado, 'wag mo titigan." saway ko kay Alyssa, kanina pa kasi ito hinahabol ng tingin si Sean na nagkakape sa snack area, habang kami ito ni Alyssa na nasa printing area, na ilang metro lang ang layo kila Sean. 

"Ay, sorry ha! Kasi hanggang titig nalang talaga ako." sagot nito at napatawa ako nang pagak habang inaabangan ang mga papel na iniluluwa ng printer. 

"Sa tingin mo, blondina, may chance kaya ako kay Atty. Alfonso?" Wala, 

Nagkibit balikat ako, "Hindi ko alam, ikaw, shoot your shot." sagot ko rito, nanahimik ito nang bahagya kaya nilingon ko ito na nakatingin pa rin sa gawi ni Sean na nagkakape, may binabasa rin ito na mga papeles. 

"Sige, sabi mo, ha!" ani nito na nakaturo pa sa akin. Nanlaki ang mata ko at nasamid sa laway. 

"Hoy! Hindi, ah! Suggestion ko lang 'yon! Ikaw pa rin ang bahala, buhay mo naman 'yan. Nasa sa 'yo ang huling desisyon." ani ko at humagikhik ito bago ako hinampas sa balikat. 

Ibinalik ko nalang ang attensyon ko printer. Natahimik na si Alyssa ng ilang minuto bago maya-maya ay hinampas nanaman ako sa balikat. 

"Doon kaya sa Enginner--"

"Huwag!" Putol ko agad dito. Nanlaki ang mata niya bago napakunot ang noo. "Grabe ka naman! Bakit huwag?" tanong nito at napalunok ako ng laway. 

Nang tumanaw ako sa gawi ng snack area ay magka-usap na si Rusti at Sean. 

Nagbalik ako ng tingin kay Alyssa at napalunok ng laway, "Kasi ano... ex kasi niya iyong kaibigan ko. Ang alam ko... mahal pa nila ang isa't-isa. Masasaktan ka lang, baka paglaruan ka lang niyan." Pagsisinungaling ko, 

Muling napakunot ang noo ni Alyssa bago lumingon kila Rusti at nagbalik ng tingin sa akin. "Talaga? Sino roon sa mga kaibigan mo? Iyong doktora ba?" tanong nito at napasinghap ako ng hangin. 

"Basta, huwag 'yan, hindi 'yan available." turan ko bago kinuha na ang mga papel na ipini-print ko at naglakad pabalik sa cubicle ko. 

Nang maibaba ko ang mga papel ay napabuntog hininga ako.  Simula nang magtrabaho rito si Rusti at Sean ay parang araw-araw akong nakikipagtaguan. Sinisigurado ko na hindi kami gaanong magkikita at ayaw ko siyang maka-usap. Kinakabahan ako tuwing makikita siya. Para akong teenager na umiiwas sa crush niya. 





"Lory, maglu-lunch na ako, ha? Ikaw ba? Bumaba kana sis, mag-isa ka nalang dito." ani ni Alyssa, nag-angat ako ng tingin bago tumango at nginitian ito. 

"Sige lang, baka matulog nalang muna ako, puyat pa." ani ko at tumango nalang ito bago ako iniwan. 

Muli akong napasubsob sa lames ko at ipinikit ang aking  mga mata. 

Nakakatulog-tulog na ako nang may marinig akong lagatak ng sapatos sa sahig. Ang bilis naman kumain ng iba kong ka-trabaho. Hinayaan ko nalang ang ingay na papalapit nang papalapit sa akin hanggang sa tumigil ito sa aking likuran. 

Hindi ko na sana papansinin kung hindi lang ito nagsalita. 

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Nanlaki ang mata ko at agad napa-angat ng ulo nang marinig si Rusti sa likod ko. 

Nilingon ko ito at nag-aalinlangang ngumiti, "E-Engineer! Bakit ka andito? Nasa baba silang lahat." tanong ko, nauutal pa. 

Tumingin ito sa paligid, "Shouldn't I be asking you that? Nasa baba silang lahat, bakit ka andito?" Ginaya lang niya ang sinabi ko, maski tuloy ako ay napatingin sa paligid at utay-utay tumayo para hindi ko na siya kailangan tingalain. 

"Ahm... nagpapahinga lang ako. Puyat kasi kagabi." sagot ko at utay-utay siyang tumango. Hindi nakawala sa akin ang tupperware niyang hawak na nakabalot pa sa plastic na animo'y sinasadya niyang patunugin. 

"Puyat ka? Nag-overtime ka ba kagabi?" he asked and I shake my head. Ayaw kasing matulog ng anak mo kagabi kaya napuyat ako. 

"Hindi, ano kasi... ahm...--"

"You went on a date with Sam?" Putol niya at nanlaki ang mata ko. 

"Hindi! May ginawa lang talaga ako kagabi!" Depensa ko at tumango ito. 

"Hindi ka ba maglu-lunch?" tanong niya ulit at utay-utay akong umiling, "Hindi na, magmi-miryenda nalang ako mamaya, gusto ko munang matulog." sagot ko at tumango ito. Napakunot ang noo ko nang kunin niya ang isang tupperware sa loob ng plastic, dalawa pala 'yon? 

"Here, have this, mas mabubusog ka rito." Ini-abot niya sa akin ang tupperware na may lamang sandwich at shanghai sa loob. 

Nahihiya ko itong tinanggap, "S-Salamat, ibabalik ko nalang iyong tupperware." ani ko at tumango ito bago ako tinalikuran. 

Naka-upo na ako sa bangko ko at inuusisa ang laman ng tupperware nang muli siyang magsalita. 

"May sofa sa opisina ko, baka gusto mo na roon matulog?" Napalingon ako sa gawi niya at agad umiling. 

"H-Hindi na, okay na ako rito." sagot ko at tumango siya bago tuluyang umalis. 

Paano napadpad 'yon dito?  





"Alyssa, may itatanong ako sa 'yo." Alas tres na nang hapon, kakatapos ko lang kainin ang ibinigay ni Rusti kanina at sakto na wala na akong ginagawa kaya kukulitin ko nalang si Alyssa. 

"Ano 'yon?" tanong niya, patuloy ang pagtipa sa keyboard at ang mata ay naka-focus sa screen ng computer. 

"Ano ba ang ibig sabihin kapag ano... ang isang empleyado ay pumunta sa isang floor kahit wala naman sa floor na iyon ang opisina niya?" tanong ko rito, nakita kong kumunot ang noo ni Alyssa bago napatigil sa pagtitipa at saka ako nilingon. 

"You're talking about attorney 'no?! Diba!! Akala ko ako lang ang nakapansin! Ilang floor ang layo ng floor natin sa floor ng opisina niya tapos dito pa siya nagkakape?! May duda na talaga ako kay attorney! Baka binibisita ako!" Ako yata ang nahiya sa lakas ng boses niya. Ang iba ay pinagtitinginan na kami at natatawa pa. 

Napangiwi ang labi ko, "Sa tingin mo iyon ang ibig sabihin noon? Na may... binibisita kapag pumunta sa floor ng ibang department?" Nag-aalinlangan kong tanong. 

Agad tumango si Alyssa, "Oo sis! At dahil diyan, ito na ang sign ko na i-shoot ang shot ko kay attorney." ani nito bago muling nagtipa sa kaniyang keyboard. 

Hindi ko naman masisisi si Rusti kung pumupunta pa siya rito para lang makita ako. Medyo malinaw sa akin ang nangyayari pero... kung may gusto siyang mangyari, bakit hindi niya sabihin? 



Alas quatro ng hapon, nagpapalipas oras nalang ako ng oras nang bumalik si Alyssa mula sa pinuntahan niya nang naka-simangot. 



"Oh? Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko rito nang halos ibagsak nalang niya ang sarili niya sa kaniyang upuan. 



"Twenty-four years of existence in the world, ngayon lang ako na-reject." ani niya at napakunot ang noo ko bago tumingin sa paligid. 

"Don't tell me you told attorney Alfonso that you like him?!" Pabulong kong sigaw, 

Nang lingunin ako nito ay para siyang paiyak na. "With coffee and cupcakes pa!" Napasapo ako sa noo ko nang umiyak na ito. 

Tarantado ka talaga Sean, anong sinabi mo rito?!

"Ano ba ang sinabi ni S- I mean ni attorney?" tanong ko at nagpahid pa ito ng luha niya.  

"Na ano raw... he can't accept it. Kasi... he's still waiting for someone at... 4 years daw ang tanda niya sa akin! Age doesn't matter naman diba?!" Para itong bata na umiiyak. Lumapit nalang ako rito at niyakap ito. 

"Tahan na, hindi siya worth-it--"

"Worth it siya beh! Matangkad, gwapo, matalino, mayaman, pogi, matikas, may Mercedez, nasa kaniya na ang lahat!" Tinakpan ko ang bibig nito para tumigil sa kakaiyak. 

Inabot din kami ng end ng shift namin bago ito tumahan. Mukhang masakit-sakit talaga mang-reject si Sean. Napaka-intimidating kasi, pero proud naman ako kay Alyssa dahil na-conquer niya at naka-amin ito. 



Pagdating ko sa daycare center kung nasaan si Lia, nagulat ako dahil nag-hihintay roon si Theo. 

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" Taka kong tanong nang ayusin ang pagkakasakbat ng bag ko sa balikat. 

Napahagikhik ito bago nag-ayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa sasakyan niya. "Pinapasundo nila mom and dad si Lia, may party kasi sila mamaya, dala ng mga share-holders ang mga kids under 6 years old." ani nito at napatawa ako habang napapa-iling. 

Sinundo ko na si Lia sa loob at nang-lumabas kami ay agad nitong niyakap si Theo. Hindi ko na siya ini-uwi dahil may mga damit naman siya sa bahay nila mommy. Baka nga may mga damit pa na binili ang dalawa para sa bata. And ending tuloy ay mag-isa ako sa apartment. 



Habang nagpapahinga ay nakita ko ang kumakalat na picture ni Laura at Jiro. Iyong dalawa talaga na 'yon, hindi nag-iingat. Viral na tuloy ang dalawa. Pero kung tutuusin ay wala nalang dapat ito sa mga tao lalo na at nag-retired na si Laura sa pagmo-model. Nami-miss na niya ang normal na buhay at mukhang... gusto na rin mag settle in life. 

To: Laura Kassandra
Nakita ko 'yong kumakalat na picture niyo ni Jiro. I know its him, you would never go out with another guy.

To: Laura Kassandra
Let's have a drink here sa apartment, hiniram muna siya nila mommy. Madaya nga eh, mag-isa tuloy ako.

Pumayag din ito kalaunan. Sinabi ko naman na alas dose pa ng gabi kaya nakapagpahinga pa ako. Mga bandang alas diyes, madilim na ang paligid ay nag-utay-utay na akong maghanda at maglinis. Nagpalit ako ng damit at inayos ang sala dahil alam ko na rito kami mag-iinom. 

Wala pa manlang 11:30 ay dumating na si Jax kasama ang lalaki niya. May dala itong sangkaterbang bayong na puno ng mga pagkain, hindi na ako nagtaka kung bakit. 

"Iba ka talaga! Salamat, salamat, mabubusog kami sa pulutan at hindi malalasing." Pagbibiro ko rito, napatawa lang siya bago nito hinalikan si Jax sa noo at umalis na. 

Napangiti ako kay Jax nang nakakaloko, "Ang laki-laki mo na talaga, hindi ko aakalain na iyong nakikipag-away sa pabida natin na kaklase noong high-school ay magiging ganiyan paglaki." Pagbibiro ko rito at parehas kaming napahagalpak ng tawa. 

Ilang minuto lang din ay si Tobi naman and  dumating, akala ko ay sarili lang nito ang dala niya, may mga paper cups, disposable spoon and forks at paper plate rin ito na dala. 

"Parehas pala kami ng inaakala ni Lory na itlog mo lang ang dala mo." Pagbibiro ni Jax at napahagalpak ako ng tawa. 

"Alam niyo, grabe na kayo sa akin, inaaway niyo ako." ani nito habang inilalapag sa lamesa ang mga dala niya. 

"Oh, kalma, ang init ng ulo mo." ani ko at napabungisngis si Jax. 

"Ano ba Tobi? Six years at hindi pa rin mahanap?" Pang-aasar nito at nahulog ang panga ko. 

"Oooh, Tobi oh, payag ka noon?" Pang-aasar ko lalo at napa-iling ito bago pinag-cross ang mga braso niya. 

"Kung ayaw niyang magpakita, edi huwag." ani nito bago kami nilayasan ni Jax at naupo sa sofa. 

Kasunod na dumating si Gwen na puro pagkain din ang dala, mukhang makakapag Sharon sila mamaya sa dami ng pagkain. Kasunod si Laura na ang dala ay main course. Saka lang din nag-asikaso si Jax ng aming mga iinumin. 

"Kung ano-ano na 'yan! Bitsinin niyo na rin kami!" sigaw ni Gwen nang marinig namin na maghagikhikan sila Tobi at Gwen sa kusina, mukhang pinaglalaruan na ang mga inumin. 

Panghuling dumating si Ali na may mga dalang donuts para kay Lia. Medyo nag-aalangan pa ako na pakainin ng mga sweets si Lia dahil baka mamaga ang lalamunan nito o di naman kaya ay hindi ko nanaman mapatulog sa sobrang hyper. 

Nang dalhin na nila Jax at Tobi ang mga inumin na pinaghalo-halong kung ano-ano, si Ali ang unang tumikim. 

"Ano lasa? Mapait? May bitsin? Bumubula ba bibig mo?" Pangungulit agad ni Gwen. 

Walang gaanong reaksyon si Ali bago nagkibit-balikat 

"Kapag namatay, edi patay." ani nito bago naupo sa tabi ni Laura 

"Aba, hindi pa ako pwedeng mamatay." sagot ko agad, paano ang anak ko kapag namatay ako? Aba, aba! 

Nang magsimula kaming mag-inuman ay parang may nabuong kung ano sa loob ko. Siguro ay dahil sa pagka-miss ko na makita ulit sila. Iyong tipo na kumpleto kami, nagkekwentuhan, sigawan, tawanan at iyong ingay ng paligid. Nakakakalma, kahit halos magbatuhan na sila ng yelo. Lalo na nang pumasok ang usapang lovelife, halos lahat ay may sari-sariling kwento sa buhay. 

"Ay, sandali! HAHAHAHA, may chika ako!!" Halos hampasin ko si Tobi sa tabi ko, lasing na yata ako? 

"Kaninang tanghali! Binigyan ako ni pagmamahal ng sandiwch at shanghai kasi nakita niya ako na mag-isa sa department namin na natutulog! Ang sabi ko ay tutulog nalang muna ako kasi puyat ako, kaya binigyan niya ako ng pagkain niya! Nag-alala pa nga siya sa akin noong una, eh! Kung masama raw ang pakiramdam ko?! Hindi! Gagi! Puyat lang ako! Manang-mana kasi sa 'yo 'yong anak mo! Masyadong hyper!" Halos sumisigaw na ako sa sobrang pagka-excited mag kwento. 

Si Gwen at Ali ay halos magpalakasan ng sigaw at palirit. Si Jax at Laura naman ay pumapalakpak pa habang tumatawa.

"May progress ang lovelife mo! Tama 'yan! Landiin si Landin!" sigaw ni Ali at lahat kami napahgalpak ng tawa. 

"Kay Sadillo lang papakalampag!" Dagdag ni Gwen at mas lalong lumakas ang tawanan. 

Humuhupa na sana ang ingay nang kumuha si Tobi ng barbecue at ito namang si Laura ay kung ano-ano ang nakikita. 

"Tobi.. is that.. a hickey?" Ako na katabi si Tobi ay agad itong nilingon at tiningnan ang dibdib nito na nae-expose na sa loose niyang polo. Aba meron nga!! 

Gwen suddenly slap her thighs, "Tobias Emory, sino naka chukchakan mo? Malaki ba?"

"Gwen!!" sigaw ni Jax, natatakip pa ng tainga. 

"Avelline!!" Napasapo ako sa noo ko bago sumandal sa bangko. 

Napasigaw si Ali, "Kadiri ka puta! Pero malaki ba?" tanong din naman ni Ali. Mga sabik talaga sa kalat iyang dalawa na 'yan?! Ganiyan ba kapag puro aral ang ginagawa sa buhay?! 

Napasubot si Tobi sa sarili niya, "Ano... impulsive desisyon ko lang!" ani nito at kaming mga babae ay sabay-sabay napasigaw, si Jax at Laura ay napatayo para magpapadyak sa sahig habang si Gwen at Ali ay nagpapalakasan sa pagpalirit. 

"So sex?!!" sigaw ko kay Tobi at agad itong umiling. "Hoy! Magsitahimik kayo! Hindi ako nakipag-sex--"

"Momol lang?!" sabat ni Gwen at napakamot si Tobi sa ulo niya. 

"I just... miss him." Mahina nitong turan, my instinct told me to hug my broken-hearted friend so I did. 

Hinimas-himas ko pa ang ulo nito, "Tagal mo naman maka-move-on, anim na taon na." ani ko at napatawa si Tobi. 

"Ako nga 10 years na." sabat ulit ni Gwen at umayos ng upo si Tobi kaya napakalas ako sa pagkakayakap dito. 

"It's not about you, Gwen. Moment ko 'yon, eh!" Pagbibiro ni Tobi at muli kaming napahagalpak ng tawa. 

Alas sais na ng umaga nang matapos kami, hindi namin namalayan dahil nakasara ang mga kurtina sa apartment kaya hindi namin namalayan ang pagsikat ng araw. Si Ali at Tobi ang naging katulong ko sa pag-aayos si Gwen, Laura at Jax kasi ay knocked-out na sa kwarto. 

"Ipasundo ko ba sila sa mga lalaki nila?" tanong ko kay Ali at Tobi nang matapos kaming maglinis. 

Napakamot sa ulo si Ali, "Si Laura ay ipasundo mo na kay Jiro, hindi 'yan makaka-uwi nang matino." ani niya at tumango ako. Mabuti nalang ay friend ko sa Facebook si Jiro, ang weird naman ng unang conversation namin, ipinapasundo ko si Laura sa kaniya na lasing. 

"Ipasundo mo na rin si Jax," ani ni Tobi at tumango ako, hinahanap naman ang Facebook ng lalaki niya. 

"Bakit hindi mo nalang ihatid si Jax?" tanong ni Ali kay Tobi. "Si Gwen ang ihahatid ko, malayo kasi ang condo niyan." ani nito at tumango kami parehas ni Ali. Si Tobi ay naupo muna sa sofa habang kami ni Ali ay nagco-construct ng message sa lalaki ni Jax, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na naka-ubos kami ng ilang bote ng iba't-ibang uri ng alak. Si Jax at nasa kwarto, lasing na lasing, naka-ilang suka na, nag duet pa silang tatlo nila Gwen at Laura. 

"Ikaw? Kanino ka magpapasundo?" tanong ko kay Ali at napakunot ang noo nito. 

"May dala akong sasakyan." ani niya at umiling ako, "Kahit na, huwag kang mag maneho." ani ko at nanlaki ang mata niya. 

"Kaya ko! Gosh, Lory! Kaya ko pa ngang pumasok sa lagay na 'to." ani niya at umiling ako bago hinanap ang pangalan ni Mau sa contacts ko. 

"Tell me 1 name of a person you trust to send you home." ani ko, naka-flash na sa screen ko ang  number ni Mau. 

"Alejandra, I only trust myself at this state. At hindi nga ako lasing." Pagpupumilit nito, ibinaba ko ng phone ko at napatingin sa kaniya. 

"Paano kung may check-point at naamoy kang lasing? Lagot ka, sige na, tatawagan ko na si Mauro, siya lang naman  ang kaibigan mo maliban sa amin diba?" tanong ko at napasimangot ito. 

"Sige na nga, bahala na." ani niya bago iniwan din ako sa kusina at sumunod kay Tobi. Ilang ring lang ay sumagot na si Mauro. 

"Hello, Mauro, makikisundo naman si Ali rito sa apartment ko, lasing kasi. Huwag ka nang magdala ng sasakyan, may sasakyan siya, ikaw nalang ang mag-drive." ani ko rito. 

[Ah, sige sige, paki-text nalang ng address sa akin.] ani niya at nag-hum ako bago pinatay ang tawag. 



Sunod-sunod na dumating si Jiro, Mauro at sundo ni Jax. Inakyat ko na sila Gwen sa taas pero ang mga lasing, ikot lang nang ikot sa kama at ayaw bumangon lalo na si Jax. 

"Boys, makikitulong naman! Ibaba niyo na 'tong tatlo!" sigaw ko mula sa pinakataas ng hagdan. Sunod-sunod na umakyat ang apat na lalaki at isa-isang ibinaba ang tatlo. 

"Humihinga pa ba sila? Para kayong nagbababa ng dead-on-the-spot na mga biktima, ah." Hinampas ko si Ali sa kaniyang balikat. Dahil medyo makipot ang hagdan ay hirapang ibaba nila Jiro si Laura sa hagdan dahil mahaba ang binti nito. Apat silang tulong-tulong na ipinasok si Laura sa sasakyan ni Jiro. Kasunod nilang ibinaba si Jax na sa sasakyan din ni Jiro isinakay at nang si Gwen na ang ibinababa ay halos mahulog pa ang isa sa kanila dahil nagwawala ito. 

"Kaya ko! Kaya ko ang sarili ko!" sigaw nito na nagpupumiglas pa, si Jiro ay nagpipigil nang tumawa habang si Mauro naman ay halos siya nalang ang nagbubuhat dahil ang tatlo ay malapit nang sumabog sa kakatawa. 

"Siraulo ka! Kapal ng mukha mo na magpakita ulit sa akin! Limang milyon lang talaga ang halaga ko?!" Ako at si Ali na nasa pinto ay hindi na napigilan ang tumawa. Ganoon din si Jiro at Tobi, nang isampa nila si Gwen sa sasakyan ni Tobi ay nilagyan pa ito ni Mauro ng seatbelt. 

"Ikaw? Papabuhat ka rin ba?" Nang-aasar na tanong ni Mauro kay Ali. 

Napa-irap naman ito, "Buhatin mo mukha mo!" ani nito bago kami nilampasan ni Mauro. 

Napahagikhik ito bago nilingon ang apartment, "Dito ka pala nakatira?" tanong niya habang nakaturo sa apartment. Tumango ako, "Oo, okay na rin." ani ko at tumango siya. "Sige, una na ako, ihahatid ko pa si bossing." ani nito at parehas kaming napahagikhik. Pinanood ko ang tatlong sasakyan na umalis at naiwan nanaman akong mag-isa. 

Mabuti nalang at day-off ko ngayon, pagkatapos kong maligo ay agad akong natulog, hihintayin ko nalang na ihatid nila mommy si Lia ngayon.  

Mga bandang alas tres ng hapon ay umalingawngaw ang katok sa pintuan ng apartment, kasabay na rin ng mga ugong ng sasakyan. Agad akong napabangon at tumakbo sa pinto para pagbuksan ng pinto sila Theo na tumatawag. 

"What happened to you? You look like a mess?" tanong agad ni Theo nang pumasok sa bahay na buhat-buhat si Lia na nakasuot ng bagong dress, malamang ay galing kay mommy. 

Napakamot ako sa aking ulo, hindi pa man lang ako nakakaligo. "Ano... pumunta kasi mga kaibigan ko kagabi, napagod lang." sagot ko at tumango si Theo. 

"Really mama?! Andito sila tito Tobi last night?!" tanong ni Lia na nakaupo na sa sofa. 

I smiled at her before walking at her direction and giving her a kiss on the forehead, "Yes anak, ninang Ali even gave you some donuts." I said and she gasped, "Donuts!!" Napatalon siya pababa ng sofa bago nagtatakbo papuntang kusina. 

Narinig kong humagikhik si Theo sa likod ko kaya napaharap ako sa likod nito, "What's so funny?" I asked and he shook his head. "She's a very jolly kid, ibang-iba sa ugali mo, anak mo ba talaga 'yan?" tanong nito at pabiro ko itong binato ng unan na nasalo naman niya. 

"Mana lang sa ama." bulong ko rito at napakunot ang noo niya. 

"Sino ba?" bulong niya pabalik, "Tanungin mo si Sam." sagot ko at mas napakunot ang noo niya. 

"Anyways, I have to go, I have something to do." ani nito at tumango nalang ako. Saktong nagsasara ako ng pinto ay narinig kong pumalirit si Lia mula sa kusina kaya agad akong napatakbo roon. 

"What happened, anak?!" Napasigaw pa ako sa sobrang pagkataranta. 

"So many donuts, mama!! May unicorn!!!" Napabuntong hininga ako nang makita na nakalatag sa sahig ang mga kahon ng donut at lahat nakabukas ang mga ito. 

Napasapo ako sa noo ko, "Anak naman, don't scream like that, nag-aalala si mama." Inalis ko sa sahig ang mga donut at inilagay ito sa may lutuan bago siya binuhat para makita niya ang mga donut. 

"Which one would you like to eat first?" tanong ko at agad itong tumuro sa may unicorn design. 

"Can mama have one?" tanong ko, nararamdaman ko na kasi ang gutom dahil hindi ko namalayan ang oras at nakatulong nang dire-diretso at hindi na nagawang kumain. 

Tumango si Lia, "This one mama." Itinuro niya ang kulay blue na donut, ayaw kasi nito ng blueberry flavor kaya napatawa ako bago tumango. "Thank you baby." Hinalikan ko muna ito sa pisnge bago kinuha ang donut at inilagay ito sa bibig ko. Habang nasa kaliwa ko siyang braso at inisa-isa kong ipasok sa ref ang mga kahon at pumunta na kami sa sala para magkwentuhan kung ano ang ginawa nila kahapon. 

"Super dami ng toys, mama!! And games! Pati po kids, marami!! I made a lot of friends po!" she exclaimed excitedly which made me giggle. 

"Really? How many?" I asked while munching on my first food of the day. 

She showed me her ten fingers which made me giggle, "Ang dami naman, ang friendly talaga ng anak ko." I kissed her cheeks that made her giggle. "Then there's this boy po na he didn't want to be friends with me at first." she said and my brows furrowed, "Really? Then what did you do?" I asked, 

"I helped him win a game nalang po. Diba sabi niyo if someone don't like you, do something good for them so they will like you na. Sabi niyo po don't away them." she said and I giggled before booping her nose. 

"Tama, bad mang-away, okay? So did he became your friend after that?" I asked and she shrugged, "Hindi ko po alam, but he just gave me his prize po kasi sabi niya he won because of me." she said and my lips parted, napalingon ako sa gawi ng bag ni Lia na ibinaba ni Theo at may katabi itong eco bag na puno ng mga laruan.  

"Did he told you his name?" I asked but Lia shook her head, "No po, but he's wearing a name tag like me and other kids, nakalagay po  'Xi-Xi' with X po, hindi po 'SH', how do I read that, mama? X-I-X-I." she explained and I giggled, 

"Hindi ko rin alam anak, pero gutom ka ba? Do you want something? Si mama kasi gutom na." tanong ko rito at umiling ito, "No po, pero I can watch you eat nalang po." ani nito at parehas kaming napahagikhik. Ininit ko nalang ang siomai na natira kagabi at nagluto ng kanina. Si Lia ay humirit pa ng dalawang donut at sinabayan ako sa pagkain.  



Pagsapit ng dilim ay nanood kami ng walang-katapusan na Avengers ni Lia. Malapit ko na ata mamemorya ang mga sinasabi nila rito. At hanggang ngayon ay umiiyak pa rin si Lia kapag may namamatay sa kanila. Habang nanonood ay kumakain din si Lia ng hapunan niya. At nang makatulog ito ay ako naman ang kumain bago kami ay umakyat na at natulog sa kwarto. 





"Hey!"

"Ay, kabayo!" Napasapo ako sa noo ko nang mapasigaw ako, si Sam naman ay napahagalpak ng tawa sa tabi ko. 

"Masyado ka kasing focused sa ginagawa mo." ani nito at napa-irap ako. "At kung hindi ka ba naman nanggugulat edi sana hindi ako napasigaw, diba?" Sarkastiko kong turan. 

Pinag-cross nito ang magkabilang braso bago sumandal sa cubicle ko, "May ibabalita lang ako." ani niya at umirap akong muling. 

"Pinaganda mo pa, ichichika kamo." ani ko at humagikhik ito, "Whatever you want to call ito. But... I'll be taking dad's position by Wednesday, magiging boss mo na ako." ani nito at napatawa ako nang pagak, nakatuon pa rin ang attensyon sa monitor ng computer. 

"Congratulations? Sana ipina-billboard mo." ani ko bago ito nilingon at nakita itong pinanliliitana ko ng mata. 

"Ano?" Taka kong tanong, "You know what... great idea." ani niya bago ako tinalikuran at naglakad palayo, naiwan ako roon a nagtataka. 

Hindi ko naman inakala na seseryosohin niya ang sinabi ko dahil pagsapit ng lunch break ay usap-usapan na may billboard daw sa labas ng kumpanya kaya ako naman itong na-curious tiningnan din. Mukha nga ito ni Sam at may 'Congratulations' na nakalagay. 

Napasapo ako sa noo ko, "Nakakahiya ka, Samuel." bulong ko bago naglakad papasok ng kumpanya.



"Aly, magkakape lang ako." Tumayo ako sa aking kina-uupuan at naglakad papuntang snack area. Saktong nagtitimpla ako ng kape nang may tumabi sa akin at may suot na pamilyar na pabango. 

"Engineer," bati ko at tumango lang ito, tahimik na nagtitimpla ng kape niya. 

Pinagmamasadan ko siya na nagtitimpla ng kape at mukhang seryoso, napatikhim ako. "Engineer... ahm... bakit dito ka nagtitimpla ng kape? Wala ba kayong snack area sa floor niyo?" Nag-aalinlangan kong tanong. 

Bumuntong hininga ito, "Ayaw ko ng kape sa amin, 3in1, masarap ang kape niyo rito." ani nito at napakunot ang noo ko. Grabe naman, ang picky naman niya sa kape, dati nga granules na kape lang ang kinakape namin. 

"Ahh... sige, enjoy your coffee, Engineer." ani ko bago dinampot ang mug ko at aalis na sana sa tabi niya para umupo sa may available na table nang tawagin niya ako. 

"Mahirap ba akong tawagin sa pangalan ko?" Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya, nakaharap na siya sa gawi ko at nakasandal sa countertop. 

Utay-utay akong umiling, "H-Hindi naman... kaso ano kasi... nasa opisina tayo kaya... Engineer?" Nag-aalinlangan kong sagot at tumango ako. 

"Right.... right... I hope there will be a time I will get to hear you say my name instead." ani nito bago naglakad paalis at naiwan ako na nakatulala. 

Balak ba niyang sirain ang ulo ko?!



"Ano naman ang pinagkaka-abalahan mo?" tanong ni Gwen bago inilapag ang beer sa lamesa, itong si gaga, walang pasabi bigla-bigla nalang sumusulpot sa labas ng apartment na may dalang beer at pagkain. Hindi pa yata siya nasiyahan sa inuman namin noong isang-isang linggo. 

"Nag-aasikaso ako ng pagbibinyag kay Lia, simple lang ang gusto ko, ayaw ko na nga sana ipaalam kila mommy dahil baka gawin pa nitong engrande." ani ko rito, nakita kong napakunot ang noo ni Gwen. 

"Bakit ayaw mo na engrande ang binyag ni Lia?" Taka nitong tanong. "Dahil hindi pa kaya ng sarili kong pera ang engrande na binyag." sagot ko at utay-utay itong tumango. 

"Well... gusto mo ng tulong--"

"Ayaw, Gwen, that's my point, I don't want to ask for someone to help me with the financial, kaya ko naman, hindi lang engrande, hindi lang magarbo. At ayaw ko rin  palakihin ang ulo ni Lia at i-spoil ito ng sobra-sobra, please, ganoon ako lumaki, materialistic, akala ko lahat madadala sa pera, kapag may gusto ako, bibili lang ako ng kung ano-ano na hindi ko kailangan, magwawaldas ng pera. Ayaw ko na lumaki siya ng ganon, gusto ko rin na matuto siya ng mga bagay-bagay sa buhay. Hindi ko naman tinitipid iyong anak ko 'no."  Paliwanag ko rito, dinampor ni Gwen ang bote ng beer niya bago uminom dito at tumango.

"Sino nga ninang niya? Tapos ninong?" tanong niya, "Si Ali at Laura, si Sam at Theo." sagot ko bago muling itinapa sa calculator ang mga kinekwenta ko. 

"Kailan?" tanong niya ulit at napabuntong hininga ako, "Nakapagpa-schedule na ako sa simabahan, sa susunod na linggo. Alam mo Gwen..." Nanlaki ang mata ni Gwen at halatang nagulat. 

"Alam mo... sige, gusto ko engrande iyong reception. Pero... siguro ay tayong anim, si Jiro, Si Sam, family ko, boyfriend niyo kung meron--"

"Gaga wala," Putol niya sa akin at nasamid pa ako sa laway ko. 

"Tapos iyong isa kong kaibigan sa opisina." ani ko at tumango ito. "Pwede, kami lang ay sapat na, Lory." ani niya at napahagikhik ako bago tumango. Inubos lang talaga niya ang tatlong bote ng beer bago umuwi. Inimpis ko lang ang mga papel na ikinalat ko sa lamesa bago umakyat at tinabihan ang anak ko sa kwarto. 



"Ano 'to?" Takang tanong ni Alyssa nang ilapag ko sa lamesa niya ang invitation na kakatapos ko lang i-print. 

"Ipinatawag mo raw ako? Wow ha, ako 'yong boss pero ako ang ipinapatawag mo?" Bigla namang sumulpot si Sam sa likod ko. 

Bahagyang nanlaki ang mata ni Alyssa, "Ay, h-hi sir." Gulat na turan ni Alyssa. 

Dinampot ko ang invitation na para kay Sam, "Here's for you, ninong." Ini-abot ko sa kaniya ito at napakunot ang noo niya. 

"For Lia's Christening, right? Finally! Tatlong taon na 'yong bata ngayon palang mabibinyagan." ani niya bago binuksan ang sobre. 

"Wait, wait, binyag ng nakshie mo? Iyong nasa table mo?! Hala, invited ako?!" Halos mapapilirit sa Alyssa pero nang tingnan siya ni Sam ay napatikom ito ng bibig. 

"Ay, sorry sir." ani nito pero umiling si Sam. "No, no, it's fine, I'm not strict." ani niya, nasanay yata si Aly sa tatay ni Sam na strikto. 

"This Sunday na agad? Bakit ngayon ka lang nagsabi? I could have prepared something else." ani nito at napa-cross ako ng braso. 

"Huwag kung ano-ano, Sam, bata lang 'yan, mas magugustuhan niya ang laruan." ani nito at napahagikhik ito. "Naisip mo na agad ang nasa-isip ko." ani niya at napa-irap ako.  

"Hala, thank you sa pag invite! I feel so appreciated! Makakapunta ako! May pogi ba na pupunta?" Hinampas ko si Alyssa sa braso at napahagalpak ito ng tawa. "Biro lang naman." ani nito at napa-iling ako habang humahagikhik. 

Hinarap ko si Sam, "Huwag kang magbabanggit sa mga hukbo mo, ha?" ani ko at napakunot ang noo nito. "Hukbo what?" he confusedly asked. 

"Sila ano..." lumapit ako rito para bumulong, "Si Adamos, si Alfonso at si Sadillo, alam mo naman na 3in1 pack 'yan." ani ko at napahagalpak siya ng tawa. "Of course, of course, I won't." 





Pagsapit ng Sabado ay katulong ko si Tobi at Jax sa pag-aayos, bukod rin sa catering na binayaran ko ay nag-order din ako sa business nila Jax, sila na rin ang kinuha ko sa drinks. Habang si Laura, Ali at Gwen ay kasama si Lia sa mall, naglilibang at namimili ng kung ano-ano, kami itong nag-aasikaso sa venue. 

Sila mommy at daddy ay nagpadala na rin ng pang decorations, kahit daw roon ay may maitulong sila kaya hinayaan ko na. 



"Are you excited tomorrow?" tanong ko ay Lia habang nakahiga na kami sa kama, halatang pagod na rin ito pero hindi pa natutulog. 

"Yes mama, super po." sagot nito at nag-hum ako. "Mama," tawag nito, "Bakit po ano... bakit po hindi ako katulad ng other kids na mama and papa ang kasama? Bakit po it's you, my titas and titos po?" tanong nito at para akong natameme sa tanong niya. 

Napalunok ako ng laway, "Lia, magagalit ka ba if hindi 'yan masasagot ni mama?" tanong  ko at agad itong umiling. "Hindi po, nagtatanong lang ako, hehe." Humagikhik pa ito kaya agad gumuhit ang ngiti sa labi ko. 

"Soon anak, hahanapin natin si papa." ani ko at napa-angat ito ng tingin sa akin, "Nawawala po si papa?" tanong niya at napahagikhik ako bago siya pinisil sa ilong, "Kinain siya ng mumu." Pananakot ko at napasimangot si Lia bago yumapos sa akin nang mahigpit. 



Kinabukasan ay maaga kami sa simbahan, si Laura at Ali ay nauna pa sa simabahan, magkakulay rin ang damit nito. Parehas itong may dalang pamaypay kaya napahagalpak ako ng tawa. 

"Feel na feel niyo ang pagiging ninang, ah." Pagbibiro ko rito, hinampas ako ni Ali ng pamaypay sa braso. "Hot and rich ninang kami 'no." ani nito at tumngo-tango ako bago pumasok na. 

Si Sam at Theo naman ay halos mahuli pa sa binyag. Dahil walang kasabay si Lia ay parang si Theo at Sam lang talaga ang hinintay. 

Naging madali lang naman ang binyag maliban sa nailang si Lia sa pagbubuhos ng banal na tubig sa ulo niya, malamig daw. 



"Sandali lang, may dadaan lang ako, susunod nalang ako sa reception." Paalam ni Sam nang makalabas kami ng simabahan, napasimangot ako, "Late ka na nga sa binayag, late ka pa rin sa reception." Pagsusungit ko at humagikhik ito bago ako tinapik sa balikat at tumakbo papunta ng sasakyan niya. 

Nang makarating kami sa reception ay nagtatalon si Lia sa tuwa nang makita ang decoration, lahat ng gusto niya ay ipinalagay ko roon, katulad lang noong first birthday niya na puro movie character at cartoon characters ang design. 

Si Jax ang nagsimula ng prayer at kumain na kami, ito rin ang unang beses na makikita ni Alyssa si Lia nang personal. 

"Hello baby Lia, ako nga pala si tita Alyssa, friend ni mama mo." Pagpapakilala ni Alyssa nang i-abot niya kay Lia ang regalo niya, hindi rin talaga ito nagpatalo sa palakihan ng regalo at hindi na mabuhat ni Lia ang regalo niya. 

"Hello po tita Alyssa, how's your day po? Did you enjoy the foods po?" tanong nito at  tumango si Alyssa. 

"Yes baby, sobra, nabusog si tita Alyssa." ani nito bago hinimas sa buhok si Lia at nag-ayos na ng tayo dahil naka-squat ito kanina. 

"Ganda ng anak mo!" Pabiro akong hinampas nito sa balikat. 

"Mana sa nanay," napalingon ako sa likod nang magsalita si Gwen, narinig kong suminghap si Alyssa, "OMG! Hello po miss Laura! Ang ganda mo po! Pwede pa-picture?" Excited na tanong ni Alyssa, nagtatalon pa, napatawa si Laura bago tumango at tumayo para lumapit kay Alyssa, si Ali naman ang nagpicture sa kanilang dalawa gamit ang phone ni Alyssa. 

"Ayaw mo magpa-picture sa akin?" Maski ako ay napahagikhik nang magtanong si Gwen, 

"Ikaw po ang anak ni Senator Jimenez 'no?" tanong ni Alyssa at nasamid sa tubig si Tobi, 

"Nakakahiya man na aminin pero oo, pero hindi na 'yon importante, sapat na ang ganda ko para magpa-picture ka sa akin." ani ni Gwen at napahagalpak ng tawa si Alyssa, at ang ending nga ay may wacky pictures pa ang dalawa at pina-upo na rin namin si Alyssa sa table namin. 

"Ang tagal naman ni Sam," ani ko, kanina pa kami nagkekwentuhan dito pero hindi ko pa nakikita si Sam. 

"Nasiraan daw ng sasakyan, nakisakay nalang siya." sabi ni Tobi, mukhang mas nauna pa siyang i-inform ni Sam. 

"Sabihin mo bumili na siya ng bagong sasakyan." ani ni Gwen, "Ah talaga, gagawin niya 'yan, Gwen. Sabihin mo mamaya sa kaniya at gagawin niya 'yan." ani ko rito.

Maya-maya ay sa akin naman nag message si Sam at sinabi na paparating na raw siya, tumayo muna ako at lumabas ng venue para abangan siya sa labas. At maya-maya ay dumating ang di pamilyar na sasakyan, nag-cross ako ng braso at hinintay lang siya na lumabas. 

"Ang tagal, ha!" Pagsusungit ko rito nang makarating ito sa harap ko. 

Humagikhik ito, "Nasiraan nga, sinabi naman na ni Tobi diba?" tanong niya at umirap ako bago tumango. 

"Oo, kaya tara na." Hinawakan ko siya sa balikat at hinigit paloob. 

"Kanino ka nakisakay?" tanong ko habang naglalakad kami papasok. 

"Well... ahm... we was the closest at me so... it was your Engineer--"

"Gago!! Edi nalaman niya!" Hinampas ko ito sa balikat, agad siyang umiling, "Di ko naman sinabi na kung anong meron, eh." sagot pa nito at napasapo ako sa noo ko. 

"Sam... may tarpaulin sa labas, Lia's Christening, nakalagay." sagot ko rito at nagparte ang mga labi nito. 

"Di naman niya kilala 'yong bata, and... malalaman niya na rin naman soon, diba? You're gonna tell him anyways?" ani niya at napa-irap ako.  "Oo... siguro." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top