Gilid
"Primadonna girl, yeah, all I ever wanted was the world. I can't help that I need it all. The primadonna life—
"Ahem, excuse me."
Napahinto ako sa pagkanta ng piyesa ni Marina and the Diamonds pagkarinig ng boses na iyon. Ako pa lang ang nasa room kaya naman todo-emote ako sa pagsabay sa kantang iyon.
Nilingon ko 'yong pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang lalaki na nakasilip sa pinto. Napaawang ang bibig ko ng makilala ko ang lalaki. Bigla nakaramdam ako ng hiya. Syet, si crush! Nakita ko rin 'yung ngiti na nakaarko sa gilid ng labi niya. Mas lalo akong nahiya.
Mukha ba akong ewan kanina?
"Pwede ba humiram ng upuan." Normal na sa state university na ito ang hiraman ng upuan. Kapag nagkulang ang upuan sa isang room dahil madami yung estudyante, hihiram yan sa ibang room na konti lang yung estudyante o walang gumagamit. Ang hindi lang normal, si crush ang nanghihiram.
Wala sa sariling napatango na lang ako. Na-estatwa na ako sa kinauupuan ko at nakatanghod lang sa lalaking kaharap ko ngayon at dalawang hakbang lang ang layo sa akin. Matangkad ito, lean ang katawan, at may hitsura naman. Dumaan pa sa ilong ko ang pabango niya na di ko mapigilan samyuin: polo black o hugo boss?
"Thank you, ha?" sabi niya bago lumabas ng room. Parang tanga na napatango na lang ulit ako. At mas lalo akong nawindang ng iwanan niya ako ng tila nahihiya at nagpapasalamt na ngiti.
Pakiramdam ko nag-palpitate buo kong katawan at bigla akong pinawisan ng malapot. Napadampot ako ng panyo at ipinaypay sa mukha ko. "Whoooaaaa..." bulalas ko, pero ang labi ko, todo na sa pagngiti. Pinansin niya ako, yes! At nginitian pa!
"O, Nelle, anong nangyari sa'yo?" pansin agad sa akin ni Cess, na kadarating pa lang kasama si Sych. "Okay ka lang, parang iba 'ata ngiti mo?"
"H-ha? Wala, nagre-review lang ako sa acounting."
"Ay naku, Cess. Alam na..." gagad ni Sych.
"Uy, grabe kayo, ah."
"Naku, Nelle. Alam ko na ganyang mga ngitian. Naka-silay ka na naman. Nadaanan kaya namin kanina si Carl John mo."
Hindi na ako nakaimik. Guilty as charged.
"Psssttt...guys, tahimik muna. May magpo-promote galing sa Third Year Block C," anunsiyo sa amin ni madam (president ng klase). Napatingin kami sa pinto at natahimik. Pero ang dibdib ko, parang tumatambol. Nasa Block C kasi si CJ.
Adyan kaya siya?
"Okay, so yun, ako nga pala si Nadine, gusto lang sana naming kayong imbitahan na umpisa today, open na po ang blind audition para sa Adfactor (ripped-off ng X-factor and The Voice). Kaya sa mga magagaling kumanta diyan, pwedeng-pwede kayo sumali."
"Uy, Nelle sali ka," sabi ni Paul.
"Huh? Bakit ako?" sagot ko naman. Kahit pa sabi nila maganda daw ang boses ko, ayoko talagang sumali sa mga singing contest. Medyo nahihiya kasi ako kapag nasa stage na, okay lang sana kung may kasama ako.
"Baka dahil marunong ka kumunta, kami hindi," bwelta ni paul.
Tingnan mo 'tong lalaking 'to, nambabasag pa. Upakan ko na kaya ito.
"Sige na 'te, sali ka. Yung blind audition namin gaganapin dun sa office ng department org natin. Ten pesos ang audition fee tapos may fi-fill-up-an kayo na form. Tatlo ang category ng Adfactor: single, double saka group na may five member. Pwede ding acapella or may musical instruments ang audition niyo.
"Uy, samahan niyo naman ako sa loob," sabi ni Nadine sa mga kasamahan niya. Nagtutulakan pa na pumasok ang mga ito. Nasulyapan ko si CJ na naka-blue shirt pa, hawak-hawak ang mga forms. "Okay, sino po ang gusting sumali? Magbibigay na kami ng form tapos isu-submit niyo na lang pag nag-auditon na kayo. Try niyo lang, baka manalo kayo ng cash prize."
"Magkano ba?" sabi ng isa.
"Basta malaki."
"Sinu-sinong judge?"
"Malalaman niyo na lang."
"Nelle, may pera daw, dali sali ka na. Pang-fund din 'yon," sabi ni Kim.
"Ayoko talaga. Sasali lang ako kapag sumali kayo."
"Ano ba 'yan, Nelle. Kung ako lang may ganyang talent, sasali talaga ako," si Paul ulit.
"E ang kaso wala," bara ni Sychelle. Natawa ako.
"CJ, abutan mo nga si ate na naka-checkered ng form. Sasali na yan," utos ni Nadine.
Nataranta ako. Lalapit si CJ! Wait. Di talaga ako sasali. Paulit-ulit na umiling-iling ako. Pero nang makalapit na siya sa akin, maamoy ko uli ang kanyang pabango, wala na, bumigay na bataan, bhe. Chos!
Good luck na lang sa akin.
Araw ng audition. Kinakabahan ako habang hinihintay 'yong turn ko na sumalang sa blind audition. Ayoko talaga ang feeling ng mga ganito 'pag sumasali-Sali sa mga agnitong mga contest.
"'Wag ka kabahan, Nelle. Dito lang kami, support sa'yo," sabi ng mga kaklase ko.
"Kasi, e. Ba't di pa kayo sumali, samahan nyo ako," balik ko sa kanila.
"Kaya mo na 'yan, sos," sabi ni Cess.
Mayamaya lumabas yung isa sa mga organizer ng contest. "Ready ka na?" tanong niya, sabay tango ko naman. "Good. Pasok na, ate, and go for the gold!"
Pumasok ako sa section ng org office na may tabing na itim na tela. Sa likod daw nun ay yung mga judges. Hindi daw kami makikita so pure talent lang talaga ang makakapasa sa audition.
Bumuga ako ng hangin pang-tanggal ng kaba.
"Start when you're ready, okay?" sabi sa akin ni Nadine.
Syemay! Kinakabahan talaga ako, huhu...
1... 2... 3...
"Sa gilid ng mga mata, tinitingnan kita..."
Umpisa ko sa kanta ng Moonstar88 na Gilid. Sakto namang nasulyapan ko si crush na nakaupo sa gilid ng audition section. Oh boy...
"Nakakainis ka kahit walang ginagawa...
Para akong natunaw....
Ramdam ko na nakatitig sya sa akin. Na nakumpirma ko nga dahil ng bumaling ako sa dereksyon nya, nagkasalubong ang tingin namin.
"Please naman, 'wag ka sanang manukso....
Natutuwa lang ako sa katulad mo...
Then I sang the chorus. After nun, ngumiti sya sa akin at tinanguan ako. Dahil doon, nakalimutan ko tuloy yung susunod na line ko.
"Kanina lang kausap ka para akong tuod," dugtong ni crush. Ngayon ko lang sya narinig na kumanta, at di ko alam may boses pala ito sa pagkanta. Sa pagka-amaze ko pinakinggan ko na lang sya.
"Di makakilos, naninigas mga tuhod. Napipipi pag meron dapat na itatanong. Para akong natunaw.... "
Di ko alam pero pakiramdam ko nakikipag-usap sya sa akin gamit lyrics ng mga kanta. Parang may gusto syang ipahiwatig.
"Please naman, wag ka sanang manukso," sabay naming kinanta ang linya na yun ng magkatitigan....
Hindi ko alam kung paano natapos yung audition na 'yon. Nalaman ko na lang nasa labas na ako, at pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko.
"Hey," untag sa akin. Si CJ. "Ang galing mo kanina sa loob. Congrats," sabay abot niya ng kamay sa akin para batiin ako."
"Thanks," sabi ko sabay abot ng kamay nya.
And yes, may sparks po.
"Libre ka ba mamaya?"
I smiled for an answer. :D
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top