/Chapter 2: Curiousity/
Zahara's P.O.V
Nasilaw ako sa sikat ng araw na bumungad saakin, ang sakit ng ulo ko.
Hindi na ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi, ni-hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi.
Nakapikit akong umupo sa higaan at huminga ng malalim
Gusto ko ng katahimikan, ng kapayapaan. Ayoko ng problema. Like duh, sino bang may gusto ng problema? Sinong may gusto ikasal sa hindi mo naman gusto? Ikaw? Tara palit tayo!
Hindi ko naman kayang murahin o mag-mura sa harap ng mga magulang ko dahil magulang ko sila, alam kong sobrang nakakabastos yun.
Hindi naman sa galit ako. Ang unfair lang nila dahil basta basta nalang sila nag de-decide without my permission
Tumayo na ako sa kama ko at pumunta na ng banyo at naligo. Ilang minuto ang lumipas nang matapos na akong maligo at nagbihis.
Kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas ng pinto. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina.
Naabutan ko ang isa naming kasambahay na nag-luluto ng almusal.
"Magandang umaga, iha" bati ng kasambahay namin habang naka ngiti
Sa totoo lang, walang maganda sa umaga ko ngayon.
Dumiretso na ako sa dining area at umupo sa upuan ng dining table. Nag-aayos ng mga plato ang dalawa pa naming kasambahay.
Kinuha ko nalang yung isang balot na tinapay at kumuha ng isang piraso, nag-lagay ako ng palaman tsaka walang ganang kinain.
Teka, What The-
Fuck! Nasaan ako?
May bigla akong napansin pero, uniform rin naman ng school ko ang suot ko pero, Nasaan nga ako?
Pansin ko din, malaki laki ang bahay na ito kaya kakaiba.
Iba rin ang itsura ng mga kasam bahay dito.
Shit! Na-kidnapped ba ako?!
Ngayon ko lang na-realize lahat ng bagay na nandito ay ibang-iba kumpara sa mga bagay na nasa bahay namin, nang dahil siguro sa lalim ng iniisip ko ay ngayon ko lang ito napansin, Hay! Zahara!
Agad akong napatayo sa kina-uupuan ko nang makita ko ang isang lalaki na palapit,
Wait!
Anong ginagawa nya dito? Bakit sya nandito?
Don't tell me-
Lord. Bakit ba ang malas ko!
"Take a sit" seryosocng sabi ng lalaki. Ngayon ko lang din napansin na naka-upo na pala sya sa tapat ko, naka-uniform, katulad ng uniform ko
Ano!? Doon sya nag-aaral? Never ko nakita ang mukha nya doon ah
"Hoy! Ano'ng ginagawa ko dito? At ikaw! Anong ginagawa mo dito?" Pasigaw na tanong ko sakanya at hanggang ngayon ay nakatayo padin ako
Tumigil sa pag-nguya ang lalaki at tsaka ito nilunok.
Uminom sya ng malamig na tubig at tumingin saakin,
napaka seryoso naman nya kung makatingin,
nangangain ba to ng buhay? Hala!
Kinabahan nanaman ako dahil sa kung ano ano ang naiisip ko.
"I'm here because, ako ang may ari ng bahay na ito"
Nakangising sabi nya.
B- bahay nya to!?
Teka, nasa iisang bahay lang kami?!
Kailangan kong umalis dito! Bakit ba kasi nandito ako?
Sino ba kasi ang nag-dala saakin dito? Paano ba ako nakarating dito? Aghhh!
"And please? Wag kang sumigaw, Nakakarindi" seryosong sabi nya pa at kinain na ang huling piraso ng tinapay na hawak nya then uminom ulit ng tubig at tumayo.
Isinabit nya ang bag nya sa right side ng balikat nya tsaka umalis.
Napa-padyak naman ako sa inis.
Paano ako ngayon!? Sinong maghahatid saakin papuntang school? Mommy, daddy jusko po, gusto ko na pong umuwi sa bahay natin. Please lang balik nyo na ko sa bahay
"Tutunganga ka nalang ba dyan?" Nagulat ako sa pag-sulpot nya.
Malayo-layo sya saakin. Galing sa paa ang mga mata nya bago ako tignan.
Bakit ba ang seryoso nito? Nakakatakot ang mukha e.
Agad ko nang kinuha ang bag ko at nagmadaling pumunta sa kanya.
Akala ko iniwan nya na ako e.
"And for more information, I'm not Hoy na nasa HU, Didn't you hear my name yesterday? My name is--"
"Haeron Bienvenue" pangunguna ko sakanya tsaka umirap sa daanan na nilalakaran namin papunta sa labas ng bahay na ito. Nakita ko naman ang pagtango nya at ngumiti.
Anong nakakangiti doon?
Napairap nalang ako sa ginawa nya
"Good Morning Sir" bati ng driver pagka-labas namin,
Abah! Wala manlang bati sakin ah?
Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa driver na hawak hawak ang pintuan ng van at nakangiti kay Haeron.
Napatingin saakin ang driver. Habang ako naman, binigyan ko sya ng naniningkit na tingin na parang sinasabi'ng 'tandaan mo ang araw na to, manong driver'
Sanaol nalang.
Pina-una na akong pasakayin ni Haeron sa loob dahil may sasabihin pa daw sya sa driver nya kaya, sinarado na muna ni "driver" ang pintuan.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero napaiwas ako ng tingin sakanila nang makita kong tumingin ang driver saakin at mabilis din ibinalik ang tingin kay Haeron tsaka ngumiti,
Kahit hindi ako masyado kita dito sa loob ay pakiramdam ko kitang kita nya akong nakatingin sa kanila
Ilang minuto ang nakalilipas, tinignan ko ang cellphone ko dahil naiinip na ako dito sa loob.
Shit!
Nakita ko ang oras.
7:38 a.m na!
Late na ako, Hay nako naman.
Pumasok na si Haeron sa loob at umupo sa tabi ko.
Malapit sya sa pintuan at ako naman ay malapit sa bintana. Sinarado na ni manong driver ang pintuan na pinasukan namin tsaka pumunta sa unahan, umupo at nag simula'ng mag-drive.
Hindi ako mapakali dahil late na ako. Hindi ko gusto'ng na-lalate sa totoo lang
Paano ba naman? Ang bagal mag drive nito'ng driver
"Hay! Kuya, paki-bilisan naman po. Late na ako oh" Reklamo ko.
Sa totoo lang never akong na-late.
Hay, siguro palagi na akong late dahil sa lalaki'ng ito, at siguradong hindi ko matitiis ang sarili ko na mag-commute nalang tutal alam ko naman kung paano, marunong naman ako kahit papaano
Ramdam ko'ng lumapit si Haeron saakin tsaka bumulong,
"The red light is on so ang ibig sabihin non bawal pa umandar" napansin ko ang mga sasakyan na malapit saamin. Hindi rin sila masyadonng umaandar
Na-traffic pa
Napahiya tuloy ako bigla,
"And don't tell him what to do, alam nya ang gagawin nya. Wag kang mag-magaling, ok?" huling sabi nya tsaka lumayo saakin at inayos ang upo.
Nag-cellphone nalang sya habang ako nakapalong-baba at naka tingin sa bintana.
"Gosh. Zahara, Is that you?" Tanong ni Cally. Isa sa kaibigan ko sa school na to.
Tumango ako habang hingal na hingal, tumakbo na kasi ako papunta dito.
Grabe 10 a.m na kaya!
Ang bilis talaga ng oras.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong nya.
Break time ngayon kaya kami lang ang nasa-loob ng classroom. Hindi daw sya bumili sa canteen kasi may dala daw syang mga biscuit na makakain nya.
"Traffic kasi" sagot ko at umupo sa upuan ko, kinuha ang tubigan tsaka ko yun ininom.
Biglang pumasok ang advicer namin. Nagulat sya dahil nakita nya ako, tinawag nya ako at kinausap in private
"Why are you late? Pumasok ka pa ngayong pass 11 a.m na, Diba iisa yan sa rules ng school na ito? Kapag nalate ka at umabot na sa oras na tulad na ginawa mo ay may punishment?" Paalala nya saakin. Alam ko naman yun pero si Haeron kasi eh!
"Dibale nalang kung hindi ka pumasok, mas okay pa" dagdag nya.
Habang nag-lalakad ako pabalik sa loob ng classrom ko ay may biglang pumasok sa isip ko.
May rules din kaya yung arranged marriage namin? Then may punishment din?
Napailing nalang ako ng naka pikit sa biglang tanong ng isip ko, bigla namang may tumawag saakin kaya agad akong napamulat.
"Nicole!" Sigaw ng isang tao.
Malayo-layo sya pero hindi yun hadlang para hindi ko maaninag ang itsura nya.
Si Reindell, mabilis syang naglakad papunta saakin.
At nang malapit-lapit na sya ay tumakbo sya palapit saakin tsaka niyakap ng mahigpit.
"Nicole, pinag-alala mo ako, Bakit ka ba na-late? Diba sabi ko matulog ka ng maaga?"
Akala nya ata na-late ako dahil hindi ako natulog ng maaga.
Kumalas sya sa yakap,
"Bakit? May problema ba?" Tanong nya pa.
Hindi ako makatingin sakanya, wala akong dahilan para hindi sya tingnan pero bakit naman ako nag kakaganito?
"Hey, May Problema?" Tanong nya pa ulit.
This time, napatingin na ako sakanya.
Habang kami ay nakatayo parin ay patuloy lang ako sa pag kwento ko. Nakikita ko bawat ekspresyon ng mukha nya na parang nag-aalala na may galit ang napalabas sa itsura nya.
"Pede mo ba akong tulungan?" Napatingin sya saakin, parang nagulat sya sa sinabi ko.
"Anong itutulong ko?"
"Gusto kong mapalayo ako sa lalaking iyon" sagot ko. Napaisip naman sya.
"Pano kita matutulungan?"
Nag isip ako ng paraan para malayo kay Haeron pero walang lumalabas na idea sa isip ko, parang nabara.
"Ow! I have an Idea" naka-ngising sabi nya.
Sinabi naman nya saakin ang idea nya, At mag papanggap daw sya as My Boyfriend.
Kahit ang awkward sumakay nalang ako sa plano nya, hindi na ako magiging choosy pa sa plano nya.
Okay na yun.
Tinanggap ko ang naisip nya dahil wala naman na akong maisip na iba, basta makalayo ako sa lintik na lalaki na iyon.
Bahala na sya sa ibang gagawin.
But remember, It's his plan, not mine. It's his idea, not mine.
Habang naglalakad na kami pabalik sa loob ng classrom ay may nasagip ang mata ko. Nakita ko sa kabilang building na parang may pinag-kakaguluhan ang istudyante'ng mga babae
Ngayon ko lang nakita ang mga istudyante na naging ganun kagulo, may aksidente bang nangyari?
Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy nalang sa pag-lalakad, hanggang sa nakarating na kami sa classroom namin.
Umupo na ako sa upuan ko nang magtanong si Reindell
"Anong pangalan ng jerk na yon?"
Tanong nya.
"He is Hae--" naputol ang isasagot ko nang mapatingin ako sa dumating na teacher namin.
Mukhang masama ang day nya kasi nakasimangot sya. Same tayo madam!
Hindi ko naituloy ang pag-sagot ko sa tanong ni Reindell dahil baka mapagalitan ako.
Nakakatakot kaya, baka mamaya sigawan pa ako ng teacher na to eh.
"Okay, Dissmissed"
Ang bilis naman yata?
"May nag sabi sakin, hindi daw mag tuturo sila Mr. Quezon ah" sabi ng mga chismosa ko'ng kaklase
Nag paalam ako kay Reindell na pupunta muna ako sa library para makapag-basa at dahil gusto ko sa tahimik na lugar.
Nag-lakad ako papunta doon, at nang makarating ako ay pumunta na agad ako sa mga book shelves. Malawak ang library kaya madaming libro ang nandito.
Plus may aircon and electric Fan, pero ngayon electricfan lamang ang gamit at naka bukas ang mga bintana dahilan para pumasok ang maaliwalas na hangin
Umupo ako sa upuan with this mahabang table na malapit-lapit sa bintana para mas mahangin.
"My Gosh" mahinang pag re-react ko sa binabasa ko
At agad naman akong napatakip sa bibig ko kahit mahina lang ang sinabi ko, baka kasi may mag-isip na wala na ako sa wisyo o nababaliw na.
Habang tumatagal dumami-dami ang tao dito sa loob ng library kaya nag sisimula ng uminit. Grabe, over populated na agad ang nararamdaman ko.
Sa totoo lang mainit talaga kapag maraming tao ang nakapalibot sayo.
And take note, Mas madaming tao mas amoy jutok
Pabagsak na ang pawis ko nang maramdaman ko na may nagpunas nito.
Laking gulat ko nang makita kung sino ang gumawa noon saakin.
Haeron?
Pinunasan nya ako gamit ang puting towel na nakalagay sa balikat nya,
Mabait ba sya o pa-fall lang? Enebe, ganurn?
"A-anong ginagawa mo dito?" Nautal na tanong ko sakanya, Hindi ako makapaniwala sa ginagawa nya. shit nakakahiya
May dala syang mini fan na kulay pink at isang pamaypay. Pinaypayan nya ako habang nakabukas ang Mini Fan,
Teka, bakit kulay pink?
"Sayo ba to? Bakit kulay pink?" Tanong ko habang hawak ng right hand ko ang pink na fan at yung left ko naman ay hawak ang libro na binabasa ko.
Umiling lang sya.
Edi kung hindi sakanya edi kanino to?
"Kanino to?" Hindi ko na napigilan ang pag-tanong, napatingin sya saakin.
"From my fan.."
Wait, naguguluhan ako
"Madaming terms ang fan kaya, What do you mean?" Tanong ko sakanya.
Pumikit sya at huminga ng malalim,
Ilang segundo rin ang lumipas at minulat nya ulit ang mga mata nya at tumingin saakin ng napaka seryoso.
"Taga hanga?" Parang hindi siguradong sagot nya.
Taga hanga? Crush?
"Sino?" Tanong ko. Hay, yung dila ko talaga, Sumosobra na.
"Di ko kilala" kampanteng sagot nya.
Teka nga, anong hindi kilala?Ang gulo naman nito.
Paano nya malalaman na may taga-hanga sya kung hindi nya alam kung sino? Gulo mo tih.
Hindi ko nalang yun tinuunan ng pansin dahil sa magulo syang kausap. Sobrang gulo.
Pinapaypayan nya lang ako nang may lumapit na isang babae.
Napatingin naman kami ni Haeron dun sa babae.
"Ah- Haeron. Can you?" Sabi ng babae sabay abot ng isang 5x5 picture ni Haeron at nang isang ballpen.
Tumingin muna si Haeron saakin tsaka ulit tumingin sa babae, kinuha nya yung ballpen at picture tsaka ito pinirmahan.
Nang i-abot nya ulit ito sa babae ay nag tilili na ang babae.
Nyare dun?
Napatigil ang babae sa pag tilili nang makita nya yung librarian na nakatingin at parang sinasabi'ng
'Silence please..'
Nagmadali nalang syang umalis.
Napanganga nalang ako sa gawi ng babae'ng iyon, Anong nagyayari sa mga tao ngayon?
"Don't mind her.." mahinang sinabi ni Haeron at tsaka ulit nag paypay. PVC fan ang gamit nya with his-- ano to? Bakit may picture nya? Anong klaseng pamaypay ba naman to oh?
Hinablot ko ang pamaypay at tinignan ng mabuti.
Ano to?
Biglang kinuha ni Haeron ang pamaypay dahil napansin nya na kung ano-ano ang ginagawa ko.
Pero bakit may mukha nya yung fan?
So may fans sya rito? But why and how?
I'm sure hindi lang isa o dalawa-- I think lahat ng babae.
Famous ba to? Paano?
'Click'
Nagulat ako sa pag flash ng isang bagay, at pagtingin ko ay may nakita akong isang lalaki na may hawak ng camera.
Bakit nya kami pinicturan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top