44



[Ano daw sabi ng mga doktor?!] Tarantang tanong ni Ali sa kabilang linya, hagas kong inilapag sa lamesa ang mga papel na hawak ko bago napabuntong hininga at dinampot ang cellphone. 


"Wala pa nga, may mga test pa na kinuha kahapon, wala pa rin ang mga results." sagot ko kay Ali bago naupo sa aking bangko. 


[Eh si tita? Ano daw sabi? Na-contact na ba??] tanong ulit nito at nag-hum ako. 


"Na-contact na, pero sabi ni tita hindi siya makaka-uwi lalo na at may maliit na anak daw na inaalagan." I slightly tap my fingers on my table while staring at my computer screen. 


[Sinong nagbabantay kay Jax sa ospital?] tanong ulit ni Ali, ngayon palang siya nakatawag pero noong isang araw pa niya alam ang tungkol sa pagsugod sa ospital kay Jax. 


"Palitan kami, 'yong boyfriend niya, si Gwen, si Tobi, ako at si Inin. Pero madalas sa gabi ay si Gwen at Tobi ang kasama niya." sagot ko at nag-hum ulit si Ali. 


[Anong sabi ni Jax kapag nagigising siya?] Bakas sa boses ni Ali ang pag-aalala. 


Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, "Ano... gusto na daw niyang umuwi, umiiyak siya kapag gigising siya kasi gusto na daw niyang umuwi, may assignments pa daw siya, tapos sa sobra niyang iyak, sasakit ulo niya, kaya ayon, tinuturukan ulit siya ng pampatulog. It's a cycle, Ali." I explained, Ali remained silent for few seconds. 


[Sige, may papapuntahin ako diyan, magpapadala ako ng mga pagkain at necessities diyan.] she said and I hummed, "Sige sige, salamat, ingat ka diyan, wala kami diyan, di ka namin ma-aalagaan." I joked and she chuckled, 


[Sige sige, bye, ikaw din, mag-ingat, ang pills mo?] Pa-alala niya at humagikhik ako. 


"Sinusubukan ko na hindi malimutan." sagot ko at tumawa lang ito bago na pinatay ang tawag. Kakababa palang ng tawag nang mag-ring ang phone ko at si Laura naman ng tumatawag. 


"Lau?" 


[Hi, hello, Lory how's Jax?!] Isa pa itong natataranta. 


"She's still in the hospital, she have been confined for two weeks now." I replied and she hummed. 


[What if umuwi ako?] she asked and my brows furrowed, 


"Nasaan ka ba?" Taka kong tanong, [Nasa Finland ako ngayon, may runway kami sa snow, pero gusto ko talagang umuwi.] she said and I massaged my temples. 


"Laura, you can't leave your work, baka mapagalitan ka." I softly said, paminsan-minsan pa naman ay biglaan ang mga desisyon ni Laura. Hindi na nga siguro ako magugulat kung uuwi nalang 'to basta-basta. 


[Pero si Jax... Gwen already messaged me the info, pero hindi ako maka-reply. Pero ang sabi nga niya ay marami na daw ang ginawang test kay Jax.] she said and I hummed, 


"Oo, marami na, ang dami na nga ng wires na nakakabit kay Jax, hindi kumakain, lagi pang tulog." Paliwanag ko at nag-hum ito. 


[Ano ba ang mga kailangan niyo sa ospital? Sino ang nagbabayad ng bills?] tanong niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. 


"Ako, minsan nag-aambag si Gwen at Tobi, tapos 'yong boyfriend ni Jax. Nagpadala na rin si tita noong isang araw." sagot ko at nag-hum si Laura. 


[Magpapadala ako diyan, send me your card number, I'll send money, okay?] ani ito at tumango ako. 


"Okay okay, thank you Laura." I said while fidgeting with my fingers. 


[Always welcome, I need to go na, don't forget the number.] she reminded and I hummed before she ended the call. 


Once I put my phone down on the table, I massaged my temples. It's been so stressing and hectic these past few days. Not because of Jax, but works and sleepless nights. Noong nakaraang Lunes ay kami ni Inin ang nagbantay kay Jax sa ospital. May mga bago rin na mga papeles na gagawin dito sa trabaho. Sa sobrang pagod ko, pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Maski ang monthsarry namin ni Inin ay hindi na namin naipagdidiwang, pero okay lang naman sa akin kung hindi, dagdag isipin pa 'yon.



"Mag day-off ka muna." sabi ni Sam nang abutan ako sa coffee bar. Tinatamad na akong kumain sa baba kaya biscuits nalang ang kakainin ko. 


Napa-ismid ako, "Ano naman gagawin ko sa day-off? Baka lalo akong manlata kapag nakahiga buong araw." sagot ko dito bago napa-upo sa available seat. Kinuha ni Sam ang kape niya at umupo sa harap ko. 


"Let's take a picture, send ko kay mom." he said before pulling his phone out and taking a picture of us. I even forced a smile cause I feel like my head is close on splitting into half. 


"I've heard about what happened to your friend." he said and I nod, holding my forehead, my elbow leaning on the table. 


"Magpapadala ako ng prutas mamaya, pupunta kaba doon?" he asked and I shake my head, 


"Hindi, 'yong boyfriend niya ang magbabantay sa kaniya mamaya." sagot ko at nag-hum lang ito. Hindi ako iniwan ni Sam sa coffee bar hanggang sa maubos namin ang mga kape namin. 


Kinahapunan ay umuwi ako kaagad at sa condo nalang ginawa ang trabaho, sa dining ako gumagawa pero balot ako ng kumot, nanlalamig yata ang buong katawan ko. Bandang ala-sais ng hapon nang umuwi si Inin, bitbit nito ang isang eco bag na may laman na sangkaterbang papel. 


"May surprise ako sa 'yo, pero hindi siya bagay." ani nito bago isinara ang pinto, napangisi ako bago siya nilingon. 


"What is it?" tanong ko, nakangiti niyang inilapag ang eco bag at may kinuha sa bulsa. 


"Charran! Binayaran ko na ang kuryente at tubig natin. Nakapag-ipon din kasi ako, eh. Nakakaluwag-luwag si pogi!" ani nito habang ipinapakita sa akin ang mga resibo. Nahulog ang panga ko bago ito inabot at tiningnan. 


"In... sigurado ka? Diba ako naman ang nagbabayad nito." ani ko at tumango ito. 


"Oo nga, pero gusto ko na rin kasing tumulong, ilang buwan pa bago ako maka-graduate, para rin mabawasan ang gastusin mo." ani nito, my lips formed into a small pout before I stand up and walk towards him to give him a hug. 


"Thank you, nakakawala ka talaga ng pagod ko." I said before giving him a kiss on the cheeks. 


He smiled, "Gutom kana? Magluluto lang ako." he said and I smiled. He put his things in the bedroom first before he starts cooking dinner while I continue my work at the dining table. Around 8pm we were able to eat dinner and I immediately fell asleep after, pagod na pagod talaga ako. 


Kinabukasan ay busy ako sa trabaho nang mag message sa akin ang boyfriend ni Jax at sinabing ang dami raw dumating na pagkain sa ospital. May bumisita din daw na lalaki na hindi niya kilala pero sinabi na si Ali daw ang nagpapadala nito, natakot pa daw nga daw siya. Nag message rin daw si Ali sa kaniya kaya tinanggap na niya ang mga toiletries na ipinadala ni Ali. Ang pera rin na ipinadala ni Laura ay naibayad ko na sa ospital agad-agad.





"Sinabi na ba?" Taranta akong pumasok sa hospital room ni Jax, it's been three days and her lab results is out. 


Gwen shook her head, "Hindi pa, they're still checking her up." she replied and I slowly nod. I held Gwen's hand that is terribly sweating by now while Inin stood up next to me and caress my back. 


My body stiffened when the doctor faced us holding a clip board, "Lahat po kayo kasama ng pasyente?" he asked and we all nod, I know the doctor might be confused because we're 8 in the including Jax, the nurses and doctor. 


He nods and look through the papers, "You're friend is suffering from a brain infection..." 


I held tightly on Gwen's hand, "She have Encephalitis which is a type of brain infection that has been the cause of her unbearable headaches. It's usually caused by viruses, bacteria and fungi, sa maduming lugar po ba siya nakatira?" he asked, I look at Gwen and Tobi. Gwen remained looking down on the floor while Tobi cleared his throat. 


"Hindi naman po doc, lagi naman po kami naglilinis ng apartment namin." sagot ni Tobi at tumango ang doktor. 


"Well..." he look down on the papers again, "Hindi sa tinatakot ko kayo, pero I know you're also thinking of this, Encephalitis is deadly. At kapag hindi agad nalunasan, baka mangialangan niya ng operasyon. Pero sa ngayon ay pwede pa itong gumaling sa pag-inom ng gamot." ani nito at doon ko naramdaman ang pagsakit ng ulo ko, parang nahilo ako bigla sa sinabi ni doc.


"Thank you doc," ani ng boyfriend ni Jax, nagpasalamat na rin si Tobi at Inin pero kami ni Gwen ay hindi magawang makapagsalita. 


Nang lumabas ang doktor ay nanatili kaming tahimik at walang nagsasalita. Si Inin ay patuloy hinihimas ang balikat ko habang umiiyak sa tabi ko si Gwen. 


"Baka... baka pwedeng kunin muna siya ng mommy niya at dalhin sa Korea? Hindi ba mas... mas mapapabuti si Jax kung kasama niya ang nanay niya?" Nag-aalinlangan na nagsalita ang boyfriend ni Jax, hindi pa rin ito umaalis sa tabi ni Jax at hawak-hawak nag kamay nito.


Napa-angat ako ng tingin at nilingon si Tobi na naka-upo sa sofa, "Iyon lang din ang naiisip ko. Hindi natin kayang sustentuhan ang pagagamot ni Jax at baka nga mas lumala pa." Pagsang-ayon ni Tobi. 


Lumakas ang hagulgol ni Gwen sa dibdib ko kaya hinimas ko ang ulo nito, ano nga ba ang gagawin namin? Ano ba ang dapat namin na maging desisyon? Ano ba ang makakabuti kay Jax? 


Lumipas ang ilang araw na pinag-iisipan namin kung ano mangyayari kay Jax, tinatanong din namin ito pero ang gusto lang nitong gawin ay ang umuwi sa apartment nila Gwen at Tobi. Pero hindi naman 'yon pwede. Kahit si Ali at Laura ay idinadamay na namin sa pagdedesisyon. Si Gwen naman ang kumakausap kay tita Gabby at ipinapaliwanag kung ano ang nagyayari sa anak niya. 


Makalipas ang isang linggo ay umuwi si tita Gabby para sunduin si Jax. Naka-private jet pa si tita at may kasamang mga nurse para ma-alalayan si Jax sa pagbiyahe nila. Pinasalamatan din kami nito at sinubukan pa na bayaran ang mag ginastos namin kay Jax pero hindi na namin ito tinanggap at tinanggihan ito. 



"Sigurado ka ba na ayaw mo muna magpahinga? Maiintindihan ka naman siguro ng boss mo diba?" tanong ni Inin habang naghahanda kami sa pagpasok. Napamasahe ako sa ulo ko at umiling. 


"Kaya ko pa," sagot ko dito, hangga't kaya ko ay papasok pa ako. Wala naman akong gagawin dito sa condo. Gaya ng sabi ko ay manghihina lang ako kapag nag-stay ako sa kama buong araw. 


Nag-hum ito, maya-maya ay naramdaman ko ang paglubong ng kama sa likuran at naramdaman ang labi ni Inin sa pisnge ko. 


"Tawagan mo agad ako kapag hindi mo na kaya, susunduin kita sa opisina niyo." he softly said, a smile crept on my lips and I faced him to give him a quick kiss on the lips. 


"I will, pero I doubt that would happen." I said and he chuckled before getting off the bed. Few minutes later we leave the condo and parted ways as he's about to go to his university while I go to the office. 


But as I expected, my head wouldn't stop throbbing and pulsing. I just finished one document before deciding to take a break and just stay on my chair while staring at the ceiling. I closed my eyes, attempting to sleep when the smell of sour chips entered my nostrils. My eyes shot opened and I immediately stood up from my seat, rushing to the nearest bathroom and puking my breakfast this morning. 


A co-worker even followed me and rubbed my back as I vomited for for minutes. 


"Thank you." I said with a hoarse voice while wiping the side of  my lips with a tissue. After she made sure I am okay, she left the bathroom. 


I stared at my reflection on the mirror. There's bags under my eyes, I've also gone paler. I pull my lower lids down and see the inside of my eyes pale. 


"You're fine," I told myself before exiting the bathroom, to my surprise, Sam is waiting outside. 


"How are you feeling? Are you sick?" he asked, concern printed on his face. 


I shake my head while caressing my forehead, "I'm fine, Sam, just... something I guess." I unsurely said, he squinted his eyes and put his hands on his waist. 


"Why don't you get some check-up sa clinic?" he asked but I shake my head and walk pass by him. 


I went back to my cubicle and end up sleeping until 2pm, I even skipped lunch and didn't bother eating one since I feel like I would trip if I stand up. 


I pick up my phone from the table and dialed Ali's number. It took me two tries before she answered, 


[Hey, what's up?] she asked, I massaged my temples while my eyes are shot close. 


"What can be the causes of pregnancy ba?" I asked, not minding how I formed the sentence. I don't even know what I want to ask. 


[Huh? Ano... gaga ka ba? Malamang tite?] she said and I flicked my tongue. 


"Ali, seryoso ako--"


[Seryoso din ako, Lorinda! Buntis ka 'no?] she asked and I once again flicked my tongue. 


"Nag pi-pills ako," I defended and she hummed, 


[Pero 91% lang siya effective, may 9% pa. Plus... sure ka ba na hindi mo nakakalimutan?] she asked and I opened my eyes before looking at my table calendar.


"Ali niregla ako last week." I said and she hummed, [Ilang araw? Gaano kalakas?] she asked, and I stared at my table calendar. 


"Mga... 3 days, mahina lang, para lang siyang patak--"


[Spotting, signs of pregnancy.] Putol niya at napasinghap ako.


"Wala akong natatandaan na hindi ako nakakainom ng pills." I said, slightly adjusting my seat. Para kasing naiipit ang tiyan ko at masakit.

[Sigurado ka? Track it down. Alalahanin mo, when was the last time you two did it? At naka-inom ka ba talaga?] she asked and I bit my lower lip. 


Kailan nga ba? 


I tilted my head, "Noong ano... the night before isugod sa ospital si Jax." I replied and I look back at my calendar. I'm trying to remember what happened after namin sumunod sa ospital. 


[Track it down, anong ginawa mo, did you---]


I gasped, "I forgot to take that day..." I mumbled, I sat straight on my chair, lips parted. 


[Bingo! Go get a pregnancy test na.] she said and I felt my throat tighten. 


"I'm pregnant?" I mumbled, looking down on my flat stomach. 


[We still don't know, that's why you should get a test. Matres mo 'yan, hindi akin. Hindi rin ako nag nakakaramdam.] Ali said but I shook my head. 


"Pero hindi pa pwede..." A tear streamed down my cheek that I immediately wiped off. Why am I even crying?!


"Sige na Ali, I need to go, bye." I said, ending the call immediately. 


Forcing myself to stand up, I grab my wallet and rush out of the office. I exit the building and run as fast as I can on heels to the pharmacy near by and bought three pregnancy test. When I got back to the building. I locked myself to the bathroom and took the test. The 5 minutes waiting feels like hell. 


Namamawis at nanginginig ang mga kamay ko. Ang mga luha sa pisngi ko ay hindi na tumitigil. Some women are excited taking pregnancy tests. Pero hindi ko magawang maging masaya kahit anak pa namin ito ni Inin.


I'm scared, for me, for Inin, for my baby, if there is. Hindi pwedeng malaman ni mommy, pero alam kong malalaman niya at magagalit siya. She would kick me out... after kicking me. She would kill me if she finds out. 


Mabuntis pa nga lang nang hindi pa kasal ay itatakwil kana, paano pa kaya kung malaman ni mommy na ang nakabuntis sa akin ay hindi si Sam na inaasahan niya. She would be very disappointed at me. 


When the timer of my phone sets off, I felt like something is eating my insides. Parang umurong ang mga kalamnan ko nang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bowl at lumapit sa lababo kung saan nakataob ang tatlong tests. 


I am hesitating, so bad. Kahit malaking parte sa akin ay hindi na magugulat kung positive ito, may parte pa rin na nananalangin na sana ay negative. 


I took a deep breath, several deep breaths before flipping the three tests. 



"Positive..." I mumbled before tears started flowing down my cheeks. I pick up the three tests that all says positive. Nanghina ang tuhod ko at agad napaluhod sa sahig habang hawak ang mga ito. 



"There's a baby inside me." I started crying even more after things sink in. 


My hands traveled on my stomach as I cry inside the bathroom. I try not to make any noise so no one would hear me from outside. I stayed there, crying, minutes after staring at the ceiling. 


What should I do now? Who should I tell it first? 


Should I keep it?



I stand up from the cold floor and wiped my face with wet tissue as my make-up already got smudged from crying. I hope no one notices my swollen eyes. 


I spent an hour or two in the office before heading home. Gladly Inin is still in his classes. I kept the tests inside my drawer together with the clothes I barely wear. I waited until Inin gets home and acted normal. He even noticed that I no longer look sick. He cooked us dinner and we even watch a movie before heading to bed. 


I'm using his arm as a pillow while staring at the ceiling. I don't know if he's asleep already. 


I took a deep breath, another one, and another one. 


"Bakit gising ka pa? Hindi ka pa ba inaantok?" Nagulat ako nang magsalita ito. I look up at him and saw him with his eyes slightly open while looking at me. 


I smiled at him, "Pwede ba tayong mag-usap, may itatanong lang ako." turan ko at tumango ito bago binuksan nang mas malaki ang mga mata niya. 


"Sure, nakikinig ako." ani niya at tumango ako. 


Napalunok ako ng laway, "Bibigyan kita ng scenario, paano kung... mabuntis mo ako?" tanong ko, nakita kong kumunot ang noo nito bago ako hinalikan sa noo. 


"Siyempre matutuwa ako! Magkakababy na tayo! Little Inin or Lory! Pero siyempre kasal muna bago 'yon." Nagbago ang tono ng boses niya sa huli at napa-iling ako.


"Paano kung hindi pa tayo kasal tapos nabuntis mo ako?" tanong ko ulit at muling kumunot ang noo niya. 


"Edi papakasalan kita, kahit sa simple lang, tapos magpaplano na agad tayo para sa future natin. May trabaho naman na siguro ako sa mga oras na 'yon." ani niya at napakagat ako sa labi ko. 


"Paano kung ngayon? Sa mga oras na 'to? Hindi kapa nakakatapos sa pag-aaral tapos nabuntis mo ako?" Pinagmasdan ko ang kaniyang ekspresyon. Huminga siya ng malalim at napatingin sa kisame. 


"Lory... ano... titigil ako sa pag-aaral tapos magtatrabaho na ako buong araw, itatawid natin. Hindi tayo pwedeng umasa sa magulang mo, baka nga magalit pa sila sa atin dahil hindi pa tayo kasal ay nag-anak agad tayo. We need to think of the worse scenario para hindi tayo mabigla." sagot niya at nagparte ang mga labi ko. 


"Halimbawa sinabi mo na sa magulang mo, nagalit ang mommy mo, pinalayas ka kasi galit nga siya. What if putulin niya cards mo? May trabaho ka, oo, pero Valdez ang mommy mo, balita ko ang nga Ponce at Valdez ay business partners, paano kung maalis ka sa trabaho? At isa pa, ako ang tatay, dapat nagtatrabaho rin ako, hindi ko dapat inaasa sa 'yo ang lahat, ngayon pa nga lang, nakikitira lang ako sa condo mo, iisang beses palang ako nakakapagbayad ng kuryente at tubig natin." Paliwanag niya at naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko. 


"Titigil ka sa pag-aaral?" tanong ko at nag-hum ito. 


"Oo, gugugulin ko na ang oras ko sa pagtatrabaho para maibigay sa inyo ang pangangailangan niyong dalawa." sagot niya at naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. 


"Inin seryoso ako--"


"Seryoso rin ako, Lory. Gagawin ko 'yon para sa inyo. Kung mag-aaral pa rin ako, may mga gagastusin pa rin ako, sa ganoong senaryo, dapat anak na natin ang iisipin natin." Putol niya sa akin. 


"Pero may trabaho pa naman ako." turan ko, bahagyang tumataas ang boses. 


Bumuntong hininga ito, hinimas pa niya ang braso ko, "Kahit na, tutulong na ako sa pagkayod, mayaman ka Lory, oo. Pero hindi natin alam kung anong sasabihin ng magulang mo. Kahit gusto ni tito ng apo, gusto rin naman niya ay kasal na tayo bago tayo mag-anak." Paliwanag niya at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. 


Bigla itong humagikhik bago ako niyakap, "Alam mo, baka mag-away pa tayo, what if mo lang naman 'yon, eh. Matulog na tayo." ani nito bago ako niyakap nang mahigpit. 


Isinubsob ko nag mukha ko sa dibdib niya at pinigilan ang mga luha ko. Nang malanghap ko ang kaniyang amoy ay napapikit ako. 



Seryoso pala siya sa sinabi niya noon.


"Alam mo ba 'yon, Lory? Kung gaano kita kamahal? Kung gaano ako kahanda na bitawan ang mga bagay-bagay para sa 'yo?" 


He wasn't lying when he said that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top