/Chapter 1: Bullshit Arrangement/

Zahara's P.O.V

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon sa gilid ng isang tulay. Maaliwalas ang hangin dito at malinis ang kapaligiran. Sa lahat-lahat ng lugar dito ay ito ang pinaka paborito ko, hindi lang dahil sa maaliwalas ang hangin kundi may magaganda ring damo, halaman, bulaklak at puno ang nakatanim sa bawat gilid na nadadaanan ko dito sa tulay at lalo na sa ibaba nito.

Paligoy-ligoy ang tingin ko dahil sa ganda ng paligid at sa dinami daming mga magagandang bulaklak na nag papabango sa lugar na ito.

"Ma'am" biglang tawag ng kung-sino. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses lalaki na iyon at sa pagtingin ko ay nakita ko ang isang magarang itim na kotse.
"Pinapauwi na po kayo ng Mommy nyo" magalang na sinabi ng driver na naka silip sa bintana na may sunglasses pa.

Ngumiti ako at tumango, tsaka naglakad papalapit sa kotse at sumakay sa likuran ng driver's seat. Pinaandar na iyon ng driver para umuwi, mabilis rin kaming nakarating dahil hindi naman gaano malayo ang tulay na iyon dito. Pumasok na ako at bumungad saakin si mommy.

"Zahara, My Dear, Saan ka nag punta?" Tanong ni mommy sabay halik sa pisngi ko.

Hindi kasi ako nag paalam kanina at basta basta nalang umalis, panigurado hinanap pa ako nung driver

"Sa tulay lang po, yung tulay na pinupuntahan ko" nakangiting sagot ko.
Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit, may nasabi ba akong hindi maganda? Sinagot ko lang naman ang tanong nya ah? May mali ba dun?

Hinawakan nya ang dalawa ko'ng braso. Nagtataka ako, bakit ba ganito ang ekspresyon ni Mommy nang sagutin ko ang tanong nya?
Naka kunot-noo lang ako at nag aabang sa sasabihin nya.

"Zahara, Anak, Di'ba sabi ko wag ka nang pupunta doon, Delikado baka mamaya may tumulak sayo doon or kung ano nalang ang gawin sayo" Mahinhin na sabi nya.
Ay, oo nga pala. Pinag babawalan ako ni mommy na pumunta doon. Paano ko ba iiwasan yun? Paano ko iiwasan ang paborito'ng lugar ko?

Naging malungkot ang mukha ko.

"Okay mom, I'll try" malungkot na saad ko. Naiintindihan ko naman si mommy kung bakit nya ako pinag-babawalan. At yun nga yun, baka daw kung ano ang mangyari saakin kapag pinag patuloy ko ang pagpunta ko doon lalo na't nag-iisa ako. Titiisin ko nalang na hindi pumunta sa lugar na iyon lalo na't gabi na.

Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain.
Nag ce-cellphone lang ako nang tumawag si Reindell Almazon, My Boy Best Friend since Senior High School.

"Oh? Napatawag ka?" Panimula ko sa tawag nya.
Nag karoon ng kaunting awkwardness dahil sa tahimik ang kabilang linya.
"Ahm.. Hello?" Tinignan ko yung screen ng cellphone ko at si Reindell naman talaga ang tumawag saakin at hindi parin naman pinapatay.

"Ahm.. Nicole" tawag nya sa kasunod ng pangalan ko, kase Zahara Nicole nga naman pero idk kase sya lang natawag sakin non.

"Hmm? May problema ba?" Alalang tanong ko. Hindi nanaman sya nag-salita. May problema nga ba to?
"Uy.. di ka nanaman nag sasalita," parang batang sabi ko.
Narinig ko naman ang pag tawa nya sa kabilang linya.
Pinag titripan yata ako neto -,-

"Wala. Wala akong problema, grabe ang cute nun ah, nakikita ko yung mukha mo dito kahit wala ka naman talaga dito sa harap ko" Tumigil na sya sa pag-tawa.

"Baliw, Bakit ka ba tumawag?" Tanong ko. Ang gusto ko sanang itanong sakanya ay kung bakit palagi syang tumatawag kaso, nakakaramdam ako ng hiya kapag sisimulan ko ang pagtanong tungkol dun,
kaya hindi na natutuloy

"Wala lang, kakamustahin ka lang" sagot ni Reindell

Pft. Palusot

"Wala? tapos kakamustahin lang?" Natatawang sabi ko
Narinig ko rin ang pag tawa nya sa kabilang linya
"Anong klase yun?" Tanong ko ulit habang natawa
Napailing-iling lang ako sa nasabi ko. Baliw na rin ata ako. Nahawa na ata ako doon.

Napatigil ako sa pag-iling nang marinig ang sinabi nyang,
"Miss na kita" serysong sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya Grabe? Miss na agad? Kaka kita lang namin kanina'ng umaga eh, miss na agad? Lupet!
Pero, mukhang seryoso nga sya.

Alam kong gulat ang ekspresyon ko. Parang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya habang ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ano tong nararamdaman ko?
Baliw na nga din ata ako.

"Hello? Nandyan ka pa ba?" Tanong nya dahil hindi ako nag salita mula kanina nang marinig  sakanya ang huling salita na binitawan nya kanina.
Nagulat talaga ako sa sinabi nya, I swear.

"Ahh-ehh, O- oo ahm, anong sinabi mo kanina?" Wala sa sariling tanong ko sakanya. Bigla ko tuloy nahampas ang bibig ko at tinakpan ito. Baliw ka talaga Zahara!
Ipapa-ulit ko pa talaga!?

"Sabi ko miss na kita" pag ulit nya.

Hay, Inulit nya talaga? Tama ba ang narinig ko? Shit! Ano nang nangyayari sakin? Siguro dahil lalaki sya at babae ako. Normal naman ata siguro yun?

"H- ha? a- ano? miss? anong miss? miss Universe? miss Philippines?" Pag babago ko sa tinutukoy nya. Napatawa naman sya.

"Hindi" natatawang sinabi nya.
Nagbuntong-hininga sya tsaka muling nagsalita.
"Hay, Sige na. Matulog ka na ng maaga dahil may pasok pa tayo bukas"

"Okay, Bye" pag papaalam ko tsaka in-end agad ang call.
Anong klase yun? Tama ba ang narinig ko? Hay, wala namang bago saakin eh pero di parin ako maka-move on kahit Miss na kita ang narinig ko.

Oo walang bago doon dahil, Siraulo naman yun kung minsan eh kaya no need to worry.
Alam kong trip nya lang yon, pero hindi naman sya ganun ka-siraulo, minsan lang pero-






Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang katok sa pintuan.

I realized na naka tulala ako habang nakatingin sa huling text ni Reindell.

Matulog ka ng maaga. Sleep well.

Kumatok ulit ang kung sino man ang nasa labas ng kwarto ko

Tumayo na agad ako at pumunta sa harap ng pintuan at binuksan ito.

Bumungad saakin si daddy na nakasuot ng formal attire. Kakauwi nya palang siguro dahil nakasuot parin sya ng ganito.

Galing kasi sya sa Birthday Party ng kaibigan nya, at hindi na kami sumama ni mommy kasi nakakahiya kung sasama pa kami, hindi lahat ng mayayaman makakapal ang mukha. Tandaan nyo yan!

"Daddy" bati ko sakanya saka humalik sa pisngi at niyakap sya.

Hindi sya amoy alak, siguro hindi sya uminom.

Bago ko pa makalas ang yakap ay nakita ko ang mukha ni daddy na mukhang malungkot at pinalitan naman ito ng pilit na ngiti nang tuluyan nang kumalas ang yakap.

Napa kunot-noo ako ng kaunti.

"Let's go down stairs and talk about something with someone" diretsong sabi nya at agad naglakad papunta sa hagdanan, Sumunod nalang ako sakanya.

Pumunta kami sa Living room kung saan nandoon si mommy and ahm.. who is this guy?

Nakatayo ang isang lalaki at nakatungo habang naka cross arms at nakasandal sa pader na katabi ng Couch.

Sino to?
Bussiness partner ba to nila mommy and daddy? pero bakit kasama pa ako sa usapan na magaganap ngayon?

Ngayon ko lang din nakita ang lalaking ito.

May nakita naman akong isang babae na may mahabang buhok at pulang labi at isang lalaki na di gaano katandaan na naka formal attire din

Wait. Parents nya ba yun?

Nakaupo ang sila sa magkabilaang Couch.


Umupo ako sa isang mahabang couch.
Katabi ko si mommy then katabi ni mommy ang mother ata ng lalaki'ng nakasandal sa pader at si daddy naman ay sa kabilang single couch na katapat namin.

Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin dahil ni-isa saamin walang umimik o nag-salita.








Umabot ng ilang segundo nang tumikhim si daddy bago nagsalita.
"Zahara, Meet Mr. And Mrs. Bienvenue's Son, Haeron Bienvenue" pagpapakilala ni daddy sa lalaking naka sandal parin sa pader hanggang ngayon.

Anong kaganapan ang nangyayari dito? Ito na ba ang magiging bussiness partner ko in the future? Sya na ba ang magiging bussiness partner ko pagka-graduate ko ng collage?
Ang aga naman yata?





Tumahimik ulit ang atmosphere. Nakakarindi.

Nagulat ako ng maramdaman ko ang pag-ayos ng tayo nung lalaki at lumapit saamin tsaka umupo sa couch na tapat ko.


Bakit ba ang tahimik? Ganito ba talaga sila kapag may meeting or any events? Grabe pala.

"Sooner, magiging asawa mo na sya" nagulat ako sa dinagdag ni daddy.

Nanlaki ang mata ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Totoo ba to?! Nanaginip lang ba ako?

Nagtatakang tumingin ako kay daddy dahil sa sinabi nya.

Umiwas sya ng tingin saakin at sa kape nalang nya siya tumingin na nakapatong sa mini glass table namin dito sa living room.

"A- ano po?" Nauutal na sinabi ko dahil nga hindi ako makapaniwala

"Magiging asawa mo na sya" sagot nung babaeng naka red lipstick, napatingin ako kay Mommy.

Naka-tungo lang sya.
Anong nagyayari? Bakit kailangan pang umabot sa ganito ang sitwasyon?

Wala pa akong balak makipag relasyon lalo na't wala pa akong balak ikasal, at wala sa plano ko ikasal sa isang lalaki na hindi ko naman gusto o hindi ko naman minahal.

Anong pangyayari to? Nakakapag-taka, bakit kailangan ko pang ikasal sa lalaki'ng ito?

Napatingin ako sa lalaki'ng katapat ko
Nakatingin lang sya ng seryoso saakin.

What the hell? What's with him?
Hindi ba sya nag-tataka sa lagay namin ngayon? Hindi ba sya tututol? Nakakainis!


"No!" Finally nakapag-salita ako. Bigla nalang akong napatayo dahil sa pag No ko.
Napatingin naman saakin sila mommy and daddy and the parents of this jerk.

"Zahara, Anak, Please just accept everything, Please." Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni mommy saakin dahil hindi ko naman alam ang dahilan nila para ilagay ako, kami sa sitwasyong ito.

Naaawa ako sa mukha nila mommy and daddy, kaso hindi lang ganito-ganito ang gusto nilang mangyari. Hindi to mabilis pagdesisyonan, ni-dahilan nga nila hindi ko alam

Damn, Bullshit!

"I said no!" Tumakbo ako at lumabas nalang, hindi ko alam kung saan ako tutungo.



Shit! Ayoko ng ganito

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top