Sarap maging Estudyante
Naging malaking parte ng buhay natin ang mga panahong nag-aaral tayo. Naroong umiyak ka. Humalakhak labas na ang ngala-ngala. Napagalitan ni titser. Napa-away. Nabigo. Napahiya. Naging katawa-tawa.
Nagliwanag ang buhay ng ma-inlove. Kinilig. Gumuho ang mundo ng ma-basted. Na-torotot. Tumalon ng bakod. Nag- yosi sa likod ng gym. Pumasok ng lasing. kumulo ang dugo. Nag-selos.
Nag-feeling diyosa nang kinainggitan. Sumikat. Down ang pakiramdam ng di-mapansin. Nadapa. Natapilok. Nakaapak ng tae. Nanlimos ng papel. Nanakawan. Bumagsak. Grumadweyt. At marami pang iba.
Kahit anupaman ang nangyari, pabor o di pabor sa atin, masasabi pa rin natin ang saya ng BUHAY ESKWELA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top